After what happened to K.O., kumalat agad ang balita. Actually, dalawang balita. Una, na talagang bati na kami. Hindi ko alam kung tanga ba sila o nagpapaka-tanga dahil halata naman siguro na okay na kami since lagi nakadikit si K.O. sa'kin. Pangalawa, kumalat ang balita sa nangyare kay K.O. sa C.R., at dahil do'n naging payapa naman ang buhay ko sa school.
Ilang araw silang tahimik at takot na kalabanin ako, kasi nga takot sila kay K.O. Hanggang dumating ang friday na walang klase. Pinagbigyan ng school ang mga seniors na mag-beauty rest daw para sa ball bukas. Wala naman akong paki-alam do'n kaya instead na linggo ang araw ng pagkikita namin ni Archie, sabi ko ngayon na lang.Sa school ang napagkasunduan namin na meeting place. Hindi sa loob since kapag wala kang pasok, hindi ka talaga papapasukin sa loob ng campus. For safety purposes ng mga nasa loob."Wow, I didn't know I would find you here. Ms. Fhey."Nanlaki ang mata ko dahil may biglaMatapos ang ilang minuto na pag-aya at pagpakalma sa'kin, umalis na din si tita sa labas ng kwarto ko. Nanatili akong nakaupo at nakahawak sa dalawang tenga ko. Ayoko nito. Ayoko siyang makita. Ayoko. Kinuha ko ang cellphone sa bag na dala ko at hinanap ang number ni daddy. I was about to press the call button when a thought suddenly came to mind. I can't worry them. If they found out that I freak out after seeing her, they'll definitely ask questions. And I don't want that. I don't think I will ever be ready to answer any questions they have. Itinabi ko na ang cellphone ko at napagdesisyunan ko na na hindi ko tatawagan ang daddy o mommy ko. Ako na lang ang bahala. Kakayanin ko 'to.Istayed at my room until the next day, pinipilit nila akong lumabas dahil party ng school pero ayoko. Hindi ako pupunta, wala akong gana pumunta. Sunday came at hindi pa rin ako lumalabas. Nag-iiwan lang sila ng pagkain sa labas ng pinto para sa'kin. Lunes, isang malakas at pagalit na boses agad ni Kir
Mas maaga ako nagising kinabukasan, para makatakas sa pag-aaya nila tita na kumain ng sama sama. Ayoko pa rin talaga makasama sila sa iisang hapag. Pero mukhang pareho kami ng iniisip ng mama ni Kiro dahil nasa labas na siya ng kwarto ko pagkalabas ko. "Fhey," Hindi ko siya pinansin at naglakad na pababa ng hagdan. "Fhey, please, kahit hindi ka na kumain dito dalhin mo na lang itong ginawa ko." Sumusunod siya sa'kin kaya mas lalo kong binilisan ang lakad ko. "Fhey, please."Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya, hinawakan niya ako sa braso para patigilin sa paglalakad. Agad ko naman inalis ang pagkakahawak niya sa'kin at hinarap siya. "Kung gusto ko 'yan, kusa kong kukunin. Pero hindi ko kinukuha, so obvious naman siguro na ayoko diba?" Iniwan ko na siya do'n at dali dali akong umalis. Mabuti na lang talaga at mukhang hindi morning people ang mga laging humahabol sa'kin kasi hindi sila lu
"Fhey?" Napatingin ako kay Leon na kakarating lang sa school. Mas maaga ako ngayon dahil madaling araw pa lang andito na ako."Bakit ang aga mo? Anong meron?"Tanong niya habang umuupo. "Wala. Ayoko lang sa bahay kaya umalis na ako." I don't feel comfortable in that house anymore. Pakiramdam ko bawat galaw ko pupunahin na nila. Bawat galaw ko masisigawan na naman ako ni Kiro. Hindi na bago sa'kin na masigawan niya, simula noong dumating ako rito wala siyang ibang ginawa kung hindi sigawan ako. Pero iba 'yung mga sinabi niya sa'kin kagabi. Iba 'yung impact sa'kin ng sinabi niya kagabi. "May problema ba kayo? Ikaw okay ka lang ba?" "Okay lang. Kaunting problema lang din ang meron kami sa bahay, huwag ka mag-alala." Inaya niya ako mag-aral habang wala pang tao. Hindi din naman kami tumigil dumadami na ang tao sa loob ng room. Tinapos lang namin ang pagre-review noong pumasok na ang teacher namin.
Mabilis kumalat ang balita, at kinausap ko si Sir dahil do'n. It should be a private matter bakit kailangan nila ipagkalat? Pero hindi daw sila ang nagsabi sa ibang estudyante. They're suspecting the kid who turned me in. But I'm suspecting someone else, the person who asked the kid to turn me in. When I asked my teacher what the studnt name is, He refused to say anything. Hindi niya daw kasi pwede sabihin hanggang hindi nakakapag-usap ang lahat. Ibig sabihin kailangan ko pa talaga papuntahin sila Daddy bago nila ako asikasuhin.At dahil halos lahat sa seniors alam na ang nangyare, samut-sari ang mga reaksyon na nataggap ko. Hindi din ako nakawala sa walang kasawaan nilang pang-aasar at mga tingin nilang nangja-judge. Hindi naman problema sa'kin 'yun dahil lahat sila nanonood lang at mga walang alam.I know I'm innocent, but all these judgemental looks and just the thought that Kiro's family will be very mad at me, is already draining me. Malapit na yata ako maubos. "Are you going t
I was walking back to my building and room, when a group of students suddenly showed up. Nagkekwentuhan lang naman sila kaya hindi ko pinansin, pero napapansin ko na sumusunod sila sa'kin. Hindi sila seniors, iba ang uniform naming mga seniors sa juniors kaya alam ko na hindi sila dapat pupunta sa building ko. Hinayaan ko na lang dahil hindi naman big deal sa'kin at mukha naman silang walang masamang intensyon, pero mali ako. Bago ka makapunta sa building namin, may isang building ka pa na dadaanan at may hagdan do'n. Hindi naman siya kataasan pero ilang steps din. Bigla na lang ako inunahan ng mga estudyante na nasa likod ko kanina at nagtulakan sila ng pabiro. Hindi ko alam kung sinasadya nilang gawin o hindi, pero nadamay ako sa pagtulak ng isa sa kanila kaya na out of balance ako. I fell on the ground, at kahit mababa lang ang binagsakan ko masakit pa rin sa likod ko dahil hindi ko na manage ang tamang pagbagsak ko. Noong humarap lang sila
Kiro and his friends took care of me all night. That was also the time that I found out that all of them can cook. They took turns cooking dishes that they were masters of. I ate until I couldn't anymore. I was so hungry that I almost ate all of the dishes they cook and left nothing to them. "Pa'no, mauna na kami Fhey." Bandang alas-diyes nagpaalam sila K.O., Jed at Archie. Dito na matutulog si Kiro para daw may kasama ako. "Okay. Salamat ulit."Kumaway lang sila bago tuluyang lumabas sa condo ko. Nagkatinginan kami ni Kiro. This is going to be awkward."Ihahanda ko na 'yung kwarto na gagamitin mo." Tumango lang siya sa'kin kaya umalis na ako. Matapos kong ihanda ang tutulugan niya, tinawag ko na siya na nasa living room."Kiro, salamat." Sabi ko sa kaniya bago ako lumabas. Kahit masama ang loob ko sa kaniya, hindi pa rin ako dapat magmataas dahil siya ang nagligtas sa'kin."Paano mo pala nalaman na ando'n ako?" "I was with Winter. She made sure na hindi ako makakapunta sa'yo. B
"Uuwi na lang ako sa condo, balik na lang ako mamayang hapon."Tumayo na ako at ready na umuwi. "Hatid na kita sa may gate." Kinuha ni K.O. ang bag ko at siya na ang nagdala, kahit puro slime na rin dahil suot ko 'yung nung binuhusan nila ako. Pinagtitingnan kami ng mga estudyante. Ang iba nagtataka kung bakit ganito ang itsura ko. Habang ang iba naman ay tumatawa na para naman akong clown. Nakakainis pero hindi ko na pinapansin. Dagdag isipin na naman sa'kin ang paghampas ko sa lalaki kanina. Sigurado ipapatawag na naman ako sa dean's office. Papapuntahin ko pa ba si Dad? O si Kuya Cal na lang. "Hindi na po pwede lumabas, sarado na ang gate." Pigil sa'min ng guard. "Kuya, sa tingin mo talaga makakapag-aral pa ako sa ganitong itsura ko?" Tiningnan ako ng guard at bumuntong hininga. "O sige, isulat mo na lang pangalan mo at kung anong section ka para mainform namin ang teacher mo.""Ako na gagawa, may slime nga e pagsusulatin pa."Pagpaparinig ni K.O. sa guard bago kunin ang ba
"Pamilya ko pala may utang sa'yo, e bakit ako sinisingil mo!?" Pasigaw na sagot ko sa kaniya. May bigla naman may tumapak sa likod ko kaya mas lalo akong napayuko. Hindi talaga nagbibiro ang mga ito, wala talaga silang pakialam kung masaktan ako o hindi. "You don't have to worry, hindi ka naman tatagal dito..." Yumuko siya para magkapantay ang mukha naming dalawa. "... once they arrived, you'll leave with them." Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya, pero natatakot na ako. Iyong ngiti na pinakita niya sa'kin, iyong tawa niya, nakakatakot.Sino ang hinihintay nila? Bakit ako sasama sa mga 'yon? Ibebenta ba nila ako?Lalong lumakas ang kaba ko, nasa punto na ako na gusto ko na magdasal para mabuhay, kahit hindi ako maka-Diyos. Gusto ko na rin makita at makausap sa huling pagkakataon ang pamilya ko. Pero hindi pwede, hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa mga taong 'to, dahil mas lalo nila akong mamaliitin. Kaya inipon ko ang lakas ng loog ko at tinitigan siya sa mata. "
"Hello?" Sagot ko sa kung sino man ang tumawag sa'kin. Ang aga-aga may tumatawag na. Puyat pa naman ako. "Hello ka riyan, ano na nasaan na kayong mag-asawa?" Kumunot ang noo ko at tiningnan ang katabi ko na sobrang sarap pa ng tulog."Nasa bahay. Bakit?" "Wow, nasa bahay pa lang kayo? At base sa boses mo kakagising mo lang? Fhey, baka nakakalimutan niyo na ngayon ang reunion natin!" Nabuhayan ako ng diwa dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko naman kung sino ang tumawag at pangalan ni Kiro ang nakita ko. Pilit ko naman ginigising ang asawa ko gamit lang ang isang kamay. "Hmmmm. Good morning, love." Inaantok na bati niya sa'kin at malaking nakangiti pa. "Kayo nagplano nito ha! Umuwi ng bansa si Leon at ang pamilya niya para rito, umayos kayong dalawa!" And that was the last thing he said before hanging up. "Who was calling you early in the morning? After 10 years ngayon ka lang nagdecide na palitan ako? Late na yata para sa ganiyang desisyon, mahal." "Manahimik ka nga! Si Kiro '
After the holidays, the next few months were our busiest. We were all graduating, and there were so many things we needed to do. It was stressful. Especially our final examinations. But after all that stress, all the sleepless nights, the crying in the middle of the night, we still made it. All six of us are graduating together. Kiro and K.O. are both graduating with high honours. While I and the rest of the group are just graduating. I mean, that doesn't actually matter, right? What's important is we're graduating, and we all passed our university entrance examinations. "Fhey, tara na anak. Baka ma late ka." Pumasok si mommy sa kwarto ko para tawagin ako dahil kailangan na namin pumunta sa events place kung saan gaganapin ang graduation namin. Malaki ang ngiti ko na lumapit sa kaniya at yumakap. "I love you, mom." Nagulat siya noong una pero naramdaman ko rin ang mainit at mahigpit na yakap niya."I love you more than you know, anak." We went out of the unit to our whole fami
"Hulaan ko kung ano sasabihin mo..."Hindi pa kami nakakapwesto ng maayos sa gilid ng building pero nagsalita ako. "Sorry." Napayuko siya dahil alam niyang ayun talaga ang sasabihin niya sa'kin. "And also... thank you."Tumahimik ako at hinayaan siya magsalita. "Thank you for paying all our debts." Napakunot ang noo ko. Wala naman kasi akong natatandaan na nagbayad ako ng utang ng kahit sino."Sabi sa'mi nung nautangan ni papa, Morales daw apilyedo nung nagbayad. Kahit hindi niya sinabi ang pangalan mo, alam kung ikaw 'yun. Ikaw lang naman ang nakakaalam ng utang namin." Ngumiti siya na parang relived siya na may pakialam pa ako sa kaniya. Napabuntong hininga naman ako. "Believe it or not, hindi ako ang nagbayad ng utang niyo."Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya."It's probably one of my family members. You what money can do, they probably had the whole situation investigated. And that's how they found out about you." Paliwanag ko sa kaniya. "That's common in my family. P
"E bakit biglang nalungkot ang mga beshy ko!?" Biglang binasag ni Archie ang naging katahimikan dahil sa sinabi ko. Paramg na awkward silang lahat. "Oo nga, hindi naman nangyare e. At kahit may hindi magandang nangyare kay Cons, nakikita naman natin na lumalaban kaya huwag na natin kaawaan. Pity is the least he needed." Paliwanag ni Jed, at tama naman siya. "Bakit ako ang topic?" Napalingon kaming lahat sa likod ko nang madinig ang boses ni Cons. And threre he was in his wheelchair that was being pushed by our other friend, Ezel. "Cons!" Sabay sabay na tawag sa kaniya. Pero hindi gulat kung hindi excitement ang madidinig sa mga boses namin, kaya napangiti si Cons."Wow, andito din ako guys. Libre lang batiin ako." Naiinis na nagtatampong sagot ni Ezel."What are you guys doing here again? Wala ba kayong pasok? Pumapasok pa ba kayo?" Tanong ko sa kanila."Huwag mo kami
Ilang araw na rin ang lumipas simula noong pumasok na ako sa school. Wala naman nagbago, mas napapadalas lang ang pagkaplastic ng mga tao sa harapan ko. Kung noon ang sasama at mapang-husga sila tumingin, ngayon ang tingin nila sa'kin para akong anghel na pinadala ng langit. Akala siguro nila uubra ang kaplastikan nila sa'kin. Hindi ako uto-uto at mas lalong hindi ako sabik sa atensyon. "Fhey, may practice kami ngayon. Sama ka o uwi ka na?" Tanong sa'kin ni K.O. Biyernes na ngayon at sa lunes na ang simula ng games kaya umaga at hapon na ang practice nila. Madalas hindi ko na sila nakakasabay pero okay lang. "Uwi na ako, gusto ko na magpahinga." Hinatid nila ako hanggang sa may gate bago sila pumasok ulit sa loob ng campus para simulan ang training. Nakaalis na ang pamilya ko kaya tahimik na sa condo ng makabalik ako. Wala naman problema sa'kin dahil alam ko na mas kailangan sila sa Makati kesa dito. Braso ko lang naman ang hindi magamit at hi
"Okay, bago kayo lumabas ililista ko na kung anong sports niyo." Biglang sigaw ni Kiro noong lumabas na ang last teacher namin. Nag-ring na kasi ang bell, senyales na lunch na. Lumakad siya papunta sa unahan ng room na may hawak na ballpen at papel. "Una, basketball, sino sasali?"Tanong niya at agad na nagkagulo at umingay sa room namin. Halos lahat ng mga lalaki ay isinigaw ang pangalan nila. "Sa tingin niyo talaga maiintindihan ko kayo sa lagay na yan?" Tumigil siya sa pagsusulat at humalukipkip, natahimik naman ang lahat. Namangha naman ako sa kakayahan niya na magpatahimik ng magulong classroom kahit hindi sumisigaw. May use naman pala ang pagkamasungit niya. "Ikaw K.O.?" Tanong ni Kiro sa katabi ko, na kanina pa tahimik, matapos mailista lahat ng gusto sumali ng basketball. "Pass. Madami na sila kaya na nila 'yan." Sagot niya naman, kaya ibang sports namin ang tinanong ni Kiro. "Bakit ayaw mo?" Tanong ko kay K.O."May usapan na kami..." Sagot niya at itinuro sila Jed
"So, si Cons 'yung tinutukoy mo sa kwento mo?"Biglang tumabi sa'kin si K.O. sa sala. Hindi kasi nila ako pinapayagan magkikilos."Yup." Sagot ko sa kaniya. Pareho kaming nakatingin kay Cons na kahit nasa wheelchair ay tumutulong pa rin sa paglilinis ng dining. "Alam mo nung nagkwento ka sa'kin, grabeng lungkot ang naramdaman ko para sa kaibigan mo. Pero ngayon na nakita ko na siya, nabawasan na." Napatingin ako kay K.O. dahil sa sinabi niya. Medyo napayuko na siya at nakapatong ang dalawang siko sa tuhod habang nakatingin kay Cons. "Ang nasa isip ko kasi no'n mahinang tao 'yung kaibigan mo, kaya deserve kaawaan. Kaso nagbago bigla 'yung isip ko nung makita ko si Cons. He's so strong. So brave. So positive." Tumingin ulit ako kay Cons. "Kaya sana, bawasan mo na ang pag-aalala sa kaniya. Bawasan mo na ang pagtingin sa kaniya na may kasamang awa. Kasi hindi niya na deserve 'yun, ang deserve niya na ngayon suporta." Sandali kaming nagkatitigan ni K.O. Nakatingala siya sa'kin dahil
Katahimikan. Iyan ang bumalot sa aming lahat. Walang nagsalita at walang nagbalak na magsalita. "Fhey..." Tinangka akong hawakan ng mama ni Kiro pero hindi ko inaasahan ang ginawa ng kapatid ko. Marahas niyang hinawakan sa braso ang mama niya at galit na galit itong nakatitig lang sa kaniya. "Kiro—""Don't touch her." Galit siya, pero hindi siya sumisigaw. "I trusted you, Ma. Pinagtanggol kita, ng ilang beses. Tapos ganito ang malalaman ko?" Ako 'yung sinaktan. Ako 'yung inabuso. Pero parang kay Kiro ginawa ang lahat dahil sa tono ng boses niya."Fhey... sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Masiyado akong nalulong sa bisyo, sa'yo ko naibuhos lahat."Alam niyang hindi siya uubra kay Kiro kaya sa'kin na naman siya nakikiusap. "Alam ko. Alam ko kung gaano ka kalubog sa utang... kaya mo nga ako nagawang ibenta diba?" Natigila na naman siya sa sinabi ko. "Those people who kept on going after me, were the people you have debt with. Tapos ano 'yung pambayad mo? Ako diba?" Hindi ko na
Ilang minuto bago tuluyan matahimik sa labas, mukhang pinaalis silang lahat ng mga nurse at doctor. Dapat lang 'yun para hindi sila makaabala ng ibang tao. "Anak, tatawagin ko na ba si Kiro?" Tanong sa'kin ni mommy. Tumitig muna ako sa kisame ng ilang minuto bago tumango sa kaniya. "Fin, anak, let's leave ate muna ha. Let's go to daddy." Tumango muna si Fin kay mommy bago humarap sa'kin. "Ate, we'll be back. I'll protect you." "Sure, bunso. I'll wait for you." Hinalikan ko siya sa noo at kumaway pa siya bago tuluyan makalabas sa hospital room ko. Mga limang minuto ang lumipas ng biglang bumukas ang pinto, at kahit hindi ko tingnan kung sino, alam kong si Kiro 'yun."Kamusta?" Hindi ko pinansin ang tanong niya, obvious naman siguro sa dextrose na nakakabit sa'kin at sa cast ko sa braso na hindi ako okay magtatanong pa siya. "Fhey, gusto ko lang sana humingi ng—""Alam mo kung ano problema sa'yo? Pagdating sa'kin hindi ka marunong makinig at magpakumbaba."Ayoko madinig ang mga