Home / Romance / King's Prostitute / Chapter Three

Share

Chapter Three

Author: Levantandose
last update Last Updated: 2022-09-10 08:49:36

NAKALABAS na ng hospital ang aking ama pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang balita o mensahe mula kay King Velazquez. Dalawang Lingo na ang nakalilioas mula ng magkausap kami pero hindi pa rin siya nagpaparamdam.

Pero kung iisipin ko mas pabor nga sa akin 'yun. At least malaya ko pa rin nagagawa ang mga gusto ko.

Napatingin ako sa aking ama nang may tumawag sa cellphone nito. Kasalukuyan kaming naghahapunan nang lapitan ito ng personal nurse nito para iabot ng cellphone. Sinabi nito na importate raw kaya inabot ni Meryl ang cellphone sa aking ama. Hanggat maaari kasi hindi humahawak ang ama ko ng kahit na anong gadgets.

"Yes, Norman? Nagpunta dyan ang sekretarya ni Velazquez?"

Natigilan ako nang marinig ko ang apelyido ni King. Marahan kong naibaba ang hawak kong mga kubyertos. Napaisip ako. Ano kaya ang nangyari?

Tumingin sa kanya ang ama niya na para bang siya ang pinag-uusapan nito at ni Norman. Hindi ko rin maiwasan na kabahan.

"Sige. Ibalita mo sa akin lahat ng mga nangyayari dyan sa kumpanya," huling sinabi nito bago ibinalik ang cellphone kay Meryl.

"Gusto mo bang malaman kung ano ang kinahinatnan ng biglaang desisyon mo, Grace?" halata sa boses niya ang galit nito para sa akin.

"May nangyari ba?"

"Pumunta ngayon sa kumpanya natin ang sekretarya ni Velazquez para ipaalam na simula ngayong araw siya na ang mamamahala ng kumpanya ko!"

"Iyon naman ho ang sabi niya. Tutulungan niya ang kumpanya na makaahon ulit. At babayaran niya ang mga pagkaka-utang ninyo sa banko. Safe na ang lahat ganu'n din ang mansion na ito."

Natawa ng pagak ang aking ama. "Akala mo ba ganu'n lang 'yon? He's not named beastly for nothing. Kaya niyang pumatay ng walang pag-aalinlangan kung gugustohin niya. At ang lahat ng mga ginagawa niyang pagtulong sa atin, ikaw ang kapalit."

Kumabog ng mabilis ang puso ko sa sinabing iyon ng aking ama. Ang kabang nararamdaman ko ay hindi maipagkakaila nang magkausap ko siya, pero partida tanging sa malaking monitor lang kami nangkaharap how much more kung sa personal pa?

"S-sa tingin ko naman hindi niya ako magagawang saktan, Dad."

Tumaas ang kilay nito. "Iyan ba ang panibiwala mo? Alam mo bang may asawa na si Velazquez noon at bigla na lang nabalitaang namatay? Hinala ng lahat siya ang dahilan ng pagkamatay ng asawa niya."

Napalunok ako ng wala sa oras. Bigla tuloy ako nakaramdam ng pagsisisi sa nagawa kong desiyson. Pero may paraan pa ba para bawiin ang lahat? Pero kung gagawin ko 'yon, paano ang kumpanya at ang mansion? Makakaya ko bang mawala ang mga ito?

"May paraan pa para maiwasan si Velazquez," sabi ng ama niya. Marahil nakita nito ang takot sa aking mga mata.

"A-ano po?"

"Magtago ka at magpakalayo-layo."

"Pero paano ho ang kumpanya, itong mansion at ikaw, Dad?"

"Huwag mo na akong alalahanin. Walang ibang iportante sa akin kundi ikaw. Mas handa kong isakripisyo ang lahat huwag ka lang. Iyan ang ipinangako ko sa iyong ina bago siya bawian ng buhay."

Hindi ko napigilan ang pagpatak ang aking mga luha. Bakit ngayon ko lang nakikita ang mga pagsasakripisyo at pagmamahal sa akin ng aking ama? Ngayon ako nakakaramdam ng pagsisisi kung bakit hindi ako nagpakatino. Kung sana tinulungan ko siya noon, hindi aabot sa ganito ang lahat.

"Bukas na bukas umalis ka. Magpunta ka sa Aurora at doon magtago. Meron doong bahay na minana ng mommy mo mula sa kanyang lola. Doon pwede kang mag-stay. Tatawagan kita kapag ayos na ang lahat."

"Paano ho si King, Dad?"

"Ako na ang bahala sa kanya. Gawin mo kung ano ang mas makabubuti para sa'yo. Nagkakaintindihan ba tayo, Mary Grace?"

Dahil sa takot na nararamdaman ko, wala akong ibang naisagot kundi tango. Pagsangayon sa gustong mangyari ng aking ama.

KINABUKASAN nga ay bumiyahe ako papunta sa Aurora sakay ng inarkilang sasakyan ng aking ama. Inubos nito ang laman sa kaha de oro nito at pinadala sa akin. Sa tingin ko naglalaman iyon ng isang milyon.

Bago na rin ang numero ng cellphone ko para raw hindi ma-track ni King Velazquez kung nasaan ako.

Hindi ko pa alam ang kahaharapin ko sa Aurora sanpagpunta ko dun. Nag-aalala rin ako sa aking ama dahil baka mapano ito sa bigla kong pagtakas sa kasunduang nabuo namin ni King.

Nasa gitna kami ng byahe nang biglang huminto ang sasakyan na sakay ko. Napamura pa ako dahil muntikan akong mapunta sa harapan ng sasakyan sa biglaang pag-preno ng sasakyan.

Nang tingnan ko kung ano ang nangyari, may isang lalaking nakasakay sa motor ang nakaharang sa gitna ng daanan. Binubusinahan ito ng driver pero tila wala itong planong umalis.

Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto sa tabi ko at sapilitan akong hinila palabas ng isang lalaki.

"Get off me!" sigaw ko habang kumakawala mula sa pagkakahawak nito. Pero masyado siyang malakas para makakawala ako.

Kinuha ng mga ito ang mga gamit ko sasakyan bago isinakay sa itim na van at sapilitan akong isinakay doon.

"Damn you!" sikmat ko sa lalaki nang bitawan na niya ako. Nanakit ang braso ko sa paraan ng paghawak nito.

"Who the fuck are you?!" tanong ko sa kanila. Natatakot man ay pinilit ko iyong itago.

Pero imbis na sagutin ako ng lalaking may hawak sa akin kanina ay kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.

"Boss, kasama na namin siya," anito. Pero sino naman kayang boss ang kausap nito?

"Tama ho kayo. Pinaplano niyang umalis at magpakatago."

Sa sinabi nito ay nahuhulaan na niya kung sino ang kausap nito. Walang iba kundi si King Velazquez.

"Sige, Boss," anito na binaba na ang tawag.

"S-saan ninyo ako dadalhin?!" tanong niya.

"Manahinik ka kung ayaw mong masaktan!" Inambahan pa siya ng isang lalaki.

"Owen, itigil mo 'yan! Malalagot tayo kay boss kapag nagkaroon siya ng kahit isang galos," sabi ng lalaking may hawak sa kanya kanina.

"At ikaw! Manahimik ka na lang. Ireserba mo na lang 'yang tapang mo kapag nakaharap mo na si boss!" Baling nito sa kanya.

Dahil sa takot din ay minabuti ko na lang ang manahimik sa buong byahe. Medyo kulang-kulang isang oras kami nasa daan bago pumasok ang van sa malaking itim na tarangkahan. Ilang minutong tinahak ng van ang mahabang daan bago huminto ang sasakyan sa malaking bahay. Isa iyong makalumang disenyo, na tila ka nagpunta sa sinaunang panahon. Napapalibutan naman ng iba't-ibang halaman ang mansion.

"Baba!" sigaw sa akin ng lalaki.

"Bababa ako. Hindi mo ako kailangan sigawan!" sikmat ko sa kanya.

Bumaba ako sa sasakyan at hindi mapigilang mamangha sa nakikita mismo ng aking mga mata. Sa unang tingin parang wala lang ang mansion, pero kapag nakita mo na ito ng malapitan masasabi mong napakaganda ni'yon.

"Pasok." Halos itulak ako papasok ng lalaki sa mansion. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa mga kalalakihan.

Dila ako ng mga ito sa isang kwarto kung tawagin ay drawing room. "Maghintay ka lang dito," sabi ng lalaking humawak sa kanya kanina bago isara ang pintuan.

Nililibot ng mga mata ko ang kwarto habang marahan akong naupo sa sofa. Wala naman masyadong espesyal sa kwartong ito maliban sa mini bar na nandito. Habang naghihintay ako, hindi na mapigilang isipin si Dad. Alam na kaya nito na hawak na ako ni King Velazquez? Hindi ko maiwasang hindi kabahan sa pagkikita namin ngayon ng personal ni King.

Halos isang oras ako naghihintay sa kwarto nang bumukas ang pintuan at iniluwa ni'yon ang isang lalaking mahaban ang buhok, maputi, gwapo at may dala itong attache case. Alam kong hindi siya si King Velazquez dahil walang maskara ang kalahati ng mukha nito.

"Good morning, Miss Aranzado. I'm Lufert, personal secretary of Mr. Velazquez," bati nito sa kanya at naupo sa kaharap kong upuan.

"Where's King Velazquez? Bakit ikaw ang humarap sa akin ngayon? Bakit niya ako dinala rito?" sunod-sunod kong tanong.

"Sagot mo sa una mong tanong, Mr. Velazquez is out of the country. Second, ako ang napag-utusan niyang humarap sayo at makipag-usap. And lastly, you're here because you have an agreement with my boss."

"Alam ninyo bang kidnapping itong ginagawa ninyo?! Kapag hindi ninyo ako pinaalis idedemanda ko kayo!"

Natawa siya na para bang joke lang ang mga sinabi ko. "Go ahead, Miss Aranzado. Sa tingin mo ba mapapakulong ni'yan ang boss ko? You already underestimating him when you're trying to escape earlier."

"I-I'm not," pagsisinungaling ko.

"Really? No one can fool my boss, Miss Aranzado."

"B-balak ko lang talagang magbakasyon habang hindi pa kami kasal. Y-you know, sinusulit ko lang ang pagkadalaga ko. Masama ba 'yun?"

Tumaas ang sulok ng labi nito na para bang hindi kapakapaniwala ang mga sinabi ko. Napatingin ako sa papeles na inilabas nito mula sa pulang attache case.

"Basahin mo, unawain mo bago mo pirmahan," sabi nito.

"Ano naman 'yan?"

"Isa itong kontrata sa pagitan ninyo ng boss ko. Mula sa pagpapakasal hanggang sa pagkakaroon ninyo ng anak."

Kinuha ko ang papel at binasa ang mga nakalagay dito. Ang sabi, sa oras na maikasal na kami gagawin ni King Velazquez ang lahat para maisalba ang kumpanya at babayaran nitong lahat ng pagkaka-utang ng aking ama. Pangalawa, sa oras na maikasal na kami magkakaroon ako ng buwanang allowance sa halagang isang milyon. Pangatlo, kailangan kong gampanan ang pagiging asawa ni King Velazquez mula sa harap ng ibang tao hanggang sa pangangailangan nito bilang isang lalaki. Pangapat, hindi ko raw maaaring dungisan ang pangalan niya. Panglima, sa oras na mabigyan ko siya ng anak ay babayaran niya ako ng sampung milyon. Pang-anim matatapos lang ang kontrata naming dalawa kung kailan nito gugustohin. Pangpito, maaari ko lang siyang makita sa oras ng kailanganin siya at sa panahon lang na gustohin nito. Pangwalo, dapat kong gawin ang lahat ng gusto niya. At ang panghuli, don't fall in love with him.

"Ito lang ba?"

Tumango ito. "Yes, Miss Aranzado."

"Paano naman ako makakasiguro na hindi ako sasaktan ni King Velazquez?"

"Just don't betray him, he will never hurt you, Miss Aranzado. Kung nabasa at naintindihan mo ang mga nakalagay dyan. You can now signed the contract."

Ako naman ang kusang lumapit kay King Velazquez para hingiin ang tulong nito. Ngayong nandito na ako at kung willing talaga ang binata na tulungan ng aking ama bakit hindi ko pa i-grab ang opurtunidad?

"Lahat ng nakasulat dito ay pabor lang kay King Velazquez. Maaari ba akong maglagay din ng para sa akin?"

"Sure, Miss Aranzado. Sabihin mo at aayusin ko."

"Hindi ako pwedeng saktan ni King Velazquez pati na rin ang aking ama. Kapag nangyari 'yon mababaliwala lahat ng nakapaloob sa kontratang ito kasama ng magiging anak naming dalawa."

Tumango ito. "Idadagdag ko 'yan, Miss Aranzado. Babalik ulit ako sa oras na ma-idagdag ko 'yan sa kontrata." Ibinalik na nito ang papel sa loob ng attache case."

"Pwede na ba akong umuwi?"

Tiningnan siya nito at tipid na nginitian. "I'm sorry to say this but you can't leave this mansion."

Nangunot ang noo ko. "Bakit naman?"

"Because my boss doesn't allow you to leave this mansion."

"P-pero..."

"Remember his number eight rule, Miss Aranzado."

"Pero hindi pa ako pumipirma!"

"Pero lumabag ka na agad sa usapan ninyo nang tangkain mong umalis," anito na tumayo na. "See you tomorrow, Miss Aranzado. Don't worry, aasikasuhin ka ng mayordoma ng mansion na 'to. Aalis na ako," iyon lang at tuluyan na itong lumabas ng kwarto.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at marahas na nagpakawala ng buntong-hininga. Kapag minamalas ka nga naman!

Naimulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at pumasok mula roon ang isang may katandaan ng babae. Formal na formal ito sa suot nitong itim na uniporme. Sunod na pumasok ang dalawa pang babae na tulad nito ay nakasuot din ng uniporme oang kasambahay pero iba iyon sa suot ng matandang babae. Sa tingin niya ito ang mayordoma ni Lufert.

"Magandang umaga, Miss Aranzado. Ako nga pala si Menchin, ang mayordoma ng mansion na 'to. Binilinan ako ni young master na asikasuhin kita," sabi ng may katandaang babae.

Buntong hiningang tumayo ako. "Ayoko sa lugar na 'to pero may magagawa pa ba ako? Asaan na ang mga gamit ko?" masungit niyang tanong.

"Nasa kwarto mo na ang lahat ng gamit mo, Miss Aranzado."

"May kwarto na agad ako?"

"Sasamahan ka ni Jessy sa magiging kwarto mo." Tumingin ito sa suot nitong orasang pambisig. "Ipapatawag na lang kita kapag tanghalian na." Iyon lang at tumalikod na ito.

"Halika na, Miss Aranzado?" Anyaya nito sa akin at nagpatiuna itong maglakad.

Pagkalabas namin sa drawing room ay hindi ko mapigilang ilibot ang aking mga mata sa paligid ng mansion. Hindi ganu'n kadami ang mga gamit at wala man lang akong makitang kahit na anong litrato sa paligid.

"Dito po ang daan, Miss Aranzado," pukaw sa akin ni Jessy nang hindi ko namalayang huminto pala ako sa paglalakad.

Paakyat na ako sa hagdan nang muli akong nalahinto nang mapatingin ako sa isa pang hagdanan na papunta naman sa kabilang bahagi ng mansion.

"Iyan ho ang west wing. Wala ho pwedeng ibang pumunta dyan maliban kay young master at kila Sir Rufert at Miss Menchin na lubos na pinagkakatiwalaan ni young master."

Nagtatakang tumingin ako kay Jessy. "Bakit bawal pumunta sa lugar na yan?"

Nagkibit ito ng balikat. "Iyan din ho ang tanong ko mula ng magtrabaho ako rito." Nginitian niya ako. "Halika na ho kayo, Miss Aranzado." Muli itong nauna sa paglalakad.

Huling sulyap ang ginawa ko sa kabilang bahagi ng mansion bago sumunod kay Jessy.

Related chapters

  • King's Prostitute   Chapter Four

    HINDI pa sumisilay ang haring araw ay gising na ako. Hindi nga ako sigurado kung nakatulog nga ba talaga ako o hindi. Pakiramdam ko magdamag na mulat ang aking mga mata. Very comfortable naman ang kamang hinihigaan ko at maganda ang silid na pinagdalhan sa akin, hindi ko lang talaga maiwasan na makaramdam ng takot sa sitwasyon ko ngayon, idagdag pa ang pag-aalala ko sa aking ama.Marahan akong bumangon sa kama at naupo lang sa gitna ng king size bed tsaka malakas na nagpakawala ng isang buntong-hininga. Ito na nga ba ang umpisa ng pagbabago sa buhay ko? Ano nga ba ang magiging silbi ko sa buhay ni King?Buntong-hiningang umalis ako sa ibabaw ng kama at naglakad palabas sa veranda na kanuog ng kwartong kinaroroonan ko. Agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin pagkalabas ko. Napapikit ako nang dumampi sa aking mukha ang hangin. Nakangiting suminghot ako ng hangin at marahan ko iyong ibinuga. Dahil sa sariwang hangin at magandang tanawin, nakalimutan ko kung ano ang sitwasyon k

    Last Updated : 2022-10-04
  • King's Prostitute   Chapter Five

    MAGANDA ang gising ko nang magising ako kinaumagahan. Bumangon ako at pagkatapos ay nag-inat ng aking katawan.Ayaw ko ng mamoblema sa problemang meron ako ngayon dahil ayokong pumangit kakaisip. At dahil sa maganda ang panahon, nagdesisyon akong mag workout sa garden. Sayang naman ang ganda ng lugar na ito kung ibuburo ko lang ang sarili ko sa kwarto diba?Nagtungo ako sa banyo para maghilamos at magpalit ng damit. Pagkatapos kong magbihis ng damit pang-workout. Bitbit ang mga equipment ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa garden. Pagkarating ko roon ay inayos ko ang aking mga gamit bago nagsimulang mag-workout.Natigil ako sa ginagawa nang mapansin ko ang paglapit ni Rufert sa akin. Hindi ba personal assistant ito ni King? Wala ba itong ginagawang trabaho para nandito siya palagi?"May kailangan ka?""Umh... I'm sorry to interrupt you, Miss Grace but Mr. Velazquez forbid to workout here."Nangunot ang noo ko. "Paano niya nalaman? Sinabi mo? Sumbungero.""Trabaho ko na sabihin

    Last Updated : 2022-10-14
  • King's Prostitute   Chapter Six

    INIS na nakaupo lang ako na parang bata sa may balkunahe ng aking kwarto. Naiinis pa rin ako hanggang ngayon dahil hindi man lang nagpakita sa akin si King Velazquez. Nagpirmahan ng marriage certificate na wala man lang ang presensya niya. Ang mas ikinaiinis niya ay imbis na ang lalaki ang magpakita, bodyguard niya ang dumating.Kung tutuosin dapat nga maging masaya pa ako dahil hindi nagpapakita si King sa akin at nagbubuhay prinsesa pa rin ako hanggang ngayon. Pero hindi ko alam kung bakit ba ako nakakaramdam ng pangungulila sa kanya kahit hindi pa kami minsan na nagkikita. Siguro, marahil dahil na rin sa alam kong asawa ko na siya ngayon.Marahas akong napabuntong hininga habang nakatanaw lang sa malawak na kapaligiran ng mansion, ni hindi ko nga alam kung saang lupalop ba ako ng Pilipinas naroon sa mga oras na ito.May kumatok sa pinto at ilang saglit ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ni'yon."Madam, pinapasabi ni Boss na pwede kang lumabas at magpunta sa lugar na gusto mo."H

    Last Updated : 2022-11-11
  • King's Prostitute   Prologue

    PAGEWANG-GEWANG na pumasok ako sa mansion. Kauuwi ko lang galing sa Midnight Club. Wala ako ibang gustong gawin ngayon kundi ang humiga at matulog. Paakyat na sana ako ng makita ko si Dad na mag-isang umiinom sa sala. Lagi naman siyang ganito, iinom na parang may malaking pinoproblema.Buti pa ang alak nagagawa niyang harapin, samantalang ako na anak niya ay hindi man lang mabigyan ng pansin. Lalagpasan ko na sana si Dad ng tawagin niya ako, pero nanatili lang siyang nakatalikod sa akin."Grace.""Bakit?" pabalang kong sagot."Kailan ka ba magtitino?"I rolled my eyes. Ilang beses na niya ba itong tinanong sa akin? Hindi ko na mabilang sa sobrang dami.Hindi ko sinagot si Dad at wala akong balak na sumagot. Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko pa paakyat sa hagdan nang muli siyang magsalita."We might lose our company," anito na nagpahinto sa akma kong pag-akyat.Ano raw? Tama ba ang pagkakarinig ko o dala lang ng kalasingan?"And we don't have enough money to live," sabi pa nito.Til

    Last Updated : 2022-08-28
  • King's Prostitute   Chapter One

    TININGALA ko ang mataas na building company ng Velazquez Group of Companies. Nandito ako dahil may gusto akong malaman, tungkol sa inalok ni King Velasquez sa aking ama. Kung bakit at ano ang dahilan ng pagtulong ng mga ito?Nagbuga ako ng hangin bago humakbang papasok sa building. Agad akong nagtungo sa reception area para tanungin kung pang-ilang floor ang opisina ni King Velasquez, ang CEO ng Velazquez Group of Companies."Pang-ilang palapag ang opisina ni King Velazquez?" bungad ko sa babaeng receptionist. Nagtinginan sila ng kasama nitong kapwa babaeng receptionist bago muling humarap sa kanya."What is your name, Miss?""Mary Grace Aranzado." taas ang kilay na sagot ko.Muling nagtinginan ang dalawang babae. Seriously, ano ba ang problema ng dalawang bruha na ito?"Sorry, Miss Aranzado. But right now, Mr. Velazquez is busy at the moment."Umarko ang isa kong kilay. "Wala akong pakialam. Just tell him that I'm here. Siguradong mas gugustohin niya akong makausap kaysa sa mga kaus

    Last Updated : 2022-08-28
  • King's Prostitute   Chapter Two

    "WHAT do you need, Miss Aranzado?" malalim ang boses na tanong ni King Velazquez sa akin ng mag-appear siya sa malaking monitor na nandito sa opisina niya.Kanina pa ako nandirito sa opisina nito pero wala pa rin akong mahanap na tamang salita na sasabihin sa kanya. Para akong pinanlalambutan sa tuwing nakikita ko siya kahit pa ngayon ko pa lang siya nakita mula sa monitor.Pero ang malaking katanungan na tumatakbo sa isip ko; bakit sa monitor lang ito nagpapakita? Takot ba ito sa tao?Tinitigan niya ako. Ito na naman ang tingin niyang walang kaemo-emosyon. Ano ba ang lalaking ito, robot? But I couldn't deny it, ang katotohanang gwapo pa rin siya kahit na may takip ang kalahati nitong mukha."You're wasting my time for nothing, Miss Aranzado. Kung wala kang sasabihin umalis ka na."Lihim kong nilunok ang namuong laway sa aking lalamunan. "I am here because of your offer to my father that you wanted to marry me, Mr. Velazquez."Nangunot ang noo nito. "How did you know about it? Did you

    Last Updated : 2022-08-29

Latest chapter

  • King's Prostitute   Chapter Three

    NAKALABAS na ng hospital ang aking ama pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang balita o mensahe mula kay King Velazquez. Dalawang Lingo na ang nakalilioas mula ng magkausap kami pero hindi pa rin siya nagpaparamdam.Pero kung iisipin ko mas pabor nga sa akin 'yun. At least malaya ko pa rin nagagawa ang mga gusto ko.Napatingin ako sa aking ama nang may tumawag sa cellphone nito. Kasalukuyan kaming naghahapunan nang lapitan ito ng personal nurse nito para iabot ng cellphone. Sinabi nito na importate raw kaya inabot ni Meryl ang cellphone sa aking ama. Hanggat maaari kasi hindi humahawak ang ama ko ng kahit na anong gadgets."Yes, Norman? Nagpunta dyan ang sekretarya ni Velazquez?"Natigilan ako nang marinig ko ang apelyido ni King. Marahan kong naibaba ang hawak kong mga kubyertos. Napaisip ako. Ano kaya ang nangyari?Tumingin sa kanya ang ama niya na para bang siya ang pinag-uusapan nito at ni Norman. Hindi ko rin maiwasan na kabahan."Sige. Ibalita mo sa akin lahat ng mg

  • King's Prostitute   Chapter Two

    "WHAT do you need, Miss Aranzado?" malalim ang boses na tanong ni King Velazquez sa akin ng mag-appear siya sa malaking monitor na nandito sa opisina niya.Kanina pa ako nandirito sa opisina nito pero wala pa rin akong mahanap na tamang salita na sasabihin sa kanya. Para akong pinanlalambutan sa tuwing nakikita ko siya kahit pa ngayon ko pa lang siya nakita mula sa monitor.Pero ang malaking katanungan na tumatakbo sa isip ko; bakit sa monitor lang ito nagpapakita? Takot ba ito sa tao?Tinitigan niya ako. Ito na naman ang tingin niyang walang kaemo-emosyon. Ano ba ang lalaking ito, robot? But I couldn't deny it, ang katotohanang gwapo pa rin siya kahit na may takip ang kalahati nitong mukha."You're wasting my time for nothing, Miss Aranzado. Kung wala kang sasabihin umalis ka na."Lihim kong nilunok ang namuong laway sa aking lalamunan. "I am here because of your offer to my father that you wanted to marry me, Mr. Velazquez."Nangunot ang noo nito. "How did you know about it? Did you

  • King's Prostitute   Chapter One

    TININGALA ko ang mataas na building company ng Velazquez Group of Companies. Nandito ako dahil may gusto akong malaman, tungkol sa inalok ni King Velasquez sa aking ama. Kung bakit at ano ang dahilan ng pagtulong ng mga ito?Nagbuga ako ng hangin bago humakbang papasok sa building. Agad akong nagtungo sa reception area para tanungin kung pang-ilang floor ang opisina ni King Velasquez, ang CEO ng Velazquez Group of Companies."Pang-ilang palapag ang opisina ni King Velazquez?" bungad ko sa babaeng receptionist. Nagtinginan sila ng kasama nitong kapwa babaeng receptionist bago muling humarap sa kanya."What is your name, Miss?""Mary Grace Aranzado." taas ang kilay na sagot ko.Muling nagtinginan ang dalawang babae. Seriously, ano ba ang problema ng dalawang bruha na ito?"Sorry, Miss Aranzado. But right now, Mr. Velazquez is busy at the moment."Umarko ang isa kong kilay. "Wala akong pakialam. Just tell him that I'm here. Siguradong mas gugustohin niya akong makausap kaysa sa mga kaus

  • King's Prostitute   Prologue

    PAGEWANG-GEWANG na pumasok ako sa mansion. Kauuwi ko lang galing sa Midnight Club. Wala ako ibang gustong gawin ngayon kundi ang humiga at matulog. Paakyat na sana ako ng makita ko si Dad na mag-isang umiinom sa sala. Lagi naman siyang ganito, iinom na parang may malaking pinoproblema.Buti pa ang alak nagagawa niyang harapin, samantalang ako na anak niya ay hindi man lang mabigyan ng pansin. Lalagpasan ko na sana si Dad ng tawagin niya ako, pero nanatili lang siyang nakatalikod sa akin."Grace.""Bakit?" pabalang kong sagot."Kailan ka ba magtitino?"I rolled my eyes. Ilang beses na niya ba itong tinanong sa akin? Hindi ko na mabilang sa sobrang dami.Hindi ko sinagot si Dad at wala akong balak na sumagot. Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko pa paakyat sa hagdan nang muli siyang magsalita."We might lose our company," anito na nagpahinto sa akma kong pag-akyat.Ano raw? Tama ba ang pagkakarinig ko o dala lang ng kalasingan?"And we don't have enough money to live," sabi pa nito.Til

DMCA.com Protection Status