Makalipas ang isang linggo ay nag-impake na ng mga gamit si Celestine. Kakatapos pa lang niyang gawin lahat ang mga papeles sa opisina niya nung nakaraang linggo bago siya dumiretso sa Condo niya. Kaunting gamit lang naman ang dadalhin niya kasi isang buwan lang naman siya magbabakasyon.
"Hindi ka ba talaga sasama sakin? Para naman may kasama ako dun. Saka para mapasyalan mo rin ang mga lugar dun." Tanong niya sa pinsan na nakahiga na sa kama niya nang lingunin niya ito. Gusto daw kasi nitong makita siyang umalis sa Condo niya para daw masiguro na totoo ngang aalis siya para magbakasyon na tinawanan niya lang. Kalaunan ay naniwala rin naman ito. "Hindi na. Gustuhin ko man Sis pero hindi pwede kung hindi rin naman kasama yung boyfie ko. Busy kasi yun sa work niya, eh ayaw ko naman siyang iwanan kasi baka mamiss ko lang siya. And of course, naisip ko rin na you need to be alone. Besides, you should go anywhere you want, think about something that really makes you happy until you decide which path you wanted to choose to step forward for a new beginning. Para pagbalik mo dito, everything is fine." Napag-isipan rin niya iyon dati. Buti na lang ipinaalala sa kaniya ni Carlie na kamuntikan pa niyang makalimutan. "Parang nabasa ko na ang katagang iyon ah?" Lumabi naman ito sa sinabi niya at ikinumpas ang kamay sa ere saka umiling-iling. "Ikaw naman , apaka-judgmental. Huyyy, sariling qoutes ko kaya yon noh. Wag ka ngang epal dyan. Palibhasa kasi hindi ka marunong gumawa ng sarili mong qoutes." Paglalabi nito na nginitian niya naman ng may panunukso. "Wow, ako pa talaga? Eh nung nag first year high school ka nga, sakin mo pa pinagawa yung love letter mo para sa crush mong haliparot. Sabi mo pa nga sakin nun, ''Sis, gawan mo naman ako ng matamis at malaromansang love letter" Ginaya pa niya ang pananalita nito at humagikhik. "Buti nga hindi napansin ng crush mo na ako yung nagsulat nun. Kung hindi—" "Kung hindi siguradong sa iyo maiinlababo ang haliparot. Naku, wag mo ngang banggitin pa ang manlolokong haliparot na yun. Naiinis lang ako pag binabalikan iyon eh." Hindi naman mapigilan ang tawa niya dahil sa panunukso rito na halos mamula na sa inis. "Umalis ka na nga! Dapat may lovelife ka na pagbalik mo ah? Much better pa nga kung pagbalik mo kasal ka na!" Panunukso nito na agad namang nawala ang tawa niya saka lumabi sa pinsan. Ito naman ang ngumisi na may panunukso ang tingin. "Tumahimik ka na nga dyan. Aalis na ako. Yung Condo ko ayusin mo. Bantayan mo palagi." Saka na niya pinagulong ang maleta niya at umalis sa silid niya. Ilang oras ang binyahe niya papuntang Batangas. Nagtaxi lang siya dahil ayaw niyang magmaneho. Umidlip muna siya saglit ngunit agad namang siyang nagising. At dahil malayo pa ang binabyahe niya at wala siyang ibang magawa ay nagtipa na lang muna siya sa cellphone niya. Malapit nang maubusan ang baterya ng phone niya ngunit sapat pa iyon upang magamit niya. Ginawa niya ang pagsaliksik sa internet patungkol sa Resort na pupuntahan niya sa Batangas. Maganda nga talaga ito mula sa nakikita niyang mga litrato. Sa palagay naman niya ay walang gugulo doon sa kaniya lalo na si Harold. Iyon din naman ang isa pa niyang rason kung bakit gusto niyang lumayo saglit, upang hindi makita ang ex-boyfriend niya na palagi na lang siyang ginugulo. Nang makarating na siya sa Resort ay tumungo kaagad siya sa admin at may tinatanong rito. Agad naman siyang inasistahan patungo sa cottage na tutuluyan niya. Nang makarating nga sila sa cottage niya ay pumasok na siya roon. Naupo siya sa kama at binuksan ang phone na sa mga oras na iyon ay ubos na ang baterya. Buti na lang ay nahanap niya agad ang saksakan kaya chinarge niya na ang phone. Gabi na rin siya nakarating sa resort at wala pang kain simula kaninang umaga kaya nakaramdam na siya ng gutom. Kaya lumabas siya sa cottage niya upang tumungo sa isang malapit na kainan. Matapos niyang kumain ay bumalik na rin kaagad siya sa cottage na tinutuluyan niya. Bago matulog ay naghilamos muna siya pagkatapos ay tinanggal sa saksakan ang phone niya. Pagkagising niya kinabukasan ay kinusot niya ang mata dahil sa nakakasilaw na liwanag na tumatama sa mukha niya mula sa repleksyon ng araw sa bintana. Humikab siya at nag-inat ng katawan bago bumangon. Pagtingin niya pa lang ng oras sa cellphone niya ay saktong alas Otso na ng umaga. Napangiti siya nang mapansin ang oras ng gising niya ngayon. Ngayon pa lamang siya nagising ng maaga sa ganung oras. Nakaramdam siya ng kaginhawaan sa mga oras na iyon. Nangingiting lumapit siya sa beranda at pinakiramdam ang sariwang hangin na dumadampi sa kaniyang balat. "Good morning, Sunshine!" Ngayon pa lang niya ulit nasambit ang katagang iyon matapos ang ilang taon. Sinasabi niya lang kasi ang katagang iyon sa tuwing maganda ang gising niya kapag lilipas ang umaga. Hindi niya alam kung bakit niya iyon muling nasambit gayung matagal na niyang pinaalala sa sarili na hindi na niya muling sasambitin ang katagang iyon gayung wala na ang taong dahilan na naging maganda ang gising niya sa tuwing umaga at magsasabi ng katagang iyon sa pagmulat niya ng mga mata. Ang kaniyang ina na matagal nang namayapa sampung taon na ang nakakalipas. Ngunit sa mga sandaling iyon ay wala siyang kaalam-alam kung bakit niya iyon nasambit. Masyado siyang masaya at kontento sa mga sandaling iyon. Ang mahalaga lang sa kaniya ay maginhawa na muli ang kaniyang pakiramdam at payapa na ang kaniyang isip. Hindi niya maitatanggi na ngayon pa lang niya ulit naramdaman iyon matapos ang ilang taon. Ganun pala ang pakiramdam pag walang inaalalang mabigat sa kalooban at pag walang gumugulo na hindi maganda sa isipan. Tila naging maayos na ang lahat sa kaniya, walang mabigat at higit sa lahat ay payapa siya. Dahil malapit lang sa cottage niya ang dalampasigan ay madali lang niya itong mapupuntahan. Kaya hindi siya nag-aksaya ng oras, lumabas na siya sa cottage niya upang magtungo sa dagat. Hindi pa siya nakapagpalit ng damit ngunit hindi na niya iyon pinansin pa sa halip ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Buti na lang ay wala pang mga tao ang nakikita niya. Dumampi na kaagad sa kaniyang katawan ang malakas na hangin. Kitang-kita at rinig na rinig niya ang malakas na alon ng dagat sa umagang iyon. Sapat na iyon upang mapangiti siya dahil sa magandang tanawin na nakikita niya. Ramdam niya ang mabigat at malakas na pagsampal ng hangin sa katawan niya dahilan upang dumikit sa balat niya ang suot na manipis na roba. Wala pa naman siyang suot na bra kaya malamang ay nahahalata na ang pag-arko ng dibdib niya sa suot na roba. Nabaling ang kaniyang tingin sa isang lalaki na umahon sa nag-uunahang alon ng dagat mula sa di kalayuan. Sa mga sandaling iyon ay hindi niya natanggal ang tingin sa taong palapit na ng palapit habang umaahon sa dagat at habang papalapit ng papalapit ito ay mas naaaninag na niya ang mukha nito. Bagaman wala itong suot na pang-itaas ay malaya niyang natitigan ang matitipuno nitong katawan lalo na ang anim na pandesal sa tiyan nito, sabayan pa ang kagwapuhan nitong mukha. Kung titignan ng maigi ang hitsura nito ay hindi mapagkakailang marami ang maaring mabighani sa lalaki dahil sa gwapo na ay pa makisig pa. Pang modelo na sa magasin ang datingan nito. Nailunok niya ang sariling laway at biglang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na init sa katawan nang lumingon ito sa gawi niya. Agad siyang tumalikod at walang lingon-likod na nagtungo pabalik sa kaniyang Cottage. Napapikit siya habang hawak-hawak ang dibdib kung saan nakapwesto ang puso niya na sa mga oras na iyon ay ramdam at naririnig niya ang malalakas na pagtibok niyon. 'Oh my gosh! Ano itong nararamdaman ko ngayon! Bakit ko ito nararamdaman?!'Naalimpungatan siya nang may mainit na kamay ang humawak sa pisngi niya. Agad siyang nagising nang maalala na nakatulog na pala siya. Tiningnan niya ang paligid niya. Nasa kotse sila kanina nang makaidlip siya kaya nagtaka siya kung bakit biglang nasa hindi pamilyar na silid siya ngayon."Welcome home." Tumingin siya kay Jhairo nang may pagtataka."Nasan tayo?" Tumayo siya at tumingin sa may balcony. Lumapit siya dun at tiningnan ang buong paligid. Naalala niya ang dalampasigan sa Resort na pinuntahan niya nang makita niya ang dagat sa di kalayuan. Nakikita rin niya ang papalubog na araw na senyales na malapit nang dumilim. Naramdaman rin niya ang paghalik ng malakas na hangin sa kaniyang balat. Tila bumalik siya sa lugar na iyon. "Ano sa tingin mo? Maganda ba dito?" Nilingon niya ang binata habang nangingilid ang mga luha sa mata niya."Bakit mo ako dinala dito? Ano na naman bang pakulo mo?" Nagtataka itong lumapit sa kaniya."Anong pakulo ba ang sinasabi mo, Celestine? Pinatayo ko
"Huy, Sis. Ano na? Natameme ka dyan?" Nabalik lang siya sa reyalidad nang muling magsalita ang pinsan sa kabilang linya. "Pwede bang wag ka nang magtanong? Wala ako sa mood magkwento. Ikaw talaga, masyado kang maraming iniisip kesa sakin. Tumigil ka nga dyan." Pagsasaway niya rito at naramdaman naman niya ang paglalabi nito kahit di niya nakikita. "Nagtatanong lang naman eh. Ang sungit naman nito. Sige na nga ibababa ko na to. Bye, take care Sis." Nang ibaba na nito ang tawag ay nilagay na niya phone sa bedside table niya saka humiga, tinitigan niya ang kisame at ipinikit ang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang makatulog. Sa kalagitnaan ng kaniyang mahimbing na pagtulog ay nakaramdam siya ng isang mabigat na bagay na humahaplos sa kaniyang pisngi. Sa kyuryusidad, inaantok pa ma'y pinilit pa rin niyang imulat ang sariling mga mata. Sa gulat ay ni hindi niya magalaw ang buong katawan upang makabangon at hindi man lang niya maibuka ang bibig upang magpakawala ng isang boses. Hind
Lumipas na ang tatlong araw at sa loob ng tatlong araw na iyon ay mas lalong guminhawa ang pakiramdam ni Celestine. Syempre hindi rin nawala sa isip niya na pumasyal sa ilang lugar roon na may magagandang tanawin. Nagtampisaw rin siya sa dagat at paglipas naman ng gabi ay sa swimming pool naman siya naligo malapit lang din sa cottage niya. Madalas namang sumasagi sa kaniyang isipan ang lalaki at sa aaminin niya ay may bahagi sa kaniya na gusto itong makita. Pero wala naman siyang oras para makipaglandian at isa pa ay hindi naman siya iyong tipo na naghahabol sa isang tao kahit pa sabihin na may gusto siya sa taong iyon. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit siya nakarararamdam ng kakaibang sensasyon sa tuwing nakikita o nasasalubong niya ang lalaki gayung kakakilala pa lang niya rito. Hindi niya rin alam kung may girlfriend na ba ito o wala para tawaging binata. Sa gwapong iyon at may makisig na pangangatawan ay malabo namang wala pa itong naging karelasyon. Napapailing na
Nang gabing iyon ay magkasama nga silang nagdinner. Mga tawanan at masasayang kwento ang halos nagagawa nila habang kumakain. At sa aaminin ay tuluyan na ngang nagkalapit ang loob ng dalawa. Hindi naman sila nahirapan na kilalanin ang isa't isa kaya mabilis silang naging magkaibigan. "Pasensya ka na pala nung nakaraang araw ha? Kahit ano-ano na lang ipinaratang ko sa iyo nun." Napalingon naman ang binata sa kaniya bago ngumiti. "Huwag mo na iyong isipin, lumipas na yun. Look at me now, I'm totally fine and most of all nasa harapan mo ako nakikipagkwentuhan sayo. I'm not mad at you, don't worry." Napairap naman siya nang bigla sumagi ulit yung nangyari kaya niya ito sinigawan nung araw na iyon. "Ikaw naman kasi. Kasalanan mo iyon. Kung hindi mo lang ako tiningnan sa dibdib nun hindi sana kita nasabihan ng mga ganung salita. Nakakababa kaya ng dignidad ko yung ginawa mo." Panglalabi niya rito na nagpatigil naman sa binata. "No, hindi kita tinitingnan sa dibdib mo." Pangtatanggi nito
Ilang sandaling nanatili siya dun nang maisipan na niyang bumalik na lang sa cottage niya dahil naiinip na siya. Pabalik na siya sa tinutuluyang cottage nang may humawak sa braso niya at iharap siya rito. Ngumiti ito sa kaniya nang makita niya ito."Jhairo!" Gulat niyang sambit ng pangalan sa harap nito. Pinakawalan na nito ang paghawak sa braso niya habang nakaharap pa rin sila sa isa't isa. "Miss me?" Imbis na maging masaya siya dahil hindi naman pala umalis ang binata ay nainis pa siya rito. Lalo na nang tanungin siya nito ng ganun."Hindi ah!" Ngumiti pa ito ng nakakaloko sa kaniya."Naku, isang linggo mo lang akong hindi nakita ay pinahalata mo namang na namimiss mo na agad ako." Kunwari siyang nagtaray rito kahit na ang totoo ay namiss niya nga ito agad. "Nagpapakita na naman siya ng kapal sa mukha.""Anong namimiss? I-miss mo yang mukha mo. At bakit naman kita mamimiss ha?" Pagtataray niya ulit na hindi naman tumalab sa binata sa halip ay ngumiti lang at mas lumapit pa na nag
"Anong ginagawa mo dito? Paano mo ako natunton dito?" Imbis na sagutin ang tanong niya ngumisi lang ito sa kaniya at iyon ang ngiting ayaw niyang makita."Bakit, hindi ka ba masaya na makita ako?" Tanong rin nito habang papalapit sa kaniya. Hindi niya mawari kung anong klaseng ngiti ang binibigay nito sa kaniya. Nakakakilabot."I knew I could found you here. I've been looking for you for damn two weeks tapos nandito ka lang pala? Hinahanap kita sa kompanya mo pero sabi nila umalis ka daw. Akala ko hindi na kita mahahanap pa.""Baliw ka na! Wala kang karapatan para hanapin at sundan ako dito! Hindi ba sinabihan na kita? Ayaw na kitang makita. Tantanan mo na ako, Harold." "No, Celes. We need to talk. Ilang linggo kitang hinanap, hindi ko basta-bastang balewalain na lang ang pinaghirapan ko mahanap ka lang. Gumastos pa ako ng malaking pera masundan ka lang, ngayon pa ba ako susuko?" Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito ng masama. Gayunpaman ay pilit pa rin niyang pinapakalma ang sar
Nang gumaan na ang kaniyang pakiramdam ay sinalinan siya nito ng tubig. Nakaupo siya ngayon sa kama niya habang nakatungo ang ulo. Bigla kasi siyang nakaramdam ng hiya dahil sa nangyari sa kanila ni Harold kanina."Dinala na yung lalaki sa prisento. Ngayon ay wala ka nang dapat ipangamba pa. Sisiguraduhin kong hindi na siya makakalapit pang muli sa iyo." Tumango lang siya at ininom ang tubig na inabot nito sa kaniya. "Nga pala, gusto ko lang sabihin na kaya ako pumunta dito ay para humingi ng pasensya tungkol dun sa nangyari kanina. Nagpapasalamat ako na nakarating ako sa saktong oras para matigil ang karahasang ginagawa ng lalaking iyon sa'yo kanina.""Salamat sa pagligtas sakin kanina, Jhairo. Pasensya na rin kung natunghayan mo iyon. Nakakahiya naman." Nagtaka naman ito sa sinabi niya."What do you mean, Celestine? No..don't mind it, wala ka dapat ikahingi ng sorry sakin. I just wanted to help you with that maniac." Nag-aalinlanagan si Celestine na tumitig sa binata. Nag-aalinlana
Ilang oras siyang nanatili roon sa veranda hanggang sa gumabi na. Iniisip niya na kanina pa lang na puntahan ang binata subalit sinusumpong rin siya ng pangamba at nerbyos kaya hindi siya nakakapagdesisyon. Nakokonsensya siya ngunit pinapangunahan siya ng kaba sa tuwing gustong-gusto na niyang puntahan ang tinutuluyan ng binata. May pagkakataon na lalabas na siya ng silid niya subalit bumabalik rin siya dulot ng kaba."Kalma lang Celestine. Kumalma ka lang, kaya mo yan. Huwag kang magpaapekto sa takot. Pupuntahan mo lang naman siya para humingi ng sorry. Yun lang at wala nang iba. Woooh, okay." Huminga siya ng malalim at pinilit na kinalma ang sarili."Okay, final na to. Pupuntahan ko na talaga siya. I'm ready." Pinaypay niya pa ng sariling kamay ang sarili nang makaramdam ulit siya ng kaba pero pinilit niya pa ring kumalma.Nang lumakad na siya sa labas patungo sa Cottage ni Jhairo ay kinakabahan pa rin siya. Ramdam niya rin ang panginginig ng kaniyang dalawang kamay habang tinataha
After that incident, tumawag ako ng security guard at pinadala sa kulungan ang lalaki. Pinakalma ko si Celestine and handed her a glass of water. I could tell that she was uncomfortable and scared. It makes my heart clenched seeing her like that. Nalaman ko na yung lalaking nagtangka ng masama sa kaniya ay ang ex-boyfriend niya. Aba, ang lakas talaga ng loob ng siraulong iyon. Kung hindi lang ako dumating, marahil ay natuloy niya ang balak niya kay Celestine. But fortunately I came and I won't let that happen to her again. No one dares to touch or hurts her again. Nainis ako sa mga sinabi niya sakin noong gabing iyon. How could she say that? Para bang nagsisisi siya sa halik namin. But I'm sure of it, nagustuhan niya rin iyon. I could see it in her eyes. She likes it too. Binigyan ko siya ng space at umalis sa cottage niya. But damn, I can't get her out of my mind. Kinabukasan ay magdamag akong naglasing. Habang iniisip ko iyon ay nasasaktan ako. Feeling ko parang rejected na na
Jhairo's Story,I thought love was eternal and unconditional. When entering into a relationship, love knows no bounds. And love is the best thing in the world. That made me question myself, why can't I? I have no flaws, no insecurities, and I can do everything I want. I have everything. But why wasn't I even allowed to be loved? Am I not good enough? Is my love not good enough? I have an ex-girlfriend and I love her more than anything else. I did everything for her and even gave my whole love to her. I trusted her just how much she trusted me. Kahit kailan ay hindi ako tumingin sa iba dahil para sakin sapat na siya at ni minsan ay hindi ko naisip na lokohin siya. I never cheated on her even once because I knew myself that she's the only one I needed and I've wanted in my life. But she broke me. She broke my heart and my trust. Ang malala pa, siya mismo ang umamin na gusto niya ang pinsan ko. The worst thing is he got her pregnant. She admitted in front of me how she loves the man. S
"Tama ba ang desisyon mo, Sis? Bibigyan mo siya ng chance sayo?" Tiningnan ko si Carlie nang may ngiti sa labi habang inaayos ang papeles na pinapagawa ni Daddy sakin. "Oo, Carlie. Saka ano namang masama dun? Gwapo naman siya, may kaya rin. At pinakita niya rin kung gaano siya kainteresado sakin." Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Carlie dahil sa sinabi ko. Hindi naman daw siya tutol. Ang palagi niya lang pinapaalala sakin ay kung kakayanin ko ba gayong unang karanasan ko pa lang ito, na magkaroon ng isang karelasyon. No boyfriend kasi ako since birth kaya wala pa akong experience sa mga ganitong bagay. May mga nagkakagusto sakin. May mga time na nagkakaroon rin ako ng crush, kapag feeling ko lang. Ngunit hanggang doon lang ako. Ewan ko ba, mas focus lang yata ako sa magiging future ko that time.Ngunit iba ngayon. Nag-iba ang lahat ng iyon nang makilala ko si Harold. Ang lalaking dumating sa aking buhay. "Bukod pa dun, pareho kami ng interes. Alam mo bang mahilig din siyang gum
"Huyy, ano yan?" Kaagad kong tinigilan ang pagsusulat sa papel at itinago iyon sa aking bulsa. Kasalukuyan akong nakaupo sa ilalim ng puno na madalas naming tambayan ni Cecille, ang kababata kong kaibigan. "Wala." Umiwas ako ng tingin at umayos ng upo. "Sus, tinatago mo pa." Anas naman ni Cecille bago umupo sa tabi ko. "Love letter iyang sinusulat mo noh?" "It's not a love letter." Pagtatannggi ko. Ayaw kong malaman niya. Hindi muna sa ngayon dahil hindi pa ako handa. Highschool pa lang kami at marami pa akong pangarap. Pangarap para sa future namin. Gusto ko, pag-umamin na ako ay iyong handa na ako. "Speaking of which, may mga nagpapadala ng love letter at gifts sakin sa bahay. Minsan naman nilalagay sa locker ko sa school. Ni hindi ko malaman kung sino kasi anonymous lang ang nakalagay. Pa-mysterious, amp.." Nagkunwari akong walang alam at walang pake. Kahit ang totoo naman ay ako ang nagpapadala ng mga love letters at gifts sa kaniya. "So, you have an admirer, huh? Good for
Naalimpungatan siya nang may mainit na kamay ang humawak sa pisngi niya. Agad siyang nagising nang maalala na nakatulog na pala siya. Tiningnan niya ang paligid niya. Nasa kotse sila kanina nang makaidlip siya kaya nagtaka siya kung bakit biglang nasa hindi pamilyar na silid siya ngayon."Welcome home." Tumingin siya kay Jhairo nang may pagtataka."Nasan tayo?" Tumayo siya at tumingin sa may balcony. Lumapit siya dun at tiningnan ang buong paligid. Naalala niya ang dalampasigan sa Resort na pinuntahan niya nang makita niya ang dagat sa di kalayuan. Nakikita rin niya ang papalubog na araw na senyales na malapit nang dumilim. Naramdaman rin niya ang paghalik ng malakas na hangin sa kaniyang balat. Tila bumalik siya sa lugar na iyon. "Ano sa tingin mo? Maganda ba dito?" Nilingon niya ang binata habang nangingilid ang mga luha sa mata niya."Bakit mo ako dinala dito? Ano na naman bang pakulo mo?" Nagtataka itong lumapit sa kaniya."Anong pakulo ba ang sinasabi mo, Celestine? Pinatayo ko
Nang matapos siyang kumain ay nakaramdam naman agad siya ng antok kaya umidlip muna siya. Hindi na niya nalaman kung ilang oras siyang tulog. Basta nagising na lang siya na may tumatapik sa kaniya."Ma'am, kailangan na po kayo sa meeting. Ikaw na lang po ang inaantay nila sa conference room.""Talaga ba? Anong oras na ba?" Tanong niya sa empleyado bago inayos ang sarili."11:30 am po ang simula ng meeting. 12 pm na po ngayon. Late na po kayo ng kalahating oras." Napahawak na lang siya ng ulo nang mapagtanto iyon."Sige, pupunta na ako." Hindi na niya pinansin ang sariling ayos at agad na tumungo sa conference room.Nang makapasok siya roon ay laking gulat niya nang nasa harap niya ang taong hindi niya inaasahang makita. Nakaupo ito sa dulo ng mesa habang kaharap ang mga kleyente at kasosyo nila. Tahimik siyang umupo at pinilit na huwag iyon bigyan ng pansin.Naging maayos naman ang meeting nila kahit na minsan ay malapit na siyang makaidlip sa sobrang antok. Kaya nang matapos ang meet
Nang matapos maghanda ng umagahan si Celestine ay hindi na siya nakapag-antay pa kaya pinuntahan na niya si Jhairo upang tawagin ito at magsabay na silang kumain. Hindi pa siya nakakarating sa gawi nito nang marinig na niya ang boses nitong naiinis mula sa labas ng kwarto. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan nito sa kabilang linya sa telepono kaya wala sa sariling pinakinggan niya ang sinasabi nito."Basta Kuya. I don't love her and that's it. At kung mabubuntis man siya, hindi akin iyon. Malay mo nakipagtalik na pala siya sa ibang lalaki at hindi ko alam. I would never love someone like her. Kung tutuusin, hindi ko naman siya pinilit na gawin iyon. Hindi ko na kasalanan na binigay niya ang sarili niya. Basta hindi ko siya pananagutan." Nanlambot siya sa narinig mula mismo sa bibig nito.Hindi niya akalain na maririnig niya iyon, sa tao pang pinagkatiwalaan at minahal na niya ng buong-buo. Sapat na iyon para sabihing siya ang pinag-uusapan nito sa kabilang linya. At pinagsabi p
Ilang oras siyang nanatili roon sa veranda hanggang sa gumabi na. Iniisip niya na kanina pa lang na puntahan ang binata subalit sinusumpong rin siya ng pangamba at nerbyos kaya hindi siya nakakapagdesisyon. Nakokonsensya siya ngunit pinapangunahan siya ng kaba sa tuwing gustong-gusto na niyang puntahan ang tinutuluyan ng binata. May pagkakataon na lalabas na siya ng silid niya subalit bumabalik rin siya dulot ng kaba."Kalma lang Celestine. Kumalma ka lang, kaya mo yan. Huwag kang magpaapekto sa takot. Pupuntahan mo lang naman siya para humingi ng sorry. Yun lang at wala nang iba. Woooh, okay." Huminga siya ng malalim at pinilit na kinalma ang sarili."Okay, final na to. Pupuntahan ko na talaga siya. I'm ready." Pinaypay niya pa ng sariling kamay ang sarili nang makaramdam ulit siya ng kaba pero pinilit niya pa ring kumalma.Nang lumakad na siya sa labas patungo sa Cottage ni Jhairo ay kinakabahan pa rin siya. Ramdam niya rin ang panginginig ng kaniyang dalawang kamay habang tinataha
Nang gumaan na ang kaniyang pakiramdam ay sinalinan siya nito ng tubig. Nakaupo siya ngayon sa kama niya habang nakatungo ang ulo. Bigla kasi siyang nakaramdam ng hiya dahil sa nangyari sa kanila ni Harold kanina."Dinala na yung lalaki sa prisento. Ngayon ay wala ka nang dapat ipangamba pa. Sisiguraduhin kong hindi na siya makakalapit pang muli sa iyo." Tumango lang siya at ininom ang tubig na inabot nito sa kaniya. "Nga pala, gusto ko lang sabihin na kaya ako pumunta dito ay para humingi ng pasensya tungkol dun sa nangyari kanina. Nagpapasalamat ako na nakarating ako sa saktong oras para matigil ang karahasang ginagawa ng lalaking iyon sa'yo kanina.""Salamat sa pagligtas sakin kanina, Jhairo. Pasensya na rin kung natunghayan mo iyon. Nakakahiya naman." Nagtaka naman ito sa sinabi niya."What do you mean, Celestine? No..don't mind it, wala ka dapat ikahingi ng sorry sakin. I just wanted to help you with that maniac." Nag-aalinlanagan si Celestine na tumitig sa binata. Nag-aalinlana