Home / Romance / LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY / ANG PAGBAGSAK NG HARI NG SELDA TRESE

Share

ANG PAGBAGSAK NG HARI NG SELDA TRESE

Author: Em Dee C.
last update Huling Na-update: 2024-02-08 17:14:58
GIMBAL.

Hindi mapaniwalaan ni Solenne ang mga pangyayaring naganap sa bilangguang kinakukulungan ng dati niyang ka-live in na si Domingo Sabado. Walang alis ang pagkakatitig niya sa screen ng telebisyon habang matiim na pinakikinggan ang ibinabalita ng newscaster.

"Maraming ulit nang nakatakas sa bilangguan si Domingo Sabado. Sa kanyang huling pagtakas ay nagawa niyang magpalit ng anyo sa pamamagitan ng pagpapa-cosmetic surgery at pinalitan din niya ang kanyang pangalan...at naging si Alyas Sandy Samedi siya."

Nagpapapatung-patong ang kanyang kaba. Halos hindi siya makahinga sa bilis ng pintig ng puso niya.

Hindi niya matanggap na wala na ang nag-iisang tao na puwede niyang kulitin at pilitin upang tulungan siyang hanapin ang anak niyang si Brendon.

"Hindi pala siya nakatakas sa ospital na pinagdalhan sa kanya ng ambulansiya," pag-iisip niya, "paano na ngayon? Paano at saan ako magsisimula para hanapin ang anak natin, Domeng?"

Natatandaan niya ang pagbabale-wala ni Domeng sa ka
Em Dee C.

Saan patungo ang magulong buhay ni Solenne. Paano malulusutan ni Owen ang pagpapanggap niyang si Russell sa paghaharap nila ni Theodore Rossel, gayong magkaiba sila ng built ng katawan. Abangan!. Always, EMDEEC

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   PAGTANGGAP SA KATOTOHANAN

    WALANG NAGAWA SI Solenne kung hindi ang isunod ang kanyang katawan sa paghatak ng lalake na nakapigil sa kanya, upang hindi ganap na mapilipit ang katawan niya. Hanggang sa makarating sila sa sulok ng isang eskinita. Magkahalong tuwa at takot ang naramdaman niya nang sa wakas ay alisin ng lalake ang kamay nito sa kanyang bibig at marahang humarap sa kanya. “Brendon?” “Ako nga, Mama.” Puno ng kaligayahang nagyakap ang mag-ina. “Ano’ng ginagawa mo rito?” Ang magkasabay na tanong ng dalawa sa isa’t isa nang bumitiw sa yakapan nila. Nagkatitigan ang mag-ina. “Ikaw muna,” saad ni Solenne kasabay sa pagturo sa anak, “ano ang ginagawa mo rito,” ang tanong niya. “Hindi ko maipaliwanag,” parang naguguluhan ang isip na sagot ng anak, “parang hinatak lang ako ng paa ko rito. Tapos, nakita kita na parang wala sa sarili at walang tiyak na pupuntahan.” Nagkatitigan ang dalawa. “Ikaw, Ma, ano'ng ginagawa mo rito?” Tanong ni Brendon kasabay sa paglinga sa paligid, Matagal bago nakasagot n

    Huling Na-update : 2024-02-10
  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   ANG PAMANA

    HINDI MAPAKALI SI Owen habang pinagmamasdan siya ni Theodore sa kanyang pagkakahiga sa kama ni Russell. Pakiwari niya’y gusto nang buksan ng kanyang amo ang kanyang buong katawan at alamin ang totoong pagkatao nang nakahiga sa kama at nagbabalatkayo bilang si Russell. “Parang gusto mo na akong talupan, ha, Dad,” wika niya sa naaasiwang tinig , “mukhang nagdududa ka sa kung sino talaga ako?” Nagbibirong tanong niya. “Sino ka ba talaga?” Ang hindi niya inaasahang pagbabalik tanong nito sa kanya. “Papa naman…” “Papa? Kailan mo pa napag-isipang tawagin ako ng papa?” Biglang nagkunwari si Owen na inuubo, biding time sa sarili para makapag-isip ng alibi sa pagkakamali niya. “Sorry, Dad…” patuloy sa kunwaring pag-ubo na tinakpan ni Owen ng nakasuntok na kamao ang sariling bibig, habang patuloy nang pag-iisip ng magandang alibi, “narindi lang siguro ako sa kakukuwento ng isang nurse tungkol sa Papa niya,” pagdadahilan niya, “paulit-ullit kasi ang kasasabi niya ng miss na miss niya ng pa

    Huling Na-update : 2024-02-18
  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   MAKAMANDAG NA AHAS

    KASUNOD ANG DALAWA NIYANG bodyguard ay nagtutumulin sa pagpunta ng receiving area sa kinaroroonan ng kanyang mansion si Theodore. Hiwalay sa marangyang mansion ang tanggapan ni Theodore ng mga bisitang hindi niya gaanong kilala at bisita na hindi niya gustong ganap na makilala. Iyon ang lugar na inilalaan niya sa mga taong, sa kanyang sapantaha o pakiramdam ay maghahangad lamang ng pakinabang sa kanya o mga taong posibleng magdala ng gulo sa kanya , sa kanyang mga negosyo at sa ano man o sino man na nakaugnay sa kanya. Mga bisitang hindi matanggihan, katulad ng mga reporter na ang hangad ay maabutan sila ng envelope na may cash o mga pulitiko, pulis o sino mang nasa awtoridad na naghahangad na siya ay magatasan o naghahangad ng ano mang mapapakinabangan sa kanya. Iyon ang lugar na inilalaan niya sa pagharap sa mga taong hindi niya ganap na maagkakatiwalaan. At labag sa kanyang kalooban na makausap o makaharap man lang ngunit napipilitan siyang harapin at kausapin sa iba't ibang kad

    Huling Na-update : 2024-02-29
  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   HUWAG MO 'KONG BALIWIN

    PLANADO NA ANG lahat ng kanyang gagawin, sinimulang ilabas ni Shelley mula sa loob ng bahay ang kanyang motorsiklo.“Kailangang makaharap ko at makausap si Sir Theodore Rossell,” ang nasa kanyang isip, “iyon lang ang paraan upang matuklasan ko ang katotohanan kay Russell. Nararamdaman kong napakarami niyang itinatago sa akin. Napakarami niyang sikreto.”Naguguluhan na siya sa napakaraming pagbabagong nakikita at nararamdaman sa karelasyon.“Pati ang hitsura niya’y malaki ang ipinagbago.”Ipinarada niya sa harapan ng kanyang bahay ang motorsiklo. Binalikan at dinobol- check ang pagkaka-lock ng pintuan ng bahay.Isinuot ang helmet at tiniyak na komportable siya sa pagkakalapat niyon sa kanyang ulo, bago humarap sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan.Nabigla at kinabahan nang makitang may lalake na nakaupo sa motorsiklo niya. Waring nanigas ang kanyang binti at hindi nagawa ang humakbang. Hindi niya matiyak kung gaano katagal siyang natunganga sa lalaking nakaupo sa kanyang motorsiklo bag

    Huling Na-update : 2024-03-23
  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   PANIC ATTACK

    MALAKAS NA IPINILIG ni Owen ang sariling ulo. Pilit na nag-focus sa mga sinabi ni Shelley.Abot ng kanyang isip ang kawalan ng laban ng babaing minamahal sa yaman, kapangyarihan, mga koneksyon at dami ng abogado mga Rossell oras na ihabla ni Sir Theodore ang babae. Siguradong-sigurado niang hihimas ng rehas ang babae kapag kumilos ang multi-billionaire laban sa kausap sa telepono.“Nasaan kayo?” Tanong niya.“Nagtatakbo ako sa labas ng bahay dahil sa sobrang takot ko,” sagot ng kanyang kausap, “nasa loob ng bahay ko ang lalaking nagpapanggap na ikaw.”“Is he dead?” Pag-aalala niya.“Hindi ko alam!” Ang nanginginig na sagot ni Shelley.”“Ang balisong, nasa iyo ba?”“Wala. Hindi ko alam kung saan ko nabitiwan.”Pakiramdam ni Owen ay biglang namaga at namanhid ang kanyang utak . Hindi niya mahagilap saanmang bahagi ng kanyang isip ang paraan na makapagliligtas kay Shelley sa paghihiganti ni Theodore Rossell.“Magtago ka muna,” ang bigla niyang naisip na sabihin sa babae, “mag-hotel ka!

    Huling Na-update : 2024-03-24
  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   A CHANGE OF HEART

    ISANG TUSONG NGITI ang naglaro sa mga labi ni Attorney Advincula nang makaharap si Solenne Stevens. Nanlalait ang mga mata nitong tiningnan nang mula ulo hanggang paa ang babae na tila ba ito isang napaka-walang kuwentang nilalang."Ikaw ang abogadong may hawak ng last will and testament ni Domingo Sabado, right?" Tanong ng naging ka-live in ni Domeng na puno ng kumpiyansa sa sarili.Pagkatapos ng kung ilang buwan niyang paghahanap, sa wakas natagpuan din niya ang taong susi upang makamit ang lahat ng kayamanang nauukol sa kanla ng anak niya.Pakiramdam niya'y natagpuan na niya ang treasure ni Domingo Sabado na inialay sa kanyang kagandahan bilang regalo alang-alang sa init ng kanyang pag-ibig na ipinagkaloob sa lalake. Walang sagot ang abogado."Maupo ka muna." Ang saad nito sa babae kasabay sa paglalahad ng kamay nito bilang senyas paturo sa silyang nasa harapan ng mesa na nakapagitan sa kanila.Taas ang mukha, puno nang pagmamalaking naupo si Solenne. Pakiramdam niya'y higit siya

    Huling Na-update : 2024-04-04
  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   TRUTH, HALF TRUTHS AND LIES

    SHOCKED.Hindi mapaniwalaan niTheodore Rossell ang mga naririnig. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kausap niya sa telepono.Na nasa morgue ang bangkay ng kanyang asawang si Solenne Stevens-Rossell!"Bakit? Ano'ng nangyari?" Ang tanong na halos ayaw lumabas sa kanyang bibig."Nag-suicide po si Mrs. Rossell.""Paano...?"Ayon sa mga witness na nakasaksi ay sinalubong niya ang isang sasakyan na matuling tumatakbo sa highway. Tumilampon ang kanyang katawan na bumalandra sa isang bus na matulin rin ang takbo..." Bumagsak sa kalsada ang katawan ng kanyang asawa at hindi na makikilala pa dahil sa pagkadurog ng mukha nito nang masagasaan matapos mabundol.Nakaramdam agad ng guilt si Theodore.Maliwanag na bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa asawa. Ang mga pananakot at pagbabanta niya ng pagdedemanda ng attempted murder sa ginawa nitong pakikipagsabwatan kay Domingo Sabado na natuklasan niyang pagpatay sa kanya ang pakay at hindi pagnanakaw na

    Huling Na-update : 2024-04-10
  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   ANG TOTOONG RUSSELL

    TULOG.Walang namamalayan si Russell sa mga nagaganap sa kanyang kinaroroonan nang mga sandaling yon,Habang pinagmamasdan siya ni Shelley.Halos hindi na makayang dalhin ng utak ng babae ang mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Hindi niya ganap na maunawaan kung bakit sa ilang mga araw na nagdaan ay naging magulo ang kanyang mundo at ang mga dating pinaniniwalaan niya ay biglang naging iba at ang mga dating totoo ay naging kasinungalingan na.Malalim siyang napabuntunghininga.“Siya ba ‘yong lalake na sinaksak ko?” Tanong niya sa kasama.“Siya ang totoong Russel.”Napalunok ang babae, lalo pa nang marinig ang karugtong na paliwanag ng tinanong niya.“Siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ng multi billionaire na si Sir Theodore Rossell. At alam ko kung gaano niya kamahal ang anak niyang iyan. Wala siyang hindi gagawin upang maiparamdam kay Russell kung gaano niya kamahal ito.”“A-alam na ba niya ang nangyari sa anak niya? Na ako ang sumaksak sa kanyang anak?”“Inamin mo na sa

    Huling Na-update : 2024-04-16

Pinakabagong kabanata

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   PAGBABAGONG BUHAY

    EPILOGUE: MASAYANG PINANONOOD NI Roman ang ini-edit na mga eksena ng isinapelikulang buhay niya. Ang nais niya'y mapanood ng maraming kabataan ang kanyang buhay, mga pagkakamali at pagsisisi upang magbigay ng aral sa mga manonood niyon. "Alam mo, Roman, hindi mo dapat ipinatanggal 'yung eksenang tumatakas ka,"pahayag ng nagi-edit ng pelikula, "maganda 'yon, e! Exciting. Ang galing pa ng leading man na gumanap bilang ikaw, kahit baguhang artista pa lang." "Exciting pero hindi naman totoo," sagot ng dating sundalo sa editor, "doon lang tayo sa totoo!" "Hindi naman halatang wala kang braso kapag naka-long sleeves ka, e. Ang husay kaya ng pagkakagawa ng artificial arms mo," pakikipagtalo ng editor, "madali namang sabihin na sa aksidente ka naputulan ng mga braso," dagdag pa nito, "at saka magandang pang-come on sa viewer once na napanood sa trailer ang part na 'yon na tumatakas ka!" "E, kaso, tigok naman ako do'n sa eksenang 'yon. Samantalang heto't buhay na buhay ako. E, di magagalit

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   SINO ANG ITUTULAK? SINO ANG KAKABIGIN?

    NANGINGITI SA KANYANG pag-iisa si Atty. Jasmine Generoso habang ibinabalik sa kanyang alaala ang mga naging pag-uusap nila ni Gemma Garcia. “Ayokong makulong,” nagkakandaiyak na sinabi sa kanya ng nurse nang una silang magkaharap, “gawin mo ang lahat ng paraan upang huwag akong makulong!”“Lahat ng manipulations at pakiusap ay ginawa ko na pero hindi pa rin pumayag ang judge na makapag-bail ka.” Paliwanag niya sa babae.Matagal niyang pinagmasdan si Gemma. Pinag-aralan sa isip kung mapapapayag niya ito sa paraan na kanyang naiisip upang ang nurse ay hindi magdusa sa loob ng bilibid.“Kaya mo bang magbaliw-baliwan?” Tanong niya dito.Noon nagsimula ang pagbabaliw-baliwan ni Gemma na naging kapani­-paniwala sa mga nasa city jail kaya siya’y agad na ipinadala sa ospital ng mga wala sa sariling pag-iisip.“Huwag kang mag-alala,” bulong ng kanyang abogado, “may mga kamag-anak at kakilala ako rito sa ospital na ‘to, kaya madali kong magagawan na paraan na maitakas ka rito.”“Sigurado kan

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   PAALAM, BRENDON

    SINAKSAKAN NG INJECTION si Brendon. Ilang saglit lang ay biglang dumilat ito. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa wala. Biglang nanigas at nanginig ang katawan kasabay sa bigla ring pag-ungol. “Doc, bakit biglang nag-seizure ang pasyente?” Tanong ng nurse na uma-assist sa doctor. Nag-iisip ang doctor na nag-iniksiyon kay Brendon. “Mali kaya ‘yung na-injection kong gamot?” Ang nasa isip na tanong sa sarili. Tinutukan nito ng liwanag ng flashlight na hawak ang mga mata ng pasyente. May pag-aalala sa mga matang ni-recall sa isip ang mga signs or symptoms ng sakit na naging dahilan niya upang turukan ng ineksiyon ang pasyenteng walang malay taong isinugod sa ospital. “May relatives ba na naririto sa ospital ang taong ito?” Tanong niya sa nurse. “Palaboy lang sa daan ‘yan, doctor,” pagbibigay alam ng nurse, “homeless, ayon sa ibinigay na impormasyon ng nagsugod dito. Nakisilong lang daw sa mall nang umulan. Tapos biglang hinimatay.” “Nasaan ‘yung mga taong nagdala sa kanya rito?”

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   HULI KA, BALBON!

    NABIGLA ANG LALAKING balbon na nakasuot ng sleeveless shirt nang dakmain siya sa batok ng isang pulis at mabilis namang nalagyan ng posas ng isa pang pulis na kapartner nito.“Bakit?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito.“Sumama ka na lang nang tahimik sa amin at ng hindi tayo magkagulo rito.” Sagot sa kanya ng isa sa magkapartner na pulis.Sa di kalayuan ay nakatanaw si Gemma sa kanila na hindi naiwasan ang kabang naramdaman.“Buti na lamang at hindi agad ako nakalapit sa kanya,” ang nasa isip nito, “dahil kung hindi ay malamang na dalawa kaming nadampot ng mga pulis na ‘yon!”Nagpalinga-linga. Sinuyod ng tingin ang kapaligiran. At lalong kinabahan nang mapansin na may mga taong patingin-tingin din sa kapaligiran na tila may hinahanap.“Mga mukhang pulis din…” ang naikonklusiyon niya, “baka ako ang hinahanap ng mga iyon.”Maingat niyang inayos ang suot na facemask at sunglass na nagtatago sa kanyang mukha.“Baka natingnan na ng mga awtoridad ang mga passenger’s list at nabasa na nil

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   ANG TOTOONG RUSSELL

    TULOG.Walang namamalayan si Russell sa mga nagaganap sa kanyang kinaroroonan nang mga sandaling yon,Habang pinagmamasdan siya ni Shelley.Halos hindi na makayang dalhin ng utak ng babae ang mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Hindi niya ganap na maunawaan kung bakit sa ilang mga araw na nagdaan ay naging magulo ang kanyang mundo at ang mga dating pinaniniwalaan niya ay biglang naging iba at ang mga dating totoo ay naging kasinungalingan na.Malalim siyang napabuntunghininga.“Siya ba ‘yong lalake na sinaksak ko?” Tanong niya sa kasama.“Siya ang totoong Russel.”Napalunok ang babae, lalo pa nang marinig ang karugtong na paliwanag ng tinanong niya.“Siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ng multi billionaire na si Sir Theodore Rossell. At alam ko kung gaano niya kamahal ang anak niyang iyan. Wala siyang hindi gagawin upang maiparamdam kay Russell kung gaano niya kamahal ito.”“A-alam na ba niya ang nangyari sa anak niya? Na ako ang sumaksak sa kanyang anak?”“Inamin mo na sa

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   TRUTH, HALF TRUTHS AND LIES

    SHOCKED.Hindi mapaniwalaan niTheodore Rossell ang mga naririnig. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kausap niya sa telepono.Na nasa morgue ang bangkay ng kanyang asawang si Solenne Stevens-Rossell!"Bakit? Ano'ng nangyari?" Ang tanong na halos ayaw lumabas sa kanyang bibig."Nag-suicide po si Mrs. Rossell.""Paano...?"Ayon sa mga witness na nakasaksi ay sinalubong niya ang isang sasakyan na matuling tumatakbo sa highway. Tumilampon ang kanyang katawan na bumalandra sa isang bus na matulin rin ang takbo..." Bumagsak sa kalsada ang katawan ng kanyang asawa at hindi na makikilala pa dahil sa pagkadurog ng mukha nito nang masagasaan matapos mabundol.Nakaramdam agad ng guilt si Theodore.Maliwanag na bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa asawa. Ang mga pananakot at pagbabanta niya ng pagdedemanda ng attempted murder sa ginawa nitong pakikipagsabwatan kay Domingo Sabado na natuklasan niyang pagpatay sa kanya ang pakay at hindi pagnanakaw na

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   A CHANGE OF HEART

    ISANG TUSONG NGITI ang naglaro sa mga labi ni Attorney Advincula nang makaharap si Solenne Stevens. Nanlalait ang mga mata nitong tiningnan nang mula ulo hanggang paa ang babae na tila ba ito isang napaka-walang kuwentang nilalang."Ikaw ang abogadong may hawak ng last will and testament ni Domingo Sabado, right?" Tanong ng naging ka-live in ni Domeng na puno ng kumpiyansa sa sarili.Pagkatapos ng kung ilang buwan niyang paghahanap, sa wakas natagpuan din niya ang taong susi upang makamit ang lahat ng kayamanang nauukol sa kanla ng anak niya.Pakiramdam niya'y natagpuan na niya ang treasure ni Domingo Sabado na inialay sa kanyang kagandahan bilang regalo alang-alang sa init ng kanyang pag-ibig na ipinagkaloob sa lalake. Walang sagot ang abogado."Maupo ka muna." Ang saad nito sa babae kasabay sa paglalahad ng kamay nito bilang senyas paturo sa silyang nasa harapan ng mesa na nakapagitan sa kanila.Taas ang mukha, puno nang pagmamalaking naupo si Solenne. Pakiramdam niya'y higit siya

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   PANIC ATTACK

    MALAKAS NA IPINILIG ni Owen ang sariling ulo. Pilit na nag-focus sa mga sinabi ni Shelley.Abot ng kanyang isip ang kawalan ng laban ng babaing minamahal sa yaman, kapangyarihan, mga koneksyon at dami ng abogado mga Rossell oras na ihabla ni Sir Theodore ang babae. Siguradong-sigurado niang hihimas ng rehas ang babae kapag kumilos ang multi-billionaire laban sa kausap sa telepono.“Nasaan kayo?” Tanong niya.“Nagtatakbo ako sa labas ng bahay dahil sa sobrang takot ko,” sagot ng kanyang kausap, “nasa loob ng bahay ko ang lalaking nagpapanggap na ikaw.”“Is he dead?” Pag-aalala niya.“Hindi ko alam!” Ang nanginginig na sagot ni Shelley.”“Ang balisong, nasa iyo ba?”“Wala. Hindi ko alam kung saan ko nabitiwan.”Pakiramdam ni Owen ay biglang namaga at namanhid ang kanyang utak . Hindi niya mahagilap saanmang bahagi ng kanyang isip ang paraan na makapagliligtas kay Shelley sa paghihiganti ni Theodore Rossell.“Magtago ka muna,” ang bigla niyang naisip na sabihin sa babae, “mag-hotel ka!

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   HUWAG MO 'KONG BALIWIN

    PLANADO NA ANG lahat ng kanyang gagawin, sinimulang ilabas ni Shelley mula sa loob ng bahay ang kanyang motorsiklo.“Kailangang makaharap ko at makausap si Sir Theodore Rossell,” ang nasa kanyang isip, “iyon lang ang paraan upang matuklasan ko ang katotohanan kay Russell. Nararamdaman kong napakarami niyang itinatago sa akin. Napakarami niyang sikreto.”Naguguluhan na siya sa napakaraming pagbabagong nakikita at nararamdaman sa karelasyon.“Pati ang hitsura niya’y malaki ang ipinagbago.”Ipinarada niya sa harapan ng kanyang bahay ang motorsiklo. Binalikan at dinobol- check ang pagkaka-lock ng pintuan ng bahay.Isinuot ang helmet at tiniyak na komportable siya sa pagkakalapat niyon sa kanyang ulo, bago humarap sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan.Nabigla at kinabahan nang makitang may lalake na nakaupo sa motorsiklo niya. Waring nanigas ang kanyang binti at hindi nagawa ang humakbang. Hindi niya matiyak kung gaano katagal siyang natunganga sa lalaking nakaupo sa kanyang motorsiklo bag

DMCA.com Protection Status