"Ma'am Fhey, gising na po. Andito na po tayo."
Mabagal akong bumangon at unti-unti kong binuksan ang mata ko. Medyo mataas na ang sikat ng araw kaya nahirapan pa mag-adjust ang mata ko. Natulala pa ako ng ilang minuto bago mag-sink in sa akin na nakarating na kami.Agad na lumabas ng sasakyan ang driver para pagbuksan ako ng pinto. Hindi pa man ako nakakalabas ay nakita ko na ang isang lalaki na nakatayo sa tapat ng bahay sa kaliwa at deretsong nakatingin sa akin. Na-conscious tuloy ako bigla."Welcome, Fhey. I do know that you don't remember me, but I hope you already know me."Lumalapit siya papunta sa pwesto ko habang nagsasalita."Kuya Zion."Tawag ko sa kaniya, agad namang lumaki ang ngiti niya."Salamat naman kilala mo 'ko, tulungan na kita."Kinuha niya sa akin ang bag na hawak ko. Siyempre hindi lang isa ang dala ko dahil isang taon ako dito.Si kuya Zion ay pinsan ko, anak siya ng kapatid ng biological mother ko. Hindi ko siya naaalala, pero nakita ko na ang picture niya at nai-kwento na siya sa akin ng daddy ko."Our house is probably not as big as your family's, sana okay lang sa'yo."Hindi talaga siya kasing laki at kasing modern, pero okay naman siya. Their house is perfect for a small family."Okay lang."Mahinang sagot ko at bahagyang ngumiti. Pumwesto lang ako sa gilid ng kalsada habang pinapanood sila kuya zion at ang driver na ilabas lahat ng gamit na dala ko."Mauna na po ako ma'am. Ingat po kayo."Paalam sa akin ni manong bago sumakay sa kotse."Ingat kuya."Sigaw ko sa kaniya at bumusina naman siya bago tuluyang umalis. Hindi ko alam pero sobrang nalungkot ako habang pinapanood ko ang sasakyan namin na umalis."Tara sa loob? Naghihintay na sila mama."Aya sa akin ni kuya Zion."Paano po itong mga gamit ko?"Tinuro ko ang sandamakmak na maletang dala ko."Kami na bahala ng kapatid mo diyan, halika na."Natahimik ako dahil sa sinabi niyang kapatid ko. I mean he is, but at the same time he is not. It's been so long, I don't even know if I can still treat him like a brother."Welcome home, Fhey!"Home? Let's see about that.May confetti pa silang pinasabog nang makapasok kami sa loob ng bahay. Agad kong inilibot ang mata ko, pero hindi ko nakita ang biological mother ko."Thank you po. Pasensya na po sa abala."Lumapit ako sa tita ko at agad niya akong niyakap."Nako wala 'yun, ano ka ba. Kami naman ang may gusto na dito ka muna tumira."Ngumiti ako sa kaniya. Napunta naman sa lalaki sa likod niya ang mata ko, agad tumaas ang isang kilay niya nang magtama ang mata namin."Kiro, tulungan mo nga ako sa mga gamit ni Fhey!"Hindi ko alam kung nahalata ba ni kuya Zion ang awkwardness sa pagitan namin kaya niya tinawag si Kiro.Si Kiro na stepbrother ko."Halika, Fhey. Madami akong niluto para sa'yo."Inalalayan ako ni tita papunta sa dining room nila. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung gaano nga kadami ang niluto niya."Ang dami naman po nito."Sabi ko sa kaniya, agad ko namang nadinig ang mahinang tawa niya."Lahat 'to paborito mo noong pumupunta ka sa bahay ng ate. Ito lagi mong kinakain kapag bumibisita ako."Paliwanag niya.Gano'n ba ako katakaw kumain noon, at ganito kadami ang paborito ko."Ah, tita. Mahina na po kasi akong kumain kaya baka po masira lang ang mga 'to. Sayang naman po.""Dadalin ko sa opisina kung hindi mauubos."Napatingin ako sa may sliding door nang biglang pumasok ang asawa ni tita Lana, si tito Amber."Welcome Fhey."Parang na deja vu ako ng ngumiti siya, bigla kong nakita ang mukha ni kuya Zion sa kaniya. Carbon copy kasi."Salamat po."Naupo na kaming dalawa at nagsimula na mag-hain ng pagkain si tita Lana. Hindi naman nagtagal ay nadinig na namin ang pagpasok ng dalawang lalaki."Boys, mamaya niyo na iakyat 'yan. Kain na muna tayo."Tawag ni tita sa dalawa. Sumunod naman sila at pumasok sa dining area."Good morning, pa!"Bati ni kuya Zion kay tito, tinaas lang naman ni tito ang kamay niya dahil nagsisimula na siyang kumain. May pasok pa kasi sa opisina kaya kailangan na niyang kumilos ng mabilis."Kiro, upo na. Ano pa hinihintay mo?"Puna ni kuya Zion kay kiro na nakatayo lang sa gilid."Pasko."Walang ganang sagot ni Kiro at naupo sa harapan ko. Nagsimula na kami kumain at tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Kahit ang tingnan sila ay hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Pakiramdam ko hindi ako dapat nandito."Fhey, sa monday na ang simula ng pasok niyo. Ready na ba mga gamit mo, o gusto mo mamili tayo mamaya?"Inangat ko ang ulo ko dahil sa tanong niya. Nakita ko naman na sa akin sila nakatingin lahat."Ako na lang po ang bibili, baka maabala ko pa po kayo."Nahihiyang paliwanag ko sa kaniya."Nako, ano ka ba! Hindi ka naman iba sa amin. Sasamahan na kita, isasama din natin 'yang kapatid mo."Napatingin ako kay Kiro dahil sa sinabi ni tita, at nakita ko kung paano niya itinago ang pag-ikot ng mata niya.Ayaw na ayaw yata sa'kin nito.Dahil mas nakakahiya na tumanggi, tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya at tinuloy ang pagkain ko. Umalis din agad si tito nang matapos kami. Ang dalawa naman ay iniakyat na sa taas ang mga gamit ko."Ako na dito, Fhey. Sige na sumunod kana doon sa dalawa para makita mo 'yung kwarto na gagamitin mo."Kinuha ni tita sa kamay ko ang mga pinggan na hinuhugasan ko. At dahil hindi na ako kailangan sa baba, umakyat na ako sa taas."Ayusin mo naman ng lagay, may galit ka ba sa kapatid mo?"Nasa may hallway palang ako, nadidinig ko na ang boses ni kuya Zion. Nakabukas kasi ang pinto ng isang kwarto, mukhang 'yon ang gagamitin ko kasi doon sila nag-aayos."We're not siblings!"Napahinto ako sa sinabi ni Kiro. Nag-stay muna ako sa hallway para pakinggan kung ano pa ang sasabihin niya tungkol sa'kin."We're not siblings mo 'yang mukha mo. Kung maka-iyak ka naman noon kapag uuwi na siya sa pamilya niya, daig mo pa ang namatayan!"I giggled because of that information. Pero agad din nawala ang ngiti ko ng maalala ko kung gaano kalamig ang trato niya sa akin ngayon, mas malamig pa sa pasko ng Japan.Bakit kaya bigla siyang nagbago? Well, 8 years naman kasi kami hindi nagkita. People change."Excuse me."Napatingin silang dalawa sa'kin. Naabutan ko pa silang naghahampasan, dahil siguro sa pang-aasar ni kuya Zion kanina."Tutulong ako."Ibinaba ni kiro ang unan na hawak niya at naglakad papunta sa pwesto ko."May katulong ka na, labas na 'ko."Dire-deretso ang lakad niya kaya umalis ako sa daanan at talagang sinadya niya pang banggain ang balikat ko kaya napakunot ang noo ko."Pagpasensyahan mo na 'yun, may dalaw yata!"Natatawa pa si kuya Zion habang inaayos ang mga gamit ko."May point naman kasi siya, hindi naman kasi talaga kami magkapatid."Paliwanag ko sa kaniya habang inilalagay ang mga damit ko sa closet sa gilid ng kama."Anong nangyare? Noong mga bata pa kayo, halos hindi kayo mapaghiwalay. Ngayon itinatanggi niyo na ang isa't-isa.""People change, kuya."Walang ganang sagot ko."Kahit ano pa sabihin niyo, magpalit man kayo ng pangalan sa f******k at i-block ang isa't-isa, magkapatid pa rin kayo."Bumuntong hininga na lang ako at hindi na nagsalita ulit. Medyo natagalan kami sa pag-aayos dahil madami ang dala ko, pero hindi naman ako iniwan ni kuya Zion.Tumulong din sila tita at ang mga kasambahay nang matapos sila sa ginagawa sa baba. Sinubukan pang tawagin ni tita si Kiro pero may ginagawa daw, kausap ang girlfriend."Okay na. Magpahinga ka na, Fhey. Tatawagin na lang kita kapag aalis na tayo."Lumabas na silang lahat sa kwarto ko. Agad kong inilabas ang cellphone ko at nag-send ng message sa family group chat namin na nakarating na ako. Nakalimutan ko na kanina, pero alam ko naman na maiintindihan nila. Nakipagusap lang ako sa pamilya ko at hindi namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako sa katok sa pinto ng kwarto.Binuksan ko ang pinto na medyo nakasara pa ang mata. Agad na bumungad sa'kin ang naiinis na mukha ni Kiro."Tsk. Bilisan mo nga! Aalis na hindi ka pa nakahanda."Nagising ako dahil sa init ng ulo niya. Hinabol ko siya ng tingin hanggang sa makababa siya ng hagdan. Mukhang kakatapos niya lang din maligo dahil medyo basa pa ang buhok at umaabong pa ang pabango niya.Binilisan ko na lang ng ligo at sinuot ang kung ano man ang nakuha ko sa drawer. Nakahanda na silang lahat ng makababa ako, at mukhang kasama din si kuya Zion dahil naka-ayos din siya."Sorry po, napasarap ang tulog ko."Bungad ko sa kanila nang makalapit ako."Okay lang, tara na. Doon na din tayo mag di-dinner."Napatingin naman ako sa relo ko nang sabihin 'yun ni tita. Medyo nanlaki ang mata ko ng makita na alas-tres na pala ng hapon. Kaya pala sasama na si kuya Zion kasi siguradong matatagalan kami kung saan man kami pupunta."Sa likod na kayong dalawa."Sabi sa amin ni kuya Zion nang buksan niya ang pinto sa shutgon seat para kay tita. Hindi na nagreklamo si Kiro at pumasok na agad sa loob, gano'n na din ang ginawa ko kaya nakaalis kami agad. Nagke-kwentuhan lang silang tatlo habang nasa biyahe kami. Pinaguusapan nila ang school na papasukan ko, ang university ni kuya Zion, ang girlfriend ni Kiro at ang business nila.Hindi naman kalayuan sa bahay nila ang SM kaya hindi din kami natagalan sa sasakyan. Binaba na kami ni kuya sa harap ng mall at magkita na lang daw kami sa loob."Tara national bookstore na tayo."Humawak sa braso ko si tita bago ako hilahin papunta sa escalator. Medyo lumingon ako sa likod para makita kung nasaan si Kiro, nakasunod lang siya sa'min."Tara, tara!"Parang mas excited pa si tita kesa sa akin nang makapasok kami sa bookstore. Siya lang din ang maingay sa aming tatlo dahil siya lang ang halatang may gustong gawin 'to. Natagalan kami sa loob dahil sa dami ng gustong bilhin ni tita."Tita, hindi na po kailangan ng ganito kadaming gamit. May laptop naman kami."Pigil ni kiro kay tita dahil balak niya pa akong bilhan ng big notebooks."Oo nga po, tita. Masasayang lang po kung dadamihan natin ng notebooks."Mabuti na lang at na-convince namin si tita na ibalik ang iba sa mga gamit.Ginawa niyo naman po akong elementary student, tita.Nauna nang lumabas si kiro habang nagbabayad kami ng mga pinamili namin. Kita din mula dito na kasama niya na si kuya Zion."San na tayo next, ma?"Tanong ni kuya Zion nang lumalapit kami sa pwesto nila. Kinuha din niya sa akin ang mga dala ko."Grocery tayo anak."Sunod lang kami nang sunod kay tita habang nasa grocery store kami. Silang dalawa lang din mag-ina ang naguusap at kaming dalawa ni Kiro ay tahimik lang. Hanggang sa bigla na lang tumunog ang phone niya."Tita, hintay na lang po ako sa labas."Paalam niya bago sagutin ang tawag at maglakad papalabas. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa lumiko na siya sa ibang aisle. Tuloy lang naman ang grocery shopping namin, sinabihan din ako ni tita na kumuha ng kahit anong gusto ko kaya ginawa ko din.Gusto ko sana 'yung buong mall, kaya lang baka it's too much to ask."Fhey, tawagin mo na 'yung kapatid mo dederetso na tayo sa restaurant sa labas."Utos sa akin ni tita. Sanay talaga silang tawagin na magkapatid kami. Hindi ako kumportable pero nakakahiya naman pagbawalan sila kasi doon na sila nasanay."Hindi ko po alam kung nasaan tita."Pagpapalusot ko dahil malakas ang pakiramdam ko na tatarayan na naman ako no'n."Nasa kabilang entrance 'yun, sa pinasukan natin kanina. Hindi naman 'yun lumalayo kapag iniiwan niya kami."Sumunod na ako dahil alam kong kahit anong palusot ko may ika-counter si tita. Bumuntong hininga na lang ako habang naglalakad papalabas. Malayo-layo pa lalakarin ko dahil nasa pangalawang entrance kami ng grocery store, doon daw kasi malapit ang restaurant na pina-reserve nila.Lumingon agad ako nang makalabas, nakita ko naman siya na nasa kanan ng shop at may kasamang tatlong lalaki. Nakuha ko ang atensyon ng isa sa kanila habang naglalakad ako papalapit. Siniko niya si Kiro at tinuro ako gamit ang labi niya, kaya napunta sa akin ang atensyon nilang lahat."Bakit?"And as expected, ang sama na naman ng tingin ni Kiro."Sa kabilang exit sila tita lalabas, tara na daw."Bumuntong hininga siya at nagpaalam sa mga kasama niya."Pakilala mo naman kami, Kiro."Pang-aasar ng isa sa kanila."May bibig ka, magpakilala ka mag-isa mo!"Mataray na sagot ni kiro. Lumapit naman siya sa akin na parang excited na bata."Hi, I'm Archie.""Fhey."Kinuha ko ang kamay niya at nakipag-shake hands. Bigla naman napunta sa isang kasama nila ang mata ko. Nakatingin lang siya sa amin habang nakasandal sa railings. Bigla siyang kumindat ng magtama ang mata namin kaya medyo nahiya ako."Tara na."Aya sa akin ni Kiro. Bahagya lang akong yumuko sa kanila bago ako sumunod kay kiro."Stay away from K.O. Playboy 'yun."Napatingin ako sa kaniya. Medyo napangiti pa ako."Concern ka sa'kin?"Binilisan ko ng lakad para magkasabay kami."Hindi, ayaw ko lang makita kang umiiyak."Lalong lumaki ang ngiti ko. Aasarin kona sana siya pero bigla siyang nagsalita ulit."Bata pa lang tayo alam ko na kung gaano ka kapanget umiyak."Napalitan ng inis ang ekspresyon sa mukha ko."Pero kung gusto mo makipag-sabunutan sa apat pang babae, 'wag kang makinig sa'kin."Dagdag na naman niya."Hindi ko nga kilala 'yung K.O. na sinasabi mo!"Humalukipkip ako habang naglalakad dahil sa inis ko sa kaniya."Iyong kumindat sa'yo."Napatingin ulit ako sa kaniya dahil doon. Napansin niya pala ang ginawa noong lalaki. Hindi na ako nakapagsalita pa ulit dahil nakita na namin sila tita.Inilagay muna nila kuya zion at kiro ang mga pinamili namin sa kotse kaya medyo huli na sila pumasok sa restaurant. Late na din si tito dahil kakalabas lang niya ng trabaho. Nag stay kami sa mall ng ilang oras pa bago umuwi, naisipan kasi ni tita mag picture taking kaming lahat.Kinabukasan naman ako lang mag-isa ang nasa bahay. Tito and tita went out to meet their friends for their weekly meet up, kuya Zion went out to meet his college friends and Kiro went on a date with his girlfriend. Gabi na silang lahat umuwi kaya wala din namang exciting na nangyare.Ilang araw pa naman ang lumipas nang magsimula ang school year. Kinakabahan ako, dahil unang araw ko sa ibang school."Fhey? Handa ka na ba?" Dinig kong tanong ni tita sa labas ng kwarto ko. Lunes na at ngayon ang unang araw ng school. "Opo, palabas na po!" Pasigaw na sagot ko. Binilisan ko na kumilos at lumabas na ng kwarto. Wala na si tita sa labas at mukhang tinawag lang ako. "Ang tagal mo naman!" Naiinis na reklamo agad ni Kiro. Naka-uniform na siya at ready na talaga."Taray mo naman, ang aga aga inaaway mo kapatid mo!"Bumababa pa lang ng hagdan si kuya Zion. Mukhang siya ang maghahatid sa amin dahil may dala siyang susi. "Tara na. Excited ka na ba makita bebe mo? Akala mo naman sampung taon hindi nagkita!" Umakbay si kuya kay Kiro habang papalabas kami. Pilit naman tinatanggal ni Kiro ang braso ni kuya Zio sa balikat niya.Sa unahan umupo si Kiro kaya ako lang mag-isa ang nasa likod. Hindi kalayuan ang school mula sa subdivision nila kaya hindi kami natagalan sa sasakyan.Greenfield Private AcademyHuminto saglit ang kotse sa may gate para i-verify na may nag-aaral dito sa mga nakasakay.
Kahit nakauwi na kami, hindi nawala ang sama ng loob ko kay Kiro. Mukhang wala naman siyang pakialam. "Kiro, can we talk?" Pigil ko sa kaniya bago siya pumasok sa kwarto. "What?" Naiinis na tanong niya."You're bullying someone? Seriously, ano kayo bata?""Nakita mo ba na kasali ako? Hindi naman diba?" "Bakit hindi mo manlang sabihan mga kaibigan mo?" Mapang-asar siyang ngumiti. "Bakit hindi ikaw ang gumawa? Tutal ikaw naman ang naka-isip!" "What the hell happened to you? How did you become like this?" His expression suddenly changed, it became serious. "You know exactly what happened. Oh, wait, you lost your memories. I guess you don't know what happened!" Tinarayan niya ako bago siya tumalikod at pumasok sa kaniya niya. Malakas niya rin isinara ang pinto na nagpagulat sa'kin. Well, I guess there's no point talking to him. We're now basically strangers who live under the same roof. Ilang araw na ako nakatira sa kanila, at ilang araw na rin akong hindi pinapansin ni Kiro.
"Oh, Kuya, pahiram ng phone mo. Tatawagan ko si tita." We're currently at a korean restaurant and I just remembered na may naghihintay pala sa'kin. "Alam mo number?" Natigilan ako sa sinabi niya. Kaya nga pala siya ang tinawagan ko kasi number niya lang kabisado ko. "Just text your dad, tell him to call them." And I did what he said. I looked for Dad's contact and composed a message. [Dad, this is your pretty princess. As you can see I'm with kuya Cal, can you call tita Lana and tell her I'm fine? Thank you, Love you!]I sent it and gave the phone back to Kuya. Alas-otso na ng gabi. Sigurado nag-aalala na ang mga 'yun. Aside from Kiro, of course. Matapos namin kumain, hinatid na agad ako ni kuya Cal sa bahay. And as expected, kahit natawagan na sila ni Dad, hindi pa rin nawala sa kanila ang pag-aalala. All of them are outside the probably waiting for me. "Kuya Cal, here's that bitch's phone. Can you get all the information from it?" "Ako pa ba?" Hinagis ko sa kaniya ang ce
"What did K.O. tell you?" Buti na lang hindi ako magugulatin, kung hindi nasapak ko na si Kiro dahil sa biglaan niyang pagsulpot nang makalabas ako ng building namin. "We just talk about something that's completely not part of your business."Hindi ko siya pinansin at diretso ang lakad papunta sa gate. Sumabay naman siya agad sa'kin. "Just tell me." Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Why? Are you afraid that the biggest backer of your group of bullies is suddenly talking to your target?" Ayun lang naiisip ko na dahilan kung bakit gustong-gusto niya malaman ang pinag-usapan namin kanina. "What? Why would I care about that?" Sus, kunwari pa. "E ano pala?" "I just wanted to know if he finally tried to hit on you." Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya. "Concern ka? Kung oo, itigil mo na. Hindi bagay sa'yo!" Hindi ko na siya hinintay magsalita at lumakad na ulit. Binilisan ko na para malayo ako sa masamang espiritu na umaaligid."Anong masama kung concern
"What the fuck are you doing to my sister, Olive!?" Sigaw ni Kiro sa babae."Oh, shut up!" Sabat ko. Hindi ko kinakaya ang kaplastikan niya. Natahimik siya at natanggal na ni Jed ang pagkakatali sa'kin. Sa kanilang tatlo siya lang talaga ang naka-isip na pakawalan ako. "Stop with your 'I'm a concerned brother' persona, nakakadiri!" Tumayo ako at hinarap si Kiro. "Are you okay, Fhey?" Lumapit naman sa'kin si K.O. at may gana pa talaga siyang tanungin ako kung ako. "Isa ka pa! Tantanan mo na nga ako, ikaw nagpapahamak sa'kin e! Kausapin mo 'yang ex mo na parang tanga. May pa-kidnap kidnap pang nalalaman! Magsama-sama kayong lahat! Mga bwiset!" Aalis na sana ako at iiwan sila pero may pumigil sa'kin. It wa K.O.'s ex. "Where do you think you're going? Hindi pa ako tapos sa'yo!" "Ako tapos na! Kung nagagalit ka dahil kay K.O., ayan na oh kausapin mo! Huwag mo ako idamay diyan sa kaartehan niyo!" Padabog kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Fhey, pa'no ako iiwan mo
"Here we go," Nakarating na kami sa amusement park na sinasabi niya. Okay naman, hindi kasing laki ng napuntahan ko na noon pero pwede na. Mukhang madami naman ang mga attractions."Tara na."Aya niya sa'kin matapos kong ayusin ang sarili ko. Pumunta muna kami sa ticket booth, may promo pala sila ngayon dahil anniversary ng park nila. Sa halagang 500, ride all you can na. "Saan mo una gusto sumakay?" Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nag-iisip. Bigla naman akong napatingin sa isang laro. May mga games din kasi dito, 'yung parang sa peryahan. Gano'n. At ang laro na tinutukoy ko ay 'yung shooting game. "Try muna natin mag-laro." Hinila ko agad siya papunta sa booth na nakita ko. Kinausap ko agad ang bantay at sinabi na ita-try ko. Ang rules daw kailangan ko makapagpatumba ng limang lata na sunod-sunod para makakuha ako ng premyo. Puro stuffed toys naman ang premyo nila kaya hindi ako masiyado excited. Gusto ko lang i-try kung magaling ba ako sa ganito. Marunong naman ako umas
Inayos ko muna ang sarili ko at ang itsura ko bago ako pumasok sa loob ng office, baka mahalata nila na masiyado akong galit"You're late."Bungad agad ng dean ng school. "Sorry po, may inasikaso lang po ako." "Sit down." Itinuro niya ang upuan sa harapan niya. Sinunod ko ang sinabi niya at naupo. Hanggang nanginginig pa rin ang laman ko dahil sa galit kay Kiro at sa girlfriend niya. Kailangan ko pakalmahin ang sarili ko. "Let me get straight to the point, Ms. Morales. I have been receiving countless reports that you have caused a ruckus on campus grounds." Kumunot ang noo ko. I am causing ruckus? Ako pa talaga? "Did you tell your son and his friends the same thing before?" "What?" Hindi ko alam kung na-offend ko siya o talagang wala siyang alam. "Nothing, forget I said that. But, dean, I never started anything." Kumalma na ang itsura niya at bumalik ang nananakot na
After what happened to K.O., kumalat agad ang balita. Actually, dalawang balita. Una, na talagang bati na kami. Hindi ko alam kung tanga ba sila o nagpapaka-tanga dahil halata naman siguro na okay na kami since lagi nakadikit si K.O. sa'kin. Pangalawa, kumalat ang balita sa nangyare kay K.O. sa C.R., at dahil do'n naging payapa naman ang buhay ko sa school. Ilang araw silang tahimik at takot na kalabanin ako, kasi nga takot sila kay K.O. Hanggang dumating ang friday na walang klase. Pinagbigyan ng school ang mga seniors na mag-beauty rest daw para sa ball bukas. Wala naman akong paki-alam do'n kaya instead na linggo ang araw ng pagkikita namin ni Archie, sabi ko ngayon na lang. Sa school ang napagkasunduan namin na meeting place. Hindi sa loob since kapag wala kang pasok, hindi ka talaga papapasukin sa loob ng campus. For safety purposes ng mga nasa loob. "Wow, I didn't know I would find you here. Ms. Fhey." Nanlaki ang mata ko dahil may bigla
"Hello?" Sagot ko sa kung sino man ang tumawag sa'kin. Ang aga-aga may tumatawag na. Puyat pa naman ako. "Hello ka riyan, ano na nasaan na kayong mag-asawa?" Kumunot ang noo ko at tiningnan ang katabi ko na sobrang sarap pa ng tulog."Nasa bahay. Bakit?" "Wow, nasa bahay pa lang kayo? At base sa boses mo kakagising mo lang? Fhey, baka nakakalimutan niyo na ngayon ang reunion natin!" Nabuhayan ako ng diwa dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko naman kung sino ang tumawag at pangalan ni Kiro ang nakita ko. Pilit ko naman ginigising ang asawa ko gamit lang ang isang kamay. "Hmmmm. Good morning, love." Inaantok na bati niya sa'kin at malaking nakangiti pa. "Kayo nagplano nito ha! Umuwi ng bansa si Leon at ang pamilya niya para rito, umayos kayong dalawa!" And that was the last thing he said before hanging up. "Who was calling you early in the morning? After 10 years ngayon ka lang nagdecide na palitan ako? Late na yata para sa ganiyang desisyon, mahal." "Manahimik ka nga! Si Kiro '
After the holidays, the next few months were our busiest. We were all graduating, and there were so many things we needed to do. It was stressful. Especially our final examinations. But after all that stress, all the sleepless nights, the crying in the middle of the night, we still made it. All six of us are graduating together. Kiro and K.O. are both graduating with high honours. While I and the rest of the group are just graduating. I mean, that doesn't actually matter, right? What's important is we're graduating, and we all passed our university entrance examinations. "Fhey, tara na anak. Baka ma late ka." Pumasok si mommy sa kwarto ko para tawagin ako dahil kailangan na namin pumunta sa events place kung saan gaganapin ang graduation namin. Malaki ang ngiti ko na lumapit sa kaniya at yumakap. "I love you, mom." Nagulat siya noong una pero naramdaman ko rin ang mainit at mahigpit na yakap niya."I love you more than you know, anak." We went out of the unit to our whole fami
"Hulaan ko kung ano sasabihin mo..."Hindi pa kami nakakapwesto ng maayos sa gilid ng building pero nagsalita ako. "Sorry." Napayuko siya dahil alam niyang ayun talaga ang sasabihin niya sa'kin. "And also... thank you."Tumahimik ako at hinayaan siya magsalita. "Thank you for paying all our debts." Napakunot ang noo ko. Wala naman kasi akong natatandaan na nagbayad ako ng utang ng kahit sino."Sabi sa'mi nung nautangan ni papa, Morales daw apilyedo nung nagbayad. Kahit hindi niya sinabi ang pangalan mo, alam kung ikaw 'yun. Ikaw lang naman ang nakakaalam ng utang namin." Ngumiti siya na parang relived siya na may pakialam pa ako sa kaniya. Napabuntong hininga naman ako. "Believe it or not, hindi ako ang nagbayad ng utang niyo."Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya."It's probably one of my family members. You what money can do, they probably had the whole situation investigated. And that's how they found out about you." Paliwanag ko sa kaniya. "That's common in my family. P
"E bakit biglang nalungkot ang mga beshy ko!?" Biglang binasag ni Archie ang naging katahimikan dahil sa sinabi ko. Paramg na awkward silang lahat. "Oo nga, hindi naman nangyare e. At kahit may hindi magandang nangyare kay Cons, nakikita naman natin na lumalaban kaya huwag na natin kaawaan. Pity is the least he needed." Paliwanag ni Jed, at tama naman siya. "Bakit ako ang topic?" Napalingon kaming lahat sa likod ko nang madinig ang boses ni Cons. And threre he was in his wheelchair that was being pushed by our other friend, Ezel. "Cons!" Sabay sabay na tawag sa kaniya. Pero hindi gulat kung hindi excitement ang madidinig sa mga boses namin, kaya napangiti si Cons."Wow, andito din ako guys. Libre lang batiin ako." Naiinis na nagtatampong sagot ni Ezel."What are you guys doing here again? Wala ba kayong pasok? Pumapasok pa ba kayo?" Tanong ko sa kanila."Huwag mo kami
Ilang araw na rin ang lumipas simula noong pumasok na ako sa school. Wala naman nagbago, mas napapadalas lang ang pagkaplastic ng mga tao sa harapan ko. Kung noon ang sasama at mapang-husga sila tumingin, ngayon ang tingin nila sa'kin para akong anghel na pinadala ng langit. Akala siguro nila uubra ang kaplastikan nila sa'kin. Hindi ako uto-uto at mas lalong hindi ako sabik sa atensyon. "Fhey, may practice kami ngayon. Sama ka o uwi ka na?" Tanong sa'kin ni K.O. Biyernes na ngayon at sa lunes na ang simula ng games kaya umaga at hapon na ang practice nila. Madalas hindi ko na sila nakakasabay pero okay lang. "Uwi na ako, gusto ko na magpahinga." Hinatid nila ako hanggang sa may gate bago sila pumasok ulit sa loob ng campus para simulan ang training. Nakaalis na ang pamilya ko kaya tahimik na sa condo ng makabalik ako. Wala naman problema sa'kin dahil alam ko na mas kailangan sila sa Makati kesa dito. Braso ko lang naman ang hindi magamit at hi
"Okay, bago kayo lumabas ililista ko na kung anong sports niyo." Biglang sigaw ni Kiro noong lumabas na ang last teacher namin. Nag-ring na kasi ang bell, senyales na lunch na. Lumakad siya papunta sa unahan ng room na may hawak na ballpen at papel. "Una, basketball, sino sasali?"Tanong niya at agad na nagkagulo at umingay sa room namin. Halos lahat ng mga lalaki ay isinigaw ang pangalan nila. "Sa tingin niyo talaga maiintindihan ko kayo sa lagay na yan?" Tumigil siya sa pagsusulat at humalukipkip, natahimik naman ang lahat. Namangha naman ako sa kakayahan niya na magpatahimik ng magulong classroom kahit hindi sumisigaw. May use naman pala ang pagkamasungit niya. "Ikaw K.O.?" Tanong ni Kiro sa katabi ko, na kanina pa tahimik, matapos mailista lahat ng gusto sumali ng basketball. "Pass. Madami na sila kaya na nila 'yan." Sagot niya naman, kaya ibang sports namin ang tinanong ni Kiro. "Bakit ayaw mo?" Tanong ko kay K.O."May usapan na kami..." Sagot niya at itinuro sila Jed
"So, si Cons 'yung tinutukoy mo sa kwento mo?"Biglang tumabi sa'kin si K.O. sa sala. Hindi kasi nila ako pinapayagan magkikilos."Yup." Sagot ko sa kaniya. Pareho kaming nakatingin kay Cons na kahit nasa wheelchair ay tumutulong pa rin sa paglilinis ng dining. "Alam mo nung nagkwento ka sa'kin, grabeng lungkot ang naramdaman ko para sa kaibigan mo. Pero ngayon na nakita ko na siya, nabawasan na." Napatingin ako kay K.O. dahil sa sinabi niya. Medyo napayuko na siya at nakapatong ang dalawang siko sa tuhod habang nakatingin kay Cons. "Ang nasa isip ko kasi no'n mahinang tao 'yung kaibigan mo, kaya deserve kaawaan. Kaso nagbago bigla 'yung isip ko nung makita ko si Cons. He's so strong. So brave. So positive." Tumingin ulit ako kay Cons. "Kaya sana, bawasan mo na ang pag-aalala sa kaniya. Bawasan mo na ang pagtingin sa kaniya na may kasamang awa. Kasi hindi niya na deserve 'yun, ang deserve niya na ngayon suporta." Sandali kaming nagkatitigan ni K.O. Nakatingala siya sa'kin dahil
Katahimikan. Iyan ang bumalot sa aming lahat. Walang nagsalita at walang nagbalak na magsalita. "Fhey..." Tinangka akong hawakan ng mama ni Kiro pero hindi ko inaasahan ang ginawa ng kapatid ko. Marahas niyang hinawakan sa braso ang mama niya at galit na galit itong nakatitig lang sa kaniya. "Kiro—""Don't touch her." Galit siya, pero hindi siya sumisigaw. "I trusted you, Ma. Pinagtanggol kita, ng ilang beses. Tapos ganito ang malalaman ko?" Ako 'yung sinaktan. Ako 'yung inabuso. Pero parang kay Kiro ginawa ang lahat dahil sa tono ng boses niya."Fhey... sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Masiyado akong nalulong sa bisyo, sa'yo ko naibuhos lahat."Alam niyang hindi siya uubra kay Kiro kaya sa'kin na naman siya nakikiusap. "Alam ko. Alam ko kung gaano ka kalubog sa utang... kaya mo nga ako nagawang ibenta diba?" Natigila na naman siya sa sinabi ko. "Those people who kept on going after me, were the people you have debt with. Tapos ano 'yung pambayad mo? Ako diba?" Hindi ko na
Ilang minuto bago tuluyan matahimik sa labas, mukhang pinaalis silang lahat ng mga nurse at doctor. Dapat lang 'yun para hindi sila makaabala ng ibang tao. "Anak, tatawagin ko na ba si Kiro?" Tanong sa'kin ni mommy. Tumitig muna ako sa kisame ng ilang minuto bago tumango sa kaniya. "Fin, anak, let's leave ate muna ha. Let's go to daddy." Tumango muna si Fin kay mommy bago humarap sa'kin. "Ate, we'll be back. I'll protect you." "Sure, bunso. I'll wait for you." Hinalikan ko siya sa noo at kumaway pa siya bago tuluyan makalabas sa hospital room ko. Mga limang minuto ang lumipas ng biglang bumukas ang pinto, at kahit hindi ko tingnan kung sino, alam kong si Kiro 'yun."Kamusta?" Hindi ko pinansin ang tanong niya, obvious naman siguro sa dextrose na nakakabit sa'kin at sa cast ko sa braso na hindi ako okay magtatanong pa siya. "Fhey, gusto ko lang sana humingi ng—""Alam mo kung ano problema sa'yo? Pagdating sa'kin hindi ka marunong makinig at magpakumbaba."Ayoko madinig ang mga