"Bro!" sigaw na salubong ni Elijah at Liam sa kanya. Sila pala ang ibig sabihin ni Eden na bisita. Nasa hardin ang mga kaibigan kasama ang kuya nya at nagba-basketball. Meron silang half-court ng basketball ring doon."Hi, bro!" masayang salubong niya rin sa dalawa. Niyakap siya ng mga ito, and as usual, ginulo na naman ang buhok niya, na dati nang ginagawa ng mga ito kahit noong mga bata pa sila. Tumigil sa paglalaro ng basketball ang mga ito at nakipagkwentuhan sa kanya."Long time no see, ah! As usual, maganda ka pa rin, bro!"Napahagikhik siya sa komento ni Elijah. Inakbayan siya nito at hinalikan sa noo. Nagulat siya doon pero hindi na siya nagkomento. Baka wala namang malisya iyon."Hi, guys!" Nabaling ang atensyon nila sa dumating na pinsan niyang si Almira."Hi, cousin... I missed you!" wika nitong humalik sa pisngi niya. Ramdam naman niyang sincere ito sa sinabi. Kahit papaano ay na-miss niya rin ang pinsan kahit pa hindi sila close."Bakit andito kayong lahat? Anong meron?"
"Ahm, Tito, Tita, punta muna kasi ako sa kwarto ni Yassy ha. Kukunin ko lang ang pasalubong niya sa akin... excited na ako eh, hihihi!..." paalam ni Almira."Kami ba, walang pasalubong?" reklamo ni Elijah at Liam."Wag na kayo. Mayayaman na kayo eh!" supladang sagot ni Almira. Pakamot-kamot ng ulo ang dalawa."Laro na lang tayo ng basketball, mga bro. Hayaan mo na ang mga girls diyan!" wika ng kuya Caleb niya. Dali-dali siyang inakay ni Almira paakyat ng kwarto niya."Bruha kang babae ka! Ano ang ginawa mo sa London? Nakita ko ang mga pictures mo... totoo ba 'yun?"Akala pa naman niya ay excited ito sa pasalubong niya. Pagagalitan lang pala siya."It's not true, Ate Almira!" Kahit tatlong buwan lang ang agwat nila, tinatawag niya itong "Ate" paminsan-minsan, pero minsan pag galit siya, hindi rin."Eh ano ang ibig sabihin ng mga litratong iyon?""Napagtripan lang ako ng mga tomboy kong kaibigan doon!" Di niya alam kung paano ie-explain nang maging kapani-paniwala siya."Yan kasi, patom
"Ayan! Maganda ka na!"Napatingin siya sa salamin nang sinabi itong tapos na siyang ayusan.... at nagulat siya sa mukha niya!"Ako ba 'to?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Kinulot nito nang bahagya ang buhok niya. Meron siyang manipis na blush-on para magkalulay ang cheeks niya at manipis din na lip gloss sa labi niya. Meron din siyang konting eyeshadow na nagpaganda lalo ng deep-set eyes niya."Yes! Ikaw yan, sister! Ang ganda mo, 'di ba?""Ang galing mo naman mag-makeup, Ate!""Syempre! Wala naman akong gagawin sa buhay kundi ang magpaganda. Hihihi..." humagikhik na wika nito."Tara na! Baka mainip si Tita Helen, maghahanap pa tayo ng gown! Pero bago ka lumabas, palitan mo muna yang luma mong T-shirt. Kahawig mo na si Kuya Caleb!""Hahaha! Eh, wala akong damit diyan, eh!""Patingin!" Wika nito saka kinalat ang mga damit niya na nasa maleta pa. Hindi pa kasi siya tapos mag-unpack."Eto na lang!" Wika nito saka tinaas ang napiling isusuot niya. Although T-shirt din naman iyon, mas m
"Don't worry, Tita. Lalaki po ang gusto ng anak niyo!" sabat ni Almira.Agad namang bumalik ang saya ng ina. "Salamat naman kung ganun, anak. Sayang naman ang ganda mo.""Mom, ano ba ang mga pinagsasabi mo? Ang bata-bata ko pa!" Minamadali na naman siya samantalang 21 pa lang siya!"Hahaha. Sinisigurado ko lang anak na hindi ka tomboy."Napangiti siya. Kung dati ay naguguluhan pa siya, ngayon ay sigurado na siya sa sarili niya na babae siya. Gusto niyang maging babae. Si Ate Almira lang pala ang nagpagising sa magulo niyang utak.Marahil ay napapagod na rin siya sa kaka-defend ng sarili niyang mag-explain sa mga taong nanghuhusga sa kanya na hindi nga siya tomboy... kaya dapat ay ipakita na lang niya sa galaw at pananamit nang wala nang magtanong pa!"Mom, pagkatapos nating magpagawa ng gown, puwede ba tayong mamili ng mga damit ko? Ayaw ko na kasing magsuot ng mga malalaking T-shirt.""Talaga ba, anak?" Lalo itong natuwa sa sinabi niya at mukhang napaluha pa."Sige, magsho-shopping t
"Bakit, Ate? Wala bang nanliligaw sa'yo? Imposible naman 'yun!" tanong niya. Maganda naman ang Ate Almira niya.... actually may hawig silang dalawa. Morena nga lang ito, di tulad niya na tisay. Minsan nga ay naiinggit pa siya sa kulay nito dahil Pilipinang-Pilipina.Matalino din ito. Sadyang palabiro lang kaya minsan ay napagkakamalang jologs. Pero education ang kinukuha ni Ate Almira niya at pangarap nitong maging isang teacher ito someday."Meron naman akong manliligaw, noh! Pero ayaw ko sa kanya dahil gusto ko ay mayaman na lalaki..." wika nito saka tumahimik. Pakiramdam niya ay may kirot iyon sa pinsan niya. Tahimik lang siya habang nagkukuwento ito."Nakakapagod na din kasing maging mahirap! Nakakainggit nga kayo ni Kuya Caleb kasi naibibigay nina Tita at Tito ang mga needs and wants niyo. Ako? Nag-iisang anak na nga lang pero salat pa rin sa buhay..." naluluhang wika ng Ate niya. Ngayon niya lang nakita ang soft side nito. Di niya akalain na may malungkot din pala itong pinagdad
"Good morning, cousin!" Bati ni Almira nang nauna itong nagising sa kanya. Hindi pa siya nagmulat ng mata, iniisip pa niya kung nananaginip ba siya o hindi. Bakit siya may kasama sa kwarto niya? Bakit andito si Ate Almira?Naalala niyang dito pala natulog ang pinsan kagabi. Nagmulat siya ng mata at humikab."Ano ka ba... ang aga pa nga... bakit ka nanggigising? Wala naman tayong pasok sa eskwela para gumising ng maaga," reklamo niya."Eh sorry, cous. Nasanay kasi akong magising ng maaga. Nagsasaing pa kasi ako sa bahay. Nakalimutan kong andito pala ako sa bahay niyo." kinagat pa nito ang daliri na tila nagpapa cute.Napasimangot siya saka nagtakip ng unan sa mukha. Gusto pa niyang matulog."Gising ka na diyan! Mag-jogging na lang tayo. Isuot natin ang binili nating jogging outfit, hihihi!""Magjo-jogging ka ba o magpapa-impress sa mga boys sa park?" nakasimangot na wika niya."Both! Hihihi... sige na, suportahan mo na lang ako. Baka may mga mayaman na boys doon at liligawan ako."Hind
"G-Good morning, Pa..." bati niya sa ama. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Bigla siyang natakot. Nakalabas kasi ang tiyan at mahahaba niyang mga binti sa suot niya. Baka sabihin nitong naglalandi siya sa labas."Mabuti naman at nag-jogging kayong dalawa." wika nito saka binalik ang tingin sa binabasang newspaper. Lihim siyang napangiti dahil hindi siya pinagalitan nito, pero malabnaw pa rin ang trato nito sa kanya. Masama pa rin ang loob nito sa nangyari sa kanya sa London."Tito, ang sexy ng anak mo, 'di ba? Nagiging babae na siya. Hindi na siya tomboy, Tito!" papansin ni Almira sa ama niya.Tumango lang ito at muling siyang tiningnan. Nginitian niya ito, pero hindi siya nginitian pabalik."Mag-almusal na kayo doon." utos nito sa kanila."Don't worry, couz. Papansinin ka rin ni Tito. Nasaktan lang siya sa mga nangyari sa'yo sa London. Galit siya dahil mahal ka niya, he cares about you. Pero sigurado akong masaya siya para sa pagbabagong-anyo mo. Kaya ipagpatuloy mo lang 'ya
*************HUNTER'S POV: It's been five days since Yassy came back from London, pero nasa Manila pa rin siya. Simula nang umalis siya ng Quezon, hindi pa siya nakabalik, and he hates it.He missed her so much. Gusto na niyang makita ang magandang mukha nito lagi, mahawakan ang malambot nitong kamay... Ahhh damn! Napabuga siya ng malalim na hininga. Nasa opisina siya ngayon at nakatulala, nakatingin sa kisame habang ang paa niya ay nakapatong sa kanyang lamesa. Pagod na pagod siya sa araw na 'yon. Nag-ikot siya sa mga sites ng project nila.Gusto niyang umuwi ng Quezon pero hindi pa puwede. May mga prior commitments pa siya, pero sisiguraduhin niyang sa weekend ay uuwi talaga siya.Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok doon si Tricia. Lihim siyang napangiwi. Simula nang naging girlfriend niya ito, halos hindi na siya nito tinantanan. Lahat ng galaw niya ay inaalam nito... kung saan siya pumunta, kung sino ang kasama niya... Nakakasakal na!Oo nga at wala pa silang isang buwan,
"What are you doing here, Mike?" wika niya, nanginginig. "Relax, Olivia. Hindi mo ba ako na-miss?" wika nito saka tumayo sa kinauupuan at humalik sa kanyang pisngi."Umupo ka muna..." sabi nito saka inalalayan siyang umupo sa harap ng upuan nito. "Kamusta ka na? Long time no see. Di mo man lang ako binisita sa ospital noong na-disgrasya ako. Parang wala tayong pinagsamahan, ah..." biro nito sa kanya na may halong panunumbat. "Ano ang ginagawa mo dito, Mike?""Na-miss lang kita. Ilang araw na akong balik-balik dito sa restaurant mo... Pumunta din ako sa condo at bahay mo pero wala ka doon. Saan ka ba nakatira ngayon?" malumanay na wika nito. Tinitigan niya itong mabuti. Parang hindi siya makapaniwala na si Mike ang kaharap niya. "Wala ka na doon kung saan ako nakatira!" supladang wika niya. Ngumiti ito ng tipid saka napasulyap sa tiyan niya. Agad niya iyong tinakpan para matago ang umbok ng tiyan niya. "Malaki na pala ang tiyan mo... Balita ko buntis ka... Ako ba ang ama?" direts
"Ano ang gusto mong kainin, anak?""Pasensya ka na sa bahay natin, ha.""Hindi ako gutom, Tay... Andito ako dahil may ipapagawa ako sa'yo." Diretsahang sabi niya habang nakaupo sa tapat ng kanyang ama."Ano 'yon, anak?" Tanong ng ama na halatang nag-aalala pero bukas pa rin sa sasabihin ng anak."Gusto kong idispatsa mo ang lalaking 'to..." Sambit niya sabay abot ng litrato ni Mike."A-anak... kakalabas ko lang ng kulungan. Gusto mo bang bumalik ulit ako doon?" May halong takot at lungkot sa tinig ng ama."Maatim mo bang saktan ako ng lalaking 'yan?" Tanong niya, sabay haplos sa kanyang tiyan."Siya ang ama ng dinadala ko, Tay. Pero hindi ko siya gusto para sa amin ng anak ko. May iba akong mahal. Kaya gusto ko siyang mawala... para wala na akong inaalala."Tahimik ang kanyang ama, tila iniisip ang bigat ng hinihiling ng anak."S-Sige, anak. Gagawin ko ang gusto mo... Makabawi man lang ako sa mga pagkukulang ko sa’yo."Ngumiti siya at tumayo. "Salamat, Tay. Hindi na ako magtatagal. Ba
Kinabukasan ay hinintay niya lang na umalis si Hunter saka din siya umalis. Pupuntahan niya ang tatay niya. Kailangan niya itong makausap bago pa siya maunahan ni Mike. "Saan ka pupunta, Ma'am Olivia?" tanong ng kasambahay nang makita siyang palabas ng bahay, dala niya ang kanyang handbag. "Ahm, pupunta lang ako sa doctor, Manang. Schedule kasi ng check-up ko ngayon.""Di ba dumating na si doc kagabi? Saka mahigpit na ipinagbilin ni Senyorito Hunter na hindi kayo palalabasin ng bahay. Delikado po, lalo na buntis ka.""Sandali lang ako, Manang. At sana ‘wag na lang din makarating kay Hunter na lumabas ako. Alam mo naman po ‘yun, natatakot na anong may mangyari sa akin, lalo na’t dinadala ko ang anak niya."Bahagyang umasim ang mukha ng kasambahay. Alam niyang walang itong gusto sa kanya para sa amo nilang si Hunter. Pero wala na silang magagawa, balang araw ay siya na ang magiging reyna sa bahay na ‘yun at walang makakapagpigil sa kanya.Umalis na siya. Hindi na rin siya pinigilan ni
Tahimik lang si Hunter saka tinanggap ang reseta.“Mauuna na po ako, Sir. Sakaling may nararamdaman po ulit si Ma’am Olivia, tawagan n’yo na lang po ako,” paalam ng doctor saka umalis na. Dalawa na lang sila ni Hunter ang naiwan sa kwarto.“Hunter, ’wag mo akong iwan. Natatakot ako sa pagbalik ni Mike...”Nanatiling tahimik lang si Hunter habang nakatingin sa kanya.“Gusto man kitang tulungan, pero may kasalanan ka pa rin sa akin, Olivia. Sinira mo ang buhay ko. Hindi ko maatim na makita ka araw-araw dito sa bahay ko. Pagkatapos mo diyan, ipapahatid na kita sa bahay mo.”“Hunter, please, ’wag! Mag-isa lang ako doon at walang kasama. Baka puntahan ako ni Mike doon!”Muling tumahimik si Hunter at tila nag-iisip.“Sige, tutulungan kita. Pero ipaliwanag mo kay Yassy ang lahat. Ipaliwanag mo kung paano mo kami sinira... ikaw ang magpaliwanag para maintindihan niya na hindi ako nagkasala sa kanya. At ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito. Tutulungan mo akong bumalik si Yassy sa akin.”“Fuc
Napayuko siya. Hindi niya akalain na aabot sila ni Hunter sa ganito. Hindi niya akalain na malalaman nito ang lahat."Hunter, let me explain huhuhu..." Napaupo siya sa kama. Ang sakit ng dibdib at tiyan niya. Pakiramdam niya ay manganganak na siya sa mga oras na ‘yon dahil sa stress."Explain what, Olivia? Sa pulis ka magpaliwanag sa pagpatay mo kay Tricia. Hindi ako makakapayag na hindi mo pagbayaran ang lahat ng kasalanan mo!""NO! Hunter, please! Huhuhu...." sigaw niya habang hawak ang kanyang tiyan. Hindi niya lubos maisip na ipapakulong siya nito sa kabila ng kanyang kalagayan."Yes! Guilty ako sa sex video natin! Inutusan ko si Tricia para kunan tayo ng video at isend iyon kay Yassy para hiwalayan ka niya. Pero hindi ako guilty sa pagpatay kay Tricia!.... Wala akong kasalanan!""Paano mo ma-e-explain ang lahat ng iyon... ang pagka-aksidente niya na kasama si Mike? Magsabi ka ng totoo, Olivia, dahil hindi ako naniniwalang coincidence lang ang lahat."Tumahimik siya... paano niya
Hindi naman nagtagal ay dumating si Hunter. Seryoso ang mukha nitong nakatingin lang sa kanya."Hunter... I'm glad you're here! Natatakot ako..." agad cyang lumapit at nyakap ito pero kinalas nito ang kamay nyang nakapulopot sa leeg nito"Natatakot saan, Olivia? Sa sarili mong multo?"Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito pero hindi na nya iyon inintindi."Bakit andito ka sa baba?""Natatakot kasi ako doon sa kwarto... Wala akong kasama.""Walang multo sa bahay ko. Unless may sinama kang multo dito?" Matalinghagang sabi na naman ulit nito.Sa uri ng pagtingin ni Clark sa kanya, ay nararamdaman niyang may gusto itong sabihin pero halatang nagpipigil lang."Umakyat ka na sa kwarto mo, Olivia." wika ni Hunter saka nagpatiuna na sa paglakad. Dali-dali siyang sumunod sa likod nito.Pumasok ito sa inookupa niyang kwarto. Nagulat siya dahil hindi naman ito pumupunta doon, pero ngayon ay nauna pa itong pumasok.Lihim siyang napangiti... Baka na-realize ni Hunter na kailangan niya ng
Pumatak ang mga luha niya habang inaalala iyon. Ayaw na niyang balikan ang sitwasyong ‘yon. Nagkaroon siya ng depresyon dahil sa ginawa ni Mike, at ngayong bumalik na naman ito… ano na ang mangyayari sa kanya?Ang akala niya ay tapos na ang lahat. Malapit na niyang makuha si Hunter. Kaunti na lang ay mapapayag na niya itong magpakasal sa kanya.Mabilis na lang namang dayain ang hinihingi nitong DNA test kung ito nga talaga ang tunay na ama. Magagawan niya ng paraan 'yon. Pera lang ang katapat nun. Pero paano na ngayon kung buhay pala ang demonyong si Mike? Totoo nga ang kasabihan na "masamang damo ay matagal mamatay!"“Fuck! Sana namatay ka na lang, hayop ka!” sigaw niya.“Olivia!?.... Olivia!?”Napatalon siya sa gulat nang marinig si Hunter na kumakatok sa kanyang pinto. Agad niyang inayos ang sarili at dali-daling binuksan ang pinto.“Ahm, Hunter… may kailangan ka ba?” wika niyang pilit ang ngiti. Nababanaag pa rin sa mukha niya ang takot at pag-aalala.“I heard na sumigaw ka. May n
"I forgot to tell you, habang nasa ospital ka noong nalaglag ka sa hagdan, ay bumisita pala si Mike. And guess what.... buhay siya."Nanlaki ang mga mata nitong napatingin sa kanya.“B-buhay si Mike?”“Yes… at binisita ka niya. Hindi lang siya tumagal dahil may pupuntahan pa daw siya. Pero bibisitahin ka daw niya ulit.”“No!” Agad na sabi nito na nanginginig. Agad naman siyang naalarma sa pinapakitang reaksyon ni Olivia.“What is it, Olivia? Takot ka ba kay Mike? Bakit ganyan na lang ang reaksyon mo?”“Ah, eh wala… it’s just that I don’t want to see him anymore....”“May ginawa ba si Mike sa’yo? Tell me para matulungan kita…” Sandaling lumambot ang puso niya sa dalaga. Mukhang hindi ito nagda-drama lang sa takot nito. Parang nakonsensya siya tuloy na sinabi pa niya ang pagbisita ni Mike.“Ah, eh… wala.”Hindi na siya nakapagtanong ulit dahil dumating na sila sa bahay niya. Nauna na itong lumabas. Hindi man lang siya nito hinintay na alalayan niya.“Ahm, magpapahinga muna ako sa guest
Hindi siya agad nakasagot. Pinagmasdan niya si Olivia, na ngayon ay parang balisa at takot na takot. Totoo ba ang sinasabi nito? O isa na namang drama para makuha ang simpatiya niya?“Pwede ba, Olivia? Huwag mo akong paikutin. Ano pa ba ang kailangan mo? Pinatira na kita sa bahay ko, di ba?” malamig niyang tugon habang pinipilit kontrolin ang galit sa dibdib.“Umuwi ka na. I need my privacy!” dagdag pa niya. Kailangan pa niyang tingnan muli ang cellphone ni Tricia at baka may makikita pa siya doon na lead, pero paano niya magagawa iyon kung andoon din si Olivia? Akmang isasara na niya ang pinto nang biglang napahawak sa tiyan si Olivia.“Aray… ang sakit!...” Napaupo ito sa sahig na parang hirap na hirap.“Olivia? What happened?” Hinawakan niya ito at pilit na itinayo. Kahit na galit siya dito, hindi naman niya matiis na balewalain ito. Kawawa namang bata sa sinapupunan nito. “What do you feel?”“Parang naninigas ang tiyan ko... baka... baka may mangyari sa baby natin… ang sakit huhuhu