Biglang naging pula ang mga kidlat mula sa Holy Wave of Thunder habang lumakas ang kapangyarihan ng mga kidlat.Ang mga lightning bolt ay tumama sa lawa ng dugo, bumula ang dugo at nag evaporate. Sa loob lang ng ilang minuto, ang lawa ay natuyo na.Sumigaw ng malakas si Suelyn, ang malaking katawan niya ay nagsimulang lumiit habang ang kapangyarihan niya ay nabawasan.Sa oras na yun, sumigaw si Eileen habang ang sampung libong mga espada sa ere ay tumusok at tumagos kay Suelyn.Nilabas ni Suelyn ang espada niya, sinusubukan na isangga ang mga atake ni Eileen, ngunit marami pa ring mga espada ni Eileen ang tumagos sa katawan ni Suelyn.Kasabay nito, ang holy flame ni Constantine ay sumunog ng isang malaking butas sa baywang ni Suelyn.Nayanig si Syuelyn at bumagsak siya, ang katawan iya ay mabilis na lumiit. Sa huli ay mukha na siyang isang tao, nakahiga sa lupa at hindi kumikilos.Ang barrier ng Sea of Blood ay naglaho habang sina Eileen at Constantine ay nakahinga ng maluwag. T
Dumilim din ang ekspresyon ni Eileen.Ngunit mabilis siyang bumalik sa sarili, ngumiti siya. “Nagbibiro lang ako! Sige na, wala naman akong pakialam sa mga bagay na ito. Pwede mo na itong kunin kung gusto mo.”Ngumisi ng malamig si Constantine, tumalikod siya.Tumawa si WIlbur. Tumalon siya papunta sa lawa at kinuha niya ang Blood Embryo, pagkatapos ay hinagis niya ito papunta sa kanyang demiplane bago siya bumalik sa itaas.Tatlo silang naglakad patungo kay Suelyn.Bumalik si Suelyn sa kanyang orihinal na anyo, isang magandang babae na may nakakaakit na katawan. Ngunit ang mukha niya ay namutla, at ang katawan niya ay puno ng sugat. Siya ay nasa kanyang hininga.“Buhay pa rin siya?” Ang sigaw ni Eileen.Nagbuntong hininga si Constantine. “Hindi ito magtatagal.”Sa oras na yun, tumingin si Suelyn sa kanilang tatlo habang tumawa siya ng hirap. “Nakalaya na rin ako. Salamat.”Pumikit siya pagkatapos nito, ito na ang huling hininga niya.Kumunot ang noo ni Wilbur sa bangkay ni S
Ang araw ay halos sumikat na sa oras na bumalik sina Wilbur at Ryder sa Sealake Island.Nilabas ni Wilbur ang Strongwill Pill at nilunok niya ito. Ang pill ay maganda upang mapalakas ang katawan para siya ay hindi maapektuhan ng paggamit ng masyadong maraming energy upang hindi siya mag collapse.Pumunta si Ryder sa opisina niya at umupo siya sa harap ng computer niya. Binuksan niya ang isa pang dokumento at nagsimula siyang mag type.Hindi nagtagal pagkatapos nito, may isang report na tinype na may nilalaman:‘Sanctuary level. Mayroong malaking halaga ng spirit energy. Thunder-centric ang kapangyarihan. May uri ng mapulang special energy. Type unknown.’Sinend niya ang report, hinintay niya hanggang sa madeliver ito bago niya ito dinelete sa record. Pagkatapos ay gumawa siya ng isa pang report sa Skull Cult incident.…Sa isang random na hotel.Naligo si Eileen at humiga siya sa kama habang suot ang bathrobe. Nilabas niya ang phone niya, binuksan niya ang isang hidden photo al
“Si Constantine. Cardinal ng Church of Holy Illuminati. Nakipagtalo siya sa mga higher-up ng church noong limang taon na ang nakaraan at may sabi-sabi pa na nakipaglaban siya ng malupit laban sa mga judge na nag sentensya sa kanya. Inexpell siya ng Pope mula sa church, pero hindi tinanggal ang titulo at kapangyarihan niya bilang Cardinal. Naglilibot siya sa mundo pagkatapos nito at pumasok siya sa Dasha noong nakaraang dalawang tao.“Hinayaan siya na pumasok sa bansa?”“Tama. Ang Church of Holy Illuminati ay isang legal na organization, at ang pagkakakilanlan ng mga miyembro nila ay legal din. Si Constantine ay isang Sanctuary level cultivator, at binabantayan namin siya noon. Pero walang hindi ordinaryo na nangyari, at tumutulong pa siya na maghilom at magligtas ng mga tao sa mga mahihirap na lugar. Hindi na namin siya binantayan pagkatapos nun.”“Ah, ganun ba. Sige. Salamat, Beverly.”“Trabaho ko lang ito, sir.”“Bye.”“Goodbye. Sa susunod ulit.”Ibinaba ni Wilbru ang phone, a
Isa itong disyerto na walang makikitang tao sa loob ng thousand-kilometer radius.Ngunit sa gitna ng disyerto ay isang nakakatakot na lugar.Ito ay ang Skeleton Fields, nabubuo ng maraming mga kalansay.Sa gitna ng Skeleton Fields ay may trono na gawa sa mga bungo.May matangkad na tao na nakaupo skull throne, nakasandal sa armrest ng trono na para bang natutulog.Ang tao ay may suot na pulang cloak, ang mukha niya ay natatakpan ng hood ng cloak, kaya mahirap makita ang kanyang mukha. Tila parte na siya ng skull throne at ng Skeleton Fields ng may hindi malamang oras.HIndi nagtagal, may isang matanda na suot ang gray robes ang lumapit sa skull throne sa tulong ng tungkol nito na gawa sa mga buto, at pagkatapos ay lumuhod ito.“Oh makapangyarihang Blood God, ang evolution ng seventh Blood Embryo ay nabigo at naglaho.”Hindi kumibo ang lalaking nasa skull throne. Tumunog ang isang malalim na boses.“Ganun ba? Mukhang walang kahit sino ang may sapat na kapangyarihan para sa kapa
Kumunot ang noo ni Wilbur. “Anong problema?”“May mga tao na masyado marami ang nainom, at magsisimula na silang mag away,” Ang sagot ni Faye.“Pupunta na ako dyan.”Binaba ni Wilbur ang baso at naghanda na siyang umalis. Mabilis na sumunod si Faron sa likod niya.Pareho silang pumasok sa kotse at nag drive diretso sa stadium.Ang concert ay medyo maliit lang. Naganap ito upang ipromote ang bagong commercial district project ng Cape International.Gayunpaman, mayroon pa ring libo-libong mga manonood sa venue. Magkakaroon ng gulo kapag may naganap na problema.Dumiretso sina Wilbur at Faron sa stadium at pinapasok sila sa backstage nang makumpirma ang pagkakakilanlan nila.Kinakausap ni Faye ang isang magandang babae.Tumuro si Faron sa babae. “Yun si Sammy Shandon.”Tumango si Wilbur. Pumunta siya sa entablado, tumingin siya sa madla.Ang tanging nakita niya ay puno ng emosyon ang mga madla, sumisigaw para sa isang refund.Ginagawa ng mga security guard ang makakaya nila pa
“Ano? Aarestuhin niyo ba talaga ako? Binabalaan ko kayo! Wag niyo akong kakalabanin.” Hindi rin nagpapatalo si Barry.Sa oras na yun, binulong ni Jose sa tainga ng leader, “Siguraduhin niyo lang na umalis siya. Hindi gusto ni Ms. Yves ng mas maraming gulo mula sa maliit na bagay na tulad nito.”Tumango ang leader, at sinabi nito kay Barry, “Ihahatid na kita palabas, pero hindi ako magiging mabait kapag gumawa ng mas maraming gulo.”Nangutya si Barry, pagkatapos ay tumalikod siya para umalis.Ang leader ay sumunod malapit sa likod ni Barry hanggang sa nasa labas na sila ng stadium.Suminghal si Wilbur. Ang ilang mga tao talaga ay iniisip na kaya nila gawin ang kahit ano dahil lang may konting pera sila.Lumabas ng lounge si Jose, nagmamadali siyang yumuko kay Wilbur.Tinapik ni Wilbur si Jose sa balikat. “Hindi na masama.”“Trabaho ko lang po ito,” Ang agad na sabi ni Jose.Ngumiti si Wilbur at pumunta siya sa backstage kasama si Jose.Sa oras na yun, sumang ayon na si Sammy n
“Oh, talaga?” Ang tanong ni Wilbur.Tumango si Faron. “Oo.”Tumahimik si Wilbur bago niya sinabi. “Hindi ito legal. Wala ka bang gagawin tungkol dito?”“Ano naman ang magagawa ko?” Nagkibit balikat si Faron. “Inorganize ito sa ilalim ng legal na paraan. Wala tayong makukuha kahit na mag imbestiga tayo. Bukod pa dito, ang kahit sinong nasa auction ay malamang na may mataas na impluwensya sa system. Sigurado ako na alam mo ang tungkol dito.”Tumawa si Wilbur. Tama, ang lahat ay hindi madali kontrolin.“Kung ganun, ayos lang sa akin na pumunta kung may maganda talaga ito na tulad ng sinabi mo,” Ang sabi ni Wilbur.Ngumiti si Faron. “Ibibigay ko sayo ang contact ni Ted Dominic. Tawagan mo siya pagkatapos ng dalawang araw at dadalhin ka niya doon.”“Kailangan ko tumawag ng isang tao para dito?” Ang tanong ni Wilbur.“Syempre. Ang isang hindi legal na auction na ganito ay hindi bukas para sa lahat. Si Ted ay isang kilalang broker sa lugar na yun, specialized siya sa pagbibigay ng acc
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P
Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila
Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a
Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga
Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf