Pag gising niya, ang umaga ay inumpisahan niya nang linisin ang unit ni Caleb. Nilagay niya sa washing ang mga madumi nitong damit na nakakalat sa buong bahay. Ang mga bra at panty naman ng babae ay nilagay niya sa garbage bag at tinapon. Hindi na siya nagbalak na labhan pa iyon... dagdag lang iyon sa labahan niya. Pagod na pagod siyang naglinis buong araw. Nag-prepare siya ng cup noodles at kumakain habang nanonood ng N*****x. Pag tinamad na siyang magluto ay noodles lagi ang paborito niyang pagkain. Habang namimili ng mapapanood sa N*****x, may nag-doorbell. Nagtaka siya kung sino ang pupunta doon, samantalang wala naman ang kuya niya. Agad siyang pumunta sa pinto para tingnan sa peephole. Isang babae ang nasa labas. Agad niya itong pinagbuksan. "Yes?" tanong niya. Tiningnan siya ng babae mula ulo hanggang paa. Nakalimutan niyang mag-ayos muna ng sarili bago ito pagbuksan. Naka-sando at panty lang kasi siya. Mabuti at naka-bra siya.... at least, hindi masyadong malaswa. "Who ar
**********************HUNTER'S POV:Hindi na niya alam kung ilang araw o buwan na siyang nasa Pilipinas simula nang bumalik siya galing London. At simula nang dumating siya, sinubsob niya ang sarili sa trabaho para makalimutan lang si Yassy.Halos patapos na ang project na ginawa niya sa restaurant ni Olivia sa Makati. Tinutukan niya talaga iyon ng pansin.... parang doon niya binuhos ang oras niya.Oo nga't sandaling nakalimutan niya ang dalaga kung busy siya, pero sa mga katulad nitong nag-iisa siya sa condo at walang magawa.... si Yassy lang ang laman ng utak niya.Kasalukuyan siyang nasa harap ng TV at pinanood ang paborito nilang pinapanood na TV series sa Netf**x. Iniimagine niya na magkasama silang nanonood. Parang tumatagos lang ang mata niya sa TV.... wala siyang naiintindihan. Hindi pumapasok sa utak niya ang pinapanood.Kinuha niya ang remote at naghanap ng ibang mapapanood. Gusto niyang libangin ang sarili pero ayaw naman niyang lumabas ng condo para magpakalasing sa bar.
Sinundan niya si Olivia habang papunta ito sa kitchen niya. May dala na itong mga ingredients ng lulutuin. Mukhang plinano talaga nito ang pagpunta sa kanya.Kabisado na ni Olivia ang pasikot-sikot ng unit niya dahil palagi ito doon noon. Hinayaan na niya si Olivia sa gagawin nito at hihintayin na lang niyang matapos.Akmang uupo siya sa sofa nang biglang may umungol sa TV... Sex scene na sa pelikula! Saktong tinitira ng lalaking bida ang bidang babae kaya sarap na sarap ang babae at napapa-ungol. Nakalimutan niyang patayin ang TV o di kaya palitan ang pinapanood bago papasukin si Olivia kanina.Nagkatinginan sila ni Olivia. Ngumiti ito nang nakakaloko sa kanya. Agad niyang pinatay ang TV.Damn!... So awkward!“Ikaw ha... bakit ka nanonood nyan?” biro nito sa kanya. “Miss mo na, noh?” malanding wika nito saka lumapit sa kanya.“Ahh. Diyan ka muna... Magluto ka lang diyan. Bibili lang ako ng soda.” wika niya saka lumabas ng unit. As much as possible, ayaw na niyang masolo kasama si Oli
Agad siyang nagising sa kamunduhan niya. Dali-dali niyang kinuha ang tuwalya sa sahig at muling binalabal sa bewang niya."Hello, Dad?" Agad na sagot niya sa telepono."Who is it?" nairitang tanong ni Olivia na nasa kama at mukhang nabitin."Si Yass ba 'yang ang salita, anak? Magkasama ba kayo?""Ah, eh... hindi, Dad... Andito ako sa resto. Taga kabilang table ko lang 'yun ang narinig mo!" Napatingin siya kay Olivia. Tumaas ang kilay nito sa pagsisinungaling niya.Lumayo siya dito para kausapin nang maayos ang ama nang walang Olivia na manggugulo. Baka kung ano na naman ang sabihin nito at marinig ulit ng Daddy niya."Saan ba kayo ni Yassy na kada tawag na lang namin ay hindi kayo magkasama?" Nairitang tanong ng Daddy niya."Ahm, alam mo naman na nag-uumpisa na ang pasok ni Yassy, Dad, kaya busy na siya." pagsisinungaling ulit niya."Ganun ba?" Mukhang naniniwala naman ang ama niya sa kasinungalingan niya."Bueno, kapag magkasama kayo, ay tawagan niyo naman kami ha... Namimiss na nami
Isang linggo na ang nakalipas mula nang nakausap niya si Caleb, pero hindi pa rin niya nakakausap si Yassy. Nag-aalala na siya para sa dalaga. Kamusta na kaya ito? Wala naman siyang number ni Belle para makibalita, pero duda din siyang sasagutin ni Belle ang tawag niya. Siguradong kampi ito kay Yassy, kaya wala siyang makukuhang impormasyon doon kung sakali.Naputol ang pag-iisip niya nang nag-ring ang cellphone niya.... Si Olivia ang tumatawag."Hello?" Walang ganang sagot niya."Hey, Hunter... Remind ko lang, mamaya na ang opening ng resto, ha."Muntik na niyang makalimutan. Simula nang pumunta ito sa condo niya, hindi na sila nagkita ulit."O-okay, I'll be there," sagot niya.Muli niyang pinatay ang telepono at nahiga sa sofa. Hindi nya iniisip ang sinabi ni Olivia, mas iniisip niya kung saan siya kukuha ng impormasyon tungkol kay Yassy. Marahil ay tinatago din ng magkapatid ang nangyari sa kanila dahil hindi pa siya tinatawagan ng mga magulang nila para komprontahin.Pangako niya
Pagdating niya sa restaurant ay hinanap agad ng mga mata niya si Tita Alma. Medyo madami na ding tao doon. Sosyal ang lugar dahil mukhang mayayaman ang mga bisitang naroon at mukhang mga professionals na.Muli na naman siyang nanliit. Wala pa kasi siyang napapatunayan sa kanyang buhay kaya hindi pa siya matatawag na professional.Pero wala namang nakakakilala sa kanya doon kaya magkunwari siyang confident kahit pa nanliliit na siya. Sanayin na niya ang sariling makisalamuha sa ganitong klaseng tao. Gagawin niya itong training ground para kapag professional na siya, marunong na siyang makipagharap sa mga ito.Bakit nga ba niya iniisip iyon, samantalang for sure ay sila lang naman ni Tita Alma ang magkasama buong gabi?!Lalong lumaki ang ngiti niya nang makita na si Tita Alma. Kasama nito si Olivia at ang estima ng mga bisita. Nakita na siya nito at kinawayan siyang palapit.Agad naman siyang lumapit."Iha, I'm glad you're already here. You look gorgeous in that dress!"Namula siya nang
Nang makarating sa 20th floor, nauna na naman siyang lumabas ng elevator. Nakasunod pa rin ito sa likod niya.Nanginginig siyang binuksan ang pinto ng unit niya."Ahm, dito na ako... Baka hinahanap ka na ng girlfriend mo...""Pwede ba tayong mag-usap, Yassy?" mahinang tanong ni Hunter na may pagmamakaawang tingin.Hindi niya alam kung sumagot siya, pero sumunod ito sa likod niya at pumasok sa loob. Ito na mismo ang nagsara ng pinto nang tuluyan na silang makapasok.Nataranta siya, pero hindi siya nagpahalata. Silang dalawa lang sa loob ng condo. Nakakabingi ang katahimikan."Ahm, ano ang pag-uusapan natin?" Umupo siya sa sofa... parang ano mang oras kasi ay matutumba na siya. Paraan na rin niya iyon para lumayo kay Hunter."Ahm, ano ang pag-uusapan natin?" Muling tanong niya nang hindi ito sumagot sa tanong niya kanina. Mataimtim lang itong nakatingin sa kanya.Bigla siyang nahiya nang maalala ang suot niya. Ayaw pala nito ng damit na iyon. Inaway pa siya ni Hunter at pinagbantaan na
Nanginginig siya habang sinusuot iyon. Hindi niya akalain na makikita na naman ni Hunter ang hubad niyang katawan. Biglang nag-react kaagad ang katawan niya. Uminit ito bigla na hindi niya maintindihan. She suddenly felt the longing for Hunter’s touch. Tititigan pa lang siya nito ay nadadala na siya. And no matter how much she resists him, she would always end up wanting him. Ganoon siya kabaliw kay Hunter!"Shut up, Yassy!" saway ng utak niyang kontrabida. "May girlfriend na siya at break na kayo! Huwag ka nang umasa!"Muli siyang bumuga ng hininga at kinalma ang sarili saka dahan-dahang lumabas ng banyo. Nandoon pa rin si Hunter na nakaupo sa kama niya."Ano nga pala ang ginagawa mo dito? Bakit ka nakapasok ng condo?" tinaasan niya ito ng boses nang maalalang paano ito nakapasok doon."Ah eh... Kanina pa kasi akong nagdo-doorbell pero hindi mo ako pinagbubuksan kaya ginamit ko ang susi ko dito sa condo ni Caleb.""May susi ka dito sa condo ni Kuya?" Nanlaki ang mga mata niya sa nari
"What are you doing here, Mike?" wika niya, nanginginig. "Relax, Olivia. Hindi mo ba ako na-miss?" wika nito saka tumayo sa kinauupuan at humalik sa kanyang pisngi."Umupo ka muna..." sabi nito saka inalalayan siyang umupo sa harap ng upuan nito. "Kamusta ka na? Long time no see. Di mo man lang ako binisita sa ospital noong na-disgrasya ako. Parang wala tayong pinagsamahan, ah..." biro nito sa kanya na may halong panunumbat. "Ano ang ginagawa mo dito, Mike?""Na-miss lang kita. Ilang araw na akong balik-balik dito sa restaurant mo... Pumunta din ako sa condo at bahay mo pero wala ka doon. Saan ka ba nakatira ngayon?" malumanay na wika nito. Tinitigan niya itong mabuti. Parang hindi siya makapaniwala na si Mike ang kaharap niya. "Wala ka na doon kung saan ako nakatira!" supladang wika niya. Ngumiti ito ng tipid saka napasulyap sa tiyan niya. Agad niya iyong tinakpan para matago ang umbok ng tiyan niya. "Malaki na pala ang tiyan mo... Balita ko buntis ka... Ako ba ang ama?" direts
"Ano ang gusto mong kainin, anak?""Pasensya ka na sa bahay natin, ha.""Hindi ako gutom, Tay... Andito ako dahil may ipapagawa ako sa'yo." Diretsahang sabi niya habang nakaupo sa tapat ng kanyang ama."Ano 'yon, anak?" Tanong ng ama na halatang nag-aalala pero bukas pa rin sa sasabihin ng anak."Gusto kong idispatsa mo ang lalaking 'to..." Sambit niya sabay abot ng litrato ni Mike."A-anak... kakalabas ko lang ng kulungan. Gusto mo bang bumalik ulit ako doon?" May halong takot at lungkot sa tinig ng ama."Maatim mo bang saktan ako ng lalaking 'yan?" Tanong niya, sabay haplos sa kanyang tiyan."Siya ang ama ng dinadala ko, Tay. Pero hindi ko siya gusto para sa amin ng anak ko. May iba akong mahal. Kaya gusto ko siyang mawala... para wala na akong inaalala."Tahimik ang kanyang ama, tila iniisip ang bigat ng hinihiling ng anak."S-Sige, anak. Gagawin ko ang gusto mo... Makabawi man lang ako sa mga pagkukulang ko sa’yo."Ngumiti siya at tumayo. "Salamat, Tay. Hindi na ako magtatagal. Ba
Kinabukasan ay hinintay niya lang na umalis si Hunter saka din siya umalis. Pupuntahan niya ang tatay niya. Kailangan niya itong makausap bago pa siya maunahan ni Mike. "Saan ka pupunta, Ma'am Olivia?" tanong ng kasambahay nang makita siyang palabas ng bahay, dala niya ang kanyang handbag. "Ahm, pupunta lang ako sa doctor, Manang. Schedule kasi ng check-up ko ngayon.""Di ba dumating na si doc kagabi? Saka mahigpit na ipinagbilin ni Senyorito Hunter na hindi kayo palalabasin ng bahay. Delikado po, lalo na buntis ka.""Sandali lang ako, Manang. At sana ‘wag na lang din makarating kay Hunter na lumabas ako. Alam mo naman po ‘yun, natatakot na anong may mangyari sa akin, lalo na’t dinadala ko ang anak niya."Bahagyang umasim ang mukha ng kasambahay. Alam niyang walang itong gusto sa kanya para sa amo nilang si Hunter. Pero wala na silang magagawa, balang araw ay siya na ang magiging reyna sa bahay na ‘yun at walang makakapagpigil sa kanya.Umalis na siya. Hindi na rin siya pinigilan ni
Tahimik lang si Hunter saka tinanggap ang reseta.“Mauuna na po ako, Sir. Sakaling may nararamdaman po ulit si Ma’am Olivia, tawagan n’yo na lang po ako,” paalam ng doctor saka umalis na. Dalawa na lang sila ni Hunter ang naiwan sa kwarto.“Hunter, ’wag mo akong iwan. Natatakot ako sa pagbalik ni Mike...”Nanatiling tahimik lang si Hunter habang nakatingin sa kanya.“Gusto man kitang tulungan, pero may kasalanan ka pa rin sa akin, Olivia. Sinira mo ang buhay ko. Hindi ko maatim na makita ka araw-araw dito sa bahay ko. Pagkatapos mo diyan, ipapahatid na kita sa bahay mo.”“Hunter, please, ’wag! Mag-isa lang ako doon at walang kasama. Baka puntahan ako ni Mike doon!”Muling tumahimik si Hunter at tila nag-iisip.“Sige, tutulungan kita. Pero ipaliwanag mo kay Yassy ang lahat. Ipaliwanag mo kung paano mo kami sinira... ikaw ang magpaliwanag para maintindihan niya na hindi ako nagkasala sa kanya. At ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito. Tutulungan mo akong bumalik si Yassy sa akin.”“Fuc
Napayuko siya. Hindi niya akalain na aabot sila ni Hunter sa ganito. Hindi niya akalain na malalaman nito ang lahat."Hunter, let me explain huhuhu..." Napaupo siya sa kama. Ang sakit ng dibdib at tiyan niya. Pakiramdam niya ay manganganak na siya sa mga oras na ‘yon dahil sa stress."Explain what, Olivia? Sa pulis ka magpaliwanag sa pagpatay mo kay Tricia. Hindi ako makakapayag na hindi mo pagbayaran ang lahat ng kasalanan mo!""NO! Hunter, please! Huhuhu...." sigaw niya habang hawak ang kanyang tiyan. Hindi niya lubos maisip na ipapakulong siya nito sa kabila ng kanyang kalagayan."Yes! Guilty ako sa sex video natin! Inutusan ko si Tricia para kunan tayo ng video at isend iyon kay Yassy para hiwalayan ka niya. Pero hindi ako guilty sa pagpatay kay Tricia!.... Wala akong kasalanan!""Paano mo ma-e-explain ang lahat ng iyon... ang pagka-aksidente niya na kasama si Mike? Magsabi ka ng totoo, Olivia, dahil hindi ako naniniwalang coincidence lang ang lahat."Tumahimik siya... paano niya
Hindi naman nagtagal ay dumating si Hunter. Seryoso ang mukha nitong nakatingin lang sa kanya."Hunter... I'm glad you're here! Natatakot ako..." agad cyang lumapit at nyakap ito pero kinalas nito ang kamay nyang nakapulopot sa leeg nito"Natatakot saan, Olivia? Sa sarili mong multo?"Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito pero hindi na nya iyon inintindi."Bakit andito ka sa baba?""Natatakot kasi ako doon sa kwarto... Wala akong kasama.""Walang multo sa bahay ko. Unless may sinama kang multo dito?" Matalinghagang sabi na naman ulit nito.Sa uri ng pagtingin ni Clark sa kanya, ay nararamdaman niyang may gusto itong sabihin pero halatang nagpipigil lang."Umakyat ka na sa kwarto mo, Olivia." wika ni Hunter saka nagpatiuna na sa paglakad. Dali-dali siyang sumunod sa likod nito.Pumasok ito sa inookupa niyang kwarto. Nagulat siya dahil hindi naman ito pumupunta doon, pero ngayon ay nauna pa itong pumasok.Lihim siyang napangiti... Baka na-realize ni Hunter na kailangan niya ng
Pumatak ang mga luha niya habang inaalala iyon. Ayaw na niyang balikan ang sitwasyong ‘yon. Nagkaroon siya ng depresyon dahil sa ginawa ni Mike, at ngayong bumalik na naman ito… ano na ang mangyayari sa kanya?Ang akala niya ay tapos na ang lahat. Malapit na niyang makuha si Hunter. Kaunti na lang ay mapapayag na niya itong magpakasal sa kanya.Mabilis na lang namang dayain ang hinihingi nitong DNA test kung ito nga talaga ang tunay na ama. Magagawan niya ng paraan 'yon. Pera lang ang katapat nun. Pero paano na ngayon kung buhay pala ang demonyong si Mike? Totoo nga ang kasabihan na "masamang damo ay matagal mamatay!"“Fuck! Sana namatay ka na lang, hayop ka!” sigaw niya.“Olivia!?.... Olivia!?”Napatalon siya sa gulat nang marinig si Hunter na kumakatok sa kanyang pinto. Agad niyang inayos ang sarili at dali-daling binuksan ang pinto.“Ahm, Hunter… may kailangan ka ba?” wika niyang pilit ang ngiti. Nababanaag pa rin sa mukha niya ang takot at pag-aalala.“I heard na sumigaw ka. May n
"I forgot to tell you, habang nasa ospital ka noong nalaglag ka sa hagdan, ay bumisita pala si Mike. And guess what.... buhay siya."Nanlaki ang mga mata nitong napatingin sa kanya.“B-buhay si Mike?”“Yes… at binisita ka niya. Hindi lang siya tumagal dahil may pupuntahan pa daw siya. Pero bibisitahin ka daw niya ulit.”“No!” Agad na sabi nito na nanginginig. Agad naman siyang naalarma sa pinapakitang reaksyon ni Olivia.“What is it, Olivia? Takot ka ba kay Mike? Bakit ganyan na lang ang reaksyon mo?”“Ah, eh wala… it’s just that I don’t want to see him anymore....”“May ginawa ba si Mike sa’yo? Tell me para matulungan kita…” Sandaling lumambot ang puso niya sa dalaga. Mukhang hindi ito nagda-drama lang sa takot nito. Parang nakonsensya siya tuloy na sinabi pa niya ang pagbisita ni Mike.“Ah, eh… wala.”Hindi na siya nakapagtanong ulit dahil dumating na sila sa bahay niya. Nauna na itong lumabas. Hindi man lang siya nito hinintay na alalayan niya.“Ahm, magpapahinga muna ako sa guest
Hindi siya agad nakasagot. Pinagmasdan niya si Olivia, na ngayon ay parang balisa at takot na takot. Totoo ba ang sinasabi nito? O isa na namang drama para makuha ang simpatiya niya?“Pwede ba, Olivia? Huwag mo akong paikutin. Ano pa ba ang kailangan mo? Pinatira na kita sa bahay ko, di ba?” malamig niyang tugon habang pinipilit kontrolin ang galit sa dibdib.“Umuwi ka na. I need my privacy!” dagdag pa niya. Kailangan pa niyang tingnan muli ang cellphone ni Tricia at baka may makikita pa siya doon na lead, pero paano niya magagawa iyon kung andoon din si Olivia? Akmang isasara na niya ang pinto nang biglang napahawak sa tiyan si Olivia.“Aray… ang sakit!...” Napaupo ito sa sahig na parang hirap na hirap.“Olivia? What happened?” Hinawakan niya ito at pilit na itinayo. Kahit na galit siya dito, hindi naman niya matiis na balewalain ito. Kawawa namang bata sa sinapupunan nito. “What do you feel?”“Parang naninigas ang tiyan ko... baka... baka may mangyari sa baby natin… ang sakit huhuhu