Ilang oras pa ang tinagal ni Amber sa emergency bago sa wakas ay lumabas ang doktor."Doc, kamusta po ang pasyente?" tanong ni James habang sinalubong ang doktor."She's fine now," sagot nito."How about the baby?""The baby is fine, too. Malakas ang kapit ng bata. They're okay now, pero kailangang mag-ingat. Kapag nangyari ulit ang ganitong aksidente, baka hindi na tayo masigurong mailigtas ang baby.""T-thank you, Doc," sabi ni James na tila nakahinga ng maluwag.Nang magpaalam ang doktor, naiwan ang lahat na tahimik. Walang nagsalita... parang nakikiramdaman."Iho... calm down. The baby is fine," sabi ni Tita Evelyn habang niyayakap si James.Ilang sandali pa ay inilipat na si Amber sa private room. Dumating na rin ang mga magulang nito."What happened to our daughter?" nag-aalalang tanong ng daddy ni Amber habang lumalapit sa kama ng anak."N-nadulas po siya sa swimming pool, at hindi namin alam na buntis siya. But don't worry, Tito... Amber and the baby are fine," paliwanag ni Ja
*****************AMBER'S POV:Lihim siyang napangiti habang nakahiga sa hospital bed. Kasalukuyang nag-uusap ang mga magulang niya at ang mga magulang ni James tungkol sa nalalapit nilang kasal. Si James naman ay nasa tabi niya at mahigpit na nakahawak sa kamay niya. Ramdam niya ang unti-unti ng lumalambot ng puso nito para sa kanya.Gotcha! Napapangiti siyang inisip.Nagpanggap siyang inosente at kunwaring walang alam na buntis siya. Napaniwala rin niya ang lahat na tinulak siya ni Beverly kaya't masama na ang tingin ng lahat sa dalaga. "Hitting two birds with one stone!" kung baga... natatawa nlang cya sa galing nya sa pag-arte. Mabuti na lang at nadisgrasya siya. Hindi na niya kailangang mag-isip ng paraan para ipaliwanag ang pagbubuntis niya. Ngunit kailangan niyang siguraduhing walang makakaalam na hindi si James ang ama ng kanyang dinadala, dahil kung hindi ay magugulo ang lahat ng plano niya.Umaayon na sa kanya ang panahon. Kailangan niya na lang galingan ang kanyang mga p
"I did not push Amber!" sagot agad nito."It doesn't matter to me now," mahinang tugon niya. "W-we need to break up." Napatingin ito sa kanya nang marinig ang mga salitang iyon... nakita niyang may kirot sa mukha nito.Binaling niya ang tingin sa labas ng kotse. Hindi niya kayang tingnan ang mukha ni Bebe habang sinasabi iyon. "Siguro hanggang dito na lang tayo," garalgal ang boses niya. "Siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa. Kahit anong pilit nating ipaglaban ang pagmamahalan natin ay hindi talaga tayo pinapayagan ng tadhana...." "Magkakaanak na kami ni Amber at ayokong itali sa akin habang alam kong nasasaktan ka. Gusto kong makahanap ka rin ng tunay na magpapasaya sa'yo—tulad ni John." Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha nya. Ang sakit-sakit ng puso niya.Nakita niya mula sa gilid ng mata nya na nagpupunas din ng luha si Bebe, ngunit hindi niya magawang tingnan ito... Baka hindi niya matuloy ang balak na pakawalan ang nobya."You deserve better than me, Bebe. You’re
*************BEBE POV:Patakbo siyang pumasok ng palasyo, iniwan niya si James sa kotse. Hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman niya... parang gustong sumabog ng dibdib niya.Dali-dali siyang pumasok sa kwarto habang wala pang nakakakita. Padapa siyang humiga sa kama at muling ibinuhos ang mga luhang tila hindi nauubos.Ilang beses na silang naghiwalay ni James, pero itong huli ang pinakamasakit dahil si James mismo ang nakipaghiwalay sa kanya. Ibig sabihin noon, wala nang balikan talaga.Hindi tulad ng dati na kapag siya ang nakipaghiwalay, konting lambing lang mula kay James ay nadadala na naman siya. But this time is different... and its final!Magkakaroon na ng anak si James at Amber, at iyon ang lalong nagpasakit ng puso niya. Ngayon, may mag-uugnay na ang dalawa—isang bagay na hindi sila nagkaroon ni James.Oo, alam niyang dito rin naman ang patutunguhan nila. Na balang araw, maghihiwalay din sila ni James. Pero hindi niya inasahang mangyayari ito nang biglaan. Hindi pa s
"Beverly..." seryosong tawag-pansin ni Tita Evelyn sa kanya. Bigla siyang kinabahan."Y-yes po, Tita," pautal-utal na sagot niya."Pagkatapos ng kasal ni James at Amber, I want you out of our house," malamig na wika ni Tita Evelyn. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Biglang nagbago ang pakikitungo ni Tita Evelyn sa kanya. Parang kahapon lang ay siya ang paborito nito—halos ayaw nitong mahiwalay sa kanya at itinuring na siyang daughter-in-law. Pero ngayon, isa na lang siyang estranghero.Hindi niya sinalubong ang tingin nito. Nanatili lang siyang nakayuko. Si Tito Oliver ay walang sinasabi, pero ramdam niyang sang-ayon ito sa sinabi ng asawa."Mom, Dad, why are you treating Beverly like this?" galit na tanong ni John sa kanyang mga magulang. Marahil ay napansin din nito ang malamig na pakikitungo ng dalawang matanda sa kanya."Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Amber? Tinulak siya ni Beverly! Muntik nang mawala ang apo namin!" galit na wika ni Tita Evelyn. Ang dating mahinahon a
Nabaling ang atensyon niya sa pinto nang biglang bumukas iyon. Pumasok si James na may dalang kape. Agad siyang ngumiti para salubungin ang nobyo."Hi, hon," masiglang bati niya, pero hindi ito tumugon. Umupo ito sa tabi ng kama niya."What do you want? Do you need anything? Hindi na kita binilhan ng kape dahil bawal iyon para sa’yo," wika ni James."It's okay, hon. Lahat ng bawal ay iiwasan ko para sa anak natin," malambing niyang sagot. Tumango lang si James."Hon, andoon pa ba si Beverly sa palasyo? Bukas na kasi ang labas ko dito sa ospital... Natatakot ako kapag andoon siya dahil baka may pinaplano na naman siya laban sa akin. I know she’s jealous of me!" pagda-drama niya."Leave Beverly alone," seryosong sagot ni James. "Kahit ginawa niya iyon o hindi, hinding-hindi ko na papayagan na masaktan ka o ang baby natin.""T-thanks, hon," sagot niya saka hinawakan ang kamay nito. Why do I have this feeling na parang hindi naniniwala si James na tinulak ako ni Beverly? May alam kaya siy
***************BEBE'S POV:Pagkatapos ng tagpo nila ni Tita Evelyn ay bumalik siya sa kwarto niya at hindi na lumabas muli. Pinapahatiran na lang siya ng pagkain ni John dahil ayaw din niyang lumabas. Nahihiya siyang lumabas, baka kasi makita ulit siya ni Tita Evelyn.Halos bente kwatro oras na siyang nandoon na nakatambay lang sa kwarto. Para siyang nakakulong sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Bagot na bagot na siya, mukhang naubos na rin niya ang lahat ng pelikula sa Netflix.Kung hindi lang dahil kay John ay matagal na siyang umalis at lumipad papuntang London. Pero dahil pinigilan siya nito ay pagbibigyan na lang niya ang kaibigan kahit pa isang parusa iyon para sa kanya dahil masasaksihan niyang ikakasal ang lalaking pinakamamahal niya.Bigla siyang nalungkot. Naalala niya si James. Hindi pa niya ito nakikita mula nang maghiwalay sila. Malamang ay iniiwasan din siya nito at baka nasa ospital at nagbabantay sa nobya nitong buntis.Biglang sumikip ang dibdib niya sa naiisip.
“Hello, ex,” mahinang sambit niya.“Hello, ex? Ba’t ganyan ang boses mo? Are you crying?”“Ahm, hindi… Kakagising ko lang kasi,” palusot niya.“Tumawag ka ba? Sorry, ngayon ko lang napansin ang tawag mo. Nagda-drive kasi ako. Bakit ka tumawag? May kailangan ka ba? Itatawag ko kay Manang para ipadala diyan sa kwarto mo.”“Ahm, wala naman, ex. Na-bored lang ako. Akala ko kasi andito ka sa bahay. Wala kasi akong makausap,” pagsisinungaling niya. Ayaw na niyang magsumbong kay John tungkol kina Tita Evelyn at Amber. Ayaw na niyang mag-away ang pamilya dahil sa kanya.“Ah, ganun ba? Pauwi na rin ako. Dadaanan kita diyan sa kwarto mo. Ano gusto mong pasalubong?”“Kahit ano na lang. Bilisan mo, ha,” sambit niya.Si John lang ang kakampi niya sa bahay na iyon. Kapag nasa tabi niya si John, pakiramdam niya ay ligtas siya.Sana si John na lang ang minahal niya. Wala pa sana siyang ganitong problema. Kung pwede lang ilipat ang nararamdaman ay pipiliin niyang kay John na lang siya umibig... imbes
"Hello, Fe, iha... Salamat sa pagtawag mo...." hinihingal na sambit ng daddy nya."Kamusta ka na, Tito Amado?" Naririnig niya ang usapan ng dalawa dahil ni-loud speaker muna ni Rosie ang telepono bago ibigay sa daddy nila, na ipinagpasalamat niya."I’m okay, iha. Eto... buhay pa...""Mabubuhay ka pa nang matagal, Tito. Masamang damo ka, remember?" biro ni Fe sa ama niya na ikinatawa naman nito.Pati siya ay lumambot ang puso sa pag-aalala ni Fe sa ama niya. Hindi pa rin nito nakakalimutan ang pamilya niya kahit pa may tampuhan silang dalawa."Ang sabi ni Clark ay nasa London ka daw... Ano naman ang ginagawa mo diyan, iha?""Ahm, nagbabakasyon lang, Tito. Para naman malibang nang konti.""Sana naman pag-ikinasal na itong best friend mo ay andito ka..." wika ng daddy niya saka tumingin sa kanya."Shit!" Gusto niyang agawin ang cellphone sa daddy niya at mag-explain kay Fe."Ahm... O-opo naman, Tito... Uuwi po ako diyan bago ang kasal ni Clark." Narinig niyang naging garalgal ang boses n
Magkakasundo pala tayo kung ganun, Mayor? Let’s keep each other’s secret, okay?"Maasahan mo ako diyan, Cindy. By the way, totoo ba ang sinabi ni Bryan na nagkaroon daw kayo ng relasyon dati?""Bryan who?" nagtatakang tanong nito."Bryan Mendoza.""Ah, that jerk! Of course not! Paano ko siya magugustuhan, eh lesbian nga ako! And between you and him? Mas pipiliin pa kita kaysa sa kanya. Ang hangin ng lalaking ‘yun!"Napangisi siya. "Salamat naman kung ganun. Nakatanggap din ako ng papuri mula sayo... kanina mo pa ako iniinsulto, eh!""Ahahah... Sorry. Straightforward lang kasi ako!" Wika nito saka sila nagtawanan. "Ikaw naman, ano ang nagpapigil sa'yo sa kasal na 'to? Sino ang maswerteng babae?""She is Fe, my best friend. Nasa London siya ngayon.""Oh..." wika lang ni Cindy saka muling uminom ng kape."Sorry....""Bakit ka nagso-sorry?""I feel sorry for you."Natahimik cya. "She’s my best friend. Nasanay na ako na lagi siyang nandiyan sa tabi ko, pero ngayon ay wala na siya." malungk
It's been a week, pero hindi pa rin nagkakamalay ang daddy niya. Pero sabi naman ng doctor na maganda ang response ng katawan nito kaya posible itong magising ano mang oras.Nasa opisina siya sa mga oras na 'yun. Nakatingin lang siya sa kisame at natutulala. Hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakausap ni Fe ulit. Hindi na ito tumawag sa kanya. Kung siya naman ang tatawag dito, hindi siya sinasagot. Hindi rin sine-seen ang mga messages niya."Ano kaya kung magpasuntok ulit ako para tawagan niya ulit ako? Damn! I miss her voice! I miss her..." wika niya.Maya-maya ay may kumatok sa pinto niya. Pumasok doon si Franco."Boss, tumawag po ang mommy mo. Nagising na daw si Sir Amado!""What?!" Biglang napabalikwas siya sa kinauupuan. "Bakit hindi siya tumawag sa akin?""Tumatawag daw siya pero hindi mo sinasagot."Napatingin siya sa kanyang cellphone. Marami ngang missed calls ang ina niya. Ganun ba siya katulala na pati ang tunog ng cellphone niya ay hindi niya napansin?Dinampot niya ang b
Nabaling ang atensyon nila nang may kumatok sa pinto. Tumigas ang bagang niya nang makita kung sino ang pumasok doon... si Bryan Mendoza.Councilor si Bryan sa kanilang distrito at magkaiba sila ng partido. Gusto nitong tumakbo ng Governador at kakalabanin cya."Good morning, Mayor!" Malapad ang ngiti nito na parang nakakaloko habang papalapit sa kanya. Nasa likod nito ang dalawang bodyguard.Halos magkaedaran lang sila ni Bryan, 32 din ito tulad niya. Parehas silang mga anak ng mga politiko kaya maaga silang nasabak sa politika."What are you doing here, Bryan?" walang emosyon na tanong niya."I'm just paying a visit to Tito Amado."Tiningnan niya ito nang masama. Hindi niya ito maakusahan nang harapan na ito ang pinaghihinalaan nila kung bakit inatake sa puso ang ama niya. Wala pa silang sapat na ebidensya kaya hindi sila pwedeng basta-basta na lang magbintang."Nabalitaan ko naospital pala si Tito, that's why I'm here.""Di mo na dapat ginawa 'yun, Bryan. Hindi ka na dapat nag-abal
"Ahm, kamusta ka? Nakita ko sa social media ang nangyari sa'yo sa airport.... Nasa Pilipinas ka na pala?""Ahm, I'm okay... hindi naman masakit ang suntok ng lalaki." Pagsisinungaling niya. Napatingin si Franco sa kanya at muntik nang matawa, pero tinitingnan niya ito ng masama. "Kakarating ko lang ng Pilipinas. Si Dad kasi nasa ospital.""Huh? What happened to Tito?""Inatake siya sa puso, and he's still unconscious," kwento niya. Sandali silang natahimik, tila nakikiramdaman."K-kamusta ka na diyan sa London? Bakit hindi mo sinabi sa akin na aalis ka pala...""Ahm... sayang naman kasi ang offer ni Tito Gregore kung hindi ko tatanggapin.""G-ganun ba? Kailan ka uuwi dito sa Pilipinas?""I don't know. Naka-indefinite leave naman ako, might as well sulitin ko na."Nalungkot siya sa sagot ni Fe. "Ahm, Fe... can we talk?""Ahh, I have to go. Tumawag lang talaga ako to check on you. Medyo nag-worry kasi ako nang makita ko sa social media na sinuntok ka. I have to go. Mag-ingat ka, ha... b
Bumaba na siya ng kotse at bitbit ang maliit na maletang dala niya. Kumaway pa siya sa mga kaibigan bago pinaandar palayo ang sasakyan. Napabuntong-hininga na lang siya.Naiintindihan niya kung walang suporta ang mga kaibigan niya sa kanya. Tama naman ang mga ito at mali siya. Pero paano niya tuturuan ang puso kung si Fe ang tinitibok nito?Umupo siya sa waiting area habang hinihintay ang flight niya. Binook na siya ng assistant niyang si Franco nang tawagan niya ito na uuwi siya ng Pilipinas. Simula nang umalis ang secretary niya na si Grace, hindi na siya kumuha ng babaeng secretary. Pare-parehas lang kasi ang mga babaeng nagiging secretary niya... lagi siyang inaakit.Sa totoo lang, si Bebe, Jonie, at Fe lang ang kaibigan niyang babae. Mahirap na baka mabalita pa siya at ma-issue-han ng pagiging womanizer.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang number ni Fe. Hindi na siya makapaghintay, kailangan na niya itong makausap."Damn!" napamura siya nang hindi nagri-ring ang cellphone
"What? How is he, Mom?" natatarantang tanong niya."Andito kami ngayon sa ospital. He is still unconscious!""Sige, Mom, uuwi na ako diyan!" agad na sabi niya at pinatay na ang telepono."What happened, Clark?""Si Dad nasa ospital, inatake sa puso. Kailangan kong umuwi ng Pilipinas...""Sige, mag-impake ka na. Ihahatid kita sa airport!" nag-aalala ding wika ni James.Agad siyang bumalik sa kwarto niya. Konti lang naman ang dala niya kaya mabilis niya lang naayos iyon. Mabilis na rin siyang naligo at nagbihis. Akmang palabas na siya ng kwarto nang makita ang swimsuit ni Fe na nasa ibabaw ng kama. Naalala niya na naman ang nangyari sa kanila kagabi. Palaisipan pa rin sa kanya kung bakit umalis si Fe agad nang hindi man lang sila nakapag-usap. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit ito nagdesisyon kaagad na pumunta ng London.Napabuntong-hininga na lang siya, kinuha ang swimsuit at inilagay sa bagahe niya. Kung hindi lang inatake ang daddy niya ay susundan niya ito sa London. Bahala na
Nagising siya kinabukasan na masakit ang ulo niya."Aahhh.... fuck!" wika niya habang minamasahe ang sentido. Napatingin siya sa bintana at mukhang mataas na si Haring Araw."Anong oras na ba?" tanong niya sa sarili. Napatingin siya sa wall clock... ala-una na pala ng hapon."Damn! Ganun ba kahaba ang tulog ko?"Pero ganunpaman, napangiti siya dahil ang sarap ng panaginip niya. Si Fe ang laman ng panaginip niya. Muli daw silang nagniig ni Fe... parang totoo ang panaginip niya, ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito habang pinag-isa nila ang kanilang mga katawan.Muling nag-react si junior dahil sa naalala niya. Sinilip niya ang sarili na natatakpan ng makapal na kumot. At totoo ngang tumatayo ang junior niya! "Damn!""Wait, what? Bakit ako nakahubad?" nagtatakang tanong niya. Wala siyang suot na shorts. Sa pagkaalala niya kagabi, hindi naman siya naghubad. Ganun ba siya kalasing at hindi niya naalala ang ginawa? Di kaya nag strip-tease siya?... Napangiti siya.Akmang bababa na
*************************BUMALIK CYA SA KASALUKUYAN....Muli niyang tinungga ang alak na iniinom. Hindi niya tuloy malalaman kung pangarap nga ba niya ang pagiging public servant o pangarap ng papa niya. Sa sobrang masunurin niya, pati ang lovelife at kaligayahan niya ay naisantabi na niya.Napahawak siya sa kanyang ulo. Ang sakit na. Lasing na lasing na siya. Naubos na rin niya ang isang bote ng whiskey niya.Dahan-dahan siyang humiga sa sahig. Hindi na niya kayang umakyat pa sa kama. Pumikit siya at doon na natulog.Maya-maya, naramdaman niyang parang bumukas ang pinto ng kwarto niya.“Clark, what are you doing? Bakit ka ang lasing? Damn, bro!” sigaw ni James sa kanya saka tinulungan siyang umakyat sa kama.“Ano ba ang problema niyan?” si Jonie ang nagtanong. Doon niya narealize na nandoon pala ang lahat ng kaibigan nila sa kwarto niya. Gusto niyang imulat ang mata at tingnan kung nandoon din si Fe, pero hindi niya maimulat ang mata dahil sa kalasingan.“Ako na lang ang bahala sa k