AT DITO NAGTATAPOS ANG KWENTO NI RHAYAN AT HERA. HONESTLY NAHIRAPAN AKONG BITAWAN SI RHAYAN SINCE ISA SIYA SA MGA SINULAT KO NA MINAHAL KO. MARAMI AKONG PINAGDAANAN NOONG SINULAT KO SIYA DAHIL LAGI AKONG NAGKAKASAKIT AT MINSAN BUSY SA WORK. DITO RIN AKO MADALAS INAAWAY NG MGA READERS KONG HINDI KAYANG MAGHINTAY. HEHE. PERO ANYWAY MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAG-ABANG TALAGA HANGGANG SA MATAPOS. SANA NAG-ENJOY KAYONG BASAHIN SIYA AT NAINSPIRED NA RIN SA PAG-IBIG MAYROON SILA. NA-INLOVE DIN BA KAYO? AKO NGA DIN. HAHAHA. SEE YOU SOON SA CHAPTER NI RHENIEL SA MGA GUSTO PANG MALAMAN ANG BUHAY PAG-IBIG NIYA. NAKUNAN NGA BA TALAGA SI BRENDA? ALAMIN SA MGA SUNOD NA UPDATE.
"Anak mamimis ko ang mga apo ko. Uuwi na ba talaga kayo ng whitebridge?" Nalulungkot na wika ni Dustin habang karga si Anthony Rylan. "Yes, Dad. Malaki na kasi ang losses ng RH Empire dahil matagal na panahon ng hindi namin iyon na managed ng maayos." Paliwanag ni Rhayan habang nag-iimpake ng mga damit ng triplets. Kaunti lang ang dala nilang damit dahil balak niyang doon na lang bumili sa White Bridge City. "Baka sa susunod na linggo magbabakasyon na rin kami sa inyo. Hindi pwedeng hindi ko makita ang mga apo ko lalo na ito, dahil sanay na na si Rylan na kami ng Lola niya ang katabi sa pagtulog." Halata sa boses ng kanyang ama na ayaw nitong ipadala si Rylan. At kung hindi siya nagkamali mas gusto nitong ipaiwan si Rylan at isama na lang pag magbakasyon ang mga ito sa Whitebridge."Dad, gustuhin ko man, ngunit hindi naman pwedeng magkakahiwalay ang mga anak ko. Alam nyo naman ayaw ng asawa ko na hindi nakikita ang triplets." Muli niyang paliwanag sa ama. "Anyway, Dad, you can visit
Napaawang ang labi ni Madam Motsha ng makita si Rhayan. Kung dati langaw ang tingin niyo rito, ngunit ngayon parang Diyos na ito na kahit siya gustong sumamba. Simula ng masaksihan niya ang kakaibang kasal ng mga ito, nag-iba na ang pagtingin niya rito. Nahiya siya sa sarili niya ng makita ang kasal ng mga ito sa kahit saang TV shows, billboards, magazines. Sinugod pa niya noon si Fernan noong umuwi matapos ang kasal ng dalawa. Sinisisi niya si Fernan kung bakit hindi sinabi sa kanya ang pagkatao ni Rhayan gayung matagal na pala nitong alam na isa itong Zillionaire. Ngayong nandito na ito sa kanyang harapan gusto niyang—lumuhod."Luhod! Lumuhod kayo!" Singhal niya sa iba pang mga anak niya. Nang makitang tulala pa rin ang mga ito, muli niya itong sininghalan. "Luhod!""No need, Grandma. Hindi ako Diyos para luhuran ninyo.""Ah..eh.." Hindi alam ni Madam Motsha kung ano ang sasabihin. Magkasunod siyang naglunok ng laway. "Ahh…apo. Pa-patawarin mo ako kung mababa ang pagtingin ko sayo n
BOOK 4THE ZILLIONAIRE'S HIDDEN SON (I LOST MY CHILD FOR LOVING YOU) RHENIEL SMITH CRAWFORD & BRENDA MIJARES POLIDO STORY THE BEGINNING..... "Good Morning Ma'am," bati niya sa HR Manager ng makapasok na siya sa loob ng opisina nito. Umangat ito ng mukha at tumingin sa kanya. Tulad ng sekretarya sa labas, pinasadahan rin siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakita niya itong umismid at tinaasan siya ng kilay. Alam niyang nasusuya ito sa kagandahan niya. Hindi niya iyon pinansin. Ang mahalaga makuha niya ang trabahong ito. Binuklat nito ang folder at tiningnan ang kanyang resume. "Oh, bakit parang tanga ka pa rin na nakatayo riyan? Hindi mo ba nakita ang upuan?" Mataray nitong wika sa kanya ng mapansin na nanatili pa rin siya sa kanyang kinatatayuan. Bahagyang gumalaw ang mga kilay niya dahil sa sinabi nito. Kung hindi lang talaga niya kailangan ng trabaho pinatulan na niya ito. Naranasan na rin niyang mag-interview ng aplikante noong siya pa ang acting CEO ng RH Empire. Nguni
Hinablot niya ang test paper mula sa kamay ni Norma at tinitigan ito. Hindi siya makapaniwala na nakuhang ma perfect ni Brenda ang exam. Galit niya na binalingan ang assistant. “Pvnyeta ka! Hindi ba sinabi ko sayo na pahirapan mo ang exams niya? Bakit niya nagawang e-perfect ito!?”“Ma’am sinunod ko naman ang sinabi n’yo na bigyan siya ng presidential examinations dahil kahit sinong empleyado wala pang nakagawa na ma reach ang 80% score kapag sinusubukan silang e-promote sa higher position. Pero ang babaeng ito na perfect niya Ma’am.”“Ah! Pvnyeta! Ang sabihin mo hindi mo ginawa ng tama ang trabaho mo! Paano na ngayon yan? Sino ang nag check ng test paper nila si Sir Richard ba?” Namumula ito sa galit. Gustong-gusto na punitin ang papel ni Brenda.Sunod-sunod na tumango si Norma. “Opo Ma’am. Ang original test papers tinago na po niya sa file niya at ang photocopy na lang po ang binigay sa akin.”“Tang! Amp—! Napaka-bobo mo talaga! Arrrrh!” Nanggigil siyang sabunutan ang assistant n
Abala si Rheniel sa pagtipa sa keyboard ng laptop niya ng marinig ang magkasunod-sunod na message tone ng cellphone niya. Hindi niya iyon pinansin sa pag-akalang si Nelsa na naman ang nangungulit sa kanya. Nauumay na siya sa babaeng yun. Iba’t-ibang babae na nga ang pinapakita niyang kasama niya ngunit manhid pa rin ito at sunod pa rin ng sunod sa kanya. Sa inis niya dinampot niya ang cellphone sa plano sanang e-off yun ngunit natigilan siya ng makita ang notifications DC Bank Corp sa kanya. "Your card number ending xxxxxxxxx783 purchased medicine worth $500 at Farmacia Okena." “Your card number ending xxxxxxxxx783 purchased worth $750 from St. Dominic Hospital’s Pharmacy.” “Your Card number ending xxxxxxxxx783 has paid the amount of $10 Million at Blood Bank.” Nagtataka si Rheniel na tinawagan ang Blood Bank ayon sa sinabi ng DC Bank sa notification niya. “Yes, Sir?” “I want to know who used my Black Card.” Dahil rare lang ang Black Card sa buong mundo at tanging mayaman lang
Nanghihina na umupo si Brenda sa plastic chair sa loob mismo ng silid ng anak niya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na makita niya si Rheniel dito sa ospital. Ilang sandali pa pumasok ang mga nurses. "Excuse me, Ma'am. Kailangan po naming dalhin ang pasyente sa top floor. Ngayon isagawa ang blood transfusion." Pagbibigay alam ng nurse habang tinatanggal ang swero mula sa sinasabitan nito. Lumapit siya sa mga ito. "Pwede bang malaman.kung sino ang blood donor ng anak ko?" Naisipan niyang itanong upang makumpirma kung totoo ang hinala niya.Umiling ang dalawang nurse. " Hindi po namin alam Ma'am. Inutusan lang po kami na e-transfer ang bata sa top floor sa magiging bagong silid niya. Doon na lang din daw simulan ang blood transfusion.""Ah ganun ba? S-sige." Lumilipad ang isip niya habang kinukuha ang mga gamit nila ng anak niya. Kahit hindi sabihin ng mga ito sa kanya, malakas pa rin ang kutob niya na si Rheniel ang may pakana ng lahat ng 'to.Pagdating sa top floor, ma
Napahawak si Brenda sa kanyang dibdib habang nakatingin sa likuran ni Rheniel na unti-unting lumalayo sa kanyang paningin. Alam niyang nasaktan niya ito ng sobra. Nagdesisyon siya para sa sarili niya na hindi muna tinitimbang kung masasaktan din ba ito sa paglayo niya. Lalo na ngayon, hindi pa rin niya alam kung paano sabihin rito ang lahat ng mga nangyari sa buhay niya ng umalis siya sa tabi nito. “Kung alam mo lang Rheniel, mas pinili kong layuan ka, kaysa patuloy na madamay ang pamilya mo dahil sa pamilyang pinagmulan ko.” Hanggang ngayon, nakaabang pa rin ang tiyuhin niya-kapatid ng Daddy niya sa lahat ng mga galaw niya. Alam niyang walang panama ang kapangyarihan ng tiyuhin niya kung ikumpara sa kapangyarihan mayroon ang mga Crawford. Ngunit sapat na ang tinatawag na paghihiganti para sa mga ito. “Kapag nalaman kong bumalik ka sa pamilya Crawford, hindi kami natatakot mamatay at pumatay. Wala man kaming sapat na kapangyarihan upang lumaban sa kanila, ngunit masaya na kaming pumata
Sa kabilang banda, tulala si Brenda habang nakatingin sa anak niya. Hindi pwedeng iasa na lang niya kay Rheniel ang lahat ng mga gastusin sa loob ng ospital. Kailangan pa rin niyang may pera sa bulsa sakaling may mga gamot na kailangang bilhin sa pharmacy sa labas. Ilang sandali pa nakareceive siya ng mensahe na pwede na siyang magsimula bukas sa pagiging President’s Secretary with or without requirements. Gusto niyang sumigaw sa tuwa ngunit agad niyang pinigilan ang sarili ng ma realize ang sinabi ng assistant HR Manager kanina. Hindi ba at sinabi nitong hindi siya nakapasa? Bakit ngayon bigla na lang siyang sinabihan na magsisimula na siya bukas sa trabaho niya? Naeexcite siya bagamat kinakabahan. Sana nga magkaroon na siya ng trabaho upang hindi naman siya dehado kay Rheniel. Baka pati siya kasama pa sa pabigat. Kinabukasan hindi natuloy ang pag trabaho niya sa RB. Hindi rin kasi siya mapakali gayung nasa ospital ang anak niya. Isa pa baka isipin ni Rheniel na pinapabayaan niya an
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an