"Don't worry, Tita. Lalaki po ang gusto ng anak niyo!" sabat ni Almira.Agad namang bumalik ang saya ng ina. "Salamat naman kung ganun, anak. Sayang naman ang ganda mo.""Mom, ano ba ang mga pinagsasabi mo? Ang bata-bata ko pa!" Minamadali na naman siya samantalang 21 pa lang siya!"Hahaha. Sinisigurado ko lang anak na hindi ka tomboy."Napangiti siya. Kung dati ay naguguluhan pa siya, ngayon ay sigurado na siya sa sarili niya na babae siya. Gusto niyang maging babae. Si Ate Almira lang pala ang nagpagising sa magulo niyang utak.Marahil ay napapagod na rin siya sa kaka-defend ng sarili niyang mag-explain sa mga taong nanghuhusga sa kanya na hindi nga siya tomboy... kaya dapat ay ipakita na lang niya sa galaw at pananamit nang wala nang magtanong pa!"Mom, pagkatapos nating magpagawa ng gown, puwede ba tayong mamili ng mga damit ko? Ayaw ko na kasing magsuot ng mga malalaking T-shirt.""Talaga ba, anak?" Lalo itong natuwa sa sinabi niya at mukhang napaluha pa."Sige, magsho-shopping t
"Bakit, Ate? Wala bang nanliligaw sa'yo? Imposible naman 'yun!" tanong niya. Maganda naman ang Ate Almira niya.... actually may hawig silang dalawa. Morena nga lang ito, di tulad niya na tisay. Minsan nga ay naiinggit pa siya sa kulay nito dahil Pilipinang-Pilipina.Matalino din ito. Sadyang palabiro lang kaya minsan ay napagkakamalang jologs. Pero education ang kinukuha ni Ate Almira niya at pangarap nitong maging isang teacher ito someday."Meron naman akong manliligaw, noh! Pero ayaw ko sa kanya dahil gusto ko ay mayaman na lalaki..." wika nito saka tumahimik. Pakiramdam niya ay may kirot iyon sa pinsan niya. Tahimik lang siya habang nagkukuwento ito."Nakakapagod na din kasing maging mahirap! Nakakainggit nga kayo ni Kuya Caleb kasi naibibigay nina Tita at Tito ang mga needs and wants niyo. Ako? Nag-iisang anak na nga lang pero salat pa rin sa buhay..." naluluhang wika ng Ate niya. Ngayon niya lang nakita ang soft side nito. Di niya akalain na may malungkot din pala itong pinagdad
"Good morning, cousin!" Bati ni Almira nang nauna itong nagising sa kanya. Hindi pa siya nagmulat ng mata, iniisip pa niya kung nananaginip ba siya o hindi. Bakit siya may kasama sa kwarto niya? Bakit andito si Ate Almira?Naalala niyang dito pala natulog ang pinsan kagabi. Nagmulat siya ng mata at humikab."Ano ka ba... ang aga pa nga... bakit ka nanggigising? Wala naman tayong pasok sa eskwela para gumising ng maaga," reklamo niya."Eh sorry, cous. Nasanay kasi akong magising ng maaga. Nagsasaing pa kasi ako sa bahay. Nakalimutan kong andito pala ako sa bahay niyo." kinagat pa nito ang daliri na tila nagpapa cute.Napasimangot siya saka nagtakip ng unan sa mukha. Gusto pa niyang matulog."Gising ka na diyan! Mag-jogging na lang tayo. Isuot natin ang binili nating jogging outfit, hihihi!""Magjo-jogging ka ba o magpapa-impress sa mga boys sa park?" nakasimangot na wika niya."Both! Hihihi... sige na, suportahan mo na lang ako. Baka may mga mayaman na boys doon at liligawan ako."Hind
"G-Good morning, Pa..." bati niya sa ama. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Bigla siyang natakot. Nakalabas kasi ang tiyan at mahahaba niyang mga binti sa suot niya. Baka sabihin nitong naglalandi siya sa labas."Mabuti naman at nag-jogging kayong dalawa." wika nito saka binalik ang tingin sa binabasang newspaper. Lihim siyang napangiti dahil hindi siya pinagalitan nito, pero malabnaw pa rin ang trato nito sa kanya. Masama pa rin ang loob nito sa nangyari sa kanya sa London."Tito, ang sexy ng anak mo, 'di ba? Nagiging babae na siya. Hindi na siya tomboy, Tito!" papansin ni Almira sa ama niya.Tumango lang ito at muling siyang tiningnan. Nginitian niya ito, pero hindi siya nginitian pabalik."Mag-almusal na kayo doon." utos nito sa kanila."Don't worry, couz. Papansinin ka rin ni Tito. Nasaktan lang siya sa mga nangyari sa'yo sa London. Galit siya dahil mahal ka niya, he cares about you. Pero sigurado akong masaya siya para sa pagbabagong-anyo mo. Kaya ipagpatuloy mo lang 'ya
*************HUNTER'S POV: It's been five days since Yassy came back from London, pero nasa Manila pa rin siya. Simula nang umalis siya ng Quezon, hindi pa siya nakabalik, and he hates it.He missed her so much. Gusto na niyang makita ang magandang mukha nito lagi, mahawakan ang malambot nitong kamay... Ahhh damn! Napabuga siya ng malalim na hininga. Nasa opisina siya ngayon at nakatulala, nakatingin sa kisame habang ang paa niya ay nakapatong sa kanyang lamesa. Pagod na pagod siya sa araw na 'yon. Nag-ikot siya sa mga sites ng project nila.Gusto niyang umuwi ng Quezon pero hindi pa puwede. May mga prior commitments pa siya, pero sisiguraduhin niyang sa weekend ay uuwi talaga siya.Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok doon si Tricia. Lihim siyang napangiwi. Simula nang naging girlfriend niya ito, halos hindi na siya nito tinantanan. Lahat ng galaw niya ay inaalam nito... kung saan siya pumunta, kung sino ang kasama niya... Nakakasakal na!Oo nga at wala pa silang isang buwan,
"Damn!" Mura niya. Dapat ay nagbabiyahe na siya pauwi ng Quezon sa mga oras na ‘yun. Sabado na ng gabi at ‘yun sana ang plano niyang bumiyahe, pero itong si Tricia ay nag-iinarte. May dysmenorrhea daw at hindi makapagbiyahe ng matagal.“Bakit kasi sasama ka pa? Dito ka na lang sana sa Manila!” inis na wika niya sa telepono habang kausap ito. Kanina pa dapat siya nasa biyahe. Hinihintay niya lang ito.Kung kailan naman paalis na ay saka ito magsasabi na masama pala ang pakiramdam. Excited na siyang bumalik ng Quezon at makita muli si Yassy.“No! Sasama ako. Saka sinabi ko na kay Mama at Papa na uuwi ako. Hindi pwedeng hindi ako makakauwi.”Tumahimik na lang siya at napasimangot. Ini-expect din ng mommy at daddy niya ang pag-uwi niya. Bukas na ang Santa Cruzan at kailangan ay andoon na siya.Pagkatapos nilang mag-usap ay tumawag din ang mama niya.“Hello, Mom?” Di pa rin nawawala ang inis niya.“Anak, saan ka na? Nasa biyahe ka na ba?”“H-Hindi pa, Mom. Si Tricia kasi masama daw ang pak
"Babe... pwede bang ihatid mo na ako sa bahay? Gusto ko na kasing umuwi.""Ah, eh anak, mag-uumpisa na ang prusisyon anytime. Kailangan mo pang magbihis. Bakit hindi mo na lang ipahatid si Tricia sa bahay nila?" suwestyon ng mommy nya"Pero, tita, gusto ko kasi si Hunter ang maghahatid sa akin. Natatakot po ako sa ibang tao. Baka po may gawin silang masama sa akin!""At ano naman ang gagawin nila sa'yo, aber?" pilosong tanong niya dito."Syempre, baka ma-rape ako o di kaya saktan nila ako. Sayang naman ang katawan ko. Kailangan kong alagaan ang katawan ko dahil ito ang trabaho ko!" maarteng wika nito."Oh siya, sige, Hunter, ihatid mo na si Tricia nang mabilisan. Saka bumalik ka kaagad para makapagbihis ka na!" nainins na ding wika ng mommy nya.Naiinis siyang bumalik sa kotse, nakasunod naman si Tricia na parang nagrarampa. Wala itong kabilis-bilis sa katawan."Hurry up!" sigaw niya."Bakit ka ba nagmamadali?" balik-tanong din nitong nakasimangot. Hindi na niya ito pinansin saka mabi
Nag-umpisa na ang prusisyon. Napapagitnaan siya ng dalawang escort niya. Tahimik lang si Hunter habang sila ni Elijah ay panay ang pag-uusap.Bahala ka diyan... di kita papansinin, hmp! wika niya sa sarili.Pero tila mapang-asar naman itong si Hunter na panay ang sagi ng braso nito sa braso niya. Napapaigtad siya sa tuwing magdidikit ang mga braso nila."Paano pala nangyari na naging escort ka ni Yassy, bro?" putol ni Hunter sa masaya nilang kwentuhan ni Elijah."Nagpresenta ako. Wala daw kasi siyang escort." sagot ni Elijah. "Sabi ni Tita Amalia di ka daw makakarating." Napalis din ang ngiti nito dahil sa tono ng pagtanong ni Hunter. "Akala ko ba di ka uuwi?" balik-tanong ni Elijah kay Hunter na medyo naiinis."Yeah, pero pinilit kong umuwi para kay Yassy." sagot nito saka sinikipan ang pagkakahawak sa kamay niya. Walang gana ang pagsagot nito kay Elijah na parang naiinis din. May pagkahangin ang dating nito."Sana nga di ka na lang bumalik... hmp!" Napangiwi siya... she said it out
Pumatak ang mga luha niya habang inaalala iyon. Ayaw na niyang balikan ang sitwasyong ‘yon. Nagkaroon siya ng depresyon dahil sa ginawa ni Mike, at ngayong bumalik na naman ito… ano na ang mangyayari sa kanya?Ang akala niya ay tapos na ang lahat. Malapit na niyang makuha si Hunter. Kaunti na lang ay mapapayag na niya itong magpakasal sa kanya.Mabilis na lang namang dayain ang hinihingi nitong DNA test kung ito nga talaga ang tunay na ama. Magagawan niya ng paraan 'yon. Pera lang ang katapat nun. Pero paano na ngayon kung buhay pala ang demonyong si Mike? Totoo nga ang kasabihan na "masamang damo ay matagal mamatay!"“Fuck! Sana namatay ka na lang, hayop ka!” sigaw niya.“Olivia!?.... Olivia!?”Napatalon siya sa gulat nang marinig si Hunter na kumakatok sa kanyang pinto. Agad niyang inayos ang sarili at dali-daling binuksan ang pinto.“Ahm, Hunter… may kailangan ka ba?” wika niyang pilit ang ngiti. Nababanaag pa rin sa mukha niya ang takot at pag-aalala.“I heard na sumigaw ka. May n
"I forgot to tell you, habang nasa ospital ka noong nalaglag ka sa hagdan, ay bumisita pala si Mike. And guess what.... buhay siya."Nanlaki ang mga mata nitong napatingin sa kanya.“B-buhay si Mike?”“Yes… at binisita ka niya. Hindi lang siya tumagal dahil may pupuntahan pa daw siya. Pero bibisitahin ka daw niya ulit.”“No!” Agad na sabi nito na nanginginig. Agad naman siyang naalarma sa pinapakitang reaksyon ni Olivia.“What is it, Olivia? Takot ka ba kay Mike? Bakit ganyan na lang ang reaksyon mo?”“Ah, eh wala… it’s just that I don’t want to see him anymore....”“May ginawa ba si Mike sa’yo? Tell me para matulungan kita…” Sandaling lumambot ang puso niya sa dalaga. Mukhang hindi ito nagda-drama lang sa takot nito. Parang nakonsensya siya tuloy na sinabi pa niya ang pagbisita ni Mike.“Ah, eh… wala.”Hindi na siya nakapagtanong ulit dahil dumating na sila sa bahay niya. Nauna na itong lumabas. Hindi man lang siya nito hinintay na alalayan niya.“Ahm, magpapahinga muna ako sa guest
Hindi siya agad nakasagot. Pinagmasdan niya si Olivia, na ngayon ay parang balisa at takot na takot. Totoo ba ang sinasabi nito? O isa na namang drama para makuha ang simpatiya niya?“Pwede ba, Olivia? Huwag mo akong paikutin. Ano pa ba ang kailangan mo? Pinatira na kita sa bahay ko, di ba?” malamig niyang tugon habang pinipilit kontrolin ang galit sa dibdib.“Umuwi ka na. I need my privacy!” dagdag pa niya. Kailangan pa niyang tingnan muli ang cellphone ni Tricia at baka may makikita pa siya doon na lead, pero paano niya magagawa iyon kung andoon din si Olivia? Akmang isasara na niya ang pinto nang biglang napahawak sa tiyan si Olivia.“Aray… ang sakit!...” Napaupo ito sa sahig na parang hirap na hirap.“Olivia? What happened?” Hinawakan niya ito at pilit na itinayo. Kahit na galit siya dito, hindi naman niya matiis na balewalain ito. Kawawa namang bata sa sinapupunan nito. “What do you feel?”“Parang naninigas ang tiyan ko... baka... baka may mangyari sa baby natin… ang sakit huhuhu
Pagdating ng condo ay dali-dali siyang pumasok. Hinanap niya ang charger. Mabuti na lang at compatible ang charger niya sa cellphone ni Tricia. “Sorry, Trich, kung pinakialaman ko ang gamit mo, pero I think ito ang gusto mo dahil lagi kang nagpaparamdam sa akin...” sambit niya. Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan iyon. Madaming notification ang agad na pumasok simula nang buksan niya ito. Isa-isa niyang binasa iyon. Para siyang NBI na nag-iimbestiga. I had the feeling na may makukuha siyang impormasyon doon. Tiningnan niya ang messages. May natanggap doon na notification galing sa bangko na nakatanggap si Tricia ng isang million bank transfer. Hindi naman nakalagay kung saan galing ang pera. “Bakit may ganito kalaking pera si Tricia? Sino ang nag-transfer sa kanya?” Tiningnan niya na ang iba pang messages. Meron pang isang million na natangap mula sa ibang araw. Ang yaman naman ng nagpapadala kay Tricia. Dalawang million na ang pera na pinadala kya Tricia. Hindi niya a
“Is it Yassy?” wika ni Olivia sa likod niya. Di kaya alam nito na si Yassy ang kausap niya kaya sumigaw ito para marinig ni Yassy na andoon siya at magkasama sila? “Ano naman ngayon kung si Yassy 'yun, Olivia? Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na wala tayong relasyon, so stop pestering me!” “Akala ko ba hiwalay na kayo? Bakit naman siya tumawag sa’yo? Nagkita ba kayo? Saan? Kaya ka ba nawala ng ilang linggo dahil nakipagkita ka sa kanya?” sunod-sunod na sunud-sunod na sambit nito. “Bakit kasi hindi mo na lang siya tigilan? Alam naman niyang magkakaanak na tayo, ‘di ba? Wala ba siyang awa na sirain pa tayo?” Gusto niyang kutusan si Olivia sa pinagsasabi nito. Siya ang nagpupumilit na hanapin si Yassy kaya mali ang lahat ng binibintang nito. Saka ilang beses ba niyang sasabihin na wala silang relasyon, kaya kung ano man ang ginagawa nila ni Yassy ay wala silang tinatapakang relasyon. "Gusto ko lang ipaalala sayo Olivia na ikaw ang sumira sa relasyon namin ni Yassy!" "Me??? Ku
"Ihahatid na kita sa bahay niyo. Sabi ng doctor ay pwede ka nang umuwi anytime.""Pero ayaw kong umuwi sa bahay mag-isa. Natatakot ako at baka maaksidente na naman ako. Pwede bang doon muna ako sa inyo?""Hindi pwede!' Napalakas ang boses niya."Ikukuha na lang kitang makakasama sa bahay mo pero hindi ka titira sa akin. Wala tayong relasyon, Olivia. Tandaan mo ‘yan!""Ano pa ba ang ayaw mo sa akin, Hunter? Pag iniwan mo ulit ako, magpapakamatay ako!"Humugot siya ng malalim na hininga. Kahit na galit siya kay Olivia ay hindi niya naman ito pababayaan mag-isa. Baka totohanin nito ang banta na magpapakamatay. Saka wala pa siyang ebidensya na hindi na siya ang ama ng bata. Kaya habang hindi pa siya sigurado ay responsibilidad niya si Olivia."Sige… doon ka muna sa bahay ko." sambit niya.Mas maganda doon dahil andoon si Manang Josie, na kasambahay niya, na titingin-tingin kay Olivia sakaling wala siya. Kahit papaano ay may bantay ang dalaga doon.Nang nasa kotse na sila pauwi sa bahay ni
Nakatahimik silang dalawa sa loob ng kwarto. Si Olivia ay mahimbing pa rin ang tulog sa kama, habang si Mike ay nananatiling nakatayo sa gilid, tila may mabigat na iniisip. Napansin niya ang mga kamay nitong nakapamulsa at ang paglalim ng mga buntong-hininga nito.Hindi na niya mapigilan ang sariling tanungin ang binata."Ano bang iniisip mo, Mike?" tanong niya, bahagyang iritado ang tono.Saglit pa itong tumahimik bago sumagot. "Six months… Kung six months na ang tiyan niya, ibig sabihin... nangyari 'yun bago pa ang aksidente namin ni Tricia?...""Ano ang ibig mong sabihin? What are you trying to say?" May kaba sa dibdib niya na unti-unting umuusbong. Pakiramdam niya'y may sasabihin si Mike na importante.Humarap si Mike sa kanya, seryoso ang mga mata. "May nangyari sa amin ni Olivia bago ako naaksidente. Akala ko….. ako ang ama."Parang may sumabog na bomba sa loob ng utak niya. Hindi siya agad nakapagsalita. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Mike."You're lying! Andito ka na n
Pagdating ng Manila ay agad siyang pumunta ng parking lot. Nandoon na ang kotse niya naka-park.Pagsakay niya ng kotse ay nakaramdam agad siya ng kakaibang enerhiya. Parang nanindig ang balahibo niya. Parang may kasama siya doon sa loob na hindi niya maintindihan. Sumulyap siya sa rear view mirror pero wala naman siyang nakita. Baka guni-guni niya lang. Dahilan na din siguro sa sobrang pagod kaya kung ano-ano na ang mga pumapasok sa utak niya.Iwinaksi niya ang mga nararamdaman. Tinatakot niya lang ang sarili niya. Baka sa sobrang tagal ng naka-park doon sa airport ay nanibago siya. Pinaandar niya ang kotse at pinatakbo na iyon. Pupuntahan niya si Olivia sa ospital.Tinawagan niya si Giorgiana habang nasa biyahe."Hello, boss?" Agad na sagot nito. Ito muna ang inatasan niyang alagaan si Olivia habang wala pa siya."Hello, Giorgiana. I'm already here in Manila. Papunta na ako diyan sa ospital.""Okay, boss. Baka pwedeng umalis na din ako, total padating ka na. Wala pa kasi akong tulog.
HUNTER'S POV:Gulong-gulo ang isip niya habang pauwi sa apartment na tinitirhan niya. Hindi niya lubos maisip na may sex video sila ni Olivia. Sino ang nag-video sa kanila at sino ang nag-send nun kay Yassy?Posible kayang alam ng lahat ng mga kaibigan niya ang tungkol doon kaya ganoon na lang ang galit sa kanya? Alam din kaya ng mga magulang nila? Sana ay hindi. Dahil wala na siyang mukhang maihaharap sa mga magulang niya at magulang nina Yassy."Fuck you, Olivia!... ikaw ba ang may kagagawan ng lahat ng ito?" Pinagtagpi-tagpi niya ang mga nangyari sa gabing iyon... Sa sobrang galit niya nung mga panahong ‘yon dahil may natanggap siyang litrato mula sa di kilalang numero.... ang picture ni Yassy at Elijah na nagyayakapan.Sa sobrang selos niya ay pumunta siya ng bar para maglasing. Sa hindi niya din malaman na dahilan, ay dumating si Olivia.Dati ang alam niya ay coincidence lang iyon. Pero sa mga nangyayari ngayon ay napag-isip-isip niya na baka sinadya talaga ng dalaga na pumunta d