Hindi na halos makatayo si Celestine sa swivel chair na inuupuan niya sa loob ng kaniyang opisina at mukhang wala na talaga siyang balak pang tumayo dun. Halos magdamag siyang nakababad sa mga papeles na mukhang makapal pa kahit na ilang pahina na ang tiningnan at inalisa niya. Ni kahit umagahan o tanghalian ay isinawalang bahala niya na lang.
Kung hindi lang sana umuwi sa probinsya ang sekretarya niya ay may katulong sana siya sa pag-aasikaso sa mga papeles nila ngayon, kahit papano sana ay nagkakaroon siya ng oras para magpahinga. Pero kanino pa ba siya aasa kundi sa sarili niya lang. Sa ngayon ay siya na muna ang gagawa ng lahat ng mga gawain sa kompanya na ipinamana sa kaniya ng kaniyang retiradong ama. Simula nang ipinamana na sa kaniya ang kompanya ay naging gawain na niyang magpuyat at magbabad sa laptop. Araw-araw ay ganun ang ginagawa niya, pupunta siya ng opisina para magtrabaho magdamag tapos uuwi sa condo niya na pagod at gigising naman kinabukasan ng maaga na puyat. Naging routine na niya iyon at sa halos tatlong taon ay nasanay na rin siya sa ginagawa. Ano pa bang magagawa niya? Sa kaniya ipinamana ang kompanya bilang nag-iisang anak ng mga magulang niya kaya wala na siyang ibang pagkakaabalahan pa kundi ang itutok ang sarili para sa kapakanan ng kompanya. After all, siya rin naman ang makikinabang sa benefits and shares na makukuha nila. "Aba, Sis. Baka hindi ka na abutin ng trenta anyos niyan at mas mauna ka pa kay Lola Tisay na maiburol dahil sa lagay mong iyan. Naku, baka pinababayaan mo na ang sarili mo dahil sa kakatutok mo dyan sa trabaho mo ah?" Saad sa kaniya ng pinsan na si Carlie habang nagtitimpla ng kape. Ang lola nilang magpinsan ang tinutukoy nito na nasa halos nobenta anyos na ang edad ay nakakalakad at malusog pa rin ang pangangatawan. Hindi nila ito mabisita dahil abala siya sa trabaho niya at malayo rin ang probinsya kung saan nakatira ang Lola nila. 'At dinamay pa nga si Lola Tisay.' Napahawak na lang sa leeg si Celestine at ini-stretch ito dahil kanina pa siya nangangalay kakayuko kakaasikaso sa mga papeles sa kaniyang harapan. "Hindi ko naman pwedeng pabayaan lang na nakatambak ang mga ito dito." Saad niya rito habang nakatutok pa rin ang tingin sa papeles na hawak at nililipat ang pahina nito. "Nasan ba ang sekretarya mo? She can help you with that or much better na siya ang gumawa niyan. Anong silbi ng pagiging sekretarya niya kung sayo lang din naman iaasa ang lahat ng gawain na siya dapat ang gumagawa? Ano, ikaw na lang ba palagi ang aasahan?" Iritado nitong sambit at naglapag ng tasa sa lamesa niya. "Thank you." Kinuha niya ang tasa at ininom ang tinimplang kape na hindi inaalis ang tingin sa papeles na hawak. "Wala siya ngayon, nagleave siya ng letter for excuse. Kailangan niya daw kasi puntahan ang tatay niyang may sakit sa probinsya nila para alagaan. Lumala na daw kasi ang kalagayan kaya kinailangan nang dalhin sa hospital. Kaya pinayagan ko na siya. Alangan naman na pagbawalan ko, kawawa naman yung tao." Paliwanag niya. Palipat-lipat lang siya sa ginagawa, pupunta ang tingin sa laptop para magcheck at mag-analisa ng files tapos babalik ulit sa papeles. Minsan naman ay sinisingit niya yung pagsusulat ng sariling kwento saka inililimbag. Matagal na rin siyang nagplano na magpatayo ng sariling bookstore sa harap lang ng kompanya niya na matatapos na sa susunod na buwan. "Pero hindi mo naman kailangan na gawin yan lahat. Dapat nagpatawag ka na lang sa pwedeng gumawa niyan at pumalit muna sa sekretarya mo habang wala pa siya. Baka nakakalimutan mong ikaw ang Boss dito ah. Oo nga't parte na ng trabaho mo bilang Boss dito na tulungan ang mga empleyado sa mga gawaing pangkompanya, pero hello! You don't need to work it all, as if na kaya mong ihandle lahat." Napailing-iling na lang siya sa mga sinasabi nito habang patuloy pa rin sa ginagawa. Kinuha nito ang isang papel sa lamesa niya saka inisa-isang tingnan. Pinukol niya pa ito ng masamang tingin nang magtangka na naman itong magbungangera tungkol sa mga papeles niya kaya itinikom na lamang nito ang bibig. Si Carlie ay malapit niyang pinsan na tinuring na rin niyang kapatid kaya Sis na ang tinatawag nito sa kaniya. Bata pa lang sila ay magkalapit na silang dalawa. Sa lahat niyang mga pinsan ay ito lang ang malapit sa kaniya. Hindi kasi siya masyadong nakikipagkaibigan nung mga bata pa sila. Si Carlie rin ang lumapit sa kaniya at nakipagkaibigan. Ito rin ang naging dahilan kung bakit nagkakaroon rin siya ng mga kaibigan. Halos araw-araw ba naman itong nagdadala ng mga kaibigan sa kanila para ipakilala sa kaniya. Bungangera rin si Carlie, palasermon sa kaniya at matapang na babae. Maraming nang-aaway sa kaniya na mga babae dati noong high school pa lang sila dahil yung mga hinahangaan nila ay sa kaniya nagkakagusto at nanliligaw, gayunpaman ay hindi siya pinabayaan ni Carlie at ito rin ang nang-aaway pabalik sa mga babaeng maharot. Matanda rin ito sa kaniya ng dalawang taon 27 na siya, 29 naman si Carlie. Kaya palagi rin siguro siyang napagsasabihan nito kapag madalas siyang nakakagawa ng maling desisyon. "Maiba ako, naalala mo ba si Chiara? Yung pinakilala ko sayo last month na kaibigan ko? She is getting married next week and she invited me. Actually, you're invited too that's why I came here to tell you about it." Maarte nitong sambit na hindi niya naman tinapunan ng tingin. "I'm afraid I can't go there, Carlie. As you can see I'm a busy woman and there's still a lot of work to do that I still need to finish. Infact, I don't attend events like that, I might get bored if I go there." "Oh, really! Kaya di ka na makahanap ng makakarelasyon eh. Masyado kang workaholic. Para sabihin ko sayo Sis ah, hindi ka matutulungan niyang pagbababad mo sa work to get a happy life. It doesn't suit you, honestly." Maarte nitong saad. "Matanong ko nga, ikaw ba Sis eh may balak pang mag-asawa or kahit maghanap man lang ng makakarelasyon? You're already twenty-seven this year and after three years from now, thirty ka na. But guess what? Siguradong hindi ka pa mag-aasawa sa edad na iyon with that case. Just look at you now." Umupo ito sa isang silya at nag Indian sit pagkatapos ay ipinagkrus ang dalawang braso sa ibaba ng dibdib. "Hayy naku Sis, masyado mong tinutuon ang sarili mo sa trabaho, can't you atleast do something else other than work? Like, magbakasyon ka muna or pumunta ka sa mga places na makakapaglibang sayo. Or maybe, subukan mo ulit na makipag-date with some other guy. Malay mo may makita ka nang tamang tao na para na talaga sayo." Saad ulit nito na nakapagpatigil sa kaniya. Naisip na rin niya ang tungkol sa bagay na iyon ngunit sa tuwing nais niyang subukang muli ay naaalala lang niya ang mga masaklap na nangyari sa kaniya sa dating karelasyon tatlong taon na ang nakakalipas. Tila isa itong bangungot na hindi na mawala-wala sa kaniyang isipan na hanggang ngayon ay dala-dala na niya. Mukhang ayaw pa nga yata siyang payagan ng tadhana na lumigaya dahil palagi na lamang siyang napag-iiwanan ng mga lalaking dumaan na sa kaniyang buhay kaya palagi rin siyang nasasaktan. Kaya mas pinili na lamang niyang maging single at kung pagpipilian siya ay siguradong mas pipiliin na lamang niyang maging single hanggang sa pagtanda. Tama na iyong nakaranas siya ng sakit mula sa mga lalaking dumaan na sa kaniya. Sa katunayan ay marami naman talagang nagkakagusto sa kaniya. Maganda naman kasi talaga siya. Ewan niya lang kung bakit sa dami ng pwedeng magustuhan niya ay yun pang manloloko at manggagamit na ex niya ang napili niya. Kaya sobra talaga ang panghihinayang niya kung bakit iyon pa ang naging boyfriend niya.Tahimik lang si Celestine sa front seat habang nagmamaneho habang katabi si Carlie sa passenger seat. Tinatahak na nila ang daan patungo sa lugar nila Chiara upang dumalo sa nalalapit na nitong kasal. Huwebes ngayon at sa Sabado na ang kasal nito at sa Boracay iyon gaganapin kaya doon sila magtutungo. Wala siya sa mood, itong katabi niya lang ang mukhang hindi mapakali sa inuupuan at mukhang sabik na sabik na sa kasal ng kaibigan. "Oh my gosh, I'm so much excited for Chiara's wedding! I just can't believe that she is getting married so soon. I'm so excited to meet her, Sis!" Nasasabik at puno ng kaligayahan nitong sambit na ikinailing niya lang. "Oo nga eh, kulang na lang ikaw na ang ikasal. Mas excited ka pa nga kesa dun sa ikakasal." Inirapan siya nito na hindi nakawala sa kaniyang paningin. "Seriously, Sis. Is that how you treat me? You're so mean to me na ah? Grabe ka na. But don't worry, I already told Chiara that after she gets married, I will be next." May gulat na napalingo
Kalaunan ay pinisil ni Harold ang tungki ng matangos na ilong saka kinuha sa may upuan ang isang folder. "Look Celes, I'm not here to cause any trouble, okay? I just wanted to talk to you, that's all." Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon dito. "Yeah. You wanted to talk to me, that makes sense. But I'm not convinced about the, I'm not here to cause any trouble, thing. As far as I know, you have caused trouble at my company an hour ago and one of my employees reported it to me about what you did. And what's worse, you yelled at one of my employees. What's gotten into you to come here and make an embarrassment scene in front of my clients? Kahit nandito kayo sa office ko, naririnig pa rin ang malakas mong paninigaw sa empleyado ko. Kung gusto mo akong makausap, makitungo ka ng maayos." May bakas na ng galit ang pananalita niya rito. "Okay, fine. I'm sorry for causing any trouble. I just really wanted to talk to you.. Look, this matter is really important right now, okay? Please, Ce
Lumipas na ang sabado, may mga inasikaso siyang mga platform na isasagawa niya sa conference nila sa kompanya sa susunod na araw kasama ang mga kasosyo. Sa kakababad sa laptop sa office niya ay hindi na niya namalayan ang oras. Nang matapos na niyang gawin ang platform at isave sa files ay sinara na niya ang laptop. Bahagya niyang ininat ang leeg at hinilot ang sintido. Nang tingnan niya sa relo ang oras ay alas diyes na ng gabi. Naalala niya ang sinabi ni Jhiro na pupunta ito sa kasal ng kaibigan. Kinuha niya ang phone sa bulsa at tinawagan ang kapatid na agad naman nitong sinagot. "Tatawagan rin sana kita, naunahan mo ako. Tamang-tama nandito na kami sa labas ng kompanya mo. Do you want to come?" Kinuha niya ang wallet sa mesa at nag-ayos ng sarili. "That's why I called you. Pababa na ako." Lumabas na siya ng office at nagtungo sa elevator.Nang makarating sila sa Hotel kung saan ginanap ang reception ng kinakasal ay pumasok na agad sila. Nasa pangatlong palapag pa ang room ng rec
Makalipas ang isang linggo ay nag-impake na ng mga gamit si Celestine. Kakatapos pa lang niyang gawin lahat ang mga papeles sa opisina niya nung nakaraang linggo bago siya dumiretso sa Condo niya. Kaunting gamit lang naman ang dadalhin niya kasi isang buwan lang naman siya magbabakasyon."Hindi ka ba talaga sasama sakin? Para naman may kasama ako dun. Saka para mapasyalan mo rin ang mga lugar dun." Tanong niya sa pinsan na nakahiga na sa kama niya nang lingunin niya ito. Gusto daw kasi nitong makita siyang umalis sa Condo niya para daw masiguro na totoo ngang aalis siya para magbakasyon na tinawanan niya lang. Kalaunan ay naniwala rin naman ito. "Hindi na. Gustuhin ko man Sis pero hindi pwede kung hindi rin naman kasama yung boyfie ko. Busy kasi yun sa work niya, eh ayaw ko naman siyang iwanan kasi baka mamiss ko lang siya. And of course, naisip ko rin na you need to be alone. Besides, you should go anywhere you want, think about something that really makes you happy until you decid
Naalimpungatan siya nang may mainit na kamay ang humawak sa pisngi niya. Agad siyang nagising nang maalala na nakatulog na pala siya. Tiningnan niya ang paligid niya. Nasa kotse sila kanina nang makaidlip siya kaya nagtaka siya kung bakit biglang nasa hindi pamilyar na silid siya ngayon."Welcome home." Tumingin siya kay Jhairo nang may pagtataka."Nasan tayo?" Tumayo siya at tumingin sa may balcony. Lumapit siya dun at tiningnan ang buong paligid. Naalala niya ang dalampasigan sa Resort na pinuntahan niya nang makita niya ang dagat sa di kalayuan. Nakikita rin niya ang papalubog na araw na senyales na malapit nang dumilim. Naramdaman rin niya ang paghalik ng malakas na hangin sa kaniyang balat. Tila bumalik siya sa lugar na iyon. "Ano sa tingin mo? Maganda ba dito?" Nilingon niya ang binata habang nangingilid ang mga luha sa mata niya."Bakit mo ako dinala dito? Ano na naman bang pakulo mo?" Nagtataka itong lumapit sa kaniya."Anong pakulo ba ang sinasabi mo, Celestine? Pinatayo ko
"Huy, Sis. Ano na? Natameme ka dyan?" Nabalik lang siya sa reyalidad nang muling magsalita ang pinsan sa kabilang linya. "Pwede bang wag ka nang magtanong? Wala ako sa mood magkwento. Ikaw talaga, masyado kang maraming iniisip kesa sakin. Tumigil ka nga dyan." Pagsasaway niya rito at naramdaman naman niya ang paglalabi nito kahit di niya nakikita. "Nagtatanong lang naman eh. Ang sungit naman nito. Sige na nga ibababa ko na to. Bye, take care Sis." Nang ibaba na nito ang tawag ay nilagay na niya phone sa bedside table niya saka humiga, tinitigan niya ang kisame at ipinikit ang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang makatulog. Sa kalagitnaan ng kaniyang mahimbing na pagtulog ay nakaramdam siya ng isang mabigat na bagay na humahaplos sa kaniyang pisngi. Sa kyuryusidad, inaantok pa ma'y pinilit pa rin niyang imulat ang sariling mga mata. Sa gulat ay ni hindi niya magalaw ang buong katawan upang makabangon at hindi man lang niya maibuka ang bibig upang magpakawala ng isang boses. Hind
Lumipas na ang tatlong araw at sa loob ng tatlong araw na iyon ay mas lalong guminhawa ang pakiramdam ni Celestine. Syempre hindi rin nawala sa isip niya na pumasyal sa ilang lugar roon na may magagandang tanawin. Nagtampisaw rin siya sa dagat at paglipas naman ng gabi ay sa swimming pool naman siya naligo malapit lang din sa cottage niya. Madalas namang sumasagi sa kaniyang isipan ang lalaki at sa aaminin niya ay may bahagi sa kaniya na gusto itong makita. Pero wala naman siyang oras para makipaglandian at isa pa ay hindi naman siya iyong tipo na naghahabol sa isang tao kahit pa sabihin na may gusto siya sa taong iyon. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit siya nakarararamdam ng kakaibang sensasyon sa tuwing nakikita o nasasalubong niya ang lalaki gayung kakakilala pa lang niya rito. Hindi niya rin alam kung may girlfriend na ba ito o wala para tawaging binata. Sa gwapong iyon at may makisig na pangangatawan ay malabo namang wala pa itong naging karelasyon. Napapailing na
Nang gabing iyon ay magkasama nga silang nagdinner. Mga tawanan at masasayang kwento ang halos nagagawa nila habang kumakain. At sa aaminin ay tuluyan na ngang nagkalapit ang loob ng dalawa. Hindi naman sila nahirapan na kilalanin ang isa't isa kaya mabilis silang naging magkaibigan. "Pasensya ka na pala nung nakaraang araw ha? Kahit ano-ano na lang ipinaratang ko sa iyo nun." Napalingon naman ang binata sa kaniya bago ngumiti. "Huwag mo na iyong isipin, lumipas na yun. Look at me now, I'm totally fine and most of all nasa harapan mo ako nakikipagkwentuhan sayo. I'm not mad at you, don't worry." Napairap naman siya nang bigla sumagi ulit yung nangyari kaya niya ito sinigawan nung araw na iyon. "Ikaw naman kasi. Kasalanan mo iyon. Kung hindi mo lang ako tiningnan sa dibdib nun hindi sana kita nasabihan ng mga ganung salita. Nakakababa kaya ng dignidad ko yung ginawa mo." Panglalabi niya rito na nagpatigil naman sa binata. "No, hindi kita tinitingnan sa dibdib mo." Pangtatanggi nito
After that incident, tumawag ako ng security guard at pinadala sa kulungan ang lalaki. Pinakalma ko si Celestine and handed her a glass of water. I could tell that she was uncomfortable and scared. It makes my heart clenched seeing her like that. Nalaman ko na yung lalaking nagtangka ng masama sa kaniya ay ang ex-boyfriend niya. Aba, ang lakas talaga ng loob ng siraulong iyon. Kung hindi lang ako dumating, marahil ay natuloy niya ang balak niya kay Celestine. But fortunately I came and I won't let that happen to her again. No one dares to touch or hurts her again. Nainis ako sa mga sinabi niya sakin noong gabing iyon. How could she say that? Para bang nagsisisi siya sa halik namin. But I'm sure of it, nagustuhan niya rin iyon. I could see it in her eyes. She likes it too. Binigyan ko siya ng space at umalis sa cottage niya. But damn, I can't get her out of my mind. Kinabukasan ay magdamag akong naglasing. Habang iniisip ko iyon ay nasasaktan ako. Feeling ko parang rejected na na
Jhairo's Story,I thought love was eternal and unconditional. When entering into a relationship, love knows no bounds. And love is the best thing in the world. That made me question myself, why can't I? I have no flaws, no insecurities, and I can do everything I want. I have everything. But why wasn't I even allowed to be loved? Am I not good enough? Is my love not good enough? I have an ex-girlfriend and I love her more than anything else. I did everything for her and even gave my whole love to her. I trusted her just how much she trusted me. Kahit kailan ay hindi ako tumingin sa iba dahil para sakin sapat na siya at ni minsan ay hindi ko naisip na lokohin siya. I never cheated on her even once because I knew myself that she's the only one I needed and I've wanted in my life. But she broke me. She broke my heart and my trust. Ang malala pa, siya mismo ang umamin na gusto niya ang pinsan ko. The worst thing is he got her pregnant. She admitted in front of me how she loves the man. S
"Tama ba ang desisyon mo, Sis? Bibigyan mo siya ng chance sayo?" Tiningnan ko si Carlie nang may ngiti sa labi habang inaayos ang papeles na pinapagawa ni Daddy sakin. "Oo, Carlie. Saka ano namang masama dun? Gwapo naman siya, may kaya rin. At pinakita niya rin kung gaano siya kainteresado sakin." Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Carlie dahil sa sinabi ko. Hindi naman daw siya tutol. Ang palagi niya lang pinapaalala sakin ay kung kakayanin ko ba gayong unang karanasan ko pa lang ito, na magkaroon ng isang karelasyon. No boyfriend kasi ako since birth kaya wala pa akong experience sa mga ganitong bagay. May mga nagkakagusto sakin. May mga time na nagkakaroon rin ako ng crush, kapag feeling ko lang. Ngunit hanggang doon lang ako. Ewan ko ba, mas focus lang yata ako sa magiging future ko that time.Ngunit iba ngayon. Nag-iba ang lahat ng iyon nang makilala ko si Harold. Ang lalaking dumating sa aking buhay. "Bukod pa dun, pareho kami ng interes. Alam mo bang mahilig din siyang gum
"Huyy, ano yan?" Kaagad kong tinigilan ang pagsusulat sa papel at itinago iyon sa aking bulsa. Kasalukuyan akong nakaupo sa ilalim ng puno na madalas naming tambayan ni Cecille, ang kababata kong kaibigan. "Wala." Umiwas ako ng tingin at umayos ng upo. "Sus, tinatago mo pa." Anas naman ni Cecille bago umupo sa tabi ko. "Love letter iyang sinusulat mo noh?" "It's not a love letter." Pagtatannggi ko. Ayaw kong malaman niya. Hindi muna sa ngayon dahil hindi pa ako handa. Highschool pa lang kami at marami pa akong pangarap. Pangarap para sa future namin. Gusto ko, pag-umamin na ako ay iyong handa na ako. "Speaking of which, may mga nagpapadala ng love letter at gifts sakin sa bahay. Minsan naman nilalagay sa locker ko sa school. Ni hindi ko malaman kung sino kasi anonymous lang ang nakalagay. Pa-mysterious, amp.." Nagkunwari akong walang alam at walang pake. Kahit ang totoo naman ay ako ang nagpapadala ng mga love letters at gifts sa kaniya. "So, you have an admirer, huh? Good for
Naalimpungatan siya nang may mainit na kamay ang humawak sa pisngi niya. Agad siyang nagising nang maalala na nakatulog na pala siya. Tiningnan niya ang paligid niya. Nasa kotse sila kanina nang makaidlip siya kaya nagtaka siya kung bakit biglang nasa hindi pamilyar na silid siya ngayon."Welcome home." Tumingin siya kay Jhairo nang may pagtataka."Nasan tayo?" Tumayo siya at tumingin sa may balcony. Lumapit siya dun at tiningnan ang buong paligid. Naalala niya ang dalampasigan sa Resort na pinuntahan niya nang makita niya ang dagat sa di kalayuan. Nakikita rin niya ang papalubog na araw na senyales na malapit nang dumilim. Naramdaman rin niya ang paghalik ng malakas na hangin sa kaniyang balat. Tila bumalik siya sa lugar na iyon. "Ano sa tingin mo? Maganda ba dito?" Nilingon niya ang binata habang nangingilid ang mga luha sa mata niya."Bakit mo ako dinala dito? Ano na naman bang pakulo mo?" Nagtataka itong lumapit sa kaniya."Anong pakulo ba ang sinasabi mo, Celestine? Pinatayo ko
Nang matapos siyang kumain ay nakaramdam naman agad siya ng antok kaya umidlip muna siya. Hindi na niya nalaman kung ilang oras siyang tulog. Basta nagising na lang siya na may tumatapik sa kaniya."Ma'am, kailangan na po kayo sa meeting. Ikaw na lang po ang inaantay nila sa conference room.""Talaga ba? Anong oras na ba?" Tanong niya sa empleyado bago inayos ang sarili."11:30 am po ang simula ng meeting. 12 pm na po ngayon. Late na po kayo ng kalahating oras." Napahawak na lang siya ng ulo nang mapagtanto iyon."Sige, pupunta na ako." Hindi na niya pinansin ang sariling ayos at agad na tumungo sa conference room.Nang makapasok siya roon ay laking gulat niya nang nasa harap niya ang taong hindi niya inaasahang makita. Nakaupo ito sa dulo ng mesa habang kaharap ang mga kleyente at kasosyo nila. Tahimik siyang umupo at pinilit na huwag iyon bigyan ng pansin.Naging maayos naman ang meeting nila kahit na minsan ay malapit na siyang makaidlip sa sobrang antok. Kaya nang matapos ang meet
Nang matapos maghanda ng umagahan si Celestine ay hindi na siya nakapag-antay pa kaya pinuntahan na niya si Jhairo upang tawagin ito at magsabay na silang kumain. Hindi pa siya nakakarating sa gawi nito nang marinig na niya ang boses nitong naiinis mula sa labas ng kwarto. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan nito sa kabilang linya sa telepono kaya wala sa sariling pinakinggan niya ang sinasabi nito."Basta Kuya. I don't love her and that's it. At kung mabubuntis man siya, hindi akin iyon. Malay mo nakipagtalik na pala siya sa ibang lalaki at hindi ko alam. I would never love someone like her. Kung tutuusin, hindi ko naman siya pinilit na gawin iyon. Hindi ko na kasalanan na binigay niya ang sarili niya. Basta hindi ko siya pananagutan." Nanlambot siya sa narinig mula mismo sa bibig nito.Hindi niya akalain na maririnig niya iyon, sa tao pang pinagkatiwalaan at minahal na niya ng buong-buo. Sapat na iyon para sabihing siya ang pinag-uusapan nito sa kabilang linya. At pinagsabi p
Ilang oras siyang nanatili roon sa veranda hanggang sa gumabi na. Iniisip niya na kanina pa lang na puntahan ang binata subalit sinusumpong rin siya ng pangamba at nerbyos kaya hindi siya nakakapagdesisyon. Nakokonsensya siya ngunit pinapangunahan siya ng kaba sa tuwing gustong-gusto na niyang puntahan ang tinutuluyan ng binata. May pagkakataon na lalabas na siya ng silid niya subalit bumabalik rin siya dulot ng kaba."Kalma lang Celestine. Kumalma ka lang, kaya mo yan. Huwag kang magpaapekto sa takot. Pupuntahan mo lang naman siya para humingi ng sorry. Yun lang at wala nang iba. Woooh, okay." Huminga siya ng malalim at pinilit na kinalma ang sarili."Okay, final na to. Pupuntahan ko na talaga siya. I'm ready." Pinaypay niya pa ng sariling kamay ang sarili nang makaramdam ulit siya ng kaba pero pinilit niya pa ring kumalma.Nang lumakad na siya sa labas patungo sa Cottage ni Jhairo ay kinakabahan pa rin siya. Ramdam niya rin ang panginginig ng kaniyang dalawang kamay habang tinataha
Nang gumaan na ang kaniyang pakiramdam ay sinalinan siya nito ng tubig. Nakaupo siya ngayon sa kama niya habang nakatungo ang ulo. Bigla kasi siyang nakaramdam ng hiya dahil sa nangyari sa kanila ni Harold kanina."Dinala na yung lalaki sa prisento. Ngayon ay wala ka nang dapat ipangamba pa. Sisiguraduhin kong hindi na siya makakalapit pang muli sa iyo." Tumango lang siya at ininom ang tubig na inabot nito sa kaniya. "Nga pala, gusto ko lang sabihin na kaya ako pumunta dito ay para humingi ng pasensya tungkol dun sa nangyari kanina. Nagpapasalamat ako na nakarating ako sa saktong oras para matigil ang karahasang ginagawa ng lalaking iyon sa'yo kanina.""Salamat sa pagligtas sakin kanina, Jhairo. Pasensya na rin kung natunghayan mo iyon. Nakakahiya naman." Nagtaka naman ito sa sinabi niya."What do you mean, Celestine? No..don't mind it, wala ka dapat ikahingi ng sorry sakin. I just wanted to help you with that maniac." Nag-aalinlanagan si Celestine na tumitig sa binata. Nag-aalinlana