Share

Chapter 1

Author: inknies
last update Huling Na-update: 2022-05-14 23:24:43

Nagising ako sa ingay ng dalawang batang nagbabangayan.

“Good morning, mama”

“Good morning, ma! May pasok pa po kami, kaya gising na po”

Napangiti ako sa nakita ko, ang dalawa kong munting anghel agad ang sumalubong sa umaga ko. They are both my daughters, kambal silang dalawa pero hindi sila magkamukha, fraternal twins kung tatawagin. Estella and Esther Rodriguez ang mga pangalan nila, si Estella ay kamukha ko, ang hugis ng mukha at mga features niya si Esther naman ay singkit at maputi, the opposite of me and Estella, sa tingin ko ay nagmana siya sa ama nila.

Ginamit ko ang apelyido ko dahil hindi kami magkasama ng ama nila, one night stand lang iyon, isang gabi at isa pa their father is gay, ayokong ipakilala sila dun at baka masaktan lang ang dalawa kong anghel dahil hindi sila gusto ng tatay nila. Mahirap ang walang partner sa pag aalala ng mga bata pero I’m really thankful that my kuya and papa is there na tinanggap ako kahit disgrasyada ako pero hindi ko nasabi sa kanila ang totoong nangyari ang tanging sinabi ko lang ay nagkaboyfriend ako at iniwan, nong nalaman nila yun ay agad silang lumuwas ng Maynila para dito na rin manirahan at matulungan ako.

Bumangon na ako at nagluto for our breakfast at naghanda para sa baon nila for school. They’re both 5 years old now and nag aaral sa Harmony Kindergarten, isang private school malapit sa kung saan ako nagt-trabaho, isa pa rin akong nag mamayari ng boutique which is CLN Boutique, palugi na sana dati pa ang negosyo ko pero pagkatapos nong charity na sinalihan ko 5 years ago ay may nag sponsor sakin. Grabe ang pasasalamat ko noon dahil akala ko mawawala na ang negosyong tinayo ko.

“Mama ang hirap gisingin si lolo”

Patakbong lumapit sakin si Estrella na kakalabas lang sa kwarto ng kanilang lolo.

“Si tito Acel naman po ay susunod na daw”

Sabi ng kakalabas lang din na si Esther galing sa kwarto ni kuya. Magkasama kaming 5 dito sa bahay na nabili ko dati before ako manganak, at hanggang ngayon ay kasama ko pa rin ang kuya ko at si papa. Si kuya ay may trabaho bilang isang security guard sa isang mall tapos si papa naman ay hindi na namin pinagtrabaho pa dahil sa katandaan pero minsan tumutulong siya sa CLN sa kadahilanang boring daw sa bahay lalo na hindi niya kasama ang mga apo pag weekdays.

“Kain na kayo at pagkatapos niyong kumain ay aalis na tayo”

Nilagyan ko ng sausage, itlog at kanin ang plato nilang dalawa. Ang breakfast ko naman ay tinapay at gatas lang, hindi ako sanay sa heavy breakfast, mas gusto ko ang brunch keysa breakfast.

“Good morning para sa tatlo kong prinsesa”

Bati ni kuya na kakalabas pa lang sabay halik sa pisngi ng dalawang bata.

“3 pm ang uwian nila mamaya diba?”

Tanong ni kuya sabay subo ng sausage. Tumango lang ako bilang sagot.

“Maaga akong uuwi mamaya kaya ako na mags-sundo sa kanila tsaka plano ko ding mamasyal kaming apat na hindi ka kasama”

“Yehey! Gusto ko ng mamasyal!”

Masayang sabi ni Estrella

“Saan tayo mamamasyal tito?”

Tanong naman ng anak kong si Esther na may kanin pa sa bibig

“Secret lang natin yun para di alam ng mama niyo”

Tumawa silang tatlo at ako naman ay napairap lang.

“Dalhan niyo na lang ako ng pasalubong. Bilisan niyo na dyan at baka malate pa tayo”

Pagkatapos nilang kumain, kinuha nila agad ang toothbrush nilang may desenyong mukha ni no face mula sa movie na Spirited Away. Nagsimula na rin akong mag linis para makaalis na kami.

Nilakad lang namin ang papuntang school nila dahil malapit lang naman ito sa bahay, walking distance lang at hindi kalayuan sa school nila ay dun din ang CLN, si kuya naman ay nag motor dahil malayo samin ang pinagt-trabahoan niya.

“Good Morning, Ms. Rodriguez”

Bati ni Mrs. Carlos ang adviser ng kambal

“Good Morning, Mrs Carlos”

Sabay na bati ng dalawa sa kanilang teacher

“Good morning, ma’am. Kayo na po bahala sa dalawa if may problema po tawag lang kayo agad sakin”

“Sige, ingat kayo Ms. Rodriguez”

“Kayo din”

Binigyan ako ng kambal ng isang matamis na halik at nagpaalam na sa kanila.

Pumasok na ko sa trabaho ko at naabutan ko agad si Kate na may kausap na customer.

“Good morning”

Bati ko sa kanila sabay upo sa usual spot ko at nag start na mag check ng mga damit na id-deliver mamaya. Our boutique also cater deliveries dahil hindi lang naman taga dito ang mga bumibili sa amin, meron ding sa ibang parte ng luzon, visayas, mindanao at kahit sa ibang bansa.

“Ate may tumawag dito kanina si ate Ana dahil hindi ka daw macontact kanina”

Pagkausap sakin ni Kate pagkaalis ng isang customer.

Naalala kong naka off nga pala ang phone ko pag nagc-charge ako overnight. Kaya siguro hindi ako macontact kaninang umaga

“Bakit daw?”

"Pinapasabi niya na kung tapos na daw po ba ang pina customized niyang damit”

“Sige salamat ako ng bahala”

Nong isang buwan niya pa to pinagawa at kagabi lang ay natapos ko na, maliban sa pagbebenta ng mga damit na tapos na ay gumagawa rin ako ng mga customized na damit ang kaso lang hindi naman ako nagbebenta ng mga lingerie at kung anong mga sexual na damit pero wala akong choice dahil kaibigan ko yun kaya ginawan ko na, hindi ko alam saan niya gagamitin ang pinagawa niya, wala naman siyang boyfriend.

Hinanda ko na ang lingerie, na pagsinuot mo to parang n*******d ka pa rin, kulay red ito dahil yun ang paborito niyang kulay. Yung style ng lingerie na ito ay may rosas sa parte ng dibdib kung saan nakaposition ang n*pples tsaka may isang rosas din sa gitna ng panty na part dahil yun ang gusto niya. Kung hindi ko lang kaibigan yun ay hindi ko talaga tatanggapin to, grabe yung tago ko nito sa bahay para lang hindi makita ng mga bata pati na rin nila kuya at papa, baka kung mapano ako pag nakita nila to, buti sana kung may asawa ako pero wala.

“Kate ikaw muna dito, deliver ko lang tong mga damit”

Dinala ko na lahat ng ipapadeliver kong damit for today at para di na ko mahirapan pabalik balik tsaka isang bagsakan na lang. Sumakay ako ng jeep para makapunta sa company ng nagd-deliver.

May mga pinermahan akong papeles at kung ano ano pang pag check sa mga damit para masigurado na hindi agad ito masisira. Pagkatapos ay sumakay ulit ako ng jeep para ideliver ang lingerie ng kaibigan ko, sa Campbell Condominium. Kung pwede lang na huwag na bumalik sa building na to at ay gagawin ko, kung pwede lang I banned na ko sa building na yan ay magiging masaya pa ako, pero hindi pilit pa rin akong dinadala ng tadhana dito pasalamat na lang talaga ako na hindi kami nagkikita ng hapon na iyon.

Ding dong~

“Alam mo bang may phobia ako sa height?”

Bungad ko agad sa kanya pagkabukas niya ng pinto.

“Sorry not sorry! Pasok ka na”

Pumasok ako sa room niya na located sa pinakamataas na parte ng building, na kung tawagin ay ang penthouse at siya rin ang mayari ng building na to kaya ang ibig sabihin nun hindi ako mab-banned dito.

Awayin ko kaya? Biro lang.

“Tapos mo na ang pinapagawa ko?”

Tanong niya at may inabot siya malamig na tubig sa akin

“Oo tapos ko na, pwede mo na siya isukat at dinala ko na rin ang mga gamit ko pantahi para makita na rin natin ang mga papalitan at aayosin”

Sabay pakita ko sa kanya ng bag kong may laman na pantahi

“Waah!! Thank you! I’m excited to wear this!”

“Wala ka namang boyfriend bakit ka nagsusuot ng mga ganyan? Sino ba ang pang gagamitan mo nyan?”

“Do I need a boyfriend to wear what I want? I can wear this if I’m going out and tell the people that my friend made this”

“Gago! Bilisan mo na dyan”

“HAHAHAHA”

Hindi ko talaga mabasa kung ano iniisip ng babaeng yan, kahit dati pa ganyan na ang pag-iisip niya. She’s my friend for 12 years already and we meet when we we’re in college, bali 3 kami pero yung isa naming kaibigan ay wala dito. Si Anastasia or kilala sa pangalang Ana ay isang Canadian, pure walang halong pinoy, napunta lang siya dito sa pilipinas ay dahil nagpatayo ng negosyo dati ang pamilya niya dito kaya naisipian niya na ring manatili dito at ayun nga naging friends kami nong nag start kami ng college.

Nabilaukan ako sa sarili kong laway ng makita ko siyang lumabas ng banyo na suot na ang lingerie

“So what do you think?”

Nagniningning ang mga mata niya habang nanghihintay sa sasabihin ko.

“Ang totoo nakakagulat to, mukha kang stripper sa ganyan pero infairness bagay sayo tsaka lumabas ang pagkaputi mo dahil sa kulay na red”

Hindi ko maiwasang mamangha sa kanya, hindi dahil maganda ang nagawa ko kundi kung gaano ito kabagay sa kanya.

“Thank you so much for making this”

“Syempre may bayad yan alam mo naman na may pinapakain ako sa bahay”

“I know! Naiprepare ko na yan. I’m gonna change muna then labas tayo treat kita at hindi yun parte ng bayad, just my treat because I’m just happy”

“Sige take your time, text ko lang si Kate”

Nagtipa na ko ng it-text kay Kate dahil hindi ako makakatulong sa kanya ngayon. Hindi ko inaabuso ang empleyado ko, wala lang talaga gaanong customer dahil madalas online ito at ako naman ang nakaassign doon. Thankful din ako kay Kate dahil isa siyang trusted employee, siya din ang umaasikaso dati ng CLN nong buntis ako kaya mataas ang respeto ko sa kanya pati na rin ang sweldo niya.

“Let’s go”

Hinila niya na ako pasakay ng elevator. Habang nasa loob kami ay bigla itong nag stop sa isang floor at pumasok ang taong ayaw kong makita.

“Good morning, Mr. Watanabe”

Bati ni Ana sa lalaking hapon

“Good morning, Ms. Campbell. Can I ask where are you going?”

“Just treating my friend here, she’s Celena Rodriguez and a designer too”

“That’s good hear. By the way, your face is so familiar have we met before?”

“N-no, we didn’t met before”

Kinurot ko sa tagiliran si Ana at binigyan siya ng “pahamak-ka” look. Alam niya ang nangyari ng gabing yun at alam niya rin na ang papa ng kambal kong anak ay itong hapon na to.

“Mr. Watanabe, can I ask something personal?”

She smiled and then looked at my direction

“Anastasia!”

May diin ang pagtawag ko sa pangalan niya na kinagulat nilang dalawa.

“Sorry I forgot what to ask”

She gave a peace sign to him at hinila ko agad siya ng bumukas ang elevator.

“Napag usapan na natin to!”

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Paano kung naalala niya ko? Paano kung sundan niya ko? Paano pag malaman niya na may anak siya? Masasaktan ang mga anak ko!

“I’m sorry. I just want to teased you, I’m sorry!”

She pouted at nagpakita ng kanyang puppy eyes. Nawala ang inis ko sa kanya pero ang kabog sa dibdib ko ay sobrang lakas pa rin, na any moment sasabog yun.

“Fine basta libre mo na ko tsaka with take out for Kate at para sa bahay”

“Sure!”

Pinili naming kainan ang paborito naming restaurant na ang speciality ay seafoods.

“Pasalamat ka at kaibigan kita tsaka salamat din sa pa take out magugustuhan to nina kate at ng mga tao sa bahay, except for Esther dahil allergic siya sa seafood”

“That’s the reason that we will also buy a strawberry cake for her”

Pagkatapos naming mamili ay hinatid niya na ako sa CLN. Nagpaalam na siya dahil may gagawin pa daw siya at ako naman ay pumasok na sa loob.

“Kate, para sayo tinake outan ka namin”

“Wahh! Salamat ate, tamang tama para may ulam ako mamayang hapunan”

Nilagay ko muna sa mini ref namin na nasa loob ng staff room ang mga pagkaing dala ko.

Walang online order ngayon dahil kakadeliver lang namin ng mga damit. Bukas ko pa io-open ulit ang para sa online, yun ang set up dito samin, every friday ang cut off ng online orders, tapos pag sabado or sunday ang packing, pero minsan day off namin ang Sunday kung hindi lang madaming orders at sa monday ang ship out ng mga deliveries then tuesday ulit ang open ng online orders.

8 pm na ng mag close ako ng CLN, si Kate ay kaninang 7 pa nakauwi dahil hanggang 7 pm lang talaga ang trabaho niya, minsan may overtime pag madami talagang t-trabahohin pero konti lang naman ang customer.

Pagdating ko ng bahay ay nakita kong nasa sala ang kambal ko at nanunuod sila ng anime na hindi ko alam ang title. Hindi ako mahilig dun pero yung kambal napakahilig sa japanese.

“Andito na ko”

“Mama!”

Tumakbo sila papalapit sakin at hinalikan ako sa dalawang magkabilang pisngi. Ito ang pinakabest part ng araw ko kahit pagod ako galing trabaho ay napapawi pag nakikita kong masaya at malusog ang dalawang anghel ko.

“May pasalubong kami sayo mama”

Masayang sabi sakin ni Esther

“Ako rin may pasalubong sa inyo. Binili namin to mg tita Ana niyo”

Binigay nila sa akin ang isang jollibee na nakaplastic at ganun din ang pangiwi ng mukha ni Esther ng makita niya ang shrimp at crabs na dala ko.

“May strawberry cake akong dala dahil alam kong hindi makakakain ng seafood ang baby Esther ko”

Nagliwanag naman ang mga mata niya pagkarinig niya ng strawberry cake. Excited na binuksan nilang dalawa ang dala ko, binuksan ko rin ang dala nila at nakita kong yum burger, fries at spaghetti iyon.

Pagkatapos naming maghapunan ay pinapanik ko na sa mga kwarto ang mga bata, sina papa at kuya naman ay nasa sala pa rin, nanunuod ng tv at ako naman ay nag check ng mga papeles na need ko para bukas para hindi na kami matambakan ng trabaho.

Ring ring~

Pag tingin ko sa phone ko ay unknown number ang tumatawag

Sino kaya to? Customer? Sana naman!

“Hello! Good evening. This is CLN Boutique, how may I help you?”

“Good evening. Is this Celena Rodriguez am I speaking to?”

Tanong ng sa kabilang linya

“Yes, this is Celena Rodriguez”

“Are you available tomorrow?”

“Sorry! I’m not available tomorrow, can I ask who is this?”

Lakas magtanong ng available ako tomorrow hindi ko naman alam kung sino to, baka mamaya isa tong mandurukot ha.

“I’m sorry! This is Khyla Primo, secretary of Mr. Watanabe the CEO of W Boutique. Mr. Watanabe would like to invite you tomorrow for business talk, but since you’re not available tomorrow we can set up the day that you're free”

Gusto kong magpalamon sa lupa. Paano kung naalala niya ko? Anong gagawin niya sakin?

“Can I ask why Mr. Watanabe invited me?”

Kalmado kong tanong. Hindi dapat ako magpapadala sa emosyon ko. Kailangan ko maging kalmado.

“Ms. Anastasia Campbell mentioned that you’re a designer and Mr. Watanabe saw some of your work online and he’s interested in your work”

Pahamak ka talaga, Ana

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang rason pero pag may connection kaming dalawa ay baka makilala niya ang mga anak ko at maalala niya yung gabing yun.

“So when will you be free?”

Huminga ako ng malalim bago sumagot. Business is business! Hindi niya malalaman ang personal kong buhay.

“I’m available the day after tomorrow, wednesday 1 pm”

“I will take note of that. I will inform you where is the venue. Thank you Ms. Rodriguez see you on Wednesday”

Nagpaalam na rin ako at binaba ang tawag.

Business is business, walang personalan, I will protect my children at ayokong masaktan sila.

Kaugnay na kabanata

  • Let's Runaway, Twins   Chapter 2

    Nakapasok ako ng trabaho na kulang sa tulog. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa pwedeng mangyari sa usapan namin bukas. Magpapakilala ba akong may anak or single or married? Sumasakit ang ulo ko kakaisip sa kung ano pang pag uusapan namin bukas. “Ate saan may audition ng pagiging zombie?” “Kate kita mo ba ang flower base na yan?” Turo ko sa flower base na may pekeng bulaklak. “Oo ate kitang kita ko” “Gusto mo bang ihampas ko sayo yan? “J-joke lang naman ate hindi ka naman mabiro. Oh ayan may customer sige ate asikasuhin ko lang” Mabilis pa sa alas kwatro na umalis siya sa harapan ko. Badtrip ako ngayon kaya hindi ako pwede mabiro. Normal lang naman siguro ang kakabahan lalo na at may nangyari samin at nagkaanak kami? Normal lang yun! Kaya kalma! “Ate maraming customer tulong po” Nagising ang diwa ko ng tinapik ako niya ako “Kanina pa po kayo wala sa sarili, ate. Pwede naman po kayo umuwi pag katapos nito” “Ayos lang ako, Kate. Salamat” Patago kong kinurot ang hi

    Huling Na-update : 2022-05-14
  • Let's Runaway, Twins   Chapter 3

    Biglang lumakas ang kabog ng puso ko sa suggestion niya. Wala na akong time para mag disagree pa dahil nagaalala na ko sa anak ko. Mabilis ang hakbang niya palabas ng restaurant, wala na akong choice kung hindi ang sumama. Bahala na mamaya kung ano man ang mangyari basta makita ko ang anak ko.“Where to?”Tanong niya pagpasok naming dalawa sa sasakyan niya. “Harmony Kindergarten”Hindi na muli siya nagsalita pa at wala na rin akong time para sumagot sa kung anong mga katanungan niya, kinakabahan na ko para sa anak ko at what if makita niya ang anak ko?Dali dali akong lumabas ng sasakyan ng makarating na kami sa school kung saan nag-aaral ang mga anak ko.“Thank you, Mr. Watanabe”Paalam ko sa kanya at tinakbo mula gate hanggang classroom kung saan ang anak ko. Di kalayuan nakita ko ang kambal na nakaupo sa gilid, yakap yakap ni Esther si Estella na kakagaling lang sa pag-iyak at katabi din nila si papa. Tumakbo silang dalawa ng makita nila akong papalapit.“Nasaktan ka ba, nak? May

    Huling Na-update : 2022-05-20
  • Let's Runaway, Twins   Disclaimer

    This is a work of fiction.Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. You may encounter typographical error and grammatically incorrect words since this story is unedited, i will edit it if i have time.This story contains gay/lgbt people, so if you're homophobic, umalis ka dito, hindi ko kailangan ng opinion mo at lalo na mga hate comments mo. Series po ito kaya hindi lang gay ang makaka-encounter niyo sa storyang ito, merong lesbian, transgender, bisexual at iba pa. Some scene also contains inappropriate and vulgar words that isn't suitable for minors.Dagdag ko lang, hindi ito perfect na story dahil no'ng 2017 ko pa ito ginawa, inedit ko lang para di na mukhang luma, iba kasi ang writing style ko dati keysa ngayon.

    Huling Na-update : 2022-05-14
  • Let's Runaway, Twins   Prologue

    WARNING!!! Rated 18+ "Cel? Makakapunta ka ba?"Tanong ng Haven, kaibigan kong organizer ng event sa kabilang linya"Oo naman pupunta ako, kailangan ko yun ano""Asahan ko yan. See you next week"She ended up the call. Next week ay pupunta ako ng event na inorganize ng kaibigan ko, Charity Fashion Show iyon, dun is-showcase ang mga gawang damit ng mga local na designer, yun din ang paraan ko para makahanap ng sponsor dahil palugi na ang maliit kong boutique.Alam ko namang maganda ang mga gawa ko pero kulang lang ito sa advertised dahil wala naman akong budget pang gastos nun. Ang kaya ko lang e ang ipromote sa instagram at facebook pero konti lang din ang mga followers ko. Kaya sumali talaga ako sa event na to para maipakita sa lahat kung gaano kaganda ang mga gawa ko.May bayad tong event, pero inutang ko muna dahil ayun nga short din tsaka kaibigan ko naman isa sa organizer kaya ayos lang daw basta bayaran ko pag may pera na.Isa sa mga gusto kong maingganyo ay si Atsuki Watanabe,

    Huling Na-update : 2022-05-14

Pinakabagong kabanata

  • Let's Runaway, Twins   Chapter 1

    Nagising ako sa ingay ng dalawang batang nagbabangayan. “Good morning, mama” “Good morning, ma! May pasok pa po kami, kaya gising na po” Napangiti ako sa nakita ko, ang dalawa kong munting anghel agad ang sumalubong sa umaga ko. They are both my daughters, kambal silang dalawa pero hindi sila magkamukha, fraternal twins kung tatawagin. Estella and Esther Rodriguez ang mga pangalan nila, si Estella ay kamukha ko, ang hugis ng mukha at mga features niya si Esther naman ay singkit at maputi, the opposite of me and Estella, sa tingin ko ay nagmana siya sa ama nila. Ginamit ko ang apelyido ko dahil hindi kami magkasama ng ama nila, one night stand lang iyon, isang gabi at isa pa their father is gay, ayokong ipakilala sila dun at baka masaktan lang ang dalawa kong anghel dahil hindi sila gusto ng tatay nila. Mahirap ang walang partner sa pag aalala ng mga bata pero I’m really thankful that my kuya and papa is there na tinanggap ako kahit disgrasyada ako pero hindi ko nasabi sa kanila an

  • Let's Runaway, Twins   Prologue

    WARNING!!! Rated 18+ "Cel? Makakapunta ka ba?"Tanong ng Haven, kaibigan kong organizer ng event sa kabilang linya"Oo naman pupunta ako, kailangan ko yun ano""Asahan ko yan. See you next week"She ended up the call. Next week ay pupunta ako ng event na inorganize ng kaibigan ko, Charity Fashion Show iyon, dun is-showcase ang mga gawang damit ng mga local na designer, yun din ang paraan ko para makahanap ng sponsor dahil palugi na ang maliit kong boutique.Alam ko namang maganda ang mga gawa ko pero kulang lang ito sa advertised dahil wala naman akong budget pang gastos nun. Ang kaya ko lang e ang ipromote sa instagram at facebook pero konti lang din ang mga followers ko. Kaya sumali talaga ako sa event na to para maipakita sa lahat kung gaano kaganda ang mga gawa ko.May bayad tong event, pero inutang ko muna dahil ayun nga short din tsaka kaibigan ko naman isa sa organizer kaya ayos lang daw basta bayaran ko pag may pera na.Isa sa mga gusto kong maingganyo ay si Atsuki Watanabe,

  • Let's Runaway, Twins   Disclaimer

    This is a work of fiction.Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. You may encounter typographical error and grammatically incorrect words since this story is unedited, i will edit it if i have time.This story contains gay/lgbt people, so if you're homophobic, umalis ka dito, hindi ko kailangan ng opinion mo at lalo na mga hate comments mo. Series po ito kaya hindi lang gay ang makaka-encounter niyo sa storyang ito, merong lesbian, transgender, bisexual at iba pa. Some scene also contains inappropriate and vulgar words that isn't suitable for minors.Dagdag ko lang, hindi ito perfect na story dahil no'ng 2017 ko pa ito ginawa, inedit ko lang para di na mukhang luma, iba kasi ang writing style ko dati keysa ngayon.

DMCA.com Protection Status