Share

LANCE JAVIER 3

Kinabukasan ay nagtungo siya sa pinakamalapit na clinic, gusto niyang masiguro kung tama ang resulta ng pregnancy test dahil may pagkakataon rin na magkamali ito.

Isang gabi lang na may nangyari sa kanila ni Lance, hindi imposible na mabuntis siya lalo pa't fertile siya. Hindi rin siya uminom ng contraceptive pill.

Kinakabahan pa rin siya habang hinihintay ang doktora na tumingin sa kaniya. Kahit alam niya na may munting anghel na nabubuo sa kaniyang sinapupunan ay hindi niya pa rin maiwasang ma-excite na marinig ang balita ng doctor.

“Doctora, kamusta ho? Buntis po ba ako?” Hindi na siya makapaghintay na sabihin ng doctor ang resulta.

Ngumiti ito. “Seems you already know, Mrs. Congratulations, you are 4 weeks pregnant.”

“Talaga, Doctora? As in... Totoo na magkaka-anak na ako?”

“Yes!”

Matapos makompirma at magpasalamat sa doctor na sumuri sa kaniya ay bumalik na siya sa shop.

“Baby, masaya ako na nariyan ka. Hindi na ako nag-iisa! Pangako, aalagaan kita at mamahalin ng sobra-sobra! Kumapit ka nang mabuti kay Mama, magiging maayos din ang lahat, mahal ko...”

Masaya siya na malamang nagbunga ang pagmamahal niya kay Lance, hindi man siya nito mahal. Binigyan naman siya ng regalong magpapa-alala sa dating asawa.

Gagawin niya ang lahat mapalaki lang ito nang maayos, maibigay ang pangangailangan at tahimik na buhay na silang dalawa lang.

Hindi niya rin maiwasang malungkot lalo pa't hindi komportable ang kaniyang buhay. Hindi niya pa alam kung paano sisimulan ang kaniyang panibagong buhay. Natatakot siya na hindi niya ito mabigyan ng magandang kinabukasan lalo pa't walang-wala siya.

“Madam Pilipang...” Bulaslas ni Marga nang makita ang Ginang na ginugulpi nang mga lalaking nakaitim. Sa tingin niya niluoban ang shop nito ang ninanakawan ang Ginang.

“Madam Pilipang!” Tinakbo niya ang pagitan nila nang ginang ngunit ilang metro ang layo nang matigilan siya ng makilala na mga bodyguard ito nang tiyuhin niya, si Semon!

“Umalis ka na, Marga! Tumakas ka na!” Kahit hinang-hina ito ay pinilit nitong sumigaw.

Nanginginig ang buong katawan sa takot. Ang lakas ng kabog sa kaniyang dibdib. Iniisip niya pa lang na dudukutin siya ng mga ito, makuha ng Uncle Arthuro ang gusto siya kaniya ay nasa panganib ang buhay ng baby niya.

“Hulihin niyo siya! Huwag nitong hahayaang makatakas!” Malakas na sigaw ni Semon na head security ng Uncle Arthuro niya.

Umiiyak na tiningnan niya si Madam Pilipang, nangungusap ang mga mata nitong iligitas niya ang sarili, hindi niya maiwasang malungkot dahil nadamay ang isang Ginang sa problema niya. Strikta at prangka man ito: ito ang naging kanlungan niya.

Bago pa man makalapit sa kaniya ang mga nakaitim na lalaki ay agad siyang tumakbo palayo dito. Hindi pa siya nakakalayo ng marinig niya ang putok ng baril, nilingon niya si Madam Pilipang na tinadtad ng bala.

“Madam Pilipang!” Humagulhol si Marga, gustuhin niya man itong lapitan pero taliwas ang takbo ng paa niya.

Namatay si Madam Pilipang dahil sa kaniya!

Mabilis na pagtakbo ang ginawa niya, papunta siya sa mall. Madaming tao ang naruron na sobrang nagtataka sa kinikilos niya. Pilit siyang pumunta sa madaming tao upang hindi siya mabilis na mahanap ng mga ito.

Nasa ikalawang palapag na siya ng makita ang mga lalaki sa ibaba at tila nagpa-plano na halughogin ang buong mall.

Pumasok siya sa isang cinehan na punong-puno ng mga tao. Pinagtitinginan siya ng mga ito pero patuloy siya sa paghahanap ng napagtataguan o kaya nang exit na makalayo siya sa loob.

“Walang kikilos!” Umalingangaw ang boses si Semon at nagpaputok ito ng baril.

Nagkagulo ang mga tao at parang alon na nag-uunahan na lumabas ng cinehan. Napako naman si Marga sa kaniyang kinatatayuan dahil hindi siya pwedeng lumabas sa entrance dahil doon nag-aabang ang mga armadong lalaki.

Nakita niya ang pinto na may nakasulat na exit, tinungo niya ito upang makatakas ngunit isang pagkakamali ang ginawa niya dahil kitang-kita ng mga ito ang pigura niya.

“Miss Marga, bumalik ka dito!”

“Huwag ka nang tumakbo!”

“Pinapasundo ka lang ng Uncle Art mo!”

Animo'y nakikipagkarera si Marga kay Semon dahil mabilis siyang tumatakbo at habol-habol siya nito.

“Ayoko! Hindi na ako babalik doon! Pabayaan niyo na ako!”

Iniisip niya pa lang na mamaltratuhin siya ng tiyahin at pagsasamantalahan ng tiyuhin. Mas gugustuhin niya na lang mamatay na tumatakas sa kanila.

Nahuli siya nito pero agad niya itong tinadyakan sa pagkalalaki, mabilis na tinungo ang palabas nang mall.

Ang layo na nang tinakbo niya. Napunta siya sa isang madilim na iskinita na hindi napapasukan ng liwanag dahil sa mga naglalakihang mga gusali. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa, ang gusto niya lang makalayo sa panganib.

“Oh my god . . .” Natigilan siya sa pagtakbo ng makasalubong ang mga lalaking nakaitim.

Tagaktak ang pawis niya, habol ang hininga at pagod na pagod sa ginawang pagtakbo.

“God.” Nanghihina ang mga tuhod niya at nanginginig. Tatakbo siya pabalik nang nakasunod sa kaniya sina Semon.

Pilit siyang kumakawala sa mga ito pero walang ibang daan para makalabas. Umiiyak na siya sa takot, hindi lang para sa sarili niya kundi para sa walang kamuwang-muwang na sanggol sa sinapupunan niya.

“Baby... I'm sorry,” Hingi niya nang paumanhin sa kaniyang anghel. Hindi niya ito magawang protektahan pero sinubukan niya naman.

“Putang Ina si Montenegro!” Sigaw ni Semon at walang sabi-sabing pinagbabaril ang nasa kabilang panig.

Mabilis na napayuko si Marga at sumiksik sa gilid habang humihiyaw sa takot sa samu't saring putok ng baril na nagsasagutan.

Halos labing-minuto ang sagutan ng putok ng baril bago ito tuluyang humupa. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Marga at nakita niyang duguan ang mga tauhan ng tiyuhin niya, nakahandusay sa kalye at walang buhay.

Hindi nakaligtas sa mata niya ang pagtakas ni Semon.

“Miss! Miss, your shaking, are you okay?”

Takot na takot na lumayo si Marga sa lalaking lumapit sa kaniya. Hindi niya alam kung paano ito iiwasan lalo pa't wala na siyang lakas na tumakbo. She's crying aloud like a little girl who was missing on the street.

Hindi niya ito sinubukang tingnan pero nang marinig itong muling nagsalita ay nag-angat siya ng tingin dito.

“Don't be scared you're safe.”

Ngayon niya lang napagtanto na ang mga lalaking nakasalubong niya ay hindi kasama ni Semon. Nakatitig siya sa gwapong binata sa kaniyang harapan pero agad itong nalipat sa lalaking nasa likod nitong, sa tantsya niya nasa middle 40's na ito.

Habang nakatitig sa lalaki ay hindi niya maiwasang makaramdam nang kakaiba, kilalang-kilala ito ng puso niya.

“Marga Quisora?” Paos na anito at dahan-dahang lumuhod sa harapan niya.

Nagulat siya dahil kilala siya nito ngunit mas ikinagulat niya sa sunod nitong sinabi, tumulo ang kaniyang luha.

“Are you a daughter of Margareta Quisora?”

She nodded. “S-Sino ka?”

Idinipa nito ang mga braso, animo'y nasasabik na yakapin siya. Namumula ang mga mata na may luhang nagbabadyang tumulo at tuluyan nang umagos ang luha nang sambitin nito ang hindi niya inaasahang salita.

“Giovanni Silvestre, I’m your father . . .”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status