Share

Kabanata 295

Mabilis na sinabi ni Dom, “Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa inyo. Gusto ko lang siguraduhin dahil importante ito.”

“Wag kang mag alala. Naiintindihan ko kung bakit ka nagiging maingat. Tutal, mahal ang jade statue. Dinala mo ba ang necklace?” Ang tanong ni Wilbur ng nakangiti.

Mabilis na nilabas ni Sammy ang necklace mula sa purse niya at pinasa niya ito kay Wilbur. Hindi niya na sinuot ang necklace simula noong kinumpirma ni Wilbur na may problema ito.

Gusto niya itong itapon, ngunit naisip niya na magiging mahirap kung kailangan niya ang necklace para sirain ang sumpa, kaya itinabi niya ito ng malayo sa kanya.

Kinuha ni Wilbur ang necklace at nilagay niya ang spirit energy niya sa red ruby pendant.

Ang sumpa ay agad na lumaban gamit ang negative energy. Gayunpaman, agad itong natalo ni Wilbur dahil sa malakas niyang spirit energy.

Noong mawala ang sumpa gamit ang spirit energy niya, may nakita rin siya sa kanyang isip.

Nakita niya ang isang babae na may suot na pulang da
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status