COHEN’S POV
Maaga akong pumasok, hindi ko na muna sinabayan si Nics pero nagpaalam naman ako sa kanya kagabi. Balak ko kasi na abangan sa may gate si Bianca dahil kailangan kong ibalik yung ID nya. May rules kasi sa school na no ID no entry.
Tumambay muna ako sa bench malapit sa main gate, tanda ko naman ang mukha nya kaya hindi na ako mahihirapan.
“Oi Cohen anong ginagawa mo dyan?” tanong sa akin ni Emman na kakarating lang.
“May iniintay lang ako, aga natin ah”
“Aba syempre, early bird catches the chicks” at tumawa ito ng malakas.
May pagkaloko rin pala ang isang ito.
“Sige una na ako at iniintay na rin ako ni Clay sa loob” paalam nya sa akin at naglakad na sya papasok.
Ilang saglit pa ay may tumigil na itim na sasakyan sa may gate. Napatayo ako ng makita ko si Bianca na bumababa ng sasakyan. Parang bigla akong dinapuan ng kaba.
Pagkaalis nang naghatid sa kanya ay agad ko na syang nilapitan
“Ahmm Hi” bungad ko sa kanya ngunit wala akong natanggap na kahit anong tugon, nakatingin lang sya sa akin.
“Sorry nagulat ba kita? Gusto ko sanang ibalik sayo to” agad kong kinuha ang Id nya sa bag ko.
Mukhang nagulat naman sya kung bakit nasa akin ito.
“Ah napulot ko kahapon sa ilalim ng locker,hindi ko na kasi alam kung san ka hahanapin kaya ngayon ko lang naibalik” paliwanag ko
Ano ba yan, bakit ba tensed na tensed ako eh ibinabalik ko lang naman ang ID nya.
“Salamat” nakatingin sya ng diretso sa mga mata ko, at pagkatapos noon ay nilampasan na lang nya ako.
Eh?
Ganon na lang un. Ang tipid ah.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya papasok.
Atleast nagpasalamat.
Ilang minuto matapos kong pumasok sa classroom ay dumating na rin si Nics.
“Ano kumusta, naibalik mo ba?” tanong nya sa akin habang ibinababa ang bag nya.
“Oo naibalik ko”
“Eh bat mukhang nalugi ka?”
Kahit kailan talaga ay may pagka-Marites itong si Nicole.
“Mukhang nalugi? Bakit naman ako malulugi ay nagbalik lang naman ako ng ID.”
“Anong sabi sayo noong ibinali mo?”
“Salamat”
“Oh eh bat parang di ka kuntento sa pasasalamat nya. O baka naman gusting mong ikiss ka pa sa pwet”
At tumawa pa sya ng tumawa bago tuluyang umupo sa pwesto nya. At nagsimula na ang una naming klase.
“Since our topic is all about Life and Works of Rizal and you need to do so much activities and readings, I will allow you to do it by pair” saad ni Prof. Acuzar
Halos natuwa lahat ng kaklase ko at nagsimula na silang humanap ng kapareha nila.
“Class, may sinabi ba ako na kayo ang pipili ng makakasama nyo?”
Napatawa nalang ako dahil kitang kita ang pagkadismaya sa mga mukha nila.
Okay ito na ang magkakasama
“Casilla kasama mo si De Guzman, ikaw naman Dinglasan ay si De Jesus, Fuentez at Alegria, Limaco at Cuanco, Valdoza at Luna”
Agad akong napatingin kay Nics dahil hindi ako ang kasama nya. Mabuti na lamang at sumenyas si Emman na siya yung Valdoza. Panatag na rin ako dahil kakilala na namin ang makakasama nya.
“Okay for our last pair Dimasacat at Luistro”
Sa daming pwedeng kagrupo, si ‘salamat’ pa talaga ang napunta sa akin.
“Any violent reaction? If wala na, class dismissed”
Paano ko kakausapin si Bianca ay napakatipid namang magsalita non tapos mayaman pa, magmumukha na naman akong engot tulad kanina.
Pero no choice, kailangan kong makisama para makasurvive.
Lalapitan ko n asana sya para sabihin na ako ang kasama nya pero paglingon ko ay mukhang nakalabas na sya ng room.
Ano ba naman yan mukhang wala syang pakialam kung sino ang makakasama nya.
Nagpunta na kami nina Emman, Clay at Nics sa Canteen. Si Emman at Clay na ang sumagot ng meryenda namin ni Nics. Pawelcome raw nila samin.
“Sinong kagroup mo Clay?” panimula ni Nics.
“Si Jia, sa dami ng tao yun pa eh tamad naman yun gumawa” pagmamaktol nito.
Napapatawa naman si Emman dahil sa ikinilos ng kaibigan. “Tama ba talaga? O naiirita ka lang dahil konti nalang ay liligawan kan non” biro nito sabay tawa ng malakas.
“Yiieeeee, Clay and Jia Ship lalayag na” dagdag pa ni Nics at nagbiruan na kami habang kumakain.
“Pero teka sa ating lahat ag pinakaswerte ay si Cohen, biruin mo unang sabak si Luistro agad ang kasama” npatingin naman ako ay Clay dahil sa sinabi nito.
“Ano namang swerte don? Hindi nga ata nagsasalita yun” reklamo ko sabay kagat sa sandwich na binigay nila.
Napatawa naman yung dalawa habang si Nics naman ay tutok na tutok sa pakikinig.
“Di mo na kailngang problemahin ang grade mo, lupet ng utak non pre” pagmamalaki pa ni Emman.
“Matalino pero tahimik naman. Hindi lang naman talino ang kailangan para makasurvive sa college, we alo need to interact with others. No man is an island pre” puna ko pa.
“Agree” sang-ayon naman sa akin ni Nics.
“Well pre, she’s a living island. First year pa lang kami ganyan na yan”
Awtomatikong naagaw ni Bianca ang atensyon ko, nakaupo sya sa table na halos katapat lang nung sa amin. Mag-isa habang kumakain.
Ganon ba sya kaconfident na kaya nan yang mag-isa. Na hindi nya kailangan ang tulong ng iba.
“Mayaman sya diba? Baka naman sobrang yaman nya ay ayaw na nyang makipag socialize sa iba”
Ayaw ko talaga sa mga taong matapobre, porket mayaman ay mataas na agad ang tingin sa sarili.
Natapos na ang break at ipinagpatuloy na ang klase, puro introductions palang ng bawat subjects ang meron. Dahil dalawa lang naman ang klase namin ngayong umaga at wala na kaming klase sa hapon, we decided to hang out.
“Class dismissed”
Nag-ayos na agad kami ng gamit at akmang lalabas na ng room ng biglang pumasok si Prof. Acuzar.
“Buti inabutan ko pa kayo, I am sorry kasi di ko nasabi sa inyo kanina na ngayon ako magbibigay ng readings about our subject and I am expecting you to write a summary of this topics and pass it tomorrow morning. You also need to submit a detailed information about his life, both in English and Filipino. Same as the summary. All in all, you need to pass four papers tomorrow morning, I’ll wait for it until before lunch. Kapag ipinasa nyo yan ng 12:30 pm, I will no longer accept it. Get one and pass, you may now leave. Thank you” at lumabas na sya ng room.
Napahilamos nalang ako sa mukha ko, 4 papers due tomorrow. Okay lang naman sakin, kaso paano ko manan kakausapin si Bianca tungkol don.
“Okay walang hang-out, sayang naman” reklamo ni Clay.
“Cohen, hiramin ko muna si Nicole. Gagawin lang namin yung sa Rizal” paalam ni Emman.
“Ingat kayo, ibalik mo ng buo yan”
At umalis na yung dalawa. Si Clay naman ay pinuntahan na rin yung partner nya.
Tumingin ako sa dulong upuan at laking gulat ko na wala na duon si Bianca. Kaya agad na akong kumuha ng dalawang copy ng readings, baka kasi di pa nakakakuha ang isang yun.
San ko naman yun hahanapin. Agad kong inilinga ang mata ko pagkalabas ko ng classroom pero wala na siya sa corridor.
Pumunta ako sa malapit na library sa building namin pero wala sya don. Pinuntahan ko rin sa canteen pero wala.
Halos libutin ko na ang buong campus para hanapin sya pero wala pa rin. Kasalukuyan akong nasa likod ng Engineering building, katabi lang ng building namin. Ngayon ko lang nalaman na may parang kubo pala rito sa tabi ng fish pond at marami ring puno sa paligid.
Naupo ako sa isa sa mga punong naroon at nabigla ako ng paglingon ko ay nakita ko si Bianca na nakaupo rin. Nakatitig lamang siya sa tubig at mukhang hindi niya napansin ang aking presensya.
Dahan-dahan ko siyang nilapitan.
“Excuse me Bianca, ako yung partner mo sa Rizal. Naabutan mo ba si prof. Acuzar kanina”
Mukhang nagulat naman sya pero hindi niya ako nilingon.
“Na kailangan nating gawan ng summary yung readings nya at detailed informations about his life” nanatili siyang nakatingin sa tubig.
“Pwede na ba nating simulan?” tanong ko at tumayo naman sya. Pumunta sya sa may kubo at inilabas ang gamit nya.
Naglabas siya ng laptop at notebook, mukhang wala pa syang readings kaya ibinigay ko sa kanya yung kinuha ko kanina.
“Salamat”
Napabuntong hininga nalang ako at binasa na rin ang readings.
“Ako nga pala si Cohen” at inilahad ko ang kamay ko.
Pero sa halip na sumagot ay tumingin lang sya sa akin at tinanguan nya ako. Mukhang nakalimutan ko na mayaman ng apala sya. Baka natatakot sya na madumihan ko ang kamay nya.
“Pano nga pala natin hahatiin ang gawain?” tanong ko sa kanya, dahilan upang muli nyang ibalik sa akin ang kanyang atensyon.
“Kaya mo bang isummary ang readings na ibinigay ni prof.?”
Napatingin naman ako sa reading dalawang page lang naman at hindi naman sobrang haba.
“Kaya ko naman”
“Sige, ikaw na ang bahala dyan at ako naman sa informations tungkol sa kanya” at muli na syang nagpatuloy sa ginagawa nya.
Sa laptop sya gumagawa habang ako naman ay sa yellow paper. Habang gumagawa ay may lumapit sa kanya na isang lalaki, may dala itong pagkain at agad ding umalis.
Pag rich kid nga naman, bigla ko tuloy naalala na hindi pa rin ako kumakain.
“Ah Bianca, alis muna ako saglit may bibilhin lang ako. Iiwan ko nalang muna rito ang mga gamit ko” akmang tatayo na ako pero iniabot nya sa akin ang isang lunch box.
“Wag ka ng bumili, ito na ang kainin mo”
Tinuruan ako ng Lola ko na masamang tumanggi sa libre. Kaya kinuha ko na.
“Salamat, kumain na muna tayo. Mahaba pa naman ang oras at patapos na rin ako pwede na kitang tulungan”
Tumango lang sya at nagsimula na rin kumain. Pagbukas ko ng lunch box ay ginisang gulay at pritong karne ang laman non.
“Salamat ulit dito, palagi ka bang nagbabaon?”
“Oo”
At nilamon na muli kami ng katahimikan habang kumakain.
“By the way, ansarap ng pagkakaluto” puna ko.
“Lola ko ang nagluto”
Muli akong bumalik sa pagkain at ako naman ang nanahimik ngayon. Bigla akong nakaramdam ng pangungulila kay Lola. Sya rin kasi ang nagluluto sa akin sa probinsya.
Pagkatapos kumain ay bumalik na rin kami sa gawain, dahil hindi ako pwedeng mapagod o panghinaan ng loob dito sa Maynila.
Dahil kailangan kong makuha ang diploma na ipapasalubong ko kay lola.
*** to be continued***
COHEN’S POVTahimik at malalim na ang gabi pero hindi ko pa rin magawang matulog. Hindi mawala sa isip ko ang pangyayari kanina.Maybe mali ako to judge her easily. Maybe tahimik lang talaga sya.“Agggggghhhhh loko ka Cohen matulog kana” saad ko habang sinasampal ang sarili.Pero kahit anong pikit ko ay hindi ako dalawin ng antok. Ano ba namang buhay ito.Bumangon ako para buksan ang bintana, baka sakaling makatulog ako kapag nadampian ng malamig na hangin ang mukha ko.Bumungad sa akin ang tahimik na park sa tapat ng tinitirhan namin. Bahagya ko itong pinagmasdan at akmang babalik na sana sa pagkakahiga ng maaninag ko ang pamilyar na babaeng mag-isang nakaupo sa swing.Lumabas ako ng kwarto para puntahan sya. Buti na lang at close na kami nung nagbabantay kaya di na ako nahirapang magpaalam.Dahan-dahan akong naupo sa may bench malapit sa kanya, nahaharangan iyon ng mga
COHEN’S POV“Bili na kayo ng panutsa, tatlo isang-daan, murang mura na lang. Pampasalubong, panregalo at meryenda sa byahe,” kaliwa’t kanan ang sigawan dito sa loob ng Calapan Pier. Dagsa rin ang mga taong hindi magkamayaw sa pagbili ng ticket at pagpila papasok sa terminal ng daungan.Ito na ang huling byahe ng barko ngayong gabi, pinilit namin na makaluwas dahil mag-uumpisa na ang klase sa isang araw. Ito ang unang pagkakataon na lilisanin ko ang aming probinsya na hindi kasama ang aking pamilya.Ngunit maswerte pa rin ako sapagkat may kasama naman akong kaibigan.“Hoy Cohen! Tara na nakakuha na ako ng ticket,” papalapit na sigaw sa akin ni Nicole. “Kalalaking tao, asa sa babae pagkuha ng ticket,” bulong nito ngunit dinig na dinig ko pa rin.“Kung makareklamo ka naman, parang ang gaan naman nitong mga gamit mo,” ewan ko ba sa babaeng ito akala mo ay
COHEN’S POVTahimik at malalim na ang gabi pero hindi ko pa rin magawang matulog. Hindi mawala sa isip ko ang pangyayari kanina.Maybe mali ako to judge her easily. Maybe tahimik lang talaga sya.“Agggggghhhhh loko ka Cohen matulog kana” saad ko habang sinasampal ang sarili.Pero kahit anong pikit ko ay hindi ako dalawin ng antok. Ano ba namang buhay ito.Bumangon ako para buksan ang bintana, baka sakaling makatulog ako kapag nadampian ng malamig na hangin ang mukha ko.Bumungad sa akin ang tahimik na park sa tapat ng tinitirhan namin. Bahagya ko itong pinagmasdan at akmang babalik na sana sa pagkakahiga ng maaninag ko ang pamilyar na babaeng mag-isang nakaupo sa swing.Lumabas ako ng kwarto para puntahan sya. Buti na lang at close na kami nung nagbabantay kaya di na ako nahirapang magpaalam.Dahan-dahan akong naupo sa may bench malapit sa kanya, nahaharangan iyon ng mga
COHEN’S POVMaaga akong pumasok, hindi ko na muna sinabayan si Nics pero nagpaalam naman ako sa kanya kagabi. Balak ko kasi na abangan sa may gate si Bianca dahil kailangan kong ibalik yung ID nya. May rules kasi sa school na no ID no entry.Tumambay muna ako sa bench malapit sa main gate, tanda ko naman ang mukha nya kaya hindi na ako mahihirapan.“Oi Cohen anong ginagawa mo dyan?” tanong sa akin ni Emman na kakarating lang.“May iniintay lang ako, aga natin ah”“Aba syempre, early bird catches the chicks” at tumawa ito ng malakas.May pagkaloko rin pala ang isang ito.“Sige una na ako at iniintay na rin ako ni Clay sa loob” paalam nya sa akin at naglakad na sya papasok.Ilang saglit pa ay may tumigil na itim na sasakyan sa may gate. Napatayo ako ng makita ko si Bianca na bumababa ng sasakyan. Parang bigla akong dinapuan ng kaba.
COHEN’S POV“Bili na kayo ng panutsa, tatlo isang-daan, murang mura na lang. Pampasalubong, panregalo at meryenda sa byahe,” kaliwa’t kanan ang sigawan dito sa loob ng Calapan Pier. Dagsa rin ang mga taong hindi magkamayaw sa pagbili ng ticket at pagpila papasok sa terminal ng daungan.Ito na ang huling byahe ng barko ngayong gabi, pinilit namin na makaluwas dahil mag-uumpisa na ang klase sa isang araw. Ito ang unang pagkakataon na lilisanin ko ang aming probinsya na hindi kasama ang aking pamilya.Ngunit maswerte pa rin ako sapagkat may kasama naman akong kaibigan.“Hoy Cohen! Tara na nakakuha na ako ng ticket,” papalapit na sigaw sa akin ni Nicole. “Kalalaking tao, asa sa babae pagkuha ng ticket,” bulong nito ngunit dinig na dinig ko pa rin.“Kung makareklamo ka naman, parang ang gaan naman nitong mga gamit mo,” ewan ko ba sa babaeng ito akala mo ay