Share

LOSING CONTROL
LOSING CONTROL
Author: iam_marceline

CHAPTER 1

Author: iam_marceline
last update Huling Na-update: 2022-12-03 15:02:17

Armani's POV

"Nakatulala ka na naman diyan teng! Hindi na babalik yun," usal ni Asha na kanina pang nakaupo sa harap ng study table ko. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay pinukol ang atensyon sa labas ng bintana.

Walang emosyon kong pinanood ang truck sa harapan ng bahay namin. May tatlong babae ang naroon at isa-isa nilang inilalabas ang mga gamit sa loob ng sasakyan. Sa wari ko, bagong lipat ang mga iyon sa pinauupahang bahay ni Aling Pising.

Maya-maya pa, tumigil sa pagbubuhat 'yong isang babae at bahagyang pumihit ang tingin nito papunta sa direksyon ko. Kumaway ito sa akin at doon ko lang napansin ang hitsura nito. May maikli itong buhok na aabot hanggat sa ibabaw ng balikat. Balingkinitan ang katawan at may pagka kutis porselana ang balat. Partida pa sa distansya ng kwarto ko sa ikalawang palapag, halata sa pangangatawan nito ang pag dyi-gym. 

Ilang sandali pa, sinabayan siya ng isa pang babae sa pagkaway. Hindi nagkakalayo ang kulay at hugis ng katawan nila ngunit di hamak nga lang na mas mahaba ang buhok nito kaysa sa nauna. Kapansin-pansin din ang hinaharap nito. Napaisip tuloy ako kung ilang taon na ang mga ito. Baka nasa late 20's dahil mukha silang mga career women. Considering their physical appearances, expect mo na na may pang maintenance sila sa ganoong hitsura.  

Patuloy pa rin sa pagkaway 'yong dalawa sa baba. Napatingin pa ako sa paligid at baka may iba pa lang kinakawayang ang mga ito. Napansin ko naman na walang katao-tao sa daan. Imposible rin naman na may lumilipad na tao at yun ang kinakawayan nila dahil obvious naman na sa taas ang tingin nung dalawang babae. 

Nang mapansin ang pag ngiti at mas ma-effort na pagkaway ng dalawa, ilang akong kumaway pabalik at saka nahihiyang tumalikod mula sa bintana. Nakaramdam pa ako ng sandaling pagkabog ng puso ko. Dahil siguro sa pagkakahuli ng mga babae sa panonood ko sa kanila. 

Inayos ko ang upo ko sa kama at saka isinandal ang ulo sa gilid ng bintana. Sa pwesto ko, maayos kong napapanood ang pagme-mekaniko ni Asha sa computer. 

"Teng naalala ko, alam mo ba yung bagong mangungupahan kay Aling Pising, yung dalawang babae doon? Mag nobya," ani muli ng kapatid ko habang patuloy ang tingin nito sa screen ng computer. 

Hindi ko naman mailais na baka iyong dalawang kumaway 'yong tinutukoy ng kapatid ko. Binalingan ko ito ng tingin at saka pinatulan ang kwento.

"Saan mo naman galing iyan?" bitaw ko. Hindi ko naman na sinubukang tignan muli ang labas dahil baka mamaya, tatlo na silang kumakaway sa akin. Malayo sa kagustuhan ko ang ganoong interaksyon. 

"Kanino pa ba, edi kay Aling Pising! Sino pa ba ang reyna ng mga chismosa sa lugar natin?" tugon ni Asha na hanggang ngayon ay busy'ng-busy sa pinapanood niyang koreano sa computer. Puro lalaki ang sumasayaw doon at halos lahat ay tila mga mais ang itsura dahil sa kulay ng buhok. Magsasalita na sana ako para ipatigil ang pinapanood niyang Music video nang bigla siyang nagsalita muli. 

Aniya, "In fairness naman, hindi mo aakalain sa mga mukha nila dahil mukha silang mga model ng beauty products."

"Paano mo naman nasabi aber?" 

"Paano kasi palagi kang tanghali gumising. Kumatok kami ni Mama kanina sa tapat at saka sila binigyan ng gawang tinapay ni mama," putol niya at saka tuluyang humarap sa akin. Bago pa iyon ay itinigil niya muna sandali ang pinapanood na mga koreano. Ilang sandali pa ay nagpatuloy siya, "Paglabas nilang tatlo, naku ate! Ang kikinis ng mga balat akala mo mga bampira sa sobrang puti!"

"Eh, hindi ba maputla ang bampira? So maputla sila?" pagbibro ko. Agad naman ako nakaramdam ng matigas na bagay sa ulo ko. Ibinato kasi ni Asha iyong suklay sa ibabaw ng desk. Ibabato ko pa sana pabalik iyon ngunit naisip ko na baka computer ko naman ang tamaan at sa huli ay ako pa itong iiiyak-iyak.

"Pangit mo ka-bonding no? Buti nga sinasamahan kita rito kundi nabaliw kana sa pagmu-move on mo kay Max," usal niya na siyang nagparolyo ng mga mata ko. Pikon akong sumagot sa kanya. Wika ko, "Hindi naman ako nagpasama sayo. Isa pa, hindi ako nagmu-move on."

Hinintay kong sumagot muli ang kapatid ko ngunit hindi na nasundan iyon. Nag iwan na lamang siya ng mahihinang tawa sa ere at muling binalikan ang pinapanood. 

Nang balutin ng katahimikan ang paligid ay muli kong iginala ang mata ko sa labas ng bintana. Patapos na rin siguro sila sa paghahakot ng gamit dahil ilang mga gamit na lang ang natitira roon sa loob ng truck. 

Ganoon na lang at narinig kong muli ang tinig ng kapatid ko. Habang nagsasalita ay patuloy pa rin ang pagtitig ko sa mga abalang tao sa baba. 

Usal nito sa kuryosong tono, "Napaisip tuloy ako, baka tomboy din yung isa pa nilang kasama." 

Maya-maya pa ay napansin ko ang pag akyat ng tingin ng babae sa tapat ng bahay namin. Siya 'yong isa pang kasama nung dalawa pa at sa tantya ko ay hindi nagkakalayo ang mga edad namin. Babalewalain ko na sana ang huling sinabi ni Asha nang ikagulat ko ang reaksyon ng dalaga sa baba.

Halos masamid ako nang makitang irapan niya ako bago payabang na ngumiti palayo.

"Ang sungit naman niyang tomboy," ani ko at saka padabog na hinawi ang kurtina.

Kasabay ng pagdadabog ko ang pagkakalaglag ng sabitan ng kurtina. Muntikan pa nga akong tamaan nung mahabang bakal. Mabuti na lang at tila malakas ang guardian angel ko't naiwas ako sa pagkakahulog noon.

"Ay badtrip yarn? Inaano ka ba?" ani Asha na patawa-tawa. Ilang sandali pa at napatigil ito sa pinapanood at muli akong hinarap. This time, yung lotion naman ang hinablot niya at muling binato sa akin. 

Napaaray naman ako ng malakas ng magtagumpay siyang tamaan akong muli sa ulo. Hindi nga ako natamaan ng sabitan, nabukulan naman ako sa tigas noong pwetan nung lotion. Magsasalita na sana ako ng mauna ito sa akin. 

Aniya, "Bakit mo pinag dabugan yung kurtina?! Wag mo sabihing nanonood ka sa baba habang nagku-kwento ako Ate?!"

"Eh, ano naman kung nanonood ako Asha?" baling ko sa asar na tono habang patuloy na dinadama iyong tinamaan ng lotion.

"Ang pangit mo talaga ka-bonding! Paano ba kayo mag usap ng mga kaibigan mo ate? Pag may pinag chi-chismisan ba kayo, titignan mo yung pinag chi-chismisan niyo? Diba hindi?! Aisshh!" wika ni Asha habang nangangamot pa ng ulo. Ang OA naman nito?

"Ano bang masama roon? Hindi naman nila alam na pinagkukwentuhan sila, eh, ang layo-layo ng kwarto sa tapat bahay no," pangangatwiran ko rito.  

Matapos ko magsalita ay pinanliitan ako ng mata ni Asha. Animo'y nangungusap ang mga mata nito at sinasabing 'ang-bobo-mo-Armani'. 

Hindi naman ako nagkamali ng iniisip ng ilang sandali lang ay iyon na nga mismo ang sinabi ng kapatid ko. Hindi ko nga alam kung matatawa ako dahil tila magkadikit ang utak namin para maintindihan ko agad kung ano ang sinasabi niya sa itsura pa lang.

Muling nagsalita si Asha. Aniya habang hindi pa rin binibitawan ang kaninang itsura, "Ayusin mo mag- isa ang sabitan ng kurtina. Saka mo na ako kausapin pag natutunan mo na ang aral sa pag-uusap na ito. Hanggang sa muli, Armani Sean Lopez."

Matawa-tawa kong pinanuod ang kapatid ko palabas ng kwarto. Sa tono ng pagkakasabi niya ay akala mo talaga ay disappointed na disappointed ito. Nang tuluyan itong mawala sa lugar, agad kong pinulot 'yong bakal na nahulog kanina. Aktong isasabit ko na sana iyon nang maagaw ng eksena sa labas ang atensyon ko.

Halos mahulog ako sa kinatatayuan ko sa kama ng mapansin yung tatlong babae na nakatitig sa bukas na bukas kong bintana. Laglag panga ang reaksyon nila. Nakuha pa ngang mabitawan ng babaeng maiksing buhok ang kahong hawak nito.

Noon din, naalala ko ang huling usapan namin ng kapatid ko, pati na rin iyong huling linyang binitawan ko bago mahulog itong piraso ng tela. Narinig kaya nilang lahat? Malakas naman yung tugtog ng mga koreanong mais kanina hindi ba? Hindi naman siguro? Ahhhh! Ano ba?! Hindi ko alam kung anong nasa isip nila ngunit sa sandaling ito, tanging ang maibalik ng mabilis ang kurtina sa dati nitong pwesto ang nasa isip ko. 

Ganoon na lang at agad kong inabot ang steel member noong bakal at nang magtagumpay sa pagsabit doon, mabilis akong tumakbo pababa ng kusina.

Wala na akong ideya kung ilang baitang ang nilampasan ko marating lang ang lugar ng kainan sa maiklign panahon. Nang marating ko iyon, sumalubong sa akin ang nagtatakang itsura ni Kuya Arson.

"Sana tinalon mo na lang ng buo yung 15 steps kung gusto mo magmadali rito sa kusina," nakataas na kilay na wika ni Kuya. Noon din, lumabas ng pinto galing ng banyo si Asha.

Aniya, "Menan ka teng? Saligoso mo?" (Kapampangan translation: Napano ka ate? Nagmamadali ka?) 

"Wala, ano... may ipis sa kwarto dinapuan ako," wika ko at saka naglakad papunta sa direksyon ng ref na animo'y walang nangyari. 

Muli namang nagsalita si Kuya na ngayon ko lang napansing may hawak-hawak na saging. Aniya, "Mimingat ka loko, pota mesubsub ka galang keng gagawan mu" (Mag iingat ka loko, baka mamaya masubsob ka sa ginagawa mo.) 

Hindi ko na pinansin ang huling sinabi ni Kuya. Pinilit kong alisin sa isip an horrored na itsura noong tatlong babae kanina sa isip ko. Binuksan ko 'yong ref at saka matyagang naghanap ng pagkain sa loob. Habang nagmamasid sa loob, unang naagaw ng nakakahong gatas ang atensyon ko kaya naman agad ko iyong kinuha at inilagay sa lamesa. Sakto nama'ng nakalabas 'yong tasty bread sa parehong lugar kaya kumuha na rin ako ng dalawang piraso. Matapos kong salinan ang sarili ng inumin, umupo ako sa pinakamalapit na pwesto at nagsimulang mag agahan gayong mag aalas dose na ng tanghali.

"Sana mo nagbra ka muna bago ka bumaba teng?"

Iyon ang huling mga salitang narinig ko bago ako tuluyang kamuntikang mabulunan. Wala akong ideya sa kung anong itsura ko sa mga oras na ito. Mataman kong tinignan ang sarili sa salamin na noon ay nasa katapat na dingding ng kinalalagyan ko. Walang buhay kong tinulak iyong baso sa harapan ko at saka marahang tumayo sa kinauupuan.

Noon ko lang napagtanto na baka iyon ang dahilan ng gulat na eksena kanina. 

Nagmamadali akong pumasok sa kwarto at agad tinungo ang direksyon ng damitan ko. Inabutan ko pa roon ang computer na patuloy na pinapatugtog ang mga koreanong mais na nasa screen. Ibang tugtog na nga lang ang naroon di kagaya kanina. 

Hinalungkat ko 'yong drawer at saka kumuha ng pang ilalim na damit at itim na tshirt. Bago isuot iyon, sinigurado ko pang sa pagkakataong ito ay walang makakakita ng pasas tulad kanina. Mabilis kong iginya palabas ng katawan ko 'yong sandong suot-suot ko kanina.

Kasunod noon ang biglaang pagpasok ni Asha. Minsan, pakiramdam ko mas madalas pa to bumuntot sa akin kaysa kay mama.

"Teng, samahan mo raw kami mag grocery mamaya kayari mo," wika ng kapatid ko bago muling sinara ang pintuan ng kwarto. 

Hindi naman ako nagtagal sa taas. Matapos kong ipatong t-shirt ay bumaba na rin ako para tapusin 'yong agahan ko na inabot ng tanghalian.

Kaugnay na kabanata

  • LOSING CONTROL   CHAPTER 2

    Gaya ng sinabi ni Asha kanina, ilang sandali matapos kong kumain ay dumiretso kami agad sa bayan. Medyo malapit lang isamin ang palengke kaya hindi na ako nag abalang magpalit pa ng damit. Hinayaan ko ng samahan ako ng pajama ko at pati na rin ng itim na t-shirt sa pamamalengke. Wala namang espesyal sa pag go-grocery so why bother na magpaka effort sa outfit? Sa kabilang banda, itong kapatid ko akala mo ay may pupuntahang gala dahil pnagsusumigaw ang pusod niya dahil sa suot niyang croptop na tinernohan ng squarepants. Nasa department store kami ngayon at hindi ganoon karami ang tao sa loob. Ako ang nagtutulak ng cart sa aming dalawa habang abala naman sapagkuha si Asha ng mga kailangang bilhin. Kada kumukuha siya ng item, tila siga ito kung ihagis hagis iyong mga pinamimili sa loob ng cart na tulak-tulak ko. Sa tuwing ganoon ang ginagawa niya ay minamatahan ko ito ngunit binabalikan niya lang ako ng irap. Grabe rin kasi ang layo ng distansiya namin kung ibato-bato na lang niya iyon

    Huling Na-update : 2022-12-03
  • LOSING CONTROL   CHAPTER 3

    Sandali pa kong napatitig sa dibdib nito na siya namang nilayo ko agad. At chineck ko pa talaga ha? Napayuko ako sa sarili kong reaksiyon. Ilang sandali pa, may sumulpot na isa pang babae sa tabi niya. Iyong mas maikli ang buhok kaysa sa kanya. Hindi nagtagal at energetic itog kumaway sa akin. Ibinalik ko naman ang reaksyon sa kanya at tulad ng dati, ilang na ngumiti palayo."You are? Hmm? ...oh by the way I'm Jessica, nice to finally meet you," ani noong maputing babae na maikli ang buhok. Kasunod na nagpakilala 'yong mas mahabang buhok."Oh oo nga pala, nakalimutan ko magpakilala. I'm Agnes," sambit noon. May kung ano naman sa akin at sinundan ang kamay nito na nagtungo sa balakang ng isa pang babae. Parang magnet iyon na kusang dumikit sa parteng iyon no'ng Jessica."I-I'm Armani. Nice to meet you po, hehe..." Hindi ko alam kung anong itsura ko noong oras na iyon. Wala rin akong ideya kung anong tumatakbo sa isip nitong dalawa pero bahala na. Para mailihis ang usapan, naglakas loo

    Huling Na-update : 2022-12-03
  • LOSING CONTROL   CHAPTER 4

    Sakto naman at patawid ng daan si Arwina... Armina... Ara Mina? Ay ewan! Sasalubungin ko na sana siya ngunit napansin ko na may kasama pala siyang lalaki. Medyo pamilyar yung hitsura noon sakin ngunit hindi nako nag abala pang alalahanin kung saan ko siya nakita. Sinundan ko silang dalawa patungo sa kung saang lupalop ng mundo. Umaasang pauwi na rin sila at nang makasabay ako. Kasabay ng bawat hakbang na ginagawa ngdalawa ay kaparehong hakbang na ginagawa ko. Wala akong balak na ipaalam na sumusunod ako sa kanila. Ang tanging agenda ko lang ay ang makauwi sa amin dahil pagabi na. Pinanatili ko ang distansya ko sa kanila at tahimik na sumunod sa kanila. Sana lang at hindi nila ako mapansin. Doon ko na lang din naalala na mayroon nga pala akong facemask na nakatago sa loob ng bag. Mabilis ko 'yong kinuha at saka sinuot nang hindi man lang napapatid ang lakad. Ilang minutong paglalakad ang lumipas at nagtataka nako sa haba ng nilalakad namin. Hindi nako nagkaroon ng oras na magreklam

    Huling Na-update : 2023-01-02
  • LOSING CONTROL   CHAPTER 5

    Armani's POV Nakasakay kami sa loob ng tricycle ngayon. Katabi ko itong kapitbahay namin habang nasa likod naman yung kapatid ko. Madilim na ang dinadaanan at tanging mga streetlights na lang ang nagsisilbing liwanag na mapapansin mula rito sa loob ng sinasakyan namin. Pansin ko naman na walang imik tong isa kaya naman ako na ang nag-umpisa ng usapan. "Buti sinusundan mo kami ni Benjo kanina?" Kahit madilim, nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya mula sa salamin sa harapan namin. Yumuko siya pero maya-maya ay tumingala rin. Umubo pa siya bago alangang sumagot. "I d-didn't followed you..." sandali niyang pinutol ang sinasabi at saka muling yumuko. Itinuloy niya rin iyon. Aniya, "I did. I followed you. Sasabay sana ako umuwi." Sinuklian ko ng mahinang tawa ang sinabi niya. Unlike earlier, her confidence is barely showing. Naiintindihan ko naman kung bakit ganon na lang ang reaksiyon niya. Maaaring nahihiya dahil sa naunang encounter namin. Kahit ako, tanda ko iyon at aaminin ko rin

    Huling Na-update : 2023-01-03
  • LOSING CONTROL   CHAPTER 6

    Tinungo ko agad ang direksyon ng pamilya ko. Inabutan ko roon ang mga kapatid ko na sinisimulan na ang pagkain na dala-dala nga ni Daddy. Inimbitahan ko ang sarili sa isa sa mga upuan at sinaluhan na rin sila Asha."Kamusta naman ang Engineer namin?" panimula ni Dad habang aktong pinagsasandok pa siya ng kanin ni Mama. "Ayos lang Dad. Kaya pa naman," tugon ko at saka ipinasa ni Kuya Arson ang straw pati na rin ang milktea. Kinuha ko iyon at mabilis na tinusok sa ibabaw noong inumin."Ako Dad hindi mo ba ako kakamustahin?" baling ni Kuya. Nakangisi pa siya habang sumisipsip sa milktea. Nalipat tuloy ang tingin sa kanya ng parehong magulang namin at sabay pa ngang umani ng pabirong singhap. "Mukhang hindi mo na kailangan non Arson. Asha? Hindi ka nagsasalita ah? Kamusta so far ang pagiging high school?" lipat tanong ni Daddy. Nagpatuloy lang ang gabi sa pangangamustahan. Gabi-gabing ritwal na iyon sa tahanan namin. That gives me comfort because, despite their busy schedules, my paren

    Huling Na-update : 2023-01-05
  • LOSING CONTROL   CHAPTER 7

    Nagkatinginan kami ng katabi matapos ang sinabing iyon ng guardian niya. Though, aware naman ako sa gender ng mga nasa harapan ko. Iyon nga lang, medyo di ko mapigilang hindi mailang gayong tila may laman ang huling saad ng nakatatanda. I managed to console myself by hugging myself inadvertently. Ganon na lang din at nagpabalik-balik ang titig ni Garette sa akin at pati na rin sa mga nagsisilbing magulang nito. Napansin ko iyon kahit pa sa gilid lang ng mga ko siya tinitignan. Maging ang pagtapon ng dalaga ng masamang tingin, hindi nakalampas sa bista ko. Ganon na lang ba talaga ang pag aalala nito para sa iisipin ko? Kung gayon pala'y may natatagong konsensya tong taong to. Sa unang tingin kasi eh' tila nabubuhay lamang para sa sarili tong si Garette. Nakakatuwa rin na may concern din pala siya sa iba. "I've already told you, Tita. Just stop. Arni is uncomfortable because of you," Garette said. Halata sa tinig nito ang pagkainis. Kung iyon ang nais makita ng mga guardian niya eh' mu

    Huling Na-update : 2023-01-08
  • LOSING CONTROL   CHAPTER 8

    Mabilis kong itinabi ang hawak-hawak kong papel. Isinabay ko na rin ang pagligpit ng librong mas nauna ko nang binabasa kanina lang. Sandali pa't napatingin na rin ako sa orasang nakasabit malapit sa direksyon ko. "Tulungan na kita diyan. Ibabalik mo ba yan o dadalhin mo sa classroom?" muling banat ng binata. Aktong kukunin na nito ang mga gamit ko't aalalayan din ako. Marahan akong umiling upang senyasan ito na kaya ko na ang pag babalik ng hiniram kong libro."Hindi ko napansin ang oras," maikling saad ko. Tumayo na rin ako at tinungo ang pinagkuhanan ko ng babasahin. Dama ko naman ang pagsunod noon ni Benjo. Sa parehong oras, idinulas ko na rin sa bulsa ang kapirasong papel na napulot ko kanina mula sa libro ni Garette."Halata nga. Galing na ako sa room hindi kita nakita. Sakto naman ibabalik ko rin yung mga hiniram kong libro. Mabuti pala nahagip ka ng tingin ko," paliwanag ng lalaki habang sinusubukan kong abutin ang ikatlong seksyon ng shelf.Sa parehong pagkakataon, napansin

    Huling Na-update : 2023-01-25

Pinakabagong kabanata

  • LOSING CONTROL   CHAPTER 1

    Armani's POV"Nakatulala ka na naman diyan teng! Hindi na babalik yun," usal ni Asha na kanina pang nakaupo sa harap ng study table ko. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay pinukol ang atensyon sa labas ng bintana.Walang emosyon kong pinanood ang truck sa harapan ng bahay namin. May tatlong babae ang naroon at isa-isa nilang inilalabas ang mga gamit sa loob ng sasakyan. Sa wari ko, bagong lipat ang mga iyon sa pinauupahang bahay ni Aling Pising.Maya-maya pa, tumigil sa pagbubuhat 'yong isang babae at bahagyang pumihit ang tingin nito papunta sa direksyon ko. Kumaway ito sa akin at doon ko lang napansin ang hitsura nito. May maikli itong buhok na aabot hanggat sa ibabaw ng balikat. Balingkinitan ang katawan at may pagka kutis porselana ang balat. Partida pa sa distansya ng kwarto ko sa ikalawang palapag, halata sa pangangatawan nito ang pag dyi-gym. Ilang sandali pa, sinabayan siya ng isa pang babae sa pagkaway. Hindi nagkakalayo ang kulay at hugis ng katawan nila ngunit di hamak nga

DMCA.com Protection Status