“Si Constantine. Cardinal ng Church of Holy Illuminati. Nakipagtalo siya sa mga higher-up ng church noong limang taon na ang nakaraan at may sabi-sabi pa na nakipaglaban siya ng malupit laban sa mga judge na nag sentensya sa kanya. Inexpell siya ng Pope mula sa church, pero hindi tinanggal ang titulo at kapangyarihan niya bilang Cardinal. Naglilibot siya sa mundo pagkatapos nito at pumasok siya sa Dasha noong nakaraang dalawang tao.“Hinayaan siya na pumasok sa bansa?”“Tama. Ang Church of Holy Illuminati ay isang legal na organization, at ang pagkakakilanlan ng mga miyembro nila ay legal din. Si Constantine ay isang Sanctuary level cultivator, at binabantayan namin siya noon. Pero walang hindi ordinaryo na nangyari, at tumutulong pa siya na maghilom at magligtas ng mga tao sa mga mahihirap na lugar. Hindi na namin siya binantayan pagkatapos nun.”“Ah, ganun ba. Sige. Salamat, Beverly.”“Trabaho ko lang ito, sir.”“Bye.”“Goodbye. Sa susunod ulit.”Ibinaba ni Wilbru ang phone, a
Isa itong disyerto na walang makikitang tao sa loob ng thousand-kilometer radius.Ngunit sa gitna ng disyerto ay isang nakakatakot na lugar.Ito ay ang Skeleton Fields, nabubuo ng maraming mga kalansay.Sa gitna ng Skeleton Fields ay may trono na gawa sa mga bungo.May matangkad na tao na nakaupo skull throne, nakasandal sa armrest ng trono na para bang natutulog.Ang tao ay may suot na pulang cloak, ang mukha niya ay natatakpan ng hood ng cloak, kaya mahirap makita ang kanyang mukha. Tila parte na siya ng skull throne at ng Skeleton Fields ng may hindi malamang oras.HIndi nagtagal, may isang matanda na suot ang gray robes ang lumapit sa skull throne sa tulong ng tungkol nito na gawa sa mga buto, at pagkatapos ay lumuhod ito.“Oh makapangyarihang Blood God, ang evolution ng seventh Blood Embryo ay nabigo at naglaho.”Hindi kumibo ang lalaking nasa skull throne. Tumunog ang isang malalim na boses.“Ganun ba? Mukhang walang kahit sino ang may sapat na kapangyarihan para sa kapa
Kumunot ang noo ni Wilbur. “Anong problema?”“May mga tao na masyado marami ang nainom, at magsisimula na silang mag away,” Ang sagot ni Faye.“Pupunta na ako dyan.”Binaba ni Wilbur ang baso at naghanda na siyang umalis. Mabilis na sumunod si Faron sa likod niya.Pareho silang pumasok sa kotse at nag drive diretso sa stadium.Ang concert ay medyo maliit lang. Naganap ito upang ipromote ang bagong commercial district project ng Cape International.Gayunpaman, mayroon pa ring libo-libong mga manonood sa venue. Magkakaroon ng gulo kapag may naganap na problema.Dumiretso sina Wilbur at Faron sa stadium at pinapasok sila sa backstage nang makumpirma ang pagkakakilanlan nila.Kinakausap ni Faye ang isang magandang babae.Tumuro si Faron sa babae. “Yun si Sammy Shandon.”Tumango si Wilbur. Pumunta siya sa entablado, tumingin siya sa madla.Ang tanging nakita niya ay puno ng emosyon ang mga madla, sumisigaw para sa isang refund.Ginagawa ng mga security guard ang makakaya nila pa
“Ano? Aarestuhin niyo ba talaga ako? Binabalaan ko kayo! Wag niyo akong kakalabanin.” Hindi rin nagpapatalo si Barry.Sa oras na yun, binulong ni Jose sa tainga ng leader, “Siguraduhin niyo lang na umalis siya. Hindi gusto ni Ms. Yves ng mas maraming gulo mula sa maliit na bagay na tulad nito.”Tumango ang leader, at sinabi nito kay Barry, “Ihahatid na kita palabas, pero hindi ako magiging mabait kapag gumawa ng mas maraming gulo.”Nangutya si Barry, pagkatapos ay tumalikod siya para umalis.Ang leader ay sumunod malapit sa likod ni Barry hanggang sa nasa labas na sila ng stadium.Suminghal si Wilbur. Ang ilang mga tao talaga ay iniisip na kaya nila gawin ang kahit ano dahil lang may konting pera sila.Lumabas ng lounge si Jose, nagmamadali siyang yumuko kay Wilbur.Tinapik ni Wilbur si Jose sa balikat. “Hindi na masama.”“Trabaho ko lang po ito,” Ang agad na sabi ni Jose.Ngumiti si Wilbur at pumunta siya sa backstage kasama si Jose.Sa oras na yun, sumang ayon na si Sammy n
“Oh, talaga?” Ang tanong ni Wilbur.Tumango si Faron. “Oo.”Tumahimik si Wilbur bago niya sinabi. “Hindi ito legal. Wala ka bang gagawin tungkol dito?”“Ano naman ang magagawa ko?” Nagkibit balikat si Faron. “Inorganize ito sa ilalim ng legal na paraan. Wala tayong makukuha kahit na mag imbestiga tayo. Bukod pa dito, ang kahit sinong nasa auction ay malamang na may mataas na impluwensya sa system. Sigurado ako na alam mo ang tungkol dito.”Tumawa si Wilbur. Tama, ang lahat ay hindi madali kontrolin.“Kung ganun, ayos lang sa akin na pumunta kung may maganda talaga ito na tulad ng sinabi mo,” Ang sabi ni Wilbur.Ngumiti si Faron. “Ibibigay ko sayo ang contact ni Ted Dominic. Tawagan mo siya pagkatapos ng dalawang araw at dadalhin ka niya doon.”“Kailangan ko tumawag ng isang tao para dito?” Ang tanong ni Wilbur.“Syempre. Ang isang hindi legal na auction na ganito ay hindi bukas para sa lahat. Si Ted ay isang kilalang broker sa lugar na yun, specialized siya sa pagbibigay ng acc
Syempre, hindi problema kay Wilbur ang pera. Ang mahalaga sa kanya ay ang maging komportable.Umupo siya sa sala ng suite niya at nag dial siy sa number ni Ted. Ang call ay kumonekta at tumunog ang isang boses nang sagutin ito,” Hello?”“Mr. Dominic?”“Ito nga. Sino ito?”“Hi, ako si Wilbur Penn. Nabalitaan ko na may auction na magaganap bukas ng gabi. Pwede mo ba akong tulungan tungkol dito?”“Paano mo nakuha ang number ko?”“Wag na natin itong pag usapan. Gagawin natin ito base sa patakaran.”“Basta’t alam mo ang patakaran. One hundred thousand dollars.”“Walang problema, kailan tayo pwede magkita?”“Nasaan ka?”“Sa The Starry Hotel.”“Alas otso, sa tabi ng pond sa hotel garden.”“Sige.”Natapos ang call, at tumawa si Wilbur.Kakaiba ang lalaking yun, nag demanda ng one hundred thousand dollars ng direkta. Umaasa si Wilbur.Tumingin siya sa relo niya. Higit lang ito sa lima, kaya nagpahinga ng konti si Wilbur bago siya dumiretso sa baba para kumain. Dumating siya sa ho
Tumayo si Wilbur sa harap ni Sammy, hinarangan niya ang mga lalaking yun sa panghahamak kay Sammy.Agad na ngumisi si Barry nang makita niya yun. Tinanongn iya, “At sino ka naman? Walang hiya ka para makialam sa mga problema ko?”“Hindi mo pa ba narinig ang kasabihan na ‘Kapag wala kang pinapanigan sa sitwasyon ng hindi makatarungan, nasa panig ka ng hindi makatarungan’?” ANg tanong ni Wilburng walang pakialam.Hindi niya gusto makialam, ngunit sumosobra na si Barry. Baka hindi niya ito papansinin kapag hindi niya ito alam, ngunit hindi tama kapag tumayo lang siya at pinanood ito na mangyari sa harap niya.Bukod pa dito, si Sammy ay gumawa ng promotional concert para sa Cape Consortium. Kapag napunta siya sa isang iskandalo, ang promotional efforts ay magiging isang malaking biro.Tumawa si Barry nang marinig niya ang sinabi ni Wilbur. Tumuro siya kay Wilbur at sinabi niya, “Sige, ikaw ang unang tao na may lakas ng loob na makialam sa problema ko sa loob ng Toneville. Bugbugin niy
Nagbuntong hininga ang babae at sinabi niya, “Sammy, hindi ka katulad noong limang taon na ang nakaraan. Marami siyang ginastos na pera para i-hire ka, pero hindi ka nagpapakita ng kahit anong respeto sa kanya. Nahihirapan ako bilang agent mo.”“Ms. Lawson, hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Pwede na ba natin kalimutan ang tungkol sa ngayong gabi?” Ang tanong ni Sammy ng nakakunot ang noo.Nagbuntong hininga si Ms. Lawson at naglakad siya patungo kay Barry. Ngumiti siya ng humihingi ng tawad at sinabi niya, “Mr. Lance, hindi po maganda ang pakiramdam ni Sammy. Dapat po natin icancel ang dinner party ngayong gabi. May performance po siya bukas ng gabi. Ano sa tingin niyo ang samahan niya kayo pagkatapos niya magpahinga?”Hindi pinansin ni Barry si Ms. Lawson at tumingin siya kay Wilbur, nagbigay siya ng babala, “Tatandaan kita. Magkikita din agad tayo.”Pagkatapos nito, tumalikod siya at umalis. Si Ms. Lawson at ang mga assistant niya ay mabilis na sumunod sa likod ni Barry at
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P
Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila
Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a
Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga
Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf