Nagpalit siya ng damit, balot na balot ang katawan niya ng itim na leggings at itim na hody jacket.
Sa takot na matagpuan siya ng kaniyang tiyuhin. Pinuntahan ni Marga ang bahay ng matalik niyang kaibigan na si Xyriel upang humingi ng tulong sa kasamaang palad, Wala ang buong pamilya nito. Nagwidraw siya ng pera, sapat para pamasahe at pangkain siya. Sumakay siya ng bus na hindi alam kung saan patungo. Walang tigil sa pagluha ang kaniyang mga mata sa tuwing naalala ang masalimuot na sinapit . Her husband divorced her. Her cousin will replace her on her position being Lance Javier's wife. Her family abandoned her and worst, her own Uncle sexually molested her! Nanginginig ang buong katawan niya nang bumalik sa kaniya ang ginawa nito, nanginginig siya. Pinagtitinginan siya ng ibang pasahero ng bus, may isang Ali na lumapit sa kaniya at binigyan siya ng tubig. Nang kumalma ay nagpasalamat siya dito. Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang sumakay ng bus, basta nasa isip niya ay makalayo sa lahat ng nanakita sa kaniya. Ilang oras ang itinagal niya bus hangang sa huminto ito at bumaba ang mga pasahero. Wala pa rin siyang balak na bumaba, hindi niya sigurado kung sa lugar na 'to, ligtas na siya mula sa sarili niyang tiyuhin. “Miss, hindi ka ba bababa?” Tanong ng conductor ng bus. “A-Anong lugar ho ito?” Niyakap niya ang sarili sa iisipin na mayroon itong gawin sa kaniya lalo pa't silang dalawa lang ang nasa loob ng bus. Kung ang sarili niya ngang dugo ay pinagtangkaan siyang gahasain, ibang tao pa kaya? “Napasarap siguro ang tulog mo kaya hindi mo naalala na ang sinakyan mong bus ay papunta Baguio.” Bumaba siya at sumalubong sa kaniya ang malamig na simoy ng Baguio. Maganda ang panahon pero ramdam ang lamig kaya hindi maiwasang yakapin ni Marga ang sarili. Napadaan siya sa isang withdrawal machine at muli niyang sinubukan na mag withdraw, hindi na siya nagtaka na nakablock na ang kaniyang account. Huminga siya ng malalim dahil sasapat naman para sa isang buwan ang pera na winidraw niya kanina. Pang-upa ng matitirahan at pang-kain. Naghahanap siya ng murang matitirahan pero bigo siya, lahat nang taong pumupunta dito ay hotel ang tinutuloyan o kaya't merong kaanak. Wala siyang kakilala dito at wala rin siyang alam na ibang mapupuntahan. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang naglalakad hangang sa matagpuan niya ang isang maliit na kainan. Nabuhayan pa siya nang makita na naghahanap ng waitress. Pumasok siya sa loob at bumungad sa kaniya ang isang Ginang, nagpupunas ng mesa na sa tingin niya ito ang may-ari. “Magandang araw ho...” Kuha niya ng atensyon nito. “Magandang araw naman. Kakain ka ba o hindi?” Sa boses nito ay halata ang pagiging prangka at strikta. “Opo... Nakita ko rin na naghahanap kayo ng waitress— “May alam ka ba sa kusina?” “Opo!” Iyon ang kinalakihan niyang parte ng bahay, ang magluto. Tiningnan siya nito mula ulo hangang paa. “Naglayas? Nagtatago? May tinatakasan? Wala akong paki-alam kung ano ang pinanggagalingan mo basta masinop at masipag ka sa trabaho, tatanggapin kita.” “Maliit lang itong shop ko kaya huwag kang umasa ng mataas na sahod. Ayoko ng palpak at tatanga-tanga, bawat mali kaltas sa sweldo!Lwede ka nang magsimula bukas! Kung hindi mo gusto ang patakaran, lumayas ka na.” Deritsahang sabi nito habang inihanda ang pagkain ko. “Tawagin mo akong Madam Pilipang.” Tinaasan siya nito ng isang kilay. “Marga ho.” Pakilala niya. “May isa pa ho akong problema, Madam Pilipang.” Pabagsak nitong nilagay sa mesa ang baso na may lamang tubig. “Pwes problema mo na 'yon!” Kung sa pagiging masungit nito at prangka higit na mas maayos naman kaysa sa Auntie Sonya niya. Hindi makakaila na mabait ang nasa likod nang masungit nitong awra. Wala itong alam na pwede niyang matuluyan. Pinagbigyan siya nito na gawing tuluyan ang shop sa gabi bagay na pabor kay Madam Pilipipang dahil may magbabantay sa shop. Libre na 'yong pagtulog niya sa shop, pabor naman kay Marga basta may matutuluyan siya. Isang buwan na ang pananatili niya sa Baguio. Sa gabi ay walang tigil sa pagluha ang kaniyang mga mata, gabi-gabi siyang minumulto ng kawalang-hiyaan na ginawa sa kaniya ng sariling tiyuhin. Hindi lang sa sakit nang paghihiwalay nila ni Lance ang dinaramdam niya kundi sa takot na makita siya ng Uncle Arthuro. Kilala niya ito, makapangyarihan ito at kaya nitong magbayad ng tao na hanapin siya. Gagawin nito ang bagay na gusto nitong gawin sa kaniya. Sa bawat araw na lumilipas minamahal niya ang kaniyang trabaho, hindi lang dahil sa madami siyang nakakasalamuha kundi may natutunan siyang mga luto mula kay Madam Pilipipang. Akala niya'y simple at hindi kapansin-pansin ang kainan nito ngunit laging gulat niya na dinudumog ito ng turista. Isang araw, nagising si Marga na hinahalukay ang kaniyang sikmura, dali-dali siyang nagtungo sa banyo at nagsusuka sa toilet bowl. Hinang-hina siya sa kakasuka nang puro laway at pinagpapawisan siya ng malamig. “Ano bang nangyayari sa'yong babae ka ah? Kanina ko pa napapansin na matamlay at masama ang timpla ng mukha mo! Madaming costumer oy!” Nagulat siya sa biglaang pagsulpot ni Madam Pilipipang sa kaniyang likuran at iritable ito sa kaniya dahil kanina pa siya pabalik-balik sa banyo. Nang matapos ang trabaho, lumabas siya upang bumili ng gamot sa malapit na drug store. Nahagip ng mata niya ang pregnancy test, hinawakan niya ito sa iisipin na hangang ngayon ay hindi pa rin siyang dinadatnan at iba ang kaniyang pakiramdam. Bumili siya ng pregnancy test at agad na sinagawa ang test nang makabalik sa shop na tinutuloyan niya. Kinakabahan siya sa magiging resulta, hindi niya alam kung ano ang gagawin lalo pa't, walang-wala siya kahit maayos na matutuluyan. Isang buwan na siyang nagtitiis na natutulog sa lapag ng shop: sapin ang pinagtagpi-tagping karton. Ang kaniyang maleta ang magsisilbing unan, ang tuwalya na nagsisilbing kumot sa gabi. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang pregnancy test ng lumabas na ang resulta. Sunod-sunod na tumulo ang kaniyang luha ng makita ang dalawang guhit: positive! “I-I'm pregnant . . .” Lance Javier.Kinabukasan ay nagtungo siya sa pinakamalapit na clinic, gusto niyang masiguro kung tama ang resulta ng pregnancy test dahil may pagkakataon rin na magkamali ito.Isang gabi lang na may nangyari sa kanila ni Lance, hindi imposible na mabuntis siya lalo pa't fertile siya. Hindi rin siya uminom ng contraceptive pill. Kinakabahan pa rin siya habang hinihintay ang doktora na tumingin sa kaniya. Kahit alam niya na may munting anghel na nabubuo sa kaniyang sinapupunan ay hindi niya pa rin maiwasang ma-excite na marinig ang balita ng doctor.“Doctora, kamusta ho? Buntis po ba ako?” Hindi na siya makapaghintay na sabihin ng doctor ang resulta.Ngumiti ito. “Seems you already know, Mrs. Congratulations, you are 4 weeks pregnant.”“Talaga, Doctora? As in... Totoo na magkaka-anak na ako?”“Yes!”Matapos makompirma at magpasalamat sa doctor na sumuri sa kaniya ay bumalik na siya sa shop. “Baby, masaya ako na nariyan ka. Hindi na ako nag-iisa! Pangako, aalagaan kita at mamahalin ng sobra-sobra!
Labis-labis ang pag-aalala ni Giovanni nang mawalan ng malay si Marga. Gamit ang sariling lakas ay binuhat niya ang dalaga at dinala sa pinakamalapit na hospital.“I'm sorry, Let's move the meeting tomorrow? I'd it's okay, Mr. Montenegro,” Mahalaga ang negosyo kay Giovanni ngunit mas mahalaga ang buhay ng anak niya.Mabuti na lang at naruon sila sa lugar na 'yon, kung saan ipinakita ni Mr. Montenegro ang proseso sa paggawa ng negosyo.“I want later.” Malamig na anito at tumalikod na. Bumuntong hininga si Giovanni dahil masyadong seryoso ang binata pagdating sa negosyo.Labis-labis ang pag-aalala niya sa anak, mas lalong namuo ang galit sa dibdib niya nang malaman na nagdadalang-tao. Iniisip niya pa lang kung sino ang maaaring ama ng dinadala nito, makakapatay siya!Balisang bumangon si Marga nang magkaroon ng malay. Bumungad sa kaniya ang maaliwasan sa matang silid at nakahiga siya sa malambot na kama.“Thank god, gising ka na.” Nakahinga ng maluwag si Giovanni ng makitang gising na i
Ilang oras ang ginugol ni Marga sa harap ng laptop ng kaniyang ama habang paulit-ulit na naghahanap ng ‘Zarchx Javier’ ay walang resulta ngunit sandamakmak na larawan ng kapatid ni Lance ang lumabas ng ‘Zarchx Montenegro’ ang inilagay sa search bar. Hindi siya pwedeng magkamali dahil ang larawan ng lalaking 'yon ang palaging iniiyakan ng dating byanan. “Hija, anong ginagawa mo?” Hunalukipkip si Marga at itinabi ang laptop ng ama na pinakiaalaman niya. “Pasensya na ho, may gusto lang akong linawin.” “Hindi sa internet ang kasagutan, sa akin mo makukuha ang totoong kasagutan.” Umupo ito sa paanan ng kama. “Sigurado po ako na si Zarchx Montenegro ang kapatid ng dati kong asawa! Siya 'yong nasa larawan na palaging iniiyakan ng dati kong byanan. Paano siya naging Montenegro? Hindi ba dapat Javier siya?” “Tama ka pero, may mali sa iniisip mo.” Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Marga. Sa dalawang taong pagsasama nila ni Lance, napagtanto niya na hindi niya nga ito lubusang ki
***FIVE YEARS LATER*** “It's a good opportunity for you to expand your business, Miscy. ‘Mazervy Miscygaille Restaurant’ is a top one best here in Thailand, what's more in other countries?” “Yeah, exactly Tito! I have told her same what you said. ‘Di ba kasi, kung dito sa Thailand minamahal ng dayuhan ang lutong pinoy. Ngayon, mas palawigin pa natin ang pagdayo ng lutong pinoy sa iba't-ibang bansa. Para saan pa at meron tayong mysterious, magic-hand chef?” Segunda naman ni Xyriel sa kaniyang Ama na si Giovanni. Ilang linggo niya ng pinag-iisipan ang mga sinabi sa kaniya ni Xyriel, matalik niya itong kaibigan na ngayon ay business partners rin sa negosyo. Miscy Silvestre, isang chef at nagmamay-ari ng pinakasikat na restaurant sa Thailand, mayroon rin itong branch sa Canada, England at Pilipinas. Gusto ni Xyriel na palawakin pa ang branch sa Pilipinas. Sa kabila ng kasikatan ng restaurant ay nanatiling sikreto ang pagkatao niya, sometimes she called ‘Mysterious chef’ other name he
‘This is it... Miscy! You're strong enough to face everyone.’ Her mind told her. Huminga ng malalim si Miscy ng muling malanghap ang amoy ng Pilipinas. Kakababa pa lang nila ng eroplano. Hawak-hawak niya ang kamay ng anak at hila ang kaniyang luggage. Habang nakasunod sa kanila si Xyriel na naghihila ng luggage nito at ni Kitty. “Mama, I'm hungry na po.” Tipid na ngumiti si Kitty. “Okay, we'll eat first before we go home.” Pinisil ni Miscy ang cute nitong pisngi. “Which home, Mama?” Hindi maiwasang magtanong ni Kitty, umaasa siya na dadalhin siya ng kaniyang Mama sa bahay ng Lolo Crissanto o kaya sa puntod ng Daddy niya. “Malayo pa ang mansion dito ni Papa Gio eh, kaya sa condo namin ni Ninang Xy mo tayo tutuloy. Malapit lang din ang place sa business ni Mama, okay ba 'yon sa'yo?” Kitty nodded with a smile. She doesn't want to give her Mama a headache and she doesn't want her Mama to get stress in travelling, so, she will understand her because Mama doing everything for her
Habang nasa loob ng cubicle si Kitty, narinig niya ang dabog ng boses ng batang babae mula sa loob ng ladies room. Sa rinig niya'y mukhang nadumihan ang dami nito. Lumabas siya at lumapit sa sink upang maghugas ng kamay. Tinabihan niya ang batang babae na sa tingin niya ay kasing-edad niya lang dahil pareho ang kanilang tangkad, kung hindi ito nakasuot ng may takon na boots. Nang tingnan ang sarili sa salamin, agad na nanlaki ang mata ni Kitty dahil mukha niya pa rin ng nakikita sa reflection ng bata ngunit ibang damit. Gulat na gulat din si Hailey, napahawak pa siya sa kaniyang dibdib nang makita ang mukha sa reflection ng isang bata. Hinarap nila ang isa't-isa at para silang nananalamin ngunit sa magkaibang kasuotan. Mas lalo silang nagulat at parehong sumigaw. Sa isip ni Kitty, minumulto siya ng kakambal habang sa isip naman ni Hailey ay doppelganger niya tulad nang napanuod niya sa mga supernatural dramas! “Ghosst!” “Freaaak!” Pumuno ng matinis na tili ng kambal ang buong
“I'm sorry, Sweety. Mama will cook for you, do you want to eat something while waiting?” Pinisil ni Miscy ang pisngi nito. “I'm fine, Mo—Mama! I would like to taste your cook! Oh my... I miss you so much, Mama!” Nagtaka si Miscy ng marinig ang matinis at bibo nitong boses at may pagkasuplada pa ang datingan, kahit ganu'n ay natutuwa siya dito. Yumakap sa kaniya si Kitty at para bang ilang taon silang hindi nagkita kung makayakap. Nagtataka rin siya dahil parang ngayon lang nito matitikman ang luto niya na palagi niya na paborito nga nito ang luto niya. “Asus, tumagal ka lang sa banyo kanina naging ganiyan ka na. I still love your demure and soft attitude, Sweety, but this is not bad. I love you...” Gustong maglupasay ni Hailey na nagpapanggap na si Kitty dahil narinig niyang mahal siya nang ina pero nang mapagtanto na para iyon kay Kitty ay nalulungkot siya. ‘Mommy, this is me! Your beautiful daughter you thought was dead!’ Hailey's mind. Pagkatapos magluto, kumain silang mag-i
Kahit gustong iligpit ni Lance ang madaldal niyang butler hindi niya ginawa dahil may point ang sinabi nito at tama lang ang ginawa nitong inilayo si Hailey bago pa makita ng dating asawa. “Didn't I tell you, you did the right thing to do?” His in calm but still burning in anger. Takot na takot itong nakatayo sa harapan niya, na anumang oras ay tatakbo ulit ito palabas ng opisina niya. “Ahe... Yes, Boss.” Alinlangan sagot ni Mason dahil hindi niya akala na ganito kabilis na magbago ang ugali ng boss. ‘Ito ba talaga ang epekto sa kaniya ni Miss Marga?’ In Mason's mind. Nasabi na ni Lance kay Mason ang naging pag-uusap nila ni Marga ngunit hindi na ito ang Marga Quisora na nakilala niya. Ito na ngayon si Mrs. Miscy Silvestre! Mas lalo siyang nakaramdam ng galit dito dahil sa pagkikita nila, alam nito na may anak silang iniwan sa kaniya ay hindi man lang nagawang kamustahin! Ganu'n ba ito ka walang pakialam sa anak nila o sadyang isa itong babae na kumakapit sa mga mayamang lalaki