Lumipas na ang sabado, may mga inasikaso siyang mga platform na isasagawa niya sa conference nila sa kompanya sa susunod na araw kasama ang mga kasosyo. Sa kakababad sa laptop sa office niya ay hindi na niya namalayan ang oras. Nang matapos na niyang gawin ang platform at isave sa files ay sinara na niya ang laptop. Bahagya niyang ininat ang leeg at hinilot ang sintido. Nang tingnan niya sa relo ang oras ay alas diyes na ng gabi. Naalala niya ang sinabi ni Jhiro na pupunta ito sa kasal ng kaibigan. Kinuha niya ang phone sa bulsa at tinawagan ang kapatid na agad naman nitong sinagot.
"Tatawagan rin sana kita, naunahan mo ako. Tamang-tama nandito na kami sa labas ng kompanya mo. Do you want to come?" Kinuha niya ang wallet sa mesa at nag-ayos ng sarili. "That's why I called you. Pababa na ako." Lumabas na siya ng office at nagtungo sa elevator. Nang makarating sila sa Hotel kung saan ginanap ang reception ng kinakasal ay pumasok na agad sila. Nasa pangatlong palapag pa ang room ng reception kaya aakyat pa sila. Pumasok sila sa elevator hanggang sa makarating na sila sa 3rd floor. Pagbukas ng elevator ay napatitig siya sa babaeng kaharap nila. Mas napatitig siya sa mapupula nitong labi at kulay-kape nitong mata na bumagay sa maganda't makinis nitong mukha, isabay pa ang nakalugay nitong mahabang buhok na itim na itim at natural na tuwid. Bumagay rin dito ang bodycon dress na kita ang balikat. Nang mapadaan siya sa tapat ng babae bago tuluyang makalabas ng elevator ay naamoy niya ang mabango nitong amoy. Napalingon pa siya sa likod habang pinagmamasdan ang pasaradong elevator lulan ang babae. "Jhairo. What's the matter?" Natauhan na lang siya nang tawagin ang pangalan niya ni Seb at tinapik. "I-it's nothing. Let's go." Siya na ang unang naglakad at sumunod naman ang dalawa sa likod niya. "Nakita mo yung babae sa elevator kanina, Jhiro? She's totally hot as hell and damn sexy! Sayang, parang walang interes sa mga lalaki. Ni hindi man lang tayo napansin. But it's okay, she's still my type." Hindi na niya pinansin ang sinabi ng katabi. Aminado siyang babaero si Seb at kahit sinong babae ay pinapatulan nito. Walang duda na pwede rin nitong maakit ang babae kanina sa elevator dahil gwapo at matindig din ang pangangatawan nito. Yun lang din kung magpapaakit ang babaeng iyon sa lalaki. Napailing-iling na lang siya sa sariling iniisip. "What the hell! Am I thinking about her? Sino ba siya para isipin ko?" Nang makarating na sila sa reception ay malugod nilang binati ang dalawang kinasal. Nakipag-usap pa yung dalawa niyang kasama sa kaibigan na kinasal habang siya ay umupo lang sa isang upuan sa tabi at uminom ng wine na nakahain sa table. "Hello, you're Mr. Jhairo Jeminez, right?" Agad siyang tumayo at kinamayan ang bagong kasal na si Chiara. "Yeah-yeah, that's me. Anyway, congratulations on your wedding." Ngumiti naman ito ng malapad sa kaniya. "Pasensya ka na kung naisturbo kita, nakita lang kasi kitang mag-isa dito. Bakit pala hindi ka nakisali dun sa kapatid mong sina Jhiro? It seems like they're having a lot fun there, why don't you join them?" Tiningnan niya naman sina Jhiro at Seb na masayang nakikipagkwentuhan sa asawa ng kausap niya ngayon. "Hindi na. Moment nila yun at hindi naman ako kasali sa usapan nila. Isa pa, hindi rin ako mahilig makipagkwentuhan sa kahit kanino. Saka sumama lang naman ako dito para dumalo sa kasal niyong dalawa ni Rico. Infact, hindi rin ako mahilig dumalo sa mga ganitong events." Nakita niya ang pagngiti nito habang tumatango-tango na ipinagtaka niya. "What's the matter?" Tanong niya na bakas ang pagtataka sa mukha. "You just reminded me of someone. She's just like you, she also doesn't like to attend such events. She didn't tell me about it since we're not that close enough, but I have been friends with her cousin so I got the information from her. Actually, she's here earlier but she's gone awhile ago." Bahagya siyang napangiti sa sinabi nito, hindi niya alam kung bakit. Iba ang pakiramdam niya nung mga oras na iyon. "Chiara. I've been looking for you." Rinig nilang pagtawag ng isang babae na lumapit kay Chiara. "I'm just right here. Anyway, where's Celestine? Kanina ko pa siya hinahanap." Rinig niyang tanong nito sa kausap. "Yun nga ang nais kong sabihin. I want to tell you that she's went home na, something's happened to her company that she had to go back and fix the mess." "Really? Sayang hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya." Nang maalala na hindi siya kasali sa usapan ay naisipan na niyang umalis sa harap ng dalawang magkaibigan ngunit di natuloy. "Oh by the way, I want to introduce you to a known person. Jhairo, this is Carlie. She's my friend, and she's the one I'm talking about earlier na may pinsan na kasing-katulad mo." Wala siyang nagawa kundi ang makimagkamay rito nang agad nitong nilahad ang kamay na may malapad na ngiti sa labi. "Nice to meet you." Saad niya. "Naku Sir. Kung makikita at makakasalubong mo lang ang pinsan ko, baka magkasundo pa kayo. Single pa naman yun at lonely. Shems, I can't wait for you two met! Don't worry, ipapakilala ko rin siya sayo. She's good and kind naman, medyo masungit lang." Tila biglang kumislap ang kaniyang mata sa sinabi ng babae. Nabalot naman siya ng kyuryusidad tungkol sa babaeng binanggit ni Carlie. "I'm looking forward to it. I hope to meet her in person." Sumilay ang simpleng ngiti sa kaniyang labi nang sabihin iyon. **** Nag-iimpake na ng mga gamit si Jhairo nang lapitan siya ng kaniyang nakatatandang kapatid. Naisipan niyang magbakasyon muna matapos ng komperensya niya sa kompanya nila noong nakaraang araw. Kung maaari ay gusto muna niyang magpahinga at para rin makapag-isip-isip kung ano ba talaga ang ibig niya para sa hinaharap. "Yan, ganyan nga bro. Umalis ka na sa pamamahay ko para naman wala na akong hinuhugasang mga pinggan na pinagkainan mo. Dinaig ko pa ang kasambahay sa kakaasikaso sayo. Pati mga mamahaling alak na tinabi ko sa cabinet nagkandaubos na kakalaklak mo." Nanlalabing biro nito na tila nagrereklamo na ang pananalita. Tinawanan niya lang ito ng mahina habang umiiling. "Kung makareklamo ka akala mo naman mahigit sampung taon na akong namalagi dito sa bahay mo. Tatlong buwan pa nga lang akong nanunuluyan dito, Kuya. Ang sabihin mo, tamad ka lang talaga." Siya naman ang nagbiro na mukhang hindi ikinatuwa ng kapatid at nginusuan siya. "Anyway, saan ka naman magbabakasyon? Hindi ba dun sa nirekomenda mong beach resort sa Bulacan dati? I did some research about it and it seems nice. Dun mo ba balak magbakasyon?" Nagkibit balikat lamang siya bago humarap rito nang matapos na siyang mag-impake at sinarado na ang maleta. Naisip rin niya dati na doon sa Bulacan magbakasyon ngunit sa palagay niya ay masyado itong malapit gayung mas mahilig siyang pumunta sa mga malalayong lugar. "Nagbago na ang isip ko, Kuya. May nahanap akong ibang lugar na pumatok sakin. Isa pa, alam mo naman na mahilig akong bumyahe sa malalayong lugar diba?" "Sabagay, maarte ka kasing tao. Just kidding. Sige na, lumayas ka na sa pamamahay ko. But really bro, I'm hoping that you can find there what really makes you happy." Tinapik nito ang kaniyang balikat bago tumalikod sa kaniya. "Dapat maayos yang kwarto ko pag-alis mo ah." Dagdag pa nito. Napapailing na lamang siya sa pag-uutos nito habang hinahanda niya ang maleta saka na umalis sa lugar na iyon. **** "Nakatutok ka na naman dyan sa mga papeles mo." Ani Carlie habang nilalagay sa mesa niya ang tasang may mainit na tubig. Pinagbabawalan siya nitong uminom ng kape dahil nakakaapekto na daw ito sa kalagayan niya kaya palagi siyang kinukulang sa tulog, isama pa ang pagpupuyat niya at baka maapektuhan ang kalusugan niya dahil dito lalo na't napapadalas na lang ang pagkain niya sa tamang oras. "Edi wag mo akong panoorin kung ayaw mong nakikita akong ginagawa ang mga ito. Saka, bakit ba nandito ka? Wala ka bang ginagawa? Palagi ka na lang nandito tapos sinisermonan mo naman ako." Hindi niya ito tinatapunan ng tingin ngunit ramdam niya ang pag-iirap nito sa kaniya. "Aray ha? Itaboy ba naman ako? Para sabihin ko sayo babae ka, mamaya pang alas otso ang pasok ko sa work. Anong oras pa lang ngayon, alas diyes ng umaga pa lang. Saka hindi naman ako tulad mo na halos hindi na matulog kakatutok dyan sa laptop at papeles mo noh." Hindi niya nakikita ang hitsura nito subalit nababatid niyang iniirapan na siya nito habang nakataas ang kilay ng malditang pinsan. "Saka, di ba sinabi ko naman sayo na wag mo muna iyang aasikasuhin? At sinabi ko naman sayo na huwag mo munang isipin yang kompanya mo at sarili mo muna ang unahin mo but you didn't listen. You're such a hard headed person!" Anas nito na hindi nakawala sa pandinig niya ang huli nitong sinabi. "Ang OA mo. Para sabihin ko din sayo ha, tinatapos ko na lang itong mga papeles since kakaunti na lang ito. Kung hindi mo lang ako kinukulit nang kinukulit para dyan sa wedding day ng kaibigan mo, Edi sana tapos ko na itong gawin nung nakaraang araw. Wala na sana akong ginagawa ngayon at higit sa lahat nakapagbakasyon na sana ako sa gusto kong puntahang resort!" Reklamo naman niya na nagpatigil sa pinsan niya. "Oh, so magbabakasyon ka? Kailan mo balak magbakasyon? Eh kailan ka naman nagplanong magbakasyon, bakit hindi mo pinaalam sakin?" Agad itong umupo sa katapat niya at hinintay ang maging sagot niya. "Pwede isa-isa lang? Kung makapagtanong ka naman ng wagas akala mo wala pang bukas." "Sorry na, excited lang ang pinsan mo eh. Yun na nga, saan mo ba balak magbakasyon ha?" "May nirekomenda sakin nung nakaraang buwan ang isa kong empleyado tungkol sa napuntahan na niyang resort sa Batangas, yung Vivere Azure Resort. Noong nakaraang linggo pa ako nagpareserve ng kwarto dun for my vacation." Umakto namang nag-isip di Carlie bago tumango-tango. "Eh, maganda ba yang sinasabi mong Resort?" Siya naman ay napatigil saglit sa ginagawa at inalala ang mga lugar at tanawin na pwedeng pasyalan dun base sa pananaliksik niya. "Hmm, kaunting impormasyon lang ang nakalap ko tungkol dun pero masasabi kong maganda siyang pasyalan. Isa pa, hindi naman sa kung gaano kaganda yung lugar at tanawin ang pupuntahan ko dun. Gusto ko lang makapagpahinga at magkaroon ako ng peace of mind. Yun lang naman." Matapos niya iyong sabihin ay itinuloy niya na ang ginagawa. Ilang minutong hindi nagsalita si Carlie sa harap niya ngunit dahil sa abala siya sa ginagawa ay hindi na iyon pinansin pa. "Sis, may tanong lang ako?" "Hmm? Ano yun?" Hindi niya pa rin ito tinatapunan ng tingin. "Well, alam ko namang ginagawa mo talaga ang best mo para sa kompanya. Pero matagal ko na kasi itong napapansin sayo. Sis, ito bang ginagawa mong paghahardwork eh para talaga sa kompanya or ginagawa mo lang iyan para makalimutan ang lahat ng nangyari sayo three years ago?" Natigilan siya sa ginagawa at lumingon kay Carlie na seryoso na ang mukhang nakatitig sa kaniya. "Is it because of Harold? Ganyan ba ang paraan mo para makamove-on sa lahat ng kagaguhang ginawa niya sayo noon? Ganito ba ang paraan mo para makalimutan ang nakaraan mo?" Hindi siya umimik sa tanong nito at nagbuntong hininga lang bago magpatuloy muli sa ginagawa na para bang hindi siya naapektuhan sa mga tanong nito. Hindi niya sinagot ang tanong nito sapagkat hindi niya alam ang isasagot. Kung sasabihin niyang hindi, magmumukha siyang sinungaling. Hindi niya rin pwedeng sabihin na Oo dahil hindi pa siya sigurado kung iyon ba talaga ang dahilan.Makalipas ang isang linggo ay nag-impake na ng mga gamit si Celestine. Kakatapos pa lang niyang gawin lahat ang mga papeles sa opisina niya nung nakaraang linggo bago siya dumiretso sa Condo niya. Kaunting gamit lang naman ang dadalhin niya kasi isang buwan lang naman siya magbabakasyon."Hindi ka ba talaga sasama sakin? Para naman may kasama ako dun. Saka para mapasyalan mo rin ang mga lugar dun." Tanong niya sa pinsan na nakahiga na sa kama niya nang lingunin niya ito. Gusto daw kasi nitong makita siyang umalis sa Condo niya para daw masiguro na totoo ngang aalis siya para magbakasyon na tinawanan niya lang. Kalaunan ay naniwala rin naman ito. "Hindi na. Gustuhin ko man Sis pero hindi pwede kung hindi rin naman kasama yung boyfie ko. Busy kasi yun sa work niya, eh ayaw ko naman siyang iwanan kasi baka mamiss ko lang siya. And of course, naisip ko rin na you need to be alone. Besides, you should go anywhere you want, think about something that really makes you happy until you decid
Naalimpungatan siya nang may mainit na kamay ang humawak sa pisngi niya. Agad siyang nagising nang maalala na nakatulog na pala siya. Tiningnan niya ang paligid niya. Nasa kotse sila kanina nang makaidlip siya kaya nagtaka siya kung bakit biglang nasa hindi pamilyar na silid siya ngayon."Welcome home." Tumingin siya kay Jhairo nang may pagtataka."Nasan tayo?" Tumayo siya at tumingin sa may balcony. Lumapit siya dun at tiningnan ang buong paligid. Naalala niya ang dalampasigan sa Resort na pinuntahan niya nang makita niya ang dagat sa di kalayuan. Nakikita rin niya ang papalubog na araw na senyales na malapit nang dumilim. Naramdaman rin niya ang paghalik ng malakas na hangin sa kaniyang balat. Tila bumalik siya sa lugar na iyon. "Ano sa tingin mo? Maganda ba dito?" Nilingon niya ang binata habang nangingilid ang mga luha sa mata niya."Bakit mo ako dinala dito? Ano na naman bang pakulo mo?" Nagtataka itong lumapit sa kaniya."Anong pakulo ba ang sinasabi mo, Celestine? Pinatayo ko
"Huy, Sis. Ano na? Natameme ka dyan?" Nabalik lang siya sa reyalidad nang muling magsalita ang pinsan sa kabilang linya. "Pwede bang wag ka nang magtanong? Wala ako sa mood magkwento. Ikaw talaga, masyado kang maraming iniisip kesa sakin. Tumigil ka nga dyan." Pagsasaway niya rito at naramdaman naman niya ang paglalabi nito kahit di niya nakikita. "Nagtatanong lang naman eh. Ang sungit naman nito. Sige na nga ibababa ko na to. Bye, take care Sis." Nang ibaba na nito ang tawag ay nilagay na niya phone sa bedside table niya saka humiga, tinitigan niya ang kisame at ipinikit ang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang makatulog. Sa kalagitnaan ng kaniyang mahimbing na pagtulog ay nakaramdam siya ng isang mabigat na bagay na humahaplos sa kaniyang pisngi. Sa kyuryusidad, inaantok pa ma'y pinilit pa rin niyang imulat ang sariling mga mata. Sa gulat ay ni hindi niya magalaw ang buong katawan upang makabangon at hindi man lang niya maibuka ang bibig upang magpakawala ng isang boses. Hind
Lumipas na ang tatlong araw at sa loob ng tatlong araw na iyon ay mas lalong guminhawa ang pakiramdam ni Celestine. Syempre hindi rin nawala sa isip niya na pumasyal sa ilang lugar roon na may magagandang tanawin. Nagtampisaw rin siya sa dagat at paglipas naman ng gabi ay sa swimming pool naman siya naligo malapit lang din sa cottage niya. Madalas namang sumasagi sa kaniyang isipan ang lalaki at sa aaminin niya ay may bahagi sa kaniya na gusto itong makita. Pero wala naman siyang oras para makipaglandian at isa pa ay hindi naman siya iyong tipo na naghahabol sa isang tao kahit pa sabihin na may gusto siya sa taong iyon. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit siya nakarararamdam ng kakaibang sensasyon sa tuwing nakikita o nasasalubong niya ang lalaki gayung kakakilala pa lang niya rito. Hindi niya rin alam kung may girlfriend na ba ito o wala para tawaging binata. Sa gwapong iyon at may makisig na pangangatawan ay malabo namang wala pa itong naging karelasyon. Napapailing na
Nang gabing iyon ay magkasama nga silang nagdinner. Mga tawanan at masasayang kwento ang halos nagagawa nila habang kumakain. At sa aaminin ay tuluyan na ngang nagkalapit ang loob ng dalawa. Hindi naman sila nahirapan na kilalanin ang isa't isa kaya mabilis silang naging magkaibigan. "Pasensya ka na pala nung nakaraang araw ha? Kahit ano-ano na lang ipinaratang ko sa iyo nun." Napalingon naman ang binata sa kaniya bago ngumiti. "Huwag mo na iyong isipin, lumipas na yun. Look at me now, I'm totally fine and most of all nasa harapan mo ako nakikipagkwentuhan sayo. I'm not mad at you, don't worry." Napairap naman siya nang bigla sumagi ulit yung nangyari kaya niya ito sinigawan nung araw na iyon. "Ikaw naman kasi. Kasalanan mo iyon. Kung hindi mo lang ako tiningnan sa dibdib nun hindi sana kita nasabihan ng mga ganung salita. Nakakababa kaya ng dignidad ko yung ginawa mo." Panglalabi niya rito na nagpatigil naman sa binata. "No, hindi kita tinitingnan sa dibdib mo." Pangtatanggi nito
Ilang sandaling nanatili siya dun nang maisipan na niyang bumalik na lang sa cottage niya dahil naiinip na siya. Pabalik na siya sa tinutuluyang cottage nang may humawak sa braso niya at iharap siya rito. Ngumiti ito sa kaniya nang makita niya ito."Jhairo!" Gulat niyang sambit ng pangalan sa harap nito. Pinakawalan na nito ang paghawak sa braso niya habang nakaharap pa rin sila sa isa't isa. "Miss me?" Imbis na maging masaya siya dahil hindi naman pala umalis ang binata ay nainis pa siya rito. Lalo na nang tanungin siya nito ng ganun."Hindi ah!" Ngumiti pa ito ng nakakaloko sa kaniya."Naku, isang linggo mo lang akong hindi nakita ay pinahalata mo namang na namimiss mo na agad ako." Kunwari siyang nagtaray rito kahit na ang totoo ay namiss niya nga ito agad. "Nagpapakita na naman siya ng kapal sa mukha.""Anong namimiss? I-miss mo yang mukha mo. At bakit naman kita mamimiss ha?" Pagtataray niya ulit na hindi naman tumalab sa binata sa halip ay ngumiti lang at mas lumapit pa na nag
"Anong ginagawa mo dito? Paano mo ako natunton dito?" Imbis na sagutin ang tanong niya ngumisi lang ito sa kaniya at iyon ang ngiting ayaw niyang makita."Bakit, hindi ka ba masaya na makita ako?" Tanong rin nito habang papalapit sa kaniya. Hindi niya mawari kung anong klaseng ngiti ang binibigay nito sa kaniya. Nakakakilabot."I knew I could found you here. I've been looking for you for damn two weeks tapos nandito ka lang pala? Hinahanap kita sa kompanya mo pero sabi nila umalis ka daw. Akala ko hindi na kita mahahanap pa.""Baliw ka na! Wala kang karapatan para hanapin at sundan ako dito! Hindi ba sinabihan na kita? Ayaw na kitang makita. Tantanan mo na ako, Harold." "No, Celes. We need to talk. Ilang linggo kitang hinanap, hindi ko basta-bastang balewalain na lang ang pinaghirapan ko mahanap ka lang. Gumastos pa ako ng malaking pera masundan ka lang, ngayon pa ba ako susuko?" Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito ng masama. Gayunpaman ay pilit pa rin niyang pinapakalma ang sar
Nang gumaan na ang kaniyang pakiramdam ay sinalinan siya nito ng tubig. Nakaupo siya ngayon sa kama niya habang nakatungo ang ulo. Bigla kasi siyang nakaramdam ng hiya dahil sa nangyari sa kanila ni Harold kanina."Dinala na yung lalaki sa prisento. Ngayon ay wala ka nang dapat ipangamba pa. Sisiguraduhin kong hindi na siya makakalapit pang muli sa iyo." Tumango lang siya at ininom ang tubig na inabot nito sa kaniya. "Nga pala, gusto ko lang sabihin na kaya ako pumunta dito ay para humingi ng pasensya tungkol dun sa nangyari kanina. Nagpapasalamat ako na nakarating ako sa saktong oras para matigil ang karahasang ginagawa ng lalaking iyon sa'yo kanina.""Salamat sa pagligtas sakin kanina, Jhairo. Pasensya na rin kung natunghayan mo iyon. Nakakahiya naman." Nagtaka naman ito sa sinabi niya."What do you mean, Celestine? No..don't mind it, wala ka dapat ikahingi ng sorry sakin. I just wanted to help you with that maniac." Nag-aalinlanagan si Celestine na tumitig sa binata. Nag-aalinlana
After that incident, tumawag ako ng security guard at pinadala sa kulungan ang lalaki. Pinakalma ko si Celestine and handed her a glass of water. I could tell that she was uncomfortable and scared. It makes my heart clenched seeing her like that. Nalaman ko na yung lalaking nagtangka ng masama sa kaniya ay ang ex-boyfriend niya. Aba, ang lakas talaga ng loob ng siraulong iyon. Kung hindi lang ako dumating, marahil ay natuloy niya ang balak niya kay Celestine. But fortunately I came and I won't let that happen to her again. No one dares to touch or hurts her again. Nainis ako sa mga sinabi niya sakin noong gabing iyon. How could she say that? Para bang nagsisisi siya sa halik namin. But I'm sure of it, nagustuhan niya rin iyon. I could see it in her eyes. She likes it too. Binigyan ko siya ng space at umalis sa cottage niya. But damn, I can't get her out of my mind. Kinabukasan ay magdamag akong naglasing. Habang iniisip ko iyon ay nasasaktan ako. Feeling ko parang rejected na na
Jhairo's Story,I thought love was eternal and unconditional. When entering into a relationship, love knows no bounds. And love is the best thing in the world. That made me question myself, why can't I? I have no flaws, no insecurities, and I can do everything I want. I have everything. But why wasn't I even allowed to be loved? Am I not good enough? Is my love not good enough? I have an ex-girlfriend and I love her more than anything else. I did everything for her and even gave my whole love to her. I trusted her just how much she trusted me. Kahit kailan ay hindi ako tumingin sa iba dahil para sakin sapat na siya at ni minsan ay hindi ko naisip na lokohin siya. I never cheated on her even once because I knew myself that she's the only one I needed and I've wanted in my life. But she broke me. She broke my heart and my trust. Ang malala pa, siya mismo ang umamin na gusto niya ang pinsan ko. The worst thing is he got her pregnant. She admitted in front of me how she loves the man. S
"Tama ba ang desisyon mo, Sis? Bibigyan mo siya ng chance sayo?" Tiningnan ko si Carlie nang may ngiti sa labi habang inaayos ang papeles na pinapagawa ni Daddy sakin. "Oo, Carlie. Saka ano namang masama dun? Gwapo naman siya, may kaya rin. At pinakita niya rin kung gaano siya kainteresado sakin." Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Carlie dahil sa sinabi ko. Hindi naman daw siya tutol. Ang palagi niya lang pinapaalala sakin ay kung kakayanin ko ba gayong unang karanasan ko pa lang ito, na magkaroon ng isang karelasyon. No boyfriend kasi ako since birth kaya wala pa akong experience sa mga ganitong bagay. May mga nagkakagusto sakin. May mga time na nagkakaroon rin ako ng crush, kapag feeling ko lang. Ngunit hanggang doon lang ako. Ewan ko ba, mas focus lang yata ako sa magiging future ko that time.Ngunit iba ngayon. Nag-iba ang lahat ng iyon nang makilala ko si Harold. Ang lalaking dumating sa aking buhay. "Bukod pa dun, pareho kami ng interes. Alam mo bang mahilig din siyang gum
"Huyy, ano yan?" Kaagad kong tinigilan ang pagsusulat sa papel at itinago iyon sa aking bulsa. Kasalukuyan akong nakaupo sa ilalim ng puno na madalas naming tambayan ni Cecille, ang kababata kong kaibigan. "Wala." Umiwas ako ng tingin at umayos ng upo. "Sus, tinatago mo pa." Anas naman ni Cecille bago umupo sa tabi ko. "Love letter iyang sinusulat mo noh?" "It's not a love letter." Pagtatannggi ko. Ayaw kong malaman niya. Hindi muna sa ngayon dahil hindi pa ako handa. Highschool pa lang kami at marami pa akong pangarap. Pangarap para sa future namin. Gusto ko, pag-umamin na ako ay iyong handa na ako. "Speaking of which, may mga nagpapadala ng love letter at gifts sakin sa bahay. Minsan naman nilalagay sa locker ko sa school. Ni hindi ko malaman kung sino kasi anonymous lang ang nakalagay. Pa-mysterious, amp.." Nagkunwari akong walang alam at walang pake. Kahit ang totoo naman ay ako ang nagpapadala ng mga love letters at gifts sa kaniya. "So, you have an admirer, huh? Good for
Naalimpungatan siya nang may mainit na kamay ang humawak sa pisngi niya. Agad siyang nagising nang maalala na nakatulog na pala siya. Tiningnan niya ang paligid niya. Nasa kotse sila kanina nang makaidlip siya kaya nagtaka siya kung bakit biglang nasa hindi pamilyar na silid siya ngayon."Welcome home." Tumingin siya kay Jhairo nang may pagtataka."Nasan tayo?" Tumayo siya at tumingin sa may balcony. Lumapit siya dun at tiningnan ang buong paligid. Naalala niya ang dalampasigan sa Resort na pinuntahan niya nang makita niya ang dagat sa di kalayuan. Nakikita rin niya ang papalubog na araw na senyales na malapit nang dumilim. Naramdaman rin niya ang paghalik ng malakas na hangin sa kaniyang balat. Tila bumalik siya sa lugar na iyon. "Ano sa tingin mo? Maganda ba dito?" Nilingon niya ang binata habang nangingilid ang mga luha sa mata niya."Bakit mo ako dinala dito? Ano na naman bang pakulo mo?" Nagtataka itong lumapit sa kaniya."Anong pakulo ba ang sinasabi mo, Celestine? Pinatayo ko
Nang matapos siyang kumain ay nakaramdam naman agad siya ng antok kaya umidlip muna siya. Hindi na niya nalaman kung ilang oras siyang tulog. Basta nagising na lang siya na may tumatapik sa kaniya."Ma'am, kailangan na po kayo sa meeting. Ikaw na lang po ang inaantay nila sa conference room.""Talaga ba? Anong oras na ba?" Tanong niya sa empleyado bago inayos ang sarili."11:30 am po ang simula ng meeting. 12 pm na po ngayon. Late na po kayo ng kalahating oras." Napahawak na lang siya ng ulo nang mapagtanto iyon."Sige, pupunta na ako." Hindi na niya pinansin ang sariling ayos at agad na tumungo sa conference room.Nang makapasok siya roon ay laking gulat niya nang nasa harap niya ang taong hindi niya inaasahang makita. Nakaupo ito sa dulo ng mesa habang kaharap ang mga kleyente at kasosyo nila. Tahimik siyang umupo at pinilit na huwag iyon bigyan ng pansin.Naging maayos naman ang meeting nila kahit na minsan ay malapit na siyang makaidlip sa sobrang antok. Kaya nang matapos ang meet
Nang matapos maghanda ng umagahan si Celestine ay hindi na siya nakapag-antay pa kaya pinuntahan na niya si Jhairo upang tawagin ito at magsabay na silang kumain. Hindi pa siya nakakarating sa gawi nito nang marinig na niya ang boses nitong naiinis mula sa labas ng kwarto. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan nito sa kabilang linya sa telepono kaya wala sa sariling pinakinggan niya ang sinasabi nito."Basta Kuya. I don't love her and that's it. At kung mabubuntis man siya, hindi akin iyon. Malay mo nakipagtalik na pala siya sa ibang lalaki at hindi ko alam. I would never love someone like her. Kung tutuusin, hindi ko naman siya pinilit na gawin iyon. Hindi ko na kasalanan na binigay niya ang sarili niya. Basta hindi ko siya pananagutan." Nanlambot siya sa narinig mula mismo sa bibig nito.Hindi niya akalain na maririnig niya iyon, sa tao pang pinagkatiwalaan at minahal na niya ng buong-buo. Sapat na iyon para sabihing siya ang pinag-uusapan nito sa kabilang linya. At pinagsabi p
Ilang oras siyang nanatili roon sa veranda hanggang sa gumabi na. Iniisip niya na kanina pa lang na puntahan ang binata subalit sinusumpong rin siya ng pangamba at nerbyos kaya hindi siya nakakapagdesisyon. Nakokonsensya siya ngunit pinapangunahan siya ng kaba sa tuwing gustong-gusto na niyang puntahan ang tinutuluyan ng binata. May pagkakataon na lalabas na siya ng silid niya subalit bumabalik rin siya dulot ng kaba."Kalma lang Celestine. Kumalma ka lang, kaya mo yan. Huwag kang magpaapekto sa takot. Pupuntahan mo lang naman siya para humingi ng sorry. Yun lang at wala nang iba. Woooh, okay." Huminga siya ng malalim at pinilit na kinalma ang sarili."Okay, final na to. Pupuntahan ko na talaga siya. I'm ready." Pinaypay niya pa ng sariling kamay ang sarili nang makaramdam ulit siya ng kaba pero pinilit niya pa ring kumalma.Nang lumakad na siya sa labas patungo sa Cottage ni Jhairo ay kinakabahan pa rin siya. Ramdam niya rin ang panginginig ng kaniyang dalawang kamay habang tinataha
Nang gumaan na ang kaniyang pakiramdam ay sinalinan siya nito ng tubig. Nakaupo siya ngayon sa kama niya habang nakatungo ang ulo. Bigla kasi siyang nakaramdam ng hiya dahil sa nangyari sa kanila ni Harold kanina."Dinala na yung lalaki sa prisento. Ngayon ay wala ka nang dapat ipangamba pa. Sisiguraduhin kong hindi na siya makakalapit pang muli sa iyo." Tumango lang siya at ininom ang tubig na inabot nito sa kaniya. "Nga pala, gusto ko lang sabihin na kaya ako pumunta dito ay para humingi ng pasensya tungkol dun sa nangyari kanina. Nagpapasalamat ako na nakarating ako sa saktong oras para matigil ang karahasang ginagawa ng lalaking iyon sa'yo kanina.""Salamat sa pagligtas sakin kanina, Jhairo. Pasensya na rin kung natunghayan mo iyon. Nakakahiya naman." Nagtaka naman ito sa sinabi niya."What do you mean, Celestine? No..don't mind it, wala ka dapat ikahingi ng sorry sakin. I just wanted to help you with that maniac." Nag-aalinlanagan si Celestine na tumitig sa binata. Nag-aalinlana