COHEN’S POV
“Bili na kayo ng panutsa, tatlo isang-daan, murang mura na lang. Pampasalubong, panregalo at meryenda sa byahe,” kaliwa’t kanan ang sigawan dito sa loob ng Calapan Pier. Dagsa rin ang mga taong hindi magkamayaw sa pagbili ng ticket at pagpila papasok sa terminal ng daungan.
Ito na ang huling byahe ng barko ngayong gabi, pinilit namin na makaluwas dahil mag-uumpisa na ang klase sa isang araw. Ito ang unang pagkakataon na lilisanin ko ang aming probinsya na hindi kasama ang aking pamilya.
Ngunit maswerte pa rin ako sapagkat may kasama naman akong kaibigan.
“Hoy Cohen! Tara na nakakuha na ako ng ticket,” papalapit na sigaw sa akin ni Nicole. “Kalalaking tao, asa sa babae pagkuha ng ticket,” bulong nito ngunit dinig na dinig ko pa rin.
“Kung makareklamo ka naman, parang ang gaan naman nitong mga gamit mo,” ewan ko ba sa babaeng ito akala mo ay hindi na babalik sa kanila sa sobrang dami ng dalang gamit.
Pumila na kami papasok sa terminal, tiniis namin ang usad pagong na pila hanggang sa makapasok kami sa mismong barko. Ang alam ko ay halos isa’t kalahating oras ang itatagal bago namin marating ang Batangas port.
“Nics, pwede ba na ako nalang dito sa tabi ng bintana?”
“Aluh ayoko nga, kapal ng mukha mo sumunod ka sa number ng seats at madali akong malula kaya manigas ka dyan!”
Napakamot na lang ako sa ulo at umupo sa tabi nya. Kahit kailan talaga ay di ko magawang manalo sa babaeng to.
Kiuha ko ang bag ko upang hanapin ang aking headset, pero chicharon ni mang juan ang unang bumungad sa akin. Agad ko itong kinuha at binuksan dahilan upang kumawala ang maasim na amoy nito na siyang nagpalingon kay Nics. Tingnan natin kung sino ang hihingi ngayon.
“Hoy Cohen, mamigay aba,” dadampot na sana sya pero agad kong naiiwas ang supot ng chichirya. “Bat kita bibigyan, eh hindi mo nga ako pinaupo sa tabi ng bintana” agad namang tumaas ang kilay nya dahil sa sinabi ko.
“So ganyanan na? Di ka lang napagbigyan eh magdadamot ka na agad. Ewan ko sayo para kang bata Cohen” umirap sya sa akin at humarap sa bintana. Napatawa nalang ako dahil para daw akong bata pero ganun din naman siya. “Eto na, eto na. Alam mo namang hindi kita matitiis diba?”
Dali-dali syang lumingon at kinuha ang Mang Juan na iniaabot ko, kitang-kita ang malawak na ngiti sa kanyang labi dahil sya na naman ang nanalo sa aming dalawa.
“Kinilig ka naman, tsk wag ganon Nics di tayo talo” pabirong saad ko at agad niya akong sinapak. “At sino namang nagsabi na kinikilig ako. Ewww, yuck, kadiri ka” at muli syang humarap sa bintana habang sinisimot ang chichirya na hawak ko kanina.
Nakakunot ang noo nya at halata ang inis sa boses nya. Tingnan mo itong isang to, kapag sya ang nantritrip ay okay lang pero pag ako ay inis na inis na siya kaagad.
Dahil mukhang pinangatawanan na ni Nics ang inis nya kaya minabuti ko na lang na matulog buong byahe. Nagising ako sa ingay ng mga taong unti-unti nang bumababa sa barko. Napaliginon ako sa pwesto ni Nics kanina pero wala na sya doon. Agad akong napatayo at inilinga ang aking mata sa paligid pero hindi ko sya makita. Kinuha ko ang mga gamit ko at sumilip sa pantalan pero sa sobrang dami ng tao ay mukhang malabo na makita ko mula rito sa itaas kung nakababa na ba sya.
Ano ba kasing naisip ng babaeng yun at umalis ng hindi manlang ako ginigising. Inintay ko muna na makababa halos lahat ng taong lulan ng barko pero wala pa rin sya.
“Sir kailangan nyo na pong bumaba, kayo nalang po ang natitirang pasahero rito” sabi nang isang crew ng barko. “Pero kuya iniintay ko kasi yung kasama ko, sure ka ba na wala ng ibang pasahero?”
“Opo sir, nadouble check na po namin. Baka po nakababa na yung kasama nyo. Kailangan na po kasi naming linisin ang barko para sa mga susunod na pasahero” inihatid na ako ng crew pababa sa barko.
Nasan na ba kasi si Nics. Ako ang malilintikan sa mga magulang nya pag nawala yun. Sinimulan ko ng maglakad papasok sa loob ng pantalan at nakahinga ako ng maluwag nang makita ko sya sa may front door.
“Kanina pa kitang hinahanap, bakit hindi ka manlang nagsabi na mauuna ka na dito sa baba?” medyo inis na tanong ko. “Hoy ginising kita, akala ko kasunod na kita kanina. Akala ko nga iniwan mo na ako yun pala natutulog ka pa rin sa barko.
Sa susunod talaga ay hindi na ako tutulog sa byahe.
Tinulungan ko na sya sa pagbubuhat ng mga gamit at sumakay na kami sa bus papuntang Maynila. Halos apat na oras din ang itinagal ng byahe bago ulit kami nakarating sa terminal at mula roon ay nag jeep nalang kami papunta sa boarding house na katapat lang ng school.
Magkatapat lang ang room namin ni Nics, Mabuti na rin yun para mas mabantayan ko sya. Siguro ay ibinigay rin ng pagkakataon na pareho kaming nakatanggap ng scholar sa Neweast International School atleast hanggang ngayon ay magkasama pa rin kami.
Inaayos ko na ang mga gamit ko dahil ito ang magiging tahanan ko sa loob ng ilang taon na bubunuin ko sa kolehiyo.
*bzzzzzzztt*
*bzzzzzzztt*
*bzzzzzzztt*
*bzzzzzzztt*
*bzzzzzzztt*
[/AgreeCoolTour updated their blog/]
[ AgreeCoolTour
“My grandfather used to say that once in your life you need a doctor, a lawyer, a policeman and a preacher. But every day, three times a day, you need a farmer” – Brenda Schoepp
My granddad used to say something crucial to me. That farming is more than a job; it is a passion and a commitment. And in a few days, I will complete the final year of my journey toward our goal of earning a Bachelor of Science in Agriculture. The next stage will be for the benefit of our farmers and the country's food security.
PADAYON FUTURE AGRICOOLTURISTS!]
Parang biglang nabuhay yung dugo ko dahil sa sinabi nya. Last year na, konti na lang makakatapos na kami. I still remember the day kung kailan ako nagdesisyon na kunin ang kursong may kinalaman sa agrikultura, kung sino man itong si AgreeCoolTour he/she inspired me to take this course.
********************
Maaga kaming gumising ni Nics dahil ayaw naming malate sa unang araw ng klase. Sobrang laking opportunity para sa amin na makapasok sa school na ito kahit last year na namin sa kolehiyo, buti na lang at nagkaroon sila ng scholarship program para sa mga fourth year na gusting dito grumaduate.
“Anlaki naman pala talaga dito, akala ko maliit lang doon sa map sa brochure na binigay sa atin” manghang saad ni Nicole habang iniilibot ang paningin sa paligid. “Halika na at baka mahuli pa tayo” hinila ko na sya papunta sa room na nasa sched namin na ibinigay ng registrar kanina.
Nasa tapat na kami ng Room 201 pero hindi namin magawang pumasok, siguro ay dahil sa kaba.
Dahan dahan kong pinihit ang door knob at bumungad sa amin ang isang tipikal na classroom. May mga nagkwekwetuhan, nagbabasa, at nagtitigin ng kung ano-ano sa kanilang mga telepono. Mukhang wala naman kaming dapat ikabahala sa paaralang ito.
Humanap kami ng bakanteng upuan sa medyo gitna, para kahit paano ay hindi kami sobrang nasa unahan at ayaw ko rin maupo sa likod dahil pakiramdam ko ay wala akong matututunan.
“Oi bago kayo?” anong sa akin ng lalaking isang upuan ang layo sa akin. “Ah, oo bago lang kami” medyo nag-aalangan na sagot ko.
“Ganon ba, Emman nga pala pare” at inilahad nya sa akin ang kanyang kamay at walang [agdadalwang isip ko iyong tinanggap “Cohen pare, at ito naman si Nicole” at nakipagkamay rin siya kay Nics.
Naputol ang usapan namin ng may biglang umupo sa upuan na katabi nung sa akin. Mukhang kaibigan sya ni Emman.
“Cohen, Nicole, Ito nga pala si Clay tropa ko” at nakipag kamay rin ito sa amin.
Mabait silang dalawa. Mabuti na rin na may makasundo na kami dito para naman hindi kami palaging kinakabahan ni Nics. Mahaba-haba na rin ang napag-uusapan namin bago dumating ang una naming professor.
“Good morning class, I am Dr. Nemencio Catapang your prof in CS 411 FRUIT AND PLANTATION CROP PRODUCTION. Graduating students na kayo, I hope na wala tayong magiging problema.”
Mukha naman syang mabait. Sana lang ay malayo ang ugali nya sa apelido nya. Alam ko na talamak talaga ang terror na prof sa college at naranasan ko nay un ng tatlong taon sa dati kong school, at ayaw kong maranasan pa dito.
Natapos ang oras ni Sir Catapang na puro rules and guidelines ang sinabi nya sa amin. Hindi raw muna sya magtuturo dahil first day of class pa lang at sya lang ang klase namin ngayong maghapon dahil karamihan ng mga teacher ay nasa conference.
Nagsimula na kaming mag-ayos ng gamit. Napalingon ako sa may bandang likuran kung saan karamihan ng mga estudyante ay parang inaantok maliban na lang sa isang babae na parang interesado pang matuto.
Pinagmasdan ko pa sya ng ilang minute bago nabaling kay Emman ang atensyon ko.
“San kayo?” tanong nya sa amin.
“Cafeteria lang siguro medyo nagugutom na kasi kami ni Nics”
“Sama na kayo sa amin sabay na tayo”
Since di rin namin alam ang papuntang cafeteria at baka maligaw pa kami sa sobrang laki ng school na ito ay sumama na kami sa kanila.
Nauna akong matapos kumain kaya nagpaalma ako na pupunta muna ako saglit sa palikuran, paglabas ko ay may nakita akong lase sa may ilalim ng locker. Out of curiosity ay pinulot ko ito.
Tiningnan ko yung picture sa ID para maibalik ko,
Sya yung babae sa likod ng klase ko kay sir Catapang kanina.
Bianca Luistro
**to be continued**
COHEN’S POVMaaga akong pumasok, hindi ko na muna sinabayan si Nics pero nagpaalam naman ako sa kanya kagabi. Balak ko kasi na abangan sa may gate si Bianca dahil kailangan kong ibalik yung ID nya. May rules kasi sa school na no ID no entry.Tumambay muna ako sa bench malapit sa main gate, tanda ko naman ang mukha nya kaya hindi na ako mahihirapan.“Oi Cohen anong ginagawa mo dyan?” tanong sa akin ni Emman na kakarating lang.“May iniintay lang ako, aga natin ah”“Aba syempre, early bird catches the chicks” at tumawa ito ng malakas.May pagkaloko rin pala ang isang ito.“Sige una na ako at iniintay na rin ako ni Clay sa loob” paalam nya sa akin at naglakad na sya papasok.Ilang saglit pa ay may tumigil na itim na sasakyan sa may gate. Napatayo ako ng makita ko si Bianca na bumababa ng sasakyan. Parang bigla akong dinapuan ng kaba.
COHEN’S POVTahimik at malalim na ang gabi pero hindi ko pa rin magawang matulog. Hindi mawala sa isip ko ang pangyayari kanina.Maybe mali ako to judge her easily. Maybe tahimik lang talaga sya.“Agggggghhhhh loko ka Cohen matulog kana” saad ko habang sinasampal ang sarili.Pero kahit anong pikit ko ay hindi ako dalawin ng antok. Ano ba namang buhay ito.Bumangon ako para buksan ang bintana, baka sakaling makatulog ako kapag nadampian ng malamig na hangin ang mukha ko.Bumungad sa akin ang tahimik na park sa tapat ng tinitirhan namin. Bahagya ko itong pinagmasdan at akmang babalik na sana sa pagkakahiga ng maaninag ko ang pamilyar na babaeng mag-isang nakaupo sa swing.Lumabas ako ng kwarto para puntahan sya. Buti na lang at close na kami nung nagbabantay kaya di na ako nahirapang magpaalam.Dahan-dahan akong naupo sa may bench malapit sa kanya, nahaharangan iyon ng mga
COHEN’S POVTahimik at malalim na ang gabi pero hindi ko pa rin magawang matulog. Hindi mawala sa isip ko ang pangyayari kanina.Maybe mali ako to judge her easily. Maybe tahimik lang talaga sya.“Agggggghhhhh loko ka Cohen matulog kana” saad ko habang sinasampal ang sarili.Pero kahit anong pikit ko ay hindi ako dalawin ng antok. Ano ba namang buhay ito.Bumangon ako para buksan ang bintana, baka sakaling makatulog ako kapag nadampian ng malamig na hangin ang mukha ko.Bumungad sa akin ang tahimik na park sa tapat ng tinitirhan namin. Bahagya ko itong pinagmasdan at akmang babalik na sana sa pagkakahiga ng maaninag ko ang pamilyar na babaeng mag-isang nakaupo sa swing.Lumabas ako ng kwarto para puntahan sya. Buti na lang at close na kami nung nagbabantay kaya di na ako nahirapang magpaalam.Dahan-dahan akong naupo sa may bench malapit sa kanya, nahaharangan iyon ng mga
COHEN’S POVMaaga akong pumasok, hindi ko na muna sinabayan si Nics pero nagpaalam naman ako sa kanya kagabi. Balak ko kasi na abangan sa may gate si Bianca dahil kailangan kong ibalik yung ID nya. May rules kasi sa school na no ID no entry.Tumambay muna ako sa bench malapit sa main gate, tanda ko naman ang mukha nya kaya hindi na ako mahihirapan.“Oi Cohen anong ginagawa mo dyan?” tanong sa akin ni Emman na kakarating lang.“May iniintay lang ako, aga natin ah”“Aba syempre, early bird catches the chicks” at tumawa ito ng malakas.May pagkaloko rin pala ang isang ito.“Sige una na ako at iniintay na rin ako ni Clay sa loob” paalam nya sa akin at naglakad na sya papasok.Ilang saglit pa ay may tumigil na itim na sasakyan sa may gate. Napatayo ako ng makita ko si Bianca na bumababa ng sasakyan. Parang bigla akong dinapuan ng kaba.
COHEN’S POV“Bili na kayo ng panutsa, tatlo isang-daan, murang mura na lang. Pampasalubong, panregalo at meryenda sa byahe,” kaliwa’t kanan ang sigawan dito sa loob ng Calapan Pier. Dagsa rin ang mga taong hindi magkamayaw sa pagbili ng ticket at pagpila papasok sa terminal ng daungan.Ito na ang huling byahe ng barko ngayong gabi, pinilit namin na makaluwas dahil mag-uumpisa na ang klase sa isang araw. Ito ang unang pagkakataon na lilisanin ko ang aming probinsya na hindi kasama ang aking pamilya.Ngunit maswerte pa rin ako sapagkat may kasama naman akong kaibigan.“Hoy Cohen! Tara na nakakuha na ako ng ticket,” papalapit na sigaw sa akin ni Nicole. “Kalalaking tao, asa sa babae pagkuha ng ticket,” bulong nito ngunit dinig na dinig ko pa rin.“Kung makareklamo ka naman, parang ang gaan naman nitong mga gamit mo,” ewan ko ba sa babaeng ito akala mo ay