Matagal siyang nakatitig sa harap ng laptop niya. Matapos ang isang oras na paghalungkat sa personal background ni Vince Aldeguer, nagawa niyang konektahin ang lahat. Ngayong alam na niya kung sino si Vince, hindi siya papayag na hindi ito magbabayad sa pag-tangka na patayin si Freya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Tim ng Black Dragon."Tim, may ipapagawa ako sa'yo, kailangan bukas mismo, may maganda ka ng ibabalita sa akin," madiin niyang sabi."Masusunod po Boss."Pagkatapos ang kanyang sekretarya naman ang tinawagan niya."Leslie, gusto kong pull-out mo lahat ng capital shares natin sa Aldeguer Groups, at i-kalat sa lahat ng media companies na hindi na sila affiliates ng SmithCom.""Huh? Pero boss, isa sila sa may pinakamalaking contribution sa SmithCom Corp; sigurado po ba kayo na tanggalan niyo sila ng karapatan na maging affiliates ninyo?" Naguguluhan na tanong ni Leslie."Wala akong pakialam kahit bilyon pa ang pinasok nila sa kumpanya ko. Lahat ng capital shares mul
“Rhayan, usapan ng mga matatanda iyan, hindi ka dapat sumasali. Bilisan mo na at may pasok ka pa.”Nakamot ni Rhayan ang ulo, na ipinagpatuloy ang pagkain ‘tsaka binalingan muli ang ama. “How often will the jet take me to school, Dad?” tanong niya sa ama.Kunot-noo naman si Dustin na binalingan ang anak. “Bakit mo naman naitanong? Depende kasi iyan sa mood ng Mommy mo.”“I don't like being dropped off and picked up by different vehicles at school,” reklamo nito.“And why did you say that?" si Dustin. Nagkamot ang ulo ng anak tila nag-iisip pa kung sasabihin o hindi. “Come on, son, say it.” dagdag niya.“I didn't want Nashmin to stay away from me if she saw that I was picked up by a different vehicle. She has made it clear that she prefers not to pair with the rich and powerful,” malungkot nitong pag-amin dahilan kaya nagkatinginan sina Dustin at Rihanna.Ginulo ni Dustin ang buhok ng anak, tatanong pa sana siya ngunit naunahan siya ng asawa.“Bakit naman anak? Wala ka bang kaibigan sa
"Boss, ano ang gagawin namin sa kanya? Tuluyan na ba namin 'to?"Narinig niya ang tanong ni Gavin mula sa kabilang linya."Hayaan n'yo na muna siyang pagsisihan ang ginawa niya. sabihin mo last warning na niya ito, kapag hinawakan pa niya ulit ang babae ko siguradong tatabunan na siya ng lupa. Itapon na yan sa labas ng kanyang kumpanya!" Madilim pa rin ang kanyang anyo bago pinatay ang tawag.SAMANTALANG sinadya ni Freya na sa likurang exit dumaan. Umiiwas siyang makita ng mga empleyado niya ang pasa sa kanyang kamay dulot ng pagpiga ni Vince kanina. Papasok pa lang siya sa back exit ng biglang may humatak na naman sa kamay niya. Gulat niyang nilingon ito para magtaka sa hindi maipinta na mukha ni Drake. Halata ang nagpipigil na galit nito habang nakatingin sa kanya."Dii.." bigkas niya na may pagtataka. Ngunit hindi ito sumagot. Sa halip, ang nakatuon lang ang atensyon nito sa mga pasa sa kamay. Umiwas siya ng tingin ng ibaling nito ang atensyon sa kanyang mga mata."Mii, lagi ka bang
Aayusin ko ang gusot mo, ngunit 'wag mo ng uulitin na puntahan pa si Freya, wala kang laban sa CEO ng SmithCom!" Singhal ni Chairman Aldeguer habang nakapamewang. Tinapunan muna nito ng matalim na tingin ang anak, bago lumabas ng kanilang mansyon. Nakuyom ni Vince ang kamao. Hindi siya ang tipong lalaki na madaling sumuko. Ano ngayon kung Ceo ng SmithCom ang karibal niya kay Freya? Kaya pa rin niyang lumaban kay Drake sa pamamagitan ng kanyang utak. Nagtagis ang kanyang bagang, ininda niya ang sakit ng kanyang katawan at pumasok sa loob ng kanyang silid. "Oh, hello Vince, anong nangyari ba't bigla kang napatawag?" Puno ng kalandian ang boses ng babae ma sa kabilang linya. "Alexandra, may ipapagawa ako sa'yo," puno ng galit ang dibdib niya. "Sinasabi ko na nga ba eh, may kailangan ka. Pero teka, mukhang iba naman yata ang trip mo ngayon, huh, ayaw mo na ba akong kasalo sa kama?" Malanding tanong nito. "Ano sa tingin mo ang gagawin mo kung ang trabaho mo ay paligayahin ang CEO ng Sm
“Boss, aalis tayo?” tanong ni Gavin ng makita ang boss na papasok ng sasakyan. “No, ako lang ang aalis, magpahinga ka na.” Mabilis siyang pumasok sa loob ng driver seat. Hindi na niya hinintay pa si Gavin na sumagot. Ayaw niya ng maraming tanong, baka matatagalan lang ang pag-alis niya. Habang nasa biyahe, tinawagan niya si Tim na siyang nakasunod ngayon sa sasakyan ni Freya. “Tim, nasaan na kayo ngayon?” “Kararating lang namin sa harapan ng bahay ni maam Freya, boss,” sagot rin nito. “Saan banda iyan?” muling tanong niya. “Dito sa 403 st; Welsh Villa, North City, boss,” pagbibigay detalye nito. Pinatay niya ang tawag matapos malaman ang address nito sa North City. Matapos ang isang oras na biyahe, sa wakas malapit na siya sa harapan ng bahay nina Freya. Naisipan niyang tawagan ito. “Hello, dii..” sagot ni Freya habang nakangiti. “Kamusta na kayo ni Nathan? Nakarating na ba kayo ng safe?” nakangiti niyang tanong. “Ito, nagpadede kay Nathan, Alas siyete na ng gabi kami nakauwi.
Sa kabila ng mga sinabi niya, nanatili pa ring matigas ang anyo ni Mr. Stanley. Hindi alam ni Drake kung ano pa ang pwede niyang sabihin, patunayan lang na mahal niya ang anak nito, until he heard Freya's voice. "Dii, I'm sorry, kailangan kong piliin si Daddy," saad nito habang patuloy sa paglandas ang mga luha. Humihingi ng pag-unawa ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Hindi alam ni Drake kung ano ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito, habang nakatingin ang nagmamakaawa niyang tingin kay Freya. "Mii, What do you mean?" Humingi pa rin siya ng paliwanag mula rito. "Dii, kailangan kong piliin si Daddy. Ito lang ang tanging paraan, upang makabawi ako kay mommy. " "Freya, hindi kita maintindihan, ano ba 'ang pinagsasabi mo?" Naiiyak na tanong niya. Nakita niyang tumayo ito at niyakap silang dalawa ni Nathan habang kinakarga niya. "Ingatan mo si Nathan, Dii. Alagaan mo siyang mabuti, sana maintindihan mo ako kung bakit kailangan kong gawin 'to. Ngayon lang kayo nagsama
Nagtataka si Freya kung bakit sa loob ng maraming taon, nagpakita sa kanya si Alexandra. Kaklase niya ito mula high school hanggang sa sila'y nag kolehiyo. Dati hindi siya mahilig makipagkaibigan. Mahilig siyang mapag-isa. At si Alexandra lang ang tanging kaklase niya na sadyang lumapit sa kanya at nakipag kaibigan. Ngunit huli na niya nalaman na lumapit lang pala ito sa kanya dahil may iba itong plano. Nagawa nito ang pakikipagniig sa kanilang professor upang magawa nitong isabotahe ang mga exam results niya upang ito ang mangunguna sa klase. Ngayon, history repeat itself dahil muli itong lumapit sa kanya. Ibig sabihin may ibang pinaplano ito. “Sige papasukin mo, “ utos niya sa sekretarya. Gusto rin niyang malaman kung ano ang pinaplano nito, bakit ito lumapit sa kanya Ilang sandali pa’y, pumasok na ang sekretarya kasama si Alexandra. Tuwang-tuwa ito na lumapit sa kanya at niyakap siya, feeling nito'y mag bestfriend talaga sila. “Oh, come on, Alexandra, anong pakay mo at bigla kan
SANDALING nahulog si Drake sa malalim na pag-iisip, nabuksan na niya ang mga naburang video footage ngunit nagtataka siya kung bakit dalawang lalaki lang ang nagdala ng anak niya. Nasaan si Alexandra? Bakit hindi siya kasama ng dalawang lalaki noong umalis ang mga ito? Inutusan na niya ang grupo ng Black Dragon na hanapin si Alexandra at ang Ang Black lion naman na sa pamumuno ni Soleil ay inutusan niyang hanapin ang dalawang lalaki na dumukot sa anak niya. Binalingan niya si Freya. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Kakayanin natin 'to mii..gagawin ko ang lahat maibabalik ko lang ang anak natin.Riiiiinng…Mabilis na tiningnan ni Drake ang screen ng cellphone n'ya, kunot-noo siya ng makita ang hindi kilalang numero na tumatawag sa kanya. Sinagot niya ang answer button nito ngunit hindi muna siya nagsalita. Pinakinggan muna niya ang sasabihin ng kabilang linya."Kamusta ka na Drake Briones?" Muling tiningnan ni Drake ang cellphone niya nagbabakasakali na makilala niya ang numero ng lala
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an