~Drake~ Napasarap ang tulog ko at nagulat ako na pagtingin ko sa wall clock ay 10 AM na.Dali-dali akong naligo dahil pupuntahan ko si Aki, balak ko siyang yayain na mamasyal.Pagkalabas ko ay hinanap ng mga mata ko si Bagyo pero wala. Nang makita ko si Mommy ay agad kong siyang tinanong."Good morning Mommy, nasaan po si Storm?" tanong ko."Oh, kagigising mo lang? Wala umalis siya kanina," tugon naman nito sa 'kin."Saan po nagpunta?""Ay...hindi ko alam anak, bakit may lakad ba kayo?" muling tanong ni Mommy."Ah, wala naman po. Mommy aalis muna 'ko, ha!" paalalam ko dahil baka bigla hanapin niya ako mamaya."Saan ang punta mo, anak?""Sa kabila lang po, yayain ko sana si Aki mamasyal." Lumapit na ako kay Mommy at humalik sa pisngi niya."Gano'n ba? Sige, umuwi kayo ng maaga baka magpagabi pa kayo.""Hindi po." pagkasabi ko no'n ay umalis na ako pupuntahan ko na si Gabby. Saktong papasok pa lang ako nang makita ko na si Tito Warren kaya tinanong ko na ito."Tito, good morning po. A
~Drake~Pagkatapos kong kausapin si Bagyo ay hindi talaga ako mapakali kaya't minabuti kong sumunod kung nasaan sila ngayon.Kung may mangyaring masama kay Aki ay lulusawin ko talaga si Bagyo. Sa dinami-dami ng pupuntahan nila, bakit do'n pa? Malapit nang gumabi, kapag hindi pa nakauwi si Aki ay tiyak na hahanapin na ito at mag-aala sina Tita.Nang makarating ako sa farm na sinasabi ni Storm ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, agad kong pinuntahan ang namamala upang itanong kong nahanap na ba si Aki.Ang ibang mga tao ay nag-uuwian na kaya pa konti na ang mga tao dito. Nang makakita ako ng taong nakauniform na mukhang staff dito sa farm ay nilapitan ko na ito upang tanungin."Ahmmn... Excuse me, puwede bang magtanong?" "Hello po sir. Ano po 'yon?""Ah, may mga kaibigan kasi ako rito at nasabi sa 'kin ng kaibigan ko na nawawala daw ang kaibigan naming babae. Nakita na ba siya?" tanong ko."Ay kasama niyo ba 'yon? Hindi pa nga po siya nakikita, eh. Kaya marami na po sa mga trabahant
~Aki~Hindi ko alam kung saang dereksiyon ba ako babalik. Hindi ko na talaga matandaan, kung kanina ay nagniningning ang mga mata ko sa mga puno at bunga ng mangga na hitik na hitik. Ngayon ay wala na akong pakialam.Ang gusto ko na lamang ay ang makauwi na. Naiiyak na ako sa takot dahil nagdilim na ang paligid at wala pa akong ilaw kahit flashlight. Hindi na rin nagpakita pang muli si Dwight na hindi ko alam kung totoo ba talaga siya o baka panaginip lang 'yon kanina.Pero imposible dahil hindi naman ako nakatulog, talagang nagkausap kami. Prinsesa raw siya. Ipiling ko ang ulo ko dahil hindi ko na alam ang nangyayari talaga baka nag-i-imagine lang talaga ako kanina.Ipinirmi ko na lamang ang aking sarili dito sa ilalim ng puno habang nakaupo't nakasalampak sa damuhan habang tumatangis.Mayamaya lang ay parang nakirinig ako ng mga tao na papalapit at sumisigaw."Akiiii!""Akiiii! Nasaan ka?" dinig kong sigaw nito. Nabuhayan ako ng loob dahil may naghahanap sa 'kin, walang ano-ano'y tu
~Aki~Tahimik lang kami sa biyahe pauwi, may dalang sasakyan si Drake kaya dito na kami sumakay ni Storm. Hindi kumikibo si Storm at gano'n din ako, nagpapakiramdaman lang kaming tatlo. Mayamaya lang ay tumunog ang cellphone ni Drake kaya sinagot niya 'yon."Hello? Ah...yes po, tita. Magkasama po kaming tatlo, opo… pauwi na rin po kami at nasa b'yahe na rin po. Gusto niyo po bang kausapin si Aki? Okay po ibibigay ko," ani ni Drake sa kausap na malamang si Mommy 'yon."Gusto ka raw kausap ni tita." Inabot niya sa 'kin ang cellphone niya."Hello mom?""Aki, anong oras na, 'di ba bilin sa inyo na ''wag kayong magpapagabi?" Napangiwi ako sa boses ni Mommy t'yak sermon ako nito pag-uwi."Mom, sorry na! May pasalubong po ako sa inyo," pag-iiba ko ng usapan."Naku kang bata ka, sige na. Mag-iingat kayo, ha?" bilin pa ni Mommy."Opo, see you later." Pagkatapos no'n ay ibabalik ko na sana kay Drake ang cellphone niya ng biglang my message at nag-appear ang pangalan ni Dennis'Tss. Sinungaling!
~Akip~Kinabukasan ay sabay nga kaming pumasok ni Drake. Tulad ng nakasanayan ay magkahawak kamay kaming pumasok, kung dati ay walang malisiya sa 'min 'yon ngayon ay iisa lang ang nararamdaman namin.Nag-iba na rin ako ng pananamit. Kung dati ay mukha akong lalaki sa pananamit ko, ngayon ay talagang pangbabae ang suot ko.Lahat ng mga mata nila ay nakapukol sa aming dalawa ni Drake ngunit heto kami, walang pakialam."Gosh! Nakita niyo ba ang nakikita ko? Best friend turns to lovers na ba sila?" dinig kong tanong ng isang student sa kasama nito."Hindi ko alam, pero bagay naman silang dalawa kung sakali." Nagpatuloy lang kami ni Drake, alam kong narinig niya rin 'yon. "Wait lang, hindi niyo ba napansin ang ayos ni Aki? Hindi na siya mukhang tomboy, oh. Nakapang girl outfit na siya guys at bagay sa kan'ya, lumabas ang ganda niya," manghang sabi no'ng isa.Pinisil naman si Drake ang kamay ko. "Mukhang gusto na kitang itago, marami ang nakakapansin sa ganda mo," aniya. "Sira!" Tinampal
~Drake~ Napakasaya ko, wala pagsidlan dahil sa wakas ay nagkakaintindihan kami ni Aki. Mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para lang maging matibay ang relatitionship naming dalawa. Gustong-gusto ko palaging makita ang mga ngiti niya at ang mga paglalambingan naming dalawa. Nagpapasalamat ako dahil naintindihan niya ang tungkol sa 'min ni Deniece. Naipalaliwag ko naman na sa kan'ya kung bakit nagkagano'n. Sa bawat araw na nagdaan ay mas lalo ko siyang minamahal. Gustong-gusto ko nang sabihin sa mga pamilya namin ang tungkol sa aming dalawa pero gusto kong tapusin muna ang problema ko kay Deniece. Nangako ako kay Aki at gagawin ko 'yon. Ayaw kong nasasaktan siya sa tuwing makikita niya kami ni Deniece katulad ng inamin niya sa 'kin. Pakiramdam ko ay napakasama ko no'n. Nasaktan ko siya! Marami na ang nakakita dito sa school at nakakahalata sa kilos naming dalawa, bahala silang mag-isip at wala akong pakialam. Inaya ko na siyang maglunch at kasama na rin namin si Rhain
~Deniece~"Daddy!" nagsisigaw na si Deniece pagpasok pa lang ng bahay nila. Hindi niya matanggap na gano'n ang nangyari sa relasyon nila ni Drake. "Deniece, what happened? Bakit ka sumisigaw?" tanong ng Daddy niya nang lumabas galing sa kitchen."Daddy, kailangan ko ng tulong mo! Hindi puwedeng iwanan ako ni Drake. hHindi puwede," ang tila wala sa sarili nitong sabi."Ano ba ang nangyayari sa 'yo, anak?" nag-aalalang tanong nito sa anak."Dad, 'yong boyfriend ko, iiwan ako! Hindi ako papayag, please...ayaw ko! Mahal ko siya, dad. Mahal ko siya!" umiiyak na ito ngayon at nagmamakaawa sa kan'yang ama."Anak, ininom mo pa ba mga gamot mo? Bakit nagiging gan'yan ka na naman?" May iniinom kasing gamot si Deniece para sa condition niya, mero'n kasi itong Bipolar disorder. "Ayaw ko ng gamot! Hindi ko iinumin 'yon! Gusto ko si Drake, dad! Sabihin mo na 'wag niya kong iwan daddy, pleaseee…" lumuluhang pakiusap nito sa ama niya."Dad alam ko na!" Biglang tumigil na naman ito sa pag-iyak at
~Drake~Nakapag-desisiyon na 'ko. Kailangan kong makipagbalikan kay Deniece. Dahil ito sa ngayon ang alam kong tama.'I'm sorry, Aki, sana ay maintindihan mo 'ko.'Pero hind puwedeng malaman ni Aki ang tungkol rito. Saka ko na ipapaliwag, ang mahala ngayon sa 'kin ay si Deniece.Nandito ako sa ospital na sinabi sa 'kin ni Mr. Arevalo kung nasaan naka-confine si Deniece. Nang makarating ako sa floor kung nasaan ang room nito ay agad na natanaw ko na si Mr. Arevalo at mukhang ako ang hinihintay."Good evening po, Sir," bati ko rito."Magandang gabi rin ijo, salamat at nakararing ka. Nand'yan siya sa loob, pakiusap, pasayahin mo ang anak ko," pakiusap nito sa 'kin at tinanguan ko naman bago ako pumusok.Nang buksan ko ang pinto ay nagulat pa siya nang ako ang nakita niya.Maging ako ay nagulat dahil med'yo namayat siya at ang maputla pero kapansin-pansin na ang labi niya ay parang nangitim.Agad ko siyang nilapitan, naawa ako sa kalagayan niya ngayon. "Deniece, kumusta ka na?""Drake! Lo
~Drake~Hindi ko na talaga matiis, hindi ko kayang hindi ko siya mahawakan kaya bahala na! Agad ko na siyang sinunggaban ng halik dahil pakiramdam ko, nauuhaw ako na malasap muli ang labi niya. Wala akong pakialam sa parusa umano nito dahil sisiguraduhin ko na pati siya ay hindi rin naman matitiis iyon!Wala namang pagtutol ang nangyari kaya mas nahibang na yata ako dahil tumugon na rin naman siya sa mga halik ko at ang mga kamay ko ay maglulumikot na sa malambot niyang katawan. Gusto-gusto kong mahawakan ang perpektong hubog nito. "Aahh..." Pinagapang ko na ang aking labi pababa sa kan'yang leeg nang dahan-dahan patungo sa malulusog niyang dibdib. Hindi ko akalain na ganito ito kaganda at ngayon ay maaangkin ko na. Hinayaan ko na muna ang dibdib niya dahil kanina ko pa iyon pinanggigilan. "Hmmn... Drake, sige pa..." Napalunok ako nang marinig ko ang klase ng boses niya na iyon dahil mas lalo niya pa akong pinasabik sa kan'ya, hindi ko na ito patatagalin pa. Mula dibdib niya pababa
Sandali siyang tumigil at saka niya ako tinitigan sa mga mata, puno nang magkahalong pagmamahal, galak, at pagnanasa.Napakagat ako sa aking ibabang-labi dahil parang hindi ko na mapaglabanan ang mga titig ni Drake sa 'kin. Ang lakas nang kabog sa dibdib ko, kinakabahan ako dahil wala na talaga akong kawala rito."Are you nervous?" nahulaan niyang kabado nga ako, oo, pero hindi ako aatras.Gusto kong iparamdam sa kan'ya kung gaano ko siya ka mahal, hindi man lang namin maranasan na maging masaya nang matagal at wala kung anong poblema basta na lamang sumusulpot.Nang hindi ako nagsalita upang sagutin ang tanong niya ay dahan-dahan niyang ibinaba ang mukha sa 'kin hanggang sa maglapat na ang mga labi naming dalawa. Magaan lang ang halik niya, walang pagmamadali na pawang ninanamnam ang sandaling ito ngayong gabi. Mas natutukso naman ako sa paraan nang kan'yang paghalik kaya mas lalo akong nag-iinit."I love you," sambit niya. Pansamantala siyang tumigil para sabihin na namang mahal niy
~Akira~. Gusto ko man siyang pigilan pero hindi ko nagawa, napako ako sa puwesto ko. Tinatawag ko siya sa isip ko pero hindi ko masambit sa bibig ko.'Akira, ang sama mo! Habulin mo si Drake.' utos ng isipan ko ngunit hindi ko magawa. Tanging iyak lang nagawa ko dahil sa mga pag-aalinlangan koMasyado yata akong nag-over think sa mga posibleng mangyari ulit. Ang tanga ko dahil nasaktan ko siya ngayong birthday pa niya talaga. Nang mahimasmasan na ako ay agad na akong lumabas ng bahay at nagtungo sa kanila. Nando'n pa ang lahat, sina kuya ay nag-iinuman. "Guys nasa'n si Drake?" tanong ko agad sa kanila. "Aba'y lokong bata ka! Sinundan ka niya kanina sa bahay tapos dito mo hahanapin. Ano ba ang nangyayari sa in'yong dalawa?" Hindi ko na sinagot si mommy kaya alam ko na kung nasa'n siya ulit. Nagmadali na akong puntahan siya sa park, at hindi nga ako nagkakamali nando'n siya nakaupo at umiinom na mag-isa. "Drake," tawag ko sa kan'ya, lumingon siya sa 'kin pero malungkot ang mga m
~Drake~Nang makarating kami sa bahay l, nalaman kong alam pala nilang lahat na pauwi na si Akira., Gusto lang talaga nila akong i-surprised. Alam na rin nila pati ang nagbalik na alaala nito. "Anak, kumain ka na muna. Baka gutom ka pa?" alok ni tita Cielo kay Aki. "Yes po, sabay na po kami ni Drake na kakain," tugon naman nito kay tita. "Baby, samahan mo ko kumain. Na-miss ko ang luto nila." Nakangusong sabi nito sa 'kin, ito 'yong nakaka-miss. "Sure, halika na." Dinala ko na siya sa dining table. "Bakit? Hindi ka ba nakakain nang maayos do'n sa pinuntahan niyo?" tanong ko. "Uhmn...nakakakain naman, pero, hindi ganito eh!Alam mo naman na med'yo malayo na 'yon at bundok na kaya madalas ay gulay kami do'n. Doon nga ako nakatikim ng dagang bukid," aniya.Pinaghain ko naman siya kung anong gusto niya pang kainin. Hindi na ako kumuha ng plato ko siyang kasalo, gano'n ko siya ka-miss. "Thank you, baby. Grabe, na-miss ko talaga 'to!"Ang gana niyang kumain, sinubuan ko pa siya
Nagmadali akong magpunta kina Aki upang itanong kong nasa'n ito ngayon dahil gusto ko siyang sundan. Sinamahan naman ako ni mommy upang makita sina tita at tito. Nang makarating kami ay si mommy na ang naunang pumasok. Sakto naman na nando'n silang lahat. "Magandang hapon," bati ni mommy."Oh, Mars kayo pala. Pasok kayo," ani naman ni tita Cielo."Ahmn… Mars may sasabihin si Drake," kaya ako na ang magsasabi sa kanila. "Ano 'yon. Drake?" tanong naman ni tita Gretta."Tita, Tito, mga Kuys. Bumalik na ang alaala ko," sabi ko na ikinabigla nila. "Tagala? Magandang balita 'yan, Drake," masayang sabi ni tita. "Congrats, 'tol! You're back!" Tinapik naman nina Kuya Gavin ang balikat ko. "Thank you mga, kuys," pasalamat ko rin sa kanila. Pero ito na nga sasabihin ko na ang sad'ya ko. "Ah… Tita, Tito, mga Kuys. Puwede ko po bang malaman kung nasaan si Akira?" tanong ko, Hindi na ako makapaghihintay pa Gusto ko na siyang makita."Ah...'yon na nga, kasi hindi naman sila ma-contact. Baka
~Drake~ "Drake!" sigaw ni Mommy kasabay nang pagpreno ko.Natigilan ako 't hindi makagalaw, si mommy naman ay bumaba sa kot'se upang puntahan ang babae, med'yo dumami ang tao at nag-usisa. May pumunta ring traffic enforcer at security guards ng mall at kinausap nila ni mommy.Nakatingin lang ako sa kanila pero ang isip ko ay naglalakbay. 'Akira!'Pero bakit magkasama kami ni mommy at bakit nasa pilipinas na ako? Ang alam ko ay nasa Italy ako.Mayamaya lang ay bumalik na rin si mommy sa kot'se at kinamusta ako."Anak, Drake. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni mommy sa 'kin. Tumango lang ako. "Mom, kumusta po 'yong babae? Nabangha ko ba siya?" tanong ko rin dahil baka nga kung napano ito. "She's fine, hindi mo siya nabangga anak.Nagulat lang din siya at wala naman nangyari sa kan'ya. Nag-usap na rin kami at humingi na ako nang pasensiya at gano'n rin naman siya," saad ni mommy. Nakahiga naman ako nang maluwag. "Uuwi na po ba tayo?" Tumango naman si mommy kaya pinaandar ko
~Drake~"Okay mga bata! Uuwi na muna kami ni Ate Akira dahil nilalamig na siya, kayo hindi pa ba tayo uuwi?" paalam ko sa mga bata."Sige po kuya, uuwi na rin po kami. Babye!" Kumaway naman ang mga ito sa 'min. "Bye guys! Sa uulitin, ah? Ingat kayo," ani naman ni Akira at umalis na kami."Yay! Ang lamig na, Drake. Lagot ako nito kina Mommy kapag nagkasakit ako," aniya. Nag-alala naman ako dahil baka nga magkasakit siya. "Halika na nga at baka nga magkasakit ka pa. Tigas kasi ng ulo, mo," kanina ko pa siya kasi inaayang umuwi, ayaw."Minsan lang naman kasi umulan, Drake. Hindi ko nga matandaan kung kailan ako huling naligo sa ulan, eh. Tapos wala pa akong maalala, ikaw? Hindi pa rin ba bumabalik ang alaala mo?" tanong niya sa 'kin."Wala pa rin, may naalala akong boses at mukha pero hindi naman klaro, ewan ko kung alaala o panaginip lang 'yon kasi pagkagising ko ay parang nakalimutan ko bigla." Lumingon naman siya sa'kin at ngumiti."Hayaan mo na, babalik din nang kusa ang mga alaala
~Drake~Nang marinig ko ang kanta nang buo ay hindi ko mapigilan ang maging emosiyonal at kung sino ang kumakanta sa 'kin no'n sa alaala ko. Naririnig ko pero hindi klaro ang boses ng babae hindi ko makilala. Gusto ko na talagang maka-alala. Malapit na ang birthday ko sabi ni mommy, sana kahit 'yon na lang. 'God wala na akong mahihiling pang iba kun 'di ibalik mo lang ang alaala ko. Please..."Dapat ko pa bang ituloy ang panliligaw ko sa kan'ya? Paano kapag muling nagbalik ang alaala ko ay may iba naman talaga akong mahal?Pero bakit ang bilis nang tibok nitong puso ko para kay Akira? Na parang kilalang-kilala siya nito. Hindi ko mapigilan, eh. Litong-lito na talaga ako.Alam kong makakasama sa 'kin ang masiyadong pag-iisip subalit hindi ko talaga mapigilan. Minsan ay gusto ko na lang i-umpog ang ulo ko sa pader baka sakaling bumalik ang alaala ko. Kinabukasan ay naisipan ko na 'wag na munang magpunta kina Akira. Susubukan kong pigilan ang sarili ko sa kan'ya. "Oh, anak. Bakit a
~Akira~Nasa kuwarto na ako ngayon at nakahiga na, nakakaloka naman 'yong lalaking 'yon!Kakalilala pa nga lang namin ligaw agad. Well, guwapo nga naman siya. Pero masiyado naman yata siyang mabilis.'Parang praning, palaging tulala. Gano'n na ba talaga ako kaganda sa paningin niya?' Pero willing pa rin naman akong kilalanin siya, ipapakilala ko siya sa isa ko pang tropa. Im sure na magkakasundo sila.Pareho silang praning sa kagandahan ko, eh. 'Haha'Hirap kapag buong maghapon kang tulog, kasi heto ako, gising sa gabi. Wala naman akong magawa.Bakit kaya nawala ang alaala ko?Sino kaya ako dati? Gusto ko man magtanong kina mommy ay pinigilan ko na. No'ng panay kasi ang pagtatanong ko ay sobrang sumakit ang ulo ko. Grabe! Ayaw ko nang maulit.Kinabukasan ay inutusan akong mag groceries dahil maraming nang kulang sa stocks namin.Wala naman akong gagawin kaya okay lang sa 'kin.Sa pasukan ay mag-aaral na ako ulit. Ayaw pa sana nina mommy dahil nga may amnesia ako, ang kaso ay nabobor