COHEN’S POV
Tahimik at malalim na ang gabi pero hindi ko pa rin magawang matulog. Hindi mawala sa isip ko ang pangyayari kanina.
Maybe mali ako to judge her easily. Maybe tahimik lang talaga sya.
“Agggggghhhhh loko ka Cohen matulog kana” saad ko habang sinasampal ang sarili.
Pero kahit anong pikit ko ay hindi ako dalawin ng antok. Ano ba namang buhay ito.
Bumangon ako para buksan ang bintana, baka sakaling makatulog ako kapag nadampian ng malamig na hangin ang mukha ko.
Bumungad sa akin ang tahimik na park sa tapat ng tinitirhan namin. Bahagya ko itong pinagmasdan at akmang babalik na sana sa pagkakahiga ng maaninag ko ang pamilyar na babaeng mag-isang nakaupo sa swing.
Lumabas ako ng kwarto para puntahan sya. Buti na lang at close na kami nung nagbabantay kaya di na ako nahirapang magpaalam.
Dahan-dahan akong naupo sa may bench malapit sa kanya, nahaharangan iyon ng mga halaman kaya hindi niya ako madaling makikita.
Ano naman kayang ginagawa ni Bianca dito ng ganitong oras.
“Kelan ka ba kasi babalik, puro ka pangako tapos hindi mo naman tinutupad” malungkot ang boses nya at halata ang pagkadismaya.
“Puro ka next year, di mo naman tinutupad” nagsimula na syang humagulhol at mukhang pinatay na nya ang tawag.
Gusto ko syang lapitan, pero baka matakot lang sya sa akin at pag-isipan pa ako ng masama.
Habang pinakikinggan ko ang bawat paghikbi niya ay tumitindi rin ang kagustuhan ko na lapitan sya at patahanin.
Pero hindi pa kami close para gawin ko yun.
Makalipas ang ilang minuto ay kumalma na sya, nakatatlong buntong hininga rin sya bago umayos ng upo. Mukha akong engot na nakasilip sa mga halaman.
Inayos ko na rin ang aking sarili para umalis pero akmang tatayo na sana ako nang bigla siyang kumanta.
-Fireflies by Owl City-
Kusa akong napabalik sa aking pagkakaupo.
Ang ganda ng boses nya.
Nakatingin lang sya sa puno na malapit sa kinalalagyan namin, pagtingala ko ay tila ba nag-iba ang paligid. Nabighani ako sa ganda ng mga alitaptap, para akong nasa ibang mundo na sinabayan pa ng musika na nagmumula sa kanya.
Hindi ko napigilan pa na humiga at gawing unan ang sarili kong mga braso upang makita ko ng maayos ang mga alitaptap na tila ba sumasayaw sa itaas.
Tila lumapit ang mga bituin sa akin.
Sa hindi ko malamang dahilan ay unti-unti na akong tinangay ng antok.
*******
Halos takbuhin ko na ang field dahil malalate na ako sa klase ko kay Prof. Sebastian. Nakita ko sya na paakyat na sa kabilang hagdan kaya binilisan ko lalo ang takbo.
Buti nalang nauna ako sa kanya na makapasok sa room.
Mukhang nagulat naman kaklase ko dahil sa bigla kong pagpasok at pag-upo. Tiningnan lang ako nung tatlo na parang gulat na gulat.
Tatanungin na sana nila ako pero biglang pumasok si Sir.
“Mr. na parang nagmarathon, gusto mo bang sumali sa sports club?” nagulat ako sa bungad ni Sir habang diretsong nakatingin sa akin.
At biglang sa isang iglap ay nakatingin na sa akin ang lahat.
“Sir?”
“I saw you running earlier. Pagpasok mo pa lang sa gate ay napansin na kita, mabilis kang tumakbo at pwede ka sa athletics”
“Tumatakbo po talaga sya sa probinsya Sir” singit naman ni Nics.
Napailing nalang ako. Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako tatakbong muli.
Ayaw ko na!
“Im sorry Sir pero –” hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla siyang sumingit.
“Im sorry Mr. but I do not take no as an answer, Let’s talk later after class”
Nagsimula na siyang magturo. Wala akong gana buong klase.
Hindi ba malinaw na ayaw kong tumakbo, hindi na ako tatakbo. Elementary pa ako nang huli akong tumakbo sa competition at ayaw ko na maulit pa yun.
Pagkatapos ng klase ay lumabas na silang lahat, tulad ng sinabi ni Sir kanina ay nagpaiwan ako.
“Sir ayaw ko po talaga” inunahan ko na sya bago pa man sya magsalita.
“What’s your name again?”
“Cohen Dimasacat Sir”
“I really admire your talent, napakabilis ng pagtakbo mo kanina at may background kana pala sa pagtakbo. May I know the reason why?”
Napabuntong hininga na lang ako.
“Sir pasensya na po kayo, sobrang personal po kasi ng dahilan ko”
“Please, sana maconsider mo pa rin ang offer ko. Narinig ko na scholar ka pala rito, that means kung sasali ka yung buong allowance ay sa iyo na mapupunta. Sa pagkakaalam ko ay 25 thousand yun per month, pwede kang makatulong sa pamilya mo habang nag-aaral”
“Sir, tatapatin ko po kayo. Mahirap lang po kami at kailangan namin ng pera, kung hindi po dahil sa nangyari sa akin noon ay tinanggap ko na po sana ang offer nyo.”
“Sige Cohen kailangan ko ng umalis pero sana ay pag-isipan mo pa rin”
Napaupo ako nang makalabas sya ng pinto. Napakaganda ng offer nya pero hindi ko pa rin magawang bitiwan ang nakaraan. Dahil hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko.
“Cohen tara na, lunch na tayo,” pumasok si Nics sa loob ng room.
“Bakit mo sinabi yun?” walang buhay na tanong ko sa kanya.
“Gusto ko lang naman na tumakbo ka ulit”
Nanatiling nasa baba ang paningin ko.
“Gusto mo? Edi sana ikaw ang tumakbo!”
Nagtaas ako ng tingin sa kanya at mukhang nagulat sya sa pagsigaw ko.
“Nics naman, alam mo ang nangyari noon. Sa lahat ng nandito ikaw yung makakaintindi sa akin. Pero bakit ikaw pa ang nagtutulak sa akin sa bangungot na matagal ko nang tinatakbuhan”
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
Lumapit sya sa akin at niyakap nya ako
“Sorry Cohen, akala ko kasi okay kana. Gusto ko lang naman maibalik mo ang pagtakbo dahil alam ko kung gaano mo yun kamahal”
I can’t blame her. Kung may kasama man ako sa lahat ng training at competition, si Nics yun. Kita nya kung gaano ko kamahal ang pagtakbo, kung paanong pinili kong tumakbo kaysa makasama ang lolo ko noong araw na yun.
“Sorry, masyado lang akong nabigla” kumalas ako mula sa pagkakayakap nya.
“Sorry din at masyado akong nangialam”
“Wala yun” at ginulo ko ang buhok nya. “Pero ililibre mo ako ng lunch ha”
Nag thumbs up naman sya at nagtatawanan na kaming lumabas ng room
“Grabe pre, pang MMK usapan nyo kanina” biro sa amin ni Clay.
“Kaya nga, muntik na akong mapaiyak eh” dagdag pa ni Emman.
“Mga loko kayo, tara na gutom na ako” yaya ko sa kanila at bumaba na kami para pumunta sa canteen.
Nakaupo na kami at tahimik na kumakain. 12:20 na kaya galit galit muna dahil sa gutom.
“Ahm Clay”
Napalingon kaming lahat kay Jia.
“Naipasa mo ba yung assignment natin kay Prof. Acuzar?”
Agad namang nataranta si Clay. “Hala nakalimutan ko. 12:22 na” At kumaripas na sya ng takbo papuntang faculty.
Napailing nalang si Jia at muling bumalik sa mga kaibigan nya.
“Buti nalang nakapagpasa na kami ni Emman kaninang umaga, ikaw Cohen naipasa mo na ba yung inyo” tanong sakin ni Nics.
Nakalimutan ko yun ah, sa sobrang pagmamadali ko kanina dahil late na ako.
Agad na hinanap ng mata ko si Bianca, nagpaalam muna ako sa dalawa para lapitan sya.
“Bianca, itatanong ko lang kung naipasa mo na ba yung assignment natin sa Rizal”
Tumingin lang sya sa akin at tumango.
“Salamat, sige ituloy mo na ang pagkain mo” at bumalik na ako sa table.
Napakalungkot pa rin ng mga mata nya.
Sino nga kaya ang kausap nya kagabi?
“Oh ano napasa na raw?” pang-uusisa ni Emman.
Tumango lang ako bilang tugon at kumain nang muli.
“Sabagay di mo naman kailangang kabahan dahil isang Luistro ang kagrupo mo” dagdag pa nito.
Nagkibitbalikat lang ako at nagtuloy sa pagkain, ganon din silang dalawa.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na muling sulyapan si Bianca, tahimik lang sya na kumakain ng lunch na niluto ng Lola nya. Halata naman na hindi binili yung kinakain nya dahil nakalagay iyon sa baunan.
Hindi ko alam kung nakita ba niya ako kagabi sa may park pero hindi naman malabong mangyari yun dahil doon ako nakatulog. Kaya late na ako nagising at muntik pang mahuli sa pagpasok.
“Bakit ka nga pala nalate kanina Cohen?” tanong ni Nics habang nililigpit ang pinagkainan nya.
“Hindi kasi ako agad nakatulog kagabi”
“Hay nako, mukhang bumabalik na naman yang pagiging abnormal ng tulog mo”
Bata pa lang ako ay abnormal na ang tulog ko, sabi ng doctor ay maaaring side effect daw yun ng aksidente nung bata pa ako.
Hindi naman araw-araw na hindi ako nakakatulog. May mga pagkakataon lang na hindi talaga ako makatulog at antukin kahit anong gawin ko.
Pero kagabi, tila ba pinatulog ako ng kanta nya. Dati kahit anong kanta ang pakinggan ko ay hindi ako makatulog pero paanong naging napakahimbing ng tulog ko.
Yung boses nya, tila ba idinuduyan ako sa ulap.
May lumapit sa kanya na isang lalaki, yun din yung lalaking nagdala sa amin ng pagkain kahapon.
Napakayaman nga talaga ng pamilya nila para magkaroon pa sya ng personal body guard na nakasunod sa kanya saan man sya magpunta.
“Sino yung naka-itim na lalaki na kasama ni Bianca?” tanong ni Nics.
Lumingon naman si Emman para makita kung sino yun
“Ah yun ba? Personal body guard nya yun. First year palang kami ay may palagi nang nakasunod na mga bantay sa kanya. Kaya rin siguro wala siyang naging kaibigan maliban kay Cindy pero after lumipat noon ng school ay wala na ulit nakalapit sa kanya” paliwanang nito.
Nakaramdam ako ng awa para sa kanya, hindi manlang nya naranasan ang mga naranasan namin.
“Mayaman talaga sya no?” dagdag pa ni Nics.
“Oo naman, pamilya nila ang may-ari ng school. Actually, tito nya”
Parehas kami ni Nics na nagulat sa sinabi nya.
Parang andami ko biglang nalaman tungkol sa kanya, pero parang andami ko pa ring hindi alam.
Bakit ba gustong gusto kitang makilala?
***to be continued***
COHEN’S POV“Bili na kayo ng panutsa, tatlo isang-daan, murang mura na lang. Pampasalubong, panregalo at meryenda sa byahe,” kaliwa’t kanan ang sigawan dito sa loob ng Calapan Pier. Dagsa rin ang mga taong hindi magkamayaw sa pagbili ng ticket at pagpila papasok sa terminal ng daungan.Ito na ang huling byahe ng barko ngayong gabi, pinilit namin na makaluwas dahil mag-uumpisa na ang klase sa isang araw. Ito ang unang pagkakataon na lilisanin ko ang aming probinsya na hindi kasama ang aking pamilya.Ngunit maswerte pa rin ako sapagkat may kasama naman akong kaibigan.“Hoy Cohen! Tara na nakakuha na ako ng ticket,” papalapit na sigaw sa akin ni Nicole. “Kalalaking tao, asa sa babae pagkuha ng ticket,” bulong nito ngunit dinig na dinig ko pa rin.“Kung makareklamo ka naman, parang ang gaan naman nitong mga gamit mo,” ewan ko ba sa babaeng ito akala mo ay
COHEN’S POVMaaga akong pumasok, hindi ko na muna sinabayan si Nics pero nagpaalam naman ako sa kanya kagabi. Balak ko kasi na abangan sa may gate si Bianca dahil kailangan kong ibalik yung ID nya. May rules kasi sa school na no ID no entry.Tumambay muna ako sa bench malapit sa main gate, tanda ko naman ang mukha nya kaya hindi na ako mahihirapan.“Oi Cohen anong ginagawa mo dyan?” tanong sa akin ni Emman na kakarating lang.“May iniintay lang ako, aga natin ah”“Aba syempre, early bird catches the chicks” at tumawa ito ng malakas.May pagkaloko rin pala ang isang ito.“Sige una na ako at iniintay na rin ako ni Clay sa loob” paalam nya sa akin at naglakad na sya papasok.Ilang saglit pa ay may tumigil na itim na sasakyan sa may gate. Napatayo ako ng makita ko si Bianca na bumababa ng sasakyan. Parang bigla akong dinapuan ng kaba.
COHEN’S POVTahimik at malalim na ang gabi pero hindi ko pa rin magawang matulog. Hindi mawala sa isip ko ang pangyayari kanina.Maybe mali ako to judge her easily. Maybe tahimik lang talaga sya.“Agggggghhhhh loko ka Cohen matulog kana” saad ko habang sinasampal ang sarili.Pero kahit anong pikit ko ay hindi ako dalawin ng antok. Ano ba namang buhay ito.Bumangon ako para buksan ang bintana, baka sakaling makatulog ako kapag nadampian ng malamig na hangin ang mukha ko.Bumungad sa akin ang tahimik na park sa tapat ng tinitirhan namin. Bahagya ko itong pinagmasdan at akmang babalik na sana sa pagkakahiga ng maaninag ko ang pamilyar na babaeng mag-isang nakaupo sa swing.Lumabas ako ng kwarto para puntahan sya. Buti na lang at close na kami nung nagbabantay kaya di na ako nahirapang magpaalam.Dahan-dahan akong naupo sa may bench malapit sa kanya, nahaharangan iyon ng mga
COHEN’S POVMaaga akong pumasok, hindi ko na muna sinabayan si Nics pero nagpaalam naman ako sa kanya kagabi. Balak ko kasi na abangan sa may gate si Bianca dahil kailangan kong ibalik yung ID nya. May rules kasi sa school na no ID no entry.Tumambay muna ako sa bench malapit sa main gate, tanda ko naman ang mukha nya kaya hindi na ako mahihirapan.“Oi Cohen anong ginagawa mo dyan?” tanong sa akin ni Emman na kakarating lang.“May iniintay lang ako, aga natin ah”“Aba syempre, early bird catches the chicks” at tumawa ito ng malakas.May pagkaloko rin pala ang isang ito.“Sige una na ako at iniintay na rin ako ni Clay sa loob” paalam nya sa akin at naglakad na sya papasok.Ilang saglit pa ay may tumigil na itim na sasakyan sa may gate. Napatayo ako ng makita ko si Bianca na bumababa ng sasakyan. Parang bigla akong dinapuan ng kaba.
COHEN’S POV“Bili na kayo ng panutsa, tatlo isang-daan, murang mura na lang. Pampasalubong, panregalo at meryenda sa byahe,” kaliwa’t kanan ang sigawan dito sa loob ng Calapan Pier. Dagsa rin ang mga taong hindi magkamayaw sa pagbili ng ticket at pagpila papasok sa terminal ng daungan.Ito na ang huling byahe ng barko ngayong gabi, pinilit namin na makaluwas dahil mag-uumpisa na ang klase sa isang araw. Ito ang unang pagkakataon na lilisanin ko ang aming probinsya na hindi kasama ang aking pamilya.Ngunit maswerte pa rin ako sapagkat may kasama naman akong kaibigan.“Hoy Cohen! Tara na nakakuha na ako ng ticket,” papalapit na sigaw sa akin ni Nicole. “Kalalaking tao, asa sa babae pagkuha ng ticket,” bulong nito ngunit dinig na dinig ko pa rin.“Kung makareklamo ka naman, parang ang gaan naman nitong mga gamit mo,” ewan ko ba sa babaeng ito akala mo ay