Share

CHAPTER 3

Sandali pa kong napatitig sa dibdib nito na siya namang nilayo ko agad. At chineck ko pa talaga ha? Napayuko ako sa sarili kong reaksiyon. Ilang sandali pa, may sumulpot na isa pang babae sa tabi niya. Iyong mas maikli ang buhok kaysa sa kanya. Hindi nagtagal at energetic itog kumaway sa akin. Ibinalik ko naman ang reaksyon sa kanya at tulad ng dati, ilang na ngumiti palayo.

"You are? Hmm? ...oh by the way I'm Jessica, nice to finally meet you," ani noong maputing babae na maikli ang buhok. Kasunod na nagpakilala 'yong mas mahabang buhok.

"Oh oo nga pala, nakalimutan ko magpakilala. I'm Agnes," sambit noon. May kung ano naman sa akin at sinundan ang kamay nito na nagtungo sa balakang ng isa pang babae. Parang magnet iyon na kusang dumikit sa parteng iyon no'ng Jessica.

"I-I'm Armani. Nice to meet you po, hehe..." 

Hindi ko alam kung anong itsura ko noong oras na iyon. Wala rin akong ideya kung anong tumatakbo sa isip nitong dalawa pero bahala na. Para mailihis ang usapan, naglakas loob akong sabihin na an order ko nang makakain na. Bago ko pa man masabi iyon, may nauna ng nagsalita sa akin na siyang kinalaglag ng panga ko.

"Isang order ng raisins and cute buns.."

"Garette! Huyy... mahiya ka nga!"

Tila nagpintig ang tenga ko sa sinabi ng masungit na tomboy na yon. Hindi ako sigurado sa gender niya pero wala na akong pakialam dahil ang bastos ng bibig niya.

"Anong problema mo sa buns ha?" singhap ko.

Nabigla naman ito sa naging reaksiyon ko. Inasahan ko na ang pagrolyo ng mata niya. Nakakagigil, gusto kong dukutin dahil masyadong mataras yung organ niya na yun.

"I thought that was funny. Sorry girl if that offended you. Excuse me," aalis na sana siya nang muli ko itong tawagin. Ngayon ko lang din napansin na kanina pang nakatingin sa akin ang mga kaklase ko. Nakita ko pa si Charmaine at Trisha na tinataasan ako ng kilay at animo'y tinatanong kung ano ang nangyayari.

"No, dont go anywhere. Bold of you to insult me ha?" bawi ko sa kanya. 

Sandaling natahimik ang lugar. Mabuti na lang at umalis na yung ibang kumakain at grupo na lang namin ang natitira. Hindi nagtagal at muling nagsalita 'yong Garette ata yung pangalan. Ngayon ko lang din siya natitigan ng maayos. 

Unang-unang napansin ko ay ang unique na kulay ng mga mata niya. Hindi ko mawari kung kulay gray ba yun o blue? Ewan! Her face is quite expressive too, baka dahil sa mga mata niya. She has a perfectly curved body. Maputi ang balat, perfectly toned din ang muscles niya.  Nakapony tale siya ngayon at saka ko lang rin napansin na naka PE Uniform ito katulad ng sinusuot ko tuwing Thursday Schedule namin. 

"Excuse me? Hindi kita ininsulto. I even said that those buns are cute. Hindi ka pa ba nakaranas ng compliment sa kapwa mo babae?" aniya sabay umismid.

"Hindi compliment yon, it didn't sound like that to me Ms. Sungit!"

"Then it is already your problem Ms. Good Looking! The way we absorb others' words is subjective. I don't expect you to sound pleased kung hindi iyon ang gusto mong ma-feel," mabilis niyang banat sa akin. Nakuha ko pang mabilib sa pag iingles nito ngunit napawi iyon ng maulit na naman ang pagrolyo ng mga mata niya na siyang mas kinainis ko.

"Maalala ko lang! Kararating niyo lang the other day at maka-ilang beses mo na akong inii-snob-ban! Ano bang problema mo sa akin at lagi mo kong tinatarayan?"

"Because you're too pretty!" 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko, lahat ng nasa table kabilang ang dalawang kasama niya ay hindi maialis ang tingin sa amin. Sinubukan kong hanapin kung saang lupalop ng mundo napunta ang dila ko ngunit nabigo akong makita iyon. Hindi nagtagal muli itong nagsalita.

Aniya, "God! There are too many pretty girls here. The gayness in me is roaring so hard that I could no longer stand it. Geez! I'm out Tita Jess!" 

That's the last thing she said before she walked away. Kung kanina ay wala akong mahugot na words, mas lalo pa ngayon matapos ko malaman ang mga iyon. Seryoso ba siya? May ganon ba talaga? Kung oo, ngayon lang ako nakakita ng taong nagagalit sa tuwing nakakakita ng maganda sa mata niya. She's odd and straight to hell weird, I guess.

Huling subject na namin sa araw na to at tamad na tamad kong tinitigan yung orasan sa relo ko. 12 minutes na ang nakalipas at wala pa rin ang Prof namin sa Differential Calculus. Three minutes na lang ang hihintayin at pwede na kaming umuwi dahil sa 15-minute rule. Sana lang talaga ay makisama si Sir Gaddi sa amin.

Nabaling naman ang atensyon ko nang biglang magsalita sa tabi ko si Charmaine. Wala sa wisyo kong tinignan ito at saka pinakinggan.

"Gusto mo sumama samin ni Trish? Mamimili kaming tracing paper mamaya. May plate tayo sa E.Draw kay Arch. Pamintuan diba?"

"Buti pinaalala mo. Sige sis tuki ku. Potang ala ya talaga i Sir Gaddi, lumabas tana. Bisa kung muling maranun," tugon ko sa kasama. (Sige sis sama ako. Pag wala si Sir Gaddi alis na tayo. Gusto ko umuwi ng maaga)

Ganoon na nga ang nangyari. Sumakay kami agad sa nakaparadang jeep sa harapan ng school. Sandali lang kami naghintay ng ilang pasahero hanggang sa tuluyan ng napuno ang sasakyan. Medyo malayo ang University sa palengke ngunit ng makababa kami ay agad naming tinungo yung school supplies shop.

Pagpasok pa lang namin sa loob, bumungad na sa amin ang maraming studyanteng namimili rin ng gamit sa establishimento. Karamihan sa kanila ay mga arki student na may malalaking canister tubes na pasan-pasan sa gilid.

Tinungo naman namin agad yung section kung saan naroon yun mga tracing papers. Kumuha ako ng isang tube noon para minsanang bilihan at hindi ganun kagastos kung patingi-tingi. Nang mayari, pumila kami agad sa cashier para magbayad. Medyo mahaba ang pila kaya hindi rin kami agad natapos sa loob. 

May 30 minutes siguro kaming naghihintay sa loob bago kami tuluyang iluwa ng shop. Magyayaya pa sana si Trisha na kumain sa katabing fastfood ngunit tumanggi na akong sumama sa kanila. Pakiramdam ko masyadong maraming ganap ngayon araw kahit wala naman talaga. Baka dahil maagang nagsimula ang araw ko hindi katulad ng mga nakasanayan kung saan tanghali na ako kung magising. Gusto ko na lang tuloy dumiretso sa kama ko at humiga ng pagkatagal-tagal.

Naghiwalay na kami ng dinadaanan nila Charmaine. Nagpaalam ako at saka dumiretso papunta sa sakayan ng tricycle. Sana lang, si Mang Albert ang nakapila sa toda para less hassle dahil magkatabi lang kami ng bahay. 

Hindi pa ako nakakaliko sa direksyon ng department store, halos mabli ko ang buto ng kung sino man iyong humawak sa balikat ko. Dama ko rin ang biglaang pag bilis ng pintig sa loob ng dibdib ko. Medyo maaraw pa naman at kung iisipin kong mabuti, early bird yata ang mandurukot sa hapong ito. Noon din, hinarap ko 'yong lalaking pabulong na umaaray sa gilid ko. Nanlaki naman ang mata ko ng mapagtanto kung sino iyon.

"Benjo?!"

"H-Hi Armani hehe..."

Garette's POV

Malaki ang lugar na ito kumpara sa huling bayan na tinirhan namin kaya inaasahan ko ng medyo matatagalan bago ko pa makabisa ang mga pasikot sikot dito. Mag isa ako ngayong nakatayo sa tapat ng department store. Bago lang sa akin ang lugar at sinusubukan kong alalahanin kung saan nga ulit yung sakayan pauwi. 

Mag iisang oras na rin akong nakatulala sa pwesto ko. Kanina pa pumapasok sa isip ko na magtanong sa mga taong dumadaan kaso pinangungunahan ako ng hiya. I even tried to practice my speech if ever magkaroon ako ng lakas ng loob magtanong pero kapag nagkakaroon ng chance, kusang tumitiklop at rumorolyo pabalik ang dila ko. I guess I'm going to live here from now on.

Nakuha ko na ring naubos yung binili kong gatorade. Mabuti na lang talaga hindi ice cream 'yong binili ko sa loob kung hindi, sabay na kaming natunaw dito. Na-distract lamang ako sa pagmumuni-muni dahil sa paparating na tawag galing sa cellphone ko.

"Hello? Nasaan ka na?"

"Still here. Hindi ko matandaan kung saan na nga ulit yung sakayan," mataman kong tinig.

Sandali ko pang nilingon ang medyo nagdidilim nang langit. Malamang sa mga oras na ito ay pauwi na rin sila Tita Agnes. Nalihis naman ang atensyon ko ng mapansin kung sino ang naglalakad mula sa kabilang daan. 

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, animo'y sa mga oras na ito, nakisama ang sikat ng araw sa direksyon kung nasaan 'yong babae. Parang yung mga eksena sa korean dramas kung saan naglalakad yung bidang babae at slow motion ang bawat hakbang nito kasabay ang pag glare ng araw sa bista ng karakter. Who would know huh? She can be much prettier than how actually she is already. In that instant, I felt my own cheeks burn lightly. Isabay mo pa yung biglaang pag sakit ng tiyan ko. Shocks, it did sound cheesy, yet too corny.

Bigla naman, tila may bumbilyang sumulpot sa ibabaw ng ulo ko. Pakiramdam ko noon ay bigla na lang akong hinulugan ng tulong ng langit kahit hindi ko pa hinihingi.

"Magtanong-tanong ka na lang diyan. Hay nako Garette diba lagi kong sinasabi na parati mong isasama si magtanong at hindi si magtanga?" ani noong boses sa kabilang linya ng telepono habang patuloy pa ring nakamasid ang mata ko sa direksyon noong Armani ba yun? Basta si raisins.

"Huy? Nandyan ka pa ba? ...Garette?"

"Tita I think I found it. See you later," iyon ang huling sinabi ko bago ibaba ang tawag.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status