Share

Chapter 2

Author: MATECA
last update Last Updated: 2022-01-25 15:32:19

Unti-unting iminulat ni Shan ang kanyang mga mata at iginala sa hindi pamilyar na lugar na kanyang kinaroroonan.

Ito ba ang langit? Patay na ba ako? Ganito ba ang hitsura ng langit? Parang nasa loob lamang ako ng isang makaluma ngunit mamahaling kuwarto, ah. Saglit niyang inalala ang huling natatandaan niya bago siya napunta sa lugar na iyon. Pumasok sa isip niya ang pagbabalita sa kanya ni Auria na ikakasal siya sa matandang mayaman bilang kabayaran sa malaking pagkakautang ng kanyang ama, ang pagtakas niya sa bahay nila at ang muntikan na niyang pagkakabangga sa isang kotse ngunit hindi yata natuloy dahil wala naman siyang maramdamang masakit sa kanyang katawan. Kaya ang ibig sabihin ay hindi pa siya patay. Pero nasaan siya? Anong klaseng lugar itong kinaroroonan niya?

Bahagyang napanganga si Shan nang biglang pumasok sa kuwartong kinaroroonan niya ang isang babae at basta na lamang umiyak sa kanyang tabi.

"Binibining Shan, mabuti at gising ka na. Alalang-alala ako sa'yo. Akala ko ay tuluyan kang masasagasaan ng kalesa kanina."

Sino ang babaeng ito na nakayuko at umiiyak sa tabi ko? Bakit kilala niya ako? At bakit iba ang tawag niya sa akin? Naguguluhan niyang tanong sa kanyang isip. Maraming mga katanungan ang nasa kanyang isipan ngunit hindi niya alam kung paano at saan siya mag-uumpisang magtanong.

Manda? Nang iniangat ng babaeng umiiyak ang ulo nito ay saka pa lamang niya nakilala kung sino ito. Para itong si Manda ngunit parang hindi. Si Manda ay ang nag-iisang anak na babae ng kanyang Nana Minda. Kasing-edad lamang niya ito kaya naging malapit sila sa isa't isa.

Ibubuka na sana niya ang kanyang bibig para magsalita nang biglang pumasok sa kuwarto ang kanyang madrasta kasama ang dalawa nitong anak na sina Chelse at Carmel. Napakunot ang noo niya at napakurap-kurap ng mga mata nang makita ang kakaibang kasuotan nila na ngayon lamang niya nakita sa tanang buhay niya.

Nakasuot ang mga ito ng mahahabang bestida na may mahabang manggas na abot hanggang sa pulsuhan. Ang buhok ng kanyang Tita Auria ay nakapusod sa itaas na katulad noong sinaunang panahon ngunit napapalamutian naman iyon ng iba't ibang hair ornaments samantalang ang dalawa niyang stepsisters ay nakalugay lamang ang mahahabang buhok ngunit nakatirintas ang dalawang magkabilang gilid at napapalamutian din ng hair ornaments ang kanilang mga buhok. Para silang ang Tita Auria  at dalawa nitong anak ngunit para namang hindi na katulad din ni Manda. Ano ba ang nangyayari? Bigla siyang naguluhan sa kung anong nangyayari sa paligid niya.

"Mabuti naman at gising ka na, Shan. Hindi ka dapat naglalalabas ng bahay dahil ikakasal ka na bukas. Alam mo naman na hindi magandang tingnan na pagala-gala ka sa labas ng bahay gayong ikakasal ka na bukas," galit ang tinig na sabi sa kanya ng kanyang Tita Auria. Pagkatapos ay binalingan naman si Manda na bahagyang nakayuko ang ulo. "Bantayan mo ang iyong binibini. Kapag lumabas ulit siya ng bahay ay ikaw ang mananagot sa akin. Maliwanag ba, Manda?"

"Maliwang po, Madam," nakayukong sagot ni Manda. Tila takot na takot ito sa kanyang tita kaya nakayuko lamang ang ulo nito at hindi magawang mag-angat ng tingin. Mas lalo lamang siyang naguluhan sa mga ikinikilos ng mga tao sa paligid niya. Pagkatapos magbilin ay walang paalam na lumabas ng kuwarto ang kanyang Tita Auria.

"Binabati kita, Shan. Sa wakas ay ikakasal ka na at sa isang prinsipe pa. Iyon nga lang ay ikakasal ka sa isang prinsipeng pangit ang mukha at nakakatakot pa ang ugali. Ingat ka na lang," nakangiting bati sa kanya ni Chelse ngunit may halong pang-iinis. Hindi na niya nagawang magtanong pa rito kung ano ang ibig sabihin nito sa mga sinabi dahil mabilis na itong lumabas ng kanyang kuwarto at sumunod sa ina.

"Anong pakiramdam mo ngayong ikakasal ka na sa isang prinsipeng palaka, Shan?" nakangising tanong naman ni Carmel na siyang naiwan sa loob ng kuwarto. Pagkatapos ay tinakpan nito ng mga daliri ang mga labi. "Ooppss. Pasensiya na. Hindi ka pala nakakapagsalita dahil pipi ka kaya hindi mo masasagot ang aking tanong."

Binigyan siya nito ng nang-iinis na sulyap bago lumabas sa kanyang silid.

"What? Pipi? Ako? Since when did I became a mute?" Lalong naguluhan niyang tanong. Ang weird ng mga kinikilos at sinasabi ng mga tao sa paligid niya.

"Ano ba ang mga pinagsasasabi nila, Manda? Hindi ko sila maintindihan. At saka bakit tila kakaiba ang kanilang mga ikinikilos at pati na rin ikaw?" tanong niya kay Manda nang wala na si Carmel. Bumangon siya sa pagkakahiga sa kama at naupo na lamang.

"Binibini! Nakakapagsalita ka na!" nanlalaki ang mga matang sambit ni Manda. Nakalarawan sa mukha ang sobrang pagkagulat.

Bigla siyang napakunot-noo sa nakitang reaksiyon ni Manda. Kanina pa talaga naguguluhan sa mga nangyayari.

"Ano ka ba, Manda? Kailan ba ako naging pipi?" Naiiling niyang tanong dito. Sa gulat niya ay bigla na lamang itong umiyak ng malakas sa harapan niya. "Hoy! Ano ka ba? Bakit ka ba umiiyak diyan? Baka isipin ng makakarinig na inaaway kita kaya ka umiiyak. Tumigil ka nga diyan," mahina niyang saway dito.

Suminghot-singhot muna si Manda bago siya sinagot. "Naging pipi ka magmula noong namatay ang iyong ina sampung taon na ang nakalilipas, Binibining Shan. At masaya lamang ako na muli ka nang nakakapagsalita kaya ako umiiyak. Hindi ko inaakala na makakapagsalita ka bago ang kasal ninyo ni Prinsipe Cane."

"Prinsipe Cane? Sino siya? At bakit ako ikakasal sa kanya?" naguguluhan pa rin niyang tanong.

"Nakalimutan mo na ba, Binibini? Siya ang panganay na prinsipe ng kaharian ng Celantreka. At siya ang mapapangawa mo bukas dahil siya ang pinili ng reyna na mapangawa mo," sagot ni Manda na bahagyang napakunot ang noo. Tila nagtataka kung bakit hindi niya kilala ang nasabing prinsipe.

Celantreka? Tila pamilyar sa kanya ang ang pangalan ng kaharian. Muntik ng malaglag ang panga niya nang bigla niyang naalala kung saan niya nakita ang salitang iyon. Ang kaharian sa loob ng binabasa niyang komiks? Huwag sabihin na nasa loob siya ngayon ng komiks? Anong klaseng himala itong nangyari sa kanya?

Saglit niyang pinagtagni-tagni ang mga kakaibang kilos, pananamit at pananalita ng mga tao sa paligid niya. Bago siya nahimatay ay biglang lumiwanag ang paligid at ang liwanag na iyon ay nagmula sa loob ng kanyang bag. Ang liwanag na iyon ba ang nagdala sa kanya sa loob ng mundo nang komiks? Imposible. Paano nangyari iyon?

Kung ganoon ay kamukha lamang nina Tita Auria, Chelse at Carmel ang tatlong nakausap niya kanina ngunit hindi talaga sila iyon. Kaya pala kakaiba ang kanilang kilos at pananalita pati na rin pananamit. At maging si Manda ay kamukha lang ng anak  nang kanyang Nana Minda pero hindi talaga ito sa Manda na kilala at kaibigan niya.

Sigurado siya na nasa loob nga siya ng komiks dahil ang kaharian ng Celantreka ang nabasa niyang kaharian sa unang pahina ng paborito niyang komiks kung saan bida ang prinsipe. Ngunit hindi pa niya iyon natatapos basahin. Basta ang alam pa lamang niya ay nakatakdang ikasal ang bidang babae na isang pipi sa prinsipe ng kaharian nang Celantreka.

Nag-uumpisa pa lamang siyang basahin iyon nang malaman niyang na-stroke ang daddy niya kaya hindi niya naituloy ang pagbabasa. At dahil naman sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ama kaya nakalimutan na niyang ituloy na basahin ang kuwento. Hindi pa kasi siya ginaganahang magbasa magmula nang mawala ang kanyang ama kaya hindi niya alam kung ano ang takbo at mangyayari sa kuwento.

Bali siya ngayon ang gumaganap na bidang babae sa kuwento at sina Tita Auria, Chelse, Carmel, at Manda naman ang gumaganap sa ibang role sa kuwento. Pinalitan lamang ng pangalan ng mga taong kilala niya ang totoong pangalan ng mga karakter sa kuwento. Para yatang napaka-imposibleng mangyari ngunit kailangan niyang maniwala dahil nangyayari nga sa kanya ang lahat.

"Bakit sinasabi nila na panget ang prinsipe at nakakatakot ang ugali? Totoo ba iyon, Manda?"

Kung ipinagpatuloy lamang sana niya ang pagbabasa sa komiks ay hindi na sana siya nagtatanong ngayon kay Manda. May ideya na sana siya sa kung ano ang mangyayari o takbo ng buong kuwento.

"Kaya nila sinabi ang ganoon kasi palaging nakasuot ng maskara ang prinsipe. Iniisip ng mga tao na kaya marahil nakasuot ng maskara ang prinsipe ay dahil panget ang kanyang mukha. Maraming sugat daw dala ng pakikipaglaban sa giyera. Wala pang nakakakita sa mukha niya sa labas ng kanyang palasyo. At kaya nakakatakot ang ugali niya ay dahil pinapatay raw niya o di kaya ng kanyang tagabantay ang mga taong nakakabangga niya o hindi niya nagugustuhan. Mainitin ang kanyang ulo at mabilis magalit. Ganoon kasama ang ugali niya, Binibining Shan," mahabang paliwanag ni Manda. "Pero lahat ng mga iyan ay puro kuwento-kuwento lamang at walang patunay na totoo maliban sa totoong nakasuot siya palagi ng maskara," dugtong pa nito.

Biglang nalaglag ang puso ni Shan sa narinig. Paano kung ang mga kuwento-kuwentong iyon ay totoo? Hindi nga natuloy ang kasal niya sa matandang milyonaryo ay sa panget at nakakatakot na prinsipe naman siya ikakasal. Hindi nga siya namatay dahil sa kotse na muntik nang makabangga sa kanya ay mamamatay naman siya sa mapapangasawa niyang prinsipe. Ano ang gagawin niya ngayon? Ano ang gagawin niya para hindi matuloy ang pagpapakasal niya sa prinsipe?

Related chapters

  • LOVE ME AFTER MARRIAGE   Chapter 3

    Habang inaayusan si Shan para sa kanyang kasal ay hindi pa rin siya makapaniwalang ikakasal siya at sa isang prinsipe pa. Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod na lamang sa mga nangyayari. Maliban sa hindi niya alam ang mundong kinalalagyan niya ngayon ay wala naman siyang maisip na paraan para pigilan at hindi matuloy ang kasal niya sa prinsipe. Kaya no choice siya kundi ang magpatiayon na lamang."Ang ganda-ganda mo naman, Binibining Shan," humahangang sambit ni Manda matapos siyang ayusan ng mga kasambahay nila. Kahit siya ay hindi rin makapaniwala sa nakikitang hitsura niya sa harapan ng salamin. Ang kanyang mahabang buhok ay itinaas ang iba samantalang ang ibang hibla naman ay hinayaang malaglag sa magkabilang gilid. Hindi niya alam kung anong hair style ang tawag doon dahil kakaiba. Kahit ang paglalarawan ay hindi rin niya kayang mailarawan. May malaking parang korona na ipinatong pa

    Last Updated : 2022-01-25
  • LOVE ME AFTER MARRIAGE   Chapter 4

    Palakad-lakad si Shan sa loob ng kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Anding, ang pinuno ng mga kawaksi sa manor ng prinsipe na kanyang napangasawa. Kanina matapos siyang mailigtas ni Prinsipe Cane ay basta na lamang siyang iniwan sa kamay ni Anding na hindi naman malaman kung ano ang gagawin sa kanya. Pagkatapos ng ilang minutong pag-aalinlangan at pag-iisip kung ano ang gagawin sa kanya ay nagpasya itong samahan siya sa isa sa mga kuwarto sa loob ng manor. At ngayon nga ay hindi siya mapakali. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang mali at naghihintay kung ano ang kanyang magiging parusa. "Binibining Shan, mukhang walang may gusto na nandito ka kahit isa man lang sa mga tao rito. Kanina pa tayo rito ngunit wala man lang pumupunta rito para kausapin ka. Ni wala ngang sumalubong sa'yo pagdating mo kanina. At kung hindi ka pa binalak ni Ginoong Rasmun na kidnapin ay hindi pa lalabas si Prinsipe Cane para pigilan ang kasintahan mo

    Last Updated : 2022-02-03
  • LOVE ME AFTER MARRIAGE   Chapter 5

    Magli-limang oras nang nakaluhod si Shan sa sahig habang may asin sa ilalim ng kanyang mga tuhod. At pati si Manda na ipinagtanggol lamang siya ay kasama na rin niyang nakaluhod. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng parusa dahil kahit minsan ay hindi siya pinarusahan ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito sa tunay na mundo at hindi dito sa mundo ng komiks. Pinagpapawisan na siya ng malapot lalo at nakasuot pa siya ng veil sa kanyang ulo. Nanginginig na rin ang kanyang mga tuhod at ramdam na niya ang hapdi ng asin sa kanyang balat. Gusto niyang maiyak sa sitwasyong nasangkutan niya. Araw ng kasal niya ay heto siya't nakaluhod na parang nakagawa siya ng malaking kasalanan. Dapat nga ay magsaya siya dahil araw ng kasal niya sa isang prinsipe ngunit kabaliktaran ng nangyayari. Nagdurusa siya ngayon dahil sa kasalanang hindi naman niya masasabing kasalanan talaga. Kasalanan ba niya na nakakapagsalita siya? Hindi ba dapat matuwa ang ina ni Prinsipe Can

    Last Updated : 2022-02-12
  • LOVE ME AFTER MARRIAGE   Chapter 6

    Kanina pa si Shan palakad-lakad sa loob ng kanyang kuwarto. Pangatlong araw pa lamang niya sa manor ni Prinsipe Cane ay sobrang nabo-bored na siya. Hindi siya masyadong lumalabas sa kuwarto niya dahil ayaw niyang makadaupang-palad ang ina ni Prinsipe Cane pati na rin si Tamia na mukhang mabait naman ang hitsura ngunit hindi pa rin siya kumbinsido sa kabaitang ipinapakita nito sa kanya."Wala man lang mapaglibangan sa mundong ito. Mababaliw ako kung magtatagal pa ako rito," himutok ni Shan. Sa dinami-rami ng puwede niyang mapasukan ay sa loob pa siya ng komiks nakapasok. Masarap lamang basahin ang kuwento ng komiks na pinasukan niya ngunit hindi maganda kung mai-experience niya mismo. Walang cellphone walang internet, kahit ano wala. "Ano ba ang ginagawa ko dati kapag naiinip ako?""Nagbuburda po kayo, Binibining Shan. Iyan ang gustong-gusto mong gawin para palipasin ang oras at hindi ka mainip," sagot sa kanya ni Manda.

    Last Updated : 2022-02-17
  • LOVE ME AFTER MARRIAGE   Chapter 7

    Hindi mapigilang kabahan ni Shan habang pinapalibutan sila ng mga assassin. Ang lakas ng dagundong nang kanyang dibdib. Sa sobrang lakas ay naririnig na niya ang pagtibok ng kanyang puso. Tila gusto ng lumabas sa kanyang rib cage ang kanyang puso dahil sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok niyon."Binibining Shan, ano ang gagawin natin ngayon?" tila maiiyak na tanong sa kanya ni Manda. Mukhang hindi ito sanay na malagay sa ganoong sitwasyon. Kung hindi ito sanay ay lalo na siya. Never pa siyang nakaharap ng mga assassin sa buong buhay niya."Hindi ko alam," kinakabahan din niyang sagot. Kinuha niya ang bag niya sa kanyang likuran at kinipkip itong mabuti na para bang maililigtas sila ng bag niyang iyon. Pero ano nga ba ang kailangan nila sa kanya? Wala naman siyang kaaway kaya sino ang magtatangka sa buhay niya? "Ano ang kailangan ninyo sa amin? Wala naman kaming kasalanan sa inyo."Mamamatay na siya kaya mas mabuting malaman niya kung ano ang dahilan at bakit sila pina

    Last Updated : 2022-02-18
  • LOVE ME AFTER MARRIAGE   Chapter 8

    "Saan ka nanggaling, Shan?"Mula sa tangkang pagpasok sa loob ng kanyang kuwarto ay biglang napahinto si Shan nang marinig ang malakas na boses na iyon ni Consort Jhing. Walang anuman na nilingon niya ito."Pumunta lamang ako sa bahay namin para kunin ang bag ko," sagot niya rito."Baka naman nakipagkita ka lamang sa iyong kasintahan kaya ka umalis. Kunwari ay kinuha mo iyang, bag-bag na tinutukoy mo pero ang totoo ay nakipagkita ka sa lalaki," nanlilisik ang mga matang wika nito."Ina, baka naman nagsasabi ng totoo si Shan. Hindi naman siguro siya nakipagkita sa Rasmun na iyon," pagtatanggol sa kanya ni Tamia.Napaikot na lamang niya ang kanyang mga mata. Ang galing talagang umakto ni Tamia. Malakas ang kutob niya na nagbabait-baitan lamang ito sa harapan ng a

    Last Updated : 2022-02-23
  • LOVE ME AFTER MARRIAGE   Chapter 9

    "Saan n'yo ako dadalhin? Bitiwan n'yo ako!" malakas na sigaw ni Sasa habang kinakaladkad ng mga tauhang inutusan ni Shan para iharap sa kanya ang maid ni Consort Jhing. "Ipasok 'yan dito," utos niya sa mga tauhang inutusan niya."Ikaw ang may pakana nito? Ano ang binabalak mong gawin?" nanlalaki sa galit ang mga mata na tanong ni Sasa sa kanya."Wala naman. Ibabalik ko lang sa'yo ang ginawa mo sa akin noong isang araw," nakangiting sagot niya rito. Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa kanang pisngi nito na agad namula. "Ito naman ay para sa pag-aastang reyna sa harapan ko," isa pang malakas na sampal ang pinadapo naman niya sa kaliwang pisngi nito."Walang hiya ka! Hindi ka ba natatakot na makarating kay Konsorte Jhing ang ginagawa mong ito sa akin?" nanlilisik sa galit ang mga mata na tanong nito sa kanya. Bilib siya sa tapang nito. M

    Last Updated : 2022-02-24
  • LOVE ME AFTER MARRIAGE   Chapter 10

    "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Shan. Huwag kang gumawa ng kuwento," galit na wika ni Tamia nang sitahin ito ni Shan tungkol sa kanyang natuklasan na binabalak nitong gawin kay Prinsipe Cane."Huwag ka nang magkaila pa, Tamia. Inamin na sa akin lahat ni Sasa. Pero huwag kang mag-alala dahil wala naman akong balak na isumbong ka o di kaya ay hadlangan ang binabalak mong gawin. Nandito pa nga ako para tulungan ka," nakangiting sabi ni Shan sa nabiglang dalaga.:Sa tingin mo ay maniniwala ako sa'yo? Siguradong pinapasakay molang ako para wala akong lusot," hindi naniniwalang sagot ni Tamia."bahala ka kung ayaw mong maniwala. Ikaw na nga itong tinutulungan ay ayaw mo pa," inis na sabi niya rito. Hindi niya ipagpipilitan ang kanyang sarili kung ayaw nitong maniwala sa kanya. Akmang tatalikuran na niya ito nnag bigla siyang pigilan.

    Last Updated : 2022-03-02

Latest chapter

  • LOVE ME AFTER MARRIAGE   Chapter 2

    Unti-unting iminulat ni Shan ang kanyang mga mata at iginala sa hindi pamilyar na lugar na kanyang kinaroroonan.Ito ba ang langit? Patay na ba ako? Ganito ba ang hitsura ng langit? Parang nasa loob lamang ako ng isang makaluma ngunit mamahaling kuwarto, ah. Saglit niyang inalala ang huling natatandaan niya bago siya napunta sa lugar na iyon. Pumasok sa isip niya ang pagbabalita sa kanya ni Auria na ikakasal siya sa matandang mayaman bilang kabayaran sa malaking pagkakautang ng kanyang ama, ang pagtakas niya sa bahay nila at ang muntikan na niyang pagkakabangga sa isang kotse ngunit hindi yata natuloy dahil wala naman siyang maramdamang masakit sa kanyang katawan. Kaya ang ibig sabihin ay hindi pa siya patay. Pero nasaan siya? Anong klaseng lugar itong kinaroroonan niya?Bahagyang napanganga si Shan nang biglang pumasok sa kuwartong kinaroroonan niya ang isang babae at basta na lamang umiyak sa kanyang tabi.

DMCA.com Protection Status