“Hello, Kuya.” Bungad ni Rheniel ng sagutin na niya ang tawag ni Rhayan.“Anong balita?” tanong ng isang baritono na boses mula sa kabilang linya.“Wala ng problema Kuya. Pinauwi ko na muna si Don Fernan upang makapag pahinga.”“Anong nangyari doon sa kapatid niya?” tanong nito.“Ayun, pinakain ko sa aso ang daliri niya.”“What?” gulat na reaksyon nito.“Kuya naman. Huwag mong sabihin na hindi kasama yan sa parusa mo. Sinabi ng tauhan mo na pinuputol ang daliri ng sinuman na nagkasala. Kaya iyon ang ginawa ko.” paliwanag niya habang binubuhay ang makina ng kanyang bagong bili na hybrid sports car– ang Aston Martin Valkyrie. Binili niya ito dahil nalaman niyang mahilig si Brenda sa car racing tulad din niya. Plano niyang isama ito sa South City upang sumali sa competition. Ngunit mukhang malabo na mangyari iyon dahil tiyak sa gagawin niya maari na namang bumaba ang langit sa lupa mamaya. “Rheniel, nandyan ka pa ba?”Ipinilig niya ang kanyang ulo ng marinig ang boses ng kanyang kuya.
“Brod, let me hold my woman.” Wika niya sa dominanteng boses sabay kuha ng kamay ni Brenda at ilipat sa braso niya. Ngunit agad nitong hinatak iyon at galit na humarap sa kanya.“Anong ginagawa mo rito?” Gusto niyang magalit dahil sa ginawa nito, ngunit pilit niyang pinipigilan ang sarili ng maalala ang sinabi ng Kuya niya. “Sinusundo ka.” nakangiti niyang sagot.“Marunong akong umuwi. Hindi na kailangan.” sagot nito at agad siyang tinalikuran.“Well, nandito na ako. Sinundo na kita at wala ka ng magagawa.” agaran niyang sagot habang sinusundan ito dahilan upang lalo itong mamula sa galit na binalingan siya. Hindi niya ito pinatulan ng makipag tagisan ito ng titig sa kanya. Sa halip nilagay niya ang dalawang daliri sa ulo at ginawa itong parang sungay at nginisihan ito. Alam niyang gusto nitong tumawa dahil sa itsura niya ngunit pinipigilan lang nito.“Miss Polido, I think–”“You need to go home.” putol ni Rheniel sa gusto sanang sabihin ni Mr. Ronzales. Agad naman nitong naiintindi
“Bakit? May kulangot ba ako sa ilong?’ Nagtataka na tanong ni Brenda ng mapansin na nakatulala si Rheniel habang nakatitig sa kanyang mukha. Kanina pa niya winawagayway ang kanyang mga kamay sa mukha nito ngunit tila hindi man lang ito kumurap. Nanatiling nakatitig ito sa kanya, na para bang hindi makapaniwala na nasa harap siya nito. Ilang sandali pa, nagulat na lang siya ng bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. “Small world, isn’t it? Sino ang mag-akalang ang matagal ng hinahanap ni Mommy na bestfriend niya ay ina mo pala.” Puno ng emosyon nitong wika sa kanya. Biglang lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa narinig. “Teka, sandali,” Kumalas siya ng yakap rito. “Ano ang ibig mong sabihin?” “Si Kim Mijares ay sekretarya noon ni Mommy hanggang sa nakilala niya si Daddy. Naging matalik silang magkaibigan at siya ang naging karamay ni Mommy noong mga panahon na nagkakalabuan sila ni Daddy. Bakit ko alam? Dahil bata pa kami, lagi na itong kinu-kuwento ni Mom at Dad sa amin. Lahat sa b
Dalawang oras ang makalipas, nagpasya silang lumabas ng hospital. Dumaan muna sila sa condo upang makapag palit ng damit. Matagal siyang nakatitig sa salamin. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na buntis siya sa anak ni Rheniel. Hinimas-himas niya ang tiyan. Napangiti siya ng maalala ang sinabi nito. Hindi pa man lumalabas ang anak ngunit sigurado na agad itong lalaki, dahil son ang tawag nito.“Huwag kang mag-alala, gwapo yan paglabas. Wala kaming lahi na pangit.” Mula sa reflection ng salamin, nakita niya si Rheniel na nakasandal sa pintuan habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung kanina pa siya nitong pinanonood. Pilyo itong ngumiti at lumapit. Hindi siya nakahuma ng gawaran siya nito ng halik sa labi. “Nasa labas na ang Private Jet, ready ka na ba?” nakangiting pinulupot nito ang kamay sa baywang niya. Aminin niyang hindi pa siya sanay sa biglang pagiging sweet nito. Akala niya dati cold hearted ito, ngunit ngayon kabaliktaran iyon dahil sobrang sweet na Rhe
“Nasa loob po ng emergency Room. In-ambush kami sa daan pauwi. May mga sugat na tinamo si GrandMaster dahil nagpagulong-gulong ang kanyang kotse at nalaglag sa bangin.” “Inang Pvta!” Napamura siya dahil sa narinig. Nagtagis ang mga bagang niya. “Kumusta ang lagay niya?” Tanong niya habang malaki ang mga hakbang na pumunta sa parking lot. Nag-alala siya sa kalagayan ng kanyang ama. “Hindi naman siya ganun ka-lala Master. Nakalabas siya ng sasakyan bago pa man ito sumabog.” “Damn! Saan kayong hospital? Pupunta ako.” Sinimulan na niyang paandarin ang Kotse. “Nasa ENYU Hospital, Master.” Agad na niyang pinatay ang tawag matapos niyang marinig kung saang hospital ang ama. Pinasibad niya ito sa sobrang pag-alala. Hindi na niya sinabi pa sa kanyang ina at baka himatayin na naman ito kapag nalaman ang nangyari. Muli niyang kinuha ang cellphone at nagdial ng numero ni Hera. Ayaw niyang mag-alala ito. “Love, umalis muna ako sandali. Papuntahin mo na lang muna si Vian diyan upang may kasama
“Kapag may nangyari kay Dad, hindi ko mapapatawad ang sarili ko, Uncle. Lumaki akong mulat sa katotohanan kung paano niya kami protektahan. Sana ngayon ako naman. Hayaan niyang ako naman ang pumoprotekta sa kanya.”“Son, matanda na ako. Tumanda na ako sa tabi ng Daddy mo. Huwag ka sanang magalit sa kanya kung nagawa niyang ilihim sayo ang plano niya. Nang makita ng Daddy mo ang sitwasyon mo noon habang buhat mo si Hera, sinumpa ng iyong ama na habang buhay siyang nandyan para sa inyo. Na hindi siya dapat makampante kahit subok na niya ang talino at katapangan mo. Dahilan niya, matanda na siya at kayo bata pa. Dapat noon, tinapos na ng ama mo ang serbisyo namin sa kanya matapos niyang matagpuan na buhay ka pa. Ngunit muli niya kaming tinipon at pinag-isa para sa mga huling laban namin. Kaya asahan mo ng nandiyan palagi ang iyong ama sa lahat ng mga laban mo.”Magkasunod siyang tumango. Naintindihan niya ang saloobin nito. Umangat siya ng mukha at sabay silang napatingin sa gawi ng emer
Pagdating ng mansyon, nagulat ang lahat ng makita ang maraming sugat sa mukha at buong katawan ni Dustin. Napaiyak si Rihanna ng makita ang sitwasyon ng asawa niya. Nanginginig ang mga kamay nito habang hinahaplos ang pisngi ni Dustin."Anong nangyari sa 'yo? Naospital ka hindi mo man lang sinabi sa akin?" Nanunumbat na sabi nito. Pati si Rhayan, galit nitong tinapunan ng tingin."Mom, I'm sorry. May sakit kayo sa puso at ayokong may mangyaring masama sa inyo." Hinging paumanhin ni Rhayan. Akmang yayakapin nito ang ina ngunit hindi siya nito hinayaan. Talagang nagtatampo ito sa kanilang mag-ama."Dahil sa may sakit ako sa puso tinanggalan nyo na ako ng karapatan na mag-alala sa inyo. Ano niyo ba ako? Sino ba ako sa pamamahay na ito? Hindi ba isa akong asawa at ina? Ngunit nagawa ninyong maglihim sa akin!" Galit itong tumalikod sa kanilang dalawa at umakyat sa silid nito.Nagkatinginan lang ang mag-ama."Don't worry son, ako na ang bahala magpaliwanag sa mommy mo." Tinapik niya ang ba
Matapos nilang kumain, pinili munang maghiwalay ni Brenda at Rheniel. Si Brenda ay kinausap ni Rihanna, samantalang si Rheniel ay kinausap naman ni Rhayan at Dustin."Anak, masaya ako at nagtagpo ang landas ninyo ng aking anak." Naluluhang wika ni Rihanna habang yakap si Brenda. "H-Hindi ko po alam na magkaibigan kayo ng nanay ko. Meron po ba kayong pictures niya? Simula kasi noong nagka-isip ako, wala ng nanay sa tabi ko. Kahit picture o, puntod niya, wala akong nakikita." Naluluhang saad ni Brenda. Nakaramdam naman ng awa si Rihanna para sa anak ng kaibigan niya. "You mean, hindi mo rin alam kung patay o, buhay na nga ang nanay mo?" Hindi makapaniwala na tanong ni Rihanna.Magkasunod na umiling si Brenda. "Hindi ko rin alam kung ano ang totoo Tita. Ang sabi sa akin ni Daddy, iniwan daw ako ni Mommy sa kanya bago ito namatay. Nagkaroon ng preeclampsia si Mommy noong pinagbubuntis pa lang daw ako. Hindi daw nito kinaya at mas pinili na ako ang mabuhay kaysa sa kanya." Sunod-sunod ang
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an