Malakas na naibagsak ni Shan sa mesa ang hawak niyang baso nang marinig niya ang sinabi ng kanyang madrasta.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Tita Auria?" tanong niya dahil baka nagkamali lamang siya ng dinig sa sinabi nito.
Inirapan siya ng kanyang madrasta bago inulit ang sinabi nito. "Ang sabi ko ay ihanda mo ang sarili mo dahil magpapakasal ka kay Don Bernardo. Malaki ang naiwang utang ng iyong ama sa matandang iyon at naniningil na siya."
Naikuyom niya ang kanyang mga kamao. Tama pala ang dinig niya sa sinabi nito.
"Bakit ako? Tatlo kaming anak ni Daddy pero bakit ako ang ipapakasal mo sa matandang iyon?" nagpipigil ng galit na tanong niya. Sabagay, alangan namang ipakasal nito ang dalawang anak nito sa isang matandang mayaman na amoy lupa na. Talagang siya ang pipiliin nitong ipakasal sa matandang iyon dahil hindi naman siya tunay nitong anak kahit pa sabihing halos ito na ang nagpalaki sa kanya.
Maliit pa kasi nang mamatay ang kanyang tunay na ina kaya nang mag-asawang muli ang kanyang ama ay ang Tita Auria niya ang nag-alaga sa kanya at tumayong kanyang ina. Ngunit hindi naman niya masasabing naging ina ito sa kanya dahil hindi naman siya tinrato nito na parang sariling anak. Madalas ay inaapi siya nito kapag wala ang kanyang ama. Katulong nito sa pagpapahirap sa kanya ang dalawang malditang anak nito sa unang asawa na itinuring na ring parang tunay na anak ng kanyang daddy.
Noong bata pa siya ay madalas siyang magpaapi sa kanilang tatlo. Ngunit nang lumaki na siya't nagkaisip ay natuto na siyang lumaban at ipagtanggol ang kanyang sarili kaya medyo nabawas-bawasan ang ginagawang pang-aapi sa kanya ng tatlo. Mabuti na lamang at may yaya siya sa katauhan ni Nana Minda kaya kahit paano ay naramdaman niyang mahalin ng tunay. Ang kanyang yaya naman talaga ang tumayong ina para sa kanya.
Masyadong busy sa mga negosyo nito ang kanyang ama kaya hindi nito nalalaman ang mga pinaggagagawa sa kanya ng pangalawa nitong asawa at mga anak-anakan. Ngunit hindi siya nagagalit dito kahit lagi busy ito sa negosyo dahil mahal na mahal niya ang kanyang ama. Kahit madalang lamang nitong gawin ay ipinapasyal pa rin siya nito nang silang dalawa lamang ang magkasama. At lahat ng mga bagay na hilingin niya ay kaagad na ibinibigay nito na siya namang kinaiinisan ng kanyang Tita Auria. Nagseselos ito sa magkaibang pagmamahal na ipinapadama ng kanyang ama para sa kanya at kanyang mga half-sister.
Nang mamatay sa stroke ang kanyang ama ilang buwan na ang nakalilipas ay saka lamang nila natuklasan na lahat ng mga negosyo ng kanyang ama ay nalugi na pala at malaki na ang pagkakautang nito sa matandang mayamang negosyante na si Bernardo Agustin. Ngayon nga ay naniningil na ito at siya pa ang ipinambayad ng kanyang Tita Auria sa pagkakautang ng kanyang ama.
"Natural na ikaw ang ipakasal ko kay Bernardo dahil ikaw naman ang anak ni Raulo. At saka ikaw ang natipuhan niya't hindi ang mga kapatid mo. Pasalamat ka na nga lang dahil hindi na tayo magbabayad ng malaking halaga sa kanya para sa pagkakautang ng ama mo at magbubuhay reyna ka pa sa piling ng matandang iyon," mahabang paliwanag nito. Talagang desidido ang madrasta na ipakasal siya sa matandang iyon.
"Ayaw mo no'n, Shan? Magbubuhay-reyna ka. Iyon nga lang ay matanda ang magiging asawa mo," nakangisi ang mukha na wika ni Chelse. Halatado sa mukha nito na tuwang-tuwa ito sa mangyayari sa kanya.
"Mukhang naiinggit ka, Chelse. Bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa matandang iyon para ikaw ang magbuhay reyna?" Nakaismid na tanong niya sa bunsong anak ng kanyang madrasta.
"Sorry, pero ikaw ang gusto niya kaya magpapaubaya na lang ako," nang-aasar na sagot naman nito sa kanya. Hindi na lamang niya pinatulan ang pang-iinis nito't muling binalingan ang kanyang madrasta.
"Wala na bang ibang paraan para mabayaran natin ang pagkakautang ni Daddy nang hindi ko kailangang magpakasal sa matandang iyon?" nakikiusap ang tono na tanong niya sa madrasta. Ayaw talaga niyang magpakasal. Maliban sa ayaw niyang ikasal sa isang matanda ay bata pa siya para mag-asawa. Kaka-eighteen pa nga lang niya last month tapos mag-aasawa kaagad siya at sa isang matanda pa.
"Kung may pera kang aabot ng dalawampung milyon ay hindi kita pipiliting magpakasal kay Bernardo. Iyon lamang ang tanging paraan para hindi ka magpakasal sa kanya," ani Tita Auria bago nito tinapos ang pagkain nito't iniwan sila sa dinning table.
Biglang nanlumo si Shan. Saang kamay naman ng Diyos niya hahanapin ang ganoon kalaking halaga? Kung tataya naman siya sa lotto ay baka puti na ang mga buhok niya ay hindi pa siya nananalo. Wala ba talagang pag-asa na hindi matuloy ang pagpapakasal niya sa matandang iyon?
***
Nakabuo ng pasya si Shan matapos niyang mag-isip ng magdamag. Hindi siya papayag na magpakasal sa isang matanda at masira lamang ang kanyang buhay. Tatakas siya sa bahay na iyon. Maghahanap siya ng pera at saka siya babalik kapag may malaking pera na siyang hawak para pambayad sa malaking utang ng kanyang ama.Naglagay siya ng konting damit sa kanyang maliit na bag. Pati cellphone niya ay isinama rin niya sa loob ng bag. Hindi niya kinalimutang ipasok sa loob ng kanyang bag ang paborito niyang komiks. Mahilig kasi siyang magbasa ng komiks mula pa pagkabata kaysa ang ma-adik sa mga social media na katulad ng dalawa niyang half-sisters. Romance-Fantasy iyon. Ang kanyang comic book na may title na Love And Destiny ang pinakahuling aklat na ipinabili niya sa kanyang ama bago ito namatay kaya hindi niya ito puwedeng iwan sa bahay na iyon. Kapag kasama niya ang comic book na iyon ay parang kasama na rin niya ang kanyang ama.
Bahagyang napapitlag si Shan nang may kumatok sa pintuan ng kanyang kuwarto. Natatarantang itinago niya ang kanyang bag sa ilalim ng kama bago binuksan ang pintuan. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Nana Minda lang pala ang kumakatok.
"Tumakas ka rito, Shan. Narinig ko kanina si Auria na kausap sa telepono si Bernardo. Ang sabi ay pupunta raw bukas si Bernardo para kunin ka at sa mansion na niya patirahin kahit hindi pa kayo kasal," pagbabalita ng kanyang butihing yaya. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala para sa kanya.
"Tatakas talaga ako, Nana Minda. In fact, nasa bag na ang mga dadalhin ko. Itinago ko lamang sa ilalim ng aking kama nang kumatok ka. Akala ko kasi kung sino na ang kumakatok." Kinuha niya ang bag niya sa ilalim ng kama at inilagay sa ibabaw.
"Umalis ka na. Bilisan mo," ang yaya pa niya talaga ang nagbitbit ng bag niya palabas sa kanyang kuwarto.
Habang naglalakad sila papuntang pintuan ay parang tinatambol ang dibdib niya dahil sa sobrang kaba. Lihim siyang nagdarasal na sana ay walang lumabas sa kani-kanilang mga kuwarto ang mag-iina para hindi makita ng mga ito ang pagtakas niya.
"Saan ka pupunta, Shan? Tatakas ka?"
Tila huminto siya sa paghinga nang marinig niya ang malakas na tinig na iyon ng kanyang madrasta. Pipihitin na nga lang niya ang seradura para tuluyang makalabas ng pintuan ay naabutan pa siya nito.
"Bilis, Shan! Tumakas ka na!"
Ang boses na iyon ng kanyang yaya ang tila nagpagising sa kanyang diwa. Mabilis niyang binuksan ang pintuan at lumabas ng bahay. Hindi niya inalintana ang malakas na buhos ng ulan. Ang mahalaga sa kanya nang mga sandaling iyon ay ang makatakas at tuluyang makalayo sa bahay nila.
Pagdating sa kalsada ay tumakbo siya dahil wala naman siyang nakikitang nagdaraang mga sasakyan para parahin. Hindi siya tumigil sa pagtakbo kahit zero visibility ang kanyang dinaraanan dahil sa malakas na buhos ng ulan. Nang sa tingin niya ay malayo na ang kanyang natatakbo at mukhang hindi naman siya sinundan ng kanyang madrasta ay saka pa lamang siya tumigil sa pagtakbo. Eksaktong paghinto niya sa pagtakbo ay biglang nasilaw siya nang may nakasisilaw na liwanag ang tumama sa kanyang mga mata. Huli na nang ma-realized niyang headlights pala ng isang paparating na sasakyan ang tumama sa kanya.
Ano ba namang kamalasan itong dumapo sa kanya? Nakatakas nga siya sa bahay nila at sa pagiging asawa ng isang matanda ngunit masasagasaan naman pala siya ng isang kotse. Sa sobrang takot na kanyang naramdaman ay nabitawan niya ang dalang bag at bigla na lamang nanigas sa kanyang kinatatayuan. Ngunit bago pa man niya maramdaman ang pagtama ng bumper ng kotse sa katawan niya ay biglang lumiwanag ang paligid. Nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa loob ng kanyang bag. Pagkatapos no'n ay hindi na niya namalayan kung ano ang sumunod na nangyari dahil bigla na lamang siyang hinimatay.
Unti-unting iminulat ni Shan ang kanyang mga mata at iginala sa hindi pamilyar na lugar na kanyang kinaroroonan.Ito ba ang langit? Patay na ba ako? Ganito ba ang hitsura ng langit? Parang nasa loob lamang ako ng isang makaluma ngunit mamahaling kuwarto, ah. Saglit niyang inalala ang huling natatandaan niya bago siya napunta sa lugar na iyon. Pumasok sa isip niya ang pagbabalita sa kanya ni Auria na ikakasal siya sa matandang mayaman bilang kabayaran sa malaking pagkakautang ng kanyang ama, ang pagtakas niya sa bahay nila at ang muntikan na niyang pagkakabangga sa isang kotse ngunit hindi yata natuloy dahil wala naman siyang maramdamang masakit sa kanyang katawan. Kaya ang ibig sabihin ay hindi pa siya patay. Pero nasaan siya? Anong klaseng lugar itong kinaroroonan niya?Bahagyang napanganga si Shan nang biglang pumasok sa kuwartong kinaroroonan niya ang isang babae at basta na lamang umiyak sa kanyang tabi.
Habang inaayusan si Shan para sa kanyang kasal ay hindi pa rin siya makapaniwalang ikakasal siya at sa isang prinsipe pa. Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod na lamang sa mga nangyayari. Maliban sa hindi niya alam ang mundong kinalalagyan niya ngayon ay wala naman siyang maisip na paraan para pigilan at hindi matuloy ang kasal niya sa prinsipe. Kaya no choice siya kundi ang magpatiayon na lamang."Ang ganda-ganda mo naman, Binibining Shan," humahangang sambit ni Manda matapos siyang ayusan ng mga kasambahay nila. Kahit siya ay hindi rin makapaniwala sa nakikitang hitsura niya sa harapan ng salamin. Ang kanyang mahabang buhok ay itinaas ang iba samantalang ang ibang hibla naman ay hinayaang malaglag sa magkabilang gilid. Hindi niya alam kung anong hair style ang tawag doon dahil kakaiba. Kahit ang paglalarawan ay hindi rin niya kayang mailarawan. May malaking parang korona na ipinatong pa
Palakad-lakad si Shan sa loob ng kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Anding, ang pinuno ng mga kawaksi sa manor ng prinsipe na kanyang napangasawa. Kanina matapos siyang mailigtas ni Prinsipe Cane ay basta na lamang siyang iniwan sa kamay ni Anding na hindi naman malaman kung ano ang gagawin sa kanya. Pagkatapos ng ilang minutong pag-aalinlangan at pag-iisip kung ano ang gagawin sa kanya ay nagpasya itong samahan siya sa isa sa mga kuwarto sa loob ng manor. At ngayon nga ay hindi siya mapakali. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang mali at naghihintay kung ano ang kanyang magiging parusa. "Binibining Shan, mukhang walang may gusto na nandito ka kahit isa man lang sa mga tao rito. Kanina pa tayo rito ngunit wala man lang pumupunta rito para kausapin ka. Ni wala ngang sumalubong sa'yo pagdating mo kanina. At kung hindi ka pa binalak ni Ginoong Rasmun na kidnapin ay hindi pa lalabas si Prinsipe Cane para pigilan ang kasintahan mo
Magli-limang oras nang nakaluhod si Shan sa sahig habang may asin sa ilalim ng kanyang mga tuhod. At pati si Manda na ipinagtanggol lamang siya ay kasama na rin niyang nakaluhod. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng parusa dahil kahit minsan ay hindi siya pinarusahan ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito sa tunay na mundo at hindi dito sa mundo ng komiks. Pinagpapawisan na siya ng malapot lalo at nakasuot pa siya ng veil sa kanyang ulo. Nanginginig na rin ang kanyang mga tuhod at ramdam na niya ang hapdi ng asin sa kanyang balat. Gusto niyang maiyak sa sitwasyong nasangkutan niya. Araw ng kasal niya ay heto siya't nakaluhod na parang nakagawa siya ng malaking kasalanan. Dapat nga ay magsaya siya dahil araw ng kasal niya sa isang prinsipe ngunit kabaliktaran ng nangyayari. Nagdurusa siya ngayon dahil sa kasalanang hindi naman niya masasabing kasalanan talaga. Kasalanan ba niya na nakakapagsalita siya? Hindi ba dapat matuwa ang ina ni Prinsipe Can
Kanina pa si Shan palakad-lakad sa loob ng kanyang kuwarto. Pangatlong araw pa lamang niya sa manor ni Prinsipe Cane ay sobrang nabo-bored na siya. Hindi siya masyadong lumalabas sa kuwarto niya dahil ayaw niyang makadaupang-palad ang ina ni Prinsipe Cane pati na rin si Tamia na mukhang mabait naman ang hitsura ngunit hindi pa rin siya kumbinsido sa kabaitang ipinapakita nito sa kanya."Wala man lang mapaglibangan sa mundong ito. Mababaliw ako kung magtatagal pa ako rito," himutok ni Shan. Sa dinami-rami ng puwede niyang mapasukan ay sa loob pa siya ng komiks nakapasok. Masarap lamang basahin ang kuwento ng komiks na pinasukan niya ngunit hindi maganda kung mai-experience niya mismo. Walang cellphone walang internet, kahit ano wala. "Ano ba ang ginagawa ko dati kapag naiinip ako?""Nagbuburda po kayo, Binibining Shan. Iyan ang gustong-gusto mong gawin para palipasin ang oras at hindi ka mainip," sagot sa kanya ni Manda.
Hindi mapigilang kabahan ni Shan habang pinapalibutan sila ng mga assassin. Ang lakas ng dagundong nang kanyang dibdib. Sa sobrang lakas ay naririnig na niya ang pagtibok ng kanyang puso. Tila gusto ng lumabas sa kanyang rib cage ang kanyang puso dahil sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok niyon."Binibining Shan, ano ang gagawin natin ngayon?" tila maiiyak na tanong sa kanya ni Manda. Mukhang hindi ito sanay na malagay sa ganoong sitwasyon. Kung hindi ito sanay ay lalo na siya. Never pa siyang nakaharap ng mga assassin sa buong buhay niya."Hindi ko alam," kinakabahan din niyang sagot. Kinuha niya ang bag niya sa kanyang likuran at kinipkip itong mabuti na para bang maililigtas sila ng bag niyang iyon. Pero ano nga ba ang kailangan nila sa kanya? Wala naman siyang kaaway kaya sino ang magtatangka sa buhay niya? "Ano ang kailangan ninyo sa amin? Wala naman kaming kasalanan sa inyo."Mamamatay na siya kaya mas mabuting malaman niya kung ano ang dahilan at bakit sila pina
"Saan ka nanggaling, Shan?"Mula sa tangkang pagpasok sa loob ng kanyang kuwarto ay biglang napahinto si Shan nang marinig ang malakas na boses na iyon ni Consort Jhing. Walang anuman na nilingon niya ito."Pumunta lamang ako sa bahay namin para kunin ang bag ko," sagot niya rito."Baka naman nakipagkita ka lamang sa iyong kasintahan kaya ka umalis. Kunwari ay kinuha mo iyang, bag-bag na tinutukoy mo pero ang totoo ay nakipagkita ka sa lalaki," nanlilisik ang mga matang wika nito."Ina, baka naman nagsasabi ng totoo si Shan. Hindi naman siguro siya nakipagkita sa Rasmun na iyon," pagtatanggol sa kanya ni Tamia.Napaikot na lamang niya ang kanyang mga mata. Ang galing talagang umakto ni Tamia. Malakas ang kutob niya na nagbabait-baitan lamang ito sa harapan ng a
"Saan n'yo ako dadalhin? Bitiwan n'yo ako!" malakas na sigaw ni Sasa habang kinakaladkad ng mga tauhang inutusan ni Shan para iharap sa kanya ang maid ni Consort Jhing. "Ipasok 'yan dito," utos niya sa mga tauhang inutusan niya."Ikaw ang may pakana nito? Ano ang binabalak mong gawin?" nanlalaki sa galit ang mga mata na tanong ni Sasa sa kanya."Wala naman. Ibabalik ko lang sa'yo ang ginawa mo sa akin noong isang araw," nakangiting sagot niya rito. Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa kanang pisngi nito na agad namula. "Ito naman ay para sa pag-aastang reyna sa harapan ko," isa pang malakas na sampal ang pinadapo naman niya sa kaliwang pisngi nito."Walang hiya ka! Hindi ka ba natatakot na makarating kay Konsorte Jhing ang ginagawa mong ito sa akin?" nanlilisik sa galit ang mga mata na tanong nito sa kanya. Bilib siya sa tapang nito. M
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Shan. Huwag kang gumawa ng kuwento," galit na wika ni Tamia nang sitahin ito ni Shan tungkol sa kanyang natuklasan na binabalak nitong gawin kay Prinsipe Cane."Huwag ka nang magkaila pa, Tamia. Inamin na sa akin lahat ni Sasa. Pero huwag kang mag-alala dahil wala naman akong balak na isumbong ka o di kaya ay hadlangan ang binabalak mong gawin. Nandito pa nga ako para tulungan ka," nakangiting sabi ni Shan sa nabiglang dalaga.:Sa tingin mo ay maniniwala ako sa'yo? Siguradong pinapasakay molang ako para wala akong lusot," hindi naniniwalang sagot ni Tamia."bahala ka kung ayaw mong maniwala. Ikaw na nga itong tinutulungan ay ayaw mo pa," inis na sabi niya rito. Hindi niya ipagpipilitan ang kanyang sarili kung ayaw nitong maniwala sa kanya. Akmang tatalikuran na niya ito nnag bigla siyang pigilan.