"Babe... pwede bang ihatid mo na ako sa bahay? Gusto ko na kasing umuwi.""Ah, eh anak, mag-uumpisa na ang prusisyon anytime. Kailangan mo pang magbihis. Bakit hindi mo na lang ipahatid si Tricia sa bahay nila?" suwestyon ng mommy nya"Pero, tita, gusto ko kasi si Hunter ang maghahatid sa akin. Natatakot po ako sa ibang tao. Baka po may gawin silang masama sa akin!""At ano naman ang gagawin nila sa'yo, aber?" pilosong tanong niya dito."Syempre, baka ma-rape ako o di kaya saktan nila ako. Sayang naman ang katawan ko. Kailangan kong alagaan ang katawan ko dahil ito ang trabaho ko!" maarteng wika nito."Oh siya, sige, Hunter, ihatid mo na si Tricia nang mabilisan. Saka bumalik ka kaagad para makapagbihis ka na!" nainins na ding wika ng mommy nya.Naiinis siyang bumalik sa kotse, nakasunod naman si Tricia na parang nagrarampa. Wala itong kabilis-bilis sa katawan."Hurry up!" sigaw niya."Bakit ka ba nagmamadali?" balik-tanong din nitong nakasimangot. Hindi na niya ito pinansin saka mabi
Nag-umpisa na ang prusisyon. Napapagitnaan siya ng dalawang escort niya. Tahimik lang si Hunter habang sila ni Elijah ay panay ang pag-uusap.Bahala ka diyan... di kita papansinin, hmp! wika niya sa sarili.Pero tila mapang-asar naman itong si Hunter na panay ang sagi ng braso nito sa braso niya. Napapaigtad siya sa tuwing magdidikit ang mga braso nila."Paano pala nangyari na naging escort ka ni Yassy, bro?" putol ni Hunter sa masaya nilang kwentuhan ni Elijah."Nagpresenta ako. Wala daw kasi siyang escort." sagot ni Elijah. "Sabi ni Tita Amalia di ka daw makakarating." Napalis din ang ngiti nito dahil sa tono ng pagtanong ni Hunter. "Akala ko ba di ka uuwi?" balik-tanong ni Elijah kay Hunter na medyo naiinis."Yeah, pero pinilit kong umuwi para kay Yassy." sagot nito saka sinikipan ang pagkakahawak sa kamay niya. Walang gana ang pagsagot nito kay Elijah na parang naiinis din. May pagkahangin ang dating nito."Sana nga di ka na lang bumalik... hmp!" Napangiwi siya... she said it out
Agad namang nakalapit si Hunter at hinawakan siya sa balikat. "Tara na, bunso. Samahan na kita..." wika nito. Hinawakan siya nito sa braso para alalayan.Paika-ika siya sa paglakad."Sanay ka kasi sa sneakers kaya natutumba ka, hahaha." Nainis siya sa pagtawa nito. Nainsulto siya. Porket model ang girlfriend nito ay boyish siya, pagtatawanan na lang siya ng ganoon?Hmp! Humanda ka. Who you ka sa akin kapag naging ganap na akong babae. Hmp! wika niya sa sarili.Hinayaan niyang hawakan siya ni Hunter, lalo na sa pag-akyat ng hagdan. Aaminin niyang hindi naman talaga niya kaya."Ahm, dito ka lang. Ako na ang magbibihis sa loob,." wika niya nang nasa labas na sila ng kwarto niya. Agad siyang pumasok at sinara ang pinto. Naka-lock pa niya iyon para siguradong hindi makakapasok si Hunter.Huminga siya ng malalim. Hindi siya makahinga ng tama habang paakyat sila ng hagdan na magkahawak ang kamay. Pakiramdam niya ay kasal nila iyon, naka-gown siya at naka-tuxedo naman ito.Stop it, Yassy! Nag
Nagulat ang mga taong naroon sa labas ng pinto nang makita ang sitwasyon nilang dalawa. Naroon ang mga magulang niya, si Kuya Caleb, Almira, at ang mga magulang ni Hunter."What is the meaning of this, Hunter? Yassy?""Walang hiya ka, Hunter! Anong ginawa mo sa kapatid ko!" sigaw ni Caleb saka sinuntok si Hunter sa mukha."Kuya!" sigaw niya saka napatayo siya sa kama habang nakapulupot pa rin ang kumot sa hubad niyang katawan. Nilapitan niya si Hunter at dinaluhan na nakahiga sa sahig... Nagkagulo ang mga taong naroon."Ayusin niyo ang sarili niyo. Mag-uusap tayo sa labas. Hihintayin namin kayo!" wika ng papa niyang nagtitimpi ng galit."Bilisan niyo!" muling sigaw nito saka sinara ang pinto nila. Muli ay naiwan na naman sila ni Hunter sa loob ng kwarto."What have we done, Kuya? Huhuhuh...""Shhh... don't cry, baby. Ako ang bahala sa'yo. Papanagutan kita." sammbit nitong hinahaplos ang mukha nya."No! Ayoko!" Nakita niyang may pait sa mga mata nito sa sinabi niya."M-magbihis ka na.
********************HUNTER'S POV:Nasa kwarto siya ni Yassy. Kakagaling lang ng family doctor doon at sinigurado naman sa kanila na walang sakit si Yassy. Na-stress lang daw ito sa sobrang iyak. May hika din kasi ito pero ang alam nya ay matagal na itong hindi sinusumpong. "Iho, ikaw na muna ang bahala dito sa nobya mo. Nasa labas lang kami..." wika ni Tita Amalia."Opo, tita..." sagot niya habang nakaupo sa tabi ni Yassy. Hawak niya ang kamay nito. Wala pa rin itong malay. Pinagmasmasdan nya ang magandang mukha nitong mahimbing na natutulog. Akmang lalabas na ang mga magulang nila nang magising na si Yassy.Agad cyang nataranta, labis ang pag-aalala nya kanina ng bigla itong nawalan ng malay. "Babe... kamusta ka na? Ok na ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong niya.Tiningnan lang siya nito ng ilang segundo na walang reaksyon na parang kinikilala sya saka binaling ang tingin sa mga magulang nila. Maya-maya ay naluha na naman ito."Wag ka munang umiyak, anak. Masama sa'yo yan.
"Bakit kasi sa dinami-dami ng mga babae ay sa tomboy ko pang kapatid ka na-inlove?" natatawang biro nito. Tipid lang siyang ngumiti."Kung ako lang, gusto kong kayo ang magkatuluyan ni Yassy. I love my baby sister so much, at alam kong maalagaan mo siya tulad ng ginagawa natin noong mga bata pa tayo. Pero hindi ko naman hawak ang utak ng kapatid ko.""It's okay, bro... okay lang sa akin. Baka makalimutan ko rin siya... at least ngayon alam ko na talaga na ayaw niya sa akin, hindi na ako aasa..." Natigilan siya, masakit isipin na wala na talaga siyang pag-asa kay Yassy."Magpapalamig lang ako para sa pagbalik ko ay ready na akong harapin siya muli..." dagdag pa niya."Pasensya ka na pala sa pagsuntok ko sa'yo kanina ha. Nagalit lang ako dahil akala ko tinarantado mo ang kapatid ko.""It's okay. May kasalanan din naman ako. Hindi ko siya dapat ginalaw... I deserve it.""Sige, bro, mauuna na ako. Kailangan ko pang maghanda. Babalik na ako ng Manila.""Huh? Akala ko ba bukas pa? Gabi na..
****************YASSY's POV:Nasa kwarto pa din ang mga magulang niya at magulang ni Hunter. Sa tabi niya si Almira at marahang hinihilot ang mga kamay niya para ma-relax siya.Kanina pa umalis si Hunter pero nasa pinto pa din ang mata niya kung saan ito lumabas kanina."What have I done?' tanong niya sa sarili. I know I hurt Kuya Hunter big time, nakita ko iyon sa kanyang mga mata. Pero hindi ko iyon sinasadya. Hindi pa siya handa magpakasal dahil gusto niyang tapusin muna ang pag-aaral niya. At saka, di ba may girlfriend si Kuya? Bakit siya magpapakasal sa akin? Ano ang gusto niyang gawin na dalawa kami ni Tricia sa buhay niya? Hindi siya makakapayag ng ganun!Natigilan sa pag-iisip niya nang pumasok ang kuya Caleb niya."Nasaan si Hunter, iho?" tanong ng mama nila."Bumalik na ng Manila, Mom.""Huh? Gabi na... baka ma-disgrasya siya sa daan! Wala pa siyang pahinga simula kanina. Kakarating niya lang galing Manila at ngayon babalik agad?" sambit ni tita Helen"I don’t know, Tita...
"Ate Almira, bilisan mo mag-drive!" Nababagalan siya sa pag-drive nito. Gusto na niyang malaman ang kalagayan ni Hunter. Nagaalala siya sa binata."Baka tayo naman ang madisgrasya. 'Wag kang magulo diyan!" Sigaw nito sa kanya. Ayaw naman siya pag-drive-in nito dahil wala pa siyang lisensya sa Pilipinas kahit marunong siya mag-drive.Pagdating nila ng ospital ay nakita na nila ang kotse ng mga magulang niya na naka-park doon. Nauna na ang mga ito doon."Nurse, anong room po si Hunter Rosales?""Ah, si Sir Hunter po? Nasa fourth floor po siya." sambit ng nurse. Pagmamay-ari nina Hunter ang ospital na 'yun kaya kilala na ito doon."Mam Yassy, ikaw na ba 'yan? Abay, malaki ka na ah!" pansin ng head nurse nang nadaanan siya doon sa confirmation counter."Hi po, Nurse Michelle.""Abay, malaki ka na at dalagang-dalaga. Dati ay tambay ka lang dito sa ospital." Kilala din siya doon dahil palagi siyang dinadala doon ng mga magulang ni Hunter noong bata pa siya."Andito ka ba para kay Sir Hunter
Pumatak ang mga luha niya habang inaalala iyon. Ayaw na niyang balikan ang sitwasyong ‘yon. Nagkaroon siya ng depresyon dahil sa ginawa ni Mike, at ngayong bumalik na naman ito… ano na ang mangyayari sa kanya?Ang akala niya ay tapos na ang lahat. Malapit na niyang makuha si Hunter. Kaunti na lang ay mapapayag na niya itong magpakasal sa kanya.Mabilis na lang namang dayain ang hinihingi nitong DNA test kung ito nga talaga ang tunay na ama. Magagawan niya ng paraan 'yon. Pera lang ang katapat nun. Pero paano na ngayon kung buhay pala ang demonyong si Mike? Totoo nga ang kasabihan na "masamang damo ay matagal mamatay!"“Fuck! Sana namatay ka na lang, hayop ka!” sigaw niya.“Olivia!?.... Olivia!?”Napatalon siya sa gulat nang marinig si Hunter na kumakatok sa kanyang pinto. Agad niyang inayos ang sarili at dali-daling binuksan ang pinto.“Ahm, Hunter… may kailangan ka ba?” wika niyang pilit ang ngiti. Nababanaag pa rin sa mukha niya ang takot at pag-aalala.“I heard na sumigaw ka. May n
"I forgot to tell you, habang nasa ospital ka noong nalaglag ka sa hagdan, ay bumisita pala si Mike. And guess what.... buhay siya."Nanlaki ang mga mata nitong napatingin sa kanya.“B-buhay si Mike?”“Yes… at binisita ka niya. Hindi lang siya tumagal dahil may pupuntahan pa daw siya. Pero bibisitahin ka daw niya ulit.”“No!” Agad na sabi nito na nanginginig. Agad naman siyang naalarma sa pinapakitang reaksyon ni Olivia.“What is it, Olivia? Takot ka ba kay Mike? Bakit ganyan na lang ang reaksyon mo?”“Ah, eh wala… it’s just that I don’t want to see him anymore....”“May ginawa ba si Mike sa’yo? Tell me para matulungan kita…” Sandaling lumambot ang puso niya sa dalaga. Mukhang hindi ito nagda-drama lang sa takot nito. Parang nakonsensya siya tuloy na sinabi pa niya ang pagbisita ni Mike.“Ah, eh… wala.”Hindi na siya nakapagtanong ulit dahil dumating na sila sa bahay niya. Nauna na itong lumabas. Hindi man lang siya nito hinintay na alalayan niya.“Ahm, magpapahinga muna ako sa guest
Hindi siya agad nakasagot. Pinagmasdan niya si Olivia, na ngayon ay parang balisa at takot na takot. Totoo ba ang sinasabi nito? O isa na namang drama para makuha ang simpatiya niya?“Pwede ba, Olivia? Huwag mo akong paikutin. Ano pa ba ang kailangan mo? Pinatira na kita sa bahay ko, di ba?” malamig niyang tugon habang pinipilit kontrolin ang galit sa dibdib.“Umuwi ka na. I need my privacy!” dagdag pa niya. Kailangan pa niyang tingnan muli ang cellphone ni Tricia at baka may makikita pa siya doon na lead, pero paano niya magagawa iyon kung andoon din si Olivia? Akmang isasara na niya ang pinto nang biglang napahawak sa tiyan si Olivia.“Aray… ang sakit!...” Napaupo ito sa sahig na parang hirap na hirap.“Olivia? What happened?” Hinawakan niya ito at pilit na itinayo. Kahit na galit siya dito, hindi naman niya matiis na balewalain ito. Kawawa namang bata sa sinapupunan nito. “What do you feel?”“Parang naninigas ang tiyan ko... baka... baka may mangyari sa baby natin… ang sakit huhuhu
Pagdating ng condo ay dali-dali siyang pumasok. Hinanap niya ang charger. Mabuti na lang at compatible ang charger niya sa cellphone ni Tricia. “Sorry, Trich, kung pinakialaman ko ang gamit mo, pero I think ito ang gusto mo dahil lagi kang nagpaparamdam sa akin...” sambit niya. Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan iyon. Madaming notification ang agad na pumasok simula nang buksan niya ito. Isa-isa niyang binasa iyon. Para siyang NBI na nag-iimbestiga. I had the feeling na may makukuha siyang impormasyon doon. Tiningnan niya ang messages. May natanggap doon na notification galing sa bangko na nakatanggap si Tricia ng isang million bank transfer. Hindi naman nakalagay kung saan galing ang pera. “Bakit may ganito kalaking pera si Tricia? Sino ang nag-transfer sa kanya?” Tiningnan niya na ang iba pang messages. Meron pang isang million na natangap mula sa ibang araw. Ang yaman naman ng nagpapadala kay Tricia. Dalawang million na ang pera na pinadala kya Tricia. Hindi niya a
“Is it Yassy?” wika ni Olivia sa likod niya. Di kaya alam nito na si Yassy ang kausap niya kaya sumigaw ito para marinig ni Yassy na andoon siya at magkasama sila? “Ano naman ngayon kung si Yassy 'yun, Olivia? Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na wala tayong relasyon, so stop pestering me!” “Akala ko ba hiwalay na kayo? Bakit naman siya tumawag sa’yo? Nagkita ba kayo? Saan? Kaya ka ba nawala ng ilang linggo dahil nakipagkita ka sa kanya?” sunod-sunod na sunud-sunod na sambit nito. “Bakit kasi hindi mo na lang siya tigilan? Alam naman niyang magkakaanak na tayo, ‘di ba? Wala ba siyang awa na sirain pa tayo?” Gusto niyang kutusan si Olivia sa pinagsasabi nito. Siya ang nagpupumilit na hanapin si Yassy kaya mali ang lahat ng binibintang nito. Saka ilang beses ba niyang sasabihin na wala silang relasyon, kaya kung ano man ang ginagawa nila ni Yassy ay wala silang tinatapakang relasyon. "Gusto ko lang ipaalala sayo Olivia na ikaw ang sumira sa relasyon namin ni Yassy!" "Me??? Ku
"Ihahatid na kita sa bahay niyo. Sabi ng doctor ay pwede ka nang umuwi anytime.""Pero ayaw kong umuwi sa bahay mag-isa. Natatakot ako at baka maaksidente na naman ako. Pwede bang doon muna ako sa inyo?""Hindi pwede!' Napalakas ang boses niya."Ikukuha na lang kitang makakasama sa bahay mo pero hindi ka titira sa akin. Wala tayong relasyon, Olivia. Tandaan mo ‘yan!""Ano pa ba ang ayaw mo sa akin, Hunter? Pag iniwan mo ulit ako, magpapakamatay ako!"Humugot siya ng malalim na hininga. Kahit na galit siya kay Olivia ay hindi niya naman ito pababayaan mag-isa. Baka totohanin nito ang banta na magpapakamatay. Saka wala pa siyang ebidensya na hindi na siya ang ama ng bata. Kaya habang hindi pa siya sigurado ay responsibilidad niya si Olivia."Sige… doon ka muna sa bahay ko." sambit niya.Mas maganda doon dahil andoon si Manang Josie, na kasambahay niya, na titingin-tingin kay Olivia sakaling wala siya. Kahit papaano ay may bantay ang dalaga doon.Nang nasa kotse na sila pauwi sa bahay ni
Nakatahimik silang dalawa sa loob ng kwarto. Si Olivia ay mahimbing pa rin ang tulog sa kama, habang si Mike ay nananatiling nakatayo sa gilid, tila may mabigat na iniisip. Napansin niya ang mga kamay nitong nakapamulsa at ang paglalim ng mga buntong-hininga nito.Hindi na niya mapigilan ang sariling tanungin ang binata."Ano bang iniisip mo, Mike?" tanong niya, bahagyang iritado ang tono.Saglit pa itong tumahimik bago sumagot. "Six months… Kung six months na ang tiyan niya, ibig sabihin... nangyari 'yun bago pa ang aksidente namin ni Tricia?...""Ano ang ibig mong sabihin? What are you trying to say?" May kaba sa dibdib niya na unti-unting umuusbong. Pakiramdam niya'y may sasabihin si Mike na importante.Humarap si Mike sa kanya, seryoso ang mga mata. "May nangyari sa amin ni Olivia bago ako naaksidente. Akala ko….. ako ang ama."Parang may sumabog na bomba sa loob ng utak niya. Hindi siya agad nakapagsalita. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Mike."You're lying! Andito ka na n
Pagdating ng Manila ay agad siyang pumunta ng parking lot. Nandoon na ang kotse niya naka-park.Pagsakay niya ng kotse ay nakaramdam agad siya ng kakaibang enerhiya. Parang nanindig ang balahibo niya. Parang may kasama siya doon sa loob na hindi niya maintindihan. Sumulyap siya sa rear view mirror pero wala naman siyang nakita. Baka guni-guni niya lang. Dahilan na din siguro sa sobrang pagod kaya kung ano-ano na ang mga pumapasok sa utak niya.Iwinaksi niya ang mga nararamdaman. Tinatakot niya lang ang sarili niya. Baka sa sobrang tagal ng naka-park doon sa airport ay nanibago siya. Pinaandar niya ang kotse at pinatakbo na iyon. Pupuntahan niya si Olivia sa ospital.Tinawagan niya si Giorgiana habang nasa biyahe."Hello, boss?" Agad na sagot nito. Ito muna ang inatasan niyang alagaan si Olivia habang wala pa siya."Hello, Giorgiana. I'm already here in Manila. Papunta na ako diyan sa ospital.""Okay, boss. Baka pwedeng umalis na din ako, total padating ka na. Wala pa kasi akong tulog.
HUNTER'S POV:Gulong-gulo ang isip niya habang pauwi sa apartment na tinitirhan niya. Hindi niya lubos maisip na may sex video sila ni Olivia. Sino ang nag-video sa kanila at sino ang nag-send nun kay Yassy?Posible kayang alam ng lahat ng mga kaibigan niya ang tungkol doon kaya ganoon na lang ang galit sa kanya? Alam din kaya ng mga magulang nila? Sana ay hindi. Dahil wala na siyang mukhang maihaharap sa mga magulang niya at magulang nina Yassy."Fuck you, Olivia!... ikaw ba ang may kagagawan ng lahat ng ito?" Pinagtagpi-tagpi niya ang mga nangyari sa gabing iyon... Sa sobrang galit niya nung mga panahong ‘yon dahil may natanggap siyang litrato mula sa di kilalang numero.... ang picture ni Yassy at Elijah na nagyayakapan.Sa sobrang selos niya ay pumunta siya ng bar para maglasing. Sa hindi niya din malaman na dahilan, ay dumating si Olivia.Dati ang alam niya ay coincidence lang iyon. Pero sa mga nangyayari ngayon ay napag-isip-isip niya na baka sinadya talaga ng dalaga na pumunta d