Nabaling ang atensyon niya sa pinto nang biglang bumukas iyon. Pumasok si James na may dalang kape. Agad siyang ngumiti para salubungin ang nobyo."Hi, hon," masiglang bati niya, pero hindi ito tumugon. Umupo ito sa tabi ng kama niya."What do you want? Do you need anything? Hindi na kita binilhan ng kape dahil bawal iyon para sa’yo," wika ni James."It's okay, hon. Lahat ng bawal ay iiwasan ko para sa anak natin," malambing niyang sagot. Tumango lang si James."Hon, andoon pa ba si Beverly sa palasyo? Bukas na kasi ang labas ko dito sa ospital... Natatakot ako kapag andoon siya dahil baka may pinaplano na naman siya laban sa akin. I know she’s jealous of me!" pagda-drama niya."Leave Beverly alone," seryosong sagot ni James. "Kahit ginawa niya iyon o hindi, hinding-hindi ko na papayagan na masaktan ka o ang baby natin.""T-thanks, hon," sagot niya saka hinawakan ang kamay nito. Why do I have this feeling na parang hindi naniniwala si James na tinulak ako ni Beverly? May alam kaya siy
***************BEBE'S POV:Pagkatapos ng tagpo nila ni Tita Evelyn ay bumalik siya sa kwarto niya at hindi na lumabas muli. Pinapahatiran na lang siya ng pagkain ni John dahil ayaw din niyang lumabas. Nahihiya siyang lumabas, baka kasi makita ulit siya ni Tita Evelyn.Halos bente kwatro oras na siyang nandoon na nakatambay lang sa kwarto. Para siyang nakakulong sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Bagot na bagot na siya, mukhang naubos na rin niya ang lahat ng pelikula sa Netflix.Kung hindi lang dahil kay John ay matagal na siyang umalis at lumipad papuntang London. Pero dahil pinigilan siya nito ay pagbibigyan na lang niya ang kaibigan kahit pa isang parusa iyon para sa kanya dahil masasaksihan niyang ikakasal ang lalaking pinakamamahal niya.Bigla siyang nalungkot. Naalala niya si James. Hindi pa niya ito nakikita mula nang maghiwalay sila. Malamang ay iniiwasan din siya nito at baka nasa ospital at nagbabantay sa nobya nitong buntis.Biglang sumikip ang dibdib niya sa naiisip.
“Hello, ex,” mahinang sambit niya.“Hello, ex? Ba’t ganyan ang boses mo? Are you crying?”“Ahm, hindi… Kakagising ko lang kasi,” palusot niya.“Tumawag ka ba? Sorry, ngayon ko lang napansin ang tawag mo. Nagda-drive kasi ako. Bakit ka tumawag? May kailangan ka ba? Itatawag ko kay Manang para ipadala diyan sa kwarto mo.”“Ahm, wala naman, ex. Na-bored lang ako. Akala ko kasi andito ka sa bahay. Wala kasi akong makausap,” pagsisinungaling niya. Ayaw na niyang magsumbong kay John tungkol kina Tita Evelyn at Amber. Ayaw na niyang mag-away ang pamilya dahil sa kanya.“Ah, ganun ba? Pauwi na rin ako. Dadaanan kita diyan sa kwarto mo. Ano gusto mong pasalubong?”“Kahit ano na lang. Bilisan mo, ha,” sambit niya.Si John lang ang kakampi niya sa bahay na iyon. Kapag nasa tabi niya si John, pakiramdam niya ay ligtas siya.Sana si John na lang ang minahal niya. Wala pa sana siyang ganitong problema. Kung pwede lang ilipat ang nararamdaman ay pipiliin niyang kay John na lang siya umibig... imbes
"Basta! hindi mo siya papatayin! Kung hindi ay ipapakulong kita! Sasabihin ko sa mga pulis na ikaw ang may pakana ng lahat!" banta ni Amber."O sige, sabihin mo. Do you think hindi kita isasama sa kaso ko? Dalawa tayong nagplano nito!""At sa akala mo ba kapag sinuplong mo ako ay matatanggap ka pa ng mga Blacksmith bilang daughter-in-law? Are you out of your mind? Tinanggap ka lang nila ngayon dahil sa pag-aakalang anak ni James ang dinadala mo! Pero kapag nalaman nilang anak ko ‘yan ay masisira ka rin, Amber!"Hindi na niya alam ang gagawin. Nanginginig siya sa takot dahil sa mga narinig niyang rebelasyon. Kailangan malaman ni James ang lahat ng ito! Pero paano? Wala siyang paraan para makatakas agad sa lugar na iyon!Nakita niyang hinaplos ni Alastair ang mukha ni Amber. Mapanlinlang ang mukha nito ngunit puno ng pananakot."There's nothing you can do, babe. Whether you like it or not, itutuloy ko ang plano natin. Kaya sumunod ka na lang at makiayon dahil hindi ako papayag na ipagpa
Hingal na hingal siya at takot na takot na halos hindi na sya makatakbo ng matulin. Pakiramdan nya ay hinang hina cya. Kung kagabi ay madali lang niyang narating ang batis... pero ngayon ay parang ang layo-layo na ng tinakbo niya. Hindi siya pwedeng mag-aksaya ng oras. buhay ng pinakamamahal niyang lalaki ang nakataya kapag hindi cya umabot.Umiiyak siya habang tumatakbo. Takot na takot siya para kay James. Wala siyang kamalay-malay na may banta na pala sa buhay nito. Napakawalanghiya talaga ni Amber! Ipina-ako na nga nito ang pinabubuntis kay James tapos papatayin pa nito ang kawawang lalaki?Malapit na siya.... nakikita na niya ang mga staff na abala sa pag-aayos para sa kasal. Dumiretso agad siya sa loob ng palasyo, ang puso ay nag-aalab sa takot at pangamba. Gusto nyang humingi ng tulong sa iba pero hindi nya alam kung may kasabwat pa si Amber at Alastair na pinakalat sa palasyo para maisagawa ang plano mamaya. Naging praning na cya.Inuna niyang puntahan si John, ngunit hindi niy
JAMES: “Bitch!” sigaw niya habang tuluyang kinulong si Beverly sa kwarto nito. “James, no! Buksan mo ito! Maniwala ka sa akin, papatayin ka ni Amber at Alastair pagkatapos ng kasal ninyo!” sigaw ni Beverly mula sa loob ng kwarto. Bigla niyang sinuntok ang pader. Dumugo ang kamao niya. Masakit iyon, pero mas masakit ang ginawa ni Beverly sa kanya. It hurts him to see her like this... dahil pinapababa ni Beverly ang tingin niya dito. Una, ang insidenteng pagtulak nito kay Amber, dahilan kaya nadulas ito sa pool. Noong una, ayaw niyang maniwala na kagagawan iyon ni Beverly, pero sa mga nangyayari ngayon ay gusto na niyang paniwalaan ang sinasabi ni Amber. At ngayon, eto na naman... pagbibintangan nito si Amber na ibang lalaki ang nakabuntis dito at hindi siya. Masakit iyon sa kanyang pride. Isang malaking insulto iyon para sa kanya. Alam niyang patay na patay si Amber sa kanya, kaya paano nito nasabi na si Alastair ang ama ng pinagbubuntis nito? Aaminin niya, noong una ay may baha
"Why? Ano naman ang problema dun?" malamig na tanong niya sa kaibigan."Oh, it’s nothing, bro... it’s just that nakita ko din si Alastair somewhere here. Di ko alam na a-attend siya sa kasal niyo ni Amber. Hiwalay na pala ang dalawa, at nakakagulat na ikaw ang papakasalan ni Amber."Bigla siyang nalito sa sinabi ng kaibigan. "Bakit? Nagkaroon ba sila ng relasyon?""Damn! It’s a secret... hindi ko pala dapat sinabi 'yun! "mabilis na sabi ni Angus. "Pero dahil kaibigan naman kita, sasagutin ko ang tanong mo. Yes, nagkaroon sila ng relasyon... patago nga lang, at walang masyadong nakakaalam dahil ayaw ng mga magulang ni Amber kay Alastair dahil sa katayuan nito sa lipunan. But seeing Alastair here at your wedding... siguro maayos naman silang naghiwalay kaya okay na rin siguro na nasabi ko ito sa’yo.""How do you know all that?" tanong niya muli. Hindi kaya sinisiraan din ni Angus si Amber dahil may gusto ito sa magiging asawa niya?"Ahm... well, they came to me for help once.... noong n
He wished na sana ay may tututol sa kasal nila. Maybe Bebe or Alastair... Pero malabong si Bebe ang tututol dahil kinulong niya ito sa kwarto. Si Alastair naman... hindi niya alam ang pinaplano nito, kaya hindi na niya aasahan ito.Ipinagpatuloy ng pari ang seremonya ng kasal nila. Nalungkot siya... iyon ang pinakamalungkot na nangyari sa buhay niya. How could he be so stupid na nagpadalos-dalos sa pagpapakasal kay Amber?Habang patuloy ang kasal, kinakabahan pa rin siya. Pakiramdam niya ay may nakatutok na baril sa kanya na anumang oras ay maaari siyang mamatay."I now pronounce you man and wife!" anunsyo ng pari na ikinagulat niya. Tapos na pala ang kasal. "You may kiss your bride, James," masayang sabi ng pari.Tiningnan niya si Amber. Hindi niya maatim na halikan ang babae sa harap niya, pero kailangan nyang gawin. Akmang hahalikan na niya ito nang biglang nagkagulo ang mga tao sa likuran."You're under arrest, Alastair!" sigaw ng mga pulis na pinalilibutan ang lalaki at tinutuka
"Guys, I want you to meet Rosabel. She’s a transferee. This is Justine, Emilio, and Gray. Mga kasamahan ko sila sa basketball team." Pakilala ni Peter sa mga kaibigan.“Hi Rosabel,” nakangiting bati ni Emilio at Justine sa kanya, pero tiningnan lang siya ni Gray."Volleyball player siya sa dati niyang pinapasukang university. Ipapakilala ko siya kay coach baka para ipasok sa team."“Great! Sana makapasok ka, Rosabel, para may maganda naman kaming mapapanood sa volleyball team. Fans mo na kami!” biro ni Justine. Mukhang mga pilyo ang mga ito. Nakita niyang kumunot ang noo ni Gray, pero hindi pa din ito nagsasalita. Papanindigan nito na hindi sila magkakilala.“Guys, ’wag niyong bastusin si Rosabel. Baka hindi na ito sumama sa atin. Baka sabihin niya na katulad ko kayong mga walang kwentang lalaki.”“AHAHAHA… Mukhang nagpapagood shot ka kay Rosabel, bro, ah.”Nahiya siya sa biruan ng mga ito sa harap niya.Maya-maya ay may dumating na isang magandang babae.“Hi Gray!” Malapad ang ngiti
ROSABEL’S POV: Hmmp! Bad trip. Sinama-sama pa ako dito, hindi naman pala ako tutulungan. Akala ko ba ifa-familiarize ko daw ang lugar. ’Yun pala, ako lang mag-isa! Kanina lang, ang taas ng tingin niya kay Sir Gray. Nagpabago pa ang tingin niya dito dahil mabait ito sa kanya kahapon. Pero ngayon ay nag-change mind ulit siya. Masama pala talaga ang ugali ng kalalaki. Ayaw na nitong malaman ng iba na magkakilala sila. Baka nahihiya dahil katulong lang siya sa bahay ng mga ito. Sabagay, nakakahiya nga naman iyon. Imagine, puro mayayaman ang mga kaibigan nito tapos may kasama itong isang anak ng yaya? Naiintindihan niya si Gray sa parteng iyon pero kahit papaano ay nasasaktan pa din siya. "Ooops!" “Ay, sorry po…” nahihiyang wika niya nang mabangga ang isang estudyante. Sa inis niya kay Gray ay hindi niya nahalata ang lalaking makakasalubong niya. Dagdag pa, hindi niya alam kung saan siya pupunta. “It’s okay…” nakangiting wika ng isang gwapong lalaki na nabangga niya. Sandaling natig
GRAY'S POV: Pabagsak siyang humiga sa kama niya. Galing siya sa kwarto ni Lilly. Alam niyang nandoon si Rosabel kaya naghahanap siya ng paraan at rason na makapasok doon na may dahilan. Magtataka ang kapatid niya kapag wala siyang sasabihing dahilan dahil hindi naman siya pumupunta doon. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang laging nakikita si Rosabel. Alam niyang maganda ito at matagal na niya 'yong napansin pero ang na-realize niya ay ang mapag-pakumbaba nito at pagkahilig sa sports at lalo iyong nagpa-interes sa kanya. Ang gusto niya sa babae ay hindi maarte, parang one of the boys lang. At nakikita niya sa ugali ni Rosabel 'yon. Nagkaroon siya ng interes sa dalaga. Naalala pa niya kanina 'yung aksidenteng nahawakan niya ito sa bewang. Damn! sigaw ng isip niya. Ramdam niya ang kurba ng katawan nito. I like touching her curves. Masarap siguro si Rosie sa kama... habang kinakabayo siya at hinahawakan niya ito sa bewang at balakang. I want her lips touching
“Thanks, Rosie…” wika nito pagkatapos uminom. “Can I call you Rosie?”“Ah, eh ikaw ang bahala, Sir... kahit ano itawag mo sa akin, okay lang.”“Babe"... pwede? Hahaha.”Tumaas ang kilay niya sa pagka-presko nito. Is he hitting on me? Pero winaksi niya ang mga naiisip. Masyado naman makapal ang mukha niya. Paano siya magugustuhan ni Sir Gray kung anak nga lang siya ng katulong doon?“Ahm, excuse me, Sir. Hinihintay na kasi ni Lilly ang sandwich niya.” paalam niya nang hindi pa din ito umaalis sa harap niya. Wala siyang madaanan. Na-corner siya nito.Binigyan naman siya nito ng konting espayo para makadaan. Bitbit niya ang sandwich at juice ni Lilly nang muli siyang tawagin nito.“Rosabel...” tawag nito. Napalingon siya.“Bukas... may lakad ka ba?”Nagtaka siya. “Wala naman. Bakit?”“Pupunta ako ng school. Gusto mo sumama? Para ma-familiarize ka na sa lugar.”Nagulat siya. Hindi siya nakasagot. Hindi niya inasahan ang paanyayang ’yon. Nagdadalawang-isip pa siya.“Libre kita ng milk tea.
Nagsimula silang lumangoy, paunahan hanggang sa dulo ng pool. Ramdam niyang nauuna na si Gray kaya lalo niyang binilisan ang paglangoy. Hanggang sa hindi na niya maramdaman ang presensya nito sa kanyang likuran. Napangiti siya, akala niya’y naiiwan na si Gray.Ngunit pag-ahon niya sa dulo ng pool, agad napalis ang ngiti sa labi niya nang makita si Gray na naroon na, naghihintay sa kanya."You have to practice more, kid!" wika nito sabay gulo ng kanyang buhok. Tinawag pa talaga siyang "kid"!Napasimangot siya. “Paano mo nagawa ’yon?! Nasa likod lang kita kanina, ah?!” Hindi siya makapaniwalang natalo siya ni Gray. Ayaw na ayaw pa naman niyang natatalo.Pero sa kabila ng pagkatalo, kahit paano’y naging at ease siya rito. Hindi naman pala ito gano’n kasuplado. Konti lang.“Mukhang nagkakasayahan kayo diyan, ah,” narinig nilang sabi ni Tita Jonie na papalapit kasama si Sir Ken.Muntik siyang ma-out of balance pero maagap siyang nahawakan ni Gray sa bewang. Bawas-bawasan ko na nga siguro a
“Stop it, kuya. Wag mo takutin si Ate Rosabel. Baka hindi na niya ako samahan next time!” saway ni Lilly sa kapatid. “Kung gusto mo ay maligo ka na lang ulit at sabayan mo kami!” dagdag pa nito.Walang ano-ano’y umalis naman ito. Nakahinga siya ng maluwag nang makaalis na si Gray. Hindi siya komportable sa presensya nito. Bumalik siya kay Lilly.“Lilly, nagalit ata ang kuya mo. Pwede bang umalis na ako? Baka sabihin niya kabago-bago ko dito tapos nagmimihasa na ako...” nag-aalalang wika niya. Alam niya kung saan siya lulugar. Kahit mabait si Lilly sa kanya, ay amo pa rin ito ng nanay niya. Isa lang siyang anak ng katulong doon at wala siyang karapatang makihalubilo sa mga ito. She knows where she stands.“Let him get mad, Ate Rosabel. I get to decide kung sino ang gusto kong kasama maligo dito. As if naman hihigupin mo ang lahat ng tubig nito kung umaasta siya.”“P-pero pwede ba umiwas na lang tayo sa gulo kung pwede? Ayaw ko din naman maligo… pinipilit mo lang ako…” pagsisinungaling
“Ate, I heard from Mommy na dito ka na daw titira sa amin? Eeiiihhh! I’m very excited! Pwede bang doon ka ma-stay sa kwarto ko?”“Ahm… hindi pwede, Lilly. Baka pagalitan tayo ng Mommy mo… pupuntahan na lang kita doon palagi, okay?”“Okay, Ate… Sabi din pala ni Mommy kukuha ka daw ng mga gamit mo sa Baguio this Saturday? Pwede ba akong sumama?”“No, Lilly, you can’t join us!” agad na sabi niya.“Why, Kuya?”“Mababagot ka lang doon. Saka reklamador ka pa naman.” pagdadahilan niya, pero ang totoo ay gusto niyang masolo si Rosabel.“No, Kuya! Hindi ako mababagot kapag kasama ko si Ate Rosabel. Saka kung ayaw mo akong isama, magpapadrive na lang kami kay Manong Berting. Kami na lang ang pupunta ng Baguio to get her stuff.”“No... ako na ang magdrive” agad na sagot niya.“Sige, pero sasama ako!” may pinal na sagot ng kapatid niyang brat. She hates Lilly. Simula nang pinanganak ito at nahati na ang atensyon ng mga magulang nila sa kanya. Kompetensya ang tingin niya sa kapatid niya. Ngayon ay
"Tandaan mo ang sinabi ko, Gray! Kapag nalaman ko lang na pinabayaan mo si Rosabel sa school niyo, ay ikaw ang mananagot sa akin!" Matigas na paalala nito saka tumayo at naglakad papunta ng pinto.“And one more thing…” Sandaling tumigil ito at humarap sa kanya. “Samahan mo siya sa Baguio this weekend para kunin ang mga gamit niya doon. Ipag-drive mo siya para hindi na siya mag-bus pa.”“Mom, may practice kami ng basketball sa Sabado!”“Wala akong pakialam. Tatawagan ko lang si Coach at sasabihin na hindi ka makaka-practice. Mas importante ang inuutos ko sa’yo kaysa sa basketball mo. Dapat maging responsable ka na, at responsibilidad mo si Rosabel. Kung ayaw mong sabihin ko kay Coach na tanggalin ka sa team, ay gawin mo ang gusto ko.”Tumahimik siya. Bina-blackmail siya ng sarili niyang nanay. Muli siyang nito'ng tiningnan ng masama saka tuluyan nang lumabas ng kwarto.“Fuck!” sigaw niya saka hinampas ng malakas ang bola na nasa tabi niya.“Bakit ba kasi naisipan ng mommy niya na papun
GRAY'S POV:Sshhit! Mura niya sa isip habang papasok ng kwarto niya. Nakita na naman niya ang crush niyang anak ng katulong nila.Lihim siyang napangiti. So... Rosabel pala ang pangalan nya? Anak ito ng Yaya Cynthia nya. Paminsan-minsan ay pumupunta ito sa kanila kapag break nito sa school sa Baguio. Pero hindi pa niya ito nakakausap kahit minsan dahil ilag ito sa kanya. Kapag nakikita siya ay agad itong pumapasok sa kwarto o di kaya tumatago.Aaminin niyang nagagandahan siya sa dalaga. Kakaiba ang beauty nito kumpara sa mga babaeng naka-fling niya. Kahit morena ito, ay hindi naman magpapahuli ang ganda nito. Ayon sa mommy niya ay Black American daw ang tatay ni Rosabel, kaya ganoon na lang ang kulay ng skin tone nito.Kapag tinititigan niya ito, naaalala niya ang mga magagandang Black American na sina Beyoncé, Zendaya o Rihanna. Ganoon ang level ng ganda ni Rosabel. Dagdag pa na matangkad ito... mukhang namana sa ama nitong Black American. Payat lang si Rosabel pero mabibilog ang ba