Ng matapos ang pagpupulong sa unang bulwagan ay tumungo naman ang Mahal na Hari sa kanyang silid upang makapag pahinga, Wala na nuon ang mahal na reyna at tagapag payo ng palasyo, sapagkat mayroon ding bagay na iniutos sa kanila ang Mahal na Hari.
Gayunpaman, habang nag papahinga ay hindi parin lubusang maalis ang matinding pag-aalala ng Hari, kaya naman ipinatawag niya ang itinakdang prinsipe.
"May tao ba riyan sa labas?"
Tawag ng Hari mula sa kanyang silid. At isang taga pag bantay nga ang pumasok sa loob.
"Aking taga pag bantay na akil, Nais kong pumaroon ka sa silid ng mahal na prinsipeng si shattu at utusan mo syang pumarito"
"Masusunod kamahalan" Tipid na sagot ng tagapag bantay, kasabay ng pagyuko bilang tanda ng pag galang, Bago nito nilisan ang silid ng Hari.Samantala, pag labas naman ng taga pag bantay ay tama ring dumating ang magiting na maestro."Kamahalan,Maestro Pitan nagbibigay pugay".Pagbati ng maestro sa Hari habang nakaluhod at nakalagay sa kaliwang dibdib ang kanyang kanang kamay atsaka yumuko"Naririto kana pala Pitan"maaliwalas na nakangiting sagot ng Hari.
"Ayon sa inyong hiling kamahalan ay agaran po akong naparito".
"Pitan, Ang magiting na General ng palasyo at ang aking bukod tanging kapanalig. Sabihin mo, hanggang kailan ka mag lilingkod ng tapat sa akin?"
Palaisipang tanong ng Hari, na Sya namang pinag takhan ng maestro, sapagkat nuon paman ay alam nyang batid na nang Hari na isa siyang kapanalig.
"(Yuyuko) Kamahalan mag lilingkod ako sa iyo at sa aking bayan habang akoy mayroong buhay at lakas. Subalit bakit nyo natanong ang bagay na yan kamahalan?, May bumabagabag po ba sa inyo!?"
Tipid na sagot ng Punong MaestroNuon paman ay batid na ng punong maestro ang pagiging makatarungan ng kanyang kapatid sa lahat ng mga bagay, ito ang naging dahilan kung bakit naging isa sa pinaka magiting na kaharian ang bayan ng VIRGANIA. Gayunpaman, kahit na palagi niyang nakakasama at napag mamasdan ang kapatid ay hindi niya ito magawang lapitan upang tanungin man lang ang kalagayan nito. Sa halip ay hinayaan din niyang tanging pag sisilbi lamang ang mag uugnay sa kanya sa Hari, dahil sa hindi niya kayang gawin ang pag sasakripisyo nito para mag karoon ng kapayapaan sa bayan. Sa kabilang banda ay patuloy parin ang kanilang pag uusap, subalit tila ba nakaramdam siya nang biglaang pagka lungkot habang pinag mamasdan niyang nag sasalita ang mahal na Hari, isang pag kalungkot na ngayon nya lamang naramdaman.
"Dahil nais kong masiguro ang kaligtasan ng itinakdang prinsipe ."
Nakangiting tugon ng Hari, kahit na maraming bumabagabag sa kanya. Gayunpaman, ang makita ang kanyang kapatid ay sapat na para mag bigay ng pag-asa sa kanya sapagkat kung sakali mang dumating ang panahong siya ay lilisan na upang mag pahinga ay nasisiguro niyang ang kanyang kapatid ang mag tatanggol sa bagong itinakdang Hari.
Sapagkat bukod sa kanyang mga kapanalig sa palasyo, ay isa si Pitan sa mga tapat sa kanya. Kaya nga nuon paman ay malaki na ang tiwala nya sa kanyang kapatid, dahil ni kahit minsan ay hindi siya sinuway nito, sa kabila nun ay palagi rin itong handang mag buwis ng buhay para sakanya.
"I-itinakdang prinsipe? Anong ibig nyong sabihin kamahalan.? Pausisang tanong ng Punong Maestro
"Sa katatapos lang na pagpupulong ay hinirang ko si prinsipe shattu bilang bagong itinakdang prinsipe ng palasyo."
Tugon ng Hari na nag papakita ng walang halong pag sisi sa kanyang ginawang pasya.
"Subalit kamahalan bakit nyo ginawa ang bagay na yon? Kayo ay malakas pa.
Alam kung nakikitaan nyo ng kakayahan si prinsipe shattu subalit mapanganib para sa kanya ito, Isa pa alam nating lahat na buhay pa ang inyong ikalawang anak na si prinsipe Hagan."Pag-aalalang tugon ng punong maestro, dahil batid nya ang matinding panganib na kahaharapin ng kanilang Apo. Gayundin, ay mapipilitan nitong harapin ang kanyang tiyuhin na si Haggan.Labis-labis ang pag-aalala ng maestro para sa panganib na nakaabang sa prinsipeng si shattu, dahil kahit batid niyang mahusay at matalino ito ay wala paring kasing bigat ang tungkuling haharapin niya,katulad ng kanyang kapatid na Hari.
"Subalit hindi bat mas maiging itakda syang prinsipe at hiranging bagong Hari habang akoy malakas at buhay pa??"
"Pitan, Sa sandaling mailipat ko na ang aking trono, nakakatiyak akong mag kakaroon ng malawakang pag aaklas sa palasyo. Ang nais koy, pangalagaan mo ang itinakdang prinsipe at tiyakin ang kanyang kaligtasan sa lahat ng panahon."Tugon ng hari kaakibat ang pangamba sa kanyang mukha kasabay ng matinding kalungkutan dahil sa katotohanang hindi na mag tatagal ang kanyang buhay. Kaya naman para sa kanya ay mas maigi ngang ipasa ito ng maaga upang sa hinaharap ay maagang masanay ang prinsipe sa kanyang magiging buhay bilang bagong Hari.
"Nauunawaan ko po kamahalan, at batid ko rin ang dalang panganib nito sa buong palasyo. Ganun pa man, tutuparin ko ang inyong kahilingan sa abot ng aking makakaya".
Ang tapat na tugon niya sa kanyang kamahalan. Iniisip nalamang niya na maaring mabuti nga ito sapagkat nariyan parin ang Hari para mag alalay sa prinsipe. Ni hindi man lang sumagi sa kanyang isipan ang tunay na dahilan ng Hari sa likod ng pag papasya nito."Pitan, tanggapin mo ang utos ng Hari."(saka iniabot ang naka rolyong kautusan)
"Tinatanggap ko kamahalan, Subalit anu po Ito!?"(nagtatakang tugon ng punong maestro)
"Iyong buksan at basahin Pitan."(matipid na tugon ng Hari)At ganun nga ang ginawa ng punong maestro, binuksan niya ang naka rolyong kautusan kung saan ang papel ay may naka markang sagisag ng Hari kaya naman sa pag kakataong iyon ay labis labis ang pag kagulat ng punong maestro.Ang markang nakita ng maetro ay isang mabigat na sagisag ng Hari, kaya hindi lingid sa kanya na ginagamit lamang ito sa mga mahahalagang kautusan na nais ipaggawa ng kamahalan.
"Subalit kamahalan!!?, Si Lady Gania at prinsipe Hagan? Hi-hindi ko po maintindihan!!!! Ano po ang ibig sabihin nito?"Ang nagugulumihanang tugon ng punong maestro. Sapagkat nuon paman ay batid niya ang pagiging mapag hanggad at mapanibughuin nang kanyang pamangking si Haggan, subalit hindi niya lubos maisip na kakayanin ng Hari na ipag utos na pababain sa pagiging waya ang kanyang anak, sa halip na iluklok ito sa trono. Sa kabila nitoy, hindi rin niya maunawaan kung bakit maging ang tagapag-ingat ay ninanais niyang pababain sa katungkulan, gayung batid ng maestro na ang tagapag-ingat ang itinalaga ng Hari upang maging kauna-unahang Lady ng palasyo.
" Sa oras na mapalitan ako bilang Hari, Ang prinsipeng si Hagan ay mag sisimula ng pagtataksil sa bayan.
Paninigurong wika nang Hari habang nakatuon sa kanyang kapatid na para bang may ipinapahiwatig ito.
Sa kabilang banda naman ay nalalarawan parin sa mukha ng maestro ang hindi makapaniwalang reaksyon. Sapagkat hindi niya maisip kung bakit nasabi ng Hari na mag tataksil ang kanyang anak na prinsipe at ang tagapag-ingat na si lady Gania.
"Kung ganun nga kamahalan bakit nakaulat din dito sa inyong kautusan ang taga pag-ingat na si Lady Gania?"
" Nais kong ilihim mo ang bagay na ito Pitan" Mahigpit na utos ng Hari
"Kung iyan ang nais nyo ."matipid na tugon naman ng punong maestro
"Si Lady Gania, ay-ay isang Li-libanag."At sa mga sandaling iyon ay mas lalong naguluhan ang punong maestro, Sapagkat iniisip niya kung paano nakapasok sa kaharian ang isang kaaway.
"Ku-kung ganun ang taga pag-ingat na si Lady Gania ay nagmula sa mga kaaway?, Subalit paanong nangyari ang bagay nayon kamahalan?"
Ang tugon ng maestro na gustong gustong alamin ang buong katotohanan. Dahil ang tanging alam lang niya patungkol sa tagapag-ingat ay tulad lang sa karaniwang mga bata na nais tulungan nuon ng mahal na Hari at bukod duon ay wala na siyang nalalaman pa.
*******PAG BABALIK TANAW ********" 40 taon ng nakalipas nuong nag karoon ng matindi at madugong labanan sa pagitan ng bayang LIBANIA at VIRGANIA. Habang abala ang lahat sa digmaan ay tumungo kami ng aking mga kawal nuon sa hangganan ng LIBANIA ang pook na papasok sa kaharian ng BABELONIA upang suriin pa ang pook kung may natitira pang mga Libanag, subalit sa gitna ng pagsusuri sa pook ay nakarinig ako ng iyak ng isang sanggol kaya naman agad kong pinuntahan ang kinaroroonan nito upang alamin kung anu nga bang naroon. At dahil sa pagsisiyasat ay nakita ko nga ang isang sanggol na nakabalot sa mamahaling tela at nakalapag lamang sa kabatuhan, kaya naman kinuha ko ito upang kupkopin bilang aking anak-anakan nung mga panahong iyon ay hindi ko batid kong sa LIBANIA ba o BABELONIA nagmula ang kawawang sanggol. Ganunpaman,kinupkop ko parin ito upang sanayin sa pakikipag laban, itinakda bilang kauna-unahang Lady at hinirang na tagapag ingat ng palasyo sa mahabang panahon na hindi man lang inalam ang pinagmulan nito. Subalit ng mag karoon uli ng digmaan sa pagitan ng LIBANIA at VIRGANIA ay napatay ko ang pinuno ng kanilang sandatahan. Ng mga sandaling yon nabatid kona ang pinagmulan ng sanggol na aking kinupkop, dahil ang pendant na sing sing na nuoy nakasuot sa leeg ni Lady Gania nung siyay aking matagpuan ay kapareho ng sing sing na nakasuot sa hinlalaking daliri ng Pinunong aking napaslang.
***************************************Mahabang pagbabalik tanaw ng Mahal na Hari sa kasaysayan kung paano niyang ikinupkop ang tagapag-ingat.
Kaya naman kahit masakit para sa kanya ang utos na kanyang inilathala, ay wala siyang magawa kundi panindigan ang pagiging isang tunay na Hari. Sapagkat, iniisip niya na ang kanyang anak na si prinsipe Haggan at ang tagapag-ingat na si Gania ay magsisilbing banta sa palasyo.
Para sa isang Hari at Ama ng buong bayan, may mga bagay at tao na minsan ay kailangan nyang talikuran lalo na kung para sa kapakanan ng lahat. Kaya naman kahit anak man, asawa kapatid o kaibigan kapag ito ay nag babadya ng kasakiman at pag tataksil sa bayan ay agad na binibigyan niya ng hangganan.
Kung may makakapag sabi lamang sana na mali o tama ang kanyang pamantayan patungkol sa pagpapasya kung anu ang makakabuti para sa kanyang bayan ,kaharian at mamamayan ay maaaring mag bago ang kanyang pasya. Subalit isa siyang Hari kaya naman kahit ulit-ulitin pa ang panahon ay ito parin ang pag papasyang gagawin at pipiliin nya para lang matiyak na sa hinaharap ay manatiling matiway, sagana at payapa ang kanyang Bayan.
"Kung ganun, si Lady Gania ay anak ng isang pinuno sa bayan ng LIBANIA? Kamahalan isang napaka sakit na katotohanan Ito para sa tagapag-ingat"...
Ang mga sinabi ng maestro ay hindi lamang dahil sa siya ay nag aalala para sa maaaring maramdaman ng tagapag-ingat. Sapagkat kaakibat din nito ay isang pangamba na maaaring tuwiran ngang magaganap ang sinasabi ng Hari na magiging Isang banta ang tagapag-ingat sa buong Kaharian, at iniisip din niya na maaaring sa di kalaunan lang ay mag simula nga ito ng pag tataksil sa Bayan.
Sa kabilang banda habang sila ay nag-uusap ay bahagya silang napatigil ng may marinig silang malakas na pagbagsak ng animoy pilak na plorera sa labas ng silid, Kung saan ay tumaginting ito at gumawa ng isang malakas na pag ingay, Kaya naman agad na lumabas ang punong maestro upang malaman ang pinagmulan nito. Subalit tamang pag labas ay napansin naman niya ang papalapit ng isang matipunong lalaki na nuoy binabaybay ang silid ng mahal na Hari.
"Sandali bakit naririto ang Mahal na prinsipe?",
Ang naitanong ng punong maestro sa kanyang sarili. Dahil iniisip nito na pagkatapos hirangin ang prinsipe bilang bagong itinakdang Hari ay mapanganib na sa kanya ang lumabas ng kanyang silid at mag lakad lakad sa palasyo ng mag-isa.
***PRINSIPE SHATTU***Hindi ko man lang napansing sumapit na pala ang katanghalian dahil narin siguro sa pagod na akin pang nararamdaman hanggang ngayon. Tila ba nananakit din ang aking buong katawan at paki wari koy dahil ito sa pag sasanay namin nila Lady Gania at prinsessa damina kaninang umaga, At ngayon naman ay naririto ako kasama Ng aking ama sa labas ng aming dampa upang makapangaso ng saganun ay may maihanda kami para sa hapunan. Subalit matapos ang una naming pangangaso sa unang pook na aming pinuntahan ay sinundo kami ng Isa sa aming taga pag lingkod, at ayon sa kanya ay utos daw iyon ng aking Ina kaya naman agad na nilisan namin ang pook upang makabalik sa amin.Makalipas ang ilang sandali pa ay nakarating na nga kami ng aking ama malapit sa aming dampa at sa di kalayuan ay napansin ko ang aking ina na nakatayo sa labas habang naghihintay sa amin ni ama.Subalit napansin ko din na tila ba may kakaiba Kay ina,sa kadahilanang tila nakasuot sya ng magar
PINAGMULAN NG ITINAKDANG HARI(Prinsipe Shattu) Ang Hari ng palasyo ay mayroon dalawang mga kapatid at ito ay sina , prinsessa Adame ang ikalawa at prinsipe Pitan ang kanilang bunsong kapatid at punong maestro ng palasyo. Nuong hirangin ang prinsipeng Ahara bilang Hari ay nagkaroon Ito ng tatlong supling sa irog na si Reyna Ahe, at ito ay sina prinsipe Na-il ang panganay na anak ng Hari, si prinsipe HAGAN ang ikalawa at si prinsessa Yeso ang bunsong anak. Si prinsipe Na-il ay ikinasal nuon sa prinsessang si Yomie. Kung saan ay nag karoon din sila ng nag-iisang supling na prinsessa, subalit ng hirangin ang prinsipe bilang bagong itinakda ay agad naman siyang binawian ng buhay sa kadahilanang hindi pa matukoy. Samantala, ang irog naman nitong si Prinsessa Yomie ay hinatulan ng pagtataksil dahil sa umanoy espiya daw ito ng kabilang bayan kaya naman ibinaba ang sanghay ng kanyang angkan mula sa Tapat na angkan at pinatawan siya ng mahabang panahon na pagkakakulong sa
Nung araw din mismo pagkatapos ng pagpupulong sa unang bulwagan ay nagkaroon naman ng lihim na pag-uusap ang punong ministro at ang prinsipeng si Hagan. Nakaupo nuon sa tabureteng yari sa tabla ang prinsipe habang tangan ang pilak na kopa sa kanan niyang kamay atsaka nag lalango sa mamahaling alak na nuoy kinalakal pa sa ibang lalawigan. Samantala, nakatayo naman ang punong ministro nuon sa tapat ng tarangkahan ng silid habang pinagmamasdan ang ginagawa ng prinsipe."Isang malaking dagok para sa akin ang mga ibinatong salita ng Hari, tila ba may nalalaman sya sa mga nangyayari". Nag-aalalang wika ng Prinsipe, habang ginagapos ng kanyang mga kamay ang pag kakahawak sa kopa na nuoy nag mamarka ang namumula niyang mga daliri dahil sa higpit ng kanyang hawak dito, na kung saan ay makikita sa kanyang mukha ang labis na paninibughong kanyang nararamdaman sa pamangking si shattu. Labis ang kanyang pag kainis sa sarili sapagkat ni kahit minsan ay hindi ni
Isang napaka aliwalas na umaga ang nuoy bumungad sa tagapag-ingat. Samyo din nito ang malamig na hanging pumapasok sa loob ng kanyang silid na kung saan ay nag dadala at nag papakalat sa sariwang halimuyak ng mga bulaklak na mula sa labas.Kaya nga nuong sandaling maaninag nya ang liwanag na ito ay napalingon siya sa kanyang kanan upang abutin ang kasuotan niyang nakatiklop sa ibabaw ng mesang pinaglalagyan ng pantalya."Lady Gania!!""Lady Gania"Napahinto siya ng marinig ang medyo mahinang boses ng isang pakiwari niyay babae. Kung saan habang papalapit ito ay mas lalong lumalakas ang kanyang tinig habang sunod sunod na tinatawag ang pangalan nya.Kakasikat pa lamang nuon ng araw, kaya labis siyang nag taka kung bakit may panauhin na agad na patungo sa kanyang dampa. Sapagkat ang madalas na ginagawa ng mga tao o nang bawat pamilya sa palasyo tuwing umaga, ay nag-aalay ng pasasalamat na muli sil
"Lady Gania, sigurado kabang ayos kalang?" Tanong naman ng prinsessa sa tagapag-ingat na syang pumukaw sa pansin nito. Nung mga sandaling iyon ay lumapit na ito sakanya at umupo sa kanyang tabi. "Ahh....Wala ito kamahalan, Sya nga po pala anu nga po ba ulit ang inyong sadya!?" Tanong niya sa prinsessa kasabay ng alanganin nyang pag ngiti. Iniisip nya kung nasabi na ba ng prinsessa ang pakay niya at hindi nya lang ito narinig dahil sa kakaisip niya sa mga natuklasan nya o hindi pa nito nasasabi ang pakay niyang pag dalaw. Kaya naman, bahagyang lumapit ang prinsessa sa tagapag-ingat atsaka ito bumulong. Nung mga sandaling iyon ay napaatras at napa balikwas naman ng tingin ang tagapag-ingat, kung saan ay nakangiti namang nakatingin ang prinsessa sa kanya. "Su-subalit kamahalan, hindi tayo maaaring lumabas!!!!" Ang hindi pag sang-ayon namang reaksyon ng tagapag-ingat, Subalit kinuha ng prinsessa ang kanyang ka
Nasa katanghaliang tapat na nuon nang maisipin ng prinsipe na lumabas ng kanyang silid upang tumungo sa halamanan at duon ay mag palipas ng oras. May ilang araw narin ang lumipas mula ng matanggap ng prinsipe ang gintong palamuti na nuoy ipinag kaloob sa kanya ng mahal na Hari. At mula pa nung araw na yon ay hindi pa siya nakakapag pasya ng maayos, dahil maraming mga bagay na bumabagabag sa kanya at isa na dito ay; Una, iniisip niya ang kanyang tiyuhin na si Haggan, sapagkat siya ang ikalawang anak ng Hari. Kaya naman, kung may taong dapat na iluklok ang Hari sa trono, ay walang iba kundi ang kanyang tiyuhin, subalit naging taliwas ang mga pangyayari at ito ang labis nyang pinag aalala sapagkat hindi niya maisip kung anu ang mararamdaman ng kanyang tiyuhin sa kanya. Pangalawa, nung mga sandaling makausap niya ang mahal na Hari ay may naramdaman syang kakaiba dito. Sapagkat bukod sa batid niyang malakas pa ang pangangatawan nito, ay nagugulumihanan din siya sa
"A-ako!?"Ang pagtatakang tugon ng tagapag-ingat. Nung mga sandaling yon ay napansin ng prinsipe ang biglang pagbabago ng reaksyon sa mukha ni Lady Gania.Tila ba namumula ang kanyang mga pisngi, napansin din niya ang pamumuo ng pawis sa mukha at mga kamay nito.Kaya naman, naisip ng prinsipe na maaaring nabigla ang tagapag-ingat sa itinanong niya kaya ganito ang reaksyon nito sa kanya.Ang totoo'y matagal na panahon na nga silang tatlo na mag kakasama, subalit ni minsan ay hindi nila nakita ni prinsessa Damina na nagkaroon na ng pagtatangi sa ginoo si Lady Gania. Kaya inisip ng prinsipe na ito nga ang dahilan kaya tila ba naiilang ang tagapag-ingat sa ganitong usapan. Kaya nga napatawa nalamang ang prinsipe dahil tila ba mali siya nang tinanungan, subalit napatingin naman sa kanya si Lady Gania kasabay ang pag tataka dahil sa pagtawa ng prinsipe."Ahhh...ba-bakit tila nata
Habang nakaupo sa isang silya ay naka dungaw ng bahagya sa durungawan nang kanyang silid ang prinsessa kung saan ay isang napaka aliwalas na kapaligiran ang pumupuno sa tanawing kanyang napagmamasdan. Nakaharap sa bundok ang durungawan ng prinsessa kaya naman walang dudang puro mga luntiang puno ang kanyang nakikita, sa kabila pa nitoy naririnig niya ang huni ng mga ibon na tila ba umaawit habang ang lamig naman na simoy ng hangin ay dumadampi sa kanyang mukha. Ang totooy hindi makapaniwala ang prinsessa dahil sa bilis ng takbo ng oras, iniisip niya na parang kanina lang ay kasama niya si Lady Gania na tumungo sa balon ng kahilingan. May ilang araw narin na tila hindi nila nakikita ang prinsipe. Kaya nga napuno siya ng panghihinayang dahil hindi man lang nila nakasama ang prinsipe na humiling sa balon, na samantalang dati ay mag kasama pa silang tatlo na tumatakas sa pag sasanay upang makatungo lamang sa balon, mag hagis ng pila
Sa paglisan ni Gatu, sakay sa kanyang kabayo. Ang kanyang puso’y puno ng kalungkutan at pag kabigo. Ang kanyang mga mata’y namumugto sa mga luha na hindi niya maaaring pigilan. Ang kanyang dibdib ay parang sasabog sa sama ng loob na kanyang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya binibigyan ng importansya ng kanyang amang Hari.Habang nag lalakbay siya, ang kanyang mga mata’y nag lilibot sa kanyang paligid. Ang mga puno at halaman ay parang nag bibigay sa kanya ng kahalumigmigan, ang mga ibon na nag liliparan sa kalangitan ay parang nag papahiwatig sa kanya ng isang matayog na pag-asa na hanggang ngayon ay pinang hahawakan niya, dahil isa lang naman ang nais niya at yon ay tanggapin siya ng kanyang Amang Hari. Ang kanyang damdamin ay puno ng kalungkutan at pag kabigo. Hindi naman niya hinahangad ang trono, ang nais niyay kahit isang araw man lang ay maiturin niya ang sarili na kasapi sa pamilya.Ilan pang sandali ay nakarating na nga si Gatu sa hangganan ng Viraga
KAHARIAN NG VIRGANIAAng paligsahan ng Virgania ay binubuo ng iilang pangkat. Una ay ang piling pangkat ng mga mandirigma na syang isinasanay mula pa sa pag kabata kung kayat maagang nahihiwalay ang mga anak na lalaki sa kanilang pamilya upang ihanda ang mga ito para mag lingkod at ipag tanggol ang kanilang bayan.Ikalawa ay ang mga pantas na maalam sa agham, sila ay ang mga nag-aaral sa mga buwan, bituin at araw upang mag matyag sa ipinapahiwatig ng kalangitan at nagbabasa ng mga panaginip, sila rin ang nag sasabi kung kailan darating ang tag-araw at tag-ulan, kung kailan ang tamang panahon ng pag tatanim at kung kailan naman hindi dapat mananim upang maiwasan ang pag kasira o pag katuyo ng mga ito at kung minsan ay ginagamit din itong hudyat sa pakikipag digmaan kung mananalo ba o silay malulupig ng kaaway. Ito ang dahilan kung bakit iginagalang ang mga pantas sa loob at labas ng palasyo dahil isa sila sa pinag kakatiwalaan ng Hari.Pangatlo ay ang pangkat ng sining at musika, sila
EMPERYO NG BABELONIA"Kamahalan.........." Ang nuoy malakas na sigaw ni manggani habang nag hahanap sa prinsessa.At habang paikot-ikot na nag hahanap ay nakarinig ito ng mabilis na yapak na nuoy gumagawa ng ingay dahil sa tuyong mga dahon na nakakalat sa paligid. Samantala, kasabay ng malakas na hangin ay ang matulin na pag bulosok ng pana mula sa kawalan kung saan ay natamaan nito ang isang malaking baboy ramo na nuoy nasa unahan lamang ni manggani dahilan para mapako ito sa kinatatayuan niya at manginig dahil sa takot.Sa kabilang banda ay isa namang babae ang lumabas, nakasuot ito ng damit at pang ibaba na yari sa balat ng hayop, habang ang panyapak nito ay gawa sa ibat-ibang mamahaling beads at tela na pinag halo rin sa balat ng hayop na nuoy umaabot hanggang sa kanyang tuhod.Nakatayo nuon ang isang maningkinitang babae habang hawak ang kanyang palaso, naka wayway ito ng kanyang buhok na sya namang sumasabay nang pag indayog sa ihip ng hangin. Nakasuot ito ng isang sambalilo na
KAHARIAN NG VIRGANIA"Sabihin nyo, nahanap na ba ang mahal na Reyna" Bungad na sabi nuon ng Hari habang nakaupo sa kanyang trono.May isang buwan narin nuon ang nakalipas at hanggang sa araw na yon ay wala paring nangyayari sa kaniyang pag papahanap. Kaya naman nag patawag ng pag pupulong nuon ang Hari sa unang bulwagan."Paumanhin kamahalan subalit sinuyod na po namin ang labas ng kaharian pati na ang hangganan nito subalit bigo po kaming mahanap ang reyna" Nakayukong pag-uulat nuon ng inatasan na mag hanap sa reyna."Ang lakas ng loob mong tumungo dito na wala karin namang magandang iuulat. Isa pa kung kakaunti lang kayong nag hahanap sa reyna ay tiyak na hindi nyo sya mahahanap." Pag didiin na sabi nuon ng prinsipeng si Haggan habang nakatuon sa lalaki.Napalingon naman non ang Hari sa kanyang tiyuhin, samantala bigla nuong bumukas ang tarangkahan ng bulwagan ng pumasok ang tagapag-ingat atsaka ito yumuko upang mag bigay ng pag galang."Kamahalan, paumanhin sa pang gagambala subalit
Kinabukasan ay magaagang nagising ang reyna kung saan ay nakita nya rin nuon na nag hahanda na ang pinuno at ilan sa mga tauhan nito. Matapos makapag agahan ay ibinilin ng pinuno sa ilang tauhan ang mga maiiwang bihag at pag katapos ay nag si pag handa na ito ng mga kagamitan.Ibinalot nuon ng reyna ang prisessa sa isang kulay puting tela na ipinagkaloob nuon ng pinuno, atsaka nag simula ito sa kanilang pag lalakbay pabalik sa lugar kung saan nila huling nakita nuon ang reyna. Ayon sa reyna ay anak siya ng isang mag sasaka at hindi niya batid kung paano siyang napunta sa lugar na iyon at kung sino ang dumukot sa kanila ito ang alibay na ginamit niya upang hindi malaman ng mga ito na isa siyang virgania.Dahil dito ay hindi rin naman nag dalawang isip pa na muling mag tanong ang pinunong si Igam at sa halip na usisain pa ito ay walang kibo nalamang nitong binaybay ang patungo sa hanggan.Gayunpaman, wala pa sila nuon sa kalagitaan ng bigla naman silang harangin ng mga murawi na nuoy na
Matapos makapag pahinga ay muling inalalayan ng reyna ang pinuno habang binabaybay ang daan patungo sa pook ng mga Bagantok ito ay ang lugar kung saan namamalagi ang mga Babaylan ng Emperyong Babelonia.Sa loob ng isang talon ay may maliit na kweba kung saan naroon ang mga bihag pati na ang kanang kamay na pinuno na si Gatyong. At ito ay malapit lamang sa palasyo ng emperador na si Na-am na nuoy may sampung taon ng namumuno sa bayan ng Babelonia matapos mamatay ang kanyang ama.Kilala nuon ang Babelonia sa isa sa may pinaka malawak na pagawaan ng ibat-ibang uri ng tela at mamahaling mga palamuti na kung saan ay nakikipag kalakalan ito sa iba't-ibang bansa.Nang makapasok sa loob ang reyna habang inaalalayan ang pinuno na nuoy pilit na kinakaya ang kanyang katawan ay agad namang sumalubong si Gatyong upang tulungan ang kanyang pinuno at malapit sa ginawa nilang apoy ay duon nila pinaupo ang lalaki.Sa kabilang banda naman ay agad na ginamot ng kanilang tauhan ang sugat na nuoy natamo ng
Sumapit na noon ang tanghaling tapat kaya naman muling tumungo ang pinuno ng mga bandido sa loob ng kubol upang dalhan ng panang halian ang babae subalit ng makapasok sa loob ay nakita niya itong nakaupo't nakahilig ito habang natutulog.Inilapag ng lalaki ang dala-dala niyang bashada na may pagkain sa isang bakanteng upuan atsaka marahan nya itong hinawakan sa kamay upang sanay ipahiga ito sa higaan ng sa ganun ay maging maayos itong makapag pahinga. Subalit bago pa niya ito na gawa ay nagising na ang reyna."Ah-anong ginagawa mo?" Ang nag tatakang tanong reyna nung sandaling maimulat niya ang kanyang mga mata at nakitang hawak-hawak siya ng lalaki.Napabuntong hininga nuon ang lalaki atsaka siya bumitaw sa pag kakahawak sa kamay ng reyna. Pag katapos ay tumungo siya sa maliit na mesa at duon kinuha ang bashada ng pagkain atsaka ito inilapag sa higaan."Kumain ka!" Pag uutos atsaka ito umakma ng alis."Sandali lang" Pag pipigil nito sa habang kapit ang maliit na tela ng damit ng l
Mula sa hangganan ng babelonia ay nagising nuon ang reyna dahil sa yapak na mula sa lagaslas ng mga putol na sanga ng kahoy."Sandali, hindi bat napaka ganda niya! sa tingin koy maaari natin siyang ipagbili"Ang usapan na narinig ng reyna na tila ba napakalapit lamang sa kanila, kaya nga nuong mga sandaling iyon ay naimulat niya ang kanyang mga mata at labis ang pag kagulat niya ng makitang napapalibutan na pala siya ng mga kalalakihan na tila ba mga tulisan. Kaya naman, agad siyang bumangon at binuhat ang prinsessa."O kaya naman maari rin natin siyang..."Ang sabi pa ng isang lalaki habang tangan ang pag nanasa sa kanyang mga mata ng bigla naman siyang sipain ng isa pang lalaki dahilan para matumba ito at masubsob sa lupa."Tandaan ninyong mga mag nanakaw lang tayo na nangangalakal ng mga tao subalit hindi tayo nang hahalay ng kababaihan o pumapatay at nananakit ng mga walang muwang."Ang sabi naman nito kasabay ng pag tingin sa reyna at sa sanggol. Nung mga sandaling iyon ay tila b
Matapos nuon na makipag-usap ni Lady Gania sa hari ay agad itong tumungo sa kanyang silid"Lady gania nariyan po at nag hihintay sa inyong silid ang prinsipeng si Hagan" Napatigil nuon ang tagapag-ingat, huminga ito ng malalim atsaka nito marahan na pinunasan ang kanyang luha bago tuluyang makapasok sa loob.Mula sa may tarangkahan ng kanyang silid ay natanaw agad niya ang prinsipe na nuoy nakaupo sa tabureteng nakaharap sa kanyang durungawan."Ano't naririto ka prinsipe Hagan?"Bungad nuon ng tagapag-ingat habang ikinukubli sa seryong imahe ang kanyang mukha upang maitago ang labis na pag daramdam nito. Gayunpaman, kahit hindi siya mag salita ay nasasalamin ito ng prinsipe sapagkat alam nito ang lalim ng pagtatangi ng puso ng tagapag-ingat kaya't hindi ito maitatago sakanya."Napadaan lamang ako upang iulat sa iyo na nabigo tayong mahuli ang reyna, sapagkat nagawa nitong matakasan ang aking mga tauhan at makalabas ng virgania."Ang walang patumpik-tumpik na ulat ng prinsipe sa taga