Habang inaayusan si Shan para sa kanyang kasal ay hindi pa rin siya makapaniwalang ikakasal siya at sa isang prinsipe pa. Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod na lamang sa mga nangyayari. Maliban sa hindi niya alam ang mundong kinalalagyan niya ngayon ay wala naman siyang maisip na paraan para pigilan at hindi matuloy ang kasal niya sa prinsipe. Kaya no choice siya kundi ang magpatiayon na lamang.
"Ang ganda-ganda mo naman, Binibining Shan," humahangang sambit ni Manda matapos siyang ayusan ng mga kasambahay nila.
Kahit siya ay hindi rin makapaniwala sa nakikitang hitsura niya sa harapan ng salamin. Ang kanyang mahabang buhok ay itinaas ang iba samantalang ang ibang hibla naman ay hinayaang malaglag sa magkabilang gilid. Hindi niya alam kung anong hair style ang tawag doon dahil kakaiba. Kahit ang paglalarawan ay hindi rin niya kayang mailarawan. May malaking parang korona na ipinatong pa sa kanyang ulo. Ang bigat tuloy ng kanyang ulo. Sinuotan rin siya ng veil sa ulo na katerno ng kanyang suot na damit pang-kasal.
Sa totoong mundo ay puti ang isinusuot ng mga babaeng ikinakasal ngunit dito sa loob ng komiks ay purple ang kulay ng suot niyang wedding dress. Ngunit napakaganda at bagay na bagay naman sa kanya.
"Ang ganda nga niya kaso pipi naman. Ano ang silbi no'n?" Nakataas ang kilay na komento ng kapapasok pa lamang sa kuwarto niya na si Chelse. "At kapag nalaman ng prinsipe na hindi ka nakakapagsalita ay tiyak na puputulin niya ang dila mong walang silbi. Kawawa ka naman aking kapatid," nakangising pananakot pa nito.
"Nagkakapagsa—"
Balak sanang sabihin ni Manda sa kapatid niya nakakapagsalita na siya ngunit mabilis niyang nahawakan ito sa kamay at umiling siya para hindi nito ituloy ang pagsasalita. Nakasimangot na sinunod siya ni Manda at nanahimik na lamang ito sa isang tabi.
"Tama na 'yan, Chelse. Alalahanin mong magiging asawa na ng isang prinsipe ang nakatatanda mong kapatid kaya magdahan-dahan ka sa pagsasalita mo," biglang saway ng isang pamilyar na boses at labis niyang pinananabikang marinig muli.
Daddy! hiyaw niya sa kanyang utak nang makita ang mukha ng lalaking pamilyar ang boses sa kanya. Hindi niya napigilan ang mapaluha sa kanyang nakita. Ang ama niya ay buhay sa mundong iyon ng komiks. Hindi siya nakatiis. Tumayo siya sa kinauupuan niya at mabilis na yumakap ng mahigpit sa kanyang ama.
"Ang drama naman," parunggit sa kanya ni Chelse. Ngunit wala siyang pakialam kahit ano pa ang sabihin nito. Masaya siya dahil muli niyang nakita ang kanyang ama na buhay, gumagalaw, nagsasalita at walang sakit.
"Tahan na. Alam kong ayaw mong magpakasal sa prinsipe ngunit wala tayong magagawa. Kapag hindi natin sinunod ang kautusan ng ating reyna ay mapaparusahan ang ating buong pamilya. Kaya kailangan mo munang magsakripisyo para sa pamilya natin," pang-aalo sa kanya ng kanyang ama. Marahan nitong hinahaplos ang kanyang likuran. Kumalas ito sa pagkakayakap niya at pinunasan ng daliri ang mga luhang umaagos sa kanyang mga mata. "Huwag ka ng umiyak, Shan. Masisira ang ayos ng mukha mo. Ang ganda-ganda mo pa naman."
Kahit lumuluha ay napangiti na rin si Shan. Masaya siya. Masaya siya dahil muli niyang nakausap at nayakap ang kanyang ama.
"Hmph! Magiging prinsesa na nga siya ngunit sigurado namang papatayin siya ng prinsipe kapag nakitang hindi siya nakakapagsalita. Alam naman nating lahat kung ano ang ugali ng prinsipe na kanyang mapapangasawa. At tiyak na hindi rin siya magugustuhan ni Konsorte Jhing para maging asawa ng kanyang anak," ayaw paawat ang bunganga na pahayag ni Chelse.
Sa galit ng kanyang ama sa hindi magagandang lumalabas na salita sa bibig ni Chelse ay bigla nitong sinampal ng malakas ang anak.
"Ikaw ang dapat nasa kalagayan niya ngayon ngunit pinilit mo ang iyong ina na pakiusapan ang reyna para si Shan na lang ang ipakasal kay Prinsipe Cane! Kaya wala kang karapatang magsalita ng ganyan," galit na sigaw ng kanyang ama. Sa takot na baka ma-stroke ito kahit na mukhang malakas naman ito ay hinawakan niya ang kamay ng kanyang ama. At sa pamamagitan ng kanyang tingin ay ipinarating niya rito na ayos lamang siya. Na hindi siya nababahala sa mga pinagsasabi sa kanya ni Chelse. Galit naman siyang tinitigan ng kanyang kapatid pagkatapos ay walang salitang tumakbo ito palabas ng kanyang kuwarto.
***
Nakasakay si Shan sa isang kalesa na maghahatid sa kanya sa palasyo ni Prinsipe Cane nang bigla silang huminto. Bahagya siyang sumilip sa bintana para alamin kay Manda kung bakit sila huminto. Napakurap siya nang makita ang isang may edad na babaeng glamorosa kung manamit ang nakatayo sa harapan niya. Kahit may edad na ito ay halatado pa rin ang angkin nitong kagandahan noong kabataan nito.
Sino kaya siya? Mukhang hindi ito basta-bastang tao dahil makikita sa tindig at pagdadala ng damit ang pagiging maawtoridad nito.
"Makinig ka sa akin, Shan. Lahat ng mga kilos at galawni Prinsipe Cane ay kailangan mong i-report sa akin. Kapag mo ginawa ang mga ipag-uutos ko sa'yo ay tuluyan kong ipapapatay ang iyong kasintahan," maawtoridad na utos nito sa kanya.
Ha? Ako? May kasintahan sa loob ng comic world na ito? Sino naman kaya? At sino itong babaeng maawtoridad na nag-uutos sa kanya na maging espiya nito laban sa prinsipeng mapapangasawa niya? Wala sa loob na napatingin siya sa likuran ng babae kung saan nakatayo si Manda. Nakita niyang isinuat nito ang salitang "REYNA". What? Isang reyna ang babaeng nasa harapan niya? Kaya pala ganoon ito ka-awtoridad kung magsalita.
"Hindi na ako magtatagal. Basta't tandaan mo ang mga sinabi ko. Kapag sinunod mo ang mga ipinag-uutos ko sa'yo ay hahayaan kong makipaghiwalay ka sa prinsipe at pakasalan ang iyong kasintahan sa tamang panahon. At kailangang walang makaalam sa nangyaring pag-uusap nating ito kung hindi ay alam mo na kung ano ang mangyayari."
Pagkatapos ng mahabang sinabi nito sa kanya ay mabilis nang umalis ang reyna kasama ang mga tagabantay nito. Agad niyang kinawayan si Manda para lumapit sa kanya.
"Sino ang tinutukoy niyang kasintahan ko, Manda?" mahina ang boses na tanong niya sa babaeng kamukha ng kaibigan niya at sa mundo ng komiks ay personal niyang maid.
"Pati ba si Ginoong Rasmun ay nakalimutan mo na rin, Binibini?" nakakunot ang noo na tanong nito sa kanya ngunit sa mahinang boses lamang. Nang tumango siya ay inumpisahan nitong ikuwento ang sinasabi ng reyna na kasintahan daw niya. "Si Ginoong Rasmun ay kababata mo, Binibini. Mabait siya sa'yo at palagi ka niyang ipinagtatanggol. Magaling siyang makipaglaban at matapang din siya. Siya ay kaliwang pinuno ng mga kawal na tagabantay sa palasyo ng hari."
"Ah," tanging nasambit niya. Wala naman kasi siyang masabi dahil hindi naman niya ito kilala. Wala rin siyang nararamdamang pag-ibig para rito dahil hindi naman siya ang Shan na umiibig dito. Kaya hindi niya kailangang sundin ang ipinag-uutos sa kanya ng reyna dahil wala naman siyang pakialam sa lalaking iyon. Hindi siya papayag na gawin siyang kasangkapan para gawan ng masama ang kapwa niya lalo pa at magiging asawa pa niya ang kaaway ng reyna. Kahit walang magsabi sa kanya na magkaaway ang dalawa ay halatado naman base sa pananalita ng reyna ay tiyak na kaaway nito si Prinsipe Cane.
***
"Sumusobra na talaga ang reynang iyon, Cane! Akalain mong bibigyan ka niya ng konsorte ay iyong pipi pa na anak ni Ministro Raulo. Sobra na itong pang-iinsultong ginawa niya sa'yo! Talagang nananadya siya. Hindi ito maaari! Kailangan kong magpunta sa palasyo para sabihin sa hari na bawiin ang kautusang ginawa ng kanyang reyna. Ayokong magpakasal ka sa isang pipi!" hindi nakapagpigil ng galit na wika ng ina ni Prinsioe Cane na si Konsorte Larina. Hindi ito makapapayag na ang mapangasawa ng pinakamamahal niyang prinsipe ay isang pipi.
"Hindi puwede, Ina," mariing pigil ni Cane sa kanyang ina. "Ang babaeng ipinag-utos ng reyna na maging konsorte ko ay ibinigay niyang pabuya dahil sa pagkapanalo ko sa giyera nang nakaraang digmaan. Kapag ipinabawi mo sa hari ang kautusan ng reyna ay iisipin ng mga ministro sa palasyo na lumaki ang aking ulo pagkat hindi ko tinanggap ang pabuya ng reyna. Kaya wala tayong magagawa kundi tanggapin na lamang ang katotohanang mapapangasawa ko ang babaeng iyon." Naikuyom niya ang kanyang mga kamao. Alam niyang kaya binigyan siya ng asawang pabuya ng reyna dahil espiya nito ang babaeng mapapangasawa niya. Kailangan niyang maging mahinahon. Kung magpapadala siya sa galit ay tiyak na siya ang magiging talo na siyang pinakahihintay na mangyari ng reyna.
Kaya gano'n na lamang ang galit sa kanya ng reyna ay dahil iniisip nitong interesado siya sa trono ng hari. Akala nito ay hinahangad niya na siyang maging prinsipeng tagapagmana ng korona. Wala itong kaalam-alam na wala naman siyang pakialam sa trono. Ang mahalaga lamang sa kanya ay maipagtanggol ang mga taong bayan.
"Hah! Makikita ng babaeng iyon. Pagdating niya rito sa bahay ay pahihirapan ko siya ng labis para siya na ang kusang makipaghiwalay sa'yo. Dahil hindi siya ang babaeng karapat-dapat sa'yo kundi si Tamia," nanggigigil pa rin na wika ng kanyang ina sabay sulyap sa babaeng katabi nito na walang iba kundi ang kinakapatid niya na bahagyang napayuko nang banggitin ng kanyang ina ang pangalan nito bilang babaeng nais nitong mapangasawa niya.
Kinakapatid niya si Tamia at halos sabay silang lumaki. Sa kanila na ito tumira magmula nang mamatay ang ama nito sa giyera laban sa kabilang kaharian na gustong manakop sa kanila. Ngunit kahit malapit silang dalawa ay hindi niya nararamdaman na gusto niya itong maging asawa. Pagtinging kapatid lamang kasi ang turing niya rito.
"Nandito po si Rye, Kamahalan. May mahalaga raw siyang sadya sa inyo," pagbabalita sa kanya ng pinuno nang kanilang mga kasama sa bahay na si Anding.
"Papasukin mo rito," utos niya kay Anding.
Pagpasok ni Rye ay nagbigay galang muna ito sa kanilang mag-ina bago siya kinausap sa mahinang boses para hindi marinig ng kanyang ina.
"Tama ang hinala mo, Kamahalan. Isa nga siyang espiya ng reyna. Ayon sa espiya natin na kasama sa prusisyon ng mapapangasawa mo ay nakita raw niya kanina na sinadya ng reyna si Binibining Shan para kausapin. Pinapabantayan at pinapa-report sa kanya ang mga kilos mo dito sa palasyo kung hindi ay ipapapatay ng reyna ang kasintahan ni Binibining Shan," pagbabalita ni Rye sa kanya.
Napakuyom ang kanyang kamao at napatiim ang kanyang mga bagang. Hindi nga siya nagkamali sa kanyang hinala. Isa ngang espiya ang babaeng mapapangasawa niya.
"At sino naman ang kanyang kasintahan?" mahina ngunit mariin ang tono na tanong niya kay Rye.
"Ang kaliwang pinuno ng tagabantay na mga kawal sa palasyo ng hari. Ang pangalan niya ay Rasmun."
Natigil ang pag-uusap nila nang marinig nila ang malakas na boses ni Anding.
"Nandito na ang babaeng mapapangasawa ng Kamahalan!" malakas na anunsiyo ni Anding.
"Hah! Nandito na ang babaeng pipi at espiya. Hayaan mo siyang mabulok sa labas. Huwag siyang papapasukin sa loob ng palasyo," mariing utos ng kanyang ina kay Anding.
Tinanguan niya si Rye at naintindihan naman nito kung ano ang ibig niyang ipagawa rito. Naglakad siya palabas para salubungin ang kanyang mapapangasawa. Gusto niyang makita kung may kakayahan ba ito na mag-espiya sa kanya.
"Cane! Saan ka pupunta?" malakas na sigaw ng kanyang ina.
"Sa labas. Sasalubungin ang aking mapapangasawa," malakas niyang sagot ngunit hindi siya huminto sa paglalakad. At kahit tinatawag ng kanyang ina ang pangalan niya para pigilan siyang lumabas ay hindi siya nagpapigil sa paglabas.
***
"Ito ba ang manor ni Prinsipe Cane?" mahinang tanong ni Shan kay Manda nang huminto sila sa tapat ng nakasarado at mataas na gate na may nakasulat na "Manor ng Prinsipe Qintana".
"Opo, Binibini," mabilis na sagot ni Manda na lumapit sa kanya. Pero huwag ka munang lumabas hangga't walang nagbubukas ng pintuan. Mukhang hindi gusto ng ina ni Prinsipe Cane na maging asawa ka ng anak niya kaya walang sumasalubong sa iyo."
"Eh, ano naman? Mabuti nga iyon para hindi matuloy ang kasal namin." Ang weird nga ng kasal dito sa loob ng komiks. Inihahatid lang ang bride sa bahay ng groom tapos iiwan na. Hindi katulad sa totoong mundo na sa simbahan ikinakasal ang mga tao, aniya sa kanyang isip.
"Huwag mong sabihin iyan, Binibini. Kapag hindi natuloy ang kasal ninyo ng prinsipe ay pagtatawanan ka ng mga tao lalong-lalo na ang mga kapatid mo. Wala na ring lalaking magnanais na ikaw ay pakasalan," biglang saway ni Manda sa kanyang sinabi.
Naisip ni Shan na wala siyang pakialam kung pagtawanan man siya ng lahat dahil sa hindi natuloy ang kasal niya at mas lalong wala siyang pakialam kung walang lalaki nang lalaking magnais na pakasalan pa siya. Pabor iyon para sa kanya. Mabiti nga na hindi siya ikasal dito dahil hindi naman totoo ang mga tao dito kundi likha lamang ng malikot na imahinasyon ng isang manunulat sa totoong mundo.
Uutusan na sana niya ang mga kasamana bumalik na sa kanilang tahanan nang biglang dumating ang isang lalaking nakasakay sa isang kabayo at walang sabi-sabing ibinaba siya mula sa kalesa.
"Hindi ka maaaring magpakasal sa prinsipe, Shan. Ako ang mahal mo at hind ang prinsipe. Sumama ka sa akin at ilalayo kita sa lugar na ito," galit na kausap sa kanya ng lalaking dumating.
Base sa galit na anyo nito at pananalita ay masasabi niyang ito si Rasmun na tinutukoy ni Manda na siyang kasintahan niya sa mundong iyon. Guwapo ito, matipuno ang pangangatawan at matangkad ngunit hindi niya ito type. Bago pa siya makapagsalita na hindi siya sasama rito ay bigla na lamang siyang hinila at parang papel sa gaan na binuhat at mabilis na isinampa sa kabayo. Hindi pa man ito nakakasampa sa kabayo nang may lalaking nakasuot ng nakakatakot na maskara ang buong mukha ang bigla na lamang lumipad papunta rito at may hawak na espada. Mabuti na lamang at nakailag ito kaya hindi ito tinamaan ng espada.
Hindi makapagsalita si Shan sa gulat. Lumilipad ba ang mga tao sa loob ng komiks na ito? Bakit nakakalipad ang lalaking nakamaskara? At sino naman siya? Don't tell me that he is Prince Cane?
Nakasuot kasi ito ng maskarang nakakatakot kaya inisip niya na ito nga ang prinsipeng mapapangasawa niya. Sabi kasi nila na nakasuot ng maskara palagi ang prinsipe kaya malamang ay ito na nga siya.
Habang tinitingnan niya ang lalaking nakamaskara na nakikipaglaban kay Rasmun ay hindi niya napigilang humanga sa galing nitong makipaglaban. Nakikita niyang mas magaling ito kaysa kay Rasmun. Sabagay, prinsipe ito at isa ring general kumpara kay Rasmun na isa lamang guard sa palasyo.
Sinubukan ni Shan na bumaba sa kabayo dahil natatakot siyang tumakbo palayo ang kabayo habang sakay siya. Hindi pa naman siya marunong sumakay sa kabayo. Ngunit nang pababa na siya ay biglang dumamba ang kabayo nang matamaan ni Rasmun na biglang tumilapon at bumalya sa tagiliran ng kabayo. Nanlaki ang mga mata niya sa takot nang bigla na lamang siyang lumipad papunta sa itaas.
"Binibining Shan?" narinig niyang malakas na tili ni Manda.
Napatili rin siya ng malakas sabay pikit ng mariin nang kanyang mga mata. Ngunit sa halip na sa matigas na lupa siya bumagsak ay sa malalakas na bisig ng prinsipe siya bumagsak. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nakasalubong niya ang pinakamagandang mga mata na nakita niya sa tanang buhay niya. What a beautiful Green eyes!
Palakad-lakad si Shan sa loob ng kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Anding, ang pinuno ng mga kawaksi sa manor ng prinsipe na kanyang napangasawa. Kanina matapos siyang mailigtas ni Prinsipe Cane ay basta na lamang siyang iniwan sa kamay ni Anding na hindi naman malaman kung ano ang gagawin sa kanya. Pagkatapos ng ilang minutong pag-aalinlangan at pag-iisip kung ano ang gagawin sa kanya ay nagpasya itong samahan siya sa isa sa mga kuwarto sa loob ng manor. At ngayon nga ay hindi siya mapakali. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang mali at naghihintay kung ano ang kanyang magiging parusa. "Binibining Shan, mukhang walang may gusto na nandito ka kahit isa man lang sa mga tao rito. Kanina pa tayo rito ngunit wala man lang pumupunta rito para kausapin ka. Ni wala ngang sumalubong sa'yo pagdating mo kanina. At kung hindi ka pa binalak ni Ginoong Rasmun na kidnapin ay hindi pa lalabas si Prinsipe Cane para pigilan ang kasintahan mo
Magli-limang oras nang nakaluhod si Shan sa sahig habang may asin sa ilalim ng kanyang mga tuhod. At pati si Manda na ipinagtanggol lamang siya ay kasama na rin niyang nakaluhod. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng parusa dahil kahit minsan ay hindi siya pinarusahan ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito sa tunay na mundo at hindi dito sa mundo ng komiks. Pinagpapawisan na siya ng malapot lalo at nakasuot pa siya ng veil sa kanyang ulo. Nanginginig na rin ang kanyang mga tuhod at ramdam na niya ang hapdi ng asin sa kanyang balat. Gusto niyang maiyak sa sitwasyong nasangkutan niya. Araw ng kasal niya ay heto siya't nakaluhod na parang nakagawa siya ng malaking kasalanan. Dapat nga ay magsaya siya dahil araw ng kasal niya sa isang prinsipe ngunit kabaliktaran ng nangyayari. Nagdurusa siya ngayon dahil sa kasalanang hindi naman niya masasabing kasalanan talaga. Kasalanan ba niya na nakakapagsalita siya? Hindi ba dapat matuwa ang ina ni Prinsipe Can
Kanina pa si Shan palakad-lakad sa loob ng kanyang kuwarto. Pangatlong araw pa lamang niya sa manor ni Prinsipe Cane ay sobrang nabo-bored na siya. Hindi siya masyadong lumalabas sa kuwarto niya dahil ayaw niyang makadaupang-palad ang ina ni Prinsipe Cane pati na rin si Tamia na mukhang mabait naman ang hitsura ngunit hindi pa rin siya kumbinsido sa kabaitang ipinapakita nito sa kanya."Wala man lang mapaglibangan sa mundong ito. Mababaliw ako kung magtatagal pa ako rito," himutok ni Shan. Sa dinami-rami ng puwede niyang mapasukan ay sa loob pa siya ng komiks nakapasok. Masarap lamang basahin ang kuwento ng komiks na pinasukan niya ngunit hindi maganda kung mai-experience niya mismo. Walang cellphone walang internet, kahit ano wala. "Ano ba ang ginagawa ko dati kapag naiinip ako?""Nagbuburda po kayo, Binibining Shan. Iyan ang gustong-gusto mong gawin para palipasin ang oras at hindi ka mainip," sagot sa kanya ni Manda.
Hindi mapigilang kabahan ni Shan habang pinapalibutan sila ng mga assassin. Ang lakas ng dagundong nang kanyang dibdib. Sa sobrang lakas ay naririnig na niya ang pagtibok ng kanyang puso. Tila gusto ng lumabas sa kanyang rib cage ang kanyang puso dahil sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok niyon."Binibining Shan, ano ang gagawin natin ngayon?" tila maiiyak na tanong sa kanya ni Manda. Mukhang hindi ito sanay na malagay sa ganoong sitwasyon. Kung hindi ito sanay ay lalo na siya. Never pa siyang nakaharap ng mga assassin sa buong buhay niya."Hindi ko alam," kinakabahan din niyang sagot. Kinuha niya ang bag niya sa kanyang likuran at kinipkip itong mabuti na para bang maililigtas sila ng bag niyang iyon. Pero ano nga ba ang kailangan nila sa kanya? Wala naman siyang kaaway kaya sino ang magtatangka sa buhay niya? "Ano ang kailangan ninyo sa amin? Wala naman kaming kasalanan sa inyo."Mamamatay na siya kaya mas mabuting malaman niya kung ano ang dahilan at bakit sila pina
"Saan ka nanggaling, Shan?"Mula sa tangkang pagpasok sa loob ng kanyang kuwarto ay biglang napahinto si Shan nang marinig ang malakas na boses na iyon ni Consort Jhing. Walang anuman na nilingon niya ito."Pumunta lamang ako sa bahay namin para kunin ang bag ko," sagot niya rito."Baka naman nakipagkita ka lamang sa iyong kasintahan kaya ka umalis. Kunwari ay kinuha mo iyang, bag-bag na tinutukoy mo pero ang totoo ay nakipagkita ka sa lalaki," nanlilisik ang mga matang wika nito."Ina, baka naman nagsasabi ng totoo si Shan. Hindi naman siguro siya nakipagkita sa Rasmun na iyon," pagtatanggol sa kanya ni Tamia.Napaikot na lamang niya ang kanyang mga mata. Ang galing talagang umakto ni Tamia. Malakas ang kutob niya na nagbabait-baitan lamang ito sa harapan ng a
"Saan n'yo ako dadalhin? Bitiwan n'yo ako!" malakas na sigaw ni Sasa habang kinakaladkad ng mga tauhang inutusan ni Shan para iharap sa kanya ang maid ni Consort Jhing. "Ipasok 'yan dito," utos niya sa mga tauhang inutusan niya."Ikaw ang may pakana nito? Ano ang binabalak mong gawin?" nanlalaki sa galit ang mga mata na tanong ni Sasa sa kanya."Wala naman. Ibabalik ko lang sa'yo ang ginawa mo sa akin noong isang araw," nakangiting sagot niya rito. Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa kanang pisngi nito na agad namula. "Ito naman ay para sa pag-aastang reyna sa harapan ko," isa pang malakas na sampal ang pinadapo naman niya sa kaliwang pisngi nito."Walang hiya ka! Hindi ka ba natatakot na makarating kay Konsorte Jhing ang ginagawa mong ito sa akin?" nanlilisik sa galit ang mga mata na tanong nito sa kanya. Bilib siya sa tapang nito. M
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Shan. Huwag kang gumawa ng kuwento," galit na wika ni Tamia nang sitahin ito ni Shan tungkol sa kanyang natuklasan na binabalak nitong gawin kay Prinsipe Cane."Huwag ka nang magkaila pa, Tamia. Inamin na sa akin lahat ni Sasa. Pero huwag kang mag-alala dahil wala naman akong balak na isumbong ka o di kaya ay hadlangan ang binabalak mong gawin. Nandito pa nga ako para tulungan ka," nakangiting sabi ni Shan sa nabiglang dalaga.:Sa tingin mo ay maniniwala ako sa'yo? Siguradong pinapasakay molang ako para wala akong lusot," hindi naniniwalang sagot ni Tamia."bahala ka kung ayaw mong maniwala. Ikaw na nga itong tinutulungan ay ayaw mo pa," inis na sabi niya rito. Hindi niya ipagpipilitan ang kanyang sarili kung ayaw nitong maniwala sa kanya. Akmang tatalikuran na niya ito nnag bigla siyang pigilan.
Malakas na naibagsak ni Shan sa mesa ang hawak niyang baso nang marinig niya ang sinabi ng kanyang madrasta. "Ulitin mo nga ang sinabi mo, Tita Auria?" tanong niya dahil baka nagkamali lamang siya ng dinig sa sinabi nito. Inirapan siya ng kanyang madrasta bago inulit ang sinabi nito. "Ang sabi ko ay ihanda mo ang sarili mo dahil magpapakasal ka kay Don Bernardo. Malaki ang naiwang utang ng iyong ama sa matandang iyon at naniningil na siya." Naikuyom niya ang kanyang mga kamao. Tama pala ang dinig niya sa sinabi nito. "Bakit ako? Tatlo kaming anak ni Daddy pero bakit ako ang ipapakasal mo sa matandang iyon?" nagpipigil ng galit na tanong niya. Sabagay, alangan namang ipakasal nito ang dalawang anak nito sa isang matandang mayaman na amoy lupa na. Talagang siya ang pipiliin nitong ipakasal sa matandang iyon dahil hindi naman siya tunay nitong anak kahit pa sabihing halos ito na ang nagpalaki sa kanya. Maliit pa kasi nang mamatay ang kanyan
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Shan. Huwag kang gumawa ng kuwento," galit na wika ni Tamia nang sitahin ito ni Shan tungkol sa kanyang natuklasan na binabalak nitong gawin kay Prinsipe Cane."Huwag ka nang magkaila pa, Tamia. Inamin na sa akin lahat ni Sasa. Pero huwag kang mag-alala dahil wala naman akong balak na isumbong ka o di kaya ay hadlangan ang binabalak mong gawin. Nandito pa nga ako para tulungan ka," nakangiting sabi ni Shan sa nabiglang dalaga.:Sa tingin mo ay maniniwala ako sa'yo? Siguradong pinapasakay molang ako para wala akong lusot," hindi naniniwalang sagot ni Tamia."bahala ka kung ayaw mong maniwala. Ikaw na nga itong tinutulungan ay ayaw mo pa," inis na sabi niya rito. Hindi niya ipagpipilitan ang kanyang sarili kung ayaw nitong maniwala sa kanya. Akmang tatalikuran na niya ito nnag bigla siyang pigilan.
"Saan n'yo ako dadalhin? Bitiwan n'yo ako!" malakas na sigaw ni Sasa habang kinakaladkad ng mga tauhang inutusan ni Shan para iharap sa kanya ang maid ni Consort Jhing. "Ipasok 'yan dito," utos niya sa mga tauhang inutusan niya."Ikaw ang may pakana nito? Ano ang binabalak mong gawin?" nanlalaki sa galit ang mga mata na tanong ni Sasa sa kanya."Wala naman. Ibabalik ko lang sa'yo ang ginawa mo sa akin noong isang araw," nakangiting sagot niya rito. Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa kanang pisngi nito na agad namula. "Ito naman ay para sa pag-aastang reyna sa harapan ko," isa pang malakas na sampal ang pinadapo naman niya sa kaliwang pisngi nito."Walang hiya ka! Hindi ka ba natatakot na makarating kay Konsorte Jhing ang ginagawa mong ito sa akin?" nanlilisik sa galit ang mga mata na tanong nito sa kanya. Bilib siya sa tapang nito. M
"Saan ka nanggaling, Shan?"Mula sa tangkang pagpasok sa loob ng kanyang kuwarto ay biglang napahinto si Shan nang marinig ang malakas na boses na iyon ni Consort Jhing. Walang anuman na nilingon niya ito."Pumunta lamang ako sa bahay namin para kunin ang bag ko," sagot niya rito."Baka naman nakipagkita ka lamang sa iyong kasintahan kaya ka umalis. Kunwari ay kinuha mo iyang, bag-bag na tinutukoy mo pero ang totoo ay nakipagkita ka sa lalaki," nanlilisik ang mga matang wika nito."Ina, baka naman nagsasabi ng totoo si Shan. Hindi naman siguro siya nakipagkita sa Rasmun na iyon," pagtatanggol sa kanya ni Tamia.Napaikot na lamang niya ang kanyang mga mata. Ang galing talagang umakto ni Tamia. Malakas ang kutob niya na nagbabait-baitan lamang ito sa harapan ng a
Hindi mapigilang kabahan ni Shan habang pinapalibutan sila ng mga assassin. Ang lakas ng dagundong nang kanyang dibdib. Sa sobrang lakas ay naririnig na niya ang pagtibok ng kanyang puso. Tila gusto ng lumabas sa kanyang rib cage ang kanyang puso dahil sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok niyon."Binibining Shan, ano ang gagawin natin ngayon?" tila maiiyak na tanong sa kanya ni Manda. Mukhang hindi ito sanay na malagay sa ganoong sitwasyon. Kung hindi ito sanay ay lalo na siya. Never pa siyang nakaharap ng mga assassin sa buong buhay niya."Hindi ko alam," kinakabahan din niyang sagot. Kinuha niya ang bag niya sa kanyang likuran at kinipkip itong mabuti na para bang maililigtas sila ng bag niyang iyon. Pero ano nga ba ang kailangan nila sa kanya? Wala naman siyang kaaway kaya sino ang magtatangka sa buhay niya? "Ano ang kailangan ninyo sa amin? Wala naman kaming kasalanan sa inyo."Mamamatay na siya kaya mas mabuting malaman niya kung ano ang dahilan at bakit sila pina
Kanina pa si Shan palakad-lakad sa loob ng kanyang kuwarto. Pangatlong araw pa lamang niya sa manor ni Prinsipe Cane ay sobrang nabo-bored na siya. Hindi siya masyadong lumalabas sa kuwarto niya dahil ayaw niyang makadaupang-palad ang ina ni Prinsipe Cane pati na rin si Tamia na mukhang mabait naman ang hitsura ngunit hindi pa rin siya kumbinsido sa kabaitang ipinapakita nito sa kanya."Wala man lang mapaglibangan sa mundong ito. Mababaliw ako kung magtatagal pa ako rito," himutok ni Shan. Sa dinami-rami ng puwede niyang mapasukan ay sa loob pa siya ng komiks nakapasok. Masarap lamang basahin ang kuwento ng komiks na pinasukan niya ngunit hindi maganda kung mai-experience niya mismo. Walang cellphone walang internet, kahit ano wala. "Ano ba ang ginagawa ko dati kapag naiinip ako?""Nagbuburda po kayo, Binibining Shan. Iyan ang gustong-gusto mong gawin para palipasin ang oras at hindi ka mainip," sagot sa kanya ni Manda.
Magli-limang oras nang nakaluhod si Shan sa sahig habang may asin sa ilalim ng kanyang mga tuhod. At pati si Manda na ipinagtanggol lamang siya ay kasama na rin niyang nakaluhod. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng parusa dahil kahit minsan ay hindi siya pinarusahan ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito sa tunay na mundo at hindi dito sa mundo ng komiks. Pinagpapawisan na siya ng malapot lalo at nakasuot pa siya ng veil sa kanyang ulo. Nanginginig na rin ang kanyang mga tuhod at ramdam na niya ang hapdi ng asin sa kanyang balat. Gusto niyang maiyak sa sitwasyong nasangkutan niya. Araw ng kasal niya ay heto siya't nakaluhod na parang nakagawa siya ng malaking kasalanan. Dapat nga ay magsaya siya dahil araw ng kasal niya sa isang prinsipe ngunit kabaliktaran ng nangyayari. Nagdurusa siya ngayon dahil sa kasalanang hindi naman niya masasabing kasalanan talaga. Kasalanan ba niya na nakakapagsalita siya? Hindi ba dapat matuwa ang ina ni Prinsipe Can
Palakad-lakad si Shan sa loob ng kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Anding, ang pinuno ng mga kawaksi sa manor ng prinsipe na kanyang napangasawa. Kanina matapos siyang mailigtas ni Prinsipe Cane ay basta na lamang siyang iniwan sa kamay ni Anding na hindi naman malaman kung ano ang gagawin sa kanya. Pagkatapos ng ilang minutong pag-aalinlangan at pag-iisip kung ano ang gagawin sa kanya ay nagpasya itong samahan siya sa isa sa mga kuwarto sa loob ng manor. At ngayon nga ay hindi siya mapakali. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang mali at naghihintay kung ano ang kanyang magiging parusa. "Binibining Shan, mukhang walang may gusto na nandito ka kahit isa man lang sa mga tao rito. Kanina pa tayo rito ngunit wala man lang pumupunta rito para kausapin ka. Ni wala ngang sumalubong sa'yo pagdating mo kanina. At kung hindi ka pa binalak ni Ginoong Rasmun na kidnapin ay hindi pa lalabas si Prinsipe Cane para pigilan ang kasintahan mo
Habang inaayusan si Shan para sa kanyang kasal ay hindi pa rin siya makapaniwalang ikakasal siya at sa isang prinsipe pa. Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod na lamang sa mga nangyayari. Maliban sa hindi niya alam ang mundong kinalalagyan niya ngayon ay wala naman siyang maisip na paraan para pigilan at hindi matuloy ang kasal niya sa prinsipe. Kaya no choice siya kundi ang magpatiayon na lamang."Ang ganda-ganda mo naman, Binibining Shan," humahangang sambit ni Manda matapos siyang ayusan ng mga kasambahay nila. Kahit siya ay hindi rin makapaniwala sa nakikitang hitsura niya sa harapan ng salamin. Ang kanyang mahabang buhok ay itinaas ang iba samantalang ang ibang hibla naman ay hinayaang malaglag sa magkabilang gilid. Hindi niya alam kung anong hair style ang tawag doon dahil kakaiba. Kahit ang paglalarawan ay hindi rin niya kayang mailarawan. May malaking parang korona na ipinatong pa
Unti-unting iminulat ni Shan ang kanyang mga mata at iginala sa hindi pamilyar na lugar na kanyang kinaroroonan.Ito ba ang langit? Patay na ba ako? Ganito ba ang hitsura ng langit? Parang nasa loob lamang ako ng isang makaluma ngunit mamahaling kuwarto, ah. Saglit niyang inalala ang huling natatandaan niya bago siya napunta sa lugar na iyon. Pumasok sa isip niya ang pagbabalita sa kanya ni Auria na ikakasal siya sa matandang mayaman bilang kabayaran sa malaking pagkakautang ng kanyang ama, ang pagtakas niya sa bahay nila at ang muntikan na niyang pagkakabangga sa isang kotse ngunit hindi yata natuloy dahil wala naman siyang maramdamang masakit sa kanyang katawan. Kaya ang ibig sabihin ay hindi pa siya patay. Pero nasaan siya? Anong klaseng lugar itong kinaroroonan niya?Bahagyang napanganga si Shan nang biglang pumasok sa kuwartong kinaroroonan niya ang isang babae at basta na lamang umiyak sa kanyang tabi.