Tumayo si Wilbur sa harap ni Sammy, hinarangan niya ang mga lalaking yun sa panghahamak kay Sammy.Agad na ngumisi si Barry nang makita niya yun. Tinanongn iya, “At sino ka naman? Walang hiya ka para makialam sa mga problema ko?”“Hindi mo pa ba narinig ang kasabihan na ‘Kapag wala kang pinapanigan sa sitwasyon ng hindi makatarungan, nasa panig ka ng hindi makatarungan’?” ANg tanong ni Wilburng walang pakialam.Hindi niya gusto makialam, ngunit sumosobra na si Barry. Baka hindi niya ito papansinin kapag hindi niya ito alam, ngunit hindi tama kapag tumayo lang siya at pinanood ito na mangyari sa harap niya.Bukod pa dito, si Sammy ay gumawa ng promotional concert para sa Cape Consortium. Kapag napunta siya sa isang iskandalo, ang promotional efforts ay magiging isang malaking biro.Tumawa si Barry nang marinig niya ang sinabi ni Wilbur. Tumuro siya kay Wilbur at sinabi niya, “Sige, ikaw ang unang tao na may lakas ng loob na makialam sa problema ko sa loob ng Toneville. Bugbugin niy
Nagbuntong hininga ang babae at sinabi niya, “Sammy, hindi ka katulad noong limang taon na ang nakaraan. Marami siyang ginastos na pera para i-hire ka, pero hindi ka nagpapakita ng kahit anong respeto sa kanya. Nahihirapan ako bilang agent mo.”“Ms. Lawson, hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Pwede na ba natin kalimutan ang tungkol sa ngayong gabi?” Ang tanong ni Sammy ng nakakunot ang noo.Nagbuntong hininga si Ms. Lawson at naglakad siya patungo kay Barry. Ngumiti siya ng humihingi ng tawad at sinabi niya, “Mr. Lance, hindi po maganda ang pakiramdam ni Sammy. Dapat po natin icancel ang dinner party ngayong gabi. May performance po siya bukas ng gabi. Ano sa tingin niyo ang samahan niya kayo pagkatapos niya magpahinga?”Hindi pinansin ni Barry si Ms. Lawson at tumingin siya kay Wilbur, nagbigay siya ng babala, “Tatandaan kita. Magkikita din agad tayo.”Pagkatapos nito, tumalikod siya at umalis. Si Ms. Lawson at ang mga assistant niya ay mabilis na sumunod sa likod ni Barry at
Nainis si Sammy. Bumalik siya sa kanyang penthouse suit at humiga siya. Naguguluhan siya.Naging malas siya nitong nakalipas na mga taon. Hindi sumikat ang mga record niya, at patuloy ang pagkalaos niya. Mas lalong bumababa ang mga fee sa kanyang appearance, sa punto na halos hindi siya makaabot sa quota. Balisa at malungkot siya dahil sa sitwasyon niya.‘May kinalaman ba talaga ito sa necklace?’ Ang naisip ni Sammy.Tinanggal niya ang necklace. Isa itong platinum necklace na may red ruby pendant.Naalala niya noong siya ay nasa tuktok ng kasikatan niya. Ang best friend niya, na siyang isa ding singer, ay gumastos ng maraming pera sa necklace noong pumunta ito sa Ryland. Kumuha din ito ng monghe para basbasan ang kwintas para sa swerte at tagumpay.‘Mabait ang best friend ko sa akin. Paano nangyari na ang pagbagsak ng career ko ay may kinalaman sa necklace na ito?’Pinag isipan niya ito, pagkatapos ay sinuot niya ulit ang kwintas. Ito ay simbolo ng pagkakaibigan nila, kaya hindi
Naglakad sila papunta sa hotel at sumakay sila ng elevator papunta sa rooftop.Ang rooftop ay isang banquet hall. May mga lalaking nakasuot ng itim na suit ang nakatayo sa entrance ng elevator lobby. Marami silang nasa corridor at nakakatakot ang presensya nila.Klaro na sarado ito sa publiko.Pinigilan sila ng mga tao na yun sa oras na lumabas sila ng elevator. Lumapit si Ted at sinabi niya, “Kasama ko siya, at siya ang boss. Ako ang may garantisa sa kanya.”Tila madalas dito si Ted at pamilyar siya sa lugar. Ang leader ng mga bodyguard ay tumingin kay Wilbur, tumango, at pinayagan siya na pumasok.Tumingin si Wilbur sa walang hanggan na linya ng mga lalaking nakasuot ng itim na suit habang nag lakad siya. Sinabi niya, “Mukhang may reputasyon ka dito.”“Marami na akong ginagawa sa Toneville simula pa noong bata ako. Ang lahat ng nandito ay nagpapakita ng respeto sa akin.”Tumango si Wilbur. Ang mga tao na tulad ni Ted ay hindi mataas ang katayuan, ngunit marami siyang koneksyon
Tumawa si Wilbur nang marinig niya ito at tinanong niya, “Sino ka ba? Kailangan ba kitang makilala?”Ang mga salita niya ay agad na gumawa ng kaguluhan sa madla.Ang magkapatid na Lance ay kilalang kilala. Si Xavier Lance ay nasa mafia na simula pa noong bata siya, at sikat siya sa pagiging malupit niya.Marami na siyang nakaharap na expert na nagturo sa kanya kung paano lumaban noong teenager siya, at naging pambihira ang kakayahan niya sa pakikipaglaban. Namuno siya sa Toneville simula noon, at walang kahit sino ang lumaban sa kanya.Ang kuya niya, si Barry Lance, ay isang tuso at ginamit niya ang reputasyon ng mas batang kapatid niya sa lansangan upang pumasok sa mundo ng business. Marami na siyang pinag daanan, at sa huli ay binuo niya ang Lance financial empire.Ang magkapatid na Lance ay nagpapatakbo ng Toneville simula pa noong inannounce ni Saul Mendes ang retirement nito at namuhay ng tago.Ang kahit sinong businessman sa Toneville ay yumuyuko sa magkapatid, kahit na ano
Nagalit si Xavier sa sagot ni Wilbur at inutusan niya ang mga tauhan niya, “Patayin niyo siya!”Ang daan-daang mga lalaki na may suot na itim na suit na pinalibutan si Wilbur habang nilabas nila ang mga espada nila.Mukhang balak nilang hiwain ng pira-piraso si Wilbur.Agad na namutla si Sammy, at nanghina ang mga binti niya. Hindi na nanood pa ang madla at lumingon sila palayo.Biglang may taong sumigaw sa pinto, “Dumating si Saul Mendes.”Nabigla ang lahat ng marinig nila ito. Tumayo silang lahat para manood. Mabilis din na pinigilan ni Xavier an mga tauhan niya at dumiretso siya sa pinto.May payat na matandang lalaki na may suot na puti ang mabagal na pumasok kasama ang isang mas bata na lalaki.Yumuko ng nakangiti si Xavier. Tinanong niya, “Mr. Mendes, bakit po kayo pumunta ng hindi ako sinabihan? Sinundo ko po sana kayo.”Ang matandang lalaki na si Mr. Mendes ay kumaway lang at sinabi, “Hindi na kailangan na gawin ito. Nabalitaan ko na may magandang item na dumating sa au
Natakot si Sammy. Gusto niya lang na matapos na ito, pagkatapos ay aalis na siya sa lugar na ito. Kahit kailan ay hindi na ulit siya pupunta sa Toneville.Kumunot ang noo ni Wilbur at tumingin siya sa magkapatid. Sinabi niya ng mabagal, “Inaalok ko kayo ng dalawang pagpipilian. Una, ibigay niyo sa akin ang two hundred million dollars, ang bronze sword, at bitawan niyo si Sammy Shandon. Sa ganun, pagbibigyan ko ang lahat ng ito. Pangalawa, kukunin ko si si Sammy at ang Bronze sword, at hahayaan ko kayong mabuhay kapag nagbayad kayo ng five hundred million dollars bilang kabayaran. Pumili kayo ng mabuti.”Nabigla ang magkapatid na Lance. Hindi rin makapaniwala ang mga audience.‘Nagbibiro ba talaga ang lalaking ito sa puntong ito? Gusto niya ba talagang mamatay?’Sumigaw si Sammy, “Nababaliw ka na ba? Gusto mo ba akong patayin?”Biglang dumilat si Saul para tumingin kay Wilbur. Pagkatapos, mabagal niyang sinara ang mga mata niya at nagpahinga ulit siya.Nabigla ang magkapatid na La
“Argh!”Agad na lumipad palayo si Xavier. Patuloy siya sa pag ubo ng dugo bago siya tumama sa pader sa likod niya at nabasag ito sa impact. Ang katawan niya ay mabagal na bumagsak papunta sa sahig.Suminghal ng malamig si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang mga kamay niya. Tumingin siya ng malamig kay Xavier na siyang walang malay sa sahig.Ang lahat ay nabigla at tumingin kay Wilbur ng hindi makapaniwala. Ito ay para bang nakakita sila ng isang multo.May ilang tumayo dahil nabigla sila. Nahimatay si Ted dahil sa takot.Hindi makapaniwala si Barry na natalo ni Wilbur ang kapatid niya sa isang suntok lang.Nabigla siya, napuno siya ng takot sa puso niya. Napabitaw siya sa kamay niya na sumasakal kay Sammy.Tinakpan ni Sammy ang bibig niya sa gulat. Tumingin siya ng hindi makapaniwala kay Wilbur. ‘Hindi ako makapaniwala! Posible ba ito para sa isang tao?’Biglang dumilat si Saul at tumingin siya ng gulat kay Wilbur. Tila nagulat siya at malalim ang kanyang iniisip.Naka
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P
Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila
Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a
Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga
Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf