Kahit nakauwi na kami, hindi nawala ang sama ng loob ko kay Kiro. Mukhang wala naman siyang pakialam.
"Kiro, can we talk?"Pigil ko sa kaniya bago siya pumasok sa kwarto."What?"Naiinis na tanong niya."You're bullying someone? Seriously, ano kayo bata?""Nakita mo ba na kasali ako? Hindi naman diba?""Bakit hindi mo manlang sabihan mga kaibigan mo?"Mapang-asar siyang ngumiti."Bakit hindi ikaw ang gumawa? Tutal ikaw naman ang naka-isip!""What the hell happened to you? How did you become like this?"His expression suddenly changed, it became serious."You know exactly what happened. Oh, wait, you lost your memories. I guess you don't know what happened!"Tinarayan niya ako bago siya tumalikod at pumasok sa kaniya niya. Malakas niya rin isinara ang pinto na nagpagulat sa'kin.Well, I guess there's no point talking to him. We're now basically strangers who live under the same roof.Ilang araw na ako nakatira sa kanila, at ilang araw na rin akong hindi pinapansin ni Kiro. Kahit sa school parang hindi kami magkakilala, tanging si K.O. lang ang nagko-konekta sa'min ngayon.Ilang beses ko na rin silang nakikita na may binu-bully, ilang beses ko sinubukan awatin sila pero lagi akong pinipigilan ni Leon. Lagi niyang sinasabi na huwag ko na daw patulan, pero hindi titigil ang mga gago na 'yun kung hindi sila papatulan."Fhey! Please, don't!"Like today, pinipigilan niya na naman ako na tulungan ang junior na babae na pinagti-tripan ng girlfriend ni Kiro."Ew, look at this bag, saan mo nabili 'to?""Malamang sa bangketa lang!""Oops, nahulog!"Umuulan kanina. Maputik ang daan. At talagang sa putik pa nila binagsak ang puting bag nung babae."Don't—"Hindi natuloy ang sigaw ko dahil tinakpan ni Leo ang bibig ko.Yuyuko na kasi ang babae para pulutin ang bag niya. And there are two things you shouldn't do when you're in front of bullies, turn your back on them or remove your eyes. She just did both.Nakakita tuloy ng opportunity ang mga babae na tapakan ang binubully niya para mas lalo siyang sumubsob sa putik.Their laughter is ringing in my ears, in the worst way. Hindi ko na natiis at siniko si Leo sa likod ko para mapalayo siya sa'kin."Fhey!"Sigaw ni Leo pero hindi ko siya pinansin. Agad akong lumapit sa mga babae at tumayo sa likod nila."Kung sino pa talaga ang mga panget, sila pa ang malalakas mang-bully!"Tinigilan na nilang tapakan ang babae at humarap sa'kin."Excuse me!?"Naiinis na sagot ng girlfriend ni Kiro."You may be excused."Humakbang ako para mabigyan sila ng daan bilang pang-aasar."Who the fuck are you? Don't you know who I am?"Pananakot niya.Nakakasawa na makarinig ng ganitong linya. Lahat na lang ba ng mga bully ganito ang laging first line? May group chat ba sila para sa mga script nila?"Why would I waste my time trying to know side characters' names?""Fuck you!"She tried to slap me but I caught her arms and held tightly. Hindi nagtagal naramdaman niya na rin ang sakit dahil sa mahigpit na pagkakahawak ko."Let me go, you bitch!"Pilit niyang inaalis ang kamay ko sa braso niya, pero lalo ka lang hinihigpitan."Fhey!"Sigaw ni Leo nang may biglang humampas ng libro sa ulo ko. Hindi lang 'yun basta libro, kundi makapal na libro. Sa sobrang kapal nang tumama sa gilid ng ulo ko ang dulo, nakaramdam ako ng sakit.Binitawan ko ang braso ng girlfriend ni Kiro at humarap sa kung sino man ang bumato ng libro."Bitch!"Agad na nawala ang tapang niya ng unti-unti akong lumapit sa kaniya. I didn't said anything and just continued walking to her until she reached a wall."Asan na 'yung tapang mo?"Tanong ko sa kaniya, pero hindi siya makapagsalita."Nauna ka, kaya huwag mong subukan magreklamo!"Hindi ko na siya hinintay makapag-react at sinapak siya sa mismong ilong."Ahhhhhhhh!"Sigaw niya dahil agad na may lumabas na dugo mula doon. Tsaka ko siya iniwan at bumalik sa girlfriend ni Kiro."FHEY!"Hindi pa ako tuluyang nakakalapit pero nadinig ko na agad ang sigaw niya.Malas."Kiro, look."Pagpapa-awa ng girlfriend niya at ipinakita ang braso na hinawakan ko kanina."Look what she did to us!"Naiiyak na siya at tinuro ang babae na nasa may pader. Lumapit sa babae sila Archie."Pre, nawalan ng malay!"Sigaw niya. Tumingin naman sa'kin si Kiro at tiningnan ko siya pabalik na walang reaksyon. Napatingin naman ako sa babae sa tabi niya at mukhang nananakot dahil andito na sila Kiro."What the fuck did you do?"Galit na sigaw ni Kiro sa'kin."You're not the only one who changed, Kiro."Lumapit ako sa kaniya at pareho kaming hindi inaalis ang tingin sa isa't-isa."You couldn't do the job of stopping your girlfriend and your friends from being a bully, so I did it for you!"Nakita ko kung paano siya napalunok dahil sa sinabi ko."Dapat nga magpasalamat ka, hindi mo na kailangan mawalan ng kaibigan para maglinis ng dumi!"Tinulak ko siya gamit ang isang kamay ko at nilampasan sila paalis. Sumabay naman sa'kin sa paglalakad si Leon."You shouldn't have done that! You don't know what kind of things they can do! Sigurado ikaw na ang isusunod na target nila!"Nagsalita lang sil Leon kung kailan wala na kami sa paningin ng grupo nila Kiro. Napatigil naman ako sa paglalakad at hinarap siya."If you don't want to help and continue being a coward, that's your choice. Pero huwag mo akong isali sa inyo! I know how to fight, and hindi niyo rin alam kung anong kaya kong gawin!"Hindi siya nakapagsalita kaya iniwan ko na siya doon.Nagtataka naman ako kung bakit ang daming tao ang tingin nang tingin sa'kin. Alam na ba agad nila ang nangyare kanina? Naghanap na lang ako ng lugar na kakaunti ang tao at tahimik. Nakita ko naman ang parang garden sa gilid ng school kaya sa damuhan ako naupo.Hinawakan ko ang gilid ng noo ko kung saan tumama ang libro kanina. Tsaka ko lang nalaman na may sugat pala ako at dumudugo, kaya pala nasa akin ang tingin ng lahat habang naglalakad ako.Naghanap ako ng panyo sa pants ko pero wala akong makita, wala din 'yung bag ko kasi recess ngayon at papunta sana kami sa sinabing kainan ni Leo kanina. Hinayaan ko na lang tumulo ang dugo sa t-shirt ko, titigil din naman at tsaka hindi naman malaki ang sugat."Oh!"Nagulat ako ng may biglang mag-abot sa'king ng panyo. Tumingala ako at nakita ko si Leon."May dala din akong first aid."Hindi ko pinansin ang panyo niya kaya umupo siya sa tabi ko at inilabas na lang ang first aid na sinasabi niya."I'm sorry, sa laging pagpigil ko sa'yo. Scholar kasi ako, natatakot ako mawalan ng scholarship kapag binangga ko sila. Sa sobrang takot ko ginusto ko din na ilayo ka, kahit alam ko na hindi mo naman kailangan."Paliwanag niya habang nililinis ang dugo sa mukha ko. Pati na rin ang sugat ko."From now on you don't need to be scared. I will buy this school if I have to, just so I can protect you.""Wow, ang special ko naman. Rebisco ba ako?"Natawa ako sa biro niya."But in all seriousness, Fhey, you should really be careful around them. They're too rich that even when they already sent people to the hospital, no one has ever reported."Gano'n kalala ang kagaguhan ni Kiro at ng mga kaibigan niya?"Don't worry, I will."Para gumaan ang loob niya, sinabi ko na lang na mag-iingat ako. Kahit hindi niya alam na may na ospital na rin dahil sa'kin.He continued tending my wound. He even put gauges on it. Ready talaga siya. Late na kami bumalik sa room kaya napagalitan kami saglit ng teacher, pero noong nakita na may sugat ako hinayaan na rin kami.Hindi ko maiwasan tingnan ng masama si Kiro na gano'n din ang ginagawa sa'kin.Kung akala niyo matatakot niyo 'ko, pwes gusto kong malaman niyo na dumating na ang katapat niyo!Lunch time magkasama pa rin kami ni Leon. We were in the line when someone suddenly bumped into me and caused me to fall."Fhey!"Tinulungan akong tumayo ni Leon."Ay, sorry, hindi kita nakita diyan!""It's either bulag ka o tanga!"Sagot ko sa kaniya."Anong sabi mo?"Bumuntong hininga ako."Sabi ko kaya hindi mo ako nakita dito ay dahil lang sa dalawang dahilan, bulag ka o tanga! And I it's the latter. Kasi halata naman na hindi ka bulag, so ibig sabihin, tanga ka!"She tried to slap me. But I guess every woman in this school has such a predictable move, so I caught it again."If this is the type of bullying you guys do, then nakakaawa kayo. It's typical, predictable, childish and stupid!"Pagalit kong binitawan ang braso niya. Sakto naman na wala ng nakapila dahil nanunuod na ang lahat kaya mabilis akong nakapunta sa counter.Bago bumalik sa table namin, tumingin muna ako sa table nila Kiro. I took out my tongue and showed them my middle finger to make Kiro's girlfriend more pissed as she already is.Weak. Weak people. Weak enemies.Throughout the day, they kept on pissing me off. Almost everything naman petty pranks lang. Like throwing a piece of crumpled paper, tripping me, randomly pushing me and calling me names. Everything was so petty, I don't think it even deserves a counterattack. So I just left them at is.But of course, they would pull another prank on me before we all parted ways for the day. They stole my wallet. Okay lang sana since 'yung wallet na pinapakita ko sa public ay 'yung pera lang ang laman, may credit cards and IDs are on a different wallet, but every afternoon Kuya Zion are no longer picking us up since his dismissal is later that ours.Unluckily for them, I can just hail a cab. Taxis are everywhere. And I can just pay the driver and ask tita Lana for money. So that's what I did."Kuya, Yorkrise Subdivision po."Sabi ko sa driver at pinaandar agad ang taxi niya. Lowbat na ang cellphone ko kaya wala akong ibang magawa kung hindi panoorin ang mga sasakyan na kasabay namin bumiyahe."Saglit lang Ma'am, mukhang nasiraan po tayo. Daan lang po ako sa vulcanizing shop."I instantly got on guard when he said that. I have a brother who's a total car geek. He knows everything about cars, and because of that, he became my dad's mechanic. And I remember one time I overheard their conversation about the time my dad's car suddenly broke down in the middle of the road. He said it made a weird sound and suddenly stops. So, there's no way that this perfectly sounding and brand new-looking car just broke down.This dude is up to something.Yumuko ako sa sapatos ko para makumpirma ang isang bagay."Ano po ginagawa niyo Ma'am? may problema po ba?"I was right. This guy is monitoring me."Nothing. Inayos ko lang 'yung sintas ko."Ngumiti ako sa kaniya na nakatingin sa rearview mirror.Kahit saang lugar ako mapunta na gumagamit ako ng taxi, at kahit ilang beses akong mag-ayos ng sintas sa loob, hindi ako tinatanong ng driver kung ano ginagawa ko."Kuya, matagal po ba aayusin ang sasakyan niyo? May gagawin pa po kasi ako."Kailangan ko magpanggap na wala akong alam sa nangyayare, para hindi siya maalerto."Saglit lang po ito Ma'am, mukhang makina po ang bumigay."Hindi ko alam kung minamaliit ba ako nito o akala niya tanga ako? Makina ang bumigay, pero umaandar pa rin?"Dito na po tayo, baba na po kayo Ms. Fhey!"I was staring at him from the rearview mirror and his smile looks devious. Hinintay ko muna na alisin niya ang tingin sa rearview mirror bago ko gawin ang balak ko.Mabilis akong tumayo at lumuhod sa may gilid ng upuan niya bago ko ipulupot sa leeg niya ang dalawang sintas ko. Ipinaikot ko sa dalawang kamay ko ang magkabilang dulo para sigurado akong hindi ko mabibitawan."Bitch!"When I secured the tightness of the laces and he tried to grab me, I slightly leaned back to the shotgun seat so he won't have the chance to grab my hair or face. I placed my feet on the back of his neck to make sure that it won't get loose."Just fucking pass on already."I said while he was struggling. I don't plan on killing him of course, just to make him pass out. He is slowly losing his strength and passed out."You're the bitch, bitch!"I cursed at him."Bakit ang tagal lumabas?""Buksan mo nga!"I heard people talking outside. I quickly climbed on top of this dude and pressed the button to lock the doors.I need to think. What do I do? Think, Fhey! Think!An idea suddenly formed inside my head. Inayos ko ang upo ng lalaki sa loob ng taxi at sinigurado ko na isang sipa ko lang laglag na siya. Kinuha ko na rin ang phone niya, para magamit ko mamaya.Pinipilit pa rin ng mga lalaki na buksan ang pinto. May isa sa kanila na kumuha na ng pang-basag ng bintana.I wait for them to break the glass before I open the door.One. Two. Three.I opened the door, kicked the guy, closed the door and sat in the driver's seat and drove off.I did all that without interruptions because they didn't expect it."Mga tanga kasi, kung kanina pa nila binagsak 'yung pinto edi sana nahuli na nila ako!"Usap ko sa sarili ko habang nagda-drive. I can drive, obviously, but I don't have a driver's license. So, sorry Dad. Madami ka lilinisin ngayong gabi.I drove as fast as I can. Baka kasi may sasakyan din sila mahahabol pa ako. Umalis na din ako sa national high way para sigurado. Dumidilim na at hindi ko na alam kung nasaan ako, kaya tumigil na ako. I parked the car in front of a house and left was about to leave, when the owner suddenly came out of the gate."Hey, you can't park— Fhey?""Leon?"I have never been this happy seeing a familiar face."Fhey, anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman bahay ko?"I was about to hug him when I suddenly remembered something, they might track this car down and then found out it was here. They might think I purposely came here. If that happens, Leo might get in trouble."I will explain everything to you, Leon. I promise, but not now!"Dali-dali akong umalis doon at lumayo pa. Hindi pwedeng madamay si Leo dito, actually walang kahit sino ang dapat madamay. Hindi ko kilala kung sino ang mga lalaki na 'yun, baka mas delikado pa sila sa mga bully sa school.I figured that they aren't school bullies, this guy look more professional than them. Unless they paid them. If I am right, then Leo might be right, they're not an easy enemy to fight.When I secured another place again, I finally was able to use the phone that stupid gangster left for me. I dialled the only number I can remember.[If this is a scam, I will find you and I will kill you!]He answered on the third ring."You will kill me? I thought it was the other way around?""Fhey!?"He instantly recognized my voice."Pick me up, I'll send you the location. Look for me around this area, I can't stay here. I'll explain everything later."I turned off the call and send him the location as soon as possible before turning the phone off and walking away. I walked for about half an hour before stopping at a local park.I waited there for about an hour or so. And that's expected considering how far I drove and how far he lives."Jesus, ang layo mo naman mula sa location na binigay mo!"Hingal na dumating siya sa kinakaroonan ko."Finally, I'm starving."Tumayo na ako at lumapit sa kaniya."Let's go, we're going to talk while eating."Inakbayan niya ako. Bago kami naglakad."I'm glad you're here, Kuya Cal."Niyakap ko ang kanang braso sa bewang niya."I'll always be here for you. I will drive to the end of the world if I have to, just so I can go to you."He kissed the top of my head."E pa'no pala kung andiyan lang ako sa Makati, tapos ikaw kung saan-saan na napunta.""Ikaw!"Inilapit niya ako ng todo sa katawan niya bago kami malakas na tumawa.It's nice knowing you have someone to rely on."Oh, Kuya, pahiram ng phone mo. Tatawagan ko si tita." We're currently at a korean restaurant and I just remembered na may naghihintay pala sa'kin. "Alam mo number?" Natigilan ako sa sinabi niya. Kaya nga pala siya ang tinawagan ko kasi number niya lang kabisado ko. "Just text your dad, tell him to call them." And I did what he said. I looked for Dad's contact and composed a message. [Dad, this is your pretty princess. As you can see I'm with kuya Cal, can you call tita Lana and tell her I'm fine? Thank you, Love you!]I sent it and gave the phone back to Kuya. Alas-otso na ng gabi. Sigurado nag-aalala na ang mga 'yun. Aside from Kiro, of course. Matapos namin kumain, hinatid na agad ako ni kuya Cal sa bahay. And as expected, kahit natawagan na sila ni Dad, hindi pa rin nawala sa kanila ang pag-aalala. All of them are outside the probably waiting for me. "Kuya Cal, here's that bitch's phone. Can you get all the information from it?" "Ako pa ba?" Hinagis ko sa kaniya ang ce
"What did K.O. tell you?" Buti na lang hindi ako magugulatin, kung hindi nasapak ko na si Kiro dahil sa biglaan niyang pagsulpot nang makalabas ako ng building namin. "We just talk about something that's completely not part of your business."Hindi ko siya pinansin at diretso ang lakad papunta sa gate. Sumabay naman siya agad sa'kin. "Just tell me." Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Why? Are you afraid that the biggest backer of your group of bullies is suddenly talking to your target?" Ayun lang naiisip ko na dahilan kung bakit gustong-gusto niya malaman ang pinag-usapan namin kanina. "What? Why would I care about that?" Sus, kunwari pa. "E ano pala?" "I just wanted to know if he finally tried to hit on you." Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya. "Concern ka? Kung oo, itigil mo na. Hindi bagay sa'yo!" Hindi ko na siya hinintay magsalita at lumakad na ulit. Binilisan ko na para malayo ako sa masamang espiritu na umaaligid."Anong masama kung concern
"What the fuck are you doing to my sister, Olive!?" Sigaw ni Kiro sa babae."Oh, shut up!" Sabat ko. Hindi ko kinakaya ang kaplastikan niya. Natahimik siya at natanggal na ni Jed ang pagkakatali sa'kin. Sa kanilang tatlo siya lang talaga ang naka-isip na pakawalan ako. "Stop with your 'I'm a concerned brother' persona, nakakadiri!" Tumayo ako at hinarap si Kiro. "Are you okay, Fhey?" Lumapit naman sa'kin si K.O. at may gana pa talaga siyang tanungin ako kung ako. "Isa ka pa! Tantanan mo na nga ako, ikaw nagpapahamak sa'kin e! Kausapin mo 'yang ex mo na parang tanga. May pa-kidnap kidnap pang nalalaman! Magsama-sama kayong lahat! Mga bwiset!" Aalis na sana ako at iiwan sila pero may pumigil sa'kin. It wa K.O.'s ex. "Where do you think you're going? Hindi pa ako tapos sa'yo!" "Ako tapos na! Kung nagagalit ka dahil kay K.O., ayan na oh kausapin mo! Huwag mo ako idamay diyan sa kaartehan niyo!" Padabog kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Fhey, pa'no ako iiwan mo
"Here we go," Nakarating na kami sa amusement park na sinasabi niya. Okay naman, hindi kasing laki ng napuntahan ko na noon pero pwede na. Mukhang madami naman ang mga attractions."Tara na."Aya niya sa'kin matapos kong ayusin ang sarili ko. Pumunta muna kami sa ticket booth, may promo pala sila ngayon dahil anniversary ng park nila. Sa halagang 500, ride all you can na. "Saan mo una gusto sumakay?" Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nag-iisip. Bigla naman akong napatingin sa isang laro. May mga games din kasi dito, 'yung parang sa peryahan. Gano'n. At ang laro na tinutukoy ko ay 'yung shooting game. "Try muna natin mag-laro." Hinila ko agad siya papunta sa booth na nakita ko. Kinausap ko agad ang bantay at sinabi na ita-try ko. Ang rules daw kailangan ko makapagpatumba ng limang lata na sunod-sunod para makakuha ako ng premyo. Puro stuffed toys naman ang premyo nila kaya hindi ako masiyado excited. Gusto ko lang i-try kung magaling ba ako sa ganito. Marunong naman ako umas
Inayos ko muna ang sarili ko at ang itsura ko bago ako pumasok sa loob ng office, baka mahalata nila na masiyado akong galit"You're late."Bungad agad ng dean ng school. "Sorry po, may inasikaso lang po ako." "Sit down." Itinuro niya ang upuan sa harapan niya. Sinunod ko ang sinabi niya at naupo. Hanggang nanginginig pa rin ang laman ko dahil sa galit kay Kiro at sa girlfriend niya. Kailangan ko pakalmahin ang sarili ko. "Let me get straight to the point, Ms. Morales. I have been receiving countless reports that you have caused a ruckus on campus grounds." Kumunot ang noo ko. I am causing ruckus? Ako pa talaga? "Did you tell your son and his friends the same thing before?" "What?" Hindi ko alam kung na-offend ko siya o talagang wala siyang alam. "Nothing, forget I said that. But, dean, I never started anything." Kumalma na ang itsura niya at bumalik ang nananakot na
After what happened to K.O., kumalat agad ang balita. Actually, dalawang balita. Una, na talagang bati na kami. Hindi ko alam kung tanga ba sila o nagpapaka-tanga dahil halata naman siguro na okay na kami since lagi nakadikit si K.O. sa'kin. Pangalawa, kumalat ang balita sa nangyare kay K.O. sa C.R., at dahil do'n naging payapa naman ang buhay ko sa school. Ilang araw silang tahimik at takot na kalabanin ako, kasi nga takot sila kay K.O. Hanggang dumating ang friday na walang klase. Pinagbigyan ng school ang mga seniors na mag-beauty rest daw para sa ball bukas. Wala naman akong paki-alam do'n kaya instead na linggo ang araw ng pagkikita namin ni Archie, sabi ko ngayon na lang. Sa school ang napagkasunduan namin na meeting place. Hindi sa loob since kapag wala kang pasok, hindi ka talaga papapasukin sa loob ng campus. For safety purposes ng mga nasa loob. "Wow, I didn't know I would find you here. Ms. Fhey." Nanlaki ang mata ko dahil may bigla
Matapos ang ilang minuto na pag-aya at pagpakalma sa'kin, umalis na din si tita sa labas ng kwarto ko. Nanatili akong nakaupo at nakahawak sa dalawang tenga ko. Ayoko nito. Ayoko siyang makita. Ayoko. Kinuha ko ang cellphone sa bag na dala ko at hinanap ang number ni daddy. I was about to press the call button when a thought suddenly came to mind. I can't worry them. If they found out that I freak out after seeing her, they'll definitely ask questions. And I don't want that. I don't think I will ever be ready to answer any questions they have. Itinabi ko na ang cellphone ko at napagdesisyunan ko na na hindi ko tatawagan ang daddy o mommy ko. Ako na lang ang bahala. Kakayanin ko 'to.Istayed at my room until the next day, pinipilit nila akong lumabas dahil party ng school pero ayoko. Hindi ako pupunta, wala akong gana pumunta. Sunday came at hindi pa rin ako lumalabas. Nag-iiwan lang sila ng pagkain sa labas ng pinto para sa'kin. Lunes, isang malakas at pagalit na boses agad ni Kir
Mas maaga ako nagising kinabukasan, para makatakas sa pag-aaya nila tita na kumain ng sama sama. Ayoko pa rin talaga makasama sila sa iisang hapag. Pero mukhang pareho kami ng iniisip ng mama ni Kiro dahil nasa labas na siya ng kwarto ko pagkalabas ko. "Fhey," Hindi ko siya pinansin at naglakad na pababa ng hagdan. "Fhey, please, kahit hindi ka na kumain dito dalhin mo na lang itong ginawa ko." Sumusunod siya sa'kin kaya mas lalo kong binilisan ang lakad ko. "Fhey, please."Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya, hinawakan niya ako sa braso para patigilin sa paglalakad. Agad ko naman inalis ang pagkakahawak niya sa'kin at hinarap siya. "Kung gusto ko 'yan, kusa kong kukunin. Pero hindi ko kinukuha, so obvious naman siguro na ayoko diba?" Iniwan ko na siya do'n at dali dali akong umalis. Mabuti na lang talaga at mukhang hindi morning people ang mga laging humahabol sa'kin kasi hindi sila lu
"Hello?" Sagot ko sa kung sino man ang tumawag sa'kin. Ang aga-aga may tumatawag na. Puyat pa naman ako. "Hello ka riyan, ano na nasaan na kayong mag-asawa?" Kumunot ang noo ko at tiningnan ang katabi ko na sobrang sarap pa ng tulog."Nasa bahay. Bakit?" "Wow, nasa bahay pa lang kayo? At base sa boses mo kakagising mo lang? Fhey, baka nakakalimutan niyo na ngayon ang reunion natin!" Nabuhayan ako ng diwa dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko naman kung sino ang tumawag at pangalan ni Kiro ang nakita ko. Pilit ko naman ginigising ang asawa ko gamit lang ang isang kamay. "Hmmmm. Good morning, love." Inaantok na bati niya sa'kin at malaking nakangiti pa. "Kayo nagplano nito ha! Umuwi ng bansa si Leon at ang pamilya niya para rito, umayos kayong dalawa!" And that was the last thing he said before hanging up. "Who was calling you early in the morning? After 10 years ngayon ka lang nagdecide na palitan ako? Late na yata para sa ganiyang desisyon, mahal." "Manahimik ka nga! Si Kiro '
After the holidays, the next few months were our busiest. We were all graduating, and there were so many things we needed to do. It was stressful. Especially our final examinations. But after all that stress, all the sleepless nights, the crying in the middle of the night, we still made it. All six of us are graduating together. Kiro and K.O. are both graduating with high honours. While I and the rest of the group are just graduating. I mean, that doesn't actually matter, right? What's important is we're graduating, and we all passed our university entrance examinations. "Fhey, tara na anak. Baka ma late ka." Pumasok si mommy sa kwarto ko para tawagin ako dahil kailangan na namin pumunta sa events place kung saan gaganapin ang graduation namin. Malaki ang ngiti ko na lumapit sa kaniya at yumakap. "I love you, mom." Nagulat siya noong una pero naramdaman ko rin ang mainit at mahigpit na yakap niya."I love you more than you know, anak." We went out of the unit to our whole fami
"Hulaan ko kung ano sasabihin mo..."Hindi pa kami nakakapwesto ng maayos sa gilid ng building pero nagsalita ako. "Sorry." Napayuko siya dahil alam niyang ayun talaga ang sasabihin niya sa'kin. "And also... thank you."Tumahimik ako at hinayaan siya magsalita. "Thank you for paying all our debts." Napakunot ang noo ko. Wala naman kasi akong natatandaan na nagbayad ako ng utang ng kahit sino."Sabi sa'mi nung nautangan ni papa, Morales daw apilyedo nung nagbayad. Kahit hindi niya sinabi ang pangalan mo, alam kung ikaw 'yun. Ikaw lang naman ang nakakaalam ng utang namin." Ngumiti siya na parang relived siya na may pakialam pa ako sa kaniya. Napabuntong hininga naman ako. "Believe it or not, hindi ako ang nagbayad ng utang niyo."Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya."It's probably one of my family members. You what money can do, they probably had the whole situation investigated. And that's how they found out about you." Paliwanag ko sa kaniya. "That's common in my family. P
"E bakit biglang nalungkot ang mga beshy ko!?" Biglang binasag ni Archie ang naging katahimikan dahil sa sinabi ko. Paramg na awkward silang lahat. "Oo nga, hindi naman nangyare e. At kahit may hindi magandang nangyare kay Cons, nakikita naman natin na lumalaban kaya huwag na natin kaawaan. Pity is the least he needed." Paliwanag ni Jed, at tama naman siya. "Bakit ako ang topic?" Napalingon kaming lahat sa likod ko nang madinig ang boses ni Cons. And threre he was in his wheelchair that was being pushed by our other friend, Ezel. "Cons!" Sabay sabay na tawag sa kaniya. Pero hindi gulat kung hindi excitement ang madidinig sa mga boses namin, kaya napangiti si Cons."Wow, andito din ako guys. Libre lang batiin ako." Naiinis na nagtatampong sagot ni Ezel."What are you guys doing here again? Wala ba kayong pasok? Pumapasok pa ba kayo?" Tanong ko sa kanila."Huwag mo kami
Ilang araw na rin ang lumipas simula noong pumasok na ako sa school. Wala naman nagbago, mas napapadalas lang ang pagkaplastic ng mga tao sa harapan ko. Kung noon ang sasama at mapang-husga sila tumingin, ngayon ang tingin nila sa'kin para akong anghel na pinadala ng langit. Akala siguro nila uubra ang kaplastikan nila sa'kin. Hindi ako uto-uto at mas lalong hindi ako sabik sa atensyon. "Fhey, may practice kami ngayon. Sama ka o uwi ka na?" Tanong sa'kin ni K.O. Biyernes na ngayon at sa lunes na ang simula ng games kaya umaga at hapon na ang practice nila. Madalas hindi ko na sila nakakasabay pero okay lang. "Uwi na ako, gusto ko na magpahinga." Hinatid nila ako hanggang sa may gate bago sila pumasok ulit sa loob ng campus para simulan ang training. Nakaalis na ang pamilya ko kaya tahimik na sa condo ng makabalik ako. Wala naman problema sa'kin dahil alam ko na mas kailangan sila sa Makati kesa dito. Braso ko lang naman ang hindi magamit at hi
"Okay, bago kayo lumabas ililista ko na kung anong sports niyo." Biglang sigaw ni Kiro noong lumabas na ang last teacher namin. Nag-ring na kasi ang bell, senyales na lunch na. Lumakad siya papunta sa unahan ng room na may hawak na ballpen at papel. "Una, basketball, sino sasali?"Tanong niya at agad na nagkagulo at umingay sa room namin. Halos lahat ng mga lalaki ay isinigaw ang pangalan nila. "Sa tingin niyo talaga maiintindihan ko kayo sa lagay na yan?" Tumigil siya sa pagsusulat at humalukipkip, natahimik naman ang lahat. Namangha naman ako sa kakayahan niya na magpatahimik ng magulong classroom kahit hindi sumisigaw. May use naman pala ang pagkamasungit niya. "Ikaw K.O.?" Tanong ni Kiro sa katabi ko, na kanina pa tahimik, matapos mailista lahat ng gusto sumali ng basketball. "Pass. Madami na sila kaya na nila 'yan." Sagot niya naman, kaya ibang sports namin ang tinanong ni Kiro. "Bakit ayaw mo?" Tanong ko kay K.O."May usapan na kami..." Sagot niya at itinuro sila Jed
"So, si Cons 'yung tinutukoy mo sa kwento mo?"Biglang tumabi sa'kin si K.O. sa sala. Hindi kasi nila ako pinapayagan magkikilos."Yup." Sagot ko sa kaniya. Pareho kaming nakatingin kay Cons na kahit nasa wheelchair ay tumutulong pa rin sa paglilinis ng dining. "Alam mo nung nagkwento ka sa'kin, grabeng lungkot ang naramdaman ko para sa kaibigan mo. Pero ngayon na nakita ko na siya, nabawasan na." Napatingin ako kay K.O. dahil sa sinabi niya. Medyo napayuko na siya at nakapatong ang dalawang siko sa tuhod habang nakatingin kay Cons. "Ang nasa isip ko kasi no'n mahinang tao 'yung kaibigan mo, kaya deserve kaawaan. Kaso nagbago bigla 'yung isip ko nung makita ko si Cons. He's so strong. So brave. So positive." Tumingin ulit ako kay Cons. "Kaya sana, bawasan mo na ang pag-aalala sa kaniya. Bawasan mo na ang pagtingin sa kaniya na may kasamang awa. Kasi hindi niya na deserve 'yun, ang deserve niya na ngayon suporta." Sandali kaming nagkatitigan ni K.O. Nakatingala siya sa'kin dahil
Katahimikan. Iyan ang bumalot sa aming lahat. Walang nagsalita at walang nagbalak na magsalita. "Fhey..." Tinangka akong hawakan ng mama ni Kiro pero hindi ko inaasahan ang ginawa ng kapatid ko. Marahas niyang hinawakan sa braso ang mama niya at galit na galit itong nakatitig lang sa kaniya. "Kiro—""Don't touch her." Galit siya, pero hindi siya sumisigaw. "I trusted you, Ma. Pinagtanggol kita, ng ilang beses. Tapos ganito ang malalaman ko?" Ako 'yung sinaktan. Ako 'yung inabuso. Pero parang kay Kiro ginawa ang lahat dahil sa tono ng boses niya."Fhey... sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Masiyado akong nalulong sa bisyo, sa'yo ko naibuhos lahat."Alam niyang hindi siya uubra kay Kiro kaya sa'kin na naman siya nakikiusap. "Alam ko. Alam ko kung gaano ka kalubog sa utang... kaya mo nga ako nagawang ibenta diba?" Natigila na naman siya sa sinabi ko. "Those people who kept on going after me, were the people you have debt with. Tapos ano 'yung pambayad mo? Ako diba?" Hindi ko na
Ilang minuto bago tuluyan matahimik sa labas, mukhang pinaalis silang lahat ng mga nurse at doctor. Dapat lang 'yun para hindi sila makaabala ng ibang tao. "Anak, tatawagin ko na ba si Kiro?" Tanong sa'kin ni mommy. Tumitig muna ako sa kisame ng ilang minuto bago tumango sa kaniya. "Fin, anak, let's leave ate muna ha. Let's go to daddy." Tumango muna si Fin kay mommy bago humarap sa'kin. "Ate, we'll be back. I'll protect you." "Sure, bunso. I'll wait for you." Hinalikan ko siya sa noo at kumaway pa siya bago tuluyan makalabas sa hospital room ko. Mga limang minuto ang lumipas ng biglang bumukas ang pinto, at kahit hindi ko tingnan kung sino, alam kong si Kiro 'yun."Kamusta?" Hindi ko pinansin ang tanong niya, obvious naman siguro sa dextrose na nakakabit sa'kin at sa cast ko sa braso na hindi ako okay magtatanong pa siya. "Fhey, gusto ko lang sana humingi ng—""Alam mo kung ano problema sa'yo? Pagdating sa'kin hindi ka marunong makinig at magpakumbaba."Ayoko madinig ang mga