Dahil natapos ko na ang mafia Kings battle for Love, makapag foxus na ako upamg taousin si Rhayan hanggang next week. Next na ang story ni Rheniel.
ONE MONTH LATERHindi na pinilit ni Rheniel na magpakasal sila ni Brenda. Nakapag Desisyon na rin sila na isang kasalan na lang sa simbahan, matapos ang kasal ni Rhayan at Hera. “Ako na muna Bro. Ako ang panganay kaya ako ang dapat mauna na ikasal.” wika ni Rhayan. Kasalukuyan silang nag bonding na magkakapatid na lalaki. Kasama nila si Dustin na nag-iinuman sa rooftop ng kanilang mansyon. Sa tabi nito ay swimming pool kung saan naroon naman lahat na mga babae. Kahit ang Triplets sumasali na rin sa inuman nila, kesyo turning to 16 na raw ang mga ito at pwede nang uminom. Binigyan ng wine ni Rhayan ang ama at tinanggap naman nito. Mistula silang mga sexy model dahil sa mga suot nilang swimming trunks habang umiinom.“Kasal ka naman Kuya eh.” sabat ni Rheniel habang inaalog ang baso na may lamang alak at panay ang sulyap sa gawi ni Brenda. Bumalik siya sa sarili ng marinig ang sinabi nito.“Iba iyon. Iba pa rin ang mabigyan ko ng engrandeng kasal si Hera. Pangarap ‘yon ng lahat ng m
“Kuya tingnan mo si Ate Hera, parang tulog na.” wika ni Zeyven ng tumayo na ito mula sa inuupuan upang sumunod sa mga kambal na maligo sa pool. Napansin naman ito ni Rhayan. Saka niya lang nakita na Alas nwebe na pala ng gabi. Dito sila nag hapunan sa gilid ng pool at napag desisyunan na rin na maligo.Gusto pa sana niyang makipag kwentuhan sa ama ngunit kailangan pa niyang puntahan ang asawa. “Dad, mauuna na muna ako, tulog na yata ang asawa ko.” Paalam niya at agad ng tumayo.“Sige anak, susunod na rin ako. Mukhang hindi pa maputol-putol ang pag-uusap ni Brenda at ng Mommy mo.” Dahil lumalalim na ang gabi, umahon na sa pool sina Dharyne at Dharylle kay ang triplets na lang ang natitirang naliligo.—“Love?” Nagulat si Hera ng maramdamang may mga bisig na yumakap sa kanya. Napansin niyang nasa loob na siya ng silid nilang mag-asawa. Nakita niya ang namumungay na mga mata nito dahilan upang lalong naging gwapo ito sa paningin niya. Dinampian siya nito ng mainit na halik sa labi. Nang
Nagkatinginan ang dalawang babae. "Paano tayo makakalabas dito gayung maraming nag-aabang na bodyguard nila sa labas? Tanong ng isang babae. "Easy lang. Nakapasok nga tayo na nandyan sila, ang paglabas pa kaya?" Hinawakan nito ang suot na earpiece. Nakahanda na kami." Ilang sandali pa, biglang lumabas ang makapal na usok sa harapan nina Altaire at ng mga tauhan niya. Inubo silang lahat at nahihirapan na makakita dahil iritasyon na dulot ng Tear Gas na hinagis sa gawi nila. "Fuck! Maam Hera!" Nahihirapan na sigaw ni Altaire bagamat pinipilit na hanapin ang asawa ng master niya sa gitna ng makapal na usok. Kabilin-bilinan ng Master niya na huwag pabayaan ang asawa nito. "M-maam Heraah!" Muling sigaw niya ngunit hindi na kinaya ng katawan nila dahil unti-unti ng sumisikip ang kanilang dibdib. Bago pa siya matumba, agad na niyang tinawagan ang master niya. "Master, patawad, may nangyari sa loob ng mall, nawawala si Maam Hera—" Hindi na nito natapos ang sasabihin ng bigla na lang ito na
Muling nag ring ang cellphone niya. Si Rheniel ang tumatawag. “Hello, Kuya? Anong sabi niyo sa text na may nangyari kay Brenda at Hera?”“Dinukot sila ng kanyang ama! Sa mansyon na tayo mag-usap.” wika niya rito at pinatay na ang tawag. Nagmamadali siyang pumasok sa sasakyan. . Kahit yupi-yupi na ito dahil sa suntok niya, ito pa rin ang sinakyan niya pabalik ng mansyon. Pagdating niya, nakita niya ang ama na nagbibigay ng instructions sa mga warriors nito. Tinawagan niya rin ito kanina, upang ipaalam ang nangyari.“Anak, nabalitaan ko ang nangyari. Pinahanda ko na ang mga tauhan ko.”“Salamat Dad. Sisiguraduhin kong matatapos ko ang laban na ito upang hindi na muli pang maranasan ng mga kapatid ko. Tumulo ang luha niya na yumakap sa ama. Tinapik-tapik ni Dustin ang likuran ng kanyang anak. Sinisisi niya rin ang sarili niya kung bakit humantong sa ganito. Naaawa na siya kay Rhayan. Ang daming nangyari sa anak niya simula noong maliit pa ito. Naranasan na nito ang muntik ng mamatay. I
“Gusto ko yan! Hahahaha!” Ngising aso ang itsura ni Nashmin habang nakatingin kay Hera. Nabitawan nito ang baril ng nahiwa ng kutsilyo ni Hera ang kamay nito. Tahimik lang si Hera ngunit sinusuri niya kung saang parte ng katawan ni Nashmin ang pwede niyang punteryahin sa kasalukuyang sitwasyon nila ngayon. Ng makita niyang dadamputin nito ang baril agad niyang inunahan ito at sinipa palayo. Kita niya ang paniningkit ng mga mata nito habang nakatingin sa tiyan niya. Alam niyang tiyan niya ang pinupunterya sa susunod nitong hakbang. Hindi nga siya nagkamali dahil mabilis itong lumapit sa kanya upang tadyakan ang kanyang tiyan. Ngunit hindi niya hinayaan na mangyari iyon dahil nakahanda na siya na saluhin ng kamay niya ang kanang paa nito. Hinawakan niya iyon at hinila ng patiwarik dahilan upang ito’y matumba. Mabilis itong bumangon at sumugod sa kanya. Itinuro na sa kanya ni Rhayan kung paano aralin ang mga galaw ng kalaban. Kung mabilis ito, kailangan mas mabilis din siya upang hindi
“Mam Hera, kahit sa maikling panahon lang na pinagsamahan natin, makikita mo sa mga mata ko kung kailan ako nagsasabi ng totoo at kung kailan ako nagsisinungaling. Sa lahat ng mga nangyayari ngayon, isa lang ang totoo. Iyon ay ang pagmamahal ko kay Rheniel. Sa loob ng isang buwan na kasama ko kayo, tinuring nyo ako bilang tunay na pamilya. Sayang dahil sinira ng ama ko ang tiwala na binigay n’yo sa akin. Ngunit kaya kung patunayan sa inyo na malinis ang intensyon ko. Mayroon akong nakitang lihim na lagusan ng pumunta ako rito. Sumama kayo sa akin.”“P*****a ka Brenda! Papatayin ka ni Daddy kapag nalaman niya itong ginawa mo!” Sigaw ni Nashmin.“Alam ko! Ngunit masaya akong mamatay sa kamay ng sarili kong ama upang hindi ko maramdaman na utang ko ang buhay ko sa kanya!” sagot ni Brenda. “Pvtang Ina Ka! Pap—” Bang! Hindi na nitong natapos ang sasabihin dahil naiinis na binaril ito ni Vian sa ulo.“Pvtang ina mo rin, matulog ka na !” sigaw din ni Vian. Nakadilat pa ang mga mata ni Nashm
SA KABILANG banda napagtagumpayan na ipalabas ni Hera ang pangalawang kambal niya."Ma'm nakalabas na ang isa pang sanggol. Lalaki silang dalawa Ma'am." Naluluha sa tuwa si Vian nang sa wakas nakaraos ang babaeng boss niya sa pagsilang ng dalawang anak nito. Maingat niyang binalot ang isa pang bata ng lampin at tinabi sa kambal nito na nakahiga sa patag na bato na sinapinan lang ng plastic."Mga babies dito na muna kayo, lalabas pa ang isang kambal n'yo." Hindi ni Vian maiwasan na manggigil sa dalawang kambal habang kinakausap ang mga ito. "Napa cute at ang lusog ng mga anak mo, Maam. Talagang nagmana sila sa bloodline ng mga Crawford. Ang gwapo at ang tangos ng ilong. Hindi talaga nawawala ang dimple sa lahi nila." Nanggigigil na wika nito habang pinapailawan ng flashlight mula sa cellphone.Ngumiti si Hera dahil sa sinabi ni Vian kahit ngayon ang pakiramdam niya hindi na niya masubaybayan ang kanyang mga anak hanggang sa paglaki ng mga ito. Nilagay niya ang dalawang kamay sa tiyan n
"Ma'm Hera! Huwag mong iwan ang mga anak mo ma'am!""Hera!" Sigaw ni Brenda ng marinig ang boses ni Vian mula sa loob ng balon."Brenda, tulungan mo kami! Nag-aagaw buhay si Hera! Dalawang sanggol lang ang naipalabas niya!"Natarantang hinawakan ni Brenda ang ama."Dad please..tulungan nyo si Hera. Kawawa ang mga bata." Pagmamakaawa niya sa ama. Nilunok niya ang kanyang pride para lang tulungan siya nito."At ano naman ang makukuha ko kung sakaling tulungan ko sila? Alam mo ba ang hinihingi mo sa akin, Brenda? Gusto mong tulungan ko ang pamilya ng kalaban ko! Ang taong pumatay sa kuya mo!" Galit na singhal nito sa kanya.Yumakap siya rito. "Dad, hindi ito dahil sa gusto kong tulungan mo ang pamilya ng kalaban mo, kundi dahil sa pagiging ama mo sa akin. Bilang anak mo ito ang kahilingan ko, ang iligtas ang mga taong naging parte na ng buhay ko. Pwede ka pang magbago Dad. Naniniwala ako na mayron pang natitirang kabutihan dyan sa loob mo.""Patawad anak. Ngunit talagang masama akong tao.
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an