Samantalang sa loob ng barko, matalim na nakatingin si Soleil kay Blood Claw at sa kasama nitong Dragon Knights. Napag-alaman niya mula kay Scarlet Blade na si Blood Claw ay tauhan ni Hollow Flash—isa sa leader ng kanilang Master sa Black Dragon. Kaya galit na galit si Scarlet Blade kanina dahil natuklasan niyang si Blood Claw pala ang traidor sa kanilang grupo kaya laging nanganganib ang buhay at pamilya ng master nila. Kung tutuusin, kaya nilang patumbahin ang mga ito kanina, sa katunayan, halos kaunti na lang sa mga ito ang natira dahil naubos na nilang patumbahin ang iba. Ngunit hindi nila inaasahan na gagamitan sila ng Taser Gun ng mga ito—Isang Electromagnetic Device na kapag kinuryente ang iyong katawan, agad kang makaramdam ng pamamanhid at pansamatalang pagkaparalisa ng iyong mga kalamnan, puso at utak, kung hindi mo ito makayanan. “Tangina, bakit boss ang tawag mo sa kanya? Magdududa iyon, alam mo naman na master ang tawag ng lahat sa kanya,” naiinis na tanong ni Blood Claw
"Lady S, anong nangyari? Nagreport sa akin ang blue Python, hindi raw natuloy ang pag tawid ng M/V Christina na pinasundo ko! 'Wag mong subukan ang pasensya ko, dahil alam mo kung paano ako magalit!" Galit na bungad nito ng sagutin ni Shane ang telepono."Python Queen, humihingi ako ng pasensya dahil sa kapalpakan ng mga tauhan ko, ngunit hindi lang din naman ikaw ang na-perwisyo, malaki rin ang nawala sa Dragon Knights. Halos na ubos na silang lahat ng mga tauhan ni Dust…""Bullshit!" Mura nito sa kanya dahilan upang tumigil siya sa pagsasalita. "Ang sabihin mo, dahil palpak ka kapag nagplano!" Singhal nito sa kanya."Python Queen, hayaan nyo po, gagawin ko ang lahat upang mabawi ang microchip mula sa kamay ni Dustin," saad niya."Tanga ka ba!? Noong kay Celine pa ang microchip, hindi mo nga ginagampanan ang trabaho mo, ngayon sasabihin mo, babawiin mo kay Dustin!? Nagpapatawa ka ba? Pinahiya mo ako kay Nahkimurah, alam mo bang bukas na dapat ang negosasyon?" Galit nitong sagot."Big
Dahil sa ginawa ni Rihanna na pag subsob ng mukha ni Gwen sa plato ng adobong pusit, galit na galit itong gumamit ng kanyang martial arts technique. Mabilis nitong hinawakan ang kamay ni Rihanna at malakas na sinipa ang tiyan niya, dahilan upang tumilapon ito sa sahig. Mabuti na lang at mabilis na tumalon si Dustin mula sa kinauupuan niya at sinuportahan ng katawan niya ang katawan ni Rihanna, kaya hindi ito masyadong napuruhan. Dalawa sila, ang napa-semplang sa ilalim ng kabilang mesa."Luv, okay ka lang? May masakit ba sa'yo? Puno ng pag-aalala ang boses ni Dustin. Nakita niyang hawak ni Rihanna ang tiyan niya, kaya lalo siyang nag-alala. Galit niyang binalingan si Gwen, akmang tadyakan muli nito si Rihanna ng agad niyang hinarangan at hinawakan ang paa nito dahilan upang ito naman ang natumba sa sahig.Dahil sanay lumaban si Gwen, alam ni Dustin na mas lalong lumakas ang babae ngayon dahil sa bilis at liksi ng mga kilos nito. Mabilis itong tumayo ay naghanda ng sunod na pag-atake n
Kasalukuyang nag-uusap si Teh Sheng at Shane sa Veranda ng mansyon nito ng biglang nag-ring ang telepono. Inubos munang inumin ni Shane ang Chinese tea at inilapag iyon sa maliit na mesa, bago tumayo at sinagot ang tawag. “Hello Lady S, makinig kang mabuti,” bungad agad nito ng sagutin niya ang tawag. Nagtataka siya kung ano na naman ang plano nitong gawin, bakit naisipan nitong tawagan siya. “Bakit, Python Queen?” tipid niyang tanong. “Nagbago ang isip ko. Gusto kong patunayan mo sa akin ang sinabi mo noong isang araw na makakaya mong kunin ang chip mula sa kamay ni Dustin. Ngayon mo na patunayan sa akin ang kakayahan mo upang maging ganap ka ng miyembro ng Blue Python. Alamin mo rin kung kailan ang kasal nila. Nabalitaan ko ang pagpaplano ni Dustin ng engrandeng kasal para kay Rihanna.” “Paano mo nalaman ang pagpaplano niya ng kasal?” tanong ni Shane. “Lady S, marami akong mga mata sa paligid, at kahit wales ito, marami akong source rito. Nalaman ko na lihim na naghahanap si Dus
Sinigurado muna ni Shane na walang nakakakita sa kanya habang paakyat ng palasyo, ayaw niya na maraming nakakakita sa kanya at baka, may nakakakilala pa at maudlot ang pinaplano niya. Nagpaturo pa siya sa isang maid, upang ihatid siya sa loob ng silid ni Rihanna at Dustin. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at sumilip sa loob. Gusto niyang magdiwang ng makita na nag-iisa lang si Rihanna habang nakahiga sa kama. Nagtataka siya, bakit wala si Dustin ngayon sa loob ng palasyo. Ngunit pabor sa kanya ito, ibig sabihin, nakiki-ayon sa kanya ang pagkakataon. Nakita niyang nakabukas ang TV ngunit mahimbing nang natutulog si Rihanna. Hinay-hinay siyang naglakad palapit sa kama nito. Sumilay ang demonyong ngiti sa labi niya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ni Rihanna. Medyo halata na ang umbok ng tiyan nito, dahil sa manipis nitong suot na silk night dress at naabot lamang hanggang sa mapuputi nitong mga binti. Kahit natutulog, wala pa ring kapantay ang kagandahan nito, na animo
Nagmamadaling tinungo ni Dustin ang loob ng hospital kung saan naka-confine ang asawa niya. Hindi maipinta ang kanyang mukha habang hinahanap kung saang private room dinala ito. "Daddy!" Napalingon siya sa left side ng hallway ng marinig ang boses ni Rhayan na tumawag sa kanya. Tumalon ito mula sa kandungan ng kanyang lolo at patakbong sinalubong siya. Naluluhang kinarga niya ito at madamdaming hinalikan sa noo. "Daddy, si mommy gustong patayin ng salbaheng babae, then he tried to kill me, pero naalala ko ang tinuro mo sa akin noon, kinagat ko ang kamay niya tapos lumuwag ang hawak niya sa surgical knife, and I used it to stab her in the eye." Parang nabawasan ang bigat na pinapasan niya habang pinapakinggan ang sumbong ng kanyang anak. Ginulo niya ang buhok nito at nginitian, pilit tinatakpan ang bigat na nararamdaman niya. "Good boy my prince. You are brave, son. I'm proud of you," nakangiti niyang saad at hinalikan muli ang anak sa noo nito. Ibinaba niya si Rhayan at muli ito
FEW MONTHS LATER “Congratulations Mom, Dad,” sabay na bati nilang dalawa. Masayang binigay ni Dustin ang regalo kay King Rhiannon at Queen Alice. Nakangiting binuksan ni King Rhiannon ang puting folder na binigay ni Dustin. Napaawang ang labi niya na tumingin dito. Nagtaka naman si Queen Alice sa reaksyon ng asawa niya kaya kinuha niya ang folder at binasa rin ang laman nito. Ngayon dalawa na sila ang nakaawang ang labi habang nakatingin kay Dustin. Hindi sila makapaniwala na regalohan sila nito ng ganito kalaki ang halaga. Isang private Island na may kasamang floating mansion, isang yate, at private jet. Wow na wow silang dalawa. Hindi naman nila kailangan ito dahil matatanda na sila. Si King Rhiannon hindi nakatiis kaya ito nagsalita. “Son, sobra-sobra naman yata ang regalong ito na binigay mo sa amin ng mommy Alice mo. Mga matatanda na kami, hindi na namin..” “Dad, Mom, regalo ko po iyan.” agaw ni Dustin sa sinabi ni King Rhiannon. Alam ko ang pinagdaanan niyong dalawa, at na
“Luv,” tawag ni Dustin kay Rihanna, ng magising na ito. Nakalipat na rin ito sa pribadong silid. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin siya makapaniwala na, na quadruplets ang anak nila at ang isa, dumaan pa sa superfetation pregnancy.“Yes?” pilit pinipigilan ni Rihanna ang sarili na tumawa sa itsura ng asawa niya.“Paanong, naging Superfetation pregnancy ang baby natin? Di ba..” hindi pa natapos ni Dustin ang dapat sabihin ng humagalpak na ng tawa si Rihanna kaya siya nagtaka. “Bakit ka tumawa?” dugtong na tanong niya rito.“Bakit sinabi ba talaga ni Doc Crezy sa iyo iyan?” halata na nagpipigil lang ito sa pagtawa.“Bakit, hindi ba iyon totoo?” naiinis niyang tanong.“Inaasar ka lang no’n, mag bestfriend kami ni Doc Crezy, noon pa. Siya rin ang Doctor ko noong ipinanganak ko si Rhayan. Talagang lukaret ang babaeng iyon, nainis kasi iyon saiyo nang kinuwento ko ang buhay ko noon sa piling mo. Naawa kasi iyon sa akin, noon hanggang sa naging mag best friend kami. Talagang quadruplets ang
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an