Nakakainis! Hindi ko talaga siya maintindihan! Gusto niya lang makaulit kaya gusto niyang mag-birth control kami! Ganoon ba talaga siya? Kahit pa itanggi niya, gano'n pa rin ang tingin ko sa gusto niyang mangyari! Akala ko ba hindi siya gumagamit ng condom? Bakit kahapon nagpresenta siya na siya na ang magko-contraceptive?
At talagang pinahanda niya nga talaga ang guestroom para sakin. Wala namang problema. Nakakatawa nga lang kasi tingin ko hindi na niya kayang tumabi sakin nang walang mangyayari!
"Nadiyan na ba si Lucas?" tanong ko sa guard nang dumating ako sa mansyon.
Ginabi na ako sa pagpunta rito dahil galing pa ako kina Mama. Sobrang na-miss ko sila kaya nagtagal ako roon. Kinuwento ko na rin kay Mama ang tunay na nangyari sakin sa abroad kahit na hindi niya pa matanggap ang lahat. Pero masaya si Mama dahil nandito na ako at lalo naman si Angge dahil may mga pasalubong.
Kaninang umaga, nagising ako nang wala na si Cosimo sa bahay. Ang sab
Kapag nabuko, saan ako pupulutin? Mabuti sana kung si Lucas lang ang sasalo sa lahat ng ito pero hindi, e. Kasama ako! Ako itong kumikilos sa planong 'to kaya malamang. sa akin ibubuhos ng mga Melgarejo ang galit nila. Anong pwede nilang ibato sakin? Sinungaling? Magnanakaw ng identity? Ilusyunada? Fake? Social climber? Manggagamit? Gold digger? Paano naman kapag nalaman na nila ang tunay na pagkatao ko? Sasabihan na nila akong mukhang pera? B*bo? Hampaslupa? Pokp*k? Mabuti sana kung masasakit na salita lang, kaya ko pang lunukin. Paano kung ipakulong nila ako? "Do you know each other?" Napakurap-kurap ako nang humarap sakin si Cosimo at nagtanong ng ganoon. Sinulyapan ko si Rubio na nakatayo pa rin sa harapan namin at naghihintay lang ng isasagot ko. Wala sa hulog na ngumiti ako kay Cosimo. Maiksi lang ang naging punit ng ngiti ko kaya mapapansin ni Rubio na kinakabahan ako. Bakit ba kasi nandito ang lalaking 'to? Naka-busines
"I already talked to him. He promised to keep quiet and act like he haven't heard anything," ani Rubio na mukhang nagtitiwala sa sekretarya ni Cosimo. Hindi ako nakatulog nang gabing iyon kakaisip kay Ben. Kung may narinig ba siya o wala. Kung may narinig man, hanggang saan? Gaano karami? Buti na lang at nagkita kami ni Rubio rito sa Scores. Ang paalam ko kay Cosimo ay kina Lucas muna ako matutulog. Dinahilan ko rin na pinapapunta ako ni Lucas sa kumpanya niya para magsimula nang magtrabaho roon, pero dumalaw lang talaga ako kina Mama. Nagsabi na ako kay Lucas kung saan talaga ako para kung sakaling hanapin man ako ni Cosimo sa kaniya, mapagtatakpan niya ako. Isa pa, ayaw ko nang pumunta roon sa mansyon nila. Bilin ni Elysia sakin na huwag na raw akong babalik doon. Madali lang naman akong kausap. Si George lang talaga ang pinunta ko rito para sabihin sa kaniyang wala na yung hikaw. Nag-usap kami
"Anong oras na, bakit ka pa pumunta rito?" bungad ko matapos naming maghiwalay mula sa mahigpit na yakap. Maganda ang ngiti niya at talagang nakadikit sakin ang tingin. Na-miss ko siya. "Hindi mo 'ko na-miss?" siya na tunog nang-aasar. Kakasabi ko lang no'n sa utak ko! Natawa na lang ako pero nang maalala ang huling tagpo naming dalawa, nahiya ako. Umiwas ako ng tingin habang nangingiti. Alam ko na ngayon na may gusto siya sakin kaya naiilang ako. Hindi ko na alam kung paano pa siya pakikisamahan. Dapat cool lang ako. Hindi naman kasi siya ang unang lalaki na nagtapat sakin. Ang kaso, may gusto rin ako sa kaniya. "Bakit ikaw? Na-miss mo 'ko?" Binalik ko ang tanong. "Oo syempre." Walang kahirap-hirap niyang sagot. Tinikom ko ang bibig para hindi pumunit nang malaki ang ngiti. Sinilip niya ang mukha ko dahil nakahilig ako sa bar. Hindi ko tuloy naiwasang salubungin ang tingin niya. Nagtaas-baba ang tingin niya sa akin. Sinilip pa niya ang sapatos ko gayung nakaupo kamin
Dalawang Linggo na ang nakararaan simula nang tagpong iyon. Medyo naging malayo ang loob namin ni Cosimo dahil siya na rin ang umiiwas. Pabor na rin naman sakin iyon dahil hindi na niya ako pinapakialaman. Uuwi ako kung kailan ko gusto at gigising kung kailan ko rin gusto. Para lang akong tenant sa bahay niya. Hindi kami nagkakasabay kumain dahil late na ako minsan umuwi sa gabi. Sa umaga, nakaalis na siya bago pa ako magising. May mga pagkakataon naman na naaabutan niya ako sa sala, nanonood ng TV, pag-uwi niya galing sa trabaho. Tuwing umaga, lagi kaming magkasama ni Lucas. Pinapapunta niya ako sa office niya para ituro ang mga basic information sa cruise line. Paraan na rin niya iyon para hindi magtakha ang mga Melgarejo sa career ko. Kung palagi akong nasa bahay, nasaan ang patunay na nagtatrabaho ako sa kumpanya ni Lucas? "Chef, si Cosimo?" Bumaba na ako sa kusina pagkagising ko sa umaga. Maaga akong nag
Nakakapagod. Sa loob ng tatlong araw, pag-uwi ni Cosimo, nagpanggap akong wala lang. I didn't confront him or even point a finger at his face. Naging kalmado ako, mababa ang boses at malumanay sa mga nagdaang araw. It drains me. Pakiramdam ko isa akong malaking duwag para hindi ihayag ang totoong nararamdaman. Galit ako. Iyon lang. He said we should mind our own business. Pinapangatawanan naman niya iyon habang ako... sinusubukan pa lang. I wanted to lash out at him and ask about Frida but then... I refrained. Gusto ni Lucas na pakisamahan ko nang maayos si Cosimo. Ito naman ako... sunod-sunuran. "Are you ready?" Tanong niya nang magkasabay kami palabas sa kaniya-kaniyang kwarto. I smiled. "Yeah." Sinilip ko ang travel bag na nasa likuran, nakasukbit na sa kaniyang balikat. "You bring all the things you need?" "Yeah." He's still treating me good as what he should. Palagi akong maaga kung gumising at hindi na rin ginagabi sa pag-uwi. I've been consistent on doing it so that we can
Lumilipad ang isip ko habang nakalublob sa bathtub. Iniisip ko iyong nangyari kaninang hapon... iyong naging laro namin. I was stunned by his response then I chose to escape. Masyado akong nanghina sa harapan niya. Nahiya ako bigla. Ewan ko ba. Hindi naman ako mahiyain. Pakiramdam ko hubo't hub*d ako sa harapan niya. Sanay naman ako magsuot ng two piece lalo na at ito ang bihis ko sa club noon. Nahirapan akong huminga kanina kaya pinili ko na lang na umalis at iwan siya roon. I acted as if he was joking. Natatawa ako habang umaahon sa pool para lang isipin niyang hindi ko sineryoso ang sinabi niya. Kung hindi ba naman siya siraulo. Napakadumi ng sinabi niya sakin! He would fuck me regardless of me having my period. Kadiri! Ganoon ba talaga siya? Ganoon ba ang ginagawa niya kay Frida? Napatingin ako sa malaking salamin sa sink. Bumaba agad ako sa bathtub at nagtungo roon. Tumayo ako sa harapan ng salamin, tiningnan ang kahubuan. Tinaas ko ang mahaba at kulot na buhok
It was steamy, wild and sexy. Iniupo niya lang ako sa lamesa, doon na ginawan. Hindi pa siya nakuntento sa isang beses lang... dinala pa niya ako sa kama at doon na inubos ang lahat ng init na kaniyang nararamdaman. It was tiring. Naghahabol ako ng hininga matapos niyang magpakawala sa kaloob-looban ko. Now, the moonlight strikes the window as the blinds were left open. It's the only thing that lights up this whole room. Cosimo was the one who stood up to turn off the lights after he got recovered from... you know. Pangatlong beses na ito. Grabe, Liana, hindi ka talaga nag-iisip! Hindi ko maalala kung anong tumatakbo sa isip ko kanina at nagpadala ako sa mga hawak niya. Bakit ang rupok ko naman? Hawak lang 'yon! Bakit humantong sa... Pero bakit ganito ako ngayon? Nagsisisi ba ako? Nag-enjoy rin naman ako kanin-- Bwisit! Paano kung mabuntis ako? Hindi kami gumamit ng condom! Hindi rin ako nagpi-pills! "Are you asleep?" Nawala na ako sa iniisip at napangiti na lang sa naging ta
Parang kailan lang nang magkita kami, ikasal, mag-away at kalaunan, nagkaayos. It's been months since that 3-day staycation in Amanpulo. Sa last night namin doon, gising kami magdamag para pag-usapan ang personal na buhay. It was his idea and I saw it as a chance to break the thick wall separating us from each other. Buhay na buhay kami noong gabing iyon. It felt like our body and mind were already exhausted but our souls still fueled ourselves to continue talking. I remember our conversation when I asked him about the day he went to Bacolod and if he's with Frida that time. "I went there with her. I had a confidential meeting with a businessman who I am negotiating with. I brought Frida with me because she is our corporate lawyer. She had to explain in the meeting about the contract as she was assigned for reviewing, drafting, and negotiating legally-binding agreements on behalf of that project." "Pero bakit hindi mo sinabi sa secretary mo?" "Alam ni
Tatlong oras nang naghihintay si Cosimo pero hindi na sa labas ng building. Nakonsensya naman si Liana sa kaniya kaya inabisuhan niya itong pumasok at doon na lang maghintay nang maging kumportable naman siya kahit papaano. Cosimo fought his sleepiness the whole time because of boredom. Kapag nahuhulog na ang kaniyang ulo, ilalabas na niya ang cell phone para aliwin pansamantala ang sarili. Pero hindi naman siya interesado sa telepono kaya sumusulyap-sulyap pa rin siya kay Liana. Tanaw niya lang kasi ang dalaga sa loob ng office dahil glass wall lang ang partition habang siya naman ay nakaupo sa waiting bench. May mga oras na nagtatama ang tingin nilang dalawa. Mas tumatyaga tuloy si Cosimo na maghintay sa pag-iisip na chini-check pa rin siya ni Liana kung kumusta na siya sa kinauupuan. She's busy inside and Cosimo understands that. May kausap siyang isa pang attorney. Palagay niya'y attorney ni Mrs. Thompson iyon. Kausap din nila ang mga tao sa Consulate. Nakasandal, buka ang mg
Dahan-dahang tumayo si Cosimo. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin. Gusto niyang takbuhin ang pagitan nila at yakapin si Liana nang mahigpit, pero nag-aalala siya na baka itulak lang siya nito palayo. He's anxious. Hindi naman siya ganito noon kahit pa iharap sa mga bigating kasyoso sa negosyo. Hindi siya kailanman nag-alala sa kahihinatnan ng gagawing aksyon. Ngayon lang siya nag-ingat sa mga kilos. Pakiramdam niya, konting kibot ay maiirita ito. He couldn't even say a word. Nagbabara ang lalamunan niya. Siguro ay dahil natatakot siya. Lalo na at kakaiba ang naging reaksyon ni Liana. She looks disappointed and mad. Kung talagang hindi siya nito iniiwasan, tumakbo na sana ito para yakapin siya. Pero hindi. Naestatwa si Liana sa kinatatayuan. Nakaparte ang mga labi at namimilog ang mga mata. "Bakit ka nandito?" tanong niya sa mahinang boses pero may pagbabanta. He swallowed the lump in his throat. It hurts him. Iyon ang unang tinanong sa kaniya imbis na kumustahin siya. Tala
"She left you but you're still looking for her? Are you thinking?!" "She didn't left me! You manipulated her and used your power to push her through!"Encar sneered. "I didn't manipulate her. She asked for something she could benefit from in exchange of leaving you. She asked for money."Tumiim ang bagang ni Cosimo at kinuyom ang mga palad sa sobrang galit. "You're lying!""That's the truth, son. If your love for her is deep, don't expect that she will love you the same intensity as how you do. Her love is shallow," seryosong saad ng ina sa kalmadong paraan ngunit mariin ang tingin sa kaniya. Nawalan ng sagot si Cosimo para roon. Natigilan siya. Masakit ang sinabi ng ina pero ayaw niyang maniwala. Mahal siya ni Liana. Magpapakasal na sila. Ang dapat niyang sisihin sa mga oras na iyon ay ang kaniyang ina. Kung talaga ngang pinagpalit siya ni Liana sa pera, iyon ay dahil sa pagmamanipula. He shook his head in disbelief. Pumatak nanaman ang panibagong luha habang sinisikap niyang maka
It was fulfilling. Lahat ng sakit at bigat ng loob ni Cosimo sa pamilya, gumaan nang makita niya lang si Liana. Ngayong pinagmamasdan niya ang pinakamamahal niyang babae na natutulog sa kaniyang mga bisig, kuntento na siya. Hindi niya maisip kung anong magiging buhay niya kung wala si Liana. Siya lang ang bukod tanging magiging ilaw ng kaniyang tahanan. Siya lang ang kaniyang uuwian at magiging pahinga sa nakakapagod na mundo. He embraces her. Mainit ang pagsasalo ng kanilang mga hubad na katawan sa ilalim ng kumot. Napangiti siya nang marinig ang mahinang paghilik ni Liana. "She must be tired," isip-isip niya. Nakailang ulit sila ng gabing iyon pero hindi makatulog si Cosimo. Marami siyang iniisip. He's wondering of what future awaits him but he's so certain that he will do everything in able to give Liana a great future. Kailangan niya lang gawin ay magsimula ulit. He has the skills. Hindi naman masakit sa pride niya kung magsisimula siya bilang empleyado. Kakayanin niya lahat
"The guards are everywhere. How can I do it?!" Cosimo frustrating said as he paced back and forth. Bumuntonghininga na lang si Slayne. Napasapo ng noo si Hateur. Napagplanuhan na nila ito noong isang Linggo pa pero hindi nila inaasahan na may mga bodyguards pa lang ipapadala si Madame Encarnacion. "Aren't Tita being too much? Mahal ka ba talaga ng mommy mo?" tanong ni Slayne. Hindi ito oras para magbiro kaya sinamaan siya ng tingin ni Cosimo. Kailangan nilang mag-isip ng iba pang paraan para maitakas ang kaibigan nilang ayaw magpakasal. Pero bago nila magawa iyon, kailangan muna nilang takasan ang bantay. "Mom's calling." Casnu announced while looking at his phone screen. Napapikit sila nang mariin. "30 minutes before the ceremony." Rubio reminded them. Bumuga ng hininga si Cosimo. Hindi 'to matatapos kapag tumakas siya. Might as well face it. Duwag lang ang tumatakbo sa problema. Sinuot na niya ang kaniyang suit jacket. Naalarma naman ang mga groomsmen. "Woah! Papakas
Para kay Cosimo, nakahanap na siya ng pahinga sa lahat ng pagod niya. It's the life he's been asking for. Kahit na palagi silang nag-aaway at hindi nagkakaintindihan noong una, naging mabuti naman ang pagsasama nila kalaunan. He's contented. Masaya siya na sa wakas may tao nang naghihintay sa pag-uwi niya at magtatanong kung kumusta ang kaniyang buong araw. Cosimo felt whole whenever he's with Liana. It's the tranquility he's feeling as his condo became paradise with only his wife's presence. Kaya ganoon na lang ang naging galit niya nang malaman ang buong pagkatao ng pinakasalan. He felt like a fool for not finding it out. Pakiramdam niya tinraydor siya. Hindi siya makapaniwalang nagpaloko siya sa loob ng anim na buwan. "Cosimo." "Don't fucking say my name, you whore!" He had enough. Lumabas na lang ang masakit na salitang iyon sa kaniyang bibig nang hindi niya inaasahan. He's breathing heavily and even though he's eyes are intense, behind it is regret. He knew that he shouldn't h
Third Person Point of ViewNaghihikahos na pinasok ni Amorsolla ang mansyon ng pamilyang Melgarejo. Kabababa lang nito sa sasakyan, hinihingal at parang madadapa pa sa sobrang pagmamadali. "Nasa office niya po si Madame," turo ng kasambahay. Pinilit niyang lakarin ang opisina ng kaibigan hanggang sa makakaya. Nanginginig siya. Pinagpapawisan na rin nang malamig. Kalaunan, nakarating din siya. Naabutan niya ang kaibigang nagbabasa ng magazine pagpasok niya sa opisina nito. "Oh, Amorsolla?" takha ni Encarnacion nang makita niya ito sa hindi inaasahang pagkakataon. Tila naubos na ang lakas ni Amorsolla at napaupo na ito sa sahig. Tears fell down on her cheek nonstop as if she didn't cry on her way there. Encarnacion got worried and immediately went to pick her up from the floor. She held her shoulders. "What happened to you?!" she asked a bit loud.Ramdam niya ang panginginig nito kaya mas lalo siyang nabahala. Natataranta siya sa kalagayan ng kaibigan pero kailangan niyang huminah
Suot ang caramel trousers at cream long sleeve blouse, tumulak na ako papuntang Casa de Saros. 7 PM pa lang naman. Sasakto ako sa oras ng usapan. Matagal kong pinag-isipan kung pupunta ba ako o hindi. Pakiramdam ko kasi pambabastos kapag hindi ko sinipot ang ginang. Gusto niya akong makausap at maghihintay siya sa akin. Mahal ang oras niya kaya ngayong naglaan siya para sa akin, sino ako para sayangin iyon? Like what I've said, I want to do anything in order for her to be in favor of me. Kung madi-disappoint ko siya ngayon, baka hindi na magbago ang tingin niya sa akin kahit kailan.Hindi naging maganda ang huling pagkikita naming dalawa. Pero ako naman ang may kasalanan kaya dapat ako ang nakikipag-ayos. Tatanggapin ko ang galit niya kung sakali mang mag-init ang dugo niya sakin ngayon. Gusto ko lang makapag-usap kami bago ako ikasal sa anak niya. Kailangan ko siyang galangin dahil kahit anong mangyari, ina pa rin siya ni Cosimo. "Do you have any reservation, Ma'am?" tanong ng atte
Cosimo gave me assurance that he loves me and will marry me after he cleared his issues with Frida. Kahit na wala siyang pinanghahawakang salita mula sakin na mahal ko siya at umaasa ako sa pinangako niya, alam kong tutuparin niya iyon. Mahal niya ako. Wala na akong dapat pang ipagdalawang isip. Kakalimutan ko lahat. Wala na akong pakialam kung anong pwedeng gawin ng magulang niya sa amin. Balang araw, matatanggap din nila ako. Ipipilit ko ang sarili ko sa kanila. Pagtatyagaan ko. Aayusin ko ang sarili para kahit papaano hindi nila ako ikahiya. Makakatulong din ako sa negosyo nila. Iyon naman ang gusto nila, hindi ba? Someone who can bring something for the growth of their wealth."Magpapakasal kayo?" tanong ni Mama nang makaupo na siya sa hapag. Sabay-sabay kaming kakain ng tanghalian ngayon. Kakaalis lang ni Cosimo kanina at naabutan pa siya nina Mama. Wala rin namang problema dahil nakabihis na siya at paalis na. Kaya lang, nagtagal pa siya rito para makipag-usap kay Mama. Hindi k