Nilagyan nya lang na tuwalya ang basa nyang buhok at lumabas na, excited na cyang makita ang kuya nya, hindi na sila nakakapag-usap sa telepono lately dahil may bago na naman itong nobya. Hmp! sino na naman kaya ang nobya nito? parehas lang ito at si Hunter na babaero eh! kaya nga mag bestfriend ang dalawa! Pagkababa nya ay nakangiting dumiretso agad sya sa komedor. Halos takbuhin nya ang pababa ng hagdan makarating lang sa dining, pero napalis din ang ngiti nya ng hindi lang silang magpamilya ang naroroon, andoon din ang pamilya ni Hunter.... at si Hunter mismo. Nagtama ang kanilang mga mata... sa hindi malaman na dahilan ay hindi nya maalis ang mga mata kay Hunter... at ganun din naman si Hunter sa kanya."Yasmin! Ano yang suot mo?! Kita mong may bisita tayo dito! Go and change into some decent clothes!" napaigtad cya ng sigawan cya ng daddy niya. Agad siyang tumakbo pabalik ng kwarto. Napasimangot siya sa sinabi ng papa niya... Bakit, alam ba niya na may bisita sila? Saka kung
"Hello, Kuya... I missed you!" malungkot na bati nya sa kapatid. Ang dapat na masaya nilang pagkikita muli ay napalitan ng lungkot dahil sa galit ng mga magulang nila sa kanya.Umupo siya sa tabi nito. Si Hunter naman ay umupo sa tabi niya. Napagitnaan siya ng dalawang lalaki. Inakbayan cya ni Caleb saka hinalikan sa noo. Napaka-awkward ng dinner na yun dahil nasa kanya ang atensyon ng lahat. "Kamusta ka na iha?" Nag aalalang tanong ni Tito Joaquin. "O-okay naman po tito..." "W-weve ssen you photos circulating online...." wika nito. yumuko sya sa pagkahiya. Kahit hindi pa nito itutuloy ang sasabihin ay alam na nya ang kadugtong nun.Natameme siya... hindi niya alam kung mapapahiya o ano. Napasulyap siya kay Hunter. Blangko lang ang tingin nito sa kanya."Ahm, Tito, Tita... hindi po ‘yun totoo, napagtripan lang po ako ng mga kaibigan ko...." Hindi niya din naman alam kung paano ipapaliwanag sa kanila ang nangyari."Napakatigas kasi talaga ng ulo ng babaeng ‘yan! Kaya napagdesisyun
"Totoo po, Tito?" Kahit paano ay nabuhayan siya ng loob. Importante talaga sa kanya ang makatapos ng pag-aaral, lalo pa't matagal na niya iyong pangarap... pangarap niyang maging isang magaling na doktor!"Oo naman! We'd be happy to help you! Alam mo naman, ito ang plano natin dati pa, 'di ba?... na maging isang magaling na doktora?" wika nito saka siya kinindatan.Nginitian niya si Tito Joaquin at Tita Helen. Naluha siya... mabuti pa ang mga magulang ni Hunter, suportado siya sa pangarap niya.Muling binalingan ni Tito Joaquin ang papa niya. "Kumpadre, okay lang bang bigyan namin ng scholarship si Yassy?""Kayo ang bahala, kumpadre. Pero ayaw namin na sa London pa siya magpatuloy ng pag-aaral.""Pa! Sayang naman kung lilipat pa ako!" reklamo niya."At ano? Ipagpapatuloy mo ang kalokohan mo doon? Dito ka sa Pilipinas mag-aaral! Kahit kami pa ang magpapaaral sa'yo, basta dito sa Pilipinas!""It's okay, kumpadre. Kung gusto niya sa London, ay okay lang. Mas maganda naman talaga kapag sa
"Mom! wag nyo na kaming tuksuhin ni Kuya Hunter! Nakakahiya sa kanya at sa girlfriend nya! Kapatid lang ang turing nya sa akin at hindi ko sya type!" Agad na sabat nya para mabawi ang kahihiyan. Kung ayaw ni Hunter sa kanya ay ayaw nya din dito!... hmp! Lihim siyang napatingin kay Hunter. Hindi niya alam na nakatingin din pala ito sa kanya. Agad siyang umiwas ng tingin at binaling muli sa kanyang pagkain. Pinaalala na naman ng mama niya ang araw ng debut niya na pilit niyang kinakalimutan.... Isang bangungot iyon para sa kanya."Sayang nga lang at aalis na si Hunter pabalik ng Maynila bukas. Siya sana ang magiging escort mo. Just like the old days noong nag-debut ka, iha."Kahit papaano ay nabunutan siya ng tinik nang malaman na hindi niya na makikita si Hunter doon bukas dahil babalik na ito sa Manila. Ito kasi ang namamahala ng mga negosyo ng pamilya nila sa Manila.Kung dati ay excited siyang magdebut kahit hindi niya naman iyon gusto dahil si Hunter ang escort niya, ngayon ay ma
***********************HUNTER ROSALES POV:Nakatingin lang siya sa pinto kung saan pumasok si Yassy. Hindi nito sinagot ang tanong niya, at dahil doon ay malungkot siya."I really miss you, Bunso... I really do. At hindi totoong kapatid lang ang turing ko sa'yo. I have loved you for a long time!" Sagot niya sana sa sinabi ni Yassy, pero hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon dahil pumasok na ito sa kwarto.Laglag ang balikat na bumalik siya sa veranda kung nasaan ang mga magulang niya."Oh, andito ka na pala, anak! Bakit ang tagal mo? Nag-usap na ba kayo ni Yassy?""Ahm, opo, Mom..." pagsisinungaling niya."Good! Na-miss ko ang dati n’yong samahan. Now that she’s back, sana magkaroon ulit kayo ng time mag-bonding, hindi ‘yong puro ka na lang trabaho. Minsan ka na nga lang umuuwi dito. Kung ‘di mo pa nalaman na umuwi si Yassy, ‘di ka pa uuwi?" galit na wika ng daddy niya.Totoo naman iyon... dahil din iyon kay Yassy. Iniiwasan niya ding umuwi sa probinsya nila dahil naaalala niya la
"Alam mo anak, hindi kami nangingialam sa buhay pag-ibig mo. You can choose whoever you want, pero sana ay pumili ka ng tama." sambit ng daddy nya"Yassy is so dear to us. Kita mo naman kung gaano siya kaganda ngayon? Alam kong medyo boyish siya, pero maybe she is still confused. Siya ang tumupad sa pangarap kong magkaroon ng babaeng anak, at mas lalo kaming magiging masaya kung kayo ang magkatuluyan." dagdag naman ng mommy nya. pinatutulungan cya ng mga ito.Alam niyang hindi tomboy si Yassy... napatunayan niya iyon three years ago. Siya ang nakauna sa kinakapatid niya, and he felt her longing for him too. Alam niya rin na may puwang siya sa puso ni Yassy... kabaliktaran iyon ng sinasabi nito na kapatid lang ang turing nito sa kanya. Kasinungalingan ang lahat ng iyon... dahil ramdam ng puso niya na mahal din siya ng dalaga."Kaya mo 'yan, anak. Marahil ay nagkahiyaan lang kayo dahil matagal na ulit kayong hindi nagkita, pero babalik din kayo sa dati.... ngayon pa na dito na siya ulit
Naaalala niya ang tagpo nila noong debut Yass. Muntik nang may mangyari sa kanila dahil sa espiritu ng alak. Wala sa plano niya iyon. Ang plano niya ay ligawan ito nang maayos pagkatapos ng debut nito.Hinihintay niya lang na maging ganap na itong dalaga para makapagpaalam sa kanyang Ninong Salvador at Ninang Amalia na liligawan niya si Yassy kahit pa tomboy-tomboy ito.Pero nangyari ang lahat ng iyon nang hindi niya inaasahan. Nalungkot siya... dahil doon ay iniwasan na siya ni Yassy at hindi na ito bumalik sa probinsya nila.Pero ganoon pa man, masaya na rin siya dahil siya ang naka-una sa dalaga. At lingid sa kaalaman nito, si Yassy din ang nakauna sa kanya.Yes... Maloko siya noon sa babae, at hanggang ngayon din naman, pero hindi siya tumitingin sa iba noong nasa Pilipinas pa si Yassy. Kay Yassy lang ang atensyon niya. Ngayon lang siya nagloko dahil na rin sa pagrerebelde kay Yassy... Iniwan ba naman siya nito nang walang paalam at hindi man lang nakapagpaliwanag ng side niya?!
*********************YASSY'S POV:Hindi siya makatulog. Kanina pa siya paikot-ikot sa kama niya at nakatingin sa kawalan. Tama bang umuwi siya? Hindi niya akalain na sa unang araw ng pagtuntong niya sa Quezon ay makikita niya kaagad si Hunter. Ang alam niya ay nasa Manila ito nakatira, pero bakit ito nasa Quezon? Alam ba nitong umuwi siya galing London?Pero hindi... Ano naman ang kinalaman niya sa pag-uwi ni Hunter sa Quezon? Baka naman nagkataon lang na napauwi ito...Shit! Muling bumalik sa alaala niya ang mga pang-aakit ni Hunter sa kanya three years ago. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang binata. He's trying to flirt with him basta may pagkakataon.At sa paghawak-hawak nito ng kamay niya? Alam niyang iyon na ang palagi nilang ginagawa, pero bata pa sila noon! Iba na ngayon... Malaki na sila at may malisya!Every time na lumapit ito, naninindig ang mga balahibo niya. Ganoon kalakas ang epekto ni Hunter sa kanya. It's the same feeling noong unang may nangyari sa kanila noong gab
Lumipas pa ang mga araw, at ganoon pa rin ang kanilang relasyon. Masaya sila sa status nila. They can fuck whenever they want, but still, they are just friends.Wala naman syang ibang babaeng dini-date . Maging si Yassy ay ganoon din. They are exclusive with each other. Kulang na lang talaga sa kanila ay label.Bumalik ang dati nilang samahan... Madalas silang mag-usap, magbiruan, at magkumustahan. Pero sa kabila ng lahat, may hangganang hindi nila pwedeng tawirin. Pero deep in his heart, hindi niya maitatanggi na may puwang pa rin sa puso niya ang dalaga.Hindi na sila nag-uusap tungkol sa relasyon nila noon. Tila ayaw na ni Yassy na buksan pa ang chapter na ‘yun. Nakontento na lang ito kung ano sila ngayon.Kasalukuyan silang nanonood ng TV sa condo nito. Nakahiga at nakaunan ito sa kandungan niya habang nakaupo siya. Linggo ang araw na ‘yun at wala siyang trabaho.Nakikipag-communicate na rin ito sa sekretarya niyang si Giorgiana at inaalam ang mga appointment niya. Kapag nalaman n
Maya-maya ay ang pantalon naman niya ang pilit nitong hinuhubad. Inangat niya nang bahagya ang kanyang puwitan para maisagawa nito ang gusto.Nang sa wakas ay wala na siyang damit at ito ay kompleto pa, hinawakan niya ito sa bewang at pilit na ihuhubad ang crop top na suot nito, pero pinigilan siya.Nagtaka man siya, pero hindi na siya nagreklamo pa. Napatiayon siya sa gusto ni Yassy.Maya-maya ay tumayo itong nakaharap sa kanya, nakangising tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi naman siya nahiya dahil confident naman siya sa katawan niya. At ang alaga niyang tayong-tayo na, handang-handa nang sumuong sa gyera."You're so beautiful, Hunter.." wika nito saka lumuhod sa harap niya.Nung una ay nagulat siya. Napapikit na lang siya nang isinubo nito ang buong kahabaan niya."Ahhh damn, Yass... what are you doinggg?" Halos walang boses na lumabas sa bibig niya. Hindi niya alam kung naintindihan ni Yassy ang sinabi niya."This is my way of asking sorry to you.""Ahhh, you don’t have
Nakasakay na sila sa kotse at pauwi, ihahatid niya si Yassy sa condo. Sa restaurant na sila naghiwalay nina Olivia at Tita Alma.Wala siyang imik habang nagda-drive. Si Yassy naman ay nasa passenger's seat at umiidlip. Alam niyang nagtutulog-tulogan lang ito para hindi niya komprontahin.Naiinis siya sa pambabalewala nito, parang ipinapamigay na siya nito sa iba. Kung kailan naman desidido na siyang maging loyal dito kahit pa wala silang relasyon.Pagdating nila sa parking ng condo ay agad naman itong nagising. Ibig sabihin lang noon, alam nito kung saan na sila. Hindi pa rin niya ito pinapansin. Nauna siyang bumaba at naglakad. Ni hindi niya ito tinulungang bumaba. Nasa likod lang ito at sumusunod sa kanya.Pagpasok ng elevator ay dalawa lang sila. Nakatutok ang mata niya sa pindutan habang si Yassy ay nakasandal sa likod. Nakakabingi ang katahimikan sa kanilang dalawa.Pagdating ng 20th floor at bumukas ang elevator, nauna na naman siyang lumabas at naglakad papunta sa unit nito. Gi
Habang hinihintay niya si Yassy, hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Olivia. Alam niyang hindi niya dapat pinapabayaan ang negosyo niya, pero sa tuwing kasama niya si Yassy parang wala siyang ibang gustong gawin kundi ang maging malapit dito. Lumabas na si Yassy sa kwarto na nakagayak na. Nakasuot ito ng maikling shorts at crop top na puti, na pinaresan ng isang mamahaling sneakers. Lihim siyang napahanga sa kaseksihan at ganda ng dalaga. Confident na itong magsuot ng ganoong mga damit. Marahil ay nagagaya niya ang kaibigang si Belle, na isang modelo. "Tara na?" nakangiting aya nito. Ngumiti siya at tumango. Naka-abre-siete ito sa kanya habang naglalakad sila. Sa mga nakakakita sa kanila, mapagkakamalan silang mag-jowa. Pero ang hindi alam ng iba, magkaibigan na lang sila. Aaminin niyang mas chill lang sila ngayon na wala silang relasyon. Walang pressure… puro lang saya. Sumakay sila sa sasakyan niya at nagpunta sa mall. Habang namimili ng damit si Yassy, panay naman ang text
Gabi na siya ng umuwi galing sa condo ni Yassy. Kung pwede nga lang na doon na siya matulog ay gagawin niya. Kinabukasan ay nagdala na naman siya ng breakfast at doon kumain bago pupunta sa trabaho niya.“Araw-araw ka ba andito? Kasi simula ng malaman mong dito ako nakatira ay hindi pa ako nakapagluto ulit, hihihih…” natatawang wika nito. Lagi kasi siyang nagdadala ng food.“Eh di ipagluto mo na lang ako next time.”“Hmp! Ayoko, baka i-compare mo pa ako sa girlfriend mong chef!”“Hindi ko nga siya girlfriend.” pagtatama niya. “Sige na, ipagluto mo ako next time ha… saka gawa ka ng cookies. Paborito ko yun eh.”Biglang ngumisi ito. Masarap mag-bake si Yassy ng cookies at siya ang taga-ubos nun lagi.Habang kumakain ay napasarap na naman ang pag-uusap nila nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Si Giorgiana ang tumatawag.“Hello, Giorgiana?”“Sir, saan ka na naman ba? Andito na ang ka-meeting mo. Wag mong sabihing late ka na naman?” galit na wika ng sekretarya niya.“Shit!” mura niya
"Nakakatuwa naman ang girlfriend mo. Tinutulungan ka na nga sa business mo..." wika ni Yassy na pilit pinapasaya ang boses."She's not my girlfriend, Yass.""Kung ako sa'yo, magkabalikan na lang kayo… She is a big help for you. Marami siyang kakilala at ire-refer ka niya.""Its just that I don't like like her anymore, Yass. Pero pag-iisipan ko ang sinabi mo." Lihim niyang napangiti nang makita ang reaksyon ni Yassy. Pilit sya nitong itinutulak kay Olivia, pero alam naman niyang tulak ng bibig, kabig ng dibdib ito."D-Does Olivia know na ----""Na mag-ex tayo?" sabat niya sa dapat na sasabihin nito. "No... hindi niya alam. Sasabihin ko pa lang.""Ahm, pwede bang 'wag mo na lang sabihin sa kanya?""Why?""Baka kasi kung ano ang isipin nila ni Tita Alma sa akin...""Ano bang pwede nilang isipin sa'yo? Mas nauna kitang nakilala kaysa sa kanya.""Basta, 'wag ka nang madaming tanong!" pasupladang sagot nito. Nagkibit-balikat na lang siya."Sige, ikaw ang bahala." Tumahimik na siya at pinagp
"Kaya pala hingal na hingal ka, sir. Babalik ka pa ba?""May iba pa po ba akong appointment for today?""Wala na po. Bukas po meron, sa isa na namang client." wika ni Georgiana habang binubuklat ang appointment notebook nito.Napaisip siya. Total wala naman siyang gagawin sa opisina ay tatambay na lang siya sa condo ni Yassy."Di na ako babalik. Please confirm the appointment tomorrow... I'll be here on time.""Sige, sir. Wag kang ma-late ha!" muling paalala ni Georgina sa kanya.Hindi siya sumagot at lumabas ng opisina. Excited na siyang bumalik sa condo ni Yassy.Pagdating niya sa fast food kung saan niya iniwan ang kotse ay nag-takeout muna siya para sa pasalubong ng dalaga. It's almost lunch time na rin kaya dadamihan na niya.Pagkatapos niyang umorder, bumalik na siya sa kotse at kinuha ang cellphone."Hello, Yass?" Sambit niya nang sagutin nito ang tawag niya. Aaminin niyang di pa siya sanay na tawagin ito sa pangalan. Nasanay kasi siyang "babe" ang tawag dito pero baka mailang
*************HUNTER'S POV:Masaya siyang lumabas sa unit ni Yassy. Doon siya nag-breakfast kasama ang dalaga bago pumunta ng opisina. Though hindi naman siya lubos na masaya dahil hindi pa sila ulit nagkabalikan.Sa ngayon, matuto muna siyang makontento. Pipilitin niya ang sariling intindihin si Yass. Ang importante ay okay na ulit sila at napatawad na siya nito sa pag-iwan niya sa London. Kahit doon ay malaki na ang ipinagpapasalamat niya dahil mabigat iyon para sa konsensiya niya. Hindi niya matatanggap kung may nangyari kay Yassy dahil sa pag-iwan niya.Napapangiti siya habang sumasakay sa elevator pababa ng parking area kung nasaan ang kotse niya. Nilalaro ang susi ng kotse sa mga daliri niya, para siyang binatilyong kinikilig. He missed his girl so much.Ang cute ni Yassy, lalo itong gumanda simula nang iniwan niya ito sa London. Medyo may eyebags lang ito, siguro dahil sa stress kay Phoebe, pero hindi naman iyon nakabawas sa ganda ng dating nobya.Naalala niya kanina nang pagbu
"Mabuti naman pala at nagkabalikan na kayo ni Olivia, noh?" muli niyang tanong. Ayaw sana niyang i-open ang ganoong topic dahil baka sabihin nitong nagseselos siya, pero hindi niya napigilan ang sarili.Bakit kasi ang tagal matapos ng breakfast na ‘yun? Nauubusan na sila ng topic na dalawa. Parang andoon lang sila para maging awkward sa isa’t isa."Hindi kami nagkabalikan... I'm still single."Nagulat siya, pero hindi niya pinahalata."Talaga ba?"pilit pinapanatiling kalmado ang boses. "Sabi niya sa amin, boyfriend ka pa rin niya!" pasimpleng tanong nya pero hindi siya makatingin nang diretso kay Hunter."Hindi, ah!… Well, gusto niyang makipagbalikan, pero ayaw ko." sagot nito."Huh? Bakit?"Saglit siyang natigilan. Akmang sasagot si Hunter pero pinigilan niya."‘Wag mo na palang sagutin!" mabilis niyang sabi. Baka kung ano pa ang isasagot nito at aasa na naman ang puso niya.Gusto niyang tapusin na ang usapan. Para matapos na rin ang pagkain nilang puno ng katahimikan at hindi matapo