Share

MENSAHE NG HARI

last update Last Updated: 2021-04-23 21:31:00

        Nuong gabing nagkaroon ng piging ang palasyo ay nag patawag naman ng mang gagamot ang taga pag bantay ng hari at sa silid kung saan nag papahinga ay isiniwalat ng mang gagamot ang malubhang sakit ng kaniyang kamahalan kung kaya't ipinatawag ng hari sa kanyang tagapag bantay ang mahal na reyna at ang punong taga pagpayo ng palasyo.

"Anu ang lagay ng mahal na hari" 

Nung mga sandaling iyon ay mababakas sa muka ng reyna ang labis na pag-aalala, bagamat batid nya man, na nuon pa'y may dinaramdam na nga ang Hari. Subalit ni kahit minsan ay hindi sumagi sa kanyang isipan na ang sakit nito ay maaaring lumala.

" Mahal na reyna ikinalulungkot ko pong sabihing malubha na ang karamdaman ng kamahalan, napansin ko rin na hindi pang karaniwan ang tibok ng kanyang pulso kasabay nitoy natutuyo ang kanyang mga labi at nahihirapan siyang huminga, isa po itong sintomas na mayroon siyang sakit sa puso. Kaya naman ang kalabisan sa pag-aalala at pag-iisip ng sobra ay hindi makakatulong para sa kamahalan, kung kayat kailangan nya ng mas maiging pahinga."

Nag-aalangan man ang mang gagamot na tukuyin at sabihin ang kalagayan ng hari, dahil nga sa batid nito na sa sandaling malaman ng lahat ang karamdaman ng kamahalan ay tiyak na mag kakaroon ng kaguluhan, lalo nat batid nya ring humihina ang estado ng palasyo.

Ang mang gagamot na ito, ay matagal nang naglilingkod sa palasyo at maging sa hari, At hindi lingid sakanya ang ginawang pag sakripisyo nuon ng kamahalan upang mabawi ang bayan ng Virginia, Kaya naman para sa kanya, ang karamdaman ng Hari ay magiging kawalan ng pag-asa ng lahat.

Matapos ipahayag ng mangagamot ang patungkol sa karamdaman ng Hari, ay pinuno naman ng katahimikan ang buong silid. Kung saan ay tanging kalungkutan ang syang bumalot at pumuno sa buong silid ng Hari. Kaakibat din nito ay ang pag daramdam ng kalooban ng reyna na hindi maitatanggi sapagkat habang naka tingin sa kanyang asawa ay tila sasabog ang kanyang puso sa katotohanang matagal na silang mag kasama, subalit ni kahit minsan ay hindi man lang niya napansin na dumaing ang Hari. Iniisip niyang maaari ngang matagal na itong nahihirapan subalit hindi lamang ito nag sasalita sapagkat nuon paman ay inuuna na nito ang kapakanan ng buong bayan at mamamayan.

 

"Taga pag payong akil, nais kung mag sagawa ng pag pupulong sa unang bulwagan upang maipabatid ang bagong itatakdang hari na papalit sa aking trono."

Ang bungad na sabi nuon ng hari sa kanila habang bakas ang labis na panghihina nito dahil sa matamlay niyang pag kilos at pabulong nitong tono. Sa kabilang banda ay labis naman ang kanilang pag kagulat dahil sa iminungkahi ng Hari

"at isa pa, ipasundo mo ang punong maestro sa bundok ng kuhom"

"Masusunod kamahalan"

atsaka ito yumuko bilang tanda ng pag galang


"Maaari nyo ba kaming iwan ng kamahalan?"Ang mahinahong utos ng reyna sa mangagamot, at taga-pagpayo, dahilan na mag katinginan ang dalawa, Kaya naman tumango din ang Mahal na Hari bilang pag sang-ayon sa sinabi ng reyna. Kaya nga nung pag kakataong iyon ay nilisan nga ng mangagamot at taga-pagpayo ang silid ng Hari.

Mula nang mabawi ang bayan ng Virgania ay batid na ng reyna ang bigat ng tungkuling nakaatang sa balikat ng kanyang asawa. At bilang isang Reyna, tungkulin din niyang suportahan at pahalagahan ang mga bagay na pinahahalagahan ng Hari. Kaya nga kahit na siya pa ang asawa nito ay wala siyang ginawa kundi ibuhos ang panahon sa pamamalakad ng buong kaharian.

Makalipas ang ilang sandali ay tumayo naman ang Mahal na reyna at tumungo sa salansanang yari sa tabla, at duon ay kumuha siya ng maliit na kapiraso ng tela atsaka siya ulit umupo sa Tapat ng kamahalan , kung saan ay marahan niyang pinunasan ang braso ng kanyang asawa.

Habang nakatingin sa kalagayan ng kanyang asawa ay maraming mga bagay na pumasok sa kanyang isipan. Kung saan ang mga bagay na ito ay pinupuno ng labis na kadalamhatian.

"Mahal ko, batid ko ang iyong nararamdaman"

tugon ng Hari na tila ba nababasa nito ang iniisip ng reyna, kasabay nito ay marahan niyang ikinilos ang kanyang kamay upang abutin ang mukha ng kanyang asawa atsaka niya hinawi ang mga luha nito.

"Kamahalan, bilang reyna napaka raming bagay dito sa palasyo ang iniutos mong alagaan ko, at lahat ng yon ay sinusunod ko. Subalit kamahalan, may Isang bagay na hindi mo inutos sa akin, at ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko ang bagay na, ikaw naman ang ALAGAAN ko. Labis akong nag dadamdam kamahalan, sapagkat lahat ng bagay ay nakikita ko, maliban sa iyong mga hinaing."

Nung mga sandaling iyon ay bumagsak ang luha sa mga mata ng Reyna dahil sa mag kahalong lungkot at takot na kanyang nararamdaman. Kung kaya't nabalot ng pag daramdam ang kanilang mga kalooban. Kung saan dahil sa takot na mawala ang isat-isa ay bago lamang nila naramdaman ang pagmamahal sa kanilang mga puso dahil sa napaka tagal na ng panahon na hindi man lang nila nagawang mahagkan ang isat-isa. At Ngayon ay napagtanto nilang maaaring huli na nga ang lahat.

Matapos ang gabing iyon, kinabukasan ay nag padala ng mensahe sa ibat-ibang lugar ang Mahal na hari,ang mensaheng naglalaman ng isang sagradong paanyaya, at ayon sa mensahe ay inaanyayahan ang tapat na angkan, maharlikang angkan at ang sagradong angkan na dumalo sa pag pupulong upang maging saksi sa magaganap na pagtatakda sa Prinsipeng hihirangin bilang taga pagmana ng korona. 

     

       Ayon din sa parehong araw na pagtanggap ng mensahe ay nagkaroon naman ng mga pagpupulong ang panig ng bawat angkan, nangyayari ito upang hindi malihis ang mga kagustuhan nila at maging isa ang kani-kanilang suporta.

   Bago mag dapit hapon ay nakabalik na ng palasyo ang mensaherong si mathaman na dala-dala nuon ang mga kasagutan na silay dadalo sa magaganap na pagpupulong sa sinabing bulwagan, at nakatala din duon ang listahan ng mga angkang pupunta sa araw ng pagtatakda.

  Sa kabilang banda naman ay pinasundo ng tagapayong si akil ang kapatid ng hari na si Punong maestro pitan, na sa kasalukuyay nagsasagawa ng pag-aalay sa bundok ng kuhom. 

  

 

    

Related chapters

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   BUNDOK NG KUHOM

    Ang bayan ng VIRGANIA ay nagsasagawa ng pag-aalay sa bundok ng kuhom isang beses bawat buwan ang kanilang itinalang pagsasagawa nito at tumatagal ng isang linggo.Ang pag-aalay sa bundok ng kuhom ay isinasagawa lamang ng mga sagradong angkan, dahil ito ay isang pag-alaala sa dakilang layunin ng mga angkang nag alay ng kanilang mga buhay. Si Pitan ay bunsong kapatid ng Mahal na Hari, siya ay itinuturing matapat na kapanalig ng hari at palasyo. Ayon sa kasaysayan ang bayan ng VIRGANIA ay may pinaka malakas na hukbo ng sandatahan at ang pangalang Pitan ay kinatatakutan ng mga mandirigma sa ibat-ibang bayan, kaya naman tinagurian siya ng palasyo bilang PUNONG MAESTRO ng sandatahan Ang kinaroroonan ng bundok ay nasa kanlurang bahagi kaya naman mula dito ay matatanaw ang pag lubog ng araw, Masasabing maaliwalas ang bundok na ito dahil dalawampung tao ang maaaring makadalo sa pag-aalay. May matatagpuan ding ilang puntod ng mga

    Last Updated : 2021-05-06
  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   BULWAGAN(PAGTATAKDA)

    Nuong ikatlong linggo ng ikalimang araw at pangalawang buwan ng taong 1941 ay naganap nga ang pagtatakda sa unang bulwagan." Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang maitatakdang bagong taga pag mana ay hihirangin ng konseho bilang itinakdang Prinsipe."wika ng hariK Kahit na batid ng niya na maaring mag karoon ng matinding hidwaan sa pagitan ng mga angkan, ay maluwag nya paring ipinahayag ang pagtatakda sa bagong prinsipe. At kahit pa magiging isang daan ito ng pag aaklas ay nag bakasali parin siyang imungkahi ang gusto niya. Kaya naman sa harap ng buong kapulungan ay walang halong pangamba niyang inilahad ang kanyang sa loobin kasabay ng pilit na pagkubli sa kanyang malubhang karamdaman."Paunmanhin sa aking kapangahasan kamahalan, subalit hindi kaya napaka aga pa upang mag takda ng bagong prinsipe?Ang pag-uusisang katanungan ng punong ministro. Na nag papahiwatig ng maraming ibig sabihin sa mga kasapi ng konseho. At dahil sa hindi tapat na kapanalig ang punong minis

    Last Updated : 2021-05-06
  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   PAG-AALALA NG HARI AT ANG KANYANG KAUTUSAN

    Ng matapos ang pagpupulong sa unang bulwagan ay tumungo naman ang Mahal na Hari sa kanyang silid upang makapag pahinga, Wala na nuon ang mahal na reyna at tagapag payo ng palasyo, sapagkat mayroon ding bagay na iniutos sa kanila ang Mahal na Hari.Gayunpaman, habang nag papahinga ay hindi parin lubusang maalis ang matinding pag-aalala ng Hari, kaya naman ipinatawag niya ang itinakdang prinsipe."May tao ba riyan sa labas?"Tawag ng Hari mula sa kanyang silid. At isang taga pag bantay nga ang pumasok sa loob."Aking taga pag bantay na akil, Nais kong pumaroon ka sa silid ng mahal na prinsipeng si shattu at utusan mo syang pumarito""Masusunod kamahalan" Tipid na sagot ng tagapag bantay, kasabay ng pagyuko bilang tanda ng pag galang, Bago nito nilisan ang silid ng Hari.Samantala, pag labas naman ng taga pag bantay ay tama ring dumating ang magiting na ma

    Last Updated : 2021-05-06
  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   GINTONG PALAMUTI

    ***PRINSIPE SHATTU***Hindi ko man lang napansing sumapit na pala ang katanghalian dahil narin siguro sa pagod na akin pang nararamdaman hanggang ngayon. Tila ba nananakit din ang aking buong katawan at paki wari koy dahil ito sa pag sasanay namin nila Lady Gania at prinsessa damina kaninang umaga, At ngayon naman ay naririto ako kasama Ng aking ama sa labas ng aming dampa upang makapangaso ng saganun ay may maihanda kami para sa hapunan. Subalit matapos ang una naming pangangaso sa unang pook na aming pinuntahan ay sinundo kami ng Isa sa aming taga pag lingkod, at ayon sa kanya ay utos daw iyon ng aking Ina kaya naman agad na nilisan namin ang pook upang makabalik sa amin.Makalipas ang ilang sandali pa ay nakarating na nga kami ng aking ama malapit sa aming dampa at sa di kalayuan ay napansin ko ang aking ina na nakatayo sa labas habang naghihintay sa amin ni ama.Subalit napansin ko din na tila ba may kakaiba Kay ina,sa kadahilanang tila nakasuot sya ng magar

    Last Updated : 2021-05-24
  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   PINAGMULANG ANGKAN

    PINAGMULAN NG ITINAKDANG HARI(Prinsipe Shattu) Ang Hari ng palasyo ay mayroon dalawang mga kapatid at ito ay sina , prinsessa Adame ang ikalawa at prinsipe Pitan ang kanilang bunsong kapatid at punong maestro ng palasyo. Nuong hirangin ang prinsipeng Ahara bilang Hari ay nagkaroon Ito ng tatlong supling sa irog na si Reyna Ahe, at ito ay sina prinsipe Na-il ang panganay na anak ng Hari, si prinsipe HAGAN ang ikalawa at si prinsessa Yeso ang bunsong anak. Si prinsipe Na-il ay ikinasal nuon sa prinsessang si Yomie. Kung saan ay nag karoon din sila ng nag-iisang supling na prinsessa, subalit ng hirangin ang prinsipe bilang bagong itinakda ay agad naman siyang binawian ng buhay sa kadahilanang hindi pa matukoy. Samantala, ang irog naman nitong si Prinsessa Yomie ay hinatulan ng pagtataksil dahil sa umanoy espiya daw ito ng kabilang bayan kaya naman ibinaba ang sanghay ng kanyang angkan mula sa Tapat na angkan at pinatawan siya ng mahabang panahon na pagkakakulong sa

    Last Updated : 2021-05-24
  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   ANG MAPANGANIB SA TRONO

    Nung araw din mismo pagkatapos ng pagpupulong sa unang bulwagan ay nagkaroon naman ng lihim na pag-uusap ang punong ministro at ang prinsipeng si Hagan. Nakaupo nuon sa tabureteng yari sa tabla ang prinsipe habang tangan ang pilak na kopa sa kanan niyang kamay atsaka nag lalango sa mamahaling alak na nuoy kinalakal pa sa ibang lalawigan. Samantala, nakatayo naman ang punong ministro nuon sa tapat ng tarangkahan ng silid habang pinagmamasdan ang ginagawa ng prinsipe."Isang malaking dagok para sa akin ang mga ibinatong salita ng Hari, tila ba may nalalaman sya sa mga nangyayari". Nag-aalalang wika ng Prinsipe, habang ginagapos ng kanyang mga kamay ang pag kakahawak sa kopa na nuoy nag mamarka ang namumula niyang mga daliri dahil sa higpit ng kanyang hawak dito, na kung saan ay makikita sa kanyang mukha ang labis na paninibughong kanyang nararamdaman sa pamangking si shattu. Labis ang kanyang pag kainis sa sarili sapagkat ni kahit minsan ay hindi ni

    Last Updated : 2021-05-26
  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   HINAGPIS NI GANIA 1

    Isang napaka aliwalas na umaga ang nuoy bumungad sa tagapag-ingat. Samyo din nito ang malamig na hanging pumapasok sa loob ng kanyang silid na kung saan ay nag dadala at nag papakalat sa sariwang halimuyak ng mga bulaklak na mula sa labas.Kaya nga nuong sandaling maaninag nya ang liwanag na ito ay napalingon siya sa kanyang kanan upang abutin ang kasuotan niyang nakatiklop sa ibabaw ng mesang pinaglalagyan ng pantalya."Lady Gania!!""Lady Gania"Napahinto siya ng marinig ang medyo mahinang boses ng isang pakiwari niyay babae. Kung saan habang papalapit ito ay mas lalong lumalakas ang kanyang tinig habang sunod sunod na tinatawag ang pangalan nya.Kakasikat pa lamang nuon ng araw, kaya labis siyang nag taka kung bakit may panauhin na agad na patungo sa kanyang dampa. Sapagkat ang madalas na ginagawa ng mga tao o nang bawat pamilya sa palasyo tuwing umaga, ay nag-aalay ng pasasalamat na muli sil

    Last Updated : 2021-05-27
  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   HINAGPIS NI GANIA 2

    "Lady Gania, sigurado kabang ayos kalang?" Tanong naman ng prinsessa sa tagapag-ingat na syang pumukaw sa pansin nito. Nung mga sandaling iyon ay lumapit na ito sakanya at umupo sa kanyang tabi. "Ahh....Wala ito kamahalan, Sya nga po pala anu nga po ba ulit ang inyong sadya!?" Tanong niya sa prinsessa kasabay ng alanganin nyang pag ngiti. Iniisip nya kung nasabi na ba ng prinsessa ang pakay niya at hindi nya lang ito narinig dahil sa kakaisip niya sa mga natuklasan nya o hindi pa nito nasasabi ang pakay niyang pag dalaw. Kaya naman, bahagyang lumapit ang prinsessa sa tagapag-ingat atsaka ito bumulong. Nung mga sandaling iyon ay napaatras at napa balikwas naman ng tingin ang tagapag-ingat, kung saan ay nakangiti namang nakatingin ang prinsessa sa kanya. "Su-subalit kamahalan, hindi tayo maaaring lumabas!!!!" Ang hindi pag sang-ayon namang reaksyon ng tagapag-ingat, Subalit kinuha ng prinsessa ang kanyang ka

    Last Updated : 2021-06-01

Latest chapter

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   ANG UNANG HIMIG

    Sa paglisan ni Gatu, sakay sa kanyang kabayo. Ang kanyang puso’y puno ng kalungkutan at pag kabigo. Ang kanyang mga mata’y namumugto sa mga luha na hindi niya maaaring pigilan. Ang kanyang dibdib ay parang sasabog sa sama ng loob na kanyang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya binibigyan ng importansya ng kanyang amang Hari.Habang nag lalakbay siya, ang kanyang mga mata’y nag lilibot sa kanyang paligid. Ang mga puno at halaman ay parang nag bibigay sa kanya ng kahalumigmigan, ang mga ibon na nag liliparan sa kalangitan ay parang nag papahiwatig sa kanya ng isang matayog na pag-asa na hanggang ngayon ay pinang hahawakan niya, dahil isa lang naman ang nais niya at yon ay tanggapin siya ng kanyang Amang Hari. Ang kanyang damdamin ay puno ng kalungkutan at pag kabigo. Hindi naman niya hinahangad ang trono, ang nais niyay kahit isang araw man lang ay maiturin niya ang sarili na kasapi sa pamilya.Ilan pang sandali ay nakarating na nga si Gatu sa hangganan ng Viraga

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   PALIGSAHAN

    KAHARIAN NG VIRGANIAAng paligsahan ng Virgania ay binubuo ng iilang pangkat. Una ay ang piling pangkat ng mga mandirigma na syang isinasanay mula pa sa pag kabata kung kayat maagang nahihiwalay ang mga anak na lalaki sa kanilang pamilya upang ihanda ang mga ito para mag lingkod at ipag tanggol ang kanilang bayan.Ikalawa ay ang mga pantas na maalam sa agham, sila ay ang mga nag-aaral sa mga buwan, bituin at araw upang mag matyag sa ipinapahiwatig ng kalangitan at nagbabasa ng mga panaginip, sila rin ang nag sasabi kung kailan darating ang tag-araw at tag-ulan, kung kailan ang tamang panahon ng pag tatanim at kung kailan naman hindi dapat mananim upang maiwasan ang pag kasira o pag katuyo ng mga ito at kung minsan ay ginagamit din itong hudyat sa pakikipag digmaan kung mananalo ba o silay malulupig ng kaaway. Ito ang dahilan kung bakit iginagalang ang mga pantas sa loob at labas ng palasyo dahil isa sila sa pinag kakatiwalaan ng Hari.Pangatlo ay ang pangkat ng sining at musika, sila

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   MAKALIPAS ANG DALAWAMPUNG TAON

    EMPERYO NG BABELONIA"Kamahalan.........." Ang nuoy malakas na sigaw ni manggani habang nag hahanap sa prinsessa.At habang paikot-ikot na nag hahanap ay nakarinig ito ng mabilis na yapak na nuoy gumagawa ng ingay dahil sa tuyong mga dahon na nakakalat sa paligid. Samantala, kasabay ng malakas na hangin ay ang matulin na pag bulosok ng pana mula sa kawalan kung saan ay natamaan nito ang isang malaking baboy ramo na nuoy nasa unahan lamang ni manggani dahilan para mapako ito sa kinatatayuan niya at manginig dahil sa takot.Sa kabilang banda ay isa namang babae ang lumabas, nakasuot ito ng damit at pang ibaba na yari sa balat ng hayop, habang ang panyapak nito ay gawa sa ibat-ibang mamahaling beads at tela na pinag halo rin sa balat ng hayop na nuoy umaabot hanggang sa kanyang tuhod.Nakatayo nuon ang isang maningkinitang babae habang hawak ang kanyang palaso, naka wayway ito ng kanyang buhok na sya namang sumasabay nang pag indayog sa ihip ng hangin. Nakasuot ito ng isang sambalilo na

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   KALAGUYO

    KAHARIAN NG VIRGANIA"Sabihin nyo, nahanap na ba ang mahal na Reyna" Bungad na sabi nuon ng Hari habang nakaupo sa kanyang trono.May isang buwan narin nuon ang nakalipas at hanggang sa araw na yon ay wala paring nangyayari sa kaniyang pag papahanap. Kaya naman nag patawag ng pag pupulong nuon ang Hari sa unang bulwagan."Paumanhin kamahalan subalit sinuyod na po namin ang labas ng kaharian pati na ang hangganan nito subalit bigo po kaming mahanap ang reyna" Nakayukong pag-uulat nuon ng inatasan na mag hanap sa reyna."Ang lakas ng loob mong tumungo dito na wala karin namang magandang iuulat. Isa pa kung kakaunti lang kayong nag hahanap sa reyna ay tiyak na hindi nyo sya mahahanap." Pag didiin na sabi nuon ng prinsipeng si Haggan habang nakatuon sa lalaki.Napalingon naman non ang Hari sa kanyang tiyuhin, samantala bigla nuong bumukas ang tarangkahan ng bulwagan ng pumasok ang tagapag-ingat atsaka ito yumuko upang mag bigay ng pag galang."Kamahalan, paumanhin sa pang gagambala subalit

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   SAGIP 3

    Kinabukasan ay magaagang nagising ang reyna kung saan ay nakita nya rin nuon na nag hahanda na ang pinuno at ilan sa mga tauhan nito. Matapos makapag agahan ay ibinilin ng pinuno sa ilang tauhan ang mga maiiwang bihag at pag katapos ay nag si pag handa na ito ng mga kagamitan.Ibinalot nuon ng reyna ang prisessa sa isang kulay puting tela na ipinagkaloob nuon ng pinuno, atsaka nag simula ito sa kanilang pag lalakbay pabalik sa lugar kung saan nila huling nakita nuon ang reyna. Ayon sa reyna ay anak siya ng isang mag sasaka at hindi niya batid kung paano siyang napunta sa lugar na iyon at kung sino ang dumukot sa kanila ito ang alibay na ginamit niya upang hindi malaman ng mga ito na isa siyang virgania.Dahil dito ay hindi rin naman nag dalawang isip pa na muling mag tanong ang pinunong si Igam at sa halip na usisain pa ito ay walang kibo nalamang nitong binaybay ang patungo sa hanggan.Gayunpaman, wala pa sila nuon sa kalagitaan ng bigla naman silang harangin ng mga murawi na nuoy na

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   SAGIP 2

    Matapos makapag pahinga ay muling inalalayan ng reyna ang pinuno habang binabaybay ang daan patungo sa pook ng mga Bagantok ito ay ang lugar kung saan namamalagi ang mga Babaylan ng Emperyong Babelonia.Sa loob ng isang talon ay may maliit na kweba kung saan naroon ang mga bihag pati na ang kanang kamay na pinuno na si Gatyong. At ito ay malapit lamang sa palasyo ng emperador na si Na-am na nuoy may sampung taon ng namumuno sa bayan ng Babelonia matapos mamatay ang kanyang ama.Kilala nuon ang Babelonia sa isa sa may pinaka malawak na pagawaan ng ibat-ibang uri ng tela at mamahaling mga palamuti na kung saan ay nakikipag kalakalan ito sa iba't-ibang bansa.Nang makapasok sa loob ang reyna habang inaalalayan ang pinuno na nuoy pilit na kinakaya ang kanyang katawan ay agad namang sumalubong si Gatyong upang tulungan ang kanyang pinuno at malapit sa ginawa nilang apoy ay duon nila pinaupo ang lalaki.Sa kabilang banda naman ay agad na ginamot ng kanilang tauhan ang sugat na nuoy natamo ng

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   SAGIP

    Sumapit na noon ang tanghaling tapat kaya naman muling tumungo ang pinuno ng mga bandido sa loob ng kubol upang dalhan ng panang halian ang babae subalit ng makapasok sa loob ay nakita niya itong nakaupo't nakahilig ito habang natutulog.Inilapag ng lalaki ang dala-dala niyang bashada na may pagkain sa isang bakanteng upuan atsaka marahan nya itong hinawakan sa kamay upang sanay ipahiga ito sa higaan ng sa ganun ay maging maayos itong makapag pahinga. Subalit bago pa niya ito na gawa ay nagising na ang reyna."Ah-anong ginagawa mo?" Ang nag tatakang tanong reyna nung sandaling maimulat niya ang kanyang mga mata at nakitang hawak-hawak siya ng lalaki.Napabuntong hininga nuon ang lalaki atsaka siya bumitaw sa pag kakahawak sa kamay ng reyna. Pag katapos ay tumungo siya sa maliit na mesa at duon kinuha ang bashada ng pagkain atsaka ito inilapag sa higaan."Kumain ka!" Pag uutos atsaka ito umakma ng alis."Sandali lang" Pag pipigil nito sa habang kapit ang maliit na tela ng damit ng l

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   BABELONIA

    Mula sa hangganan ng babelonia ay nagising nuon ang reyna dahil sa yapak na mula sa lagaslas ng mga putol na sanga ng kahoy."Sandali, hindi bat napaka ganda niya! sa tingin koy maaari natin siyang ipagbili"Ang usapan na narinig ng reyna na tila ba napakalapit lamang sa kanila, kaya nga nuong mga sandaling iyon ay naimulat niya ang kanyang mga mata at labis ang pag kagulat niya ng makitang napapalibutan na pala siya ng mga kalalakihan na tila ba mga tulisan. Kaya naman, agad siyang bumangon at binuhat ang prinsessa."O kaya naman maari rin natin siyang..."Ang sabi pa ng isang lalaki habang tangan ang pag nanasa sa kanyang mga mata ng bigla naman siyang sipain ng isa pang lalaki dahilan para matumba ito at masubsob sa lupa."Tandaan ninyong mga mag nanakaw lang tayo na nangangalakal ng mga tao subalit hindi tayo nang hahalay ng kababaihan o pumapatay at nananakit ng mga walang muwang."Ang sabi naman nito kasabay ng pag tingin sa reyna at sa sanggol. Nung mga sandaling iyon ay tila b

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   KASABWAT

    Matapos nuon na makipag-usap ni Lady Gania sa hari ay agad itong tumungo sa kanyang silid"Lady gania nariyan po at nag hihintay sa inyong silid ang prinsipeng si Hagan" Napatigil nuon ang tagapag-ingat, huminga ito ng malalim atsaka nito marahan na pinunasan ang kanyang luha bago tuluyang makapasok sa loob.Mula sa may tarangkahan ng kanyang silid ay natanaw agad niya ang prinsipe na nuoy nakaupo sa tabureteng nakaharap sa kanyang durungawan."Ano't naririto ka prinsipe Hagan?"Bungad nuon ng tagapag-ingat habang ikinukubli sa seryong imahe ang kanyang mukha upang maitago ang labis na pag daramdam nito. Gayunpaman, kahit hindi siya mag salita ay nasasalamin ito ng prinsipe sapagkat alam nito ang lalim ng pagtatangi ng puso ng tagapag-ingat kaya't hindi ito maitatago sakanya."Napadaan lamang ako upang iulat sa iyo na nabigo tayong mahuli ang reyna, sapagkat nagawa nitong matakasan ang aking mga tauhan at makalabas ng virgania."Ang walang patumpik-tumpik na ulat ng prinsipe sa taga

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status