MEDYO MARAMI-RAMING CHAPTER ITO KAYA, ANTAY-ANTAY NYO LANG ANG IBA PANG UPDATE MAMAYA. HEHE. WALANG KURYENTE KAGABI HANGGANG KANINA KAYA NGAYON LANG NAKAPAG-UPDATE. MARAMING SALAMAT.
Muling nag ring ang cellphone niya. Si Rheniel ang tumatawag. “Hello, Kuya? Anong sabi niyo sa text na may nangyari kay Brenda at Hera?”“Dinukot sila ng kanyang ama! Sa mansyon na tayo mag-usap.” wika niya rito at pinatay na ang tawag. Nagmamadali siyang pumasok sa sasakyan. . Kahit yupi-yupi na ito dahil sa suntok niya, ito pa rin ang sinakyan niya pabalik ng mansyon. Pagdating niya, nakita niya ang ama na nagbibigay ng instructions sa mga warriors nito. Tinawagan niya rin ito kanina, upang ipaalam ang nangyari.“Anak, nabalitaan ko ang nangyari. Pinahanda ko na ang mga tauhan ko.”“Salamat Dad. Sisiguraduhin kong matatapos ko ang laban na ito upang hindi na muli pang maranasan ng mga kapatid ko. Tumulo ang luha niya na yumakap sa ama. Tinapik-tapik ni Dustin ang likuran ng kanyang anak. Sinisisi niya rin ang sarili niya kung bakit humantong sa ganito. Naaawa na siya kay Rhayan. Ang daming nangyari sa anak niya simula noong maliit pa ito. Naranasan na nito ang muntik ng mamatay. I
“Gusto ko yan! Hahahaha!” Ngising aso ang itsura ni Nashmin habang nakatingin kay Hera. Nabitawan nito ang baril ng nahiwa ng kutsilyo ni Hera ang kamay nito. Tahimik lang si Hera ngunit sinusuri niya kung saang parte ng katawan ni Nashmin ang pwede niyang punteryahin sa kasalukuyang sitwasyon nila ngayon. Ng makita niyang dadamputin nito ang baril agad niyang inunahan ito at sinipa palayo. Kita niya ang paniningkit ng mga mata nito habang nakatingin sa tiyan niya. Alam niyang tiyan niya ang pinupunterya sa susunod nitong hakbang. Hindi nga siya nagkamali dahil mabilis itong lumapit sa kanya upang tadyakan ang kanyang tiyan. Ngunit hindi niya hinayaan na mangyari iyon dahil nakahanda na siya na saluhin ng kamay niya ang kanang paa nito. Hinawakan niya iyon at hinila ng patiwarik dahilan upang ito’y matumba. Mabilis itong bumangon at sumugod sa kanya. Itinuro na sa kanya ni Rhayan kung paano aralin ang mga galaw ng kalaban. Kung mabilis ito, kailangan mas mabilis din siya upang hindi
“Mam Hera, kahit sa maikling panahon lang na pinagsamahan natin, makikita mo sa mga mata ko kung kailan ako nagsasabi ng totoo at kung kailan ako nagsisinungaling. Sa lahat ng mga nangyayari ngayon, isa lang ang totoo. Iyon ay ang pagmamahal ko kay Rheniel. Sa loob ng isang buwan na kasama ko kayo, tinuring nyo ako bilang tunay na pamilya. Sayang dahil sinira ng ama ko ang tiwala na binigay n’yo sa akin. Ngunit kaya kung patunayan sa inyo na malinis ang intensyon ko. Mayroon akong nakitang lihim na lagusan ng pumunta ako rito. Sumama kayo sa akin.”“P*****a ka Brenda! Papatayin ka ni Daddy kapag nalaman niya itong ginawa mo!” Sigaw ni Nashmin.“Alam ko! Ngunit masaya akong mamatay sa kamay ng sarili kong ama upang hindi ko maramdaman na utang ko ang buhay ko sa kanya!” sagot ni Brenda. “Pvtang Ina Ka! Pap—” Bang! Hindi na nitong natapos ang sasabihin dahil naiinis na binaril ito ni Vian sa ulo.“Pvtang ina mo rin, matulog ka na !” sigaw din ni Vian. Nakadilat pa ang mga mata ni Nashm
SA KABILANG banda napagtagumpayan na ipalabas ni Hera ang pangalawang kambal niya."Ma'm nakalabas na ang isa pang sanggol. Lalaki silang dalawa Ma'am." Naluluha sa tuwa si Vian nang sa wakas nakaraos ang babaeng boss niya sa pagsilang ng dalawang anak nito. Maingat niyang binalot ang isa pang bata ng lampin at tinabi sa kambal nito na nakahiga sa patag na bato na sinapinan lang ng plastic."Mga babies dito na muna kayo, lalabas pa ang isang kambal n'yo." Hindi ni Vian maiwasan na manggigil sa dalawang kambal habang kinakausap ang mga ito. "Napa cute at ang lusog ng mga anak mo, Maam. Talagang nagmana sila sa bloodline ng mga Crawford. Ang gwapo at ang tangos ng ilong. Hindi talaga nawawala ang dimple sa lahi nila." Nanggigigil na wika nito habang pinapailawan ng flashlight mula sa cellphone.Ngumiti si Hera dahil sa sinabi ni Vian kahit ngayon ang pakiramdam niya hindi na niya masubaybayan ang kanyang mga anak hanggang sa paglaki ng mga ito. Nilagay niya ang dalawang kamay sa tiyan n
"Ma'm Hera! Huwag mong iwan ang mga anak mo ma'am!""Hera!" Sigaw ni Brenda ng marinig ang boses ni Vian mula sa loob ng balon."Brenda, tulungan mo kami! Nag-aagaw buhay si Hera! Dalawang sanggol lang ang naipalabas niya!"Natarantang hinawakan ni Brenda ang ama."Dad please..tulungan nyo si Hera. Kawawa ang mga bata." Pagmamakaawa niya sa ama. Nilunok niya ang kanyang pride para lang tulungan siya nito."At ano naman ang makukuha ko kung sakaling tulungan ko sila? Alam mo ba ang hinihingi mo sa akin, Brenda? Gusto mong tulungan ko ang pamilya ng kalaban ko! Ang taong pumatay sa kuya mo!" Galit na singhal nito sa kanya.Yumakap siya rito. "Dad, hindi ito dahil sa gusto kong tulungan mo ang pamilya ng kalaban mo, kundi dahil sa pagiging ama mo sa akin. Bilang anak mo ito ang kahilingan ko, ang iligtas ang mga taong naging parte na ng buhay ko. Pwede ka pang magbago Dad. Naniniwala ako na mayron pang natitirang kabutihan dyan sa loob mo.""Patawad anak. Ngunit talagang masama akong tao.
Parang tinamaan ng kidlat si Rheniel dahil sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Napasuntok siya sa kanyang dibdib upang tanggalin ang sakiy sa loob, ngunit bakit ganito? Walang kapantay ang sakit na nararamdaman niya. "Brenda, hindi mo pwedeng gawin sa akin 'to. Hindi mo pwedeng ilayo sa akin ang anak ko!"Gulat na binalingan ni Roman si Brenda. SLAP!Nabaling sa kabila ang pisngi ni Brenda dulot ng malakas na sampal ng kanyang ama."Nagpabuntis ka sa anak ng mortal ko pang kaaway!""Roman! Walang kinalaman ang relasyon namin ni Brenda sa alitan niyo ng pamilya ko!""Tumahimik ka!" Singhal ni Roman kay Rheniel. "Kahit kailan hindi ko matatanggap na dumikit ang bloodline ng mga Crawford sa pamilya Sinco!"Lalong sumikip ang dibdib ni Brenda. Hindi niya alam kung saan niya ilulugar ang sarili niya. Paeang gusto na niyang mamatay sa mga oras na ito. Nakabalik siya sa sarili niya ng maramdaman ang paghatak ni Roman sa kamay niya."Halika sumama ka sa akin. Nangako ka!""B
“Sir, just wait outside.” Sa pintuan pa lang napahinto na si Rhayan sa kanyang malaking hakbang ng bigla siyang pinigilan ng Doctor. Ngunit tila wala siyang narinig dahil nagpupumilit pa rin siyang sundan si Hera sa loob ng Intensive Care Unit(ICU). “Please save both my wife and son.” Nakikiusap ang kanyang mga mata at naiintindihan naman ito ng Doctor. Bahagya itong tumango habang kinakausap siyang sa labas na lang maghintay."Don't worry, we will do our best to save them." Saka pa lang siya pumayag na lumabas ng marinig ang assurance nito na iligtas ang asawa at anak niya. Nanghihina siya na umupo sa nakahilirang upuan sa labas ng Intensive Care Unit. Bahagya siyang yumuko; itinukod ang dalawang siko sa magkabilang binti niya habang ang kanyang mukha ay natatakpan ng kanyang dalawang palad. Panay pa rin sa pag-agos ang kanyang mga luha. Sobrang awa ang nararamdaman ni Lendon habang nagmamasid sa master niya. Sa tagal niya na paninilbihan rito, ngayon pa lang niya nakita kung ga
“Anak, anong wala na si Hera? Kaya nga kita hinahanap kanina pa para sabihin sa’yo na inilipat na sa kabilang ICU ang asawa mo. Mas kumpleto kasi sa facilities ang kabilang unit. Pero sabi ng Doctor ligtas na raw siya after masalinan ng ilang bags ng dugo. Ngunit ang baby mahina ang heartbeat niya. Nasa loob ngayon ng incubator.” Nakita niyang tulala pa rin si Rhayan habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung nakikinig pa ba ito o, lumilipad na ang utak nito kung saan. “Anak—” Hindi na niya natapos pang magsalita ng biglang pumasok si Rhayan sa loob ng ICU kung saan nanggaling kanina si Hera. Nanginginig ang kamay ni Rhayan habang unti-unting binubuksan ang puting kunot na nakatakip sa katawan ng akala niyang asawa niya. Panay sa pagtaas baba ang adams apple niya sa sobrang kaba. Bumagsak ang luha niya ng makita na hindi si Hera ang natatakpan ng kumot. Hindi ito luha ng pagdadalamhati kundi luha ng sobrang saya. “Pvtang Ina!” namura niya ang sarili. Napahalakhak siya sa sobr