Share

Chapter 02

Author: Vceofsp4de
last update Huling Na-update: 2023-06-06 12:45:07

"Fhey? Handa ka na ba?"

Dinig kong tanong ni tita sa labas ng kwarto ko. Lunes na at ngayon ang unang araw ng school.

"Opo, palabas na po!"

Pasigaw na sagot ko. Binilisan ko na kumilos at lumabas na ng kwarto. Wala na si tita sa labas at mukhang tinawag lang ako.

"Ang tagal mo naman!"

Naiinis na reklamo agad ni Kiro. Naka-uniform na siya at ready na talaga.

"Taray mo naman, ang aga aga inaaway mo kapatid mo!"

Bumababa pa lang ng hagdan si kuya Zion. Mukhang siya ang maghahatid sa amin dahil may dala siyang susi.

"Tara na. Excited ka na ba makita bebe mo? Akala mo naman sampung taon hindi nagkita!"

Umakbay si kuya kay Kiro habang papalabas kami. Pilit naman tinatanggal ni Kiro ang braso ni kuya Zio sa balikat niya.

Sa unahan umupo si Kiro kaya ako lang mag-isa ang nasa likod. Hindi kalayuan ang school mula sa subdivision nila kaya hindi kami natagalan sa sasakyan.

Greenfield Private Academy

Huminto saglit ang kotse sa may gate para i-verify na may nag-aaral dito sa mga nakasakay. Ipinakita na lang ni Kiro ang ID niya para mabilis ang proseso.

Nakatingin lang naman ako sa labas at pinagmamasdan ang mga babaeng naka-uniform. Hindi nalalayo sa uniform ko sa dati kong school, iba lang ang kulay at wala silang blazer. White long sleeves button down shirt, brown necktie at brown pleated skirt lang ang uniform nila.

"Dito na kayo. Hoy, ikaw! Huwag mo iwan-iwanan 'tong kapatid mo, sisipain ko mukha mo!"

Pagbabanta ni kuya Zion kay Kiro nang makapag-park na siya sa loob ng school. Hindi naman siya pinansin nitong isa at tuloy lang sa pagbaba.

"Ingat, Fhey. Enjoy your first day at GPA!"

"Ingat din po sa pagdrive pauwi!"

Ngumiti lang siya sa'kin bago ako bumaba. Buti na lang at mukhang natakot si Kiro at nakatayo lang siya gilid habang hinihintay ako. Tumabi na lang ako sa kaniya at pareho namin kinawayan si kuya Zion habang papaalis.

"Tara na?"

Aya ko sa katabi ko nang makalabas na ng gate si kuya Zion.

"May hinihintay ako, malaki ka na kaya mo na mag-isa!"

Walang ganang sabi niya. Akala ko naman ako na hinintay kanina. Mukhang girlfriend yata.

"Malaki na din naman 'yung girlfriend mo, bakit hindi mo din hayaan mag-isa?"

Bulong ko bago bumaling papasok ng building na kinatatayuan namin.

"May sinabi ka?"

Tumigil ako sa paglalakad at naiinis na humarap ulit sa kaniya.

"Meron. Ang sabi ko, malaki na din 'yung girlfriend mo pero bakit kailangan mo pa hintayin? Hindi naman maliligaw 'yun!"

Mataray na sagot ko sa kaniya.

Anong akala niya sa'kin pwede niya taray-tarayan na hindi ako lumalaban?

"You—"

"Kiro!"

Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil bigla siyang tinawag ng lalaki na kakababa lang ng sasakyan. Ito 'yung tinawag niyang K.O. noong nakaraan.

At dahil distracted na si Kiro, umalis na ako doon. Kumaway pa sa akin si K.O. pero maliit na nginitian ko lang siya.

Inilabas ko ang student slip na ibinigay sa'kin ni daddy bago ako umalis ng bahay. Sila kasi nag-intindi ng transfer ko.

Morales, Fhey Kryzealle

STEM 12: Euclid

SHS Building 2

Floor 12: Room 4

"Okay, so... saan ang SHS building?"

Naglakad-lakad muna ako sa building kung nasaan ako at nagbabakasali na mapunta sa SHS building kahit wala akong ibang gawin. Ilang minuto ako nag-ikot hanggang sa marating ko ang entrance kung saan kami binaba ni kuya Zion kanina. Bigla tuloy akong nagpanic lalo na at hindi ko na makita sila Kiro dito. Iilan na lang din ang mga estudyante na naglalakad at ang iba ay nasa mga room na nila.

Gosh, 12th floor pa ako. Late ako nito sigurado. Kasalanan 'tong lahat ni Kiro.

"Excuse me!"

Napatingin ako sa likod ko ng may biglang kumalabit sa'kin. Hindi siya naka-uniform at mukhang magtatanong lang din ng direction.

"Naliligaw din ako, kuya. 'Wag ka sa'kin magtanong."

Aalis na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa braso.

"Wait lang—"

"Ms. Morales?"

Hindi natuloy ang sasabihin niya nang biglang may sumulpot na teacher sa harapan namin.

Salamat naman, may mapagtatanungan na din ako.

"I'm Ms. Verano, GPA's dean. Kanina pa kita hinahanap. Inihabilin ka sa'kin ni Mr. Kester."

Lalo akong nakampante ng bigla niyang banggitin ang pangalan ng daddy ko. Mukhang gumamit ng connection si daddy para maipasok ako dito.

"Salamat naman po. Naliligaw na po kasi ako."

Ngumiti lang siya sa akin at inalalayan ako maglakad.

"I'll lead the way, follow me."

Sabi niya sa akin. Bigla ko naman naalala 'yung lalaki kanina.

"Ay, itong si kuya po naliligaw—"

Napatigil ako nang makita na wala na ang lalaki kanina.

"Let's go Ms. Morales, male-late ka na."

Tawag sa akin ng dean. Sumunod na din ako sa kaniya kahit medyo nagaalala kay kuya kanina.

Bahala siyang maligaw mag-isa.

Ang layo pala sa main entrance ng SHS building, buti na lang may pinadalang sugo si dad, kung hindi baka hapon na wala pa akong nararating. Tahimik lang kaming dalawa ng dean, wala naman kasi akong sasabihin at mukhang wala din naman siyang masasabi.

"It's okay to be late at your first day of school. Wala naman gagawin masiyado ngayon, kaya relax ka lang."

Medyo gumaan ang loob ko sa sinabi niya, at least sa mismong dean na nanggaling na walang problema kung ma-late ako ngayon.

"Isipin mo na lang, main event ka. Grand entrance na head turner ang pagpasok mo sa room. All eyes will be on you!"

Ang ganda ng pang-motivate mo, dean. Hindi nakaka-motivate ng mga katulad kong mahiyain.

"We're here."

'Yun na yata ang pinakamatagal na elevator ride sa buong buhay ko. Naglakad pa kami bago marating ang classroom na nakasulat sa student slip. Bawat room na madadaanan namin ay napapatingin sa akin, dahil siguro kasama ko ang dean. Malapit na tuloy mabali ang leeg ko kakatingin sa kanan para maiwasan na magtama ang mata ko sa mga nakiki-chismis.

"This is your room."

Sa wakas at narating din namin ang dulo ng mundo.

"Excuse me, your transfer student is here."

Kumatok si dean sa pinto ng room at hinintay ang teacher sa loob na buksan ito bago humarap sa akin.

Kung pwede lang manabunot ng matanda, nagawa ko na. Again, mahiyain ako. Her doing that, is probably the death of me. Sigurado nasa akin na talaga ang tingin ng lahat.

"Pasok ka na!"

Mahina niya akong tinulak papasok gamit ang kanang kamay niya. Doble doble naman ang kaba ko ng makapasok ako ng tuluyan at makitang sa akin nga nakatingin ang lahat. Yumuko na lang ako habang naglalakad papunta sa unahan.

"Ms. do you want to introduce yourself?"

Parang gusto kong magpakain sa lupa dahil sa tanong ng guro sa unahan. Unti-unti kong inangat ang ulo ko. Medyo kumunot naman ang noo ko nang una kong makita ang nagtatakang mukha ni Kiro.

Somehow, knowing that he was here calmed me down a little.

"Hi, I'm Fhey Morales. Nice to meet you!"

Medyo nahihiyang pakilala ko. Nagulat ako ng may biglang pumalakpak na malakas. I looked who it was and I saw K.O. smiling widely. Ngayon ko lang napansin na katabi pala siya ni Kiro sa kanan at nasa kaliwa niya naman si Archie, na kanina pa pala nakangiti.

"You can take the empty seat next to Leon."

Tiningnan ko kung saan nakaturo ang teacher at mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita ko si kuyang humawak sa braso ko kanina. Malaki ang ngiti niya habang naglalakad ako papunta sa pwesto niya.

"Hindi ka naman pala naliligaw eh!"

Puna ko sa kaniya habang umuupo ako.

"Sino ba nagsabi sa'yo na naliligaw ako?"

Natatawang sagot niya. Medyo nahiya naman ako. Nag-assume kasi agad ako.

"Bakit kasi parang naliligaw ka kanina."

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa hiya.

"IKAW ang mukhang naliligaw kanina. Kaya nga nilapitan kita."

Sinamaan ko na lang siya ng tingin dahil totoo ang sinasabi niya. At hindi lang ako mukhang naliligaw dahil naliligaw talaga ako.

"Leon nga pala."

Tiningnan ko muna ang kamay niya bago ko ito kunin at makipag-shake hands.

"Fhey."

Hindi na siya nagsalita ulit dahil nagpapaliwanag na ang teacher namin tungkol sa magiging daily schedule at subjects namin.

Habang tumatagal ay nararamdaman ko na parang may nagmamasid sa'kin, bigla tuloy akong nakaramdam ng hindi pagkakumportable. Lumingon-lingon ako at unang lingon pa lang na kumpirma ko na ang hinala ko. Una kong nakita ang nakangiti na mukha ni K.O. habang nakapangalumbaba at direktang nakatingin sa'kin. Nawala lang siya sa paningin ko ng biglang mag-bend pauna si Leon at harangan ang gitna namin ni K.O.

"Let's block the bad vibes early."

Paliwanag niya sa'kin ng tumingin ako sa kaniya. Mahina akong natawa at tumingin na lang sa unahan. Nadidinig ko naman na tinatawag ni K.O. si Leo pero nadinig ko din na pinatatahimik siya ni Kiro.

"Epal ka, Leon!"

Lumapit sa pwesto namin si K.O. matapos lumabas ng teacher namin. Break time na kasi.

"What do you mean?"

Inosenteng tanong ni Leon sa kaniya. Nagpangalumbaba pa ito.

"Upakan kita diyan eh!"

Inambaan niya ng suntok si Leon pero hindi manlang natinag itong katabi ako. Tahimik lang naman ako na nanonood sa kanila.

"Bakit mo kasi tinititigan ang kapatid ni Kiro, Onyx."

Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa kilod ni Kiro. Nagtataka ako kung paano niya nalaman na may koneksyon kami ni kiro? At sino si Onyx? Si K.O.?

"Isa ka pa Jed, epal ka!"

Sigaw ni K.O. sa kaniya. Nakatitig lang ako doon sa lalaki tsaka ko na-realize kung saan ko siya nakita. Isa siya sa mga kausap ni Kiro sa mall noong nakaraang araw. Kumaway siya sa'kin ng mapansin na nakatitig ako sa kaniya kaya agad akong umiwas.

"OMG! Kiro, may kapatid ka?"

Umingay na ang buong klase kaya napatingin ako kay Kiro. And as expected, he looked pissed as hell. Pero hindi sa'kin, kundi sa lalaki na nasa likod niya.

"QUIET! She's my stepsister, okay na? Masaya na kayo?"

Natahimik kaming lahat. Oo pati ako. Hindi ako makapaniwalang isinigaw niya 'yun. I mean, totoo naman pero bakit kailangan niya pang i-announce. Hindi niya ba kayang manahimik na lang sa isang tabi at hayaan sila magtaka? Mysterious type, gano'n!

"Magkapatid kayo?"

Napatingin ako kay Leon na gulat na gulat at hindi makapaniwala sa nadinig niya.

"You heard him."

Pagkumpirma ko.

"Kapatid mo pa rin 'yan, ang dami mo pang sinabi."

Sigaw naman ni Jed sa likod.

"Fhey, I like you!"

Kay K.O. naman napunta ang tingin ko na ngayon ay nasa upuan na sa harapan ko. Nagsigawan lalo ang mga kaklase namin dahil sa sinabi niya.

Oh, shit. This year will be chaotic.

"It's your fault!"

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Kiro sa tabi ko. Naglalakad ako ngayon papunta sa canteen at nasa unahan ko si Leon.

"Ha!? Bakit ako!? Ako ba 'yung sumigaw kanina?"

Pagdedepensa ko sa sarili ko. Napalingon si Leon sa aming dalawa at nang mapansin niyang nakasunod ako sa kaniya, huminto siya saglit para sabayan ako maglakad.

"Bakit kasi pareho tayo ng section?"

Tuloy padin ang reklamo ng isa ko pang katabi.

"Anong malay ko!?"

Naiinis na ako sa lalaking 'to.

"Huwag mo naman bigyan ng stress ang binibini ko, Kiro!"

Napa-irap agad ako ng madinig ang boses ni K.O. sa likod ko.

"Tantanan mo si Fhey, sinasabi ko sa'yo!"

Pagbabanta ni Kiro kay K.O. Binilisan ko na lang ng lakad para malayo sa mga epal sa likod. Buti na lang at sumabay padin sa'kin si Leon, dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sumakay pa kami ng elevator pababa para makapunta sa canteen na nasa 3rd floor daw, sa kasamaang palad, kasabay pa rin namin sila Kiro. At kahit makarating kami sa mismong canteen ay nakasunod pa rin sila sa'min.

Siyempre, pareho kami ng pupuntahan eh.

"Kiro, Here!"

Napatingin ako sa kanan ng biglang may sumigaw sa pangalan ni Kiro. Nilapitan naman agad siya ng kapatid ko at nakasunod sa kaniya ang mga kaibigan niya. Kumunot ang noo ko ng biglang mag-flying kiss si K.O. sa'kin habang naglalakad papunta sa table nila.

Nagkatinginan kami ng babae at mukhang siya ang girlfriend ni Kiro, dahil hinalikan niya ito sa pisngi ng makalapit. May kasama pa siyang dalawa pang babae na nakatingin din sa akin.

"Fhey, tara!"

Napunta kay Leon ang tingin ko ng tawagin niya ako para pumila sa counter at umorder ng pagkain. Madaming tao sa canteen at laking pasasalamat ko dahil mukhang sikat si Leo kaya may nag-offer sa amin ng table kaya naka-upo kami agad.

Muli akong napatingin sa table kung nasaan sila Kiro. Kumunot ang noo ko nang makitang may pinagtitripan ang mga kaibigan niya. Mukhang freshman ang binubully nila dahil mukhang bata pa 'to. Wala namang magawa ang mga kaibigan ng bata na nasa gilid lang at pinapanood ang kaibigan ng may takot din sa mukha.

"That's why I called them bad vibes. They're a bunch of bullies!"

Dinig kong bulong ni Leon. Napansin niya siguro na nakatitig ako sa pwesto nila Kiro.

"Are they always like that?"

Tanong ko kay Leon pero hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa grupo nila.

"Yes. Kilala na nga sila sa buong school eh!"

Sagot niya habang sumusubo ng pagkain.

"Walang ginagawa ang school?"

Nadinig ko ang pagtawa niya ng sarkastiko.

"Archie's mom is the dean. Jed's dad is one of the board members. Onyx's parents are the owners. Ano sa tingin mo ang gagawin ng school?"

I can't believe they're using their position and power to do something stupid like this. And I can't believe Kiro's part of it.

"Wala naman ginagawa kapatid mo eh!"

"And that's the problem. He's not doing anything."

Nawala lang ang tingin ko sa kanila nang biglang may magbaba ng tray sa table namin. Dalawang babae at dalawang lalaki ang naki-share ng table sa amin.

"These are my friends. Yesha, Monic, Ethan and Jasper."

Pakilala ni Leon sa kanilang apat, kumaway lang naman sila sa'kin at nag-Hi lang ako sa kanila.

"Bakit hindi kayo sumabay kanina?"

Tanong ko sa kanila. Si Leon lang kasi ang naglalakad kanina papunta dito, pero alam kong magkakaklase kami.

"Si Leon talaga ang unang umaalis kasi siya ang taga-save ng table. Heartthrob 'yang bebe namin na 'yan eh!"

Sagot ni yesha na may halong pangaasar kay Leo, kinurot pa ang pisngi niya kaya naiinis na umiwas si Leo.

"Hala! Iiyak ka na!?"

Napatingin na naman ako sa table nila Kiro nang biglang may sumigaw. Mas lalo akong naawa sa batang binu-bully nila, mukha talagang iiyak na siya.

"There they go again."

"Mahihina lang naman binu-bully nila, mga takot kasi sa alam nilang kaya silang labanan!"

Magkasunod na sabi nila monic at Jasper.

"Iyak ka na, AMPON ka naman!"

Lalong uminit ang ulo ko sa sinabi ni Archie sa bata. Parang may biglang sumabog sa loob ko at bigla akong napatayo. Napatingin silang lahat, pati si Kiro ay parang nagaalalang tumingin sa'kin.

"Don't, Fhey. It's not worth it!"

Hinawakan ako sa braso ni Leon at pinipilit umupo ulit.

"Kung manonood lang tayo, ano pinagkaiba natin kay Kiro?"

Sinabi ko 'yun habang direktang nakatitig sa kaniya. Hindi ko alam kung dinig niya ba ako o naiintindihan niya, pero wala akong pakialam.

"Baka madamay ka Fhey, 'wag na!"

Dinig kong pigil din sa'kin ni Ethan.

"Hindi naman siguro ako gagalawin ni Kiro, diba!?"

Tumingin ako sa kanila para tiningnan kung ano ang opinion nila base sa mga expressions nila. They all looked away from me.

"Hindi ka sure!"

Si Leon lang ang direktang nakatingin sa'kin at seryosong umiling. Nakahawak pa rin siya sa braso ko kaya napaupo din ako.

Kaugnay na kabanata

  • Lie For The Memories    Chapter 03

    Kahit nakauwi na kami, hindi nawala ang sama ng loob ko kay Kiro. Mukhang wala naman siyang pakialam. "Kiro, can we talk?" Pigil ko sa kaniya bago siya pumasok sa kwarto. "What?" Naiinis na tanong niya."You're bullying someone? Seriously, ano kayo bata?""Nakita mo ba na kasali ako? Hindi naman diba?" "Bakit hindi mo manlang sabihan mga kaibigan mo?" Mapang-asar siyang ngumiti. "Bakit hindi ikaw ang gumawa? Tutal ikaw naman ang naka-isip!" "What the hell happened to you? How did you become like this?" His expression suddenly changed, it became serious. "You know exactly what happened. Oh, wait, you lost your memories. I guess you don't know what happened!" Tinarayan niya ako bago siya tumalikod at pumasok sa kaniya niya. Malakas niya rin isinara ang pinto na nagpagulat sa'kin. Well, I guess there's no point talking to him. We're now basically strangers who live under the same roof. Ilang araw na ako nakatira sa kanila, at ilang araw na rin akong hindi pinapansin ni Kiro.

    Huling Na-update : 2023-06-06
  • Lie For The Memories    Chapter 04

    "Oh, Kuya, pahiram ng phone mo. Tatawagan ko si tita." We're currently at a korean restaurant and I just remembered na may naghihintay pala sa'kin. "Alam mo number?" Natigilan ako sa sinabi niya. Kaya nga pala siya ang tinawagan ko kasi number niya lang kabisado ko. "Just text your dad, tell him to call them." And I did what he said. I looked for Dad's contact and composed a message. [Dad, this is your pretty princess. As you can see I'm with kuya Cal, can you call tita Lana and tell her I'm fine? Thank you, Love you!]I sent it and gave the phone back to Kuya. Alas-otso na ng gabi. Sigurado nag-aalala na ang mga 'yun. Aside from Kiro, of course. Matapos namin kumain, hinatid na agad ako ni kuya Cal sa bahay. And as expected, kahit natawagan na sila ni Dad, hindi pa rin nawala sa kanila ang pag-aalala. All of them are outside the probably waiting for me. "Kuya Cal, here's that bitch's phone. Can you get all the information from it?" "Ako pa ba?" Hinagis ko sa kaniya ang ce

    Huling Na-update : 2023-06-07
  • Lie For The Memories    Chapter 05

    "What did K.O. tell you?" Buti na lang hindi ako magugulatin, kung hindi nasapak ko na si Kiro dahil sa biglaan niyang pagsulpot nang makalabas ako ng building namin. "We just talk about something that's completely not part of your business."Hindi ko siya pinansin at diretso ang lakad papunta sa gate. Sumabay naman siya agad sa'kin. "Just tell me." Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Why? Are you afraid that the biggest backer of your group of bullies is suddenly talking to your target?" Ayun lang naiisip ko na dahilan kung bakit gustong-gusto niya malaman ang pinag-usapan namin kanina. "What? Why would I care about that?" Sus, kunwari pa. "E ano pala?" "I just wanted to know if he finally tried to hit on you." Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya. "Concern ka? Kung oo, itigil mo na. Hindi bagay sa'yo!" Hindi ko na siya hinintay magsalita at lumakad na ulit. Binilisan ko na para malayo ako sa masamang espiritu na umaaligid."Anong masama kung concern

    Huling Na-update : 2023-06-08
  • Lie For The Memories    Chapter 06

    "What the fuck are you doing to my sister, Olive!?" Sigaw ni Kiro sa babae."Oh, shut up!" Sabat ko. Hindi ko kinakaya ang kaplastikan niya. Natahimik siya at natanggal na ni Jed ang pagkakatali sa'kin. Sa kanilang tatlo siya lang talaga ang naka-isip na pakawalan ako. "Stop with your 'I'm a concerned brother' persona, nakakadiri!" Tumayo ako at hinarap si Kiro. "Are you okay, Fhey?" Lumapit naman sa'kin si K.O. at may gana pa talaga siyang tanungin ako kung ako. "Isa ka pa! Tantanan mo na nga ako, ikaw nagpapahamak sa'kin e! Kausapin mo 'yang ex mo na parang tanga. May pa-kidnap kidnap pang nalalaman! Magsama-sama kayong lahat! Mga bwiset!" Aalis na sana ako at iiwan sila pero may pumigil sa'kin. It wa K.O.'s ex. "Where do you think you're going? Hindi pa ako tapos sa'yo!" "Ako tapos na! Kung nagagalit ka dahil kay K.O., ayan na oh kausapin mo! Huwag mo ako idamay diyan sa kaartehan niyo!" Padabog kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Fhey, pa'no ako iiwan mo

    Huling Na-update : 2023-06-09
  • Lie For The Memories    Chapter 07

    "Here we go," Nakarating na kami sa amusement park na sinasabi niya. Okay naman, hindi kasing laki ng napuntahan ko na noon pero pwede na. Mukhang madami naman ang mga attractions."Tara na."Aya niya sa'kin matapos kong ayusin ang sarili ko. Pumunta muna kami sa ticket booth, may promo pala sila ngayon dahil anniversary ng park nila. Sa halagang 500, ride all you can na. "Saan mo una gusto sumakay?" Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nag-iisip. Bigla naman akong napatingin sa isang laro. May mga games din kasi dito, 'yung parang sa peryahan. Gano'n. At ang laro na tinutukoy ko ay 'yung shooting game. "Try muna natin mag-laro." Hinila ko agad siya papunta sa booth na nakita ko. Kinausap ko agad ang bantay at sinabi na ita-try ko. Ang rules daw kailangan ko makapagpatumba ng limang lata na sunod-sunod para makakuha ako ng premyo. Puro stuffed toys naman ang premyo nila kaya hindi ako masiyado excited. Gusto ko lang i-try kung magaling ba ako sa ganito. Marunong naman ako umas

    Huling Na-update : 2023-06-10
  • Lie For The Memories    Chapter 08

    Inayos ko muna ang sarili ko at ang itsura ko bago ako pumasok sa loob ng office, baka mahalata nila na masiyado akong galit"You're late."Bungad agad ng dean ng school. "Sorry po, may inasikaso lang po ako." "Sit down." Itinuro niya ang upuan sa harapan niya. Sinunod ko ang sinabi niya at naupo. Hanggang nanginginig pa rin ang laman ko dahil sa galit kay Kiro at sa girlfriend niya. Kailangan ko pakalmahin ang sarili ko. "Let me get straight to the point, Ms. Morales. I have been receiving countless reports that you have caused a ruckus on campus grounds." Kumunot ang noo ko. I am causing ruckus? Ako pa talaga? "Did you tell your son and his friends the same thing before?" "What?" Hindi ko alam kung na-offend ko siya o talagang wala siyang alam. "Nothing, forget I said that. But, dean, I never started anything." Kumalma na ang itsura niya at bumalik ang nananakot na

    Huling Na-update : 2023-06-11
  • Lie For The Memories    Chapter 09

    After what happened to K.O., kumalat agad ang balita. Actually, dalawang balita. Una, na talagang bati na kami. Hindi ko alam kung tanga ba sila o nagpapaka-tanga dahil halata naman siguro na okay na kami since lagi nakadikit si K.O. sa'kin. Pangalawa, kumalat ang balita sa nangyare kay K.O. sa C.R., at dahil do'n naging payapa naman ang buhay ko sa school. Ilang araw silang tahimik at takot na kalabanin ako, kasi nga takot sila kay K.O. Hanggang dumating ang friday na walang klase. Pinagbigyan ng school ang mga seniors na mag-beauty rest daw para sa ball bukas. Wala naman akong paki-alam do'n kaya instead na linggo ang araw ng pagkikita namin ni Archie, sabi ko ngayon na lang. Sa school ang napagkasunduan namin na meeting place. Hindi sa loob since kapag wala kang pasok, hindi ka talaga papapasukin sa loob ng campus. For safety purposes ng mga nasa loob. "Wow, I didn't know I would find you here. Ms. Fhey." Nanlaki ang mata ko dahil may bigla

    Huling Na-update : 2023-06-12
  • Lie For The Memories    Chapter 10

    Matapos ang ilang minuto na pag-aya at pagpakalma sa'kin, umalis na din si tita sa labas ng kwarto ko. Nanatili akong nakaupo at nakahawak sa dalawang tenga ko. Ayoko nito. Ayoko siyang makita. Ayoko. Kinuha ko ang cellphone sa bag na dala ko at hinanap ang number ni daddy. I was about to press the call button when a thought suddenly came to mind. I can't worry them. If they found out that I freak out after seeing her, they'll definitely ask questions. And I don't want that. I don't think I will ever be ready to answer any questions they have. Itinabi ko na ang cellphone ko at napagdesisyunan ko na na hindi ko tatawagan ang daddy o mommy ko. Ako na lang ang bahala. Kakayanin ko 'to.Istayed at my room until the next day, pinipilit nila akong lumabas dahil party ng school pero ayoko. Hindi ako pupunta, wala akong gana pumunta. Sunday came at hindi pa rin ako lumalabas. Nag-iiwan lang sila ng pagkain sa labas ng pinto para sa'kin. Lunes, isang malakas at pagalit na boses agad ni Kir

    Huling Na-update : 2023-06-13

Pinakabagong kabanata

  • Lie For The Memories    Epilogue

    "Hello?" Sagot ko sa kung sino man ang tumawag sa'kin. Ang aga-aga may tumatawag na. Puyat pa naman ako. "Hello ka riyan, ano na nasaan na kayong mag-asawa?" Kumunot ang noo ko at tiningnan ang katabi ko na sobrang sarap pa ng tulog."Nasa bahay. Bakit?" "Wow, nasa bahay pa lang kayo? At base sa boses mo kakagising mo lang? Fhey, baka nakakalimutan niyo na ngayon ang reunion natin!" Nabuhayan ako ng diwa dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko naman kung sino ang tumawag at pangalan ni Kiro ang nakita ko. Pilit ko naman ginigising ang asawa ko gamit lang ang isang kamay. "Hmmmm. Good morning, love." Inaantok na bati niya sa'kin at malaking nakangiti pa. "Kayo nagplano nito ha! Umuwi ng bansa si Leon at ang pamilya niya para rito, umayos kayong dalawa!" And that was the last thing he said before hanging up. "Who was calling you early in the morning? After 10 years ngayon ka lang nagdecide na palitan ako? Late na yata para sa ganiyang desisyon, mahal." "Manahimik ka nga! Si Kiro '

  • Lie For The Memories    Chapter 26

    After the holidays, the next few months were our busiest. We were all graduating, and there were so many things we needed to do. It was stressful. Especially our final examinations. But after all that stress, all the sleepless nights, the crying in the middle of the night, we still made it. All six of us are graduating together. Kiro and K.O. are both graduating with high honours. While I and the rest of the group are just graduating. I mean, that doesn't actually matter, right? What's important is we're graduating, and we all passed our university entrance examinations. "Fhey, tara na anak. Baka ma late ka." Pumasok si mommy sa kwarto ko para tawagin ako dahil kailangan na namin pumunta sa events place kung saan gaganapin ang graduation namin. Malaki ang ngiti ko na lumapit sa kaniya at yumakap. "I love you, mom." Nagulat siya noong una pero naramdaman ko rin ang mainit at mahigpit na yakap niya."I love you more than you know, anak." We went out of the unit to our whole fami

  • Lie For The Memories    Chapter 25

    "Hulaan ko kung ano sasabihin mo..."Hindi pa kami nakakapwesto ng maayos sa gilid ng building pero nagsalita ako. "Sorry." Napayuko siya dahil alam niyang ayun talaga ang sasabihin niya sa'kin. "And also... thank you."Tumahimik ako at hinayaan siya magsalita. "Thank you for paying all our debts." Napakunot ang noo ko. Wala naman kasi akong natatandaan na nagbayad ako ng utang ng kahit sino."Sabi sa'mi nung nautangan ni papa, Morales daw apilyedo nung nagbayad. Kahit hindi niya sinabi ang pangalan mo, alam kung ikaw 'yun. Ikaw lang naman ang nakakaalam ng utang namin." Ngumiti siya na parang relived siya na may pakialam pa ako sa kaniya. Napabuntong hininga naman ako. "Believe it or not, hindi ako ang nagbayad ng utang niyo."Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya."It's probably one of my family members. You what money can do, they probably had the whole situation investigated. And that's how they found out about you." Paliwanag ko sa kaniya. "That's common in my family. P

  • Lie For The Memories    Chapter 24

    "E bakit biglang nalungkot ang mga beshy ko!?" Biglang binasag ni Archie ang naging katahimikan dahil sa sinabi ko. Paramg na awkward silang lahat. "Oo nga, hindi naman nangyare e. At kahit may hindi magandang nangyare kay Cons, nakikita naman natin na lumalaban kaya huwag na natin kaawaan. Pity is the least he needed." Paliwanag ni Jed, at tama naman siya. "Bakit ako ang topic?" Napalingon kaming lahat sa likod ko nang madinig ang boses ni Cons. And threre he was in his wheelchair that was being pushed by our other friend, Ezel. "Cons!" Sabay sabay na tawag sa kaniya. Pero hindi gulat kung hindi excitement ang madidinig sa mga boses namin, kaya napangiti si Cons."Wow, andito din ako guys. Libre lang batiin ako." Naiinis na nagtatampong sagot ni Ezel."What are you guys doing here again? Wala ba kayong pasok? Pumapasok pa ba kayo?" Tanong ko sa kanila."Huwag mo kami

  • Lie For The Memories    Chapter 23

    Ilang araw na rin ang lumipas simula noong pumasok na ako sa school. Wala naman nagbago, mas napapadalas lang ang pagkaplastic ng mga tao sa harapan ko. Kung noon ang sasama at mapang-husga sila tumingin, ngayon ang tingin nila sa'kin para akong anghel na pinadala ng langit. Akala siguro nila uubra ang kaplastikan nila sa'kin. Hindi ako uto-uto at mas lalong hindi ako sabik sa atensyon. "Fhey, may practice kami ngayon. Sama ka o uwi ka na?" Tanong sa'kin ni K.O. Biyernes na ngayon at sa lunes na ang simula ng games kaya umaga at hapon na ang practice nila. Madalas hindi ko na sila nakakasabay pero okay lang. "Uwi na ako, gusto ko na magpahinga." Hinatid nila ako hanggang sa may gate bago sila pumasok ulit sa loob ng campus para simulan ang training. Nakaalis na ang pamilya ko kaya tahimik na sa condo ng makabalik ako. Wala naman problema sa'kin dahil alam ko na mas kailangan sila sa Makati kesa dito. Braso ko lang naman ang hindi magamit at hi

  • Lie For The Memories    Chapter 22

    "Okay, bago kayo lumabas ililista ko na kung anong sports niyo." Biglang sigaw ni Kiro noong lumabas na ang last teacher namin. Nag-ring na kasi ang bell, senyales na lunch na. Lumakad siya papunta sa unahan ng room na may hawak na ballpen at papel. "Una, basketball, sino sasali?"Tanong niya at agad na nagkagulo at umingay sa room namin. Halos lahat ng mga lalaki ay isinigaw ang pangalan nila. "Sa tingin niyo talaga maiintindihan ko kayo sa lagay na yan?" Tumigil siya sa pagsusulat at humalukipkip, natahimik naman ang lahat. Namangha naman ako sa kakayahan niya na magpatahimik ng magulong classroom kahit hindi sumisigaw. May use naman pala ang pagkamasungit niya. "Ikaw K.O.?" Tanong ni Kiro sa katabi ko, na kanina pa tahimik, matapos mailista lahat ng gusto sumali ng basketball. "Pass. Madami na sila kaya na nila 'yan." Sagot niya naman, kaya ibang sports namin ang tinanong ni Kiro. "Bakit ayaw mo?" Tanong ko kay K.O."May usapan na kami..." Sagot niya at itinuro sila Jed

  • Lie For The Memories    Chapter 21

    "So, si Cons 'yung tinutukoy mo sa kwento mo?"Biglang tumabi sa'kin si K.O. sa sala. Hindi kasi nila ako pinapayagan magkikilos."Yup." Sagot ko sa kaniya. Pareho kaming nakatingin kay Cons na kahit nasa wheelchair ay tumutulong pa rin sa paglilinis ng dining. "Alam mo nung nagkwento ka sa'kin, grabeng lungkot ang naramdaman ko para sa kaibigan mo. Pero ngayon na nakita ko na siya, nabawasan na." Napatingin ako kay K.O. dahil sa sinabi niya. Medyo napayuko na siya at nakapatong ang dalawang siko sa tuhod habang nakatingin kay Cons. "Ang nasa isip ko kasi no'n mahinang tao 'yung kaibigan mo, kaya deserve kaawaan. Kaso nagbago bigla 'yung isip ko nung makita ko si Cons. He's so strong. So brave. So positive." Tumingin ulit ako kay Cons. "Kaya sana, bawasan mo na ang pag-aalala sa kaniya. Bawasan mo na ang pagtingin sa kaniya na may kasamang awa. Kasi hindi niya na deserve 'yun, ang deserve niya na ngayon suporta." Sandali kaming nagkatitigan ni K.O. Nakatingala siya sa'kin dahil

  • Lie For The Memories    Chapter 20

    Katahimikan. Iyan ang bumalot sa aming lahat. Walang nagsalita at walang nagbalak na magsalita. "Fhey..." Tinangka akong hawakan ng mama ni Kiro pero hindi ko inaasahan ang ginawa ng kapatid ko. Marahas niyang hinawakan sa braso ang mama niya at galit na galit itong nakatitig lang sa kaniya. "Kiro—""Don't touch her." Galit siya, pero hindi siya sumisigaw. "I trusted you, Ma. Pinagtanggol kita, ng ilang beses. Tapos ganito ang malalaman ko?" Ako 'yung sinaktan. Ako 'yung inabuso. Pero parang kay Kiro ginawa ang lahat dahil sa tono ng boses niya."Fhey... sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Masiyado akong nalulong sa bisyo, sa'yo ko naibuhos lahat."Alam niyang hindi siya uubra kay Kiro kaya sa'kin na naman siya nakikiusap. "Alam ko. Alam ko kung gaano ka kalubog sa utang... kaya mo nga ako nagawang ibenta diba?" Natigila na naman siya sa sinabi ko. "Those people who kept on going after me, were the people you have debt with. Tapos ano 'yung pambayad mo? Ako diba?" Hindi ko na

  • Lie For The Memories    Chapter 19

    Ilang minuto bago tuluyan matahimik sa labas, mukhang pinaalis silang lahat ng mga nurse at doctor. Dapat lang 'yun para hindi sila makaabala ng ibang tao. "Anak, tatawagin ko na ba si Kiro?" Tanong sa'kin ni mommy. Tumitig muna ako sa kisame ng ilang minuto bago tumango sa kaniya. "Fin, anak, let's leave ate muna ha. Let's go to daddy." Tumango muna si Fin kay mommy bago humarap sa'kin. "Ate, we'll be back. I'll protect you." "Sure, bunso. I'll wait for you." Hinalikan ko siya sa noo at kumaway pa siya bago tuluyan makalabas sa hospital room ko. Mga limang minuto ang lumipas ng biglang bumukas ang pinto, at kahit hindi ko tingnan kung sino, alam kong si Kiro 'yun."Kamusta?" Hindi ko pinansin ang tanong niya, obvious naman siguro sa dextrose na nakakabit sa'kin at sa cast ko sa braso na hindi ako okay magtatanong pa siya. "Fhey, gusto ko lang sana humingi ng—""Alam mo kung ano problema sa'yo? Pagdating sa'kin hindi ka marunong makinig at magpakumbaba."Ayoko madinig ang mga

DMCA.com Protection Status