"What happened to you, Yass? Why are you crying?""Who’s that, babe?" Narinig pa niyang may nagsalitang babae mula sa likod ng kapatid. Marahil ay may kasamang babae na naman ito. Napangiwi siya."K-Kuya… can you come here to London?""Huh? Why?""Someone tried to hurt us… kami ni Belle. They tried to abduct us… Natatakot kami!""Sino? Sino ang mga walanghiyang nanakit sa inyo?! Saka nasaan ba si Hunter? Hindi ba magkasama kayo diyan?""H-He left last week... He broke up with me..." humihikbing sumbong niya. Ayaw sana niya dahil aawayin na naman nito si Hunter, pero wala siyang choice kundi sabihin. Or else, hindi sila pupuntahan nito doon."Damn that asshole! Sige, pupunta ako diyan bukas na bukas din." Madali lang itong makapunta sa London dahil may visa na ang kuya niya doon."Okay, Kuya… Bye… bilisan mo ha… natatakot ako...""Wag kang matakot, Yass. Wag muna kayong lumabas ni Belle sa apartment niyo hangga’t hindi ako dumarating.""Y-Yes, Kuya, huhuhu..." Muli na naman siyang umiy
"Who is it?" nagtatakang tanong ni Belle."Si Andres... ang tumulong sa atin kanina. Sabi niya na we have nothing to worry about dahil nireport na nila si Phoebe at mga barkada nito sa pulis since sila ang witness kanina." Tumango lang ito pero hindi pa rin mawawala sa mukha nito ang pag-aalala.Maya-maya ay muling nag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya iyon sa pag-aakalang si Andres ulit dahil number lang ulit ang lumabas sa screen ng cellphone niya."H-Hello?" masiglang wika niya."Hello, Yassy!" Biglang nanindig ang mga balahibo niya nang makilala ang may-ari ng boses na tumatawag sa kanya... It's Phoebe."You just got lucky, baby! Next time ay hindi ka na makakawala sa amin!""What do you want, Phoebe?!" sigaw niya. Bigla namang naalarma si Belle nang marinig ang pangalan ni Phoebe. Umupo ito sa tabi niya. Niloudspeaker niya ang phone para marinig ng kaibigan."Gusto lang naman namin gumanti... Sinira mo ang buhay namin, Yassy! Dahil sa'yo ay hindi na kami tinanggap sa universi
Kinaumagahan ay nagising sila ni Belle sa ingay ng doorbell. Napatingin sila sa wall clock. It's already 11 in the morning! Ganun kahaba ang tulog nila? tanong niya sa sarili.Sabagay, alas-singko ng umaga na din ata sila natulog ni Belle, hindi sila makatulog. Pagkatapos kasi niyang patayin ang cellphone niya dahil sa kakatawag ni Phoebe, ang cellphone naman ni Belle ang tinawagan nito. Hindi nila alam kung saan ni Phoebe kinuha ang mga number nila."Yass, open the door!" wika ni Belle habang nakapikit na sinisipa siya pababa ng kama. Kanina pa iyon nagdo-doorbell, pero naghihintayan silang dalawa kung sino ang magbubukas ng pinto. Walang gustong bumangon sa kanila dahil parehas silang inaantok pa .Pakamot-kamot cyang bumaba sa kama. Kapwa sila nakapanty at sando lang. Ganun sila matulog, nasanay na sila. Nagsuot cya ng robe at lumabas ng kwarto. Nakapikit pa siya habang naglalakad sa pinto. Tiningnan muna niya ang peephole kung sino ang nasa labas.Lumaki ang mata niya at binuksan
"Bakasyon?... Hindi ka tatagal dito! Tutulungan at babantayan mo lang kami, tapos umuwi ka na sa Pilipinas!""It's okay... Dito muna ako. Wala naman akong ginagawa sa Pilipinas eh, mukhang mag-eenjoy ako dito." nakangising wika nito. mukhang alam na nya ang ibig nitong sabihin."Wag na, Kuya!... Baka magtataka pa si Papa at magtanong pa sa amin tungkol kay Hunter!""Hindi alam nina Papa na andito ako sa London. Mukhang wala din silang alam na nag-break na kayo ni Hunter. Ano nga pala ang nangyari? Bakit na naman kayo nag-away? Napaka self-centered mo din kasi, Yassy! Gusto mo ikaw lagi ang masusunod. Baka naman nasasakal na si Hunter sa'yo?" galit na wika ni Caleb. Napasimangot siya dahil mukhang si Hunter pa ang kakampihan ng kuya niya.Hindi pa man siya nakasagot ay lumabas na sa kwarto si Belle at muli namang natuon ang atensyon ng kuya niyang babaero sa kaibigan niya. Nagbago ang ekspresyon nito at nagpa-cute."Hi again, Belle... Halika, seat here with us." Malambing na wika nito
"Belle!" Tawag-pansin niya sa kaibigan na mukhang nalilibang na sa pakikipagkwentuhan sa kuya niya.Agad namang bumalik ng tingin si Belle sa kanya. "Can I talk to you for a second?" wika niyang may matalim na tingin sa kaibigan saka naunang pumasok sa kwarto nito."Excuse lang, Caleb ha… may sasabihin lang si Yass sa akin."Napataas ang kilay niya nang nagpaalam pa ito sa kuya niya."Sure, Cupcake…" sagot naman ni Caleb saka kinindatan si Belle at ikinakilig ng kaibigan niyang marupok.Agad niyang hinatak si Belle papasok ng kwarto nito at sinara."Huy, anong ginagawa mo? 'Di ba usapan natin, 'wag kang mainlove sa kuya ko?" sita niya dito."Eeeiiihhh! Napakagwapo naman kasi talaga ng kapatid mo, sis… nakapanghihina!"Bakit nabago na ang tawag nito sa kanya? Bakit naging "sis" na? "Bhie" ang tawagan nila at hindi "sis"!"Muntik nang malaglag ang panty ko… kung makatingin siya sa akin, para akong natutunaw!" kilig na kilig ito habang nagkukwento sa kanya."Shut up, Belle! Sabi ko sa'yo
"Nakita kita kanina from afar… Sino na naman ang kasama mong lalaki? Mukhang pinapaselos mo talaga ako, ha?" sambit ni Phoebe sa kabilang linya.Nagpalinga-linga siya sa paligid. Ibig sabihin, nakita sila ni Phoebe kanina? Saan ba ito nagtatago? Bakit hindi nila ito nakikita?“He is my kuya, Phoebe, and he's here to help us na mahuli kayo at mabulok sa kulungan!” Nakinig lang sina Caleb at Belle sa usapan nila ni Phoebe.“Hahaha… Ang dami mong kakampi, ah! Meron pang isa doon sa school.... What is his name again? Is it Andres?”Nagulat siya nang kilala din nito si Andres.“Iba din talaga kapag mayaman... nagagawa ang lahat. Pero wala kang takas sa amin, Yas, dahil gagawin ko ang lahat para mapabagsak ka lang. I will make sure malalasap mo ang ganti namin, hindi pwedeng kami lang ang maghirap. dapat kasama ka!”Bigla na naman siyang nanginig. Kinuha ni Caleb sa kanya ang telepono.“Hello? Hello?” wika ni Caleb sa kausap niya, pero pinatay na ito ni Phoebe. Tiningnan muli ni Caleb ang t
Ramdam niya ang lungkot nang lumapag na ang eroplano sa Pilipinas. Sa tagal ng biyahe niya mula sa London ay hindi siya nakatulog kahit konti. Tulala lang siya habang umiiyak. Napakamalas talaga niya... ano ba ang meron sa kurso niya na nahihirapan siyang matapos? Ang daming humahadlang sa pagtatapos niya. Ang gusto lang naman niya ay makapagtapos at maging isang successful na doctor, pero bakit parang ang hirap nito abutin?"Iha... may nararamdaman ka ba? Napansin ko kasi kanina ka pa umiiyak?" tanong ng katabi niya sa eroplano na isang ginang.Agad siyang nagpunas ng mga luha... nahiya siya bigla. Gumagawa pala siya ng eksena doon sa eroplano. Wala kasi siyang iniintindi kundi ang muling pag-uwi niya sa Pilipinas."Ahm, wala po, Ma’am... nalulungkot lang po ako.""Bakit? Naghiwalay ba kayo ng boyfriend mo? Hahahah."Bigla niyang naalala si Hunter. Now that she's in Manila, sana hindi magkrus ang landas nila."Hindi po, Ma’am... nagkaproblema lang ako sa school kaya malamang ay mag-s
"Let's go?" Aya ni Violet sa kanila. Sa condo ng kuya siya nagpahatid. Mabuti na lang at hindi naman out of the way kina Tita Alma. Kung hindi, ay nakakahiya talaga.Madaldal ang ginang habang nasa biyahe sila. Panay kang kausap nito sa kanya. Panay ang tanong nito tungkol sa buhay niya, siya naman ay sagot din nang sagot sa tanong nito. Sa buong biyahe ay halos naikuwento na niya ang buhay niya, maliban lang sa love life niya. Mabuti at hindi naman siya tinanong ni Tita Alma tungkol doon. Paminsan-minsan ay nakikisali rin si Olivia sa usapan nila, pero mas naka-focus ito sa pagmamaneho.Nang makarating sa condo ay bumaba na siya. "Thank you po, Tita Alma. And Olivia..." Nahihiyang wika niya."It's fine, iha. Tumawag ka lang kapag may kailangan ka, ha." wika nito. Sa tagal ng pag-uusap nila kanina, nag-exchange contact numbers na din sila. Tatawagan daw siya nito kapag nabo-bore at magsa-shopping sila. Napangiti na lang siya.Pagkatapos niyang ibaba ang mga gamit niya ay umalis na rin
"What are you doing here, Mike?" wika niya, nanginginig. "Relax, Olivia. Hindi mo ba ako na-miss?" wika nito saka tumayo sa kinauupuan at humalik sa kanyang pisngi."Umupo ka muna..." sabi nito saka inalalayan siyang umupo sa harap ng upuan nito. "Kamusta ka na? Long time no see. Di mo man lang ako binisita sa ospital noong na-disgrasya ako. Parang wala tayong pinagsamahan, ah..." biro nito sa kanya na may halong panunumbat. "Ano ang ginagawa mo dito, Mike?""Na-miss lang kita. Ilang araw na akong balik-balik dito sa restaurant mo... Pumunta din ako sa condo at bahay mo pero wala ka doon. Saan ka ba nakatira ngayon?" malumanay na wika nito. Tinitigan niya itong mabuti. Parang hindi siya makapaniwala na si Mike ang kaharap niya. "Wala ka na doon kung saan ako nakatira!" supladang wika niya. Ngumiti ito ng tipid saka napasulyap sa tiyan niya. Agad niya iyong tinakpan para matago ang umbok ng tiyan niya. "Malaki na pala ang tiyan mo... Balita ko buntis ka... Ako ba ang ama?" direts
"Ano ang gusto mong kainin, anak?""Pasensya ka na sa bahay natin, ha.""Hindi ako gutom, Tay... Andito ako dahil may ipapagawa ako sa'yo." Diretsahang sabi niya habang nakaupo sa tapat ng kanyang ama."Ano 'yon, anak?" Tanong ng ama na halatang nag-aalala pero bukas pa rin sa sasabihin ng anak."Gusto kong idispatsa mo ang lalaking 'to..." Sambit niya sabay abot ng litrato ni Mike."A-anak... kakalabas ko lang ng kulungan. Gusto mo bang bumalik ulit ako doon?" May halong takot at lungkot sa tinig ng ama."Maatim mo bang saktan ako ng lalaking 'yan?" Tanong niya, sabay haplos sa kanyang tiyan."Siya ang ama ng dinadala ko, Tay. Pero hindi ko siya gusto para sa amin ng anak ko. May iba akong mahal. Kaya gusto ko siyang mawala... para wala na akong inaalala."Tahimik ang kanyang ama, tila iniisip ang bigat ng hinihiling ng anak."S-Sige, anak. Gagawin ko ang gusto mo... Makabawi man lang ako sa mga pagkukulang ko sa’yo."Ngumiti siya at tumayo. "Salamat, Tay. Hindi na ako magtatagal. Ba
Kinabukasan ay hinintay niya lang na umalis si Hunter saka din siya umalis. Pupuntahan niya ang tatay niya. Kailangan niya itong makausap bago pa siya maunahan ni Mike. "Saan ka pupunta, Ma'am Olivia?" tanong ng kasambahay nang makita siyang palabas ng bahay, dala niya ang kanyang handbag. "Ahm, pupunta lang ako sa doctor, Manang. Schedule kasi ng check-up ko ngayon.""Di ba dumating na si doc kagabi? Saka mahigpit na ipinagbilin ni Senyorito Hunter na hindi kayo palalabasin ng bahay. Delikado po, lalo na buntis ka.""Sandali lang ako, Manang. At sana ‘wag na lang din makarating kay Hunter na lumabas ako. Alam mo naman po ‘yun, natatakot na anong may mangyari sa akin, lalo na’t dinadala ko ang anak niya."Bahagyang umasim ang mukha ng kasambahay. Alam niyang walang itong gusto sa kanya para sa amo nilang si Hunter. Pero wala na silang magagawa, balang araw ay siya na ang magiging reyna sa bahay na ‘yun at walang makakapagpigil sa kanya.Umalis na siya. Hindi na rin siya pinigilan ni
Tahimik lang si Hunter saka tinanggap ang reseta.“Mauuna na po ako, Sir. Sakaling may nararamdaman po ulit si Ma’am Olivia, tawagan n’yo na lang po ako,” paalam ng doctor saka umalis na. Dalawa na lang sila ni Hunter ang naiwan sa kwarto.“Hunter, ’wag mo akong iwan. Natatakot ako sa pagbalik ni Mike...”Nanatiling tahimik lang si Hunter habang nakatingin sa kanya.“Gusto man kitang tulungan, pero may kasalanan ka pa rin sa akin, Olivia. Sinira mo ang buhay ko. Hindi ko maatim na makita ka araw-araw dito sa bahay ko. Pagkatapos mo diyan, ipapahatid na kita sa bahay mo.”“Hunter, please, ’wag! Mag-isa lang ako doon at walang kasama. Baka puntahan ako ni Mike doon!”Muling tumahimik si Hunter at tila nag-iisip.“Sige, tutulungan kita. Pero ipaliwanag mo kay Yassy ang lahat. Ipaliwanag mo kung paano mo kami sinira... ikaw ang magpaliwanag para maintindihan niya na hindi ako nagkasala sa kanya. At ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito. Tutulungan mo akong bumalik si Yassy sa akin.”“Fuc
Napayuko siya. Hindi niya akalain na aabot sila ni Hunter sa ganito. Hindi niya akalain na malalaman nito ang lahat."Hunter, let me explain huhuhu..." Napaupo siya sa kama. Ang sakit ng dibdib at tiyan niya. Pakiramdam niya ay manganganak na siya sa mga oras na ‘yon dahil sa stress."Explain what, Olivia? Sa pulis ka magpaliwanag sa pagpatay mo kay Tricia. Hindi ako makakapayag na hindi mo pagbayaran ang lahat ng kasalanan mo!""NO! Hunter, please! Huhuhu...." sigaw niya habang hawak ang kanyang tiyan. Hindi niya lubos maisip na ipapakulong siya nito sa kabila ng kanyang kalagayan."Yes! Guilty ako sa sex video natin! Inutusan ko si Tricia para kunan tayo ng video at isend iyon kay Yassy para hiwalayan ka niya. Pero hindi ako guilty sa pagpatay kay Tricia!.... Wala akong kasalanan!""Paano mo ma-e-explain ang lahat ng iyon... ang pagka-aksidente niya na kasama si Mike? Magsabi ka ng totoo, Olivia, dahil hindi ako naniniwalang coincidence lang ang lahat."Tumahimik siya... paano niya
Hindi naman nagtagal ay dumating si Hunter. Seryoso ang mukha nitong nakatingin lang sa kanya."Hunter... I'm glad you're here! Natatakot ako..." agad cyang lumapit at nyakap ito pero kinalas nito ang kamay nyang nakapulopot sa leeg nito"Natatakot saan, Olivia? Sa sarili mong multo?"Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito pero hindi na nya iyon inintindi."Bakit andito ka sa baba?""Natatakot kasi ako doon sa kwarto... Wala akong kasama.""Walang multo sa bahay ko. Unless may sinama kang multo dito?" Matalinghagang sabi na naman ulit nito.Sa uri ng pagtingin ni Clark sa kanya, ay nararamdaman niyang may gusto itong sabihin pero halatang nagpipigil lang."Umakyat ka na sa kwarto mo, Olivia." wika ni Hunter saka nagpatiuna na sa paglakad. Dali-dali siyang sumunod sa likod nito.Pumasok ito sa inookupa niyang kwarto. Nagulat siya dahil hindi naman ito pumupunta doon, pero ngayon ay nauna pa itong pumasok.Lihim siyang napangiti... Baka na-realize ni Hunter na kailangan niya ng
Pumatak ang mga luha niya habang inaalala iyon. Ayaw na niyang balikan ang sitwasyong ‘yon. Nagkaroon siya ng depresyon dahil sa ginawa ni Mike, at ngayong bumalik na naman ito… ano na ang mangyayari sa kanya?Ang akala niya ay tapos na ang lahat. Malapit na niyang makuha si Hunter. Kaunti na lang ay mapapayag na niya itong magpakasal sa kanya.Mabilis na lang namang dayain ang hinihingi nitong DNA test kung ito nga talaga ang tunay na ama. Magagawan niya ng paraan 'yon. Pera lang ang katapat nun. Pero paano na ngayon kung buhay pala ang demonyong si Mike? Totoo nga ang kasabihan na "masamang damo ay matagal mamatay!"“Fuck! Sana namatay ka na lang, hayop ka!” sigaw niya.“Olivia!?.... Olivia!?”Napatalon siya sa gulat nang marinig si Hunter na kumakatok sa kanyang pinto. Agad niyang inayos ang sarili at dali-daling binuksan ang pinto.“Ahm, Hunter… may kailangan ka ba?” wika niyang pilit ang ngiti. Nababanaag pa rin sa mukha niya ang takot at pag-aalala.“I heard na sumigaw ka. May n
"I forgot to tell you, habang nasa ospital ka noong nalaglag ka sa hagdan, ay bumisita pala si Mike. And guess what.... buhay siya."Nanlaki ang mga mata nitong napatingin sa kanya.“B-buhay si Mike?”“Yes… at binisita ka niya. Hindi lang siya tumagal dahil may pupuntahan pa daw siya. Pero bibisitahin ka daw niya ulit.”“No!” Agad na sabi nito na nanginginig. Agad naman siyang naalarma sa pinapakitang reaksyon ni Olivia.“What is it, Olivia? Takot ka ba kay Mike? Bakit ganyan na lang ang reaksyon mo?”“Ah, eh wala… it’s just that I don’t want to see him anymore....”“May ginawa ba si Mike sa’yo? Tell me para matulungan kita…” Sandaling lumambot ang puso niya sa dalaga. Mukhang hindi ito nagda-drama lang sa takot nito. Parang nakonsensya siya tuloy na sinabi pa niya ang pagbisita ni Mike.“Ah, eh… wala.”Hindi na siya nakapagtanong ulit dahil dumating na sila sa bahay niya. Nauna na itong lumabas. Hindi man lang siya nito hinintay na alalayan niya.“Ahm, magpapahinga muna ako sa guest
Hindi siya agad nakasagot. Pinagmasdan niya si Olivia, na ngayon ay parang balisa at takot na takot. Totoo ba ang sinasabi nito? O isa na namang drama para makuha ang simpatiya niya?“Pwede ba, Olivia? Huwag mo akong paikutin. Ano pa ba ang kailangan mo? Pinatira na kita sa bahay ko, di ba?” malamig niyang tugon habang pinipilit kontrolin ang galit sa dibdib.“Umuwi ka na. I need my privacy!” dagdag pa niya. Kailangan pa niyang tingnan muli ang cellphone ni Tricia at baka may makikita pa siya doon na lead, pero paano niya magagawa iyon kung andoon din si Olivia? Akmang isasara na niya ang pinto nang biglang napahawak sa tiyan si Olivia.“Aray… ang sakit!...” Napaupo ito sa sahig na parang hirap na hirap.“Olivia? What happened?” Hinawakan niya ito at pilit na itinayo. Kahit na galit siya dito, hindi naman niya matiis na balewalain ito. Kawawa namang bata sa sinapupunan nito. “What do you feel?”“Parang naninigas ang tiyan ko... baka... baka may mangyari sa baby natin… ang sakit huhuhu