**************BEBE:Bigla niyang kinurot ang kaibigang si John nang marinig ang sinabi sa kapatid na girlfriend daw siya nito."Aray! Aray!" sigaw ni John. "Bakit ka ba nananakit?" tanong nito habang hinihimas ang kinurot niyang braso."Bakit mo sinabi sa kapatid mo na girlfriend mo ako?" sita niya."Sasagutin mo naman ako balang araw, di ba? Hahaha! In-advance ko lang. Doon na rin naman tayo papunta." Nakangising wika ni John, tila nagpapacute."Hindi kita sasagutin, no! Sa ikli ng pagkakakilala ko sa 'yo, alam ko na agad na babaero ka. Kaya huwag mo akong isama sa mahabang listahan mo!" sitang sagot niya sa kaibigan.Nasa London siya ngayon at plano niyang doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Nang umalis siya sa bahay ni Ate Jonie, plano sana niyang bumalik sa Baguio at makipag-live-in kay James. Pero nang marinig niya ang usapan ni James at Clark na hindi naman pala siya siniseryoso ni James, bigla siyang nalungkot.Napagdesisyunan niyang hindi na bumalik ng Baguio at hindi na rin magp
Mabilis na inayos ni James ang lahat ng kailangan nila para sa biyahe papuntang Scotland. Ngayon ay nasa eroplano na sila papunta roon, at excited na siya. Marami na siyang napuntahang ibang lugar noon dahil palagi siyang sinasama ni Ate Jonie. Pero ngayon, hindi kasama ang pinsan niya. Mahilig siyang maglakbay, at gustung-gusto niyang mag-explore ng ibang bansa. Agad siyang nag-search tungkol sa Scotland nang kumpirmahin ni John ang pag-alis nila. Akala niya kasi noong una ay nagbibiro lang ito. Ayon kay G****e, maraming kastilyo doon, kaya excited siyang makakita ng castle. Parang prinsesa lang ang peg kapag ganun! Mag-gown kaya siya tulad ng nakikita niya sa mga pelikula na may Scottish movie? Magaganda rin ang mga tanawin doon na para bang nasa medieval ages ka talaga. Excited na siyang makakita ng kalikasan at mga bundok, hindi katulad ng London na puro gusali at isang busy city. Magkatabi sila ni John habang nakaupo sa eroplano. Business class pa ang kinuha nito, at nagulat p
Napukaw ang atensyon niya nang magsalita ang piloto na magla-landing na ang eroplanong sinasakyan nila. Napaupo siya nang tuwid at muling kinabit ang seatbelt niya."I'm excited!" sabi niya kay John, hindi maitago ang kanyang kasabikan.Hehehe… I promise you'll love it here. I’ll make sure this is going to be your best vacation ever!"Ngumiti siya nang todo at lalo siyang na-excite. Ayon sa mga kwento ni John kanina, malaki raw ang bahay nito at may mga kabayo pa. Parang rancho lang ng ate niyang si Jonie. Na-miss niya ang Pilipinas, kaya sigurado siyang mag-e-enjoy siya sa bakasyon nila."There's only one thing I'd like to ask of you, though," putol ni John sa pag-iimagine niya. Napalis ang ngiti niya dahil naging seryoso ang mukha nito."What is it?" nag-aalangan niyang tanong sa kaibigan."P-Pwede bang ipakilala kita sa mga magulang at kuya ko bilang girlfriend ko?""What? Ano na namang kalokohan 'to, John!" Ayaw niyang magsinungaling sa iba, kaya hindi siya papayag sa plano ni Joh
Habang papalabas ng limousine, pasimpleng tinignan niya ang mga magulang ni John. Magiliw ang salubong ng ginang sa kanila.Mukhang masayahin ang ina ni John at sa tantiya niya ay nasa edad singkwenta. Maganda ito at glamorosa ang galaw kaya batang-bata pa ring tingnan. Samantala, ang ama ni John ay sinipat niya nang mabilis... Alam na niya kung saan nagmana si John ng kagwapuhan. Seryoso ito habang nakatingin sa kanila, mukhang kilabot ito ng mga babae noong kabataan dahil sa angkin nitong kakisigan kahit halata na rin ang tanda. Nakaupo ito ngayon sa wheelchair, hindi na siya nagtanong kay John kung ano ang nangyari sa ama nito dahil rude iyon. "Anak!" masayang bati ng ina ni John sa kanila at agad na yumakap sa kanila."Mom!" malugod ding bati ni John sa ina at niyakap ito nang mahigpit, pagkatapos ay bumaling sa ama. "Dad... I miss you." Nakatingin lang ang ama sa kanya, seryoso ang mukha."Sino ang kasama mo?" tanong ng ama habang tinitingnan siya. Bigla siyang nanginig, kung ga
"Anong meron dito?" Napalingon silang lahat sa dumating na lalaki.... Napatigil ang mundo niya nang makita niya ang lalaking lumalapit sa kanilla. Hindi siya makapaniwala. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig, at halos mapatid ang kanyang hininga. Siya ang lalaking matagal na niyang tinatakasan, ang taong akala niya ay hindi na niya makikita muli, lalo na dito sa Scotland.... si James. “Kuya!” masayang bati ni John, agad na tumayo mula sa kanyang kinauupuan upang yakapin ang nakatatandang kapatid. Niyakap ni James si John ng mahigpit, halatang close ang magkapatid. Siya, na pinipilit na maging invisible, ay palihim na umaasang hindi siya mapapansin ni James. Ngunit ang kinatatakutan niya ay nangyari—nabaling ang tingin ni James sa kanya, at ang ngiti nito sa labi ay unti-unting naglaho. Nanatili si James sa kinatatayuan, nakatitig sa kanya nang mataimtim. Mabilis siyang yumuko, nagdarasal na sana’y hindi siya makilala nito pero alam niyang imposibleng hindi siya makilala nito
"So, ano ang pakiramdam na malapit nang ikasal, Kuya?" tanong ni John habang kumakain sila."M-masaya... dahil finally, may babae na talaga para sa akin. Napagod na rin kasi ako sa kakahanap ng ‘the one.’ Saan-saan ko pa siya hinanap, ‘yun pala andito lang sa Scotland," sagot ni James, sabay tingin sa kanya. Siya ba ang pinaparinggan ni James?"Amber is beautiful and hot... and she likes me, hindi tulad ng iba kong nakaraan na pinaasa lang ako, hindi naman pala ako gusto." sabi pa ni James, hindi inaalis ang tingin sa kanya. Ano bang pinagsasabi nito? Hindi ba dapat cya ang magsasabi nun? Narinig niya mismo iyon sa usapan nila ni Clark. Bakit siya ang sinisisi nito ngayon? Nasaktan cya lalo ng sinabi ni James na maganda at hot si Amber... bigla cyang nagselos. "Mukhang may hugot ka, Kuya ah... mukhang masakit ang heartbreak mo sa Pilipinas," kantiyaw ni John sa kapatid. Nagkibit-balikat lang si James at nalungkot ang mukha; parang nakita niyang namasa ang mga mata nito, o baka imagin
Nang matapos na ang kanilang lunch ay pinahatid na siya ng mommy ni John sa kanyang kwarto.Magkahawak-kamay silang naglalakad ni John patungo sa kwarto niya, at naiilang pa rin siya."Impressed ako, sweetie. Hindi ko alam na mayaman ka din pala. Mas mayaman ka pa ata kaysa sa akin," sabi ni John."Hindi ako mayaman. Ang pinsan ko iyon," nahihiyang sagot niya, dahil ginamit na naman niya ang pangalan ng pinsan niya para sa kanyang personal na dahilan. Gusto sana niyang magpaka-low-key, pero ayaw naman niyang mapahiya sa pamilya ni John, lalo na sa ama nitong mukhang matapobre."Ganun na din iyon. Nabasa ko rin ang tungkol kina Jonie at Gregore Miller sa mga business magazines, at isa sila sa pinakamayayamang tao sa buong mundo."Nagkibit-balikat lang siya. Ayaw na niyang magbida tungkol sa pinsan niya. Tama na yung nabanggit niya ito ng isang beses; ayaw niyang ipagkalandakan na connected siya dito dahil nahihiya siya sa pinsan niya. Wala itong kaalam-alam na ginagamit niya ang connec
Maya-maya ay tumigil sa paghalik si James sa kanya. Dahan-dahan itong umupo sa kama at pareho silang nagkatitigan. Namamasa ang kanilang mga mata… umiiyak din ba ito? Pero bakit?Umupo lang ito doon ng ilang minuto na tila nag-iisip. Maya-maya ay tuluyan na itong tumayo. Akmang lalabas na ito ng kwarto nang biglang may kumatok. Nagkatinginan sila ni James. Sinenyasan siya nitong buksan ang pinto at nagtago ito sa banyo.Tumango lang siya bilang pagsang-ayon. Ayaw niyang magduda ang mga tao sa kanila. Hangga't maaari, gusto niyang sila lang ni James ang makakaalam ng totoong relasyon nila. Hinintay niyang makapasok si James sa banyo bago buksan ang pinto.Si John ang kumakatok. "Bakit ang tagal mong magbukas, sweetie?" malambing na wika ni John sabay akbay sa kanya."Ha? Ah, eh… galing kasi ako sa banyo. What brings you here?" pag-iiba niya ng usapan."Wala lang. Masaya lang ako dahil dinala kita dito," sabi ni John habang umupo sa kama niya. Siya naman ay nanatiling nakatayo at pasul
"Fuck! Napakasarap mo pala talaga, Amber... Kaya pala patay na patay si Alastair sa'yo! Pero hindi ako tutulad sa kanya... Hindi ako mahuhulog sa bitag mo... Ammhhh... Ammhhh... Aammhh..."Halos masubsob na siya sa kama sa pagkadyot nito sa kanya, pero wala siyang magawa. Hawak siya nito sa leeg, at kung mapatay niya man ito doon, siguradong hindi rin siya makakaligtas dahil marami itong bodyguard sa labas.Lihim siyang humahagulgol. Ano ba itong ginagawa niya sa sarili niya?"Ahhh...hhh..." mahabang ungol ni Douglas nang nilabasan na ito sa loob niya. Diring-diri siya, pero hindi niya maipakita dito.Nang makahuma ay tumayo ito at nagsara ng zipper. "Magbihis ka na at sasama ka sa akin," utos nito."S-saan?" tanong niya habang tinatakpan ng kumot ang hubad niyang katawan. Nandidiri siya sa mga titig ni Douglas sa kanya."Sasama ka sa bahay ko. Doon ka na titira simula ngayon."Napayuko siya. Ito ba ang gusto niya? Ang plano niya kanina ay hindi umayon sa kanya. Ang akala niya ay mauu
Hindi niya alam kung matutuwa o malulungkot sa nalaman na hindi naman pala siya totoong anak ng mga magulang niya. Sabagay, okay na din iyon para hindi siya makonsensya sakaling ipasara ng mga Blacksmith ang mga negosyo nito at maghirap dahil sa kanya.Muling nag-ring ang cellphone niya. Si Douglas na ang tumawag. Agad niyang sinagot ang tawag nito."Hello, honey! Where are you?""Andito lang ako sa labas. Sigurado ka bang safe diyan?""Oo naman. Maingat ako, noh.""Sige, punta na ako. Sabik na ako sa'yo." Humalakhak pa ito na parang demonyo bago patayin ang telepono.Inayos niya ang sarili. Nilipat niya si Tyler sa sofa para hindi ito madistorbo sa gagawin nila mamaya ni Douglas.Maya-maya ay narinig niyang may kumatok sa pinto. Agad siyang lumapit at pinagbuksan iyon, pero napalis ang ngiti niya nang makitang hindi ito nag-iisa. Marami itong kasamang mga bodyguard."B-bakit ka pa nagdala ng bodyguard?" nagtatakang tanong niya. Nakakatakot ang mga bodyguard nito."Mahirap na... Alam
AMBER'S POV:Nagmamaneho siya papunta ng siyudad. Nabibingi na siya sa iyak ni Tyler, paubos na kasi ang gatas nito. Hindi niya naman akalain na malakas pala itong dumede kaya mabilis lang maubos ang gatas na dala ni Shiela. Kailangan nilang lumabas para bumili ng gatas at pagkain. Tumigil muna siya sandali para padedein ito. Hindi naman ito titigil sa kakaiyak dahil gutom, kaya wala siyang magawa kundi tumigil muna para padedein ito.Ngayon niya lang narealize na mahirap pala ang maging ina. Pero okay lang, dapat masanay na siya dahil inako niya na ang maging anak si Tyler. Nang tumigil na ito sa kakaiyak at nakatulog na ay muli niya itong nilagay sa passenger's seat. May ginawa siyang harang na unan doon para hindi mahulog si Tyler sakaling nagmamaneho siya.Pinaandar niya ang maliit na TV para malibang naman siya habang nagda-drive. Sakto naman na balita ang nabungaran niya."Kita mo nga naman... nakita na pala ang bangkay ni Shiela?" aniya habang nanonood ng TV. Nakita na ng mga p
'Iho... ang pinakaimportante ngayon ay mahanap natin si Tyler. Kapag nakita na siya ay saka natin harapin ang iba pang mga problema. Kung talagang mahal mo ang mag-ina mo ay ipakita mo sa kanila at ipaglaban mo ang pamilya mo." Tumango siya at tila nabuhayan ng pag-asa, nagpapasalamat siya at andiyan palagi ang mommy niya na nakasuporta sa kanya. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang isang kaibigan na imbestigador. Bakit nga ba hindi niya naisip 'yun dati pa? Napuno kasi ng pag-aalala ang utak niya sa anak at hindi niya naisip na tawagan ang kaibigang imbestigador. "Hello, bro." Bungad niya ng sagutin ni Froilan ang tawag niya. "What up, bro?" "I need your help. Kinidnap ang anak ko ni Amber Moray." "What? Was she supposed to be in a mental facility?" "Yes, pero nakatakas siya at kinidnap niya ang anak ko." "Damn!" mura ni Froilan nang marinig ang kwento niya. "Bigyan mo ako ng detalye at ng mapag-aralan ko ang kaso niya. Hihingi ako ng tulong sa mga kaibigan kong i
"Tumahan ka, Evelyn! Hindi makakatulong ang pag-iyak mo. Ang dapat nating isipin ay kung ano ang gagawin para lalo mapabilis ang paghanap sa baliw na Amber na 'yun at sa apo natin!" matigas na wika ni Tita Beth. Sandaling tumigil ang mommy niya sa pag-iyak. Nagpunas ito ng mga luha bago magsalita. "Tama ka, Beth. Magbabayad ang babaeng 'yun kapag nahuli natin siya. Sisiguraduhin kong liliit ang mundo niya. Hindi na siya makakalabas pa ng kulungan!" galit din na wika ng mommy niya. "Iho, tawagan mo ang mga magulang ni Amber. Gusto ko silang makausap." utos ng mommy niya. Kinuha niya ang cellphone at dinayal ang number ni Leo Moray, ang ama ni Amber. "Iho, kamusta? Napatawag ka?" Sa tono ng pagsagot nito, parang wala itong alam sa mga nangyayari. "Mom wants to talk to you..." sambit niya saka pinasa ang telepono sa mommy niya. "Leo! Where is your daughter?" galit na sabi ng mommy nya "What do you mean where is my daughter? Di ba nasa mental facility siya?" "Nakatakas siya at k
Napabuntong-hininga na lang siya... "Officer, ano po ang pakay niyo? Bakit kayo pumunta dito?" tanong ni Bebe sa mga pulis. "Ipapaalam lang po namin na nakita na namin si Shiela, ang private nurse ng anak niyo." "Huh? Saan niyo siya nakita? Nakita niyo din ba ang anak ko? Nahuli niya ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Bebe. "Ikinalulungkot ko pong ibalita na wala nang buhay si Shiela nang matagpuan namin sa bangin. May saksak siya sa tagiliran, at mukhang doon ginawa ang krimen para hindi mahanap kaagad. Ang hinala po namin ay si Amber ang may gawa nun sa nurse." "Diyos kooo! Huhuhuh... si Tyler... saan na naman si Tyler? Baka wala na din buhay ang anak ko katulad ni Shiela, huhuhu..." hagulgol ni Bebe. Maging siya ay humagulhol na rin. Hindi niya lubos maisip na wala na ang anak nila. "Hindi pa naman tayo sigurado, Madam Beverly. Wala po kaming nakitang ibang katawan doon bukod kay Shiela. May posibilidad na buhay pa ang anak niyo at kasama ni Amber ngayon sa pagtatago." "Plea
******************JAMES' POV:Awang-awa na siya kay Bebe. Nasa kwarto na lang ito at nakatulala, minsan ay bigla na lang itong iiyak. Magda-dalawang linggo na pero hindi pa rin nila nakikita si Amber at ang anak nilang si Tyler. Maging siya ay napanghihinaan na rin ng loob pero kailangan niyang magpakalakas para kay Bebe. Kung magpapakita siyang kahinaan, ano na lang ang mangyayari sa kanilang dalawa?Nakakalabas na rin ang mommy niya sa ospital. Kinuwento nito na si Shilea na private nurse ni Tyler nga ang may gawa kung bakit ito nawalan ng malay sa garden. Pinainom daw ito ng inumin na may pampatulog kaya ito nawalan ng malay para maitakas si Tyler.Mabuti na lang at nakita ni Logan na nakabulagta si Mommy sa garden, pero wala na si Shiela at si Tyler. May sumundo daw dito na isang puting kotse na ang hinala nila ay si Amber. Napagplanuhan talaga ng dalawa ang gagawin para makidnap si Tyler. Tamang-tama naman sa araw na iyon na wala sila ni Bebe, at pinagsisisihan niya iyon dahil h
Nanlilisik ang mga mata niyang tinititigan si Shiela na wala nang buhay sa ibaba ng bangin.Nang masiguradong wala na itong buhay ay muli siyang sumakay sa kotse. Mabuti na lang at tulog pa ang anak ni Beverly at James, hindi siya mahihirapan sa pagmamaneho.Bilib din naman siya sa batang ito at hindi naman ito sakit sa ulo. Tulog lang ito nang tulog, di tulad ng ibang baby na iyak nang iyak.Pinaandar niya ang kotse at iniwan doon si Shiela. Kailangan niyang makaalis agad doon. Kahit pa alam niyang walang makakakita sa kanya dahil masukal ang daan ay mabuti na yung sigurado.Tiningnan niya ang nasa front seat na mga gamit ni Tyler. Kumpleto naman doon... andoon na ang mga diaper at gatas nito. May mga damit na rin na pamalit si Tyler. Napangiti siya, kahit papaano ay concerned naman pala si Shiela kay Tyler. Kung siya lang kasi ay hindi niya ma-iisip na dalhan ng gamit ang batang kinidnap niya.Mga isang oras pa siyang nag-drive papunta sa bahay-bakasyunan niya. Sinigurado niyang mal
****************AMBER'S POV:Napangiti siya habang nagkakagulo na ngayon sa palasyo. Nasa likod siya ng kotse, hawak ang anak ni James at Beverly habang si Shiela ang nagda-drive ng get-away car nila."Good job, Shiela. May bonus ka sa akin mamaya." wika niya sa private nurse niya sa facility na binabayaran para tulungan siyang ilabas doon.Napangisi ito sa sinabi niya. "Salamat, Mam Amber. Pag nakuha ko na ang pera ay aalis na ako dito sa Scotland at magpakalayo-layo."Lihim siyang napangisi. Mukhang pera ang babaeng ito kaya nauto niya nang maigi. Tinapalan niya lang ito ng pera at bumigay na kaagad.Hindi naman kasi siya baliw. Nagbaliw-baliwan lang siya noong ikukulong na dapat siya dahil sa ginawa niyang panloloko sa mga Blacksmith.Mas gugustuhin niyang malagay sa mental facility kaysa sa kulungan. Mahirap na kapag sa kulungan... sa ganda niyang iyon ay baka pagpasa-pasahan pa siya ng mga pulis. Noon pa man ay nakikita na niya ang mga titig ng mga pulis sa kanya noong kasama n