NEXT CHAPTER ANG WEDDING, NASUBRAHAN KASI SA WORD COUNT
“Luv,” tawag ni Dustin kay Rihanna, ng magising na ito. Nakalipat na rin ito sa pribadong silid. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin siya makapaniwala na, na quadruplets ang anak nila at ang isa, dumaan pa sa superfetation pregnancy.“Yes?” pilit pinipigilan ni Rihanna ang sarili na tumawa sa itsura ng asawa niya.“Paanong, naging Superfetation pregnancy ang baby natin? Di ba..” hindi pa natapos ni Dustin ang dapat sabihin ng humagalpak na ng tawa si Rihanna kaya siya nagtaka. “Bakit ka tumawa?” dugtong na tanong niya rito.“Bakit sinabi ba talaga ni Doc Crezy sa iyo iyan?” halata na nagpipigil lang ito sa pagtawa.“Bakit, hindi ba iyon totoo?” naiinis niyang tanong.“Inaasar ka lang no’n, mag bestfriend kami ni Doc Crezy, noon pa. Siya rin ang Doctor ko noong ipinanganak ko si Rhayan. Talagang lukaret ang babaeng iyon, nainis kasi iyon saiyo nang kinuwento ko ang buhay ko noon sa piling mo. Naawa kasi iyon sa akin, noon hanggang sa naging mag best friend kami. Talagang quadruplets ang
Ang mga taong kasalukuyang nanonood ng live sa kahit saang sulok ng mundo ay nakasaksi sa pangyaayring iyon. Halos lahat sila, hindi alam kung paano huminga sa sobrang tensyon na kanilang nararamdaman. Lahat ng mga foundations na tinulungan ni Dustin, walang tigil sa pagdarasal habang nanonood ng live sa kanilang television. Maging ang mga tao ay nananatiling tuod sa kanilang kinatatayuan habang nanonood ng live sa billboard sa gilid ng daan, lahat sila isa lang ang panalangin, sana makaligtas ang prinsesa ng Wales. Ilang sandali pa, rumaragasa ang itim na van ng huminto sa tabi ng bridal car. Makikita mula sa live ang pagbaba ng mga men in Black mula rito at mabilis na hinatak ang bride at ang kasama nitong driver, palabas ng kotse at pinasok sa kanilang van. Mabilis naman ang mga bodyguard ng bride sa pagsunod sa nasabing van. Mistulang nanonood lang ng pelikula ang mga taong nakatunghay ng live dahil sa pagpapalitan ng mga putok ng mga men in black vs sa mga bodyguard ng bride. Si
Hindi mapigilan ni Dustin ang kanyang mga luha sa pagpatak, habang tinititigan si Rihanna, na naglalakad sa gitna ng aisle. Nanlalabo ang mga mata nito habang nakangiti sa kanya. “This is it,” usal niya sa sarili. Nagtagumpay siya na matuloy ang kasal nila. Matagal niya itong pinagplanuhan, at kahit gumastos man siya ng malaki, ang mahalaga matuloy ang kasal nila ni Rihanna. Kahit asawa niya, hindi alam na meron palang double wedding na nagaganap. Ang isang bride ay si Raiza na nagpanggap bilang Rihanna at si Soleil na nagpanggap bilang Mr. Stuart. Sinadya niyang ipakalat ang oras at lugar ng kasal nila ni Rihanna, dahil alam niyang lalabas ang mga kalaban niya. Nagpagawa siya ng kamukha ni Rihanna at Mr. Stuart, upang sila ang maging focus ng atensyon ng mga kalaban niya. At ngayon, alam niyang kasalukuyan ng hinuhuli ang mga ito ng buong Black Lion. “Bro, nag change mind ka na ba? Kanina pa naghihintay ang asawa mo na sunduin mo sa gitn ang aisle.” Napabalik siya sa kanyang sarili
ONE MONTH LATERHabang abala siya sa pag-iimpake ng mga gamit na dadalhin niya, nahagip ng gilid ng kanyang mata si Drake na nakatayo sa pintuan ng kanyang silid. Nagtataka niyang binalingan ito.“Kuya, may kailangan ka ba?” tanong niya rito at muling itnuon ang sarili sa pagtutupi ng mga damit nila ni Dustin at pinapasok sa loob ng maleta. Naramdaman niyang mabigat ang mga paa ng Kuya niya na pumasok sa kanyang silid at umupo sa couch. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.“Talaga bang doon na kayo mag stay sa New Hampshire?” malungkot nitong tanong.“Kuya, hindi naman porket doon kami titira, hindi na kami babalik rito, baka nakalimutan mo, zillionaire ang asawa ko, kahit na araw-araw gawin kung balkonahe itong Wales mula sa New Hampshire, pwede kong gawin iyon." Nakangiti niyang sagot at saka idinagdag. "Gusto lang namin ni Dustin na roon tumira sa New Hampshire, dahil nandoon ang main branch ng DC Bank Corp. Isa pa nagustuhan ko rin ang nabili namin ni Dustin na
DRAKE DANIEL SMITHSMITHCOM CORPORATION (CONFERENCE ROOM)Walang ekspresyon ang kanyang mukha habang nakikinig sa monthly reports ng kanyang mga manager na naka assigned sa bawat departamento. Lumilipad ang utak niya sa kung saan-saan. Hindi niya alam kung ano ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito. Laging bumabalik sa ala-ala niya ang mukha ng batang karga ni Freya kanina. Naglakas-loob na sana siya na puntahan ang apartment na tinitirhan nito, ngunit hindi niya inaasahan na mayroon na itong isang taong gulang na anak na lalaki. Gusto na sana niyang maniwala na sa kanya ang batang iyon, dahil pinagbiyak sila ng bunga, ngunit nadismaya siya ng malaman na may kinakasamang lalaki ito sa loob ng apartment. Nakuyom niya ang kamao, dahil sa naalala niyang eksena kanina. Nagmumukha lang siyang tanga na pumunta roon para lang ma realized na wala na pa lang pag-asa sa kanila ni Freya. “And currently, the sales revenue of Ulysses advertising company has decreased by 20%, due to…”“Due to
Si Gavin na nakatayo sa labas ng VIP room, ay nagulat ng biglang binigay sa kanya ng kanyang boss ang bouquet ng bulaklak. Isang taon na siyang personal body guard nito. Galing siya sa Black Lion at personal na pinili nito at hiningi mula sa Master Dustin niya. Dahil ito na ngayon ang bagong boss niya, dito na rin niya binuhos ang buong atensyon niya upang pagsilbihan ito. Minsan hindi pa siya nasanay na nakikita ng lahat ang mukha niya dahil sanay siyang natatakpan ito ng maskara sa tuwing nasasabak sila sa laban. "Anong gagawin dito boss?" Tanong niya. "Dalhin mo, may pupuntahan tayo." Hindi na umimik si Gavin. Maingat na lang niyang dinala ang bouquet at sumunod sa mga hakbang ng kanyang boss. "Saan tayo boss?" Tanong ni Gavin, ng makapasok na sila sa loob ng sasakyan. "NDS Media Corp.,” seryoso niyang sagot, habang nakatingin lang sa labas ng bintana ng kotse. Nalaman niyang ito ang kumpanya ni Freya dahil tito ang pinakabagong kumpanya na sumikat kaagad sa loob lang ng isang
Pabalik-balik siya sa loob ng kanyang opisina, hindi alam kung ano ang gagawin. Kanina pa niya hawak ang cellphone, ngunit hanggang titig lamang siya sa mga numero ni Drake. Idadayal niya ito, at muling papatayin kapag sinusumpong siya ng pride niya. Mula pa kanina iyon ang paulit-ulit niyang ginagawa, ngunit sa tuwing naalala na naman niya ang daddy niya na baka malaman nito ang nangyari kanina sa Presscon, tiyak na ilalayo sila ng anak niya sa lugar na ito. Nagsimula na siyang magbagong buhay. Inaamin niyang hindi pa niya nakalimutan si Drake, at hanggang ngayon ito pa rin ang lalaking tinitibok ng kanyang puso. Ngunit kapag iniisip niya ang mga nakaraan na nangyari sa kanila, at ang lahat ng mga sinabi nito sa kanya, dumarating siya sa point na gusto na niya itong kalimutan. Sinulyapan niya ang anak na kasalukuyang natutulog sa crib sa loob ng kanyang opisina. Kahit saan siya magpunta, mapa-business meeting man or kahit anong okasyon wala siyang pakialam basta lagi niya itong kasama
Tipid lang siyang ngumiti rito, kahit na gustong-gusto na niya itong halikan at yakapin ng mahigpit. Sobrang sexy nito sa kulay red nitong suot na fitted dress at hinayaan lamang na nakalugay ang mahabang buhok. Sobrang saya niya dahil sa wakas nagkita ulit sila. “No, its okay, I waited for you, knowing full well that you'd be late,” sagot niya dahilan upang makita niya ang pamumula ng pinsgi nito na halatang nahiya dahil sa sinabi niya. Lihim siyang napangiti dahil lalong gumanda ito kapag namumula. Hinila n’ya ang upuan para rito at hinintay muna itong makaupo. Umikot na rin siya sa kanyang upuan at umupo na rin sa harapan nito. “Ahmm, Drake, hindi rin ako magtatagal, dahil kailangan ako ni Nathan, alam kong iiyak iyon kapag hindi niya nararamdaman ang presensya ko.” ramdam niya ang pakikiusap nito sa kanya at naiintindihan naman niya dahil anak niya rin si Nathan. “Okay, “ tipid niyang sagot “Ang tungkol doon sa pinag-usapan natin kanina..” “Let’s eat first,” agaw niya sa sasa
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an