Ang golden hourglass ay bumaliktad, at may ten grace points na lang ang natitira doon. Ang Builder Pill ay nagpakita sa harap ni Wilbur.Tumingin siya sa Emperor’s Whisper at umalis siya ng demiplane habang hawak ang pill.Nang mapansin na maaga pa, iniom niya agad ang pill at nagsimula siyang mag meditate.Nang lumipas ang oras, ang katawan ni Wilbur ay umilaw ng may iba’t ibang kulay habang ang kwarto niya ay napuno ng makapangyarihang energy.Ang makulay na ilaw ay naglaho na sa gabi, at si Wilbur ay mabagal na dumilat.Tuwang tuwa siya, napagtanto niya na nag level up na siya.Pagkalipas ng mga taong yun, stuck pa rin siya sa unang stage ng Dragon’s Chant.Walang tigil siya sa pag meditate, at sa tulong ng Builder Pill, umabot na siya sa second stage.Naramdaman ni Wilbur na ang Dragon Crystal niya ay naging doble ang laki. Ibig sabihin nito ay kaya niya pang mag store ng mas maraming spirit energy.Bukod pa dito, kaya ni Wilbur na mag cast ng low hanggang mid-level spells
Naiintindihan niya na ngayon na hindi ito isang ordinaryong pagtitipon.Umupo si Wilbur sa tabi ni Nancy, tumingin siya ng masama kay Reggie. “Mr. Class President, akala ko ba ay isa itong pagtitipon ng mga classmate. Hindi ko kilala ang lalaking ito. Nasa class ba natin siya?”“Ah, hindi nakarating ang ibang mga classmate natin. Ito si Mr. Wade Lynch, mula sa Youthful Travel Agency. Nagkataon na day off niya ngayon, kaya inimbita ko siya na sumama. Ang travel agency ni Mr. Lynch ay may higit sa sampung branches sa buong bansa. Ito ay may halaga na ilang daang million dollar! Maswerte ako na nakuha ako bilang general manager ng Seechertown branch, kaya wag kayong mahiya na kausapin ako kung may plano kayong mag bakasyon sa darating na panahon.” Walang tigil sa papuri si Reggie.Ang tatlong ibang classmates ay ngumiti ng masaya, nakipag usap sila kay Mr. Lynch.Ang lahat ay isang regular na white-collar worker, at ang ilang hundred million dollars ay parang isang malaking halaga sa
Napuno ng inis ang tingin ni Wade, ngunit mabilis itong napalitan ng isang ngiti habang lumingon siya para tumingin kay Wilbur. “Ano ang itatawag ko sayo, sir?”“Ang apelyido ko ay Penn,” Ang sabi ni Wilbur.Tumango si Wade. “Mr. Penn, nice to meet you. Pwede ko bang itanong kung ano ang trabaho mo?”“Wala akong trabaho.”“Hindi ka pa rin nakakahanap ng trabaho, Wilbur?” Tumawa ang isa sa mga classmate ni Rainie Lark.Ngumiti si Wilbur. “Oo, wala naman akong magagawa tungkol dito.”Tumawa ang ibang mga classmate. Kahit na hindi nila nilalait si Wilbur, halata na hindi mataas ang tingin nila kay Wilbur.Nagbuntong hininga si Nancy. Mawawala sa isip ang mga babaeng ito kapag nalaman nila kung sino talaga si Wilbur.Simple lang ang mga bagay noon. Ang pagkakaibigan nila ay dating puro.Tila ang lahat ay nagbago simula noong pumasok sila sa lipunan, at ang ilang tao ay nagbago na higit pa sa inaasahan ni Nancy.Sa sandaling yun, tinaas ni Reggie ang baso niya at sinabi niya, “Guy
Nataranta si Reggie sa mga salitang yun. Tutal, si Wade ay ang boss niya. Ang kinabukasan ni Reggie ay nasa palad ng lalaking ito.Niyaya niya si Reggie sa pagtitipon na ito upang umakyat ng posisyon, ngunit naging masama lang ito para sa kanya. Ngayon at galit na si Wade, baka mapunta pa sa mas malaking gulo si Reggie.Lumapit si Reggie kay Nancy at binulong niya, “Nancy, pwede bang gawin mo ito para sa akin? Mawawala ang trabaho ko kapag sumama ang loob ni Mr. Lynch.”Nagbuntong hininga si Nancy. Hindi maitatanggi na naging classmates sila, at naisip niya na obligado siyang tumulong. “Sasama rin pala si Wilbur. Hindi ako sasama kung wala siya.”Alam ni Nancy na may mali, ngunit naisip niya na walang dapat katakutan basta’t kasama niya si Wilbur.Desperadong tumingin si Reggie kay Wilbur.Umiling si Wilbur at sinabi niya, “Sige, pumunta na tayong lahat at magsaya tayo.”Hindi niya magawa na tumanggi kay Nancy.Agad na gumaan ang loob ni Reggie. “Sige, tara na! Isang magandang
Ito rin ang unang beses na susubukan ng mga babae na maglaro, at masaya silang tinuturuan kung paano.Nagpatuloy si Reggie sa pagbibigay puri, at nagsasaya si Wade kasama ang tatlong mga babae.Nanatili sina Wilbur at Nancy sa cart, nag uusap ng paminsan minsan. Hindi nila pinansin ang iba.Hindi nagtagal, malakas ang naging swing ni Wade at ang bola ay lumipad ng may kalayuan.Ang lahat ay sumakay sa cart, at ang caddy ay pumunta sa lugar kung saan bumagsak ang bola.Sa oras na yun, sinabi ni Wade kay Nancy, “Bakit hindi mo rin ito subukan? Maganda ito para sa katawan.”“Pasensya na, hindi rin ako marunong maglaro,” Ang mabait na sinabi ni Nancy.Tumawa si Wade. “Walang problema! Nandito ako para turuan ka.”“Ayos lang ako,” Tumanggi si Nancy.Gayunpaman, halata na naiinis si Wade. Interesado siya kay Nancy, ngunit buong gabi na kasama ni Nancy si Wilbur at hindi siya pinapansin ni Nancy.Hindi nagtagal, huminto ang caddy kung saan bumagsak ang bola. Bumaba si Wade para luma
Wala sa mood si Wilbur para makialam sa problemang ito at ngumiti lang siya. “Wala ito. May naisip lang akong isang nakakatawang bagay.”Galit na galit din si Wade, dahil hindi pa siya sinigawan ng ganito noon. “Walang hiya ka! Tingnan natin kung ano ang kaya mo para patalsikin ako mula dito.”Mabilis na lumapit ang manager para bumulong sa tainga ni Wade, “Mr. Lynch, ito po si James Chuke mula sa Woodstown. Nasa oil at gas industry po siya, at ang net worth niya ay nasa billions.”“Walang hiya ang isang hindi taga-dito na isipin na pwede niya gawin ang kahit ano sa Seechertown? Ano ngayon kung may pera siya?”Kahit na ang lalaking ito ay may mas mataas na net worth kaysa kay Wade, hindi aatras si Wade. Tutal, nasa Seechertown sila, hindi sa Woodstown.Gayunpaman, nagpatuloy ang manager, “Mr. Lynch, hindi niyo po ito dapat ituloy. Makapangyarihan po an mga bodyguard ng lalaking ito. Lagi niya po sinasabi sa akin na ibigay ang lugar sa kanya kapag nandito siya at binubugbog niya po
Sinasabi lang ito ni Wilbur upang matapos na sa pagtatalo ang parehong partido.Bukod pa dito, ang mga classmate niya ay karaniwang mga tao lang. Ayaw ni Wilbur na madamay sila sa walang kwentang away ng mga mayaman.Ang isang karaniwang tao ay magkakaroon ng malaking takot at imahinasyon kapag nasaksihan nila ito, at baka makaapekto pa ito sa buhay nila pagkatapos nito.Sa kasamaang palad, narinig ni Wade ang mga sinabi ni Wilbur at lumingon siya ng mabilis, “Hoy, pwede ka nang lumayas kung takot ka. Walang kahit ano sa Seechertown ang hindi ko kayang harapin.”Nagkibit balikat si Reggie. Wala na siyang magagawa.Nagbuntong hininga si Wilbur, bumalik siya sa cart niya habang tumingin siya sa mga bodyguard ni James.Ang dalawang lalaki ay may magandang katawan, at sila rin ay mga Aura level cultivator. May isa pang mas payat na lalaki, at ito siguro ang secretary ni James.Ngunit ang dalawang bodyguard ay may sapat na kapangyarihan para ituring na isang panganib. Kung wala sa mg
Pinanood ni Nancy at tinanong ni Wilbur, “Pwede ka ba makialam? Takot ang mga classmate natin.”Nagbuntong hininga si Wilbur at sumagot siya, “Tingnan mo sila. Sino ang makakapigil sa kanila? Natatakot ako na hindi matatapos ito kapag hindi sila nakabawi.”“Ano bang dapat nating gawin?” Medyo nag aalala si Nancy.Sumagot si Wilbur, “Wag kang mag alala. Pangako ko na hindi masasaktan ang classmates natin. Para naman kay Wade, hayaan mo lang siya na gumawa ng eksena.”Tumango siya ng tahimik. Hindi mahalaga para sa kanya basta’t ligtas ang mga classmates niya. Hindi niya rin naman gusto sina Wade at James.Tumawag ulit si James sa tabi at binaba niya ito pagkatapos makipag usap.Tinanong ng secretary niya sa tabi niya, “Mr. Chuke, gusto niyo po bang papuntahin si Mr. Lilith? Hindi ba’t sobra na po ang sitwasyon?”Malamig na sumagot si James, “Ano ang alam mo? Isang pagsubok din ito. Hindi natin kailangan makipag cooperate kung hindi niya kaya harapin itong maliit na bagay. Ang rea
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P
Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila
Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a
Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga
Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf