BUMALANDRA ANG LIKOD ni Solenne sa gilid ng sofa at bumagsak sa sahig nang mawalan siya ng balanse matapos marahas na itulak ni Theodore. Pasalampak siyang napaupo. Napangiwi sa sakit na naramdaman. Nagpapaawang tumingin siya sa asawa. Ngunit wala siyang nakitang kahit sampatak na expression ng pagkahabag para sa kanya sa mukha nito. Hindi masusukat na galit at suklam ang nakapinta sa mukhang iyon. “Ano naman ang kasalanang ibibintang mo sa akin ngayon?” Nagtatanong galit na sigaw niya kay Theodore, habang nahihirapang umuupo sa sofa. “Ang katangahan mo.” Kalmadong sagot ng kanyang asawa. Natigilan si Solenne. “Katangahan,” tanong niyang puno ng pagtataka, “ano’ng katangahan naman ang nagawa ko?” Sarkastikong ngiti ang gumuhit sa bibig ni Theodore. “Ang pagtakas mo kasama si Roman!” “Mas katangahan na tumunganga na lang sa kuwartong pinagkulungan mo sa akin at hintayin ang kaparusahan sa kasalanang ibinibintang mo na hindi ko naman ginawa!” Sigaw na muli ng babae. “Huwag mon
“I’M SORRY, SOLENNE, tinatapos ko na kung ano man ang naging ugnayan natin. Ayokong makita ka pa o marinig man lang ang boses mo, kaya huwag ka ng tatawag pa sa akin kahitkailan!” Pakiramdam niya'y tinarakan ng balaraw ang kanyang puso sa sinabing iyong ng kanyang kausap sa telepono. Walang damdamin ang pagbibitaw nito ng mga salita. Walang pagpapahalaga sa kung ano man ang mararamdaman niya. Wari ba’y isa lang siyang laruan na pinagsawaan at binitiwan. Or much worse ay tulad sa isang basahan na matapos gamitin ay inihagis na lamang kung saang sulok o itinapon. “Paano na ang mga pangarap nating bumuo ng pamilya at manirahan sa Europe upang mamuhay ng payapa at maligaya, Hindi ba't ipinangako mo sa akin na kapag natagpuan mo si Brendon ay magsasama-sama tayo at magiging isang pamilya,” halos hindi makahinga sa sama ng loob na tanong niya, “paano na ang anak natin? Paano na si Brendon?” Nais pa rin niyang baguhin ang isip ni Domingo Sabado. Hindi niya gustong mawala na lang at suk
NAGSISIMULA NANG MAGLIWANAG ang madilim na langit, ngunit nakatitig pa rin sa kisame si Shelley. Magdamag siyang gising. Gulo ang isip. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga gunita ng kahapon. Kung paano niya nakilala si Russell. “Ipapagawa ko na lang ang pader na nasira ko,” wika noon nito sa kanya matapos mabangga ng kotse nig lalake ang dinding ng kanyang bahay, “I’m Russell," pagpapakilala nito sa sarili. Pag-ibig sa unang pagkikita ang naramdaman niya sa lalaking lingid sa kanya ay anak ng sikat na negosyante at bilyonaryong si Theodore Rossell. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata, at sa dilim niyon ay kanyang nakita ang pagsabog ng sasakyang kinalululanan niya kasama si Russell, pagkatapos niyang makalabas doon. Muli siyang dumilat. “Natatandaan kong may mga salamin na bumaon sa kanyang mukha,” pag-iisip niya, “bakit wala siyang kahit isang galos noong pinuntahan niya ako sa ospital? At kahit kapirasong paso sa kanyang balat ay wala akong nakita! Paano
“BUHAY PA PALA ang animal,” ang nanggigigil na nasambit ni Brendon habang palakad-lakad sa maliit na kuwartong kanyang inuupahan, “may sa pusa ang gago. Akalain ko bang mabubuhay pa ‘yon sa tindi ng aksidenteng kanyang inabot?” Si Owen (na akala niya’y si Russel) na kanyang tinakbuhan ang nasa isip ni Brendon. Hindi maunawaan ng kanyang isip kung paano nakaligtas sa kamatayan ang anak ni Theodore. “At parang walang aksidenteng pinagdaanan ang hunghang. Ang kinis pa rin ng balat at walang kahit kapirasong peklat!” Patuloy ang kanyang pagtataka. Bumabalik-balik sa kanyang isip ang buong anyo ng inakala niyang si Russell. “Ang laki ng katawan niya ngayon,” sapo ng dalawang daliri ang kanyang noo . Nagsisimula nang smumpong ang kanyang miraine paro patuloy siya sa pag-iisip na tila ba bumubuo ng isang napakahirap na palaisipan, “grabe! Kailan pa kaya siya nag-umpisang mag-gym?” Isang malalim na palaisipan sa kanya ang malaking ipinagbago ng katawan ni Russell. Kung paanong sa loob nan
HALOS HINDI HUMIHINGANG pinagmamasdan niya ang natutulog na pasyente na kanyang binabantayan. Hindi niya mapaniwalaan ang katotohanang kaharap niya nang malapitan ang nag-iisang tagapagmana ni Theodore Rossell. "Kamukhang-kamukha ko nga siya," ang hindi makapaniwalang saad sa sarili, "puwede kaming mapagkamalang identical twins." Identical twins ay magkapatid na kambal na nagmula sa iisang binhi at nahati sa dalawa bago nabuo bilang tao. "Pero imposible namang mangyari 'yon dahil magkaiba kami ng mga magulang." Ang patuloy na pakikipag-usap ni Owen sa sarili. Nang maalalang hindi niya nakita kahit anino man lang ng kanyang ama. Na walang kahit anong larawan nito ang nasilayan niya. "Nasaan kaya ang ama ko? Totoo kayang anak ako ni mama? Hindi kaya ampon lang talaga ako," patuloy niyang pakikipag-usap sa sarili, "hindi kaya napulot lang ako ni mama sa kung saang basurahan?" Ang mga katanungan sa isip niya na hindi niya alam kung saan hahagilapin ang mga katugunan. "No way," tang
GIMBAL. Hindi mapaniwalaan ni Solenne ang mga pangyayaring naganap sa bilangguang kinakukulungan ng dati niyang ka-live in na si Domingo Sabado. Walang alis ang pagkakatitig niya sa screen ng telebisyon habang matiim na pinakikinggan ang ibinabalita ng newscaster. "Maraming ulit nang nakatakas sa bilangguan si Domingo Sabado. Sa kanyang huling pagtakas ay nagawa niyang magpalit ng anyo sa pamamagitan ng pagpapa-cosmetic surgery at pinalitan din niya ang kanyang pangalan...at naging si Alyas Sandy Samedi siya." Nagpapapatung-patong ang kanyang kaba. Halos hindi siya makahinga sa bilis ng pintig ng puso niya. Hindi niya matanggap na wala na ang nag-iisang tao na puwede niyang kulitin at pilitin upang tulungan siyang hanapin ang anak niyang si Brendon. "Hindi pala siya nakatakas sa ospital na pinagdalhan sa kanya ng ambulansiya," pag-iisip niya, "paano na ngayon? Paano at saan ako magsisimula para hanapin ang anak natin, Domeng?" Natatandaan niya ang pagbabale-wala ni Domeng sa ka
WALANG NAGAWA SI Solenne kung hindi ang isunod ang kanyang katawan sa paghatak ng lalake na nakapigil sa kanya, upang hindi ganap na mapilipit ang katawan niya. Hanggang sa makarating sila sa sulok ng isang eskinita. Magkahalong tuwa at takot ang naramdaman niya nang sa wakas ay alisin ng lalake ang kamay nito sa kanyang bibig at marahang humarap sa kanya. “Brendon?” “Ako nga, Mama.” Puno ng kaligayahang nagyakap ang mag-ina. “Ano’ng ginagawa mo rito?” Ang magkasabay na tanong ng dalawa sa isa’t isa nang bumitiw sa yakapan nila. Nagkatitigan ang mag-ina. “Ikaw muna,” saad ni Solenne kasabay sa pagturo sa anak, “ano ang ginagawa mo rito,” ang tanong niya. “Hindi ko maipaliwanag,” parang naguguluhan ang isip na sagot ng anak, “parang hinatak lang ako ng paa ko rito. Tapos, nakita kita na parang wala sa sarili at walang tiyak na pupuntahan.” Nagkatitigan ang dalawa. “Ikaw, Ma, ano'ng ginagawa mo rito?” Tanong ni Brendon kasabay sa paglinga sa paligid, Matagal bago nakasagot n
HINDI MAPAKALI SI Owen habang pinagmamasdan siya ni Theodore sa kanyang pagkakahiga sa kama ni Russell. Pakiwari niya’y gusto nang buksan ng kanyang amo ang kanyang buong katawan at alamin ang totoong pagkatao nang nakahiga sa kama at nagbabalatkayo bilang si Russell. “Parang gusto mo na akong talupan, ha, Dad,” wika niya sa naaasiwang tinig , “mukhang nagdududa ka sa kung sino talaga ako?” Nagbibirong tanong niya. “Sino ka ba talaga?” Ang hindi niya inaasahang pagbabalik tanong nito sa kanya. “Papa naman…” “Papa? Kailan mo pa napag-isipang tawagin ako ng papa?” Biglang nagkunwari si Owen na inuubo, biding time sa sarili para makapag-isip ng alibi sa pagkakamali niya. “Sorry, Dad…” patuloy sa kunwaring pag-ubo na tinakpan ni Owen ng nakasuntok na kamao ang sariling bibig, habang patuloy nang pag-iisip ng magandang alibi, “narindi lang siguro ako sa kakukuwento ng isang nurse tungkol sa Papa niya,” pagdadahilan niya, “paulit-ullit kasi ang kasasabi niya ng miss na miss niya ng pa