Pasensya na po, naabutan ng hapon. Masakit ulo ko.. hehehe.. maraming salamat sa paghihintay ng update. Thank you sa more gems na regalo sa akin..
Pabalik-balik siya sa loob ng kanyang opisina, hindi alam kung ano ang gagawin. Kanina pa niya hawak ang cellphone, ngunit hanggang titig lamang siya sa mga numero ni Drake. Idadayal niya ito, at muling papatayin kapag sinusumpong siya ng pride niya. Mula pa kanina iyon ang paulit-ulit niyang ginagawa, ngunit sa tuwing naalala na naman niya ang daddy niya na baka malaman nito ang nangyari kanina sa Presscon, tiyak na ilalayo sila ng anak niya sa lugar na ito. Nagsimula na siyang magbagong buhay. Inaamin niyang hindi pa niya nakalimutan si Drake, at hanggang ngayon ito pa rin ang lalaking tinitibok ng kanyang puso. Ngunit kapag iniisip niya ang mga nakaraan na nangyari sa kanila, at ang lahat ng mga sinabi nito sa kanya, dumarating siya sa point na gusto na niya itong kalimutan. Sinulyapan niya ang anak na kasalukuyang natutulog sa crib sa loob ng kanyang opisina. Kahit saan siya magpunta, mapa-business meeting man or kahit anong okasyon wala siyang pakialam basta lagi niya itong kasama
Tipid lang siyang ngumiti rito, kahit na gustong-gusto na niya itong halikan at yakapin ng mahigpit. Sobrang sexy nito sa kulay red nitong suot na fitted dress at hinayaan lamang na nakalugay ang mahabang buhok. Sobrang saya niya dahil sa wakas nagkita ulit sila. “No, its okay, I waited for you, knowing full well that you'd be late,” sagot niya dahilan upang makita niya ang pamumula ng pinsgi nito na halatang nahiya dahil sa sinabi niya. Lihim siyang napangiti dahil lalong gumanda ito kapag namumula. Hinila n’ya ang upuan para rito at hinintay muna itong makaupo. Umikot na rin siya sa kanyang upuan at umupo na rin sa harapan nito. “Ahmm, Drake, hindi rin ako magtatagal, dahil kailangan ako ni Nathan, alam kong iiyak iyon kapag hindi niya nararamdaman ang presensya ko.” ramdam niya ang pakikiusap nito sa kanya at naiintindihan naman niya dahil anak niya rin si Nathan. “Okay, “ tipid niyang sagot “Ang tungkol doon sa pinag-usapan natin kanina..” “Let’s eat first,” agaw niya sa sasa
Mabilis ang kanyang mga hakbang na nilisan ang Skyview Hotel. Pagpasok sa loob ng sasakyan, agad siyang tinanong ni Gavin."Saan tayo boss?" Tiningnan niya ang boss mula sa front view mirror. Busy ito sa pagtipa sa cellphone niya. "Hello Tim, saan kayo?" tanong ni Drake ng sagutin na nito ang tawag. Si Tim ang alalay niya na kinuha rin mula sa Black Dragon, ang siyang pinasubaybay niya sa bawat galaw ni Freya."Sinusundan ang sasakyan ni Ma'm Freya, boss," sagot din nito mula sa kabilang linya."And, where is it?" naiirita niyang tanong."Pabalik po sa kanyang condo sa Strata North Wings."Matapos marinig ang sagot nito agad niyang pinatay ang tawag at binalingan si Gavin."Strata North Wings," utos niya. Tumango si Gavin at sinimulan ng paandarin ang kotse.Trenta minutos ang nakalipas, pumarada ang kanilang sasakyan sa harap ng Strata North Wings Condominium. Matagal munang nagmasid si Drake mula sa loob ng sasakyan. Tiningnan niya ang hanggang 50th floor na taas ng condominium. M
Iwinaksi na muna niya ang katanungan sa isipan niya. Sandali niyang tinago ang sulat na iyon sa bulsa ng pantalon niya. Nagmamadaling kinuha niya ang pares ng kulay pulang silk short sleeve pajama nito at ipinasuot iyon, kay Freya. Matapos niya itong bihisan, sinuri niya ng maigi ang mga pasa sa katawan nito. Nagtaka siya na pumunta ng banyo at sinuri ang loob. Wala naman siyang nakita na kaduda-duda na pwedeng pasukin si Freya, dahil mataas naman ang bintana ng banyo at walang pwedeng daanan dahil nasa 40th floor ang unit nito. Tumingala siya at nakita niya ang nakaawang na access panel na halatang binuksan dahil hindi maayos ang pagkatakip nito. "Tangina!" Napamura siya sa naisip. Nagdikit ang dalawang makapal na kilay niya ng maisip na posibleng dito dumaan ang taong may gawa nito kay Freya. "Mahuhuli lang kita, tangina!" Tumigas ang buto ng panga niya, dulot ng paggiling ng kanyang mga ngipin. May nagtangka sa buhay ni Freya. Hindi niya alam kung ilang beses na nangyari ito sa bab
Mahigpit niyang niyakap si Freya, habang nakaunan ito sa matipunong braso niya. Pareho silang hubo't-hubad ang katawan at walang gana na magbihis. Katatapos lang nilang pagsaluhan ang pananabik sa bawat isa at tila ayaw na nilang paghiwalayin ang kanilang mga katawan. "Mii, thank you at binigyan mo ako ng pagkakataon upang iparamdam sa'yo ang pagmamahal ko.""Pasalamat ka lang at hindi kita matiis, sana totoo ang pagmamahal mo sa akin Drake, dahil ayokong nasasaktan," saad nito at mas lalong isiniksik ang mukha sa matipunong dibdib niya."I promised, kayo lang ni Nathan sa buhay ko at wala ng iba. Sana pumayag kang sumama sa akin pauwi ng palasyo. Mas maganda ro'n, maiiwan nating safe si Nathan kapag nasa trabaho tayo. Hinigpitan ko na ang seguridad sa loob at labas ng palasyo kaya wala kang dapat ipag-alala," wika niya habang hinahaplos ang likuran ni Freya."Papayag lang ako kapag pumayag ka na patahimikin ang lahat ng media. Ayokong bata pa si Nathan, nadadamay na sa mga isyung ki
Matagal siyang nakatitig sa harap ng laptop niya. Matapos ang isang oras na paghalungkat sa personal background ni Vince Aldeguer, nagawa niyang konektahin ang lahat. Ngayong alam na niya kung sino si Vince, hindi siya papayag na hindi ito magbabayad sa pag-tangka na patayin si Freya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Tim ng Black Dragon."Tim, may ipapagawa ako sa'yo, kailangan bukas mismo, may maganda ka ng ibabalita sa akin," madiin niyang sabi."Masusunod po Boss."Pagkatapos ang kanyang sekretarya naman ang tinawagan niya."Leslie, gusto kong pull-out mo lahat ng capital shares natin sa Aldeguer Groups, at i-kalat sa lahat ng media companies na hindi na sila affiliates ng SmithCom.""Huh? Pero boss, isa sila sa may pinakamalaking contribution sa SmithCom Corp; sigurado po ba kayo na tanggalan niyo sila ng karapatan na maging affiliates ninyo?" Naguguluhan na tanong ni Leslie."Wala akong pakialam kahit bilyon pa ang pinasok nila sa kumpanya ko. Lahat ng capital shares mul
“Rhayan, usapan ng mga matatanda iyan, hindi ka dapat sumasali. Bilisan mo na at may pasok ka pa.”Nakamot ni Rhayan ang ulo, na ipinagpatuloy ang pagkain ‘tsaka binalingan muli ang ama. “How often will the jet take me to school, Dad?” tanong niya sa ama.Kunot-noo naman si Dustin na binalingan ang anak. “Bakit mo naman naitanong? Depende kasi iyan sa mood ng Mommy mo.”“I don't like being dropped off and picked up by different vehicles at school,” reklamo nito.“And why did you say that?" si Dustin. Nagkamot ang ulo ng anak tila nag-iisip pa kung sasabihin o hindi. “Come on, son, say it.” dagdag niya.“I didn't want Nashmin to stay away from me if she saw that I was picked up by a different vehicle. She has made it clear that she prefers not to pair with the rich and powerful,” malungkot nitong pag-amin dahilan kaya nagkatinginan sina Dustin at Rihanna.Ginulo ni Dustin ang buhok ng anak, tatanong pa sana siya ngunit naunahan siya ng asawa.“Bakit naman anak? Wala ka bang kaibigan sa
"Boss, ano ang gagawin namin sa kanya? Tuluyan na ba namin 'to?"Narinig niya ang tanong ni Gavin mula sa kabilang linya."Hayaan n'yo na muna siyang pagsisihan ang ginawa niya. sabihin mo last warning na niya ito, kapag hinawakan pa niya ulit ang babae ko siguradong tatabunan na siya ng lupa. Itapon na yan sa labas ng kanyang kumpanya!" Madilim pa rin ang kanyang anyo bago pinatay ang tawag.SAMANTALANG sinadya ni Freya na sa likurang exit dumaan. Umiiwas siyang makita ng mga empleyado niya ang pasa sa kanyang kamay dulot ng pagpiga ni Vince kanina. Papasok pa lang siya sa back exit ng biglang may humatak na naman sa kamay niya. Gulat niyang nilingon ito para magtaka sa hindi maipinta na mukha ni Drake. Halata ang nagpipigil na galit nito habang nakatingin sa kanya."Dii.." bigkas niya na may pagtataka. Ngunit hindi ito sumagot. Sa halip, ang nakatuon lang ang atensyon nito sa mga pasa sa kamay. Umiwas siya ng tingin ng ibaling nito ang atensyon sa kanyang mga mata."Mii, lagi ka bang