Third Person's POV
"Mommy! Mommy!"
Nagising si Trixie sa malakas na sigaw ng kanyang anak. Dali-dali siyang bumangon dahil sa pag-aalala. Anong nangyari kay Marga?
"Marga? Anak?!" Tumakbo siya papunta sa pinagmumulan ng sigaw. Nang makarating siya sa sala ay nabungaran niya doon ang anak na may kausap sa labas.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang lalaking nakasuot ng hapit na hapit na itim na sando. Short na itim at saka rubber shoes naman sa pang-ibaba, may hawak din itong sports bag.
Sabay silang napalingon kay Trixie.
"Anong ginagawa mo dito, Derrick?" tanong niya at saka lumapit sa kanila.
"I'm going to gym, sumama ka sa 'kin."
"Huh. At bakit ko naman gagawin 'yon? Secretary ang in-apply-an ko hindi pagiging katulong."
"Well, kapag hindi ka sumunod sa sinasabi ko, ba
Third Person's POV"Hoy! Kanina ka pa tulala d'yan," saad ni Dara sa kaibigan.Bumisita ito sa apartment ni Trixie tutal ay Linggo naman. Kanina pa din malalim ang iniisip ng babae. Hindi mawala sa isip niya ang napanood sa TV."Dara, may ideya ka bang pinapahanap ako ni Papa?"Natigilan si Dara sa ginagawa at napalingon sa kaibigan."Anong ibig mong sabihin?" Naupo ito sa tabi ng kaibigan. Nagpakawala ng buntong-hininga ang babae."Kahapon, napanood ko sa balita. Hinahanap na 'ko ni Papa at Tita Martha. Dara, ayaw ko nang bumalik sa kanila. Ayaw ko na." Mahigpit ang kapit nito sa palad ng kaibigan.Hinaplos naman ni Dara ang buhok nito at pilit niyang pinapakalma."Shh… 'wag kang mag-isip ng gan'yan. Wala naman silang alam na nandito kayo ngayon. Ang tamang bagay siguro na gawin ay ang magdasal
Third Person's POV Paikot-ikot sa higaan si Trixie. Kalagitnaan na ng gabi pero hindi pa din siya makatulog. Hindi maalis sa isipan niya ang sinabi ni Derrick kanina habang nasa rooftop silang dalawa. Akala niya'y nagbibiro lamang ito ngunit mukhang seryoso nga. "Argh! Bakit mo ba 'ko ginaganito?" bulong niya sa hangin. Biglang nag-vibrate ang cellphone niya mula sa side table. Pagkakuha niya no'n ay namilog ang mga mata niya at mabilis na napabangon. From: Sir Derrick Still awake? Mukhang gising pa nga ang binata at hindi din makatulog. Kanina pa kasi nito iniisip ang nasabi niya sa sekretarya. Hindi niya din alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Kaagad na nagtipa si Trixie ng reply at mabilis na sinend. To: Sir Derrick Yeah. Ikaw? Bakit gisi
Third Person's POVUnti-unting minulat ni Trixie ang mga mata at kaagad na bumungad sa kanya ang puting kisame. Binaling niya ang tingin sa taong nakaupo sa couch na nasa tabi ng kanyang hinihigaan. Si Derrick ito habang nagbabasa sa magazine."Nasa'n ako?"Kaagad na napunta ang atensyon sa kanya ng binata at mabilis na napatayo upang lapitan siya."You're in the hospital. Nawalan ka ng malay kanina. Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo?"Ospital? Anong ginagawa niya sa ospital?Ilang saglit pa'y nabuo sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Si Rachelle ang dahilan kung bakit siya ngayon nandito ngunit totoo ba 'tong nakikita niyang si Derrick ang kasama niya? Ibig sabihin ay ang binatang ito ang nagdala sa kanya sa ospital? Muli ay iniligtas na naman siya nito."I-I'm okay, medyo nahihilo lang. Anong or
Third Person's POV Ito na siguro ang pinaka masayang birthday celebration ni Marga. Napaka daming tourist spots ang nais nilang bisitahin ngayong araw pagkagising pa lamang. "Saan ang punta natin?" tanong ni Trixie habang nagkakabit ng seatbelt. "I'm thinking of Fort Pilar. May museum do'n, baka magustuhan niyo. They say that Fort Pilar, is a 17th-century military defense fortress built by the Spanish colonial government here in Zamboanga." Tumango-tango ang babae habang unti-unti nang umaandar ang kanilang sasakyan. Simple lamang ang suot niyang column dress na light red at saka sandals na pula. Si Marga naman ay nakasuot ng jumper at si Derrick ay nakasuot ng reap jeans, black polo na short sleeves, at saka itim na sapatos. Ilang minuto din ang binyahe nila mula sa hotel papunta sa Fort Pilar. Pagbaba pa lamang nila ng sasakyan ay kitang-kita na mula sa
Third Person's POV"We're here," wika ni Derrick at inayos ang suot na t-shirt. Tinanggal niya ang salamin at saka isinabit sa damit.Nakatayo silang tatlo ngayon sa harap ng isang lumang bahay. Wala itong ikalawang palapag at nangingitim na ang pader na gawa sa kahoy. Maging ang bakod ay nilulumot na at ang gate ay kinakalawang na din. Halatang napaglipasan na din ng panahon."Sigurado ka bang dito pa din sila nakatira?" tanong ni Trixie. Hawak niya ang kamay ni Marga na abala sa pagkain ng surbetes.Tumango ang binata at saka naunang pumasok sa gate na wala ng kandado. Sumunod na sa kanya ang mag-ina. Inilibot ni Trixie ang paningin sa kabuuan ng bakuran, lanta na ang mga halaman dito at matataas na ang damo sa gilid ng bakod. Nagkalat din ang mga tuyong dahon sa lupa na nagmula sa patay na puno ng kaymito.Kumatok si Derrick sa kahoy na pinto. Dalawang beses niya iyon
Third Person's POV"Mommy, kailan po tayo babalik dito?" tanong ni Marga habang naglalakad na sila ng ina palabas ng hotel.Ngayon ang huling araw nila sa Zamboanga. Naghihintay na sa baba ang van na sasakyan nila pabalik sa Maynila."Hindi ko pa alam, anak. Pero babalik tayo, 'wag kang mag-alala." Pinisil niya ang baba ni Marga at nagpatuloy na sila sa paglalakad.Kaagad na tumakbo ang bata kay Derrick nang malapit na sila sa entrance. Nakasuot siya ngayon ng t-shirt na blue at pantalon na itim. Dumagdag pa sa kagwapuhan niya ngayon ang suot na itim na sumbrero at salamin."Daddy!""Hey! Ready to leave?" wika ng binata at kinarga si Marga. Bahagya siyang natawa nang umiling ito. Mukhang ayaw pa nga niyang umalis."Don't worry, we'll be back here again. And when it happens, kasal na kami ng mommy mo.""
Third Person's POV"W-what are you talking about? She-she's not your daughter!" bulyaw ni Derrick at nagtatangis na ang mga ngipin sa galit."Yes she is, right Trixie?" Ngumiti pa ang matanda sa babae na hindi man lang makatingin sa kanya.Humarap si Derrick kay Trixie at hinawakan ang magkabilang balikat nito."Trixie, tell me he's not your father. Tell me he's not!""Enough!" Napatayo na si Lucas mula sa kinauupuan at naglakad patungo sa direksyon nila."Trixie is a Sandoval, Derrick. That's the truth," wika nito.Ngunit hindi pa din binibitawan ng binata ang balikat ng sekretarya. Tila nagbibingi-bingihan ito sa sinasabi ng ama at pinagdadasal na sabihin ng babae na hindi ito ang kanyang ama. Umaasa siya sa isasagot nito ngunit wala siyang tugon na natanggap. Bumagsak ang balikat niya at tuluyan nang lumuwag ang pa
Third Person's POVNakatayo si Derrick sa pintuan na naghahati sa sala at bakuran habang sumisimsim ng alak. Hindi pa din siya makapaniwala na ang sekretaryang minahal na niya ay anak pala ng mortal nilang kaaway ng kanyang ama. Aaminin niyang may katiting na galit siyang nararamdaman para sa babae dahil nagsinungaling ito, ngunit mas lamang ang pagmamahal niya kay Trixie."Hindi ka ba papasok?"Nakita niya sa peripheral vision si Lucas na naglalakad papalapit sa kinaroroonan niya."Hindi na po muna," tugon niya at saka muling simimsim sa baso.Tinapik siya sa balikat ni Lucas."Do you love her?" tanong nito. Ang tinutukoy niya ay ang sekretarya ng anak.Tumingin sa kanya si Derrick ngunit may lungkot sa mga mata nito."Yes, I do.""Stop that feeling, hijo. Hindi k
Third Person's POVKinabukasan, pagkatapos makapagpasukat ng gown na susuotin ni Trixie para sa kasal nila ni Derrick ay sabay sila ni Lucas na umalis patungo sa sementeryo. May dala silang basket ng bulaklak at saka kandila. Tinungo nila ang puntod ni Trina.Naupo sila sa damo at saka tinanggal ang mga tuyong dahon at bulaklak na nakatabon sa lapida nito. Inilagay ni Trixie ang bulaklak sa tabi ng lapida at saka naman sinindihan ni Lucas ang kandila at saka pinatong dito."Mama, kasama ko na si Daddy, oh." Bakas sa boses niya ang galak nang banggitin iyon."Inah, itong anak mo, ikakasal na sa susunod na linggo. Dumalo ka doon, ha," wika ni Lucas.Hinaplos ni Trixie ang lapida ng ina habang inaalala ang mga panahong kasama pa ang yumaong babae. Noon ay isa lamang siyang batang babaeng nais laging mamasyal sa parke ngunit ngayon ay may asawa na siya at gumagawa na ng sariling p
Third Person's POVTumigil ang sasakyan nila Trixie at Derrick sa harap ng mental hospital sa siyudad. Parehas pa silang napatingala doon ng ilang segundo bago na mapagpasyahang bumaba.Matapos ma-discharge ni Trixie ay napagkasunduan nilang mag-asawa na bisitahin si Martha. Kahit na ayaw ni Derrick ay wala siyang nagawa dahil mapilit ang babae.Pagpasok nila sa bulwagan ay nagkalat sa paligid ang mga taong nakasuot ng puting damit at ang mga nurse na kasama nila. Mukha lamang itong isang simpleng gusali na tinitipon ang mga taong kailangan ng kalinga."Good morning, mister and misis Gomez." Sinalubong sila ng doktor na lalaki. Ito marahil ang may-ari ng ospital."Good morning, Doc. Can we talk to Martha Sandoval?" nakangiting wika ni Trixie."Of course, follow me. She's on the second floor."Sinundan nga nila ang dok
Third Person's POV-Flashback-"Nasaan ang asawa ko?!"Hindi napigilan ni Martha na pagtaasan ng boses ang babae sa morge. Mabilis na pumasok sa loob si Martha nang ituro ng babae ang daan. Nanlumo siya nang makita ang katawan ni Fernando na nakabalot na sa puting kumot."Fernando," wika niya sa mahinang tinig at halos pabulong na. Kaagad siyang lumapit sa katawan nito at nagsimulang bumagsak ang mga luha habang hinahaplos ang mukha ng asawa."Fernando!" Basag na ang kanyang tinig nang isigaw iyon. Nagpatuloy siya sa paghikbi at paghagulgol habang niyayakap ang katawan ng asawang wala ng buhay.Hindi niya matanggap na namatay ang asawa niya na may samaan pa sila ng loob. Kung alam lamang n'yang huling kita na niya sa asawa noong gabing iyon ay sana pinaramdam niya dito kung gaano niya ito k
Third Person's POV(2 months later)"Hi, Trixie. I don't know if why I'm doing this but maybe I feel guilty and I can't tell you this directly. Noong mga bata pa kami ng mama mo, nagpunta kami sa isang malawak na parang tapos may bangin sa dulo na matatanaw mo ang napaka lawak na karagatan at kalangitan. Pinangalanan ko 'yong Trixie, tapos napagkasunduan namin ng mama mo na ipangalan din 'yon sayo. We were happy back then, but everything fall down when you gave birth to Marga. Doon ko nalamang… hindi kita kadugo.""But before that, I just want to tell you something at sana pagkatapos mong mapanood 'to, hindi pa din magbago ang tingin mo sa papa. Peter, your boyfriend, hindi siya naduwag na panagutan ka. Ang totoo n'yan, pinapatay ko siya dahil ayaw niyang lumayo sayo. I'm sorry kung naging hadlang ako sa pagmamahalan niyong dalawa and believe me, pinagsisisihan ko na 'yon."&nb
Third Person's POVNagpatuloy sila sa pagtakbo at ngayon ay pinaghahabol na sila ng mga tauhan ni Fernando. Napakarami nila at mukhang hindi sila makakaligtas ng buhay kung hindi sila magmamadaling tumakbo. Kahit na masakit na ang katawan ni Derrick dahil pangko niya si Trixie ay hindi siya tumitigil. Kailangan niyang maging matatag para sa asawa."Lucas!" sigaw ni Fernando na ngayon ay nakikipagpalitan na din ng putok."Hayop ka! Alam kong ikaw ang nakabuntis sa asawa ko!"Nagtago sa likod ng puno si Lucas habang pinapakiramdaman ang paligid. Mahigpit ang kapit niya sa baril. Tagaktak na din ang pawis niya dahil sa pagtakbo."We did it because we love each other, Fernando. Kailanman, hindi mo madidiktahan ang puso ni Trina!" tugon naman ni Lucas.Sila lamang dalawa ang nasa kalagitnaan ng gubat. Ang mga kasama ni Lucas ay nauna nang tumakbo sa kanya
Third Person's POV(Earlier that day)Tahimik na kumakain ng hapunan nila si Fernando at Martha. Walang nagtangkang magsalita o magbukas ng usapan at tila nagpapakiramdaman silang dalawa. Maging ang mga katulong ay hindi din alam kung bakit gano'n ang mag-asawa."Martha, about kanina—""I'm finished." Bago pa man makapagsalita si Martha ay tumayo na ito at lumabas na ng dining. Dumiretso siya papunta sa kwarto nila.Nagpakawala ng buntong-hininga ang matanda at napatigil sa pagkain nang tumunog ang cellphone niya mula sa bulsa."Give me a good news," panimula niya sa usapan."Sir, natunton na po ng mga tauhan natin kung saan nagtatago sila Ms. Trixie at ang anak nito."Napangisi si Fernando nang marinig ang balita. Mabuti na lamang ay magandang balita ang dumating sa kanya, kahit papaano'y mababawasa
Third Person's POV"Y-yes!"Nagpalakpakan ang lahat nang isigaw iyon ni Trixie. Tuwang-tuwa namang isinuot ni Derrick ang kumikinang na singsing sa daliri ng babae. Matapos no'n ay niyakap nila ang isa't-isa. Isa na siguro ito sa pinaka masayang araw ni Trixie. Hindi niya akalaing sa gitna ng lahat ng kanilang pinagdaanan ay may pag-asa pa din pala silang maikasal."I can't wait to marry you tomorrow." Kumalas sa yakap si Derrick at saka hinaplos ang pisnge ni Trixie."Sira, bukas agad? May hinahabol ka ba?" Bahagyang natawa ang babae."No, I'm serious. We will get married tomorrow."Natigilan si Trixie dahil sa sinabi nito. Napatingin siya sa kaibigan at sa ama ngunit nagkibit-balikat lamang sila."A-anong ibig mong sabihin?""Everything was ready. 'Yong oo mo na lang talaga ang kulang pero ngayon, tul
Third Person's POVNapabalikwas ng bangon si Marga at mabilis na lumabas ng kwarto niya upang puntahan ang silid ng ina. Naabutan niya doon sila Derrick at Trixie na mahimbing na ang tulog.Nagising sila pareho nang sumampa ang bata sa kama at niyakap si Trixie. Nagkatinginan silang dalawa. Tila ba kinabahan sila pareho nang magsimulang humikbi si Marga."Oh, Marga. Gabi na, ah. Anong nangyari?" tanong ng ina at saka hinaplos ang likod ng anak."Mommy, napanaginipan ko po sila Lolo at Lola, pinatay daw po nila kayo ni Daddy." Halos magkandabara-bara na ang sipon nito dahil sa pag-iyak.Iniharap niya si Marga sa kanya at saka pinunas ang mga luha nito habang sinusubukan siyang pakalmahin."Shh… tahan na. Buhay pa kami ng daddy, oh. It's just a dream, sweetie, no need to worry." Tipid na ngumiti ang babae upang pagaanin ang loob ng bata.
Third Person's POV"Tito!"Nabuhayan ng loob ang mag-asawa at si Joel nang makita si Lucas at ang mga tauhan nitong sunod-sunod na pinaputukan ang mga kalaban. Nang mapansin ni Herman si Fernando na tumakbo sa ibang direksyon ay kaagad niya itong sinundan.Pinaputukan niya ang direksyon nito ngunit huli na siya dahil nakasakay na ito sa kotse at mabilis na umalis sa lugar na iyon."Lucas!" natutuwang wika ni Josefa at saka lumapit sa matanda."Mabuti na lang po dumating kayo," saad ni Joel na may bahid pa din ng takot ang mukha.Napalingon silang lahat sa isang direksyon at nakita nila si Herman na kapit-kapit ang braso na naglalabas ng pulang likido. Mabilis siyang nilapitan ng anak at saka inalalayan sa paglalakad."He needs to take to the hospital, may tama siya," saad ng binata."I'm okay, it's not