Home / Romance / LOVE GAME WITH THE COLD CEO / KABANATA 2 - ANNULMENT

Share

KABANATA 2 - ANNULMENT

last update Last Updated: 2023-02-27 17:48:30

8 O'CLOCK, Lunes ng umaga, sa isang malawak na conference room na nasa 65th floor ng Riego Corporation Building.

          Hindi maipinta ang mukha ni Marco sa galit, dahilan kung bakit mainit din ang hangin sa buong conference room.

          Ang mga board member at high-level officer ay naroon at nagkakatinginan, tila hindi alam kung ano’ng gagawin o kung magsasalita ba ang mga ito.

          Silang lahat ay naghihintay sa pagdating ni Secretary Anna De Vera. Kahit kailan ay hindi ito nakagawa ng pagkakamali sa trabaho, lalo na ang ma-late sa mga meeting. Ngunit late si Ms. De Vera nang araw na ‘yon. Halos bente minute na ang lumipas nang magsimula ang meeting, at wala pa rin ni anino ng secretary ni Marco.

          Napatingin sa lalaki ang assistant nitong si Xian. Alam na ni Xian kung ano’ng delubyo ang mangyayari kapag hindi pa nakarating si Anna sa meeting kaya naman lihim niyang kinuha ang kanyang phone sa bulsa para sana i-text si Anna. Pero bago pa man niya mai-send ang text ay bumukas ang double doors ng conference room.

          Taas-noong pumasok si Anna. “I’m sorry for keeping everyone waiting,” aniya.

          Lahat ng mga tao sa conference room ay tulalang nakatingin kay Anna. Tila ba hindi makapaniwala ang mga ito sa kanyang pagbabago.

          Si Ms. Anna De Vera ba ang nasa harap nila?

          Ang noong nakapuyod na kulay itim na buhok niya ay wala na, bagkus ay nagmistulang foreigner ito dahil sa kanyang orange-pink at kulot na buhok. Daig pa ang isang rebelde. Her hairstyle resembled a famous celebrity, but her skin was fair and flawless.

          Ang dating makapal at kinakalawang na salamin sa mata ay hindi na rin niya suot. Dahil doon ay mas maging depina ang maganda’t matangos niyang ilong. Kita rin ang maliit na nunal sa gilid ng kaniyang kanang mata, na mas lalo pang nagpaganda at nagpabata sa kanya.

          At ang kanyang labi ay namumula sa suot na pulang lipstick.

          Mas lalo pang umangat ang kaniyang charisma sa suot na black leather jacket at ripped jeans.

          Halos lahat ng mga lalaki sa conference room ay hindi maialis ang tingin sa kanya, hindi makapaniwala na ang mahinhin at tahimik na si Secretary De Vera ay siya ring magandang babaeng nakatayo sa harapan nila.

          Maging si Marco ay nasurpresa sa malaking pagbabago ni Anna. Matagal na siyang kasal sa babae. Palagi niya itong nakikita na suot ang makapal nitong eyeglasses, mahaba at makapal ang itim at tuwid na buhok at palaging nakadamit na animo’y isang manang. Kaya ngayong ibang-iba ang Anna na nasa harap niya ay hindi niya mapigilang mamangha sa babae. Ni hindi niya inakala na sexy pala ito!

          ‘Ano sa tingin niya ang ginagawa niya?’ Naisip ni Marco.

          Subalit, hindi pinansin ni Anna ang mga malalagkit na tingin sa kanya ng mga board member at officials na naroon. Ang kanyang mga mata ay nakatuon kay Marco Riego.

          Nagtaas ng kilay si Marco. Mula pa noon ay alam na nitong sa kabila nang pagiging simple ni Anna ay maganda ito. At habang tinitingnan niya ito nang patago noon, mas lalo siyang nakukumbinsi na may angking charisma ang babae, lalo na ang mga mata nito na kung tumingin ay palaging may pagmamahal.

          Ngunit ngayon ay hindi mahagilap ni Marco sa mga mata ni Anna ang emosyong madalas niyang makita rito noon. Ang mga mata nito ay malamig, at blangko. Ni walang pagmamahal sa gawi nang pagkakatitig nito sa kanya, na para bang ni minsan ay hindi siya nito pinahalagahan.

          Nangibabaw ang init ng kanyang ulo.

          “Anong ibig sabihin nito, Ms. De Vera? You better give me a reasonable explanation. You’re goddamn late for the meeting and you’re wearing improper clothes in my company!” bulyaw niya rito.

          Sumilay ang mapang-insultong ngiti sa labi ni Anna. Walang takot siyang naglakad palapit kay Marco. Hindi gumalaw ang lalaki, at mariing pinaglapat ang mga labi. Galit nitong tinitigan si Anna.

          Pagkahinto sa harapan ng asawa ay nilabas ni Anna mula sa bag ang kanyang resignation letter at padabog itong nilapag sa mesa.  

          “Mr. Riego, this is my resignation letter.”

          “Resignation letter?” ulit ni Marco. He was confused.

          Gulat na gulat ang mga empleyadong naroon. Hindi sila makapaniwala na magre-resign si Anna sa harap ng maraming tao. Para bang pinaparating nito na hindi na niya kaya pang makatrabaho ang isang Marco Riego.

          “Ms. De Vera, I didn’t expect you to make a fuss like this,” sabi ni Marco. Ang mga ugat nito sa leeg ay halos naglabasan na sa galit dala nang pamamahiya na ginawa ni Anna sa kanya.

          “This is not just a fuss, Mr. Riego. Kung kulang pa ang resignation letter ko para iparating sa iyo na sawa na akong magtrabaho sa lalaking katulad mo, baka ito sasapat na…” Walang anu-anong hinampas ni Anna ang kanyang asawa gamit ang bag na kaniyang hawak.

          Mula sa bag ay nahulog ang mga dokumento sa sahig. Ang mga empleyadong malapit sa kanila ay tiningnang maigi ang bawat papel. Halos manlaki ang mga mata ng mga ito nang mapagtanto kung ano ang mga dokumentong dala ni Anna.

          Walang iba kundi ang annulment papers!

Related chapters

  • LOVE GAME WITH THE COLD CEO   KABANATA 3 - JEALOUSY

    “Pinirmahan ko na ang lahat ng annulment papers na pinadala mo sa akin, at please lang, pumunta ka sa Civil Affairs Bureau bukas ng umaga para kunin ang annulment certificate.” Matapos niyang sabihin ‘yon ay pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok at saka tinalikuran si Marco. Taas-noo siyang lumabas ng conference room. Umirap pa siya nang marinig ang lagabog sa loob niyon, tila ba nagbasag ng tasa ng kape si Marco, at pagkatapos ay in-announce na ni Xian na tapos na ang meeting…   “Buti nga sa ‘yo,” bulong ni Anna na lihim na napangiti. Alam niyang marahil ay nanggagalaiti na sa galit si Marco, ngunit wala na siyang pakialam pa. Magmula ngayon ay wala na siyang kaugnayan ni katiting sa lalaking ‘yon! Matapos lisanin ang Riego Corporation, bumalik si Anna sa hotel. Umalis na siya sa bahay na pagmamay-ari ni Marco, bitbit ang dalawang maliit na suitcase na naglalaman ng kanyang mga damit. Sa hotel room… Narinig ni Anna

    Last Updated : 2023-02-27
  • LOVE GAME WITH THE COLD CEO   KABANATA 4 - HIS BRAVE EX-WIFE

    MULA sa driver’s seat ay nakita rin ni Xian ang nangyari sa harap ng Civil Affairs Bureau. Tiningnan nito ang oras. Pasado alas nuebe na at tumataas na rin ang sikat ng araw… “Mr. Riego, kanina pa po nakatayo si Madam sa labas ng gate—” “Bakit? Naiinip ka na ba?” Naiinis na wika ni Marco. Hindi na sumagot si Xian, bagkus ay tinuon ang mga mata sa harapan. Tiningnan naman ni Marco ang klima para sa araw na ‘yon. Ang sabi sa weather update ay magiging maaraw at papalo ng 38 degrees ang temperature sa bandang katanghalian.  Kumunot ang noo niya. “Mag-drive ka na.” “Yes, Mr. Riego.”  Samantala, bagot na sa paghihintay si Anna. Tatawagan na sana niya si Xian nang makita ang mamahaling kotse na huminto sa kanyang harapan. Isang Bentley. Sa pagkakaalam niya ay isa ito sa pinakamamahaling kotse sa buong mundo. Hindi lahat ng mayayamang pamilya ay mayroong gano’ng klase ng kotse sa Pilipinas. Tanging si…

    Last Updated : 2023-02-27
  • LOVE GAME WITH THE COLD CEO   KABANATA 5 - MUST BE HER TRICK AGAIN!

    Kinagabihan… Ginugol ni Marco ang kaniyang atensyon sa trabaho matapos ang mga nangyari sa Civil Affairs Bureau. Hanggang mga oras na ‘yon ay nagngingitngit pa rin siya tuwing naaalala ang mga sinabi ni Anna sa kanya. Hindi siya makapaniwala na sa loob lamang ng ilang araw ay nagbago ang ugali ng babae. Dalawang katok mula sa saradong pinto ng kanyang opisina ang nagpabalik sa kanya sa realidad. “Mr. Riego, Ms. Fuentes is here to visit you,” pormal na wika ni Xian mula sa labas ng pinto. Hindi tumigil sa pagbabasa ng mga dokumento si Marco, at hindi rin nag-aksayang mag-angat ng tingin. “Hindi ba’t sabi ko ay hindi ako tatanggap ng bisita?” malamig niyang sabi. “I’m sorry, Mr. Riego. Ang sabi ni Ms. Fuentes ay may mahalaga raw siyang sasabihin sa ‘yo.” Nakakunot-noong nag-angat ng tingin si Marco, pagkatapos ay hinubad ang kanyang suot na gold-rimmed glasses. “Let her in,” aniya habang mi

    Last Updated : 2023-02-28
  • LOVE GAME WITH THE COLD CEO   KABANATA 6 - HE LOST HIS EX-WIFE

    Hindi tumigil si Marco na ipahanap si Anna. He wanted to speak with her and confront her about her evil tactics. Ngunit kahit ang mga taong inutusan niya para hanapin ang dating asawa’y hindi ito matunton.Marco couldn’t find Anna anymore.Ang malala pa roon ay hindi siya pinatatahimik ng nabasang diagnosis result tungkol sa kondisyon ni Anna.Isang lingo na ang nakakalipas, pero sa sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya, ang salitang cancer ang palagi niyang naiisip. Hindi niya maintindihan kung bakit parang sumisikip ang dibdib niya kapag naiisip iyon.Hindi niya gustong paniwalaan na totoo ang resultang ‘yon. Mas gusto niyang isipin na gawa-gawa lamang iyon ni Anna para maghabol siya sa babae, pero sa mga nagdadaang araw, hindi na rin siya sigurado sa dinidikta ng isip niya.Mabilis na lumipas ang isa pang linggo…Walang ibang ginawa si Marco kung hindi ang igugol ang atensyon niya sa trabaho. Ni wala siyang ganang sagutin ang mga tawag mula sa mga business partner niya at ni Ce

    Last Updated : 2023-03-06
  • LOVE GAME WITH THE COLD CEO   KABANATA 7 - BAD DREAM OR PREMONITION?

    Kinagabihan sa isang high-end private bar. Isang itim na Hummer ang huminto sa harap nito at lumabas mula roon ang isang matangkad at matipunong lalaki. Sa pustura pa lang ay may angking charisma at mayaman ang lalaki sa suot na black short-sleeved polo, denim jeans at military boots. Kulay itim at malinis ang gupit ng kaniyang buhok, moreno, at may nakaipit na sigarilyo sa manipis nitong mga labi.Naglakad ang lalaki papasok sa entrance ng bar, hinawakan ang sigarilyo gamit ang dalawang daliri habang sumisipol. Sa isang kumpas ng kamay ay naibato nito ang susi ng kanyang mamahaling kotse, na awtomatikong nasalo ng isa sa mga parking boy.Hawak-hawak ang susi ay magaling na nagtungo ng ulo ang parking boy.“Magandang gabi, Sir Scott!”Mabilis na humalo sa mga taong naroon ang matipunong lalaki.Ito ay walang iba kung hindi si Scott Montealegre, isa sa mga tagapagmana ng pamilya Montealegre—ang pang-apat sa pinakamayayamang clan sa buong bansa, at ang matalik na kaibigan ni Marco Riego

    Last Updated : 2023-03-06
  • LOVE GAME WITH THE COLD CEO   KABANATA 8 - HER UNEXPECTED RETURN

    Makalipas ang dalawang buwan…Natapos na ang tag-araw at nagsisimula na ang paglaming ng panahon na dulot ng taglagad. Isang eroplano na nagmula sa bansang Amerika ang lumipad patungong Pilipinas.Sa airport, marami mang mga tao ang naroon ay may isang matangkad na babae ang halos maka-agaw ng atensyon ng lahat mga taong naroon. Nakasuot siya ng mahabang itim na windbreaker na may slim black v-neck vest, ripped jeans at puting sapatos. She was only wearing casual clothes but she sported it like she was a real idol.Ang babae ay nakasuot ng itim na cap na siyang bumabalot sa mahaba nitong orange-pink na buhok, at isang sunglasses. Tinatakpan ng mga ito ang kanyang maganda at inosenteng mukha. Bahagyang nakanguso ang kanyang mga pulang labi at naniningkit ang mga magagandang mata sa likod ng suot na sunglasses na para bang kagagaling lamang nito sa pagtulog at marahang nagmamasid sa paligid.Ang mga taong nalalagpasan niya, kahit na ang mga kalalakihan, kababaihan, bata o matanda, lahat

    Last Updated : 2023-03-07
  • LOVE GAME WITH THE COLD CEO   KABANATA 1 - CANCER

    “MISS De Vera, ayon sa results ng mga laboratory mo, mayroon kang gastric cancer. I am sorry to say this but it’s already at a critical stage.” Tulalang sumakay sa bus si Anna, naupo sa isa sa mga upuan sa likod hawak-hawak ang piraso ng papel na naglalaman ng resulta matapos niyang magpa-check up. Namumutawi ang lungkot at pangamba sa kanyang mga mata. Kahit mainit ang panahon na ‘yon sa syudad ng Maynila, pakiramdam niya ay yumayakap ang lamig sa kaibuturan niya dala nang matinding takot. Sa loob ng dalawang taon ay madalas siyang mamilipit sa sakit ng tiyan. Noong una ay binaliwa niya lamang ito ngunit nang hindi na niya makayanan ang sakit ay nagpa-check up na siya sa malapit na ospital para maresetahan ng gamot. Ayon sa doctor na tumingin sa kanya ay kinakailangan niyang mag-undergo ng gastroscopy. Ang buong akala ni Anna ay ordinaryong gastritis lamang ito, subalit isa na pala itong lumalalang cancer sa kanyang katawan! Hindi niya alam

    Last Updated : 2023-02-27

Latest chapter

  • LOVE GAME WITH THE COLD CEO   KABANATA 2 - ANNULMENT

    8 O'CLOCK, Lunes ng umaga, sa isang malawak na conference room na nasa 65th floor ng Riego Corporation Building. Hindi maipinta ang mukha ni Marco sa galit, dahilan kung bakit mainit din ang hangin sa buong conference room. Ang mga board member at high-level officer ay naroon at nagkakatinginan, tila hindi alam kung ano’ng gagawin o kung magsasalita ba ang mga ito. Silang lahat ay naghihintay sa pagdating ni Secretary Anna De Vera. Kahit kailan ay hindi ito nakagawa ng pagkakamali sa trabaho, lalo na ang ma-late sa mga meeting. Ngunit late si Ms. De Vera nang araw na ‘yon. Halos bente minute na ang lumipas nang magsimula ang meeting, at wala pa rin ni anino ng secretary ni Marco. Napatingin sa lalaki ang assistant nitong si Xian. Alam na ni Xian kung ano’ng delubyo ang mangyayari kapag hindi pa nakarating si Anna sa meeting kaya naman lihim niyang kinuha ang kanyang phone sa bulsa para sana i-text si Anna. Pero bago pa man niya mai-send ang text

  • LOVE GAME WITH THE COLD CEO   KABANATA 1 - CANCER

    “MISS De Vera, ayon sa results ng mga laboratory mo, mayroon kang gastric cancer. I am sorry to say this but it’s already at a critical stage.” Tulalang sumakay sa bus si Anna, naupo sa isa sa mga upuan sa likod hawak-hawak ang piraso ng papel na naglalaman ng resulta matapos niyang magpa-check up. Namumutawi ang lungkot at pangamba sa kanyang mga mata. Kahit mainit ang panahon na ‘yon sa syudad ng Maynila, pakiramdam niya ay yumayakap ang lamig sa kaibuturan niya dala nang matinding takot. Sa loob ng dalawang taon ay madalas siyang mamilipit sa sakit ng tiyan. Noong una ay binaliwa niya lamang ito ngunit nang hindi na niya makayanan ang sakit ay nagpa-check up na siya sa malapit na ospital para maresetahan ng gamot. Ayon sa doctor na tumingin sa kanya ay kinakailangan niyang mag-undergo ng gastroscopy. Ang buong akala ni Anna ay ordinaryong gastritis lamang ito, subalit isa na pala itong lumalalang cancer sa kanyang katawan! Hindi niya alam

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status