"Ma'm Hera! Huwag mong iwan ang mga anak mo ma'am!""Hera!" Sigaw ni Brenda ng marinig ang boses ni Vian mula sa loob ng balon."Brenda, tulungan mo kami! Nag-aagaw buhay si Hera! Dalawang sanggol lang ang naipalabas niya!"Natarantang hinawakan ni Brenda ang ama."Dad please..tulungan nyo si Hera. Kawawa ang mga bata." Pagmamakaawa niya sa ama. Nilunok niya ang kanyang pride para lang tulungan siya nito."At ano naman ang makukuha ko kung sakaling tulungan ko sila? Alam mo ba ang hinihingi mo sa akin, Brenda? Gusto mong tulungan ko ang pamilya ng kalaban ko! Ang taong pumatay sa kuya mo!" Galit na singhal nito sa kanya.Yumakap siya rito. "Dad, hindi ito dahil sa gusto kong tulungan mo ang pamilya ng kalaban mo, kundi dahil sa pagiging ama mo sa akin. Bilang anak mo ito ang kahilingan ko, ang iligtas ang mga taong naging parte na ng buhay ko. Pwede ka pang magbago Dad. Naniniwala ako na mayron pang natitirang kabutihan dyan sa loob mo.""Patawad anak. Ngunit talagang masama akong tao.
Parang tinamaan ng kidlat si Rheniel dahil sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Napasuntok siya sa kanyang dibdib upang tanggalin ang sakiy sa loob, ngunit bakit ganito? Walang kapantay ang sakit na nararamdaman niya. "Brenda, hindi mo pwedeng gawin sa akin 'to. Hindi mo pwedeng ilayo sa akin ang anak ko!"Gulat na binalingan ni Roman si Brenda. SLAP!Nabaling sa kabila ang pisngi ni Brenda dulot ng malakas na sampal ng kanyang ama."Nagpabuntis ka sa anak ng mortal ko pang kaaway!""Roman! Walang kinalaman ang relasyon namin ni Brenda sa alitan niyo ng pamilya ko!""Tumahimik ka!" Singhal ni Roman kay Rheniel. "Kahit kailan hindi ko matatanggap na dumikit ang bloodline ng mga Crawford sa pamilya Sinco!"Lalong sumikip ang dibdib ni Brenda. Hindi niya alam kung saan niya ilulugar ang sarili niya. Paeang gusto na niyang mamatay sa mga oras na ito. Nakabalik siya sa sarili niya ng maramdaman ang paghatak ni Roman sa kamay niya."Halika sumama ka sa akin. Nangako ka!""B
âSir, just wait outside.â Sa pintuan pa lang napahinto na si Rhayan sa kanyang malaking hakbang ng bigla siyang pinigilan ng Doctor. Ngunit tila wala siyang narinig dahil nagpupumilit pa rin siyang sundan si Hera sa loob ng Intensive Care Unit(ICU). âPlease save both my wife and son.â Nakikiusap ang kanyang mga mata at naiintindihan naman ito ng Doctor. Bahagya itong tumango habang kinakausap siyang sa labas na lang maghintay."Don't worry, we will do our best to save them." Saka pa lang siya pumayag na lumabas ng marinig ang assurance nito na iligtas ang asawa at anak niya. Nanghihina siya na umupo sa nakahilirang upuan sa labas ng Intensive Care Unit. Bahagya siyang yumuko; itinukod ang dalawang siko sa magkabilang binti niya habang ang kanyang mukha ay natatakpan ng kanyang dalawang palad. Panay pa rin sa pag-agos ang kanyang mga luha. Sobrang awa ang nararamdaman ni Lendon habang nagmamasid sa master niya. Sa tagal niya na paninilbihan rito, ngayon pa lang niya nakita kung ga
âAnak, anong wala na si Hera? Kaya nga kita hinahanap kanina pa para sabihin saâyo na inilipat na sa kabilang ICU ang asawa mo. Mas kumpleto kasi sa facilities ang kabilang unit. Pero sabi ng Doctor ligtas na raw siya after masalinan ng ilang bags ng dugo. Ngunit ang baby mahina ang heartbeat niya. Nasa loob ngayon ng incubator.â Nakita niyang tulala pa rin si Rhayan habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung nakikinig pa ba ito o, lumilipad na ang utak nito kung saan. âAnakââ Hindi na niya natapos pang magsalita ng biglang pumasok si Rhayan sa loob ng ICU kung saan nanggaling kanina si Hera. Nanginginig ang kamay ni Rhayan habang unti-unting binubuksan ang puting kunot na nakatakip sa katawan ng akala niyang asawa niya. Panay sa pagtaas baba ang adams apple niya sa sobrang kaba. Bumagsak ang luha niya ng makita na hindi si Hera ang natatakpan ng kumot. Hindi ito luha ng pagdadalamhati kundi luha ng sobrang saya. âPvtang Ina!â namura niya ang sarili. Napahalakhak siya sa sobr
HARRIGAN - CRAWFORD WEDDINGâBakit ka ba umiiyak, Hailey? Ayusin mo nga ang mukha mo. Kung umiyak ka daig mo pa ang namatayan. Ikakasal ang anak natin at hindi ililibing.â Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng slacks at binigay iyon sa asawa.Kinuha ni Hailey ang panyo at agad na pinahid iyon sa mga luha niya. Kasalukuyan silang dalawa naghihintay na magbukas ang malaking crystal door kung saan doon papasok ang anak nila para sa bridal march nito. Tapos na silang magmarcha at nalula siya sa kasal na inihanda ni Dwayne este ni Rhayan para sa anak niya. Muling siyang suminghot at pinahid ang luha niya. Itinuon niya ang atensyon kay Rhayan na kasalukuyang nakatayo sa gilid ng Crystal made na altar. Sa tabi nito ang CEO ng Crawford Empire na nitong huli niya lang din nalaman na Kapatid rin pala ni Rhayan. Sa tuwing naalala niya ang kahihiyan na ginawa niya sa kanyang manugang pakiramdam niya gusto na niyang matunaw. Tulad ngayon, hiyang-hiya siya habang nakatayo sila sa gitna ni Fernan at na
âI, Rhayan Crawford, take you, Hera Harrigan, as my lawful wife, to have and to hold from this day forward, for better or worse, richer or poorer, in sickness and health, until death do us part.ââI, Hera Harrigan, take you, Rhayan Crawford, to be my husband. I promise to be faithful to you in good times and bad, in sickness and health, and to love and honor you for the rest of my life.âMatapos nilang tanggapin ang isaât-isa muling nagsalita ang pari para sa pagbibigayan nila ng singsing.âMay the Lord, in his kindness, strengthen your agreement in front of his people as blessings come true in you. What God has joined together, no one should break apart. May the Lord bless these rings, which you will give to each other as a symbol of your love and commitment.âThe priest sprinkles the rings bago binigay ang isa kay Rhayan. Tinanggap iyon ni Rhayan at kinuha ang kamay ni Hera. Pinosisyon niya ang singsing sa ring finger ni Hera, Hindi pa man siya nagsasalita para sa wedding vows niya
Pigil ang pagtawa ni Hera habang nakatingin sa nanggigigil na mukha ng asawa niya. Itinaas niya ang dalawang daliri at nag sign of peace. Kinagat lang nito ang ibabang labi habang nakatingin sa kanya. Para na kasing siyang sisinok sa pagpigil ng kanyang mga luha kaya naisipan niyang isingit sa vows niya ang nangyari sa asawa niya ng akala nitong namatay na siya. Kasalanan nito kinuwento pa sa kanya kaya tuloy ginawa niyang additional sa funny time niya. Muli siyang nagseryoso ng mukha saka nagsalita. âAlam kong hindi pa yun ang katapusan ng mga pagsubok na maaring dumating sa ating buhay. But even if there are many difficulties ahead of us, I'm no longer afraid because we've already proven our shared strength. I swear to feel your pain and be there for you whether you need comfort, in joy or in sorrow. I am you and you are me. I promise to love and cherish you, alongside our lovely kids, forevermore, until the end of eternity.â Masigabong palakpakan ang sumakop sa buong venue matapos
"Anak mamimis ko ang mga apo ko. Uuwi na ba talaga kayo ng whitebridge?" Nalulungkot na wika ni Dustin habang karga si Anthony Rylan. "Yes, Dad. Malaki na kasi ang losses ng RH Empire dahil matagal na panahon ng hindi namin iyon na managed ng maayos." Paliwanag ni Rhayan habang nag-iimpake ng mga damit ng triplets. Kaunti lang ang dala nilang damit dahil balak niyang doon na lang bumili sa White Bridge City. "Baka sa susunod na linggo magbabakasyon na rin kami sa inyo. Hindi pwedeng hindi ko makita ang mga apo ko lalo na ito, dahil sanay na na si Rylan na kami ng Lola niya ang katabi sa pagtulog." Halata sa boses ng kanyang ama na ayaw nitong ipadala si Rylan. At kung hindi siya nagkamali mas gusto nitong ipaiwan si Rylan at isama na lang pag magbakasyon ang mga ito sa Whitebridge."Dad, gustuhin ko man, ngunit hindi naman pwedeng magkakahiwalay ang mga anak ko. Alam nyo naman ayaw ng asawa ko na hindi nakikita ang triplets." Muli niyang paliwanag sa ama. "Anyway, Dad, you can visit
âShit!â Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. âCiela what happened here?â Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.âI will show you, master.â Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. âTangâna! Kayang-kaya naman gawan ng paraan âyan hindi ba?â âYes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.âNagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. âGusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!â âHuwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!â Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.âMum! Please! Sumuko ka na!â Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. âHindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa âkin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!âMagkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
âCiela.ââYoung Master.â Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.âYouâre aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!â Bungad ni Rhayan sa galit na boses.âIâm sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa âyo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.ââBut something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa âkin may iba pa palang pinaplano si Trishia?ââNo, master. Ang sinabi ko saâyo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi saâyo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala saâyo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. âSir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon bastaât nasa magandang kumpanya sila.ââNonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?â Sir, napanood nâyo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.â"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. â Kuya?ââRianne, nasaan ka?â Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.âNandito sa ospital. Bakit Kuya?â Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
âAhhhh! Thriiiisia!â Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. âDonya Sonia! Donya Sonia!â Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.âPwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!â Tumayo siya at naupo sa sofa.âPatawad Donya Sonia. Pâpero kailangan mong mapanood ito. Siâsi Senyorita ThrisiaâââAno ang sabi mo? Si Thrisia?â napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.âB-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.â Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kayaât tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.âRhayanâŚplease help meâŚââWhat the ffâfvck!â Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. âTake off your hands!â Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
âAnong ginawa mo saâkin..tangina ka! Huh!?â Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.âAkin siya! Ako ang hahatol sa kanya!â Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.âRhayan!â Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. âRhayan, Bibihis ka ba
âWhat!?â Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?â umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.âUmalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay âyun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.ââAt bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!â Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.âDonya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
âCiela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.â âTungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?âSaglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.âI can tell you Madam Master.ââTell me..ââRight away. 5th floor, Room 507, Madam master.â agad ring sagot nito. âThank you.â tipid niyang wika.âYouâre now connected to the next line Madam master.âHindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.âYes?â bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.âI want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.ââWhat?â Gulat nitong sagot. âSino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?â âAko ang anak niya.â Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. âDonât waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.â Walang pasabi niyang ini-off an